Kabataan Partylist Quezon City

Kabataan Partylist Quezon City

Ang una at tanging sektoral na partido ng kabataan sa Kongreso ng Pilipinas ngayon nasa Quezon City na!

Mag-sign up para maging miyembro: bit.ly/JoinKabataanQC

#LabanKabataan

05/09/2024

KABATAAN, MAGPAREHISTRO NA!

25 DAYS NALANG bago ang deadline ng voter's registration para sa Halalan 2025! Pumunta lang sa comelec.gov.ph website at sundan ang steps para magparehistro!

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 31/08/2024

Ang buwan ng Agosto ay marahil isa sa mga pinakanauulinigang buwan ng pagbagtas; inilunsad ang Araw ng mga Bayani ng ating Inang Bayan (National Heroes’ Day), ang Internasyunal na araw ng mga nawawalang mga biktima mula sa ‘di-makatarungang motibo ng terorismo (International Day of the Disappeared), at ang Wikang Mapagpalaya — Filipino, Buwan ng Wika (Filipino Month).

Sa mga natitirang araw ng Agosto, nitong nagdaang Huwebes, Agosto 29, 2024, ay nakilahok ang Kabataan Party-List Quezon City sa programa at mga kolaboratibong aktibidad (workshop) na iginawad ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sangay ng Lungsod Quezon para sa pagdiriwang sa Buwan ng Wika, sa ilalim ng temang “Filipino, Wikang Mapagpalaya: Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa.”
Kalakip nito ang partisipasyon ng mga miyembro, sa hanay ng Makabuluhang Pagsulat, at Pagpapahayag, kung saan, isinaklaw ang isa sa mga isyung panlipunan sa ating bansa, partikukar sa karanasan ng mga mangingisda at magsasaka, bilang mga ’Danas’ na lakas-pagawa at dehadong manggagawa ng ating lipunan.

Ang wikang Filipino, bilang isang midyum sa iba’t ibang larangan; pagsulat, pag-uulat o paghahayag, miski sa simpleng pakikipagkomunikasyon, ay isa sa mga mabisang pag-aangkla at interaskyon na nararapat na isabuhay ng mga Pilipino, lalo’t higit ang Kabataan, para sa mas maka-mulat na adhikain at mapanungkol na adbokasiya, hindi lamang sa buwan ng Agosto, sapagkat — hindi natatapos ang makamasang karanasan sa Bayang Sinilangan, at patuloy nating dinudunong ang madudungis panghihimok, pagpapahirap, at paglalaro sa ating lipunan gamit ang makasaysayang wikang atin.

29/08/2024

Sa bawat halalan, may himig ng pag-asa,
Sa likod ng bawat pangako, may lihim na pakana,
Ngunit sa LARONG PULITIKA, sino nga ba ang bida?

Bilang kabataang Pilipino mahalaga na may malawak at sapat tayong kaalaman tungkol sa mga nagaganap sa ating politika, sapagkat ito ay direktang nakakaapekto sa ating mga karapatan, kinabukasan, at buhay bilang mamamayan. Ang pagkakaroon ng kamalayang pampolitika ay nagbibigay-daan sa atin na makapagdesisyon nang mas maayos at 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒕𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒔𝒆𝒔𝒐 𝒏𝒂 𝒉𝒖𝒎𝒖𝒉𝒖𝒃𝒐𝒈 𝒔𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏.

Kaya inaanyayahan namin kayong dumalo at makinig sa isang EDUCATIONAL DISCUSSION na pinamagatang "Sa Likod ng Laro: Ang Anatomya ng Pulitikang Pilipino" sa Agosto 31, 2024, alas-2 ng hapon sa Google meet!

Mag sign-up lamang dito: https://tinyurl.com/LARONGPULITIKA-ED

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 25/08/2024

Ngayong araw, matagumpay nating naisagawa ang prodwork bilang paghahanda sa Araw ng mga Bayani at sa paglulunsad ng Makabayan Senate Slate bukas! ✊

Sa gitna ng ating mga gawain, ipinapaalala natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tunay na alternatibo sa kasalukuyang administrasyon. Ito ang mga lider na handang isulong ang interes ng mamamayan, hindi ng iilan. Sa ilalim ng panawagang “Taumbayan Naman,” tayo'y nananawagan sa bawat isa na suportahan ang Makabayan Candidates para sa Senado.

Bukas, ipakita natin ang ating lakas at pagkakaisa! Sama-sama tayong magmartsa para sa tunay na pagbabago. Taumbayan naman!

