RHU Rizal Nueva Ecija
Official page of Rizal Nueva Ecija - Municipal Health Office
๐๐ซ
Kumusta ang puso mo, kawaning may angking galing?
Maayos po na nagampanan ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang Rizal-Rural Health Unit ang How's Your Heart Program na handog para sa mga empleyado ng ating LGU. Ang programa pong ito ay tumagal ng limang araw (February 14-20,2024) na kung saan ang mga empleyadong nasa edad 40 pataas ay sumailalim sa iba't ibang libreng physical health examination tulad ng lipid profile laboratory test, ECG, at health consultation. Layunin po ng programang ito na tayahin ang kasalukuyang estadong pangkalusugan ng bawat empleyado at upang malaman at matugunan ang maaaring nakaambang problema na siyang makaaapekto sa kabuuang estado ng mga empleyado. Mula po sa kabuuang bilang na 274 kawaning nasa edad 40+, 255 dito ang sumailalim sa ECG test at 235 na kawani naman po ang sumailalim sa lipid profile laboratory test. Sa pamamagitan po ng ganitong klase ng programa ay mas naipararamdam natin ang tunay na pagmamahal at pag-aaruga ng lokal na pamahalaan sa mga manggagawa nitong taos-pusong naglilingkod para sa mga kapwa Rizaleรฑo at para sa buong bayan ng Rizal.
๐๐ซ
Makabuluhang Hakbang Kontra Dengue, Sinimulan
Matagumpay pong isinagawa ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang Rizal-RHU sa pangunguna ni Municipal Sanitary Inspector Engr. Willie Duque gayun din ang mga Brgy. Officials ang National Dengue Prevention and Control Program sa Brgy. Macapsing nitong ika-6 ng Pebrero. Kabilang po ang mga sumusunod sa mga serbisyong parte ng programa: case and vector surveillance, case diagnosis and management, outbreak response, health promotion and advocacy, at huli ay research. Layunin po ng nasabing programa na mapigilan at ma-kontrol ang pagkalat at pagtaas ng kaso ng dengue sa buong bansa kaya naman po sinisikap ng ating lokal na pamahalaan na maagapan ang ganitong klase ng kaso bago pa ito tuluyang lumala.
Samantala, kung ikaw po ay may kakilala na naging biktima ng dengue sa inyong barangay ay magtungo lamang sa ating RHU upang mabilis na maisagawa ang mga hakbang tulad ng Dengue Case Surveillance at Space Spraying Kontra Dengue. Tandaan, ang pagkakaroon ng protektadong pangangatawan ay ating armas kontra sa mga sakit na nagmamanman.
๐๐ซ
Naging matagumpay po ang isinagawang Childโs Right and Responsibilities and Teenage Pregnancy Awareness Program ng Department of Education, kaagapay ang Bicos National High School , Department of Social Welfare and Development, at ng Rural Health Unit ng ating bayan.
Ang nasabing programa ay ginanap sa Bicos National High School nitong ika-2 ng Pebrero, 2024.
Ayon sa RHU, malaki ang epekto ng ginanap na programa dahil nakatutulong ito upang malaman ng mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan, at mga dapat gawin sa lipunan.
Bukod pa rito, layunin din po nito na pababain ang bilang ng mga dropout sa mga babaeng estudyante dahil sa maagang pagbubuntis at kung ano ang maaaring maging dulot nito sa kanila.
Sa kasalukuyan, nilalayon ng mga nasabing ahensya na malibot pa ang ibang mga eskwelahan dito sa ating bayan sa mga susunod na buwan.
๐๐ซ
Bakuna kontra influenza at pneumonia, ibinibigay na ๐
Matagumpay po na isinagawa ang National Immunization Program sa apat (4) na barangay dito sa ating bayan ng Rizal kabilang na ang Canaan East, Canaan West, Bicos at Maligaya ngayong ika-30 ng Enero. Ang programa pong ito ay inisyatibo ng Kagawaran ng Kalusugan na siya namang inihahatid ng ating lokal na pamahalaan katuwang na ang Rizal-Rural Health Unit (Rizal-RHU). Libre pong naihatid ang mga sumusunod na serbisyo sa nasabing tatlong barangay: Anti Influenza Virus Vaccination at Anti Pneumonia Virus Vaccination. Layunin po ng programa na magbigay ng madaling access sa pagbabakuna sa pangkalahatang populasyon, lalo na sa mga may mahihinang resistanya tulad ng mga nakatatanda, batang maliit, at mga taong may mga sakit na nagpapahina sa kanilang kalusugan.
