Pixelated Letters

Pixelated Letters

in every pixel,
there is a story
waiting to be
unleashed

02/09/2022

Napakadaya ng mundo.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

18/07/2022

Akalain mo 'yon, writer ka 'di ba? Kaya mong laruin at magpaikot-ikot ng mga salita pero nagawa kang paglaruan at paikutin ng maling tao.

—Pambang

21/06/2022

Minsan akong nagtanim ng binhi ng pangarap
Araw-araw ko itong dinidilig ng pag-asa
Binubungkal ang lupang uhaw sa kaalaman
Ginagamas ang mga ligaw na pag-aalinlangan
Nilagyan ko ng patabang mula sa suporta nila
Iniiwas sa mga pesteng bulung-bulungang hindi ko raw kaya
Tinitiyak kong may sapat itong sikat ng araw
Tama lang ang init, tama lang ang lilim
Hindi malalanta, hindi rin lalamunin ng dilim
Hanggang sa sumibol na ang mga dahon
Itinanim kong punla'y unti-unting yumayabong
Tamang pag-aalaga lamang at sigurado
Ito rin ay mamumulaklak at mamumunga.

Ngunit hindi pala ganoon kadali ang magtanim
Dahil minsan akong sinalanta ng bagyo
Bumuhos ang malakas na ulan ng problema
Pabugso-bugsong hangin parang ako'y itutumba
Rumagasa ang bumabahang luha
Nabali ang ilan sa mga sangang nagpapatibay sa akin
Ang mga dahon ay sapilitang nanlagas
Sadya yata na ang tadhana ay hindi patas
Muntik na akong bumigay noong ang ilan sa ugat na aking pinaghuhugutan ng lakas ay nabuwal
Paano na kaya ako bukas — tutubo pa kaya ang itinanim kong pangarap?

Sadyang makapangyarihan ang panalangin
Aking mga dasal Kanyang pinakinggan
Muling sumikat ang araw mula sa silangan
Pag-asa'y muli ko nang nasilayan
Hindi pa tapos ang laban
Maaari pang magbunga ang aking pinaghirapan
Nakabangon muli sa pagkakatumba
Muling sumuloy ang mga sanga
Yumabong ang mga dahon
Namulaklak ulit katulad noon
At ngayon dumating na ang tamang pagkakataon
Handa na akong anihin ang bunga ng itinanim ko kahapon
Aakyat sa entablado, hawak ang kapirasong titulo
Siyang magpapatunay na ang aking ambisyon —
Hindi na lamang isang ilusyon
Sinubukan kong magtanim ng pangarap
At napatunayan kong laging may paghilom
Maging sa pinakamadilim man nating parte
At maging sa pinakatahimik mong yugto—
Laging mayroong paglago.

Binhi ng Pangarap | Pambang

04/06/2022

pag-ibig man ay panandalian
iniwan namang alaala'y pangmatagalan
salamat sa tamis — sa pait
salamat sa saglit
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

02/06/2022

"Mula noon, hanggang ngayon... Mula ngayon, hanggang dulo — ikaw at ako."

Mahal, wala sa aking hinagap na hahantong tayo sa sitwasyong ating kinalalagyan. Hindi pala sapat ang mga awiting sa iyo ko inilaan. Na kahit anong bagal at gaano katagal kitang hinanap ay hindi kita natagpuan. Hindi ako ang hinihintay mong sundo kaya't kailangan kitang ipaubaya sa taong alam kong ika'y mas magiging malaya.

Marahil ito na ang ating dulo dahil mula ngayon hanggang dito na lang tayo — wala ng ikaw at ako.

Ikaw at Ako | Pambang

Larawan mula sa Showbiz Community

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

31/05/2022

May nagtanong sakin, ano raw ba ang pinakaayaw ko sa lahat?

Sumagot ako na ang ayaw ko sa lahat ay 'yong mga taong sinungaling.

Kaya nga galit ako sa sarili ko kasi kapag may nagtatanong sa akin kung kumusta na raw ba ako — sinasabi kong ayos lang.

Pero hindi naman 'to totoo.

Sinungaling | Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

25/05/2022

Sabi ko noong una, ayoko na munang sumugal. Baka kasi kapag tumaya ako, matalo na naman. Ngunit paano kung manalo, sayang naman siguro. Sige, tataya ako.

