Jel Roque

Jel Roque

"Ikinararangal ko na
Ako'y IGLESIA NI CRISTO"

24/11/2023

KAPILYA. KAPILYA. KAPILYA.
AALIS KA NANAMAN?
Puro nalang daw Ako nasa KAPILYA..
Minsan Ang aga-aga pa ako umaalis ng Bahay..
Puro nalang daw Ako may lakad..
Halos lagi nalang inaabutan Ng gabi Ang uwi..
Ano daw ba Meron dun? Di ka naman busog na umuuwi..
Lagi ka sumasamba ehh NAGKAKASALA ka parin naman..

Mga ilang pasabi at tanung sakin..

Una Hindi niyo Po Kasi alam kung gaano kahalaga samin bilang Iglesia Ni Cristo ang mga ginagawa Namin..
Kung IGLESIA NI CRISTO lang Po kayo dun niyo Po mas mauunawaan na Ang bawat Oras na nasasayang ay mahalaga.. Ang MUNDONG ating ginagalawan ay Hindi permanenteng maganda at Hindi Tayo permanent na nandito Tayo sa lupa...

Ang Amin pong ginagawa sa halos Araw araw ay Hindi Po kalooban Namin Ang sinusunod Namin Lalo na Po Ang mga may tungkulin.. kundi Ang kalooban Po Ng Ama para samin Yun ay Ang sumunod kami sa kanya 😇❤️

"INC nga palagi sumasamba ehh NAGKAKASALA parin naman kayo..."
(Paragsimba kamo pero makasasala)waray language..

Kaya nga Po kami sumasamba Kasi Po NAGKAKASALA KAMI kung Araw Araw Po kami NAGKAKASALA Araw Araw Po kami humihingi Ng tawad Hindi naman Po Kasi ibig sabihin na Iglesia Ni Cristo kami di na kami nag kakasala..

Hindi ibig sabihin naturuan na kami ng TAMA eh banal na kami hindi po ganun.. at kung umuwi man kami mula sa aming mga gampanin aktibidad at pag tupad na gutom or ano man hindi naman namin pinag sisisihan yun.. katunayan nga nagpapasalamat kami dahil sa araw araw na nagigising kami pinanghahawakan parin namin ang hiram na buhay at lakas na nagmumula sa kanya.. punong puno ng pag asa at pag titiwala..

mga Pag-uusig na di maiiwasan kahit saan ka magparoon.. pero habang inuusig nila ang Iglesia Ni Cristo patuloy naman itong nagtatagumpay at yumayabong 😇❤️

maraming salamat po at natawag kami sa mga ganitong pag-lilingkod. kung hindi lang po kami naging Iglesia Ni Cristo siguro isa kami sa mga nahihirapan parin at madali madala sa problema dahil sa pabigat ang pagdadala ng buhay at pasanin na suliranin dito sa mundo.. (Convert knows)

kaya hindi namin ikinahihiya na kami ay Iglesia Ni Cristo 🇮🇹❤️


cttro ✍🏻

📸:

24/11/2023

🇮🇹
Ilalayo ka ng Ama sa taong di para sayo sapagkat ilalapit ka niya sa taong inilaan niya para sayo at ikaw lang ang gusto.

24/11/2023

🇮🇹
“Ang dila ay gamitin sa Tama hindi sa mga Haka haka at sa paninira ng kapwa"♥️

24/11/2023

"PAHINGA KO, ANG TAHANAN MO" ✨🇮🇹

📸:

24/11/2023

“lagi ka sa kapilya niyo pero hindi ka naman umaasenso mahirap ka pa rin” puna ng ibang tao.
may mali sayo kapag ang batayan mo ng blessings ay materyal lang, ang bilin sa mga HINIRANG,

At sinabi niya sa kanila, "Sikapin ninyong mag ingat sa lahat ng kasakiman, sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang mga ari-arian."