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 20/08/2024

Sa gitna ng walang katapusang laban para sa karapatan at kalayaan, inilunsad ng Kabataan Partylist Quezon City ang isang makabuluhang talakayan ukol sa kalagayan ng ating lipunan, ang Philippine Social Realities

Pinag-usapan natin ang mga usaping nag-uugat sa kahirapan, kawalan ng trabaho, krisis sa edukasyon, at ang patuloy na pang-aabuso ng mga naghaharing uri. Higit pa rito, inilahad natin ang papel ng kabataan sa pagpapatuloy ng rebolusyonaryong pakikibaka, hindi lamang sa kalsada, kundi sa bawat sektor ng ating lipunan.

Hindi nagtatapos dito ang ating laban. Patuloy tayong magtutulungan, mag-aaral, at kikilos para sa isang lipunang makatarungan at tunay na malaya. Sama-sama nating isusulong ang edukasyon na para sa masa, at para sa kinabukasan.

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 12/08/2024

Ngayong araw, nakiisa ang Kabataan Partylist - Quezon City sa unang araw ng Linggo ng Kabataan sa QC. Pinatampok dito ang iba’t ibang centers of participation ng kabataan kasama ang active citizenship, kapayapaan, kalikasan, edukasyon at iba pa.

Bilang kabataan, dapat tayong aktibo qt kritikal na nakikisangkot sa mga usapin ng komunidad at lipunan. Nararanasan ng maraming kabataan sa QC ang pagiging inaccessible ng edukasyon sa itsura ng matataas ng matrikula at lumulubong presyo ng gastusin sa pang-araw-araw. Kung hindi na nagtapos ng pag-aaral, sasalubungin din ang kabataan ng QC ng kahirapan sa paghahanap ng trabaho at hindi nakabubuhay na sahod. Sa komunidad, talamak ang demolisyon na apektado ang kabataan ng QC kagaya ng nangyayari sa King Christian, Bagbag.

Ngayon na nananaig ang krisis sa edukasyon, ekonomiya, at nangangambang giyera ng mga dayuhan sa ating lupain, hamon sa atin na magsama-sama para organisadong makibaka para sa ating kinabukasan. Sumali sa iba’t ibang aktibidad ngayong Linggo ng Kabataan kasama ang Kabataan Partylist - Quezon City!

Join KPL-QC: bit.ly/JoinKabataanQC

03/08/2024

Nitong nakaraang araw, matagumpay na nakipagdayalogo ang Kabataan Partylist Quezon City sa Roque 2 Youth Organization sa Brgy. Pasong Tamo. Tinalakay namin ang kasalukuyang sitwasyon ng kanilang organisasyon at ang kalagayan ng kabataan sa kanilang lugar. Bukod dito, pinag-usapan din namin ang mga potensyal na partnership sa hinaharap upang higit pang mapaigting ang youth engagement at mapalakas ang boses ng kabataan sa komunidad.

Patuloy kaming nakatuon sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga lokal na organisasyon ng kabataan upang sama-samang itaguyod ang mga adhikain at karapatan ng bawat kabataang Pilipino.

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 27/07/2024

Nilibot ng Kabataan Partylist Quezon City ang iba’t ibang barangay sa ikalawa at ika-anim na distrito ng Lungsod Quezon noong Biyernes, Hulyo 26, upang masuri ang kahihinatnan ng hagupit ng Super Typhoon Carina sa kanilang komunidad.

Kinonsulta natin ang mga apektadong pamilya doon, ilang sandali matapos umalis ang super typhoon Carina sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa noong Hulyo 25, isang araw bago ang physical consultation.

Tayo ay pumunta sa mga sumusunod na barangay upang tingnan ang kasalukuyang kalagayan at estado ng mga taong nasalanta ng bagyo: Brgy. Unang Sigaw, Brgy. Baesa, Brgy. Sangandaan, Brgy. Holy Spirt, at Brgy. Batasan. Magiging talamak ang ulat sa pagtaas ng baha sa maraming lugar sa Quezon City at kahirapan ng mga rescue units na makarating agad sa kinakailangan ng rescue. Sa tulong-tulong ng mga residente at volunteers sa barangay, ma-eevacuate ang kalakhan ng kinakailangan at tuluyan na nakakapagbigay ng ayuda sa mga nasalanta. Subalit, nananatili pa rin ang panawagan sa pagdagdag ng pondo para sa mas maraming rescue materials at pagpapabuti ng evacuation centers.

Ayon sa mga naging pag-uusap ng KPL sa mga residente, mas naging matindi ang pagbaha ngayon kumpara sa mga dating pagbaha na dumaan sa bansa. Lumalabas din na hindi nila naramdaman ang sinasabing flood control sa kani-kanilang mga lugar. So, nasaan na kaya ang libu-libong flood control projects ni Marcos Jr.? Isa na naman ba itong palabas niya, pangakong hindi na naman paninidigan? Maaalalang sa isang panayam ni Marcos ay ididiin pa niya ang problema sa baha sa indibidwal na responsibilidad ng mamamayan imbis na kilalanin ang kakulangan sa sistematikong pagpapaunlad sa ating disaster management.