๐๐ซ
Municipality of Rizal
01/29/2024
The Local Government of Rizal, led by Mayor Trina Andres, formally welcomed Doctor To The Barrio, Dr. Lady Jheverdhelynne Santos Tolentino assigned by the Department of Health (Philippines) in the Municipality of Rizal, Nueva Ecija during our flag raising ceremony.
PhilHealth Accredited!!!
Maternal Care Provider ๐ซ๐คฑ
Ang RHU Rizal โ Birthing Facility o Paanakan, ay muling dumaan sa proseso kung saan muling napatunayan na ang mga kwalipikasyon at mga kakayahan ng ating mga health care providers (Doctor, Nurses & Midwives) ay pumasa sa mga itinakdang guidelines, standards at proseso ng PhilHealth Insurance Corporation upang tayo ay patuloy na makapagbigay ng kumpletong serbisyo sa mga kababayan nating buntis, hanggang sa sila ay ligtas na makapanganak.
โKapag healthy si mommy, safe and healthy din si baby.โ
Para makasiguro, dapat alam mo ๐จโ๐ฉโ๐ฆโ๐ฆ
Matagumpay po na isinagawa ng ating Rural Health Unit (RHU-Rizal) sa pangunguna ng RH midwives na sina Ms. Mercedes Palada Zambrano at Sharon Andres Batad, ang paglalagay ng subdermal contraceptive implant na isang bahagi ng Family Planning Services Program ng ating bayan. Layunin po ng subdermal contraceptive implant na limitahan ang pagbubuntis ng babae dahil ang implant na ito ay nagtataglay ng synthetic hormones na nagpapahinto sa ovulation at nagpapahirap sa s***m cells na makapasok sa matris ng babae. Sa ganito pong pamamaraan ay mas nakokontrol ng magkasintahan ang pagkakaroon ng dagdag na bilang ng supling sa kanilang pamilya dahil nagkakaroon sila ng kaalaman patungkol sa wastong pagitan ng taon ng pagbubuntis, gayundin ang tamang oras ng panganganak. Kung ikaw po ay nagnanais ng karagdagang kaalaman patungkol sa subdermal contraceptive implant, ay 'wag pong mag-atubili na magtungo sa ating RHU. Tandaan po natin na ito ay gagawin natin para sa tama kung kaya't dapat po nating isipin ang magiging kapakanan ng ating pamilya.
๐๐ซ
Dapat, protektado ka-LUNGS!
Tuloy-tuloy pa rin po ang layunin ng RHU kaagapay ang ating lokal na pamahalaan na maiwasan magkaroon ng influenza at pneumonia ang ating mga kababayan. Parte ito ng National Immunization Program kung saan layunin nito na protektahan ang lahat ng mga tao laban sa nasabing sakit. Ginanap ito noong ika-25 ng Enero, sa barangay General Luna at magpapatuloy hanggang sa iba't ibang barangay ng bayan. Inaasahan po ng ating lokal na pamahalaan na patuloy itong susuportahan ng ating mga kababayan upang maging ligtas ang bawat isa.
๐๐ซ
MALINIS AT LIGTAS NA NEGOSYO, PARA SA MGA RIZALEรO
Patuloy pa rin pong nagaganap ang pagbibigay ng RHU ng Sanitary Permit sa mga negosyo sa ating bayan nitong ika-25 ng Enero. Pinangunahan ito ng ating Sanitary Permit Inspector, Dr. Willie Acosta Duque, kasama sina Joseph Quimson, at Greg Spirito. Layunin po natin na siguraduhing magiging malinis ang lahat ng mga business establishment sa ating bayan upang mas maging ligtas ito para sa mga mamamayan. Samantala, extended at magpapatuloy po ang pagbibigay ng permit hanggang February 20, 2024 sa Business One Stop Shop sa ating munisipyo.
๐๐ซ
TAWA NI BULILIT, MULING MAKAKAMIT!
