Erministry

God can turn your problems into a blessing.

12/11/2023

Kaibigan minsan talaga sa buhay nating mga tao ay hindi natin maiiwasang maranasan ang mga pangyayari na hindi natin inaasahan. Minsan dahil sa problema natin sa buhay iniisip natin na tila ba ay wala na tayong pag asa. Minsan dahil sa ating mga kakulangan tinuturing natin na ang ating sarili bilang walang kwenta at walang kayang gawin. Kadalasan dahil sa ating mga problema sa buhay o masasamang karanasan na ating pinagdaanan, tila ba ay iniwan tayong wasak, durog, at tila wala ng kakayahan pa para bumangon. Kagaya ng mga bagay na babasagin na nabasag iniisip na natin na hindi na tayo muling mabubuo at wala ng kwenta kundi para itapon na lang.

Pero alam mo ba kaibigan sa bawat problema at pagsubok pala sa buhay, minsan ginagamit ito ng Dios para sa pagiging mabuting bersyon ng ating sarili pagdating ng araw. Minsan may mga bagay talaga na hindi natin lubos maisip bakit natin nararansan ang kapighatian sa buhay, Subali't sa dulo pagkatapos natin ito mapagtagumpayan may magandang plano pala ang Dios sa ating buhay. Kung atin mang naranasan ang pagkadurog at pagkawasak dahil sa pagsubok at mga problema sa buhay, pero binubuo tayo muli ng Dios para sa pagiging mabuti tayo sa hinaharap. Kadalasan tinitingnan natin ang problema sa buhay bilang sumpa at masamang karanasan, pero sa totoo, ito pala yong daan para tayo ay matuto at magtiwala sa Dios na siyang makakagawa ng mga himala sa ating buhay. Minsan pala kaibigan kaya lungkot, galit, kawalan ng pag asa, pagkadismaya ang ating nararamdaman sa bawat problema, kasi nawawalan tayo ng tiwala sa Dios. Pero kung iisipin pala natin na lahat ng mga bagay na nangyayari mabuti man o masama ay mayroon itong dahilan. Kaya yamang ang Dios ay buhay wala pala tayong ibang dapat gawin kundi purihin siya at sambahin, kahit sa pinaka-masalimuot na kalagayan ng ating buhay.

Jeremiah 29:11
For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

Exodus 14:14
The LORD will fight for you; you need only to be still.”

02/04/2023

Kaibigan, alam mo ba kung bakit madalas tayo ay nasasaktan, kasi madalas ay pinagpipilitan natin ang mga bagay na hindi naman pwedi. Kadalasan kahit alam na natin na mali ay ginagawa parin natin. Yong tipong kahit alam mo na bandang huli ay masasaktan ka lang pero ginagawa mo parin kasi iniisip mo na doon ka magiging masaya.

Kadalasan kaibigan, ginagawa natin ang mga bagay na makakapagpasaya sa atin sa maling paraan. Oo nagiging masaya tayo ng panandalian pero paglipas ng araw ay lungkot at sakit naman ang kapalit. Alam mo kaibigan, sa totoo lang kailanman ay hindi tayo totoong magiging masaya sa mga bagay na ginagawa natin kung ito ay hindi tama. Sapagkat kaibigan, ang pagiging masaya sa maling paraan ay hindi sa atin magdudulot ng tunay na kasiyahan, kundi bagkus ay sakit at pagkalumbay.

Kaya naman kaibigan, kung isa ka sa mga tao na ngayon ay nagiging masaya pero hindi sa tamang paraan, panahon na para ito ay iyong bitawan. Sapagkat sa huli ang dulot nito ay kabagabagan. Kaya naman kaibigan kung ngayon ikaw ay nasa isang relasyon na pinipilit mo ilaban kahit hindi na dapat o kaya ay sa mga bisyo na iyong kinasanayan, o kaya sa mga maling habit na iyong kinaugalian, kabigan panahon na siguro upang ito ay tigilan, upang sa huli ay hindi ka masaktan at wala kang pagsisihan.

Kaibigan, bakit hindi mo subukan ngayon na gugulin ang iyong panahon at oras sa tamang paraan. Kaibigan, subukan mo naman kaya na ibigay sa Panginoon ang iyong oras at atensyon, total sya naman ang may bigay sayo ng iyong buhay. Bakit kabigan, madalas pa tayong may time sa mga bagay na nagdudulot satin ng sakit, kesa sa Panginoon na walang Ibang hangad kundi ikaw ay maging masaya at ligtas.

Kaibigan, ang Panginoon ay palaging sabik na kausapin ka at palagi ka niyang hinihintay na magbalik ka sa kaniya. Sapagkat lagi niyang nais na maging malapit ka sa Kaniya, kesa sa mga bagay na hindi ka naman talaga totoong magiging masaya. Kaibigan, ang Panginoon ay kailanman ay hindi tayo sasaktan at tatalikuran, kaya naman marapat lang na sa Kaniya natin ibigay ang ating oras, atensyon at maging ang ating buhay.

