Memoirs of Mara

Malaya kang sumulat ng mga alaala. Malungkot man o masaya.

20/10/2022

"Kung Mawawala"

written (10/30/2021) and voiced: Mara

Disclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the video and background sound featured in this post. All rights belong to the rightful owner/s.

Video references:
https://youtu.be/MiN_kgpkn-U
https://youtu.be/3cnLkNak6h4

28/05/2022

Isa kang mapa.

Hindi lahat alam ang 'yong halaga at hindi lahat naiintindihan ka. Ngunit ako? Alam ko kung bakit nandiyan ka, alam ko kung bakit ibinigay ka. Isa kang instrumentong may buhay— isang gabay sa katulad kong manlalakbay; direksyon sa mga sakay, nitong pabago-bagong buhay.

Ayaw mong may maligaw. Kaya't inililimbag mo nang mabuti ang daang dapat tahakin, upang lahat ay tagumpay na makarating. Hindi ka rin madamot sa pagpapayo. Sinasamahan mo kahit ang ruta ay naliko at malayo. Siguro nga hindi kita magiging kabisado, ngunit laging ipagpapasalamat ko ang pagiging patnubay mo. Patuloy na samahan mo sana ang mga 'tulad ko, na naglalakbay para maabot ang dulo.

Sapagkat isa kang mapa. At alam ko kung bakit nandiyan ka.

Mapa | 04.16.2022
Memoirs of Mara

Dedicated to Ms. April Santos Eligio

***

Photo: https://pin.it/7KJlT2Z

27/05/2022

Marahil sa ngayon ay nawawala ka pa
Naghahanap pa rin ng bawat mong piraso sa mga nadadaanang kalsada
Sinusubukang kilalanin ang 'yong repleksyon sa mata ng iba
Sa dagat; sa langit tuwing takipsilim at gabi— doon mo nalang nahahanap ang kalma
Nag-aabang kung may sagot na ba sa mga tanong
Naghihintay kung may tugon na ba ang buwan sa minsan mong ibinulong
Baka naiinip ka na, "kailan ko kaya siya ulit makikita?" madalas mong wika
Sana malapit na, mahanap mo sana ang dapat na para sa 'yo
At kung hindi mo man matagpuan ang dating ikaw na hinahanap mo
Alam kong matatagpuan mo ang mas magandang bersyon na gusto mo
Gusto ko ring malaman mo, na kung ano ka man sa ngayon
Yung "ikaw" na 'yan na hindi man perpekto
Ay tanggap at minamahal din ng mga tao

***
Photo: https://pin.it/1aGBpsc

23/05/2022

Ayos lang naman ang mag-isa
Pero mas masarap siguro sa pakiramdam—
kung may kasama

***
Photo: https://pin.it/35bYEpW

23/05/2022

Pagod na akong maalala ka sa lahat. Kaya sinubukan ko ang magpakalunod hindi sa dagat kundi sa alak. Mga punông baso ang itinagay, nagsunog ng atay, nakikampay hanggang ang kaluluwa sa katawan ay humiwalay; nagpaduyan-duyan, at sa ikot ay sumabay.

Akala ko kasi, 'pag nagpakalasing ako makalilimutan na kita, na paggising ko, 'yung nararamdaman kong sakit dahil sa 'yo, wala na. Akala ko 'pag nagpakalasing ako, maisusuka ko na lahat ng sama ng loob, maiiyak ko na lahat ng pagod, hindi pa rin pala. Dahil noong nakabalik ako sa reyalidad. Ni isang hakbang pala ay wala pa akong naiusad. Baka ang isa o dalawa ay hindi sapat, kaya umulit nang umulit, naranasan na gumapang at mga tuhod ay magsugat— ang mawalang muli sa ulirat.

Wala naman akong napala kundi pagkabutas ng bulsa at sakit ng ulo sa umaga. Nakakaawa na sa kagustuhan kong kalimutan ka, sarili ko ang nakalimutan ko habang patuloy ka pa ring naaalala.

Ang tanga.

Shot Puno| 05/23/2022

***
Photo: https://pin.it/3UCTKBP

21/05/2022

"Mahal kita higit pa bilang kaibigan."

