San Pedro, Una Ka Rito
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Pedro, Una Ka Rito, Government Organization, San Pedro.
Sa courtesy visit nina Jema Galanza, Mafe Galanza, at Coach Sherwin Meneses ng Creamline Cool Smashers noong nakaraang araw ipinabatid ng alkade na nakatitiyak ang bawat atletang San Pedrense na buo ang kanilang suporta sa kanilang mga laban ano man ang larangan na kanilang ilalaban. Katuwang sa pagsuporta ang kanyang asawa na si Mika Mercado at ang buong pamahalaang lungsod.
Matatandaang si Jema ay nakapag-uwi ng karangalan sa lungsod matapos niyang masungkit ang Best Outside Hitter award at ang pagiging Finals MVP ng Premier Volleyball League (PVL). Pinasalamatan at kinalala rin ni Mayor Art ang husay ng kanyang coach na si Sherwin Meneses.
Ang tagumpay ng bawat atletang San Pedrense ay pagpapakita ng husay at isang patunay na ang Lungsod ng San Pedro ay Una sa Laguna.
JUNE 23, 2024 QUESTION OF THE DAY
Simulan na natin ang kasiyahan ngayong linggo!
Tutok na at manalo!
We will start our live in a few!
Sumiklab ang sunog ngayong gabi sa Quezon St., (Putol) Brgy. Cuyab, San Pedro City, Laguna. Patuloy naman ang pagresponde ng mga bumbero mula sa iba't-ibang barangay at bayan.
You are exactly who you should be! Happy Pride sa ating mga online tambays! Magkita kita tayo bukas!π³οΈβπ
β€οΈπ©·π§‘ππππ©΅π
Makakasama natin silang muli sa ating online tambayan sa darating na linggo sa ganap na ika-3 ng hapon! Kaya tara na upang sama-sama tayong Makisaya, Sumali at Manalo ng mga papremyo!π
"Ikaw Laguna ang buhay at aming patnubay!"
Mabuhaya ang mamayan ng Laguna!π
Inanunsyo ni Mayor Art Mercado na makakatanggap ng Tulong Pinansyal ang mga nagsipagtapos ng A.Y. 2023-2024.
Ang ganitong programa ay sinimulan ni Mayor Art noong unang taon ng kanyang panunungkulan na ang lahat ng mga mag-aaral na nagsipagtapos ng Grade 6, Grade 12 at Kolehiyo ay nakakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan.
Narito ang buong detalye:
https://www.facebook.com/ArtJFMercado/posts/pfbid0WNqRSKrG9E3pyQyJRJ6pAUgcbL8jQCcZbf9aMzMRPqJyxdz9Y58CbRmyiQz4khB3l
Ngayong araw, pinararangalan natin ang ating mga Ama na patuloy na nagtataguyod sa ating mga pamilya! Mabuhay ang mga haligi ng ating tahanan. π
Araw ng Mamamayan: Para sa Mamamayan, Para sa Bayan!
Inilarawan ni Mayor Art Mercado ang labis na pasasalamat at kasiyahan ng mga San Pedrenseng nakatanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang medikal na pangangailangan.
Ang Araw ng Mamayan ay isa sa mga programa ni Mayor Art Mercado upang mas maramdaman ng mga San Pedrense ang mga tulong mula sa pamahalaan. Isa ito sa mga adhikain ni Mayor upang mas mapabilis ang serbisyo sa bawat mamayan ng San Pedro. Ayon kay Mayor, nakahanda ang pamahalaan sa pagtugon sa oras ng pangangailangan at pinaalalahanan ang bawat isa na patuloy na pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Mabuhay ang Bayang Pilipinas, Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!π΅π
JOB HIRING ALERT!
"Independence Day Job Fair" hatid ng pamahalaang Lungsod sa pangunguna ng PESO San Pedro bukas, Hunyo 12, 2024, simula alas-8 ng umaga na gaganapin sa SM CENTER SAN PEDRO (Upper Ground Level Activity Center), Barangay United Bayanihan, City of San Pedro, Laguna.
SM Supermall
SM Appliance Center
Ace Hardware
Supplies Station Inc.
Stationery at The SM Store
Sports Central
Alpine Motors Corp.
Dunkin'
Elite Jinzai
FAMSI (Fully Advance manpower Solutions Inc)
GDE Integrated HR Management Solutions inc
Global Venture Promotion & Marketing Serv. Corp.
I-CAREERUP
I-Merch Media Inc.
JCW Outsourcing and Management Services Inc.
Kilton Motor Corp.
Home Credit
Non-Wearable
People Serve Multi Purpose Cooperative
Alveo Land
Caifu Telemarketing
Career Power Professional Management Services Inc.