29/03/2023

Kaibigan, isa ka ba sa mga taong sa ngayon ay nasasaktan, nalulungkot, nahihirapan, at may dinadalang mabigat sa iyong puso dahil sa taong nakagawa sayo ng masama. Marahil ito man ay iniwan ka, niloko ka, pinahiya ka, pinabayaan ka, at sinaktan ang damdamin mo. Yong tipong hirap na hirap kana, kasi sa pakiramdam mo ay sobrang nabibigatan kana dahil sa sama ng loob mo, galit, p**t, sa taong ginawan ka ng mali.

Kaya naman dahil sa galit mo ay nag iisip ka sa kaniya ng masama at sa puso mo ay hindi mo na sya kayang patawarin pa. Pero kaibigan, ano nga ba ang ating kalagayan kung hindi tayo magpapatawad?, at ano naman ang maitutulong sa atin nang pagpapatawad?.

Alam mo ba kaibigan, kung hindi tayo magpapatawad ay patuloy lamang lalo tayong mahihirapan, sapagkat gaya ng isang tao na maraming bitbit na hindi naman niya kailangan ay magdudulot lamang ito sa kaniya ng matinding kapaguran. Kaya naman kaibigan bakit kaya hindi mo subukan na ang mga dinadala mong mabibigat at mapapait na karanasan ay iyong ibaba at ito sa Panginoon ay ibigay, upang sa iyong puso ay maramdaman mo ang kasiyahan at kapayapaan.

Tunay kaibigan, na kung hindi tayo magpapatawad ay patuloy lamang tayong mahihirapan at hindi ito magdudulot sa ating puso ng kasiyahan, kundi bagkus ito ay magdudulot ng p**t at galit sa ating mga puso.

Alam mo ba kaibigan, na maging tayo ay maraming nagawang pagkakamali sa Dios at maraming beses natin siyang nasaktan, subalit andon parin ang kaniyang pag-ibig upang tayo mahali't, patawarin sa ating mga kasalanan. Kaya naman kaibigan ang sabi sa (Mateo 6:14-16) kung hindi tayo magpapatawad ay hindi rin naman tayo papatawin ng Dios na nasa langit. Kaibigan totoo na hindi madaling magpatawad. Subalit kung paanong ang Dios ay nagpapatawad sa ating mga mabibiga't, malalaking kasalanan ay sino tayong mga tao upang hindi magpatawad?. Kaya naman kaibigan kung sa ngayon ay may taong hindi ka pa napapatawad ito na ang panahon para patawarin mo sila upang makalaya kana sa iyong galit na nagdudulot ng bigat sa iyong dibdib.

27/03/2023

Kaibigan, isa ka din ba sa tao na ngayon ay inlove na inlove?. Marahil ikaw ay inlove sa taong mahal mo o hindi kaya ay sa taong crush mo. Yong tipong kinikilig ka at masayang masaya ka pag nakikita mo siya. Oh kaya naman ngayon ay in a relationship kana, yong tipong sinasabi mo sa sarili mo na, sya na talaga, pero ang tanong kaibigan sya na nga ba talaga?.

Yong tipong inaakala mo na napakatibay na nang relayon nyo o kaya ay iniisip mo na magtatagal kayo ng pang habang buhay kasi yon ang pakiramdam mo. Yong tipong inaakala mo na marunong kana magmahal at kayang kaya mo na.

Pero kaibigan, sa nakakalungkot na dahilan, kadalasan kaya lang tayo ay nagmamahal para lang matugunan yong mga pansariling kagustohan natin, marahil para lang makisabay sa uso na may jowa, o kaya naman ay para may laging makausap. Oh kaya naman ay para may magpakilig, para may mag I love you sayo o para may makadate. Kaya kung ito kaibigan ang dahilan kaya gusto mo pumasok sa isang relasyon, mas makakabuti kung ang Dios muna ang iyong ibigin, upang hindi maging ganon ang iyong paningin pagdating sa pag-ibig. Sapagkat ang pag-ibig kaibigan ay banal, sapagkat ang Dios ay ang pag-ibig.

Pero alam mo ba kaibigan, na kung hindi muna natin mauunang matutunang mahalin ang Dios ay hindi tayo matututong umibig ng tama. Sapagkat sa pagmamahal natin nang una sa Dios at sa pagbuo ng matibay na relasyon sa kanya ay doon pa lang tayo makakapag mahal ng tama. Kaya naman kaibigan, bago tayo pumasok sa isang relasyon kailangan ay maunang ibigin muna natin ang Dios at makabuo ng isang matibay na relasyon sa kaniya. Sapagkat ang Dios ay Dios ng pag-ibig at siya ang source ng Love, kaya naman dapat matuto muna nating mahalin ang Dios, bago tayo magmahal sa iba upang hindi tayo makasakit ng damdamin ng iba.

