Holy Family Quasi Parish-Cuyambay, Tanay, Rizal

This is the official page of Holy Family Quasi Parish - Cuyambay, Tanay, Rizal.

27/03/2022

MAGANDANG ARAW, MGA KAPAROKYA!

NARITO PO ANG ATING SCHEDULE OF ACTIVITIES O MGA GAWAIN NATIN PARA SA HOLY WEEK 2022!
KITA-KITS PO TAYO SA ATING MGA ACTIVITIES!
GOD BLESS US ALL!
🙏🏻😇

17/03/2022

Amen 🙏🏻❤️

25/02/2022

Let's have a meaningful observance of the Lenten Season! 🙏

25/02/2022

Let us join Pope Francis in prayer for peace in Ukraine.

25/02/2022

JUST A "HEADS UP" ---- a week from today, Wednesday, March 2, is ASH WEDNESDAY and the BEGINNING OF LENT.

JESUS BORE OUR SINS. THROUGH HIS WOUNDS WE HAVE BEEN HEALED. --- 1 Peter 2:24

JESUS CRUCIFIED, HAVE MERCY ON ME, A POOR SINNER. AMEN.

25/02/2022

OUR LADY OF PEACE, PRAY FOR UKRAINE.

We pray that your intercession may protect all the people in Ukraine from hated and discord, and direct the heart of the oppressors into the ways of peace and justice which your Son taught and exemplified. We ask your maternal care for our Holy Father who works to reconcile the nations in peace.




📷 Demetz

26/09/2021

LUNES, SETYEMBRE 27, 2021

Paggunita kay San Vicente de Paul, pari

Zacarias 8, 1-8
Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 ay 22-23

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

Lucas 9, 46-50

Memorial of St. Vincent de Paul, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Zacarias 8, 1-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Zacarias

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Ganito ang sabihin mo: Sabik na sabik na akong ipadama sa Jerusalem ang aking pagmamahal at ang p**t ko’y nag-aalab laban sa mga dumuhagi sa kanya. Babalik ako sa Jerusalem at maninirahan uli roon. Ito’y tatawaging Lungsod ng Katotohanan at ang bundok na itinalaga sa akin ay tatawaging Banal na Bundok. Hahaba ang buhay ng mga taga-Jerusalem. Marami na uling makikitang matatandang babae’t lalaking nakatungkod na naglalakad sa mga plasa at lansangan. Ang mga lansangan ay mapupuno ng mga batang naglalaro. Aakalain ng mga natira sa Israel na mahirap itong mangyari. Sabihin mong sa akin ay walang hindi mangyayari. Ang mga anak ng aking bayan na natapon sa mga lupain sa silangan at kanluran ay ililigtas ko at muling ibabalik sa Jerusalem. Sila ay magiging bayan ko at ako ang magiging Diyos nila. Ako at sila’y mananatiling tapat sa aming tipanan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 101, 16-18. 19-21. 29 at 22-23

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

Ang lahat ng bansa sa P**n ay takot,
maging mga hari sa buong sinukob.
Kung iyong itayong pamuli ang Sion,
ika’y mahahayag doon, Panginoon.
Daing ng mahirap ay iyong diringgin,
di mo tatanggihan ang kanilang daing.

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

Ito’y matititik upang matunghayan,
ng sunod na lahing di pa dumaratal;
ikaw nga, O P**n, ay papupurihan.
Mula sa itaas, luklukan mong banal,
ang lahat sa lupa’y iyong minamasdan.
Iyong dinirinig ang pagtataghuyan
ng mga bilanggong ang hatol ay bitay,
upang palayain sa hirap na taglay.

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

At ang mga anak ng ‘yong mga lingkod,
mamumuhay namang panatag ang loob;
magiging matatag ang kanilang angkan,
sa pag-iingat mo, sila ay tatagal.
Anupa’t ang iyong ngala’y mahahayag,
sa Sion, O P**n, ika’y ibabansag;
pag ang mga bansa ay nagsasama-sama
sa banal na lungsod upang magsisamba.

Panginoo’y mahahayag
kapag Sion ay natatag.

ALELUYA
Marcos 10, 45

Aleluya! Aleluya!
Anak ng Tao’y dumating
upang sarili’y ihain;
Lingkod, Manunubos natin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 46-50

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang pinakadakila. Batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t tinawag niya ang isang maliit na bata at pinatayo sa tabi niya. At sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang tumatanggap sa batang ito alang-alang sa akin ay tumatanggap sa akin; at sinumang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. Ang pinakaaba sa inyong lahat ay siyang pinakadakila.”

Sinabi ni Juan, “G**o, nakita po namin ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng pangalan ninyo. Pinagbawalan namin siya sapagkat siya’y hindi natin kasamahan.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Huwag ninyo siyang pagbawalan; sapagkat ang hindi laban sa atin ay kapanig natin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

26/09/2021

PANALANGIN SA PANAHON NG LINDOL.
+ Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. AMEN.