Sa kabilang dako, ang mga Sangguniang Kabataan (SK) ng iba't ibang barangay sa lungsod ang isa sa mga nangunguna sa pagtugon sa mga alalahanin at pangangailangan ng publiko sa panahon na ganito. Bukas sila sa anumang mga donasyon, lalo na kung ito ay mga hygiene kit, mga medical-related supplies, pagkain, at mga kagamitang panglilinis upang matulungan ang mga pamilya na makabalik sa kanilang mga landas.

Nananawagan kami ng pagsisiyasat sa hindi epektibong proyekto sa pagkontrol ng baha at ang kakulangan ng suporta sa mga lokal na sangay sa tuwing may natural na kalamidad. Ginagawa ng mga lokal na pamahalaan ang lahat ng kanilang magagawa, gamit ang kanilang limited resources at sariling kakayahan, para makatulong sa mga mamamayang naapektuhan ng matinding bagyo.

Sa kabutihang palad, ilang paaralan at barangay ang nagbukas ng kanilang mga pintuan at nagtayo ng mas maraming evacuation sites. Maraming volunteers ang naghahatid ng kanilang mga donasyon, at kami sa Kabataan Partylist Quezon City ay tumutulong din sa mga relief operations at nagbukas ng donation drive.

Ngayon, talagang inilagay nitong bagyo si Marcos Jr. sa isang puwesto sa sulok dahil muli siyang nagsinungaling sa harap ng milyun-milyong Pilipino. Nasa Germany ngayon ang dati niyang partner na si Sara Duterte, in-e-enjoy ang buhay-mayaman gamit ang pera ng bayan.

24/07/2024

TULONG QCITIZEN!

Naglilikom ang BAYAN-Quezon City ng mga relief donation para sa mga apektadong komunidad sa Quezon City dahil sa bagyong Carina. Para sa mga nais magbigay-tulong, maaaring magbigay sa

G-Cash
09051584964
Jayson D.

o In-kind donations sa All UP Workers Union Office, Magsaysay cor. Ylanan St. UP Diliman

Tumatanggap kami ng mga donasyon ng packed food, shampoo, soap, toiletries, gamot, at naiinom na tubig.

Para sa mga QCitizen na apektado ng bagyo, mangyaring mag-comment o PM sa aming page upang mahatiran ng tulong.

24/07/2024

— CALL FOR DONATIONS ⚠️🪙

Kasalukuyang lumilikom ang Kabataan Partylist-Quezon City sa lahat ng nais na magpaabot ng kanilang tulong para sa mga pamilya, at kabataang biktima ng Bagyong Carina.

Sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong pinansyal o in-kind donation, mangyaring tumungo sa drop off locations, at gcash number na naririto sa baba:

DROP OFF LOCATIONS
- SK Office Tesda Hall, Brgy. UP Campus
- UP Workers Union Office

GCASH NUMBER
- 09051584964 Jayson D.

Patuloy namang itinatala ng KPL lahat ng mga areas na apektado ng baha, at mga schools na ginagamit bilang evacuation centers para sa mas madaling pag-abot ng mga pangangailan.

Kung sakaling may alam po kayo na mga areas o paaralan sa Quezon City, mangyari rin na I-contact ang aming page.

Para naman sa agarang tulong, maaaring tawagan ang hotline ng Quezon City Government - 122.

Mag-ingat po tayong lahat!

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 23/07/2024

SONA ng Bayan 2024

Kahapon, sumama ang Kabataan Partylist Quezon City sa libo-libong mamamayang Pilipino na lumahok sa SONA ng Bayan. Mula sa iba't ibang panig ng bansa, nagtipon-tipon ang ating mga kasapi, estudyante, kabataan, at mga kababayan upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng ating bansa. Sa kabila ng init at pagod, nagmartsa tayo sa mga kalsada, bitbit ang ating mga plakard at sigaw ng pagkakaisa, upang ipakita ang ating pagtutol sa kasinungalingan at pagpapanggap ng administrasyong Marcos Jr.

Ang SONA ng Bayan ay isang mahalagang hakbang upang ilantad ang tunay na kalagayan ng bansa, na salungat sa magarbong ulat ni Pangulong Marcos Jr. Habang ipinagmamalaki ng administrasyon ang umano'y pag-unlad at tagumpay, patuloy na nagdurusa ang masang Pilipino sa ilalim ng lumalalang krisis sa ekonomiya, mataas na presyo ng bilihin, kakulangan sa trabaho, at karahasan sa ilalim ng mga pwersa ng estado. Ang SONA ng Bayan ay isang pagtitipon upang ipakita ang tunay na damdamin at hinaing ng mga mamamayan—isang pagsigaw ng katotohanan sa gitna ng mga kasinungalingan.

