Claritas Scripturae Ministries - CSM
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Claritas Scripturae Ministries - CSM, Publisher, Palangoy, Binangonan, Rizal.
Kami ay grupo ng mga mananampalataya na naglalayong isalin ang mga Cristianong literatura sa wikang Filipino para luwalhatiin ang Diyos at patatagin ang Kanyang Iglesia.
"Paano natin malalaman na ang Biblia ang siyang Salita ng Diyos?"
----
Ito ang salin ng Katekismo ni Mr. Benjamin Keach sa wikang Filipino. Naglalayon ang katekismong ito na magturo ng mga pangunahing doktrina ng pananampalatayang Baptist.
Ang Pinoy Baptist Catechism (PBC) ay isang ministry ng Claritas Scripturae Ministries - CSM . Kung nais niyong suportahan ang gawain na ito, magpadala lamang ng mensahe sa aming account.
Soli Deo Gloria!
Join us! ✨
Pagbati! Muli po namin kayong inaanyayahan sa ating patuloy na pag-aaral ng "Baptist Catechism" sa darating na ika-25 ng Hunyo (Biyernes), sa ganap na ika-8:00 ng gabi sa pamamagitan ng Zoom. Ito po ay libre at bukas para sa lahat na interesado, maging ang mga hindi Baptist.
Kung nais mong sumali sa pag-aaral na ito, pakisagutan na lamang ang Google form sa mabubuksan gamit ang link na ito: https://forms.gle/nDL6NnEDQsnpXjuq9
Pwedeng-pwede mag-imbita. Kung may mga katanungan kayo, mag-message lamang sa aming pahina.
Maraming salamat! Maluwalhati nawa si Cristo!
Pagbati! Muli po namin kayong inaanyayahan sa ating patuloy na pag-aaral ng "Baptist Catechism" sa darating na ika-28 ng Mayo (Biyernes), sa ganap na ika-7:00 ng gabi sa pamamagitan ng Zoom. Ito po ay libre at bukas para sa lahat na interesado, maging ang mga hindi Baptist.
Kung nais mong sumali sa pag-aaral na ito, pakisagutan na lamang ang Google form sa mabubuksan gamit ang link na ito: https://forms.gle/GxoG6fk7qP2okT3Y9 Pwedeng-pwede mag-imbita. Kung may mga katanungan kayo, mag-message lamang sa aming pahina.
Maraming salamat! Maluwalhati nawa si Cristo!
Join us!
Pagbati! Iniimbitahan po namin ang lahat sa gaganaping pag-aaral ng "Baptist Catechism" sa darating na ika-23 ng Abril, 8:30-10:30PM. Ito po ay libre at bukas para sa lahat na interesado, maging ang mga hindi Baptist.
Kung nais mong sumali sa pag-aaral na ito, pakisagutan na lamang ang Google form sa mabubuksan gamit ang link na ito: https://forms.gle/e8hEA1Uuwtdhofrq7 Pwedeng-pwede mag-imbita. Kung may mga katanungan kayo, mag-message lamang sa aming pahina.
Maraming salamat! Maluwalhati nawa si Cristo!
Sa kalagitnaan noong 1950, si W.E. Sangster, isang Britong pastor, ay nagsimulang mawalan ng boses at abilidad na makalakad dahil sa isang matinding sakit. At napagtanto niya na ang kanyang katapusan ay nalalapit na, kung kaya ibinuhos niya ang kanyang sarili sa pagsusulat at pananalangin.
Kalaunan, ang boses ni Sangster ay tuluyan nang nawala, at ang kanyang mga tuhod ay hindi na makagalaw pa. Isang umaga nang Linggo ng Pagkabuhay, makalipas lamang ang ilang mga linggo bago ang pagpanaw niya, kumuha siya ng isang panulat at nanginginig na sumulat sa kanyang anak na babae. Sa kanyang sulat ay sinabi niya, “Nakakatakot na gumising sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay na wala nang boses pa upang isigaw na “Siya'y muling nabuhay!”—ngunit higit na nakakatakot na mayroon kang boses ngunit ayaw mo namang sumigaw [ng pagpupuri sa Kanya]!”
Sa parehong paraan, nakakatakot din na walang kalayaang panrelihiyon, ngunit mas lubhang nakakatakot na magkaroon ng kalayaang panrelihiyon ngunit hindi naman natin sinasampalatayanan ang Ebanghelyo, hindi sumasamba linggo-linggo, hindi sumusuporta sa iyong kinabibilangang iglesya, at hindi rin ipinapangaral ang Ebanghelyo na sinasabi nating sinasampalatayanan natin.
-Isinalin mula sa "Back to Bedrock" ni Paul W. Powell
Maligayang Araw ng Panginoon, mga kapatid! Lagi nating alalahanin ang muling pagkabuhay ng Panginoong Jesu-Cristo, hindi lang ngayong araw na ito, kundi sa lahat ng araw ng ating mga buhay.
Naniniwala ang mga Baptist sa ganap na pagkapanginoon ni Hesu-Cristo (Rom. 14:9, Mat. 23:10, Efe. 1:22), ang Bibliya lamang ang batas at gabay ng ating pananampalataya at pagsasagawa, at sa gabay ng Banal na Espiritu, bawat mananampalataya ay may kakayahang magbasa at unawain ang Bibliya para sa kanyang sarili. Datapuwat, ang isa sa pinaka inaalagaan nating paniniwala at pinakadakilang ambag natin sa lipunan ay ang paninindigan na ang bawa’t tao ay malayang sumamba sa Diyos ayon sa dikta ng kanyang sariling budhi.
-Isinalin mula sa "Back to Bedrock" ni Paul W. Powell
Maligayang Araw ng Panginoon, mga kapatid!
Ang mga Baptist ay palagi nang naging handa na labagin ang batas, na mapailalim sa labis na pagpapahirap (torture) at pagkakulong, at maging mamatay kung kinakailangan, para lang makapanambahan at maipangaral ang evangelio ayon sa dikta ng kanilang mga konsensya. Palagi nang naging masusunurin sa batas ang mga Baptist, maliban na lamang kung ang batas ng tao ay salungat sa batas ng Diyos, sa ganitong kaso, mas pinipili nilang sundin ang batas ng Diyos kaysa ang mga batas ng tao.
-Isinalin mula sa "Back to Bedrock" ni Paul W. Powell
But Peter and the apostles answered, “We must obey God rather than men. (Acts 5:29)
Blessed Lord's day, brethren!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Rizal
Angono
Rizal
Rampa Pilipinas Magazine Discover the Philippines from A-Z Travel, Culture, Business, Fashion
Binangonan Rizal
Rizal
Haste Digital Publishing is a digital marketing agency that offers SEO, WebDev, and Content Management Services.