Tritek Reverse Logistics Corp
Solidpoint Manpower
Synergy Experts Labor Service Cooperative
Paraan ng pag-aapply:
1. Mag Rehistro - Maari po kayong mag rehistro sa mismong araw ng Independence Day Job Fair sa Hunyo a-12 sa SM Center San Pedro.
2. Pagkatapos mag rehistro, maaari na pong pumunta sa mga kompanyang nais ninyong aplayan, mag-pasa ng resume, mag fill-out ng form at maghintay lamang na ma-interview ng napiling employer.
Paalala: Magdala po kayo ng maraming kopya ng inyong resume at ballpen para po makapag-apply sa mas madaming kumpanya.
" Trabaho? Tara na sa PESO! Legal, Ligtas at Sigurado "
JUNE 2024 HOLIDAYS
β’ Proclamation No. 368, June 12, 2024 (Wednesday) is declared as Regular Holiday in celebration of the 126th Indepence Day (https://tinyurl.com/2k3hanas)
β’ Proclamation No.579, June 17, 2024 (Monday) is declared as Regular Holiday in observance of Eidβl Adha βFeast of Sacrificeβ (https://tinyurl.com/ywtjvz4d)
β’ Republic Act No. 11144, June 19, 2024 (Wednesday) is declared as a Special Non-Working Holiday honoring the 163rd birth anniversary of Dr. Jose P. Rizal, our national hero, who made significant contributions to the country's freedom and identity. (https://tinyurl.com/m28khzn2)
Bilang pagdiriwang ng kapistahan sa Brgy. San Antonio, isasara ang kahabaan ng A. Mabini St. sa Hunyo 10, 2024 (Lunes) sa ganap na 5:00 PM hanggang Hunyo 11, 2024 (Martes) sa ganap na 12:00 AM at sa darating na Hunyo 12, 2024 (Miyerkules) mula 8:00 AM hanggang 7:00 PM.
Bumisita sa Lungsod ng San Pedro ang pamahalaang bayan ng Pangil, Laguna sa pangunguna ni Mayor Gerald Aritao at ang kanilang Sangguniang Bayan upang magsagawa ng benchmarking activity at sisterhood agreement na naglalayong mapatibay ang relasyon sa dalawang bayan.
Mahalaga ang mga ganitong gawain upang mapaigting ang ugnayan sa mga lungsod at munisipalidad sa Laguna para sa mas maayos na pagtutulungan at serbisyo sa bawat mamamayan ng bawat bayan.
Sa inilabas na survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nasungkit ni Mayor Art Mercado ang ika-9 na pinaka-mahusay at masipag na alkalde sa mga bayan o lungsod sa buong Region IV-A&B (Calabarzon & Mimaropa) na may gradong 77.30%.
Ang "Boses ng Bayan" Survey ay naglalayung malaman ang mahuhusay na performance sa larangan ng paglilingkod-bayan ng bawat pamunuan sa iba't-ibang rehiyon sa bansa.
Patuloy ang pagbabahagi ng tulong pinansyal ng ating pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) sa tulong ng DSWD. Layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng bawat San Pedrense na sumasailalim sa krisis.
Samantala, patuloy ang pagsusumikap ni Mayor Art Mercado na magkaroon pa ng mas maraming benepisyo mula sa pambansang pamahalaan para sa bawat San Pedrense.
Tignan: Isang Poste ng kuryente ang sumabog at nabuwal sa kahabaan ng kalsada sa Brgy. Landayan.
Patuloy ang pagresponde ng otoridad at sahan ang mabagal na usad ng trapiko sa kahabaan ng barangay Landayan. Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong daan.
CTTO: Jen Bautista
President Ferdinand Marcos Jr. declared June 17, 2024, Monday, a regular holiday for the observance of Eid'l Adha or the Feast of Sacrifice.
Sa pangunguna ng pamahalaang lungsod at tanggapan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) muling nakatanggap ng Social Pension ang ating mga Indigent Senior Citizens mula sa DSWD Region IV-A Field Office na isinagawa sa Robinsons Galleria South noong nakaraang linggo.
Ayon kay Mayor Art Mercado, gagawin ang lahat ng pamahalaang lungsod upang maalagaan at matanggap ng ating mga lolo at lola ang benepisyo na nararapat para sa kanila.
JUST IN | Yellow Alert Status sa buong Luzon inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines.
Basahin ang buong detalye:
πππππ ππππ πππππ ππππππ
as of 03 June 2024, 8:00AM
πππ₯π₯π¨π° ππ₯ππ«π
2:00PM-4:00PM
7:00PM-10:00PM
Available Capacity - 14,080MW
Peak Demand - 12,951MW
2 plants have been on forced outage since 2023, 2 between January and March 2024, and 12 power plants between April and May 2024; while 6 are running on derated capacities, for a total of 2,692.8MW unavailable to the grid.
