Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS

Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS

TANGLAW: Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science National High School

18/02/2024

Maligayang Bati, JM!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

13/02/2024

"Himig ng dibdib, kumakabog dito sa silid
Kung saan, parang tayo lang at walang nakapaligid"💓

Handa ka na bang pasukinn ang nakakakilig na mundo ng pag-ibig?❤️

Sa pagsapit ng Valentine's Day, handa na ang TANGLAW para sa masayang pag-akyat ng kilig sa Blind Date Booth! Sino kaya ang makakasama mo sa heart's day na ito? ✨🫣

Ang tamis ng Araw ng mga Puso, abangan!

✍️: Mikee Angeline Magddatu
💻: John Mark Dueños

13/02/2024

Maligayang Bati, Nathan!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

13/02/2024

Maligayang Bati, Alyssa!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

11/02/2024

Maligayang Bati, Ashley!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

09/02/2024

Maligayang Bati, Alex!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

03/02/2024

Maligayang Bati, Vianca!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

30/01/2024

Maligayang Bati, Sabrinah!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

15/01/2024

Maligayang kaarawan sa mahal naming g**ong tagapayo, Ma'am Luisa! 🥳

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa itong kaarawan mula sa samahan ng TANGLAW. Nawa ang araw na ito ay magbigay ng kaligayahan sa iyong puso. 🤎💚

10/01/2024

Maligayang Bati, Chaia!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

31/12/2023

Ang nagdaang taon ay nagbigay sa atin ng mga pagsubok, pag-asa at biyaya. Ngayon, muli tayong maglalakbay, bitbit ang mga kaalaman, karanasan at mga kwento ng pag-unlad. 🎆✨

Sama-sama nating salubungin ang Bagong Yugtong ito nang may kagalakan! Mula sa samahan ng TANGLAW at Kagawaran ng Filipino, isang masiglang pagbati ng Manigong Bagong Taon! 🥳🤎

✍️: Mikee Angeline Magddatu, Vianca Andrea Bendo, John Derick Velando
💻: John Mark Dueños, Chaia Gail Santos

30/12/2023

Sa araw na ito noong 1896, ay ating ginugunita ang araw ng pagkamatay ni Dr. Jose P. Rizal. Siya ay isang mahusay na manunulat na nagbigay-kamalayan sa mga Pilipino sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas at nagsilbing isa sa mga ilaw sa panahong nabubulagan ang ating mga kababayan sa kalupitan ng mga mananakop.

Ang "Noli Me Tángere" at "El Filibusterismo" ay ilan sa kanyang mga sikat na akda na hanggang ngayon ay atin ding pinag-aaralan bilang bahagi ng ating panitikan. 💚🤎

"Consummatum Est!”

✍️: Sophia Vidal
💻: Chaia Gail Santos

27/12/2023

Maligayang Bati, Nyssa!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

25/12/2023

"Malamig ang simoy ng hangin. Kaysaya ng bawat damdamin." 🎶

Tunay ngang Pasko'y sumapit na! Ito ang araw ng Dakila nating Manunubos — isang paalala ng pag-asa at pagmamahalan, kaya hiling namin na mapuno ng kagalakan at pagkakaisa ang inyong kapaskuhan. 🎄🎊

Tandaan! Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang para sa mga aguinaldo at handaan, kundi bilang paggunita sa mga biyayang ibinigay sa atin ng Panginoon. Nawa'y maging bahagi tayo ng pagpapala sa isa't isa!

Kaya naman, Maligayang Pasko Sayanista! Isang taos-pusong pagbati mula sa samahan ng TANGLAW, katuwang ang Kagawaran ng Filipino. 🎁🎉

✍️: Mark Nathaniel Panganiban
💻: Chaia Gail Santos, John Mark Dueños

22/12/2023

Maligayang Bati, Denisse!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

22/12/2023

Maligayang Bati, Lindsay!

Isang taos-pusong pag-alala at pagmamahal sa iyong kaarawan mula sa samahang TANGLAW. Nawa ay magbigay ng kagalakan at ngiti sa iyong mga labi ang espesyal na araw na ito. 😊🎉

15/12/2023

Maligayang Bati, Ginoong Orven Francis De Pedro! 🥳

Taos-pusong pasasalamat sa inyong pagsisilbi sa ating minamahal na paaralan. Pinahahalagahan po namin ang inyong lubos na suporta sa mga mag-aaral. Nawa'y mapuno ng kasiyahan at kagalakan ang iyong puso't damdamin sa napakaespesyal ninyong araw. 🥰✨

Photos from Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS's post 27/11/2023

Magandang Araw, Sayanista!! ☺

Pagbati sa mga mag-aaral na nakilahok at nagpakita ng natatanging talento sa ginanap na mga paligsahan bilang pagdiriwang sa Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa. Narito ang mga nagwagi sa Grade Level Eliminations. 🙌💚

Nawa ay magbigay ito ng inspirasyon upang ipagpatuloy ninyo ang angking kakayahan at husay! 🤎💚

Photos from Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS's post 25/11/2023