Unang balasa, masaya ka pala namang kasama. Hindi nauubusan ng mga kuwento at istorya. Lalo akong natuwa noong parehas pala tayo ng gusto — ang mga tula. Sabi mo kasi iba ang dala nitong hiwaga. Malalalim ang mga salita. Ang ganda ng napili mong paksa dahil dito mo ilalathala ang pag-ibig nating dalawa.

Ikalawang balasa — teka, bakit parang iba na 'yong hawak mong baraha? Hindi na yata ito ang ating istorya. Ikaw pa rin ang hari pero hindi na ako ang reyna. Itinapon sa gitna at pinalitan ng iba. Ganoon na lang ba talaga kadali ang bitawan ako nang bigla?

Heto na ang huling balasa. Inipon ang mga barya. Itinaya ang huling pag-asa. Kinamada ang mga alaala. Inilabas ang huling baraha — mahal kita. Ngunit ang malas ko sapagkat nalaman kong hindi lang pala ako ang tinayaan mo.

Dapat pala hindi na ako sumugal. Hindi na dapat kita tinayaan dahil sa ating dalawa — ako ang umuwing luhaan.

Napakadaya ng sugal na 'to.
Kung kailan ako naging sigurado sayo — isa lang pala ako sa mga baraha mo.

Baraha | Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

23/05/2022

Please, consider my feelings.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

17/05/2022

Hindi naman sapat na sa bibig lamang mananatili ang sinasabi mong pag-ibig.

Paulit-ulit mong binabanggit na mahal mo ako pero bakit kahit minsan hindi ko naramdaman sa mga kilos mo? Lagi kong naririnig ang salitang "Mahal Kita" ngunit bakit hindi ko naman nakita?

Lagi na lang ako ang naghahabol ng oras mo. Nanlilimos sa kaunting atensyong hindi ko matantiya kung kailan mo ibibigay.

Ano ba ang depinisyon mo ng pagmamahal?
Kasi kung ganito ang paraan mo para ipadama ang pag-ibig na sinasabi nila — ang sakit pala.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

16/05/2022

ganito nga siguro ang pag-ibig —
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

15/05/2022

Hinintay kita.

Hinintay kita kasi 'di ba sabi mo sabay tayo? Sabay nating aabutin ang mga pangarap natin. Sabay tayong maglalakbay sa mga daang tatahakin natin.

Hinintay kita kasi 'di ba sabi mo kapag puwede na ipagyayabang mo sa buong mundo na ako ang mahal mo? Ipagmamalaki mo kung gaano ka kasuwerte sapagkat mayroon kang 'ako'.

Hinintay kita kasi 'di ba nangako ka? Nangako kang ako lang ang ibibigin mo hanggang sa dumating ang tamang oras para sa ating dalawa. Nangako kang hindi ka lilingon sa iba dahil sa akin ay sigurado ka na.

Hinintay kita pero hindi mo ako nahintay.
Sapagkat habang hinihintay kita — nauna ka na pala sa piling ng iba.

Hinintay kita | Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

14/05/2022

Hindi ako nawala ngunit hinanap ko ang sarili ko.

Pansamantala akong tumakas sa ingay ng mundo. Lumayo sa gulo. Inayos ang mga bagay-bagay. Huminga panandalian, nagmuni-muni at nagnilay-nilay. Inalam ko kung saan ako may pagkukulang. Hinanap ang sariling kaligayahan at kapayapaan.

Hindi ako nawala — nagpahinga lang ako.

At ngayong handa na akong bumalik, sana matanggap mo pa rin ako.

Sa aking Pagbabalik | Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

31/01/2022

Sa hinaba-haba ng ating nilakbay, darating din pala tayo sa dulo ng kapaguran. Naumay rin sa mga away. Tuluyan nang dumulas ang ating mga kamay. Napagod na sa paghihintay. Katapusan ng buwan ngunit hindi ka na kasama sa kinabukasan.

Tapos na ang Enero — tapos na rin tayo.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

30/01/2022

Ang hirap magpaalam sa isang taong minsan mong binigyan ng halaga. Dahil kahit gusto pa nating lumaban at ipaglaban ang isa't isa — alam nating hindi na natin ito kayang isalba.

Patawad.
Salamat.
Paalam.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

28/01/2022

Magaan na ang paghinga. Wala na ang dating pagtingin na matagal nang nakabara sa aking dibdib.
Hindi na nakakahapo ang mga tingin. Hindi na ako nauutal kapag kausap ka. Hindi na ako inuunahan ng kaba.