Nanawagan kami sa lahat ng kabataan at mamamayan na magkaisa at ipaglaban ang ating mga karapatan at kapakanan. Itaas natin ang ating mga tinig laban sa kawalang-katarungan, korapsyon, at pang-aabuso ng pamahalaan. Ipaglaban natin ang karapatan sa edukasyon, trabaho, at isang buhay na may dignidad. Huwag tayong magpatinag sa mga pagsubok at patuloy tayong kumilos para sa tunay na pagbabago. Sama-sama nating itaguyod ang isang makatarungan at progresibong lipunan!

18/07/2024

The Quezonian, the official student publication of Manuel L. Quezon University, invites you to join us in an online event entitled "SALUBONG SONA 2024: An Educational Discussion on Philippine Sovereignty Rights over the West Philippine Sea" on Friday, July 19 at 3 PM via Google Meet.

This event is in partnership with Kapisanan ng mga Iskolar ng MLQU and presented by Kabataan Partylist Quezon City, with the aim of promoting a dialogue on an important issue concerning our country's sovereign rights. We believe that this educational discussion will provide valuable insights and perspectives on a crucial issue that affects our nation.

SALUBONG SONA 2024

Friday, July 19: 3:00–5:00 pm

Google Meet video call link: https://meet.google.com/cbk-dicv-rrg

Or dial: +1 234-517-6841 PIN: 839 417 647 #

We hope to see you actively participate in this event and contribute to the collective discourse.

17/07/2024

HANDS OFF TEACHER FRANCE! HANDS OFF TALAINGOD 18 ❗❗❗

Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist - Quezon City ang hatol na 'guilty' kay ACT Teachers Partylist Representative France Castro, dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo, at mga volunteer Lumad teachers ng Salugpongan sa Talaingod, Tagum City. Ang paratang na child abuse laban sa kanila ay isa na namang halimbawa ng gawa-gawang kaso na ginagamit ng pamahalaan upang patahimikin at gipitin ang mga nagtatanggol ng karapatan ng mamamayan.

Noong Nobyembre 2018, sina Rep. France Castro, Ka Satur Ocampo, at mga volunteer teachers ay tumugon sa isang solidarity mission upang ilikas ang mga kabataang Lumad na pinapasara ng paramilitar na grupong Alamara ang kanilang paaralan at binobomba ng militar ang kanilang komunidad. Sa halip na protektahan ang mga Lumad, ang pamahalaan mismo ang tunay na "child abuser." Sa ilalim ng administrasyong Duterte, mahigit 5,500 kabataang Lumad ang nawalan ng karapatan sa edukasyon dahil sa sapilitang pagpapasara ng 176 na Lumad schools.

Hindi ito natatapos sa rehimeng Duterte; patuloy ang panggigipit at pandarahas sa ilalim ng rehimeng Marcos. Hindi nakaliligtas ang mga Lumad sa militarisasyon at red-tagging, at ngayon, ang mga tagapagtanggol nila ang pinupuntirya ng estado.

Walang ibang layunin ang estado kundi isulong ang pasismo at takutin ang mga nagtataguyod ng karapatan ng mamamayan. Mula sa mga iligal na pag-aresto hanggang sa pagsasara ng mga paaralan, ipinapakita lamang ng pamahalaan na wala itong pakialam sa tunay na kalagayan ng masang Pilipino. Manipestasyon ito ng pasismo at ng pagkiling ng estado sa militar imbes na maglaan ng pondo para sa edukasyon at kapakanan ng mga kabataan.

Manindigan tayo kasama ang mga g**o at mga tagapagtanggol ng karapatan ng mga Lumad. Hindi krimen ang tumulong at magsagawa ng humanitarian mission. Ang tunay na kriminal ay ang mga pwersang militar na patuloy na nagpapalaganap ng terorismo sa ating bansa. Dapat singilin ang estado sa mga ninakaw na pondo na dapat sana’y napunta sa edukasyon ng kabataan at sahod ng mga g**o.

Magkaisa tayo upang ipaglaban ang karapatan ng kabataan at mga Lumad! Dismiss the trumped-up charges against the Talaingod 18! Defend Lumad advocates!

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 17/07/2024

🎉🎉 SUMALI SA STATE OF THE YOUTH ADDRESS NG KABATAAN PARTYLIST QUEZON CITY! 🎉🎉

Ang Kabataan Partylist - Quezon City ay inaanyayahan ang lahat ng kabataan sa darating na State of the Youth Address (SOYA) consultation. Bilang bahagi ng aming misyon na edukahin at pagkaisahin ang kabataan, kami ay magsasagawa ng mga talakayan, integrasyon, at pagsasanay sa pamumuno para sa iba't ibang indibidwal at organisasyon sa Quezon City. Layunin namin na buuin ang Quezon City Youth Situationer na magiging batayan ng mga plano ng aming chapter at iba pang organisasyong pang-kabataan sa Lungsod Quezon.