***
Photo: https://pin.it/1xh08M3

20/05/2022

Hindi man tayo perpekto
Ang mahalaga natututo

***
Photo: https://pin.it/3gI3atq

14/04/2022

Hindi na ako bata para maniwala sa mga salitang "Patawad, hindi ko sinasadya".

Nahuli ka na
Tumatanggi ka pa
Alam mo ang ginawa mo
Ginusto mong pagtaksilan ako
Sinong maniniwalang mahal mo ako?
Kung nakuha mo ang makapagloko
Hindi ka nakuntento
Hindi ako naging sapat sa'yo
Kahit parang sobra pa ang ibinibigay ko

Huwag ka nang humingi ng pangalawang pagkakataon
Walang ganon!

***

Photo: https://pin.it/3YIkrMp

13/04/2022

Saan at paano kita nawala?

Ang huling tanda ko, magkasabay tayong tumatawid ng kalsada. Hawak-hawak kita, mahigpit pa nga dahil importante ka. Ganoon ang pag-iingat ko sa 'yo, na tipong ayaw kitang bitiwan kahit isang minuto. 'Yon bang hindi ako mapakali kapag wala ka sa 'king tabi. Para akong kulang kapag wala ka. Hindi kumpleto— hindi buo. Kung kaya't ipinagdaramot kita, hindi ko hinahayaang hiramin o kunin ng iba—dahil akin ka.

Kaya't paanong nawala kita? Ganoong ilang taon na kitang iniingatan. Masyado ba akong naging palagay kaya ang pagkawala mo ay hindi ko namalayan?

Hinanap kita. Wala ka sa k'warto kahit madalas ka lang namang nandito. Halos halughugin ko na ang bahay sa pagbabakasakaling nandiyan ka lang ngunit wala ni anino mo.

Nagtanong tanong ako, ngunit wala raw ang nakakita sa 'yo. Walang makapagturo kung saan kita hahanapin at walang makapagsabi kung saan kita sasalubungin. Hindi naman kasi ako mahusay sa paghahanap lalo na't ikaw at ikaw lang ang bukod tangi kong pangarap. Kaya bakit sa higpit at ingat ko sa'yo, bakit ka nawala? Senyales na ba ito ng tadhana na hindi tayo ang para sa isa't isa at panahon na para isara ang kabanatang wala ka.

04.12.2022

***

Photo: https://pin.it/KINE2BV

A Collaboration of Memoirs of Mara and Writer's Corner

09/04/2022

Hindi ka nagsabi ng totoo noong sinabi mo sa 'king nakalimutan mo na siya— nagsinungaling ka.

Nalaman kong tinatago mo pa rin ang mga larawan niyong dalawa. Napatulo nalang ang aking mga luha habang tinitingnan kung gaano kayo kasaya— kung gaano ka kasaya.
Dahil yung tingkad ng mga mata mo? hindi ko 'yon nakikita kapag tayo ang magkasama. Malayo sa kung ano kayo at tayo kung ikukumpara.

Kaya pala—

Kaya pala madalas ka pa ring sumulat ng mga tula na tungkol sa kung paano kayo nagwakas kaysa sa kung paano tayo nagkakilala. Kaya pala parang hindi ako ang laman ng iyong mga prosa dahil alaala mo pa rin 'yon sa kanya. Kaya pala naglasing ka noong nabalitaan nating ikakasal na siya.

Siya pa rin ang nasa isip mo kahit balot na ako ng mga bisig mo— kahit ako ang nandito. Siguro nga, pinili mo ako dahil ako lang ang nandito.

Nagsinungaling ka. Wala naman talaga akong p'westo diyan sa puso mo. Hindi totoong ako na ang mahal mo.

Sinungaling ka.

Sinungaling| 04.09.2022

***
Photo: https://pin.it/hDAFGaM

27/03/2022

Nandito lang ako, nakaabang sa pagbalik mo.

Baka sakali.

