Doc Issa Pediatric Clinic

-Online Pediatric Clinic-
Only patients willing to trust and pay minimal consultation fees are enter

For payments

Gcash 9175184420
BPI 8549258426

Send proof of payment

Photos from Doc Issa Pediatric Clinic's post 22/04/2024

A blessed week to everyone!!! In line with the DOH program of Immunization Week, we would like to inform you that free Pneumonia vaccine will be given to kids ages 1-18 years. You can avail it at San Vicente Medical Clinic Bonifacio St, Centro South East, Solana, Cagayan. Grab it now . Available while supply lasts.

📸Posted with permission

24/03/2024

[LOOK] ARE YOU PROTECTED AGAINST PERTUSSIS (WHOOPING COUGH)?

Check this infographic and see if you missed a dose! Consult with your doctor for any catch-up vaccination. It is never too late to get protected.

Let's get vaccinated! This reminder is brought to you by PIDSP.

04/03/2024

Flu vaccine is now available.
Be vaccinated!
Prevention is still better than cure❤️

03/10/2023

Dumadami ang mga batang inuubo at sinisipon sa mga ganitong panahon. Karaniwang dahilan ay ang tinatawag na virus. Halos pare pareho lang ang mode of transmission gaya ng airborne o aerosol or close contact. Kaya makakatulong na ibalik ang pagsusuot ng face mask lalo na kung nasa enclosed na lugar gaya ng classrooms, clinics, sinehan atbp. Ugaliin pa rin ang paghuhugas ng kamay. Palakasin ang resistensya ng ating mga anak sa pamamagitan ng pag ehersisyo, pagbibigay ng mga nutritious foods imbes na junk foods(chichiria, biscuits, tinapay at soda drinks), tamang oras ng pagtulog at haplos ng pagmamahal. Maging maingat at manatiling handa. Hangad namin ang inyong mabuting kalagayan at mainam na kalusugan.🥰❤️

04/09/2023

A friendly reminder to everyone... Aside from Covid 19, never forget Aedes egypti sneaking into your homes.
Keep safe, cleanliness is next to Godliness.

04/09/2023

Mag ingat po sa banta ng Dengue, pagtatae, ubo at sipon ngayong panahon ng tag ulan. Panatilihin ang kalinisan sa katawan at kapaligiran. Kumain ng masusustansyang pagkain gaya ng mga lutong bahay na ulam, meryenda at iwasan ang mga junk foods gaya ng soft drinks, fruit juices, biscuits, chichiria, atp. Sanaying uminom ng tubig o oral rehydrating fluid(hindi sports drink) and ating mga anak. Kumunsulta agad sa pinakamalapit na doktor, health center, hospital sa oras na may kakaibang pakiramdam tulad ng lagnat, s**a, pagtatae o pagkahilo.

Maging alerto at manatiling ligtas.

02/08/2023

Ingat po sa pagtampisaw sa baha.

05/04/2023

We would like to inform our patients and friends that clinic will be closed starting tomorrow April 6, 2023 until April 9, 2023. We will resume seeing patients on April 10, 2023.

For none emergency cases, our online Doc Issa Pediatric Clinic and PPD Clinic (scan the QR code)will be available for consultation 9:00am to 8:00pm. You can send us a message for appointments.

Have a safe and blessed Holy Week 🙏

16/03/2022

Para sa inyong kaalaman. Tara na at ipabakuna ang ating mga anak.

02/03/2022
13/02/2022

All for the Filipino Child.

04/02/2022

Start your children with proper nutrition while they are young. Rethink on doing proper diet and lifestyle while you can. Life is supposed to be enjoyed not just out live without savoring the beauty and wonders God has given you.

09/01/2022

Please take care of your children.

Photos from Marco Reyes, RChE's post 05/11/2021

Maliban sa Covid 19, pa bata ng pabata ang mga taong may hypertension at diabetes.

29/10/2021

Para po sa inyong kaalaman. Maari na pong ipabakuna ang inyong mga anak edad 12 - 17 na gulang subalit uunahin po yung mga high risk o may sakit tulad ng mga nakalathala dito. ... Magtungo sa pediatrician ng inyong anak para sa kanyang medical certificate.

01/08/2021

HELLO AUGUST, MY LOW CARB and FASTING LIFESTYLE BIRTHMONTH!