Magandang Araw, Sayanista!! ☺

Pagbati sa mga mag-aaral na nakilahok at nagpakita ng naglilingas na talento sa ginanap na Paligsahan sa Paglikha ng Poster na may temang "PAGBASA: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan". Narito ang mga nagwagi sa Grade Level Eliminations. 🙌💚

Nawa ay magbigay ito ng inspirasyon upang ipagpatuloy ninyo ang natatanging husay sa sining. 🤎💚

22/11/2023

Pagbati sa mga mag-aaral na nakilahok at nagpakita ng kanilang talento sa ginanap na Masining na Pagkukuwento! 📖✨

Narito ang mga nagwagi sa Grade Level Eliminations

Baitang 7:
Unang Pwesto:
Dean Carlo E. Patawe - Benjamin Almeda
Ikalawang Pwesto:
Renz Kristoff M. Sulayao - William Padolina
IIkatlong Pwesto
Kian Carl O. Del Mundo - Levi Celerio

Baitang 8:
Unang Pwesto:
Reina Benice C. Oliveros - Fernando Amorsolo
Ikalawang Pwesto:
Raychel Grace T. Piog - Maria Orosa
Ikatlong Pwesto:
Precious Chaille Jay-an E. Laranjo - SPJ

Baitang 9:
Unang Pwesto:
Michelle A. Ramos - Lamberto Avellana
Ikalawang Pwesto:
Suania Aquino - Julian Banzon
Ikatlong Pwesto:
Erika Joy C. Alcaraz - Anacleto Del Rosario

Baitang 10:
Unang Pwesto:
Zeah Alexandra J. Garrido - Arturo Alcaraz
Ikalawang Pwesto:
Joshua Baldonanza - Guillermo Tolentino
Ikatlong Pwesto:
Mary Grace S. Caringal - May Karangalan

Ipinararating ng TANGLAW ang taos-pusong pagbati sa inyo! Ang diwa at galing ng masining na pagkukuwento ay inyong ipinakita na nagdulot ng inspirasyon at kasiyahan sa aming mga puso.

Photos from Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika - Tagaytay City Science NHS - ISHS's post 19/11/2023

PAGBASA: Pag-asa sa MATATAG na Kinabukasan 🤎📚

Mapagpalang araw!

Nadarama namin kayo, mga Sayanista! Kaya naman, ang mga panuntunan at pamantayan na tutugon sa inyong mga tanong hinggil sa ating programa ay narito na.

Basahin at unawain upang makuha ang kumpletong impormasyon sa paligsahan na iyong sasalihan. Para sa anumang paglilinaw o karagdagang detalye, maaari kayong makipag-ugnayan sa mga opisyal ng TANGLAW at inyong mga g**o sa FILIPINO.

13/11/2023

Panibagong Araw, Panibagong Kaalaman!

Isang bago na namang butil ng karunungan ang inyong matututuhan. Salitang tiyak magpapayaman ng kaalaman sa sariling wika.

Halina! Magkasama tayong tumuklas katuwang ang TANGLAW at Kagawaran ng Filipino. 🤎💚

Kaya naman, Filipino... Knows mo na ba?

12/11/2023

Panibagong araw, Panibagong aral!

Ang pagbabasa ay nagpapalawak ng kaisipan at imahinasyon. Kaya hatid ng TANGLAW ang isang Kuwentong may Kwenta na tiyak kapupulutan din ng aral! 📖✨

Tara! Makiisa sa Kagawaran ng Filipino sa pagpapaigting ng Proyektong YAKAP! 🤎💚

08/11/2023

Mapagpalang araw!

Tunghayan ang butil ng kaalamang maghahatid ng TANGLAW sa bawat Batang Sayanista! Isa na namang bagong aral ang inyong matutuhan na tiyak lilinang sa inyong isipan. Handa na ba kayo? 📖✨

Bilang pakikiisa ng Kagawaran ng Filipino at TANGLAW sa pagpapaigting ng Proyektong YAKAP, sama-sama nating tuklasin ang hiwaga na dulot ng Panitikang Pilipino. Itatak sa puso't isipang "May Pag-asa sa Pagbasa" 🤎💚

Kaya naman, Bugtong! Bugtong! Ang sagot sa tanong, inyo nang ikomento!

04/11/2023

Panibagong araw, Panibagong aral!

Ang pagbabasa ay nagpapalawak ng kaisipan at imahinasyon. Kaya hatid ng TANGLAW ang isang Kuwentong may Kwenta na tiyak kapupulutan din ng aral! 📖✨

Tara! Makiisa sa Kagawaran ng Filipino sa pagpapaigting ng Proyektong YAKAP! 🤎💚

Narito ang link kung saan maaaring basahin ang buong kwento: https://www.academia.edu/34806429/ANG_KALUPI_NI_BENJAMIN_PASCUAL

30/10/2023

Panahon na naman para pumili ng karapat-dapat para sa posisyon! Pero alam mo ba kung bakit ginagawa natin ang Halalan sa Pilipinas? Ito ay dahil isa tayo sa mga demokratikong bansa.