Tinugunan po ng ating lokal na pamahalaan ng Rizal at ng Rural Health Unit (RHU) nito ang kalusugang pang-dental ng mga mag-aaral sa Maligaya Childhood Development Center nitong ika-25 ng Enero. Ang gawain pong ito ay parte ng Oral Health Care Services Program na naglalayong mapanatiling nasa wastong kalagayan ang oral health ng mga bata. Kabilang po ang mga sumusunod sa serbisyong hatid ng nasabing programa: oral examination, oral health education, tooth brushing drill, ay topical fluoride application. Umaasa po kami at ang Kagawaran ng Kalusugan na mapanatili ang ngiti sa labi ng mga paslit sa pamamagitan ng ganitong klase ng programa
๐๐ซ
Serbisyong Medikal para sa lahat
Nagsagawa ng libreng serbisyong medikal ang ating Rural Health Unit nitong nakaraang ika-24 ng Enero, 2024. Ilan sa mga serbisyo na natanggap ng ating mga kababayan ay ang konsulatasyon, paglalagay ng catheter, paglilinis ng sugat, at BP monitoring. Samantala, pinangunahan ang nasabing programa ng ating Doctor to the Barrio, ilang RHU Staff, at sa tulong din ng DOH HRH. Layunin ng programang ito na matulungan ang ating mga kababayan na maibsan ang kanilang pangangailangang medikal dahil nais ng ating lokal na pamahalaan ay malusog ang bawat isang Rizaleรฑo. Sa ngayon, buong taon na makakuha ng mga libreng serbisyong medikal ang mga mamamayan, pati na rin ilang serbisyong pang-dental.
๐โญ๏ธ
Para sa pamilya, dapat ay laging handa ๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ
Isinasagawa ng ating lokal na pamahalaan katuwang ang Rural Health Unit (RHU) ng ating bayan ang Family Planning Services para sa lahat ng Rizaleno na nagnanais bumuo ng kanilang sariling pamilya. Hatid nito ay iba't ibang libreng serbisyo tulad ng pre-natal check-up, implant insertion sa mga babae, tetanus toxoid injection para sa mga buntis, at libreng family planning counselling. Magtungo lamang sa ating RHU kung ikaw ay nagnanais na mapabuti ang magiging kalagayan mo o ng inyong pamilya. Tandaan na bago tayo magsimula dapat ay lagi tayong handa!
๐โญ๏ธ
Kalusugan ni Munting Juan, alagaan
Sabayang isinagawa ng bawat barangay ng Rizal, Nueva Ecija ang taunang Nutrition Program-Operation Timbang Plus (OPT) katuwang ang National Nutrition Council, Local Government Unit, at DOH. Ginagawa ang programang ito tuwing unang quarter ng taon upang malaman ang sukat at timbang ng mga batang Rizaleรฑong edad 0-59 buwan at makategorya kung ito ba ay normal, kulang, o sobra. Katuwang sa pagpapatupad ng nasabing programa ang Municipal Nutrition Action Officer, Rural Health Midwife, Barangay Nutrition Scholar, at Barangay Health Workers ng bawat barangay. Mahalagang maitala ang kalagayan ng kalusugan ng mga batang Rizaleรฑo upang makatugon tayo na ukol sa kanilang pangangailangang pangnutrisyon.
๐โญ๏ธ
Sagot ko ang kalusugan mo, Rizaleno!
Sinimulan ng ating lokal na pamahalaan at ng Rural Health Unit (RHU-Rizal) ang National Tuberculosis Program para sa taong 2024. Hatid ng nasabing programa ang iba't ibang libreng serbisyo na para sa mga Rizaleno na may edad isa (1) taong gulang pataas. Narito ang ilan sa mga libreng serbisyo: TB screening, TB preventive treatment para sa may mga kumpirmadong sakit, sputum examination, at HIV testing and counselling. Ang programa pong ito ay naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na gumaling at magkaroon ng kaalaman para sa kanilang karamdaman. Kung isa ka sa mga nagnanais na matulungan at makatanggap ng ganitong klase ng serbisyo ay magtungo lamang sa ating RHU.
๐โญ๏ธ
Ngiti mo, Alaga ko
Nagsimula ng ilunsad ng ating Rural Health Unit ang libreng dental services nitong nakaraang ika-24 ng Enero, 2024. Ilan sa mga serbisyong naibigay natin sa mga mamayan ay consultation, at libreng bunot ng ngipin. Layunin ng programang ito ilapit sa mamamayan ang abot-kayang pangangalaga sa ating oral at dental health na hindi dapat mababalewala. Pinahahalagahan po ng LGU ang malusog na ngiti ng bawat Rizaleรฑo.
๐โญ๏ธ
Libreng Bakuna laban sa Influenza!
Matagumpay na naisagawa ang libreng bakuna laban sa Influenza Virus sa 26 na barangay sa ating bayan. Nagsimula ang Anti-Influenza Vaccination for Eligible Population noong ika-15 ng Enero at nagtapos noong ika-24 ng parehong buwan. Sa kabuuan, may 890 na tao na ang nabakunahan.
