Sariaya STAN

Serbisyong Tunay At Natural

Photos from Sariaya STAN's post 11/07/2024

Matagal ng kahilingan ng isang Sitio sa Brgy. Lutucan Bata Sariaya Quezon ang magkaroon sila ng maayos na pagkukunan ng tubig.

Kaya naman laking pasasalamat ng mamamayan at ng Sangguniang Brgy. sa pangunguna ni Kap. Bico na agad ay natugunan ito ng Serbisyong Tunay At Natural sa pangunguna ni Gov. Doktora Helen Tan at Doc Kim Tan.

Kasama si BISE Kons. Arlene Genove at Kuya Arvin Genove ay nadala na ang mga gagamiting panglinya ng nasabing patubig at sa lalung madaling panahon ay mapapakinabangan na ito ng ating mga kaBRGY. 🧡👍🏻

Maraming salamat po Gov. Doktora Helen Tan.☺️

09/07/2024

Ikaw ba ay nagmamay-ari ng Sari-sari store at nangangailangan ng pandagdag pangkabuhayan?

Kung oo, halina’t sumali sa STAN-Kabuhayan Livelihood Assistance Program na isa sa mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan.

Upang makasali, narito ang mga kinakailangang gawin:

1. Kumpletuhin ang mga sumusunod na dokumento:
- Photocopy ng DTI Business Name Certificate
- Photocopy ng Barangay Permit o Mayor’s Permit (kinakailangan ipresenta ang mga photocopy ng Brgy. permit o Mayor’s permit mula sa taong 2023 at 2024 bilang patunay na 1 taon na ang operasyon ng iyong Sari-sari store)
- Printed copy ng Litrato ng Sari-sari store kasama ang may-ari ng tindahan

2. Ipasa ang photocopy ng mga dokumentong nabanggit sa pinakamalapit na STAN Satellite Office o DTI Negosyo Center sa inyong lugar mula July 3-14, 2024.

Mangyaring magdala ng alinman sa mga sumusunod na Valid IDs upang maberipika ang inyong pagkakakilanlan:
- National ID
- Solo Parent ID
- Senior Citizen ID
- TIN ID
- PWD ID
- at iba pang Government issued IDs

Samantala, priyoridad na mabigyan ang mga Sari-sari store owners na Senior Citizen, Solo Parents, Persons with Disabilities (PWDs) at Out-of-School youths ngunit maaari pa ring magpasa at mapili ang mga Sari-sari store owners na hindi nabibilang sa mga nabanggit na sektor.

Kaya ano pang inaantay mo? Sumali na at baka ikaw ang isa sa mga maswerteng makakatanggap ng STAN-Kabuhayan Negosyo Package.

Photos from Sariaya STAN's post 28/05/2024

Maraming salamat po sa ating ina ng lalawigan na si Gov. Doktora Helen Tan sa walang sawang pagtulong sa ating mga kababayan.

Kasama ang ating kasamahan sa opisina at ang ating ka-partner sa paglilingkod na si kons Arlene Genove , kons Vince Alcala at Kons Arvin Genevo ay namahagi po tayo ng libreng pagkain at relief goods para sa ating mga kababayan na nasalanta sa hagupit ni bagyong Aghon.

Photos from Sariaya STAN's post 30/04/2024

Kusina ni Doktora Helen Tan - (Labanan ang Gutom, Tamang Aksyon sa Nutrisyon!)

Kasama ang ating mga STAN partners ay nagtungo ang Kusina ni Governor Doktora Helen Tan sa Brgy. Castañas upang mamahagi ng masarap na almusal sa ating mga kababayan.

Nagpapasalamat po kami sa ating Governor Doktora Helen Tan sa paghahatid ng masarap at malinamnam na almusal para sa ating mga kalalawigan.

Paantabay po sa ating mga kababayan kung saang barangay po ang susunod na paghahatidan ng masarap na almusal.

Photos from Sariaya STAN's post 29/04/2024

Unang arangkada nang Kusina ni Doktora Helen Tan - (Labanan ang Gutom, Tamang Aksyon sa Nutrisyon!)

Kasama ang ating mga STAN partners ay nagtungo ang Kusina ni Governor Doktora Helen Tan sa Brgy. Lutucan 1 upang mamahagi ng masarap na almusal sa ating mga kababayan.