Eh, Filipino! Knows mo ba kung ano ang DEMOKRASYA? Tara! Tuklasin ang kaalamang dala ng sariling wika. Itatak sa puso't isipang "May Pag-asa sa Pagbasa". 📖✨

21/10/2023

𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗶́𝗣𝗜𝗟

HANGGANG NGAYON HINDI nadedevelop ang mahusay na paggámit ng “pagtitípil” sa pagtula. Ang sanhi? Hindi naipapaliwanag ang silbi nitóng panggramatika. Nang una ko itong banggitin sa pagsusuri ng tula noong 1960s, ang akalà ay inimbento ko lang. Ang totoo, napúlot ko ang salitâ sa libro ni Teo S. Gener. Walâ ito sa diksiyonaryo noon. Palagay ko, inimbento lang ni T.S. Gener o ng kaniyang panahon. Mula sa “tipì” at “kípil” na kapuwa may kaugnayan sa paglikha mula sa luad. Sa paliwanag ni T.S. Gener, ito ang sining ng pagpapahabà o pagpapaikli sa salitâ para maiangkop sa kailangang súkat sa taludtod.

Sa balarila, nabanggit na itong gawain sa wika. Humahabà ang salitâ sa pamamagitan ng paglalagay ng panlapì, pag-uulit ng pantig o ng buong salitâ. Halimbawa, ang “tula” na nauunlapian ng “pang+tula,” o nagigitlapian ng “t+um-ula,” o nahuhulapian ng “tula+an,” o kabilaan ng “pang+tula+an.” Humahabà rin kapag inulit ang isang pantig “tu+tula” o ang buong salitâ “pa+tula+tula.” Karaniwan ito at alám ng lahat.

Ang higit na problema sa pagtitipil ay ang pagpapaikli.

May banggit ang balarila tungkol sa pagpupungos, pagpapalit, at pag-aalis ng titik o pantig. Ngunit kailangan talagang makíta kung paano ito nagaganap sa ating wika. Hindi matulungin sa bagay na ito kahit ang ating mga diksiyonaryo. Maraming ganito si Balagtas, ngunit ang lagìng nasisipì ay ang gamit niya sa “Kay Celia” ng “dóngan” sa halip na “daungan.” Ngunit sa “Kay Celia” mismo ay lumitaw din ang “ninítang ginhawa” at ang “niníta” ay tipil ng “makikíta.” Sa saknong 197 naman ay ginámit ni Balagtas ang “hihinting ginhawa” at ang “hihintin” ay tipil ng “hihintayin.”

May padron o sistema ang pagtitipil. Halimbawa, kapamilya ng “níta” ang “nílang” para sa “sumílang,” “núla” para sa “pumulá,” “nutì” para sa “pumutî.” Kapadron naman ng “hintín” ang “bathín” para sa “batahín,” “dalhin” para sa “dalahín,” “dakpín” para sa “dakipin.”

Kailangang pag-aralan ang mga padrong ito upang matiyak na lehitimo ang anyo ng pagtitipil.

Karaniwan namang bunga ng kolokyal at pabigkas na gámit ng wika ang naturang mga pagtitipil. Karaniwan halimbawa sa usapan ang pag-aalis ng titik sa “kailangan,” para maging “kelangan,” sa “mayroon” para maging “meron,” o sa “tainga” para maging “taynga” o “tenga.” Gayunman, may pinaghihirapan pa rin táyong lapatan ng pasulát na anyo. Naghihirap pa rin táyong isúlat ang “nung” para sa “noong,” at “ganun” para sa “ganoon.” Nilalagyan pa natin ng kudlit, gaya ng turò sa gramatika, ngunit hindi matiyak kung saan ilalagay. “N’ong” ba o “no’ng”? “Gan’on ba o “gano’n”?

Isa pang kontrobersiyal ang “tingnán” bílang tipil sa “tinginán.” May sumusúlat ng “tignan.” Samantálang alám nating “tingin” ang ugat at hindi “tigin.” (O napagkamalan ang pagsúlat noon sa “ng” sa paraang “g” at may kilay?) Kapadron ang “tingnán” ng “tangnán” para sa “tangánan,” “lagyán” para sa “lagayán,” “bigyan” para sa “bigayán,” at ng “sapnán” para sa “sapinán.”

Sa mga makatang nais magtugma at súkat, isang makabuluhang gawain ang pag-aaral sa sining ng pagtitipil.

𝓢𝓪𝓻𝓲̀-𝓢𝓪́𝓶𝓸𝓽
Ni Virgilio S. Almario
Ferndale Homes
28 Setyembre 2023

Videos (show all)

Ang TANGLAW CLUB (Tagapagtaguyod ng Literatura at Wika) ng Tagaytay City Science National High School-Integrated Senior ...
Kasalukuyan;Maraming aspeto ng pandaigdigang klima ang nagbabago. Ang mataas na temperatura at matinding pag-ulan ay tum...
Pagbati ng isang maligaya at maliwanag na Pasko na puno ng pag-asa at bagong simula, mula sa inyong lingkod, ang KALINGA...

Website

Address

Sungay West
Tagaytay City
4120