๐โญ๏ธ
Happy Baby, Healthy baby!
Ginanap na ang buwanang National Immunization Program sa ating bayan noong ika-15 hanggang 19 ng Enero, 2024. Pinangunahan ito ng mga Rural Health Midwives kasama ang DOH Human Resources for Health. Layunin ng nasabing programa na bawasan ang morbidity, at mortality rate sa mga sanggol edad 0-12 months laban sa mga karaniwang mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
๐โญ๏ธ
๐ข๐ข PABATID SA PUBLIKO โผ๏ธโผ๏ธ
August is National Lung Month! Rizaleรฑos Taraโt mag Bayanihan! TB ay TULDUKAN!
PABATID โผ๏ธ
Sa darating na ๐๐๐ด๐๐๐ ๐ด, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฏ ay muli po tayong magkakaroon ng ๐น๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ด ๐๐ต๐ฒ๐๐ ๐ซ-๐ฟ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ง๐ ๐บ๐ฎ๐๐ ๐๐ฐ๐ฟ๐ฒ๐ฒ๐ป๐ถ๐ป๐ด mula alas ๐ด:๐ฌ๐ฌ ๐ป๐ด ๐๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ na gaganapin sa ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ผ๐ฐ๐ฎ๐ป ๐ฐ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐ฐ๐ผ๐๐ฟ๐. Ang mga may ubong dalawang linggo o higit pa, nangangayayat, dumudura ng plema na may dugo, may diabetes, naninigarilyo, senior citizens, may kasamang may TB sa bahay at mga miyembro ng 4Ps ay inaanyayahan upang magpachest x-ray. ๐ซ
Tayo na po at samantalahin ang pagkakataon na malaman ang kalagayan ng inyong mga baga.
Ito po ay handog ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating pinakamamahal na Punong Bayan Mayor Trina Andres at ng Department of Health. ๐
Magkita kita po tayo.
Congratulations Rizal Rural Health Unit Staff๐๐
Thank you for the support Mayor Trina Andres
PABATIDโผ๏ธ
Sa darating na August 1, 2023 ay magkakaroon ng Libreng Chest X-ray at TB Screening na gaganapin sa Barangay Macapsing, Rizal, Nueva Ecija. Ang lahat po ng may ubong 2 lingo o higit pa, nangangayayat, dumudura ng dugo, naninigarilyo, may Diabetes, may kasamang may TB sa bahay, Senior Citizens, mga miyembro ng 4ps at iba pa ay inaanyayahan namin na samantahin ang pagkakataon na ito na malaman ang kalagayan ng inyong mga baga. Ito po ay handog ng ating Pamahalaang Bayan sa pangunguna ng ating pinakamamahal na Punong Bayan Hon. Hanna Katrina L. Andres at ng Department of Health.
Maraming salamat po sa lahat ng naki bahagi sa nag daang โChikiting Ligtasโ Bakuna Kontra Tigdas, Patak Kontra Polio 0-59 Months.
Mga bakuNANAY at PAPAvaccine, sa mga chikiting nakamit po natin ang TOP 6 sa buong Nueva Ecija!
Maraming Salamat po Mayor Trina Andres, RHU Rizal Nueva Ecija Staff, DOH Nueva Ecija, PHO and PDOH NE.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Rizal
3127
Rizal
Maganda po ng bittoon herbs para sa mga may sakit na thyroid,almoranas at iba pang mga bukol bukol
Bernardo Bldg, Aglipay Street Poblacion Sur
Rizal
Gamot na kumpleto at abot kaya.
Brgy. East Poblacion
Rizal, 4003
Products will help soon to be mom and breastfeeding mom to produce milk.
TRC Place, Sumulong Hi-way Bgy. San Isidro, Cainta
Rizal, 1900
aDoc.ph, founded and conceptualized in 2019 through its parent company BlueGold Infocom Systems, Inc., is a telemedicine service provider for professional medical consult and manag...
Rizal
Rizal, 3127
24 hours Medical consultation with automated laboratory diagnostics, X-ray machine and ultrasound. D
Paraiso Street , Poblacion Norte
Rizal, 3127
Salveo, The Best Organic Barley Grass Supplement.
RIZAL
Rizal
Ang Spirulina Grenz Dietary Food Supplement ay ang pinakabagong produkto ng Enerpeak. Ito ay may tat