23/03/2023

Kaibigan, alam mo ba nong si Cristo ay nasa krus ng kalbaryo siya ay hinamak, inalipusta, kinutya at pinagtawanan ng mga taong nasa paligid niya, maliban sa kaniyang mga tagasunod, sinasabi ng mga taong ito na nailigtas niya ang iba bakit hindi niya mailigtas ang kaniyang sarili, ang iba naman ay nagsabi kung ikaw talaga ang anak ng Dios bumaba ka rito at nang kami ay magsisamplataya (Mateo 27:38-44).

Alam mo ba kaibigan na may kapangyarihan ang Panginoon Jesus na bumaba doon sa Cross at ipakita sa mga taong yon na magagawa niya ang lahat, subali't hindi niya ito ginawa, kundi siya ay nagpakumbaba at idinalangin niya ang mg taong ito sa kaniyang Ama na sila ay patawarin. Alam mo ba kaibigan na tiniis niya ang lahat nang iyon upang matupad ang kaniyang misyon at tayong lahat ay mailigtas.

Kaya naman kaibigan kung paanong ang Panginoon Jesus ay natiis nang lahat ng hirap at siya ay nag sakripisyo ng buhay upang tayo ay matubos sa kasalanan ay nararapat lang na atin siyang sampalatayanan at tanggapin sa ating buhay.

Sapagkat siya ay napako sa Cross dahil sa ating mga kasalanan, yong parusa na dapat tayo ang tumanggap ay kinuha niya. Yong kamatayan na dapat sana tayo ay kinuha niya, yong pag alipusta, pangungutya, pambubugbog, pagpapahirap ay kinuha niyang lahat upang tayo ay mailigtas. Kaya naman kaibigan sino ako at sino ka upang tanggihan siya. Kaibigan, kung hindi mo sya tatanggapin sa buhay mo, yong parusa na kinuha niya sayo ay mapupunta sayo.

06/09/2022

Kaibigan, kadalasan 'pag tayo ay nasa mahirap na sitwasyon at pagsubok ay agad tayong sumusuko, minsan pa nga ay tinatamad ka nang magpatuloy pa sa iyong buhay kasi puro nalang problema. Kadalasan ding dahil sa kawalan mo ng pagtitiwala ay nalugmok ka na at tuloyan mo na ngang hindi kinaya. Kundi kaya naman naranasan mo din na sumuko na talaga kasi wala ka nang magawang paraan pa.

Kaibigan, alam mo ba na kadalasan sa buhay natin madalas natin ginagawa ang lahat ng mga bagay na hindi natin isinasama ang Panginoon kaya naman nakakaranas tayo ng kabiguan. Kadalasan din kaibigan saka lang tayo natuto lumapit sa Panginoon pag hindi mo na kaya pero hangga't may magagawa ka ay sinosolo mo ito kaya naman sa dulo ay pagkabigo ang nararanasan mo. Subalit kaibigan kailangan din natin matutunan na sa simula palang o pagpaplano palang ng ating gagawin ay dapat isinasama na natin ang Panginoon.

Kagaya ng sabi sa Kawikaan 16:1-3
" 1 Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. 2 Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. 3 Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag."

Kaya naman kaibigan kung gusto mo ng tagumpay sa buhay ay isama mo ang Panginoon sa lahat ng bagay na iyong gagawin at ipagkatiwala mo sa Kanya ang lahat sapagkat sa Kanya nagmumula ang tagumpay. Kaya naman kaibigan kung magtitiwala at sasamplataya ka sa Panginoon makikita mo ang Kanyang dakilang kapangyarihan sapagkat sa Panginoon lahat ay posible kaya Niyang pangyarihin ang lahat ng bagay kaya naman magtiwala ka sa Kanya kaibigan anuman ang kalagayan mo sa iyong buhay at makikita mo ang himala ng Panginoon.

31/08/2022

Kaibigan, isa ka din ba sa mga taong tumanggap na sa Panginoon at nagsisi sa mga kasalanan subalit muling nagkasala? Yung tipong tinalikuran mo na lahat ng masamang gawain na iyong nakasanayan sa iyong buhay subalit muli kang nakagawa ng kasalanan sa Panginoon? Yung tipong halos ayaw mo na magpray at magsimba dahil nahihiya ka sa mali mong ginawa sa Panginoon. Yung pakiramdam na ayaw mo na din maglingkod sa Kanya kasi feeling mo hindi ka karapatdapat kasi madalas kang nahuhulog sa pagkakasala. Baka dumating pa sa punto ng buhay mo na ayaw mo na magpatuloy sa Panginoon dahil sa hiya mo at tinataguan mo na Siya. Kaya naman dahil sa kasalanan mo na nagawa ay guilty ka at pakiramdam mo na napakarumi mo at hindi ka na karapatdapat sa harap ng Panginoon. Alam mo ba kaibigan na mismong ang Panginoon Jesus na ang nagsabi na kailanman ay hindi mawawala ang sanhi ng pagkakasala hangga't andito tayo sa mundo. Sapagkat ang ating mundo ay puno ng kasalanan at wala itong mabuting maidudulot sa'tin kaya naman ay muling maglilikha ang Panginoon ng isang bagong langit at bagong lupa na wala ng kasalanan.