Nagpapasalamat po kami sa ating Governor Doktora Helen Tan sa paghahatid ng masarap at malinamnam na almusal para sa ating mga kalalawigan.

Paantabay po sa ating mga kababayan kung saang barangay po ang susunod na paghahatidan ng masarap na almusal.

26/04/2024
Photos from Sariaya STAN's post 04/04/2024

Ngayong araw ay namahagi po tayo ng upuan, solar lights, cemento at jetmatic sa pangunguna ng ating mga kasamahan sa opisina.

Kasama din po ang ating mga STAN Partners at kabalikaTAN na si Kons. Arlene Genove at Kons. Vince Alcala na siyang nagpahatid ng malaking tulong para sa ating kababayan mula sa ating mahal na ina ng lalawigan, Governor Doktora Helen Tan .

Malaking pasasalamat naman po ang ating natanggap mula sa mga taong ating nabigyan.

Photos from Sariaya STAN's post 23/02/2024

Happy birthday Boss RD Ronel Tan🎉

From: Sariaya STAN 🧡

Photos from Sariaya STAN's post 20/02/2024

February 20, 2024

AICS PSWD PAYOUT

349 beneficiaries ang nakatanggap ng medical, burial, at financial assistance mula sa programa ng ating mabuti at masipag na Governadora Doktora Helen Tan, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development (PSWD) at Provincial Treasure Office (PTO)

Photos from Sangguniang Brgy ng Tumbaga 1's post 24/11/2023
30/09/2023

HAPPY BIRTHDAY!🥳 Governor Doktora Helen Tan. Mahal ka po namin. Mula po sa bayan ng Sariaya!🧡🫰🏻

Photos from Sariaya STAN's post 22/09/2023

“Turn Over Establishment of Dairy Multiplier Farm” of PALCON Dairy Multipurpose Cooperative at Brgy. Concepcion Palasan Sariaya Quezon.

Layunin nito na mapataas at mapadami ang gatas ng mga baka sa produksyon upang makatulong sa mga miyembro ng samahan ng magbabaka.

Salamat po Governor Doktora Helen Tan!

13/08/2023

Aplikasyon para sa Full Scholarship Program ng Quezon Provincial Government, Umarangkada Na!

Ang edukasyon ay nagtataglay ng pangako at katuparan ng magandang kinabukasan. Ito ngayon ang binibigyang katuparan ni Governor Doktora Helen Tan matapos ilabas ang anunsyong bukas na ang aplikasyon para 1 Poor Family, 1 College Graduate Full Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan.

Matatandaang naging laman ito ng mensahe ni Gov. Helen noong nakaraang Pebrero at matapos nga ang pagsasaayos ng sistema at proseso ay aarangkada na ito para sa mga kwalipikadong mag-aaral na Quezonian. Sa pamamagitan umano nito ay matutugunan ang kahirapan sa pamamagitan ng mga mag-aaral na makakatapos ng pag-aaral at kalauna'y makakatulong sa pamilya at sa bayan. Naniniwala rin ang Gobernador na kapag may isang miyembro ng pamilya ang nakatapos sa kolehiyo ay mas malaki ang pagkakataong makaahon ang buong pamilya sa kahirapan.

Para sa kabuuang proseso ng aplikasyon, iclick lamang ang link na ito. https://www.facebook.com/DoktoraHelenTan/posts/861616125536379

13/08/2023

Magandang balita para sa ating mga mag-aaral na Quezonians!

Bukas na para sa aplikasyon ang 1 Poor Family, 1 College Graduate Full Scholarship Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa mga kabataan mula sa pinakamahihirap na pamilyang nagnanais makapagtapos ng kolehiyo.

Ang mga mag-aaral na nais maging Iskolar ay kinakailangang:
- Isang Pilipino
- Mamamayan ng Lalawigan ng Quezon
- Nagmula sa mahirap na pamilya (indigent)
- Nakapagtapos ng Sekondarya (Senior High School)
- Wala pa ni isa sa kanyang pamilya ang nakapagtapos ng kolehiyo
Bibigyang prayoridad ang mga mula sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o mula sa mga pinakamahihirap na pamilya (Poorest of the Poor)