This is a message I would like to leave everyone especially medical and allied health community. You may not believe in this lifestyle and that is okay, but never discredit the obvious results and improvements your patient has been showing you from a lifestyle you do not agree with.

We are here for a common good, and that is an OPTIMUM HEALTH for everyone.

You may have seen people who went bad in LOW CARB and FASTING, but you must understand that not all people who say that they were LOW CARB and FASTING were doing it right. That is why we are EDUCATING, so that people who is warranted for this diet, and choose this as their lifestyle option will be able to do it PROPERLY.

If you do not agree with this diet, then educate people better of what you believe is right. Make more rational arguments and enlighten people so they can make use of their own judgment and practice their AUTONOMY in choosing for their health.

Lastly, do not discredit LCF practitioners and most especially LCF physicians about what LCF is and is not in the basis of a 30 minute read about KETO/LC/FASTING. We have been personally practicing it and even dive ourself into understanding what this lifestyle is all about for years just to argue with people who has barely enough understanding and knowledge about it. Do not say you know better, in just the context of your own knowledge and beliefs because we might feel the same.

I always believe that Doctor's management is a product of both his foundation, clinical pratice, years of experience, and personal experience and research. Many patient could've worsened and even die in one Doctor's hand before he become wise enough in his field. Do you really think we choose this lifestyle to kill more? In fact, you must be curious enough to as why we are advocating it and why do we also brave this platform to educate people when we can just sit down and wait for patients to come in. We are not here to waste time speaking rubbish.

Me as a physician today is not just a product of my title. I'd rather not be anybody if that is my only credibility. I am product of my passion, hardwork, and, humility to admit that there is no such thing as BEST especially in this field I engaged myself with. Sceince is always changing and is also circumstantial. The best management can be different in every individual. The best management might be different now and then later. The best can also be a someone's PREFERENCE.

Thanks for reading guys... have a wonderful AUGUST, the last month before carols...

Always, DOC FI.

07/05/2021

Buwan ng Mayo ang tinuturing na pinaka mainit na buwan dito sa lambak ng Cagayan. Kasabay nito ang ibat ibang karamdaman tulad ng pagtatae, ubo't sipon at lagnat. Karaniwan din ang tinatawag na heat stroke sa panahon na ito.

Panatilihing malinis sa katawan at kapaligiran. Kumain ng tama at masustansyang pagkain, uminom ng tubig na malinis, mag ehersisyo at matulog ng tamang oras. Magbaon ng tubig kung may pupuntahan upang sa gayon ay maiwasan mauhaw at matuyuan ang ating katawan. Iwasan ang init ng araw sa mga oras lampas alas 9 ng umaga hangang alas 4 ng hapon.

Higit sa lahat hwag kalimutan magpasalamat sa Diyos sa araw araw na manatili tayong ligtas, malusog, kasama ang ating mga mahal sa buhay at mapayapang kapaligiran. Lahat tayo ay humaharap sa pandemya na walang kasiguraduhan kung kelan matatapos. Hindi tayo pare pareho ng nararanasan dahil nasa iba ibang estado tayo ng pamumuhay.

Gamitin ang pangkarinawang paraan gaya ng social media, text o tawag upang kamustahin at magbigay lakas loob sa ating mga kamag anak, kaibigan at ibang kakilala. Hwag mag atubiling magbigay ng tulong sa ano mang mabuting paraan sa kapwa. Iwasan mag siraan.

Laging tatandaan, ang kabutihan sa puso't isipan ang syang susi sa matiwasay na buhay at kalusugan.

06/04/2021

Ang bakuna ay hindi po gamot sa sakit kundi dagdag proteksyon po ng katawan natin laban sa particular na sakit. Kaya ito po ay binibigay bago po tayo madapuan ng sakit na yaon.

Bawat bakuna na itinutusok sa katawan natin ay may katumbas na antibodies pan laban sa sakit na ito. Halimbawa ang sakit na tigdas ay may katumbas na bakuna sa tigdas, ang polio ay may iba rin bakuna binibigay para sa sakit na polio na maaaring patak o tinutusok.

Ang antibodies pan laban sa mga particular na sakit ay ginagawa ng immune system ng ating katawan. Umaabot ito ng ilang lingo o buwan. Kaya kung ikaw ay nadapuan/nahawaan ilang oras o araw bago nabigyan ng bakuna, maari ka pa rin magkakasakit nito.