Hinihikayat namin ang lahat ng kabataan mula sa iba't ibang sektor na dumalo at makiisa sa mga talakayan upang mapalakas ang boses ng kabataan at matukoy ang mga isyung kinakaharap natin. Ito rin ay pagkakataon upang makabuo ng resolusyon at lagdaan ang ating manifesto bilang tanda ng ating pagkakaisa at pakikipaglaban para sa karapatan ng kabataan.

📅 Petsa: Hulyo 21, 2024
📍 Lugar: 3rd Floor, Kabataang PasTam Youth Center, Pasong Tamo Covered Court, Diego Silang St. Cor. Luzon Ave, Quezon City.

Sign up: bit.ly/QCSOYA
bit.ly/QCSOYA
bit.ly/QCSOYA

Program Flow:
- Welcoming Remarks
- Presentation of QC Youth Situationer and Consultation
- Public and Private High School Students
- University Students in QC
- Out-of-School Youth
- Youth in Government Institutions
- Interest-based Youth Organizations
- Resolution Building and Manifesto Signing

Halina't makiisa sa pagtataguyod ng mas makabago at progresibong pamumuno para sa kinabukasan ng Quezon City. Tayo ang pag-asa ng bayan, sama-sama tayong kumilos para sa pagbabago!

Kita-kits, QC Youth! 🌟

16/07/2024

Iskolar ng bayan, KARAPATAN CHECK?!

Enrollment na naman para sa panibagong semester! Bago natin tahakin ang susunod academic year, alamin muna natin ang ating mga batayang karapatan bilang mga estudyante. Tara at hikayatin ang mga kaklase o org-mates para sa isang gabi ng ( ̶r̶a̶n̶t̶i̶n̶g̶) pag-aaral at pakikiisa sa laban ng mga estudyante!

July 17, 7 PM
July 19, 1 PM
via GMeet

Mag-sign up lamang dito: bit.ly/STRAWQC
Para rin sa mga nais itanong o i-kwento na karanasan mag-sign up dito: bit.ly/STRAWQC

Photos from KABATAAN PARTYLIST's post 11/07/2024
04/07/2024

Remember, kids, U.S. is not your friend! 🇺🇲🙅🏻‍♂️🇵🇭

Sa pagdiriwang ng Philippine-American Friendship Day, mahalaga tayong magmuni-muni sa tunay na kalagayan ng ating relasyon sa Estados Unidos. Ang kasaysayan ng pakikipag-ugnayan natin sa Amerika ay puno ng pang-aabuso at pagsasamantala, na nagtataguyod ng interes ng US kaysa sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Mutual Defense Treaty, patuloy na nagaganap ang pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao, tulad ng mga kaso ng panggagahasa at iba pang krimen, na pinapalampas lamang ng kasunduan. Ang ating Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagiging sunud-sunuran sa dikta ng teroristang Amerika, habang ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ay nagiging playground lamang para sa mga tropang Amerikano.

Huwag nating kalimutan ang mga kaso ng panggagahasa, tulad ng pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 ng isang Amerikanong sundalo, at ang patuloy na panghihimasok ng mga tropang Amerikano sa ating mga komunidad. Sa kabila ng malaking Balikatan Exercises, ang pang-aabuso ng mga Tsino sa West Philippine Sea ay patuloy na lumalala.

Ang administrasyon ni Marcos ay sunud-sunuran lamang sa dikta ng Estados Unidos, na nagbabanta sa ating pambansang soberanya. Sa halip na gamitin ang diplomasya upang protektahan ang ating teritoryo at ang kaligtasan ng mga mangingisda, mas pinipili nilang painitin ang sitwasyon, inilalagay sa panganib ang ating mamamayan.

Habang lumalala ang tensyon sa pagitan ng US at China, ginagamit ng Estados Unidos ang ating bansa bilang estratehikong lokasyon para sa kanilang mga base militar. Dahil dito, malaki ang posibilidad na tayo ang maipit sa sagupaan ng dalawang makapangyarihang bansa.

Makikita natin na ang tunay na layunin ng Visiting Forces Agreement ay hindi para protektahan ang seguridad ng mga Pilipino, kundi para patatagin ang pampulitikang kapangyarihan ng mga tuta ng US at ang makasariling interes ng Amerika. Maging Tsina man o Amerika, hangga’t hindi nagsisilbi ang ating estado sa mamamayan, magpapatuloy ang pagtapak ng mga imperyalistang bansa sa ating pambansang soberanya.

Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist - Quezon City ang Visiting Forces Agreement at ang iba pang mga kasunduan na nang-aalipusta sa ating pambansang soberanya. Hindi rin kami papayag sa pagbibingi-bingihan ng rehimeng Marcos sa tunay na hamon ng masang Pilipino, partikular ang mga panawagan mula sa hanay ng kabataan.

Para sa kabataan, labanan natin ang makadayuhang kasunduan sa pamamagitan ng pagpapaingay ng mga kampanya! Isulong ang pambansa, siyentipiko, at makamasang edukasyon at labanan ang makasariling interes ng mga dayuhang bansa katulad ng US at China.

Sa pagkilos at pagsasalita, magsilbi tayong haligi ng pag-asa at pagbabago. Ang ating kolektibong lakas at determinasyon ang magtutulak sa atin tungo sa isang mas malaya, makatarungan, at maunlad na Pilipinas. Itaas ang tinig, ipagtanggol ang soberanya, at itaguyod ang kapakanan ng mamamayang Pilipino!

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 30/06/2024

Sa pagdiriwang ng Pride Month, mahigpit na nananawagan ang Kabataan Partylist Quezon City para sa agarang pagpasa ng SOGIE Equality Bill. Sa panahon ng pag-asa at pagkakapantay-pantay, patuloy na tinatanggap ng ating lipunan ang mga kasapi ng LGBTQIA+ community, subalit nananatiling malayo ang tunay na hustisya at pagkakapantay-pantay para sa kanila. Ngayon, higit kailanman, kinakailangang kilalanin at protektahan ang kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng batas na magtitiyak ng pagkakapantay-pantay ng bawa't isa.

Ang SOGIE Equality Bill, na unang isinampa noong 2000, ay naglalayong labanan ang diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity, at expression. Sa kabila ng maraming taon ng pagsusulong, patuloy itong nahaharap sa matinding pagtutol at pagkaantala mula sa ilang mambabatas at konserbatibong grupo. Sa kabila ng ilang ulit na pag-apruba sa iba't ibang komite, hindi pa rin ito naipapasa bilang batas, dahilan upang patuloy na magdusa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa diskriminasyon at karahasan.

Sa kasaysayan ng ating bansa, hindi mabilang ang mga kaso ng diskriminasyon at karahasang naranasan ng mga kapatid nating LGBTQIA+. Ang kanilang mga kwento ng pakikibaka ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagkakaroon ng batas na magbibigay proteksyon at magtataguyod ng pantay na karapatan para sa lahat. Ang pagpasa ng SOGIE Equality Bill ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at makatarungang lipunan.

Nanawagan kami sa lahat ng mamamayan, lalo na sa ating mga mambabatas, na isantabi ang personal na paniniwala at unahin ang karapatan ng bawat Pilipino. Hindi na dapat maghintay pa ang pagkakapantay-pantay. Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na itaguyod ang karapatan ng bawat isa, anuman ang kasarian o sexual orientation. Sama-sama nating ipaglaban ang SOGIE Equality Bill at gawing realidad ang isang lipunang tunay na nagmamahal at kumikilala sa dignidad ng bawat isa.

Photos from Kabataan Partylist - National Capital Region's post 27/06/2024
26/06/2024

1 ARAW NA LANG! 📅💙

Isang tulog na lang, Kabataan Partylist NCR Assembly na! Huwag magpapahuli, sumali na, makibahagi, at maki-alam sa mga isyu ng mga kabataan sa Kamaynilaan!

Kabataan ng kamaynilaan, piliin natin ang Pilipinas! Tumugon sa hamon ng panahon! Ipaglaban ang kalayaang pang-akademiko, karapatan sa edukasyon, kalikasan, at pambansang soberanya!

PILIIN ANG PILIPINAS! TAYO ANG PAG-ASA NG BAYAN!
June 27 | 10:00 a.m. – 4 p.m.
Marikina City

Register here:
bit.ly/NCRAssembly2024

19/06/2024

KABATAAN NG KAMAYNILAAN, PILIIN NATIN ANG PILIPINAS! 🇵🇭

Kinakaharap natin ang iba't ibang problema tulad ng pagbawas sa badyet sa mga pamantasan, atake sa karapatan sa kalayaang pang-akademiko at represyon, pagtaas ng matrikula, militarisasyon sa kampus at komunidad, at mandatoryong ROTC. Hinihila rin tayo ng US at Tsina sa atin sa digma ng agresyon sa West Philippine Sea.

Mula rito at bilang paggunita sa ika-23 anibersaryo ng Kabataan Partylist at ng kaarawan ni Jose Rizal, ang kabataan ng Kamaynilaan ay magkakaisa sa darating na ika-27 ng Hunyo.