Sa mga kwalipikadong mag-aaral, ipasa ang mga sumusunod:
- Letter of Intent
- Application Form (i-download mula sa link na ito https://drive.google.com/file/d/18BsGQbutrPTafuG6PEEoQIzZwJSg_aGC/view?usp=sharing )
- Alin man sa sumusunod:
o Certified Copy ng Birth Certificate mula sa Civil Registrar;
o PSA Birth Certificate; o
o Photocopy ng PhilSys ID (ipakita ang orihinal na ID sa regisration)
- Certified Photocopy ng DepEd School Form 9 o Learner’s Progress Report Card (Signed and Sealed by School Principal)
- Social Case Study mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)

Mangyaring isulit ang mga dokumento sa pinakamalapit na Provincial Government Satellite Office sa inyong lugar o sa Scholarship Office ng Tanggapan ng Punong Lalawigan sa Governor’s Mansion, Quezon Capitol Compound, Brgy. 10, Lucena City. Tatanggapin lamang ang aplikasyon hanggang ika-1 ng Setyembre 2023.

Para sa karagdagang impormasyon, maaari kayong tumawag sa sumusunod:
(042) 785 0281 o 0998-548-5607

30/07/2023

Patuloy pa rin po ang pangloloko ng hacker! Nanghihingi sya ng pera via GCash or link daw sa Shopee o Lazada ang GCash account. HUWAG PO KAYO MAGPAPALOKO DOON SA HACKER! Pakiusap na rin po na i-report sa Facebook ang account na ANACLETO A. ALCALA III as hacked account at i-block ninyo na rin po iyon para hindi na po kayo ma-chat ng hacker. Salamat po.

23/06/2023

With a 92.50% rating, the DPWH Regional Office 1 headed by our very own Engr. Ronnel Tan, ranked 1st on the recent evaluation for the Most Outstanding DPWH Regional Offices (ROs) and District Engineering Offices (DEOs) for CY 2022 conducted by the PRAISE Committee and awarded by President Bongbong Marcos as part of this year's 125th Founding Anniversary of DPWH.

No one could even be more prouder than we are as you consistently work the hardest to deliver the best quality of excellent public service. From being a Model Employee to the Best District Engineer and now the Best Regional Director!

Congratulations!🥂👏

We love you and we are so proud of you! 🥰🧡

07/06/2023

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakatanggap ng “Unmodified Opinion” ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon mula sa Commission on Audit para sa financial statement noong taong 2022, isang patunay ng tapat at responsableng pamamahala sa pondo ng lalawigan.

Ang audit opinion na ito ay nakukuha mula sa nasabing ahensya na nakabase sa malinis na financial statement ng isang ahensya ng pamahalaan.

Asahan naman ang patuloy na pagpapatupad ng mga polisiya tungo sa Good Governance sa probinsya na isa sa layuning nakapaloob sa HEALING Agenda ni Gov. Doktora Helen Tan.

29/04/2023

Masayang ibinalita ni Konsehala Arlene Genove sa kanyang mga pinaglilingkurangg Sariayahin na nagbunga na ang pakikipag - ugnayan niya kasama sina Vice - Mayor Alex Tolentino at Konsehal Vince Alcala Banta sa tanggapan ni Governor Doktora Helen Tan.

Partikular na tinutukoy nito sa panayam ay ang ginanap kamakailan na Groundbreaking Ceremony ng 2- Storey 6 - Classroom School Building sa Sariaya National High School at ang blessing ng 1.3km barangay road sa Barangay Concepcion Palasan na aniya ay naisakatuparan sa pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Local Government Support Fund - Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program.

Tiniyak ng opisyal na bilang Chairman ng Committee on Education, patuloy siyang magsusulong sa konseho ng mga ordinansa para sa kapakinabangan ng mga estudyante dito.

Para sa iba pang ipinahayag ng opisyal, manood bukas ng programang StanUp Balikatan.

Photos from Sariaya STAN's post 28/04/2023

AICS PAYOUT
ASSISTANCE TO INDIVIDUAL IN CRISIS

53 beneficiaries ang nakatanggap ng Medical, Burial at Financial Assistance mula sa progrma ng ating mabuti at masipag na Governador Doktora Helen Tan katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWD) at Provincial Government Satellite Office of Sariaya STAN .