Kaibigan, kung feel mo na dahil sa mga kasalanan mong nagawa sa Panginoon ay hindi ka na karapatdapat sa Kanya ay nagkakamali ka. Sapagkat kaibigan bukas palad ka muling tatanggapin ng Panginoon kung magbabalik ka sa Kanya. Sapagkat hindi ka Niya kayang tiisin sapagkat ikaw ay Kanyang iniibig. Kaibigan alam ng Panginoon na kapag nagkamali ka ay maaari kang mahiya sa Kanya at huwag ng lumapit sa Kanya pero kaibigan hindi ganoon ang Panginoon sapagkat alam din niya kung hindi ka lalapit sa Kanya ay mas lalo ka lang mapapahamak at mapalayo sa Kanya. Kaya naman bukas palad kang tatanggapin ng Panginoon kung lalapit sa Kanya at papatawarin ka Niya. Sapagkat kaibigan ang ating Panginoon Jesus ay nasa harapan ng Ama sa mga oras na ito upang ipamagitan ka sa Kanya. Kaya naman kaibigan darating ang araw na ang Panginoon Jesus ay aalis sa pamamagitan nating mga tao at 'pag sa araw na 'yon kung hindi tayo nakapagbalik loob sa Kanya ay magiging huli na ang lahat para sa'tin at kamatayan na ang ating sasapitin. Kaya naman kaibigan ngayon na ang panahon para bumalik ka sa Kanya sapagkat matagal ka nang hinihintay ng Panginoon.

30/08/2022

Kaibigan, ikaw ba ay isa sa mga taong nakakaramdam na parang may hinahanap at parang may kulang sa'yo? Bagamat na sa'yo lahat ng bagay na kailangan mo pero talagang parang may kulang pa rin. Minsan iniisip natin na isang tao ang makakabuo ng buhay natin o hindi naman ay mga kaibigan natin. Kadalasan hinahanap natin ang kasiyahan sa mga bagay bagay sa mundo pero hindi talaga tayo totoong nagiging masaya. 'Yung tipong nagiging masaya ka sa maraming bagay pero pakiramdam mo ay may kulang pa rin. Marahil ay makakaramdam tayo ng panandaliang kasiyahan sa tao at bagay ngunit nababatid mo ba na ang tao ay maaari kang talikuran at ang bagay ay maaaring mawala at kumupas? Sapagkat kaibigan lahat ng bagay dito sa mundo ay matatapos at mawawala. Kailanman ay hindi mo matatagpuan ang tunay na kaligayahan dito sa sanlibutan kung ang buhay mo ay wala sa Panginoon.

Kaya naman kaibigan bagamat nabubuhay tayo sa mundo at wala si Jesus sa ating buhay ay mabubuhay tayong talagang hindi masaya at may kulang. Sapagkat kaibigan si Jesus ang nag-iisang bubuo sa atin. Sapagkat si Jesus din ang nagbigay ng hininga at buhay natin kaya naman kung wala siya sa buhay natin ay mabubuhay tayong may kulang at hindi masaya. Kaibigan kung gusto mong mabuo ka dahil pakiramdam mo may kulang sa'yo walang ibang makakagawa noon kundi si Jesus lamang. At kaibigan kung wala rin si Jesus sa ating buhay ay wala tayong tagumpay at magagawa. Sapagkat sabi sa Biblia sa Juan 15:5 "Sapagkat kung kayo'y hiwalay sakin tunay na wala kayong magagawa." Kaya naman kaibigan higit na kailangan natin si Jesus sa ating buhay upang tayo ay magkaroon ng kasiyahan at tagumpay.

29/08/2022

Kaibigan, isa ka din ba sa mga taong nakatanggap ng salitang "i love you", "mahal na mahal kita", "ikaw lang sapat na", at "I can't live without you"? Kaibigan, madalas ay nagmamahal tayo sa maling paraan at yung inaakala nating "love" na mabuti at maganda ay nagbubunga sa atin ng sakit dahil sa pag gamit natin dito sa maling paraan. Minsan kaya tayo nagmamahal ay para lamang sa pansarili nating mga interest, nagmamahal tayo dahil may gusto lamang tayong makuhang bagay sa isang tao. Kadalasan nagmamahal tayo para lamang may makadate o kaya naman ay para lamang may mag "I love you" sayo. Kadalasan din ay nagmamahal tayo para lamang may makausap maghapon at may magpakilig sa atin. Nagmamahal tayo para lamang masuportahan ang pansarili nating mga interest.