Lucas 12:15 Ang Banal na Biblia

hindi kami taga sanlibutan, nagpapayaman kami sa gawang paglilingkod, dahil susundan kami ng aming gawa at yun ang may KAYAMANANG WALANG HANGGAN🇮🇹


✍️

📸:

23/11/2023

— God will fulfill what He has promised. ✨🇮🇹

23/11/2023

🇮🇹
"Ma, Pa, kayo po ang laging laman ng aking panata."

22/11/2023

Awit 27:10 MB
🇮🇹
Maiwan man Ako Ng aking magulang, May panginoon pa akong aasahan.

21/11/2023

— Your next tears will be tears of joy. 🇮🇹☝🏻

21/11/2023

🇮🇹
Everything happens for a reason.
Maybe it's a blessing or a lesson.
☝🏻

21/11/2023

🇮🇹
"Church Responsibility"

Is should be our top priority.🤍

16/11/2023

💚🤍❤️
There are things you should wait for, be patient, don't rúsh everything.

15/11/2023

🇮🇹
"Sa mundong mapang-api
may Diyos tayong kakampi"
💞

14/11/2023

Sapagkat nahayag na ang kagandahang-loob ng Diyos na nagdudulot ng kaligtasan sa Lahat ng tao.🇮🇹

Tito 2:11📖
_
📸:

14/11/2023

DECEMBER is coming, PASALAMAT is waving💞

14/11/2023

🇮🇹
Huwag mong sayangin ang oras mo sa mga kalayawan, kundi ituon mo nawa sa paggawa ng kabutihan.✨

14/11/2023

— It's tiring but It's worth it. ✨🇮🇹

14/11/2023

🇮🇹𝐈𝐆𝐋𝐄𝐒𝐈𝐀 𝐍𝐈 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐓𝐎: 𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐀𝐍𝐈𝐁𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐋𝐈𝐋𝐈𝐆𝐓𝐀𝐒🇮🇹