***
Photo: https://pin.it/5cgC0qx

Photos from We Write To Help's post 11/02/2022
18/01/2022

Walang imposible sa taong may pangarap, tatag at sipag. ✨

***
Photo: https://pin.it/74eUqXj

17/01/2022

Hindi ako sigurado kung natagpuan na ba kita. Pero baka— maaaring minsan na tayong nagkasalubong o sabay na tumawid sa kalsada, minsang nagkatinginan at nagkatitigan ang mga mata. Minsang nagkatabi sa dyip, traysikel o kaya naman naging magkasunod sa pila. Maaaring kilala na kita ngunit sa ngayon ay pareho tayong wala pang ideya na tayo pala ang para sa isa't isa. Hindi pa ito ang panahon para sa ating dalawa. Baka abala ka rin sa pagpapalago ng 'yong sarili, sa pag-abot ng mga pangarap para sa' yo at sa' yong pamilya.

Hindi ko alam kung nasaan ka ba talaga. Kung nakita na ba kita o hindi pa. Basta sa ngayon, tumitingala tayo sa iisang langit, umiibig sa iisang buwan at mga tala. At doon sa kalawakan, matagal nang magkakilala ang ating mga kaluluwa.

Baka natagpuan na kita. Oo o hindi, alin man sa dalawa, darating ang araw na kahit hindi pa kita naging kabisado ay magiging pamilyar ang 'yong mga mata. Babagal ang pag-usad ng kamay ng orasan at ang tibok ng mga puso ay magiging kasing tunog ng luma ngunit paborito nating kanta. Maaalala mo ako at malalaman natin na 'yon na ang araw na itinakda— para sa ating dalawa.

Matatagpuan din kita, sa buwan man o dito sa lupa.

01|17|2022

***
Photo: https://pin.it/2zlFAJY

12/01/2022

Kasabay ng paghampas ng mga alon ang unti-unti mong pagbabalik sa aking gunita. Tangay-tangay niya papalapit sa 'kin ang mga alaala ng huli nating pagkikita.

Katabi kita. Dito sa saktong p'westong kinauupuan ko. Nalulunod tayo noon sa katahimikan, hindi alam kung anong mga paglilinaw at paliwanag ang dapat pakawalan. Tanging tinig lang ng dagat ang naririnig, ramdam natin na inaanod ang kupas na pag-ibig. Hanggang sa ang paalam nalang nga ang ating nasambit, at hindi na natin mapipilit.

Muli, luha na naman ang naging kapalit, ng pagbabakasakaling ika'y bumalik at magkita tayo ulit.

04/01/2022

Minsan ka nang pinanghinaan dahil sa mga pagsubok
Nagkulong sandali sa k'warto at umiyak sa sulok
Ngunit alam mo at naniniwala ka na may dahilan ang lahat
Na ang mundo ay laging nag-iiwan at nagbabakas ng sugat
Kinaya mo ang bawat sakit at hindi ka nagpatalo
Napatunayan mong hindi ka basta mapapasuko ng kahit ano
Nagpakatatag ka, naging malakas at hanggang ngayo'y nandito
Para sa mga minamahal at pinapahalagahan mong mga tao

Hanga ako sa 'yo!

***
Photo: https://pin.it/3fRJxfs

03/01/2022

Darating din ang taong ituturing kang tahanan
Hindi 'yung panandalian lang o tambayan
Taong ang pagmamahal ay tapat at totoo
Ang intensyon ay puro at hindi malabo
Taong sisiguraduhin sa'yo na mahal ka niya
Araw-araw na ipaparamdam at ipapaalala

At sa bawat araw na lilipas
Ang pag-ibig niya ay 'di kukupas
Lagi't lagi ay ikaw
At 'yon ay malinaw

Huwag kang mapagod maghintay
Sa 'di mo inaasahang panahon at oras—
darating siya.

***
Photo: https://pin.it/6hqdzuq

02/01/2022

Isang magandang regalo
Ang inihanda para sa'yo

***
Photo: https://pin.it/1cLjTUQ

01/01/2022

Sa'yo, salamat.

Salamat kasi dumating ka— sakto sa mga panahong kailangan ko ng makakausap at makakasama.

Salamat sa mga araw na naging nandiyan ka— pinakinggan mo ang mga kwento ko. Kahit na 'yung mga magulo.