Kaya naman dahil
sa paggamit natin ng pag-ibig sa maling paraan ay naghubunga ito sa iba ng sakit at trauma. Kadalasan dahil sa paggamit natin nang mali sa pag ibig ay nagiging dahilan ito kung bakit nagiging bitter ang iba, sapagkat inaakala nila na ang pag ibig ay nakakasakit at hindi nakakabuti. Kaya naman dahil sa paggamit natin dito ng mali ay sumasama ang imahe ng salitang pag ibig. Subalit ang salitang pag ibig ay banal at napakadakila sapagkat ang Dios ay pag ibig.

Ano nga ba talaga kaibigan ang tunay na kahulugan ng salitang LOVE ayon sa biblia. 1 corinto 13:4-8 4 Ang pagibig ay mapagpahinuhod, at magandang loob; ang pagibig ay hindi nananaghili; ang pagibig ay hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo. 2
5 Hindi naguugaling mahalay, hindi hinahanap ang kaniyang sarili, hindi nayayamot, hindi inaalumana ang masama; 6 Hindi nagagalak sa kalikuan, kundi nakikigalak sa katotohanan; 7 lahat ay binabata, lahat ay pinaniniwalaan, lahat ay inaasahan, lahat ay tinitiis. 8 Ang pagibig ay hindi nagkukulang kailanman.

Kaibigan napakalawak ng kahulugan ng salitang "love". You cannot explain love without God because God is love and the best "I love you" in this world is when Jesus died on the cross because the cross of calvary is the highest manifestations of God's love.

Kaya naman kaibigan, kung gusto mong makatagpo ng tamang pagmamahal at totoong salitang "I love you" ay kay Jesus mo lang iyon matatagpuan. Sapagkat dahil sa laki ng pag-ibig niya sa atin ay napako siya sa krus para tayo ay matubos sa ating mga kasalanan. Siya lang din ang nag iisang nagmamahal sayo ng pagmamahal na hindi matatapos kailanman. Kaya naman kaibigan, kung gusto mo ng isang relasyon na matibay at walang break up ay umpisahan mo ito sa Panginoon. Kung gusto mo ng isang tapat na pag-ibig, yun ay nasa Panginoon. Kung gusto mo ng pag-ibig na hindi ka makakaranas ng sakit, yun ay kay Jesus mo matatagpuan. Lahat ay nasa Panginoon kaya wag mong sasayangin ang panahon at oras mo sa taong sakit lang ang ibibigay sayo.

28/08/2022

Minsan sa buhay natin kailangan natin talaga maranasan ang sakit at pagkabigo. Pagkabigo dahil sa kalagayan na kung saan kelangan nyo nang tapusin at itigil ang inyong pagmamahalan sapagkat sa inyong dalawa ito ay hindi na nagiging pagpapala. Nasasaktan ka dahil kelangan nyo nang kalimutan ang isa't isa maging ang mga magaganda at masasayang alaala. Nalulungkot ka kasi ito 'yung panahon na kung saan aalisin mo na siya sa buhay mo at para kalimutan na. Marahil para sa'yo ito ay napakabigat at nakapahirap pero kailangan mong gawin kung ano 'yong tama at nararapat.

Sapagkat ang salitang "PAG IBIG" ay mabuti at ito ang pinakadakila sa lahat. Subalit kadalasan nagagamit natin ang pag ibig sa maling paraan kaya ito rin ang nagiging dahilan kung bakit tayo ay nasasaktan.

Kaya naman kaibigan kung sa panahon ngayon na ikaw ay nalulungkot at nasasaktan dahil sa naghiwalay kayo ng taong iyong pinakamamahal ay bunga lamang ito ng desisyon mo na kung saan ay masyado kang nagmadali at hindi naghintay.

Kaibigan, tama lang siguro na bago tayo magmahal ng isang tao ay matutunan muna nating unahing mahalin ang Panginoon. Sapagkat hangga't hindi natin natututunang mahalin ang Panginoon ay hindi rin naman tayo matututong magmahal sa kapwa natin tao. Sapagkat ang Diyos ang pinagmumulan ng pagmamahal. Kaya kung hindi natin siya matutunang mahalin ay paano natin mamahalin nang tama ang iba?

Kaya naman kaibigan bagamat sa ngayon ikaw ay nasasaktan at nahihirapan ay may magandang plano ang Panginoon sayo. Huwag na huwag mong iisipin na dahil iniwan ka ng mahal mo ay wala ng nagmamahal sayo. Andiyan palagi ang Panginoon na nagmamahal sa'yo. Kaibigan, mas kelangan na mauna mong matutunang mahalin ang Panginoon bago ang iba sapagkat pinili ka na niya kahit hindi mo pa siya kilala. Minahal ka na rin niya kahit hindi mo pa siya minamahal. At maraming mabubuting bagay ang inihanda niya para sa'yo. Kaibigan, si Jesus lamang nag-iisang nagmamahal sa'yo ng pag ibig na walang hanggan at hinding-hindi ka niya iiwan kailanman. Kaya naman panahon na kaibigan para siya naman ang unahin mong mahalin.

