Ang Bagong Sikat
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ang Bagong Sikat, School, P. Tuazon Bernardo Street Cubao, Quezon City.
𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍 | MATUTO MAGBASA PARA SA BANSA: IPINAGDIWANG ANG BUWAN NG PAGBABASA AT INGLES SA PBHS
Pinagdiwang ang buwan ng Pagbabasa at buwan ng Ingles na may temang “Learning, Empowering, and Transforming our Society Through Reading” sa Ponciano Bernardo High School (PBHS) noong ika-30 ng Nobyembre, pinamunuan ito ng kagawaran ng Ingles.
Sa programang ito, mas pinagtuunan ng pansin ng mga estudyante ang kompetisyon sa Disney Cosplay kung saan nanalo sila Irish Jen Eñosa at Arnie Justine O. Anota, nanguna naman sila Kristine Uganiza at Prince Allen Jay Enocillas, nangalawa naman sila Myvian Ira Benosa at Kerwin Dela Cruz, pumangatlo naman sila Jewel Arsenio at Pio Benedict Uganiza.
Linahukan ito ng mga estudyante mula sa ika-7 baitang hanggang sa ika-10 baitang na ipinakita ang kanilang talento sa pagwawangis ng iba't ibang karakter sa Disney.
Bukod sa pagwawangis ng mga karakter, may mga iba pang kompetisyon na naganap para sa Buwan ng Pagbabasa At Ingles katulad ng Comic Strip kung saan nagkampiyon ang 9-Zara, pangalawa naman ang 8-Acacia at pangatlo ang 7-Magalang.
Nagwagi naman si Elaijah James Muyrong sa ginanap na Smart Talk, nangunguna naman si King Alexa Razon, pangalawa si Vince Andrei T. Obregon at pumangatlo si Humvee Catamin.
Sa kompetisyon naman ng iba't ibang baitang tulad ng Reader's Theater para sa ika-7 baitang kung saan nagwagi ang 7-Magalang, pumapangalawa ang 7-Masipag at pumapangatlo ang 7-Maagap.
Jazz Chant naman para sa ika-8 baitang kung saan nagkampiyon ang 8-Acacia, pangalawa ang 8-Yakal at pumangatlo ang 8-Kamagong.
Radio Drama naman para sa ika- 9 baitang kung saan nagwagi ang 9-Banatao, pangalawa ang 9-Aguilar at pumapangatlo ang 9-Zara.
Sa ika-10 baitang ay ang Movie Trailer kung saan nagkampiyon ang 10-Aguilnaldo, pangalawa ang 10-Mabini at pumapangatlo ang 10-Bonifacio.
✍️: Rizza Buena & Jarred Lomibao
NAKAMIT ANG TAGUMPAY SA CHEERDANCE 2023
Nagtagumpay ang mga mag-aaral mula sa ika 10 na baitang ng Ponciano Bernardo High School sa isinagawang paligsahan sa larangan ng Cheerdance para sa taong 2023 na kung saan ito na ang kanilang magiging performance task sa asignaturang MAPEH, bawat seksyon ay naglaban-laban kung sino nga ba ang tatanghaling kampeon.
Ani ni Gng. Armida Anota, naging sulit ang kanilang pagod sa page-ensayo ng kani-kanilang sayaw sapagkat naipakita nila ito sa lahat ng estudyante ng Ponciano Bernardo High School na magiging inspirasyon naman ng bawat isa.
"Ito ay magiging isang friendly competition lamang, titingnan natin kung sino nga ba talaga ang karapat-dapat manalo sa paligsahan, kaya naman galak na galak ang bawat pangkat na ipakita ang kanilang galing sa larangan ng pagsasayaw," wika ni G. Mark Joseph Jambalos, ang tagapagdaloy ng programa.
Mainit ang naging daloy ng labanan sa pagitan ng limang grupo sapagkat lahat ay nagpakita ng husay at galing sa pagsasayaw upang makamit ang kampyonado, at ang ibang baitang naman ay bumuhos ang suporta para sa kani-kanilang pambato.
Nakuha ng 10- Rizal ang Ikaapat na pwesto, 10- Mabini para sa Ikatlong pwesto, 10-Aguinaldo para sa Ikalawang pwesto, 10- Del Pilar naman para sa Unang pwesto at ang itinanghal na Kampeon ay ang 10- Bonifacio
"Maraming salamat sa ipinakita ninyong husay sa ganitong uri ng patimpalak, nag-iwan kayo ng kahusayan sa Ponciano Bernardo High School at natagumpayan niyo ang BAITANG 10, sa wakas ay magiging estudyante na kayo sa Senior High School, muli binabati ko kayo sa inyong mga nakamit," ani ni Gng. Dominga P. Cabadin, ang punong g**o ng paaralan.
-Isinulat ni Princess Ysabelle C. Albano
Isinagawa ng mga mag-aaral na miyembro ng FIlipino Journalism: Ang Bagong Sikat ang sama-samang paglilinis sa panibagong nilang silid-aralan sa paaralang Ponciano Bernardo High School na sinimulan na noong ika-20 ng Enero at mapasahanggang ngayon, Ika-24 ng Enero, Martes, patuloy parin nila itong inaayos at nililinisan upang sa gayo'n ay magamit na agad ito na personal sa pag-aaral ng mga estudyante.