Ito ang dahilan na hinihikayat po namin ang mga magulang o mga taong mabibigyan ng bakuna na sundin ang tamang schedule para sa pagbabakuna. Pinapaalala din namin na maaaring maramdaman ng nabakunahan ang mga simtomas kahalintulad ng sakit na ito. Mga indikasyon ito na handa na gumawa ng antibodies ang katawan natin laban dito.

Kaya hwag matakot magpa bakuna. Magtanong sa mga experto ukol dito. Hwag padala sa haka haka o mga impormasyon na walang matibay na basehan.

31/03/2021

Sa aking mga pasyente na nais magpakonsulta ngunit hindi makapunta sa clinic dahil lockdown ang area at walang masakyan, maari nyo akong maabot sa aking FB page Doc Issa Pediatric Clinic. Manatiling ligtas at maingat. 🙏

26/03/2021

Hindi na po biro ang dami ng naapektohan ng Covid 19 virus. Manatili po sa inyong tahanan lalo na ang ating mga anak. Maging malinis, maghugas ng kamay, mag ehersisyo, kumain ng masustansyang pagkain at patuloy sa pagdarasal para sa kaligtasan ng lahat.

04/03/2021

Tag init na naman at maraming bata na ang nag uumpisang makaramdam ng pagtatae at pagsus**a. Manatiling malinis sa sarili, sa kapaligiran lalo na sa inumin at kinakain. Mahalagang maiwasan ang mga mikrobyong nagdudulot nito na madalas nakukuha sa mga inumin, pagkain o minsan sa mga hininga ng mga taong may taglay ng sakit nito.

Mahalaga ring malaman na walang pinipiling antas sa buhay ang mga mikrobyong ito lalo na ang Rotavirus na nagdudulot ng nakakamatay na dahilan ng pagtatae sa mga sangol edad 2 buwan hangang 2 taon. Napag alaman na bumaba ang kaso ng mga naapektohan at pagkaka ospital noong 2000 sa Estados Unidos habang binibigyan ng bakuna ang karamihan ng mga bata edad 2 buwan hangang 5 buwan.
Kaya simula 2013 kasama na ang Rotavirus vaccine sa mga routine na bakunang binibigay sa ating mga sangol.

Sumanguni sa inyong pinakamalapit/kilang doktor o pediatrician tungkol sa sakit na ito at Rotavirus vaccine. Mag ingat at manatiling ligtas.

27/02/2021

Hindi lang po Covid 19 ang naka mamatay na sakit. Marami pa pong mas malala at nakaka matay na sakit ngunit maari itong maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. Mga sakit katulad ng tigdas, polio, pulmonya, meningitis, bulutong tubig at iba pa.

Hwag matakot ipabakuna ang inyong mga anak. Kumonsulta sa inyong pinaka malapit na doktor at health center. Walang mabuting naidudulot ang haka haka lamang. Makakatulong ang mapaliwanagan ang inyong kaalaman mula sa mga experto.

Photos from Doc Issa Pediatric Clinic's post 22/02/2021

Thank you for the trust.

18/02/2021

Nag aagaw na naman ang init at lamig. Panahon na humuhina ang resistensya ng ating mga anak dulot ng pababa ng temperatura na kung saan nabubuhay ang karaniwang mikrobyong nagdudulot ng sakit na ubo at sipon.

Panatilihing ligtas ang ating mga anak laban dito. Kumain ng tama at balanseng pagkain siksik sa nutrisyon, uminom ng mga natural juices gaya ng warm lemon with honey and ginger at mag ehersisyo.

At para sa ating mga babies panatilihing komportable at warm ang kapaligiran. Yakapin ng madalas at magpasuso.

17/02/2021

Mga munting PAALALA 😊

Patient's Record | @marissapagulayan-mallong 16/02/2021

Please fill up this form upon consultation.

Patient's Record | @marissapagulayan-mallong View the Patient's Record form created via forms.app for user marissapagulayan-mallong.

16/02/2021
Want your practice to be the top-listed Clinic in Solana?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address

Solana

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Other Doctors in Solana (show all)
Tummy And Hip Lift Pants Tummy And Hip Lift Pants
Camino Catalina 85a
Solana, 92075

SKYE Skin-Eye Clinic SKYE Skin-Eye Clinic
Bonifacio Street Centro Southeast
Solana, 3503

Dermatology-Ophthalmology Clinic

Irene Online Shop Irene Online Shop
Solana, 3503