Barangay Malegdeg Health Station
Official page of Malegdeg Health Station. Updates and activities will be posted here.
October 10 is World Mental Health Day π§
Ngayong araw talakayin natin ang ibaβt ibang mahusay na ideya upang hikayatin na maging bahagi ang pangangalaga sa isipan na parte ng pang-araw araw na pamumuhay.
Care for Yourself and Care for Others para sa Healthy Pilipinas π
ANNOUNCEMENT!
π ANO: Libre/free CHEST X-RAY
π SAAN: RHU-Senator Ninoy Aquino
π KELAN: September 15-16, 2022
π SINO: Lahat ng 15 years old and above
π£π£π£
August 18, 2022
BARANGAY BUNTIS CONGRESS 2022
π€°π€°π€°
Ngayong araw ginanap ang kauna-unahang Barangay Buntis Congress ng Barangay Malegdeg sa Barangay Gymnasium.
Layunin nitong mabigyan ng tamang impormasyon at kaalaman ang mga buntis upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ni nanay at baby.
π£π£π£
Announcement!!!
β οΈβ οΈβ οΈ
ADVISORY!!!
TINGNAN | Hindi na dapat mamili ng COVID-19 vaccine brand ang publiko, ayon kay Department of Health Center for Health Development SOCCSKSARGEN Region Regional Immunization Manager Dr. Edvir Jane S. MontaΓ±er, dahil kahit iba-iba ang components ng mga bakuna, ay pareho lang aniya ito ng epekto laban sa coronavirus disease infection.
Dagdag nito, epektibo rin ang lahat ng bakuna laban sa Delta variant at iba pang variants ng COVID-19.
| | + | |
Ngayong buwan ng hulyo, taraβt magdiwang at subaybayan ang National Nutrition Month! π
Marami kaming nakahandang pakulo para sa inyo, ka-Healthy! π
Kaya naman, for a ! ποΈπ₯
Ngayong Nutrition Month, sama-sama tayo para wakasan ang malnutrisyon! β
Malnutrisyon patuloy na labanan, first 1000 days tutukan!
Tara at i-promote ang ABAKA:
A-lagaan ang buntis π€°
B-reastfeeding kay baby π€±
K-omplementary feeding na sapat πΆ
D-apat lahat suportado ang PPAN β
Malnutrisyon patuloy na labanan, first 1000 days tutukan for a π
JULY IS NATIONAL DISASTER RESILIENCE MONTH!
Halina't paigtingin ang inyong kaalaman tungkol sa mga paraan ng paghahanda laban sa kalamidad. Siguradong mas magiging ligtas ang buong pamilya sa loob man o labas ng bahay! π¨βπ©βπ§βπ¦
Sa , ang ! π
Dalawang doses dapat!
Kailangan mong makuha ang parehong dose ng bakuna kontra COVID-19 para makuha ang pinakamataas na lebel ng proteksyon mula sa COVID-19!
RUMESBAKUNA na!
June is Prostate Cancer Awareness Month.
Ang kanser sa prostate ay ang pang-apat na nangungunang site ng cancer at ika-apat na nangungunang sanhi ng pagkamatay ng cancer sa mga lalaki na Pilipino. Ngayong Prostate Cancer Awareness Month nais naming ipaalala na patuloy niyong alagaan ang iyong kalusugan dahil mas masaya mabuhay kapag malusog ang ating katawan.
Para sa karagdagan na impormasyon tungkol sa Prostate Cancer bisitahin ang bit.ly/prostateFAQs
Live a happy healthy life for a ! π
β οΈβ οΈ
BASAHIN: Mahahalagang utos alinsunod sa Executive Order No. 17, Series 2021 na pinalabas ng ating mahal na Gobernador Datu Suharto T. Mangudadatu, Ph.D at ang mga ito ay may bisa hanggang June 30, 2021:
1. Ang buong lalawigan ng Sultan Kudarat ay mananatiling nasa General Community Quarantine na katayuan.
2. Pagbabawal lumabas ng bahay sa mga taong edad mababa sa 18 years old at lampas 65 years old (maliban lang kung sila ay lehitimong may trabaho, o kailangang bumili ng makain at sila ay walang ibang pwedeng mautusan na kasama sa bahay). Ang senior citizen na lalabas ng bahay ay papayagan lang kung ito ay nabakunahan na at may maipakitang COVID-19 Vaccination Card.
3. Ang hindi APOR (authorized persons outside residence) ay kailangan kumuha ng Community Quarantine Pass (CQP) mula sa kanilang Punong Barangay kung ito ay may mahalagang layunin (pagbili ng makain, gamot, gamit pang-agrikultura, at iba pang mahahalagang bagay o transaksyon na naayon sa EO 17). Ang CQP ay magagamit lamang para sa mga transaksyon sa loob ng inyong barangay o bayan/syudad. Kailangang kumuha ng Municipal Quarantine Pass (MQP) kung ikaw ay tutungo sa ibang bayan o lalawigan. Nakasaad sa CQP at MQP ang validity period ng passes at mabibigyan ang bawat pamilya ng isang passes lamang.
4. Ang delivery vehicles na pangnegosyo ay kailangang may dala-dalang at maipakitang business permit.
5. Ang delivery vehicles ng mga magsasaka ay kailangang may dala-dalang at maipakitang barangay certification.
6. Iniuutos ang quarantine sa mga hindi APOR at mga uuwing residente o manlalakbay na manggaling sa ibang lugar o bansa.
7. Ang pampublikong pamilihan (public market) ay pwedeng magpapasok ng hanggang 100 na tao lamang. Ang pamilihan ay kailangang may isang entrance at isang exit lamang.