“BAKIT NINYO SINASABI na Iglesia Ni Cristo ang itinatag ng Panginoong Jesucristo sa Mateo 16:18? Nakasulat ba sa talatang ito na Iglesia Ni Cristo ang itinatag?” Ito ang malimit itanong ng mga minimisyon o hinihikayat na umanib sa Iglesia, lalo pa nga’t sila ay nagbabasa rin ng Biblia.
“AKING IGLESIA”
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya …” (Mat. 16:18, Magandang Balita Biblia)
Sinabi ni Cristo na, “ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA.” Kaniya (KAY CRISTO) ang Iglesya, kaya sinabi Niya na “AKING IGLESYA.” Kung gayon, HINDI NA DAPAT HANAPIN PA ng sinuman na sabihin ni Cristo na: “Itatayo ko ang aking Iglesia Ni Cristo.”
Bukod dito, ayon kay Apostol Pedro na siyang kausap ng Panginoong Jesucristo sa nabanggit na talata, ang BATONG SALIGAN o PINAGTAYUAN ng IGLESIA ay ang PANGINOONG JESUCRISTO MISMO gaya ng mababasa sa Gawa 4:10-12:
“Talastasin ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito’y nakatindig sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristong taga-Nazaret. Siya’y inyong ipinako sa krus, ngunit muling binuhay ng Dios. Ang Jesus na ito ‘Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan.’ Kay Jesu-Cristo lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat sa silong ng langit, ang kanyang pangalan lamang ang ibinigay ng Dios sa ikaliligtas ng tao.” (Ibid.)
Sa liwanag ng katotohanang itinuro ni Apostol Pedro na puspos ng Espiritu Santo, (Gawa 4:8, Ibid.) hindi ba MARAPAT LAMANG na Iglesia Ni Cristo ang pangalan ng TUNAY na Iglesiang itinayo ni Cristo? Kaya si Apostol Pablo na isang marunong na tao at may PATNUBAY ng Diyos ay walang atubiling nagbilin:
“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng IGLESYA NI CRISTO ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16, New Pilipino Version)
PAREHONG MAHALAGA
“Hindi ba si Cristo na lamang ang dapat pahalagahan at hindi na ang Iglesia dahil sa Siya naman ang Tagapagligtas at hindi ang Iglesia?” Isa pa rin ito sa itinatanong ng marami.
PAREHONG MAHALAGA ang Panginoong Jesucristo at ang tunay na Iglesia. Ipinakita ni Cristo ang kahalagahan ng Iglesiang itinayo Niya noong Kaniyang sabihin:
“At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan.” (Mat. 16:18, MB)
Ang Iglesiang itinayo ni Cristo ay HINDI PANANAIGAN kahit ng kapangyarihan NG KAMATAYAN! Hindi ba napakahalagang katotohanan ito? Bakit? Mula nang ang tao’y magkasala, siya ay hindi na naging karapat-dapat sa paningin ng Diyos (Roma 3:23, Ibid.), kundi naging kaaway ng Diyos (Col. 1:21. At hindi lamang iyon. ANG TAONG NAGKASALA AY TINAKDAANG MAGBAYAD SA KANIYANG KASALANAN. Kamatayan ang kabayaran ng kasalanan gaya ng mababasa sa Roma 6:23:
“Sapagka’t ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.”
At kung aling kamatayan ang ganap na kabayaran ng kasalanan, ito ay ang IKALAWANG KAMATAYAN sa dagat-dagatang apoy gaya ng mababasa sa Apokalipsis 21:8:
“Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Ano kung gayon ang kailangan upang huwag mapanaigan ng ikalawang kamatayan o huwag makasama sa mga ibubulid sa dagat-dagatang apoy? Kailangang maalis sa pagiging kaaway ng Diyos at ito’y magaganap kapag NALALANG ang ISANG TAONG BAGO ayon kay Apostol Pablo:
“Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan.” (Efe. 2:15)
ANG DALAWA NA NAGING ISANG TAONG BAGO AY SI CRISTO AT ANG KANIYANG KATAWAN O IGLESIA ayon na rin kay Apostol Pablo:
“At siya ang ulo ng katawan, samakatuwid baga’y ng iglesia …” (Col. 1:18)
Mahalaga si Cristo, BILANG TAGAPAGLIGTAS. Mahalaga rin ang Iglesiang katawan Niya sapagkat ITO ANG KANIYANG ILILIGTAS. Kung wala ang tao sa Iglesia Ni Cristo, kahit pa sinasabi niyang pinahahalagahan niya si Cristo, ay WALA PA RING KABULUHAN ang kaniyang sinasabi sapagkat HINDI NAMAN SIYA MALILIGTAS.
NASA ISANG ORGANISASYON LAMANG
Sinasabi naman ng iba na ang “Iglesia” ay ang mga tao na nasa iba’t ibang pangkatin ng pananampalataya o denominasyon na sumasampalataya kay Cristo. Hindi raw ito isang organisasyon lamang.
Ang ganitong pangangatwiran ay SALUNGAT sa sinabi ni Apostol Pablo na:
“Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain: Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.” (Roma 12:4-5)
HINDI SINABI ni Apostol Pablo NA MAGKANIYA-KANIYA na ang lahat; o dili kaya’y HIWA-HIWALAY na grupo o organisasyon ang Iglesiang tunay na kay Cristo basta’t sumasampalataya lamang sa Kaniya. Manapa itinuro ni Apostol Pablo na bagama’t marami ang sangkap, gaya ng mga sangkap ng isang katawan, ang mga sangkap na ito ay NASA IISANG KATAWAN LAMANG. Kaya isang organisasyon o isang Iglesia Ni Cristo lamang.
ANG ILILIGTAS NI CRISTO
Ganito naman ang sinasabi ng iba: “Tagapagligtas si Cristo kaya dapat iligtas Niya ang lahat ng tao at hindi ang nasa Iglesia Ni Cristo lamang.” MAY BATAS ANG DIYOS NA ANG BAWAT TAO AY MANANAGOT O PAPATAYIN DAHIL SA KANIYANG SARILING KASALANAN gaya ng mababasa sa Deutronomio 24:16 na:
“Hindi papatayin ang mga magulang dahil sa mga anak, ni ang mga anak ay papatayin dahil sa mga magulang; bawa't tao'y papatayin dahil sa kaniyang sariling kasalanan.”
UPANG MAPANAGUTAN NI CRISTO ANG KASALANAN NG TAO NA HINDI MALALABAG ANG BATAS NG DIYOS AY GINAWA NIYANG KATAWAN NIYA ANG MGA TAONG KANIYANG ILILIGTAS ayon kay Apostol Pablo:
“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito … Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Cristo sa iglesya. INIHANDOG NIYA ANG KANYANG BUHAY PARA RITO.” (Efe. 5:23, at 25, MB)
ULO SI CRISTO PARA MANAGOT. KATAWAN NIYA ANG IGLESIA NA KANIYANG PANANAGUTAN O ILILIGTAS. Sa harap ng Panginoong Diyos, SI CRISTO AT ANG IGLESIANG KATAWAN NIYA AY ISANG TAO NA LAMANG—ISANG TAONG BAGO (Efe. 2:15), kaya HINDI LABAG SA BATAS NG DIYOS kung pananagutan man ni Cristo ang kasalanan ng mga taong nasa Kaniyang Iglesia. Samantala, kung ililigtas naman niya ang WALA sa kaniyang Iglesia, MALALABAG ang batas ng Diyos.
ANG BINILI NG DUGO
Upang ipakita ni Apostol Pablo ang halaga ng Iglesia Ni Cristo, itinuro niya ang ganito:
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” (Gawa 20:28, isinalin mula sa Lamsa Translation)
ANG IGLESIA NI CRISTO ANG BINILI O TINUBOS NG DUGO NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO. Kaya TIYAK na ito ay ililigtas ng ating Panginoong Jesucristo.
ANG DAPAT GAWIN NG NAIS MALIGTAS
HINDI DAPAT MAGBAKASALAKI. Ang kaligtasan ay tunay na napakahalaga upang ito ay ipakipagsapalaran lamang. TIYAK ANG TAGAPAGLIGTAS. TIYAK DIN ANG ILILIGTAS. Kung gayon ang sinumang nagnanais na maligtas ay kailangang sundin ang itinuro ng ating panginoong Jesucristong Tagapagligtas:
“Ako ang pintuan; ang sinumang taong pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas.” (Juan 10:9, isinalin mula sa Revised English Bible)
Ang KAWAN na DAPAT KAPALOOBAN o PASUKAN ng mga nais maligtas ay ang IGLESIA NI CRISTO (Gawa 20:28, Lamsa Translation). ITO ANG DAHILAN KUNG BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG PAG-ANIB SA IGLESIA NI CRISTO. *