Factors that contributed to the raising of yellow alert:
1. Deration of Masinloc 1 (from 344MW to 180MW), Masinloc 2 (from 344MW to 320MW), Calaca 2 (from 300MW to 220MW), and Ilijan A from (600MW to 500MW)
2. Unavailability of Angat Main (200MW) due to low water elevation
2. Forced outage of the following plants: QPPL (460MW), Pagbilao 2 (382MW), and Sual 1 (647MW)
The Visayas and Mindanao grids are under normal condition.
A yellow alert is issued when the operating margin is insufficient to meet the transmission gridβs contingency requirement.
Ngayong National Dengue Awareness Month alamin natin ang 4S Kontra Dengue ng Department of Health (Philippines)
Ipinahatid ni Mika Mercado sa mga magulang ang kanyang buong suporta at pagdamay sa oras ng pagtugon sa mga hamon ng buhay.
Bahagi rin ng kanyang pagbati sa isang Day Care Service Moving Up Ceremony ang kanyang labis na pasasalamat at pagsaludo sa mga magulang na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay upang maitaguyod na mabigyan ang kanilang mga anak ng tamang edukasyon.
Isang Malaya at Makulay na Hunyo! π
Mabuhay ka!ππ΅π
Tinalakay ni Mayor Art Mercado ang patuloy na pagpapalakas at pagpapabuti ng edukasyon ng mga mag-aaral sa Lungsod ng San Pedro sa naganap na Regional Management Committee Meeting sa Mater Ecclesiae School, Inc. nitong nakaraang araw kasama ang mga ilang kawani ng departamento sa edukasyon.
Mahalaga ang ganitong pagpupulong upang matalakay at malaman ng pamahalaang lungsod ang mga pangangailangan sa pagpapalakas ng sistema ng edukasyon sa bawat paaralan. Hangarin ni Mayor Art Mercado ang sapat at may kalidad na edukasyon sa bawat kabataang San Pedrense.
Ating balikan ang makasaysayang pagbubukas ng pinakamalaki at bagong Command Center ng City of San Pedro Disaster Risk Reduction Management (CDRRMO). Tampok dito ang mga makabagong teknolohiya na makakatulong sa mas mabilis na pagresponde sa mga oras ng aksidente at kalamidad.
Ito ay pinasinayaan at binuksaan noong ika-24 ng Abril, 2024 na pinangunahan ni City Mayor Art Mercado at ni DILG Secretary Atty. Benjamin Abalos Jr. kasama rin si CDRRMO Vernet Nico Pavino.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Art Mercado kasama ang kanyang asawa na si Mika Mercado sa Hyundai Engineering & Construction sa isinagawang gift-giving project para sa mga San Pedrense sa pakikipagtulungan ng City Urban Development & Housing Office.
Suspendido ang mga klase sa lahat ng mga paaralan sa pampubliko at pribado sa lahat ng antas sa Lungsod ng San Pedro dahil sa bagyong .
Kasalukuyang nasa Signal No. 2 pa rin ang buong lalawigan ng Laguna at nasa Red Warning Alert kung saan maari pa ring magdulot ng matinding pagbaha sa mga mababang lugar.
Manatiling ligtas at handa sa mga oras ng kalamidad.
Patuloy ang pagbabantay ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa galaw ng bagyong Aghon sa ating lungsod. bukod dito, perosnal ding binabantayan ang mga malalaking ilog na maaring umapaw ngayong Red Alert ang buong lalawigan.
Matatandaan na noong nakaraang buwan ay pinasinayaan ang bagong Command Center ng Lungsod upang masmapabilis ang pagresponde sa oras ng mga kalamidad.
Ngayong nakataas tayo sa RED WARNING, alamin natin ang kahulugan ng mga Color-coded rainfall advisories ng PAGASA.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
4023
Basement, New City Hall Building, Poblacion
San Pedro, 4023
City of San Pedro Transportation Regulatory Unit endeavors to serve the riding public with its stand
Barangay Cuyab
San Pedro
βΉοΈ OFFICIAL FB PAGE OF CUYAB SENIOR CITIZENS ASSOCIATION CHAPTER 2
Barangay San Roque
San Pedro, 4023
Mga kaganapan sa Barangay San Roque
Barangay San Roque
San Pedro, 4023
Official Page of Sangguniang Kabataan ng San Roque 2023 π©΅π
SAINT JOSEPH VILLAGE 9 &10
San Pedro, 4023
Ang page na ito ay para sa kaalaman ng mga myembro ng Senior Citizens SJV9 &10 Chapter.
F. Benito Avenue, City Of San Pedro, Laguna
San Pedro, 4023
Barangay Langgam Information Office, Official page!