8. Bawal ang dine-in sa mga canteen, eateries, carenderia o restaurants. Pinapayagan ang take-out at food delivery lamang.
9. BAWAL ang mga sumusunod:
a. Video-K, karaoke bars, concerts, sinehan
b. Internet cafes, billards, bowling, amusement arcades, etc
c. Peryahan, playgrounds, playrooms, kiddie rides, etc
d. Beauty parlors, massage parlors, barbershops, spa
e. Casino, betting shops, sabong and other gaming establishments
f. Outdoor contact sports (basketball, volleyball, soccer, kasali ang zumba, motor/bike trail riding)
g. Resorts and tourist attractions
h. Face to face gathering (meetings, seminars, fiesta, sports events, birthday party, wedding, baptismal, kanduli, etc)
i. Religious gatherings maliban sa necrological services, wakes, internment, funeral FOR NON-COVID DEATH ito ay pwede para sa IMMEDIATE MEMBERS OF THE FAMILY ONLY (asawa, anak, tatay/nanay, lolo/lola, apo, kapatid, in-laws) na wag lalampas sa 30% capacity ng lugar at di lalagpas sa 7 na araw
j. Liquor/alcoholic drinks
10. Pwede gawin ang outdoor non-contact sports at ehersisyo kagaya ng mga sumusunod: walking, jogging, running, biking (limited for exercise only), golf, swimming, tennis, badminton, equestrian, range shooting, diving, and skateboarding subalit panatilihin ang pagsunod sa minimum public health protocol.
11. Ang mga sangay ng gobyerno ay pwedeng mag operate mula 30% hanggang full capacity depende sa desisyon ng pamunuan.
12. Pagsuspinde ng face-to-face classes sa elementarya at high school.
13. Ang colleges, universities, vocational schools ay maaaring mag face-to-face classes kung ito ay may pahintulot ng CHED o TESDA.
14. Ang curfew ay mananatili mula 9:00 pm to 4:00 am.
15. Ang pampublikong sasakyan ay pinapayagang bumyahe subalit di lumagpas sa naitakdang bilang ng pasahero.
16. Sundin ang number coding (plate number o conduction sticker) para sa pampublikong at pribadong mga sasakyan, at control number para sa mga tricycles:
Mondays, Wednesdays, and Fridays - plates ending in 1,3,5,7,9
Tuesdays, Thursdays, and Saturdays - plates ending in 2,4,6,8,0
17. Sunday is No Movement Day
Ang sinumang sumuway sa EO No. 17 at iba pang panuntunan, ordinansa o batas ng pamahalaan ay maaring mapatawan ng multa o pagkabilanggo at pagkansela ng business permit para sa mga negosyo.
Ang Barangay Disiplina Brigades ay deputized ng ating Mayor upang tumulong na maipatupad ang utos na ito.
ALAMIN ANG FACT FROM FAKE! π
Ito ang tamang impormasyon na kailangan mo:
β
Kinakailangan pa ding magsuot ng mask at face shields (1) upang magbigay ng dagdag proteksyon laban sa virus/ bagong variants o di naman (2) hanggang nabakunahan na ang karamihan sa atin.
β
Ang sakit na COVID-19 ay hindi namimili ng biktima. May mga naitalang kaso ng COVID-19 sa mga nakababata, pawang malusog, at aktibong mga tao.
β
Wala pang napatunayang gamot upang maiwasan ang COVID-19. Ngunit napatunayan na epekitibo ang mga bakuna upang maprotektahan ang tao laban sa malubhang karamdaman at kamatayan.
β
Hindi sapat ang 1 turok (para sa mga bakuna na kinakailangan ng 2 turok) upang mabigyan ng pinakamataas na antas ng proteksyon. Kinakailangan makumpleto and 2 turok para dito.
Plus sa COVID-19
Dahil walang pinipiling edad ang dengue, maging responsable at alamin ang mga sumusunod na paraan upang maiwasan ang panganib!
Mahalaga ang community effort, sabay sabay tayong mag-4S kontra dengue for a ! π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Sultan Kudarat
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 3pm |
Purok Center, Brgy. Kadi, Sen. Ninoy Aquino
Sultan Kudarat
HEALTH STATION
Pigcalagan
Sultan Kudarat, 9605
The official page of 6th Mechanized Infantry Battalion, Armor Division, Philippine Army
Purok Mangga Barangay Dukay, Esperanza Sultan Kudarat
Sultan Kudarat, 9806
Sustaining the Implementation of Barangay Drug Clearing Program
National Highway
Sultan Kudarat, 9805
Dito Patuloy tayong A-angat para sa SERBISYONG TAPAT TUNAY NA MAASAHAN
Purok Center Barangay Kadi SNA, Sk
Sultan Kudarat
Youth Organization
Purok Proper, Brgy Kolambog, Kolambog, Isulan, Sultan Kudarat
Sultan Kudarat, 9805
For Documentation and Public Announcements purposes of Barangay Government of Kolambog.
Poblacion PALIMBANG Sultan Kudarat
Sultan Kudarat, 9809
application of legal documents such as certificate of live birth .death cert. marriage certs..