Nagbigay ng pagbati ang punongg**o na si Ma'am Dominga Cabadin at mga head teachers sa mga nagwaging manunulat mula sa Filipino Journalism: Ang Bagong Sikat sa ginanap na District School Press Conference sa paaralang Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School noong ika-10 ng Disyembre na kung saan ay nagpakitang gilas at talento ang mag-aaral pagdating sa pagsusulat. Natutuwa ang mga g**o sa Ponciano Bernardo High School sapagkat naguwi ng ilang panalo ang mga natatanging estudyante ng FILIPINO JOURNALISM. IPANALO NATIN 'TO BERNARDIANS!
Jaztine Zedrick M. Dela Cruz na nakakuha ng ika-7 na karangalan sa Pagsulat ng Lathalain
Princess Ysabelle C. Albano na nakakuha ng ika-8 na karangalan sa Pagsulat ng Lathalain
Phoebe Valerry Paner na nakakuha ng ika-7 na karangalan sa Paglalarawang Tudling
Natuklasan kahapon ng mga mag-aaral mula sa PBHS Filipino at English Journalism ang kulminasyon ng Secondary Schools Press Conference 2022 na may temang: "Campus Journalism: Locally Responsive, Globally Engaged na ginanap sa Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School. Maraming mga estudyante mula sa iba't ibang paaralan ang lumahok upang ipakita o ipamalas nila ang kanilang kagalingan sa larangan ng Journalism. Nagbigay din ng suporta ang mga g**o sa kanilang mga estudyante. Ito ang mga larawan na aming nakuha at inihanda upang ipakita ang mga pangyayari sa nasabing kulminasyon.
Pagbati sa ating mga dakilang manunulat na lumahok at nakakuha ng karangalan sa District School Press Conference sa paaralang Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School na kung saan ay nagtipon tipon ang mga manunulat mula sa iba't ibang paaralan at magpakitang gilas at talento sa kani-kanilang mga napiling kategorya.
Nakapasok sa pang 10 karangalan ang tatlong manunulat mula sa ating Filipino Journalism Ang Bagong Sikat na sina:
Jaztine Zedrick Dela Cruz na nakakuha ng ika-7 karangalan sa Pagsulat ng Lathalain.
Princess Ysabelle Albano na nakapasok sa ika-8 karangalan sa Pagsulat ng Lathalain
Phoebe Valerry Paner na nakakuha ng ika-7 karangalan sa Paglalarawang Tudling.
Matapos ang ilang taong birtual na komunikasyon ay muling isinagawa ang face-to-face press conference para sa ating mga dakilang manunulat na kinaisahan ng ating mga manunulat mula sa Ponciano Bernardo High School na talaga namang hindi nagpahuli pagdating sa ganitong klaseng okasyon.
Muli, binabati namin ang mga nakakuha ng karangalan at mabuhay!
FILIPINO JOURNALISM:
Lubos ang aming pagpapasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta, at pakikilahok sa aming itinayong GAME BOOTH sa nagkaraang FOUNDATION DAY noong Disyembre 2, Biyernes.
Sa pagtutulungan namin sa Filipino Journalism, naging matagumpay ang BOOTH na aming inorganisa. Maaasahan ninyo ang patuloy naming pagkilos para magbigay ngiti sa lahat ng aming kapwa estudyante.
Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang humpay na suporta kahit ito ay inihandog nang simple ay nakapagbibigay pa rin sa inyo ng lubos na kagalakan.
Magandang Araw, Bernardians!
Ang aming booth ay ang tinatawag na "Game Booth". Ang game booth na ito ay booth ng mga taga journalism club. Sa booth na ito, may mga laro at p'wede kang mamili ng mga lalaruin mo rito.
Sa bawat paglaro mo, makakatanggap ka ng mga puntos na nakalagay sa tiket na iyong makukuha sa tuwing ikaw ay maglalaro. Kailangan mo lamang ipunin ang mga nakuhang puntos at ipapalit ito sa may nagpapalit ng tiket. Maari kang makakuha ng mga prizes kapag naaabot mo ang amount ng puntos.
Paano makukuha ang puntos?
Kailangan mo lamang galingan sa paglalaro ng mga palaro sa loob ng booth na ito. Kapag ika'y nanalo, makakakuha ka ng tiket na p'wede mong kunin at ipamalit sa mga prizes.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the school
Website
Address
Quezon City
1111
54-18th Murphy Avenue Cubao
Quezon City
Official AES E-Library
Sinforosa Street Brgy San Bartolome Novaliches
Quezon City
This program is innovated by the WinS CIP team of the MAPEH department of SBHS in pursuance of preventing and controlling the spread of COVID-19 within school premises by integrati...
Commonwealth Avenue Rd. 44 Diliman
Quezon City, 1119
Education
Villa Verde Elementary School
Quezon City
Teaching the kids, in an inclusive way, about how to Learn, Survive, and Protect themselves during ti
Lot 26 Blk7 Bach DOR. . Beethoven Street. North Olympus Phase 4 ZabaRoute Road . Novaliches
Quezon City
Technological Institute Of The Philppines/
Quezon City
A project of EC21FA1 on Environmental Engineering AY 2013-2014. An Environmental Awareness Campaign against the mass destruction of our environment.
MVP210, Manny V Pangilinan Bldg. , Ateneo De Manila University, Loyola Heights, Katipunan Avenue
Quezon City, 1108
The official page of the Ateneo Model United Nations. Organized by the Ateneo Association of
727 TRI-O Bldg. EDSA Cubao
Quezon City
Education is a weapon whose effects depend on holds it in his hands and at whom it is aimed. -Joseph Stalin