Credits by: NICANOR P. TIOSEN




📸:

14/11/2023

🇮🇹
Kahit mahirap at kapos sa pangangailangan, tungkulin ko'y diko parin pabaayaan.

13/11/2023

🇮🇹
Mahalaga man ang Pag-aaral sa katulad kong Kabataan, Pero mas mahalaga parin ang “TUNGKULIN” aking Sinumpaan
💞

13/11/2023

🇮🇹
Marami mang bawal sa loob ng Iglesia Ni Cristo, para naman iyon sa ikabubuti mo hindi para sa ikapapahamak mo.
😌

13/11/2023

🇮🇹
Kahit ikubli niyo pa relasyon niyo, kung yan ay nasa paglabag di yan magiging matatag.

13/11/2023

🇮🇹
Talo ang salitang "MAHAL KITA" sa salitang "IPAGPANATA KITA."

13/11/2023

🇮🇹
"Ang susi sa mga SULIRANIN,
ay Ang PANALANGIN"
🙏🏻

13/11/2023

🇮🇹
"Kung alam mong nasa paglabag,
Nawa'y Matuto kang umiwas"
😌

13/11/2023

🇮🇹
“Huwag masilaw sa ganda ng SANLIBUTAN, tandaan mas maganda ang BAYANG BANAL.”