25/08/2022

Alam mo ba kaibigan na magbuhat na magkasala ang ating ninunong si Eva at Adan doon na nagsimula na ang tao ay magkaroon ng kamatayan?

Sapagkat sang-ayon sa Roma 6:23 "sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan"

Kaya naman kaibigan dahil sa pagsuway ng ating mga ninunong si Eva at Adan lahat ng tao na mabubuhay sa mundo ay makakaranas ng kamatayan dahil sa manang kasalanan. Dahil dito lahat ng tao ay naging alipin ng kasalanan. Kaya naman kaibigan bawat taong nabubuhay sa mundong ito ay kagaya ng isang taong nakakulong na may hatol na death penalty. Bawat taong nabubuhay sa mundo na hindi pa tumatanggap sa Panginoon Jesus ay may mahahatulan ng kamatayan. Kaya naman kaibigan wala ni isang tao sa mundo ang makakapag sabi na kaya niyang iligtas ang kanyang sarili. Dahil sa kalagayan ito lahat tayong mga tao ay nabilanggo ng kasalanan at naikulong sa hatol na kamatayan. Dahil sa kasalanan ito rin ang naging dahilan kung bakit tayo ay napalayo sa Panginoon.

Subalit kaibigan mayroon pang dakilang pag-asa. Dahil mismo ang Panginoon Jesus ay bumaba dito sa lupa upang magkatawang tao upang mailigtas tayong lahat na mga nagkasalang tao.

Juan 3:16 "Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan".

Ito kaibigan ang magliligtas sating may mga hatol na kamatayan at kaparusahan ang pag sampalataya sa kanya at ang pagtanggap sa kanya sa ating buhay. Sapagkat ang sabi sa Roma 8:1 "ngayon ngay wala ng anumang hatol sa mga na kay Cristo Jesus"

Kaya naman kaibigan, kung gusto mo rin magkamit ng kaligtasan at makatakas sa hatol na kaparusahan ito na ang panahon para tanggapin mo ang Panginoon Jesus sa buhay mo sapagkat siya lang ang magpapalaya sayo at makakapagbigay ng kaligtasan. Siya lamang daan patungo sa kaligtasan kaya kaibigan wag mo ng ipagpaliban ang iyong kaligtasan inaantay ka ng Panginoon Jesus na lumapit sa kanya kaya naman wag kana mag alinlangan pa tanggapin mo na siya.

24/08/2022

Kaibigan, isa ka ba sa mga taong nakakaramdam na parang maraming kulang sa'yo? 'Yung tipong pakiramdam mo na kakaiba ka sa ibang tao? Minsan tinatanong mo ang sarili mo na bakit ganito ang itsura mo, o kaya naman nagtatanong ka sa Panginoon bakit ka niya ginawang ganito. Minsan naiisip mong hindi nakakatuwa ang itsura mo. 'Yung tipong napakababa ng tingin mo sa sarili mo dahil sa naiisip mong kakaiba ang itsura mo, o hindi kaya naman dumating pa sa puntong sinisisi mo ang Panginoon dahil sa kagalayan mo o hitsura mo.

Kaibigan, kung nakakaramdam ka man ng pagiging insecure dahil sa iniisip mong maraming kulang sa'yo ay panahon na para itigil mo ang pag iisip ng mga ganitong bagay. Sapagkat kaibigan huwag na huwag mong iisipin na hindi ka maganda o gwapo. Sapagkat Kaibigan, nilikha tayo ng Diyos sa bahay bata ng ating mga magulang na kakilakilabot at may kagandahan. Sapagkat Kaibigan, karamihan sa mga tao sa mundo ay ang tinitingnan ay ang ating mga kakulangan at kapintasan. Sapagkat ang mga mata nating mga tao ay makasalanan kaya puro masama at mali ang nakikita. Subalit Kaibigan huwag mong kakalimutan na ang Diyos ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo kundi ang kanyang tinitingnan ay ang ating puso at kagandahang ugali.

Sapagkat kagaya ng sabi ni Haring Solomon sa Kawikaan 31:30 "Ang lingap ay mandaya at ang kagandahan ay walang kabuluhan, ngunit ang babaeng natatakot sa Panginoon siya ay pupurihin."

Kaya naman Kaibigan lagi mong tatandaan walang kwenta ang kagandahan at kagwapuhan kung wala ka naman kinikilalang Diyos sa iyong buhay. Sapagkat ang ating hitsura ay kukupas at maglalaho. Kaya naman Kaibigan ko napakagwapo at ganda mo sa harap ng Panginoon at alam niya ang iyong halaga.