Tuluyan mang naghingalo ang pag-asang mamahalin mo rin ako. Naging panatag na rin naman ang puso ko kahit hindi naging tayo.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

28/01/2022

'di bale nang maantala, huwag lang mahinto
'di bale nang mapagod, huwag lang sumuko


Maraming Salamat sa Limang Libong Yakap!

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

27/01/2022

Ngayon lang ako umiyak ulit. Hindi dahil sa may taong nanakit o sa mga problemang bitbit. Iyon ay dahil sa bigla kitang naalala. Bigla akong nangulila sa iyong mga salita — sa iyong presensya.

Maikli man ang oras na binigay sa atin ngunit naging malalim ang ugnayan natin. Naging bahagi ka ng aking pagkakadapa at maging sa muling pagtayo. Isa ka sa mga unang naniniwala at nagmahal sa aking mga akda.

Tanawin mo ako mula riyan sa kalangitan habang tinitingala kita kasama ng buwan.
— Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

26/01/2022

Kayhirap sumugal sa taong hindi ka naman gusto.

Parang isang pagsusulit ang senaryo. Alam mong ikaw ang tamang sagot ngunit wala ka sa kanyang pagpipilian. Ikaw 'yong tubig. Pinakaimportante sa lahat pero mas pinili niya pa rin ang alak. Ikaw 'yong kanin ngunit mas pinili niyang huwag na lang kumain.
Ikaw 'yong kumot ngunit mas gugustuhin niyang tiisin ang lamig. Ikaw 'yong payong subalit mas ginusto niyang mabasa ng ulan. Ikaw 'yong nandiyan pero hindi ikaw ang kailangan.

Sabi nila masakit daw kapag pinili ka lang kasi wala ng ibang pagpipilian. Pero may mas masakit pa pala — iyong alam mong ikaw 'yong tama para sa kanya pero hindi ikaw ang hanap niya.

hindi ikaw | Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, just pm or you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

24/01/2022

I guess, that's bravery.
—Pambang

IG:
Twitter:

For Poetry Commission, you can visit this link:
https://www.facebook.com/107478287742416/posts/458046056018969/?sfnsn=mo

24/01/2022

Magandang Buhay!

May nais ka bang alayan o bigyan ng tula ngayong darating na Valentine's Day o kaya naman para sa birthday, monthsary, anniversary o kahit ano pa mang okasyon ang mayroon pero nahihirapan kang tumipa ng mga salita? Don't you worry, I got you. Bukas na po ang pahina ng Pixelated Letters para sa Poetry Commission. Mangyari lamang na tingnan ang mga detalye sa larawan na nasa ibaba.

Kung may mga katanungan ay mag-iwan lamang ng mensahe sa pahinang ito. Maaari ring dumirekta kay Grace Galvez Mojica .

Maraming Salamat! Godbless!

Ps. Math tutorials for Elementary and Junior High School are also accepted.

Iba pang Social Media Accounts
IG:
Twitter:

22/01/2022

Maybe, the saddest goodbye was the one that we never heard. No words, we just left being broken.
—Pambang

IG: pixelatedletters
Twitter: pxltdletters

21/01/2022

Sabi sa isang kanta, "Ihahatid kita, do'n sa lugar kung saan ka magiging masaya kahit na hindi ako ang kasama."

Subalit hindi pa rin magawang humakbang ng mga paa ko — hindi pa rin ako makaalis sa puwesto kung saan mo tinapos ang tayo. Hindi pa rin ako makaalpas. Nakagapos pa rin ako sa ating nakaraan kahit alam kong matagal ka nang kumalas. Tila nadadapa pa rin ako kalilingon sa mga pangakong tinapakan mo na. Sinusubukan ko pa ring habulin ka. Hindi ko na alintana ang mga paltos sapagkat wala na rin naman itong pinagkaiba sa mga sugat na unti-unti akong inuubos.

Hindi ko pa kayang lumayo.
Hindi ko pa kayang lumakad.
Hindi ko pa kayang umusad.

Hindi pa kita kayang ihatid sa lugar kung saan ka mas magiging masaya. Hindi pa kita kayang ihatid sa kanya.

Hatid | Pambang

Ps. Inspirasyon ang kantang "Hatid" ng The Juans para malikha ang piyesang ito.

03/10/2021

ikaw ang laban na gusto kong ipanalo
—Pambang

Website