Iniimbita ng Kabataan PL NCR kasama ang mga lokal na balangay nito at lahat ng kabataan at estudyante sa rehiyon ay dumalo, makiisa, at lumaban para sa edukasyon, kabuhayan, kalikasan at pambansang kalayaan. Dito natin pagkaisahin ang ating boses at direksyunan ang ating kolektibang pagkilos.

Piliin ang Pilipinas! Tayo ang Pag-asa ng Bayan!
June 27 | 10:00 a.m. – 4 p.m.
[TBA for Venue]

Register here:
bit.ly/NCRAssembly2024

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 18/06/2024

I'm working late, 'cause I'm QUEER~ 🤩🎶

Need some 'Espresso' to gain some sense? Worry not, G**s and Gals, we got you covered! Tunay na ang lugar mo ay sa pakikibaka. Kaya naman, ngayong makulay na buwan ng Hunyo, may inihanda kami para sa inyo! 🌈✨

Sumama sa gaganaping EDUCATIONAL DISCUSSION FEST (ED Fest) ng Kabataan Partylist East Cluster, ngayong Pride Month, entitled, "To be Q***r, is to be Anti-Imperialist: An Educational Discussion Series about the Relation of Imperialism and Inequality among the LGBTQIA+".

⏰️ SATURDAY, JUNE 22, 2024 (i-note na!), AT QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE!

The discussions will focus on the following:
🔜 Basic Orientation on S*x and Gender
🔜 LGBTQIA+ Situationer
🔜 Eskum Kababaihan

Nais mo bang sumama sa amin? Tara, register tayo through this link:

https://forms.gle/mYcxT1YaPSAK3iw49
https://forms.gle/mYcxT1YaPSAK3iw49
https://forms.gle/mYcxT1YaPSAK3iw49

Happy Pride! 🏳️‍🌈

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 13/06/2024

ARE WE FREE, INSIDE-OUT? 😊😞😠🙄😨++

Ating mainit na ginunita ang ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, kasama ang iba't ibang progresibong grupo, kahapon, ika-12 ng Hunyo, sa harap ng US Embassy.

Liban sa pagprotesta sa patuloy na panghihimasok ng Tsina at Estados Unidos sa bansa, ay binigyang diin din ang panawagan para sa Palestino laban sa mapangahas na Israel.

Naging mabilis lamang ang kilos-protesta, ngunit hindi ibig sabihin nito ay tapos na ating laban para sa ating pambansang soberanya.

Hangga't naghahari ang mga pasista, at tuta ng mga imperyalista sa ating bansa, tunay na hindi pa rin tayo malaya, mahaba lang ang tanikala.

Photos from Kabataan Partylist Quezon City's post 04/06/2024

MAYOR JOY, HINDI MAKAKAMIT ANG TUNAY NA KAUNLARAN KASAMA ANG MAMAMATAY-TAO NA ISRAEL! ✊🏻

Pahayag ng Kabataan Partylist – Quezon City:

Noong Mayo 28, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng Israel na sina Israel Ambassador H.E. Ilan Fluss at Israel Embassy Mashav Officer Gladys Baniqued. Ayon sa kanyang opisina, makakapartner ng lokal na pamahalaan ng QC ang “sister city” nitong Rishon Lezion, Israel para sa mga proyektong pangkaunlaran sa teknolohiya, agrikultura, edukasyon, at kasarian.

Subalit, hindi natin maaaring ipikit ang ating mga mata sa kalupitan ng Israel. Mula sa marahas at sistematikong pagpapalayas sa mga Palestino, pang-aabuso sa kababaihan at kabataan, pagpatay sa kabuhayan at mismong mga indibidwal, hanggang sa pagkasira ng kapaligiran, ang Israel ay patuloy sa kanilang mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa buong kasaysayan.

Ang ilang dekadang digmaan ay nagtulak sa malawakang paglisan ng mga Palestino mula sa kanilang lupang tinubuan na sinakop ng Israel sa tulong ng Estados Unidos. May ilang kampo ng mga Palestinong refugees sa Pilipinas, kasama na rito ang nasa Quezon City. Isang malaking kabastusan ang pakikipagtulungan sa mga opisyal ng isang settler state na patuloy sa pang-aapi at genocide.

Hindi makakamit ang tunay na kaunlaran kapag kasosyo ang isang bansang hindi nagpapalaganap ng tunay na pag-unlad at nagsasagawa ng genocide. Ang kabuhayan at kultura ng mga Palestino ay patuloy na binubura dahil sa sistematikong pagpatay. Sa kasalukuyan, ang Israel tinutuligsa sa buong mundo kaya’t hindi dapat kinikilala ang mga estado na nagkokolonya at nagkakalat ng terorismo.

Kami ay nananawagan para sa:
1. Pagputol ng anumang ugnayan ng Quezon City sa Israel.
2. Pagkilala at pagsuporta sa mga komunidad ng Palestino sa Quezon City.
3. Pagtataguyod ng soberanya ng Palestine at Pilipinas.
4. Pagtulong sa mga refugee at sa makamasang pag-unlad para sa lahat.