Photos from Jel Roque's post 13/11/2023

Sa aming mga kakilala, mga kaibigan, mga kamag-anak at kahit na sino pa mang maabot nito ay
MALUGOD PO NAMIN KAYONG INAAANYAYAHAN sa aming isasagawang MAKASAYSAYANG PAMAMAHAYAG NG MGA SALITA NG DIYOS na isasagawa ng Iglesia Ni Cristo,
Pagkakataon niyo na Po para makapagsuri. 💞🇮🇹

Petsa: November 17, 2023
Oras: 7:00 pm
Dako: Kapilya Ng Lokal Ng Balintocatoc (SANTIAGO CITY)

"SA IGLESIA NI CRISTO, WELCOME PO KAYO"
Maraming Salamat po sa inyong pagpapaunlak😊

13/11/2023

Ipinagbabawal sa magkakapatid sa Iglesia ni Cristo ang magdemandahan..

1 Corinto 6:1,4-6
[1]Kung may reklamo ang sinuman sa inyo laban sa kanyang kapatid sa pananampalataya, bakit siya nagsasakdal sa mga hukom na di-mananampalataya,
sa halip na ipaubaya sa mga hinirang ng Diyos ang pag-aayos ng usapin nila?

[4]Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya?

[5] Dapat kayong mahiya! Wala bang isa man lang sa inyo na marunong mag-ayos ng awayan ng magkakapatid?

[6] Bakit nagsasakdal kayo sa hukuman, kapatid laban sa kapatid, at sa harap pa naman ng mga di-mananampalataya?

✍🏻:cttro
📸:

11/11/2023

🇮🇹
Hindi Masama ang Maghanap-buhay at Mag-aral,basta't lagi mong iugnay sa Diyos ang lahat ng iyong Hangarin sa Buhay.💞

11/11/2023

🇮🇹💞
Very soon you will smile and say
"God, this is more than I prayed for."

08/11/2023

" Sa Tahanan mo AMA , Ako'y laging sabik na Pumunta " 😇🇮🇹

📸:

08/11/2023

"HAPPY ORGANIST DAY"
PO
SA LAHAT NG MGA MAGIGITING NA ORGANISTA SA IGLESIA NI CRISTO
🎹🇮🇹

Photos from Jel Roque's post 07/11/2023

Ayos lang gabihin basta sa kapilya galing ✨🇮🇹

📸:

Want your business to be the top-listed Photography Service in Santiago?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address

Santiago
Other Santiago photography services (show all)
Jmampuag MUSIC ROOM Jmampuag MUSIC ROOM
Santiago

MUSIC IS A WEAPON IN THE WAR AGAINTS UNHAPPINESS.

Chapter Captures Chapter Captures
Santiago, 2707

Photography

GDC Studios GDC Studios
Panganiban Extension, Near Mang Inasal City Market
Santiago, 3311

OC PRINT HAUZ OC PRINT HAUZ
Gawad Kalinga Gayong Cordon Isabela
Santiago, 3312

OC PRINT HAUZ OFFERS: PICTURE PRINTING TARPAULIN ID LAMINATION INVITATION CALLING CARD STUFF TOYS

Deejay rubber bushing Deejay rubber bushing
San Andres Santiago City ISABELA
Santiago, 3311

any kind of rubber bushing support of all types of vehicles

Amari's Apparel Amari's Apparel
Santiago
Santiago, 3311

Affordable Online Shop for you and your love one!

Stgo.Creatives Stgo.Creatives
Santiago, 3311

STGO.CREATIVES is back!!! �Santiago City ������������������ ?

pitik ni pey pitik ni pey
Santiago
Santiago, 2707

W4PZ photography W4PZ photography
Santiago

your beginner photographer

Team Butchog Team Butchog
Santiago, 3311

COMEDY | VLOG | TRAVEL | TOURIST PLACES | ENTERTAINMENT | FOOD MUKBANG | FUNNY PRANKS VIDEO |

Ariel Bayaua Photography Ariel Bayaua Photography
Sagana Purok 2 Santiago City
Santiago, 3311

Creating moments, Creating life. Photo Click Meets Perfection. I Didn’t Choose Photography

Charnalyn Sunga Charnalyn Sunga
Baltar Street
Santiago, 3311

I created this page so i can upload my song covers here , hope you enjoy watching ^_^