Salamat sa mga panahong nakasama kita— isa ang mga iyon sa naging pinakamasasayang araw ko. Kahit pa ang maligaw kasama mo.

Salamat sa kung ano ang mayroon tayo— sa kulay na idinagdag mo sa buhay ko.

Salamat sa pagiging isa sa pinakamagandang parte ng 2021 ko.

**
Photo: https://pin.it/5WuuXUD

30/12/2021

Oo, ikaw pa rin.

30/12/2021

Sinubukan mo bago matapos ang taon
Maaaring sarili ay mas binigyang atensyon
O ang mga oras sa trabaho ay itinuon
Sa pag-asang makalimot sa masakit na kahapon

Ngunit pakiramdam mo ay kulang pa
At hindi pa sapat ang 'yong mga nagawa

'Wag mag-alala dahil hindi kailangang magmadali
Hindi pa huli at mapapawi rin ang hapdi
Darating din ang tunay mong paghilom
Gagaling ang mga sugat sa tamang panahon

***
Photo: Pinterest

29/12/2021

Ang ating pinagsamahan ay hindi kapirasong gusot na papel lamang, walang nakasulat o laman, na napulot ko at itatapon nalang. Hindi ka basta dumaan lang at ang pagkawala mo ay hindi ko mamamalayan. Ang totoo, at alam kong alam mo na napuno ito ng k'wento. Hanggang sa tinuring ko ito na paboritong kong libro. Ang bawat pahina ay binanalik-balikan, iniingatang hindi mapilasan. Ngunit hindi pala sapat ang pag-iingat, dahil nawala ang lahat.

Nawala ka.

Nawala ang paborito kong libro— ikaw. Ngunit malinaw parin sa 'king gunita— ang istorya, ang palitan ng mga salita, ang takbo at kung paano natapos nang malabo ang k'wento, nandito pa. Bumabalik nang bumabalik kahit hindi ko gustong balikan. Lahat at palagi, ang mga alaala nalang. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan.

Siguro nga, hindi mo ako naging paboritong mambabasa.

Ako lang pala at hindi tayong dalawa— kaya ka nawala.

Iniwang Alaala | 12.24.2021

***
Photo: https://pin.it/kQIGTF1

Photos from We Write To Help's post 29/12/2021

Para sa mga donasyon:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2792377724398032&id=100008774942757

Ang iyong donasyon, para sa muling pagbangon. Tayo'y magtulong-tulong.








Maraming Salamat!

26/12/2021

Ang mahalaga ay ikaw—
mas kilala mo ang sarili mo
Kaysa sa mga tao na basehan
Ang mga naririnig at nakikita lang

***
Photo: https://pin.it/1FS9tkV

13/12/2021

Iniibig mo ang buwan, kaya inibig din kita. Katulad mo humahanga rin ako sa taglay niyang ganda. Naaalala ko pa kung paano mo siya madalas kunan ng larawan. Ang mga hiling mong sana kaya mo siyang hawakan. Iaangat mo ang 'yong kanang kamay at itatapat nang bahagya, 'yung saktong tatagos ang liwanag sa 'yong mukha.

Iniibig mo ang buwan, kaya inibig din kita. Ngunit noong ako'y iyong iwan, nagalit ako sa kanya. Hindi ko na magawang pagmasdan siya dahil naaalala kita.

Nakalimutan kong iniibig ko ang buwan, kaya inibig din kita. Nakalimutan kong katulad ng buwan— mayroon tayong mga pagkukulang.
Nakalimutan kong katulad ng buwan— kailangan mo ring lumisan. Pansamantalang gabay noong naligaw ako sa kawalan.

Iniibig ko ang buwan, kaya inibig din kita. Ito ang dapat kong maalala kahit wala ka na. Kailangan kong maalala na katulad ng buwan— kailangan ko ring magpaubaya.