22/08/2022

Kaibigan, ikaw ba ay nasa kalagayan ngayon na maraming problema? Marahil nawalan ka ng trabaho o kaya naman ay pagkakakitaan ng pangangailangang pinansyal, o hindi naman kaya nagsasuffer ka sa sakit. Marahil nalulungkot ka dahil iniwan ka ng taong pinakamamahal mo o kaya naman iniwan ka ng bestfriend mo. O hindi naman kaya ay nasa kalagayan ka na walang wala ka. O hindi naman kaya yong tipong halos ay nawala na ang lahat sayo na tila ba ay nasa punto ka na ng buhay mo na susuko kana kasi para sa'yo wala ng pag asa.

Kaibigan, laban lang at 'wag na 'wag kang susuko sapagkat ang tagumpay ay nagmumula sa mga mahihirap na pagsubok. Kung sa panahon man ngayon na ikaw ay nasa kalagayan na nahihirapan ka, darating din ang panahon na matatapos ang paghihirap mo. Kaibigan, minsan pinaparanas sa'tin ng Diyos ang mga bagay na hindi natin inaasahan upang maging matibay tayo sa hamon ng buhay sapagkat kung wala tayong pagsubok na mararanasan hindi tayo makakapagbuild ng isang character na matatag. Lagi mong tatandaan kaibigan na ang Diyos ay nanatiling mabuti at hindi Siya nagbabago kaya naman kung sa ngayon ay puno ka ng pagsubok at problema magpatuloy ka lang kaibigan, sapagkat ang Panginoon ay palaging may magandang plano para sa'tin. Subalit kailangan talaga muna natin maranasan sa ngayon ang hirap at dumating sa point na walang-wala tayo para mas matuto tayong mas maging malapit sa Panginoon at laging nakaasa sa kaniya. Sapagkat kaibigan sa panahon na wala tayong magawa at kakayahan ay 'yon ang oras na nalapit tayo sa Kaniya, kaya naman kaibigan 'yon ang tamang panahon ng Panginoon para Siya ay tumulong sa'yo, sapagkat sa panahon tayo ay mahina at walang kayang magawa andoon ang kapangyarihan ng Panginoon para palakasin ka.

21/08/2022

Kaibigan, isa ka din ba sa mga taong hanggang ngayon ay may tampo sa isang tao o kaya ay mayroong sama ng loob dahil sa kasalanan nilang nagawa sa'yo? At dahil sa malaking kasalanan na 'yon ay naging dahilan ito upang hindi mo siya mapatawad at pagkap**t ang nararamdam mo sa kaniya?

Kaibigan, kung hanggang sa ngayon ay may tao kang hindi mapatawad, ito na kapatid ang panahon upang patawarin mo siya. Sapagkat kaibigan kung hindi tayo magpapatawad ay hindi rin tayo papatawarin ng Diyos sa langit. Kaya naman kaibigan kung paanong ang Diyos ay nagawa tayong patawarin ay dapat ganoon din tayo sa ating kapwa. Sapagkat kung ang Diyos nga ay nagpatawad lalo na dapat siguro tayong mga tao.

Kaibigan, hangga't may dinadala kang galit at sama ng loob sa iyong puso ay isa ito sa nagiging dahilan kung bakit nabibigatan ka at wala kang kapayapaan sa iyong kalooban. Kaibigan, ang Panginoon Jesus ay napako sa krus para sa kasalanan nating lahat, para tayo ay mapatawad kaya naman binigyan tayo ni Kristo ng halimbawa na dapat natin tularan. Kaibigan, hindi lang dapat ang mga taong gumagawa sa atin ng mabuti ang ating dapat ibigin kundi pati na rin ang mga taong kinagagalitan at kinaiinisan natin. Kaya nga kaibigan, if you want to know how to love, start with someone you hate.

18/08/2022

Isa ka din ba kaibigan sa mga taong tinataguan at nilalayuan ang Panginoon. Hindi ka lumalapit sa kanya kasi naguguilty ka sa mga kasalanan mong nagawa o hindi kaya tumatago ka sa harap ng Panginoon kasi sobrang nahihiya kana sa kanya. Yong tipong patuloy kang lumalayo sa kanya kasi may bagay ka na ginagawa na hindi naman kalooban niya kaya naman nahihiya kang lumapit sa kanya kasi naiisip mo galit sayo ang Panginoon. Tumatago ka sa harap niya kasi marami kang ginagawang mga bagay na mali at inaakala mo na hinding hindi kana mapapatawad ng Panginoon. Lumalayo ka sa kaniya kasi iniisip mo na hahatulan ka niya at inaakala mo na paparusahan ka niya.