Ang Quezon City ay dapat maging kanlungan para sa mga nangangailangan at magsulong ng makamasang kaunlaran. Hindi natin dapat suportahan ang mga pwersang sumasalungat sa karapatang pantao at katarungan.

FROM THE RIVER TO THE SEA, PALESTINE WILL BE FREE! FREE, FREE PALESTINE! 🇵🇸





Youth for Palestine - Quezon City

Photos from Kabataan Partylist - Krus na Ligas's post 01/06/2024

"Komersyalisasyon, Hindi Solusyon: Kabataan Partylist Nakisama sa 'Doon sa Barikada'" 🤩

Noong nakaraang gabi, dumalo ang Kabataan Partylist - Krus na Ligas sa musikal na dula na "Doon sa Barikada" na ginanap sa Gallery Atrium sa UP College of Fine Arts. Ang dula na ito, na inorganisa ng UP SPECA, ay naglalahad ng kwento tungkol sa Komersalisasyon at kung paano ito nakaapekto sa mga komunidad.

05/05/2024

Mula sa Kabataan Partylist Quezon City, maligayang kapistahan, Brgy. Krus na Ligas! 🎉

HAPPY FIESTA BRGY. KRUS NA LIGAS! 🎉

Ngayong linggo, ginugunita natin ang pista ng Krus na Ligas at ipinagmamalaki ang komunidad na bumubuo nito. Nakaukit sa ating kasaysayan ang magigiting na magsasaka at bayani na binuo ang KNL. Sa kasalukuyan, naririto pa rin ang ating mga magsasaka, manininda, kabataan, kababaihan, taong simbahan, at iba’t ibang sektor na bumubuhay sa ekonomiya at kultura ng barangay.

Mula sa Kabataan Partylist - Krus na Ligas chapter, maligayang kapistahan KNL! Sama-sama tayo sa pagkilos upang paunlarin ang ating komunidad at bansa. 🎊

Want your organization to be the top-listed Government Service in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

KILUSANG BAYAN LAUNCHING#LabanKabataan
KILUSANG BAYAN  PARA SA PAGBABA NG PRESYO AT PAGTAAS NG SAHOD
LGBTQIA+ ED FEST!

Website

Address

Pasong Tamo
Quezon City
Other Political Organizations in Quezon City (show all)
KAISA UP KAISA UP
UP Diliman
Quezon City, 1101

KAISA UP is a progressive political party and dynamic student formation

BUKLOD CSSP BUKLOD CSSP
East Wing, Palma Hall Quirino Avenue Diliman
Quezon City, 1101

We are the premier leadership and service formation in the College of Social Sciences and Philosophy

KABATAAN PARTYLIST KABATAAN PARTYLIST
Quezon City

The first and only genuine youth sectoral party in Philippine Congress. Join Kabataan Partylist! :)

Bagong Henerasyon Partylist Bagong Henerasyon Partylist
House Of Representatives, Rm. NW/213
Quezon City, 1126

The OFFICIAL page of BH Bagong Henerasyon PartyList

Atingkoop #144 Atingkoop #144
Brgy. Marilag, Project 4
Quezon City, 1109

This is the Official page of Adhikaing Tinataguyod NG KOOPeratiba!

1-AHAPO PARTYLIST 1-AHAPO PARTYLIST
100 Buencamino Street BF East Phase 6
Quezon City, 1742

Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG) Practice of Administrative Leadership and Service (PALS-NCPAG)
NCPAG, R. P. De Guzman, UP Diliman
Quezon City, 1101

PALS-NCPAG is the first, oldest, and broadest socio-political organization in NCPAG, UP Diliman.

KALINGA Partylist KALINGA Partylist
Batasang Pambansa Complex
Quezon City, 1126

Kung may KALINGA, may pag-ibig sa pamilyang Pilipino.

Lakas Pag-asa Lakas Pag-asa
Quezon City, 1100

Abante Pilipinas Partylist Abante Pilipinas Partylist
26 Harvard Street, Cubao
Quezon City

𝗞𝗔𝗦𝗔𝗠𝗔 𝗞𝗔, 𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗧𝗔𝗬𝗢!

United SARA Duterte Movement United SARA Duterte Movement
793 EDSA, SOUTH TRIANGLE
Quezon City

Solid SARA Duterte Supporters Worldwide! Bawal ang Tambaloslos. Tuloy ang serbisyo! Tatak Du30!

MCP Youth Movement - Baesa MCP Youth Movement - Baesa
Baesa
Quezon City, 1106

MCP Youth Movement - Baesa is the youth arm of MCP Youth Movement for youth residence of Baesa.