Maari po kayo makipag ugnayan sa ating ospina sa Brgy. Sto cristo Sariaya Quezon

Photos from Provincial Government of Quezon's post 27/04/2023
24/04/2023

🥰

20/04/2023

🫶🏻🫶🏻🫶🏻

Photos from Doktora Helen Tan's post 17/04/2023

QMC now🥰🫶🏻

28/03/2023

Para sa ating mga kalalawigan na nais makapanood ng libre sa darating na laban ng Quezon Huskers bilang ating pambato sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa darating na April 1, 2023, Sabado, sa Quezon Convention Center, Lucena City. Narito po ang schedule ng distribution sa mga bayan na nakalista sa ibaba:

✅ Lucena City (1,000 tickets) - Perez Park (March 29 - 8am onwards)
✅ Calauag (200 tickets) - Heroes Park Brgy. Pobtres, Calauag, Quezon (March 29 - 7am onwards)
✅ Lopez (200 tickets) - Ciudad Candida Brgy. Gomez, Lopez, Quezon (March 29 - 7am onwards)
✅ Unisan (200 tickets) - Resma Brgy. F.De Jesus, Unisan, Quezon (March 29 - 7am onwards)
✅ Sariaya (200 tickets) - Sariaya Complex Covered Court Brgy. Pob. 6, Sariaya, Quezon (March 29 - 7am onwards)
✅ Lucban (200 tickets) - Patio Rizal Barangay 8, Lucban, Quezon (March 29 - 7am onwards)

PAALALA❗❗❗
1. Ang pagbibigay ng ticket ay isa lamang sa kada tao.
2. Limitado lang ang ticket na ipinamamahagi.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pagbili ng Upper Bleacher ticket.

Salamat po!

19/03/2023

Happening Now: Fisherfolks Consultative Meeting | Jomalig, Quezon | March 19, 2023

19/03/2023

Happening Now: 4K Assembly and Distribution of Aid to Barangay in Jomalig, Quezon | March 19, 2023

Want your organization to be the top-listed Government Service in Sariaya?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

HAPPY BIRTHDAY!🥳 Governor Doktora Helen Tan. Mahal ka po namin. Mula po sa bayan ng Sariaya!🧡🫰🏻
Happening Now: Fisherfolks Consultative Meeting | Jomalig, Quezon | March 19, 2023#STANQuezonBetterTogether#SerbisyongTu...
Happening Now: 4K Assembly and Distribution of Aid to Barangay in Jomalig, Quezon | March 19, 2023#STANQuezonBetterToget...
Happening Now: Fisherfolks Consultative Meeting | Patnanungan, Quezon | March 18, 2023#STANQuezonBetterTogether#Serbisyo...
Happening Now: Fisherfolks Consultative Meeting | Patnanungan, Quezon | March 18, 2023#STANQuezonBetterTogether#Serbisyo...
Happening Now: 4K Assembly and Distribution of Aid to Barangay in Burdeos, Quezon | March 17, 2023#STANQuezonBetterToget...
Happening Now: Lingap sa Mamamayan, LIBRENG GAMUTAN | Patnanungan, Quezon | March 18,  2023✅ Free Medical Check-up✅ Free...
Happening Now: Fisherfolks Consultative Meeting | Burdeos, Quezon | March 17, 2023#STANQuezonBetterTogether#SerbisyongTu...
Happening Now: 4K Assembly and Distribution of Aid to Barangay in Burdeos, Quezon | March 17, 2023#STANQuezonBetterToget...
Happening Now: Lingap sa Mamamayan, LIBRENG GAMUTAN | Burdeos, Quezon | March 17,  2023✅ Free Medical Check-up✅ Free Den...
Happening Now: Polillo Medicare Hospital Visitation#STANQuezomBetterTogether#SerbisyongTunayAtNatural

Category

Website

Address

Pan-Philippine Highway
Sariaya
4322
Other Public Services in Sariaya (show all)
Sariaya Quezon Punong Puzo Negro at Baradong Tubo. Sariaya Quezon Punong Puzo Negro at Baradong Tubo.
Sariaya Quezon
Sariaya, 4322

Quezon Punong Puzo Negro at Baradong Tubo.

Serbisyo at Aksyon Garantisado Serbisyo at Aksyon Garantisado
N. A
Sariaya, 4322

serBISEyo at Aksyon, Garantisado! Hatid ng masipag na lingkod-bayan, at your serVICE Arlene Genove.

Arlene Genove Arlene Genove
Sariaya, 4322

public sevice