Iniibig ko ang buwan at natutunan ko nang tumingin ulit sa kanya— malaya at wala ng mga luha. Magaan at payapa. Sumilay na ang mga ngiting minsang nawala.

|Dahil Iniibig Ko Ang Buwan
06/25/2021

***
Photo: https://pin.it/2hejmNc

Inspired by "Buwan", Mga Tala at Tula Book 1 by Ron Canimo

05/12/2021

Ngayon nalang ako ulit nakipagtitigan sa kisame habang tumutulo ang mga luha. Pinilit kong matulog dahil sa totoo lang, kanina pa ako inaantok ngunit kahit anong pikit ng mga mata ay hindi ko magawa. Iniisip ko ang mga bagay na kinakapitan ko at kung bakit ko pa kinakapitan kahit na nasasaktan, kahit na paunti-unti nitong inuubos ang lakas ko, parang paunti-unti akong pinapatay sa sakit. Masakit, masakit na masakit kaya gusto kong agaran nalang itong magmanhid ngunit hindi, nanunuot sa bawat kong laman ang sakit ng sugat na hindi ko makita, nararamdaman ko lang, hindi— ramdam na ramdam ko.

Malalim ang mga buntong-hininga, at naghahalo-halo ang mga emosyong hindi ko maintindihan. Malabo— malabo pa rin pala ang mga sagot na akala ko'y nauunawaan ko na.

Hindi ko rin alam kung paano pa ako bibitiw, hindi ko kaya.

Hindi ko pa kaya.

| March 2021 (Repost)

***
Photo: https://pin.it/5WQP6eT

02/12/2021

Wala na
Tapos na

***
photo: https://pin.it/YtSgtrB

24/11/2021

Nakakamiss ka.

Yung tayo
Yung dating "TAYO"

***

Photo: https://pin.it/1dDPc6i

24/11/2021

Ngunit hindi talaga
Sadyang 'di tayo
Ang para sa isa't isa

***

Photo: https://pin.it/rLJo9TF

15/11/2021

Hindi na ito tulad ng dati. Ang matatamis na ngiti ay napapalitan na ng pagpatak ng mga luha sa gabi. Napupuno na ng pag-aalala at pagdududa; pag-iisip kung ako pa nga ba o meron ng iba. Bakit kailangang magbago? Bakit tila dahan-dahan kang naglalaho?

Nasa tabi kita pero hindi ko na ramdam ang iyong presensya. Ang mga kamay nating magkahawak ay unti-unti nang nagwawatak. Hindi na kita makilala. Wala na ang ngiti at tawa na dati'y naglalarawan ng ating pagsinta. Magulo na ang dating payapa. Mahirap nang bumalik kung saan tayo nagsimula.

Alam kong hindi na dapat, at siguro hanggang dito nalang ang lahat.

Kailangan ko nang tanggapin na hindi ikaw ang inilaan sa akin ng tadhana.

Sa iyo na minsan kong itinuring na tahanan at natatanging pahinga: patawad, paalam.

***
A collaboration of Memoirs of Mara and Larawan at Pluma ✨

Photo: https://pin.it/272q6J9

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Puerto Princesa?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

"Kung Mawawala"written (10/30/2021) and voiced: MaraDisclaimer: No copyright infringement intended. I do not own the vid...

Category

Telephone

Website

Address

Puerto Princesa
Other Writers in Puerto Princesa (show all)
Special spy pns" Special spy pns"
Pactanac Road
Puerto Princesa, 085627

Follow me and send anonymous message �

Mae's Shop Mae's Shop
Puerto Princesa, 5300

fineD fineD
Palawan
Puerto Princesa, 5300

This is made to bring inspiration, motivation, healing, restoration to oneself and move life forward.

Hii EX Hii EX
Palawan
Puerto Princesa, GREG

Krzy W'rites Krzy W'rites
Puerto Princesa

As your writer. Can you read my own made🥺

His Thoughts His Thoughts
Puerto Princesa, 5300

People of depth

Mary Cristel Sarin poems and stories Mary Cristel Sarin poems and stories
Puerto Princesa

Just for a fun so what are you waiting for just visit my page and enjoy reading my own poems💕

Hacdog Hacdog
Sta. Monica
Puerto Princesa

Shai sevilla Shai sevilla
Balabac
Puerto Princesa

Poetic Thought Poetic Thought
Unkown
Puerto Princesa

Word'spad Word'spad
Puerto Princesa

Manunulat, karamay, kasangga ninyong lahat

Unwanted Unwanted
Puerto Princesa, 5300

unspoken feelings