Kabigan ko lagi mong tatandaan na wala tayong lugar na mapupuntahan para tumakas at magtago sa kaniyang harapan. Sapagkat lahat ng bagay ay hubad at hayag sa kaniyang harapan. Kaibigan wala tayong anumang maitatago sa kanya. At kung iniisip mo kaibigan na dahil sa laki at dami ng nagawa mong kasalanan ay hindi kana niya mapapatawad, ay nagkakamali ka kaibigan. Sapagkat kaibigan ang ating Dios ay Dios na maibigin, siya ay banayad sa pagkagalit at sagana sa kagandahang loob, kaya kaibigan wag na wag mong tatalikuran ang Panginoon at iiwanan siya dahil may nagawa ka sa kanyang kasalanan, kundi bagkus lumapit ka sa kanya aminin mo ang nagawa mong kasalanan sa kanya na may katapatan, kaamuan at tiyak na papatawarin ka niya. Sapagkat kaibigan may paanyaya ang Panginoon para sa ating mga taong nakagawa ng malaking kasalanan sa kanya. (Isaias 1:18)"Magsiparito kayo ngayon, at tayo ay magkatuwiranan, sabi ng Panginoon. bagamat ang inyong mga kasalanan ay maging tila map**a ay magiging maputi na parang niebe. Bagamat maging gaya ng matingkad na p**a ay magiging mapuputi na parang balahibo ng tupa".

Ayan kaibigan anuman ang kasalanan mo gaano man kalaki o kaliit ay magiging malinis at papatawarin ka niya kung lalapit ka lamang sa kanya. At lagi mo kaibigan tatandaan na anuman ang ating nagawang kasalanan ay hindi nagbabago ang pagtingin niya satin. Nanatili na tayo ay kanyang minamahal, sapagkat tayo kaibigan ay minamahal ng Panginoon ng walang hanggang pag ibig.

17/08/2022

Rest in Christ

Isa ka rin ba kaibigan sa mga taong nakakaranas ng pagod at nakakaranas ng stress dahil puro ka nalang problema
Ito man ay dahil sa trabaho o kaya ay gawaing bahay o di kaya naman ay dahil sa pag aaral. Yong pakiramdam na napapagod ka hindi lang sa gawain o sa pag tatrabaho. Kadalasan napapagod ka emotionally dahil sa problema sa pamilya o kaya naman ay problema financially. Yong pakiramdam na napapagod kana dahil sa tao o kaya naman pagod kana mag suffer para sa isang tao, yong pakiramdam na napakahirap at sobrang bigat, kaya naiisip mong sumuko nalang dahil para sayo hindi mona kaya.

Kaibigan anuman ang iyong nararanasan, pagkapagod man yan dahil sa trabaho, pagkapagod dahil sa pag aaral, pagkapagod dahil sa problema. Napapagod ka physically o pagkapagod emotionally. Kaibigan laban lang at wag kang susuko anuman ang nararanasan mo ngayon tiyak na makakaya mo yan sa tulong ng Panginoon. Kaibigan kung pagod kana sa lahat at hirap na hirap kanang pasanin ang lahat. Kaibigan wag mong solohin ang lahat ng bigat at sarilihin ang lahat. Kaibigan anjan palagi ang Panginoon para tumulong sayo anuman ang pinagdaraanan mo. Kaibigan kung sobrang pagod kana at hindi mo na kaya ang lahat. Kaibigan inaanyayahan ka ng Panginoon Jesus na lumapit sa kanya, nais ng Panginoon Jesus na kunin niya ang yong lahat ng pasanin at magkaroon ka ng kapahingahan sa kanya. Sapagkat kaibigan siya lamang ang ating nag iisang malalapitan sa panahon na pagod na tayo at hindi na natin kaya. Kaibigan wag kang mahiyang lumapit sa kanya sapagkat siya ay handa palaging tulongan ka. Kaya ngayon kaibigan anuman ang problema mo at kinapapaguran mo wag mo na itong sasarilihin kundi isuko mo ito lahat sa Panginoon at siya ay handang tumulong sayo☺️.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Quezon?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Crossing
Quezon
4323
Other Writers in Quezon (show all)
Drake Kven Drake Kven
Quezon

Drake kven

Bible Verse and Motivation of GOD Bible Verse and Motivation of GOD
Side By Side
Quezon, 4302

ALL ABOUT OF GOD ��

Sa Panulat ni Joker Sa Panulat ni Joker
Blk. 29 Lot 22 St. John Street, Sitio Lambak Barangay San Juan Floodway, Taytay , Rizal
Quezon, 1920

Halina't magbahagi ng makabuluhang sining gamit ang mga salita.

jill_kai jill_kai
Mauban
Quezon, 060706

Get inspired �

KIESELines KIESELines
Quezon

QNHS English CLUB FILES QNHS English CLUB FILES
Quezon, Palawan
Quezon, 5304

Stage and Media Productions

LETRA LETRA
Quezon

Khim Khim
Sitio Kalatabog
Quezon

Bloodygracey Updates WP Bloodygracey Updates WP
Quezon

ASPIRING WRITER✍ pen name: BLOODYGRACEY 📩 [email protected]

Belle.Pen Belle.Pen
Quezon

There are stories inside me that wanted to breath, and that is why I write.

Injil Injil
Kampopot
Quezon, 4336

For Fictional Story

Aira Barticulo Rivas Vicente Aira Barticulo Rivas Vicente
San Francisco
Quezon

³¹