Panginoong Diyos
na may-likha ng langit at lupa,
nasa ilalim ng Inyong kapangyarihan ang kaayusan at kahihinatnan ng sansinukob. Nilikha Mo ang lahat ng bagay rito sa mundo na pawang mabubuti, kabilang na ang kalupaan. Ngunit dahil sa aming mga kasalanan, naghihimagsik mandin ang kalikasan laban sa amin.
Tulungan Ninyo kami, sa tuwing kami'y nasisindak sa lakas ng paglindol. Nawa'y hindi kami mapahamak at hindi masira itong hiram naming buhay. At sa Inyong pagliligtas sa amin, ay mabigyan kami ng pagkakataon pang mapabuti muli ang aming mga sarili.

Panginoon Jesukristo, Maawa Ka sa amin.
Santa Maria, Ipanalangin mo kami.
San Jose, Ipanalangin mo kami.
Banal na Mag-Anak, proteksyonan at gabayan mo po kami.

Amen.

22/09/2021

Our gratitude runs deep to Vitarich Corporation for sending 4.5 Tons of Dressed Chickens. These were distributed to 75 Parishes and Institutions all over Metro Manila all throughout the ECQ/MECQ lockdown.

Thanks to our donors and mission partners. May God bless and protect us always. AM+DG

14/04/2021

April 14,2021-- Miyerkukes Sa Ikalawang Linggo Ng Pasko Ng Muling Pagkabuhay

Unang Pagbasa
Mga Gawa 5:17-26

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, inggit na inggit ang pinakapunong saserdote at ang mga kasamahan niya na kaanib ng sekta ng mga Saduseo, kaya't kumilos sila. Dinakip nila ang mga apostol at ibinilanggo. Ngunit kinagabiha'y binuksan ng anghel ng Panginoon ang bilangguan at inilabas ang mga apostol . Sinabi nito sa kanila, "Pumaroon kayo sa templo at mangaral tungkol sa bagong pamumuhay na ito." Sumunod naman ang mga apostol, kaya't nang magbubukang-liwayway, pumasok sila sa templo at nagturo. Nang dumating ang pinakapunong saserdote at ang mga kasama niya, tinawag nila ang lahat ng matatanda ng Israel sa pulong ng buong Sanedrin. Ipinakuha nila sa bilangguan ang mga apostol. Ngunit pagdating doon ng mga bantay, wala na ang mga iyon. Kaya't nagbalik sila sa Sanedrin at ganito ang ulat: "Nakita po namin na nakasusing mabuti ang bilangguan at nakatayo ang mga bantay. Ngunit nang buksan namin, wala kaming nakitang tao sa loob!" Nabahala ang mga punong saserdote at ang kapitan ng mga bantay sa templo nang marinig ito, at di nila maubos-maisip kung ano ang nangyari sa mga apostol. Ngunit may dumating at nagbalita sa kanila, "Ang mga lalaking ikinulong ninyo ay naroon sa templo't nagtuturo sa mga tao. "Kaya't ang kapitan ay pumunta sa templo, kasama ang kanyang mga tauhan. Isinama nila ang mga apostol, ngunit hindi gumamit ng dahas dahil sa pangambang sila'y batuhin ng mga tao.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Dukhang sa D'yos tumatawag ay kanyang inililigtas.

Panginoo'y aking laging pupurihin; sa pasasalamat di ako titigil. Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa! (Tugon)

Ang pagkadakila niya ay ihayag at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot.( Tugon)

Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. (Tugon)

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Ang galing ng P**n hanaping masikap; yaong nagtiwala sa kanya't naligtas ay maituturing na taong mapalad. ( Tugon)

Mabuting Balita
Juan 3:16-21

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Gayun na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat sinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulang maparusahan ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya. Hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos; ngunit hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa . Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang nga gawa. Ngunit ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw; sa gayun, nahahayag na ang kanyang mga ginagawa'y pagsunod sa Diyos.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

13/04/2021

April 13,2021--- Martes Sa Ikalawang Linggo Ng Pasko Ng Pagkabuhay

Unang Pagbasa
Mga Gawa 4:32-37

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol

Nagkaisa ang damdami't isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Gayun ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Chipre, kaya't Bernabe ang itinaguri sa kanya ng mga apostol, ibig sabihi'y "Matulungin." Ipinagbili niya ang kanyang bukid at ibinigay sa mga apostol ang pinagbilhan.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Panginoo'y naghari na! Ang damit n'ya'y maharlika.

Panginoo'y naghahari, na ang suot sa katawan ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan. (Tugon)

Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan kahit ano ang gawin pa'y hindi ito magagalaw. Ang trono mo ay matatag simula pa noong una. bago pa ang ano pa man, likas ikaw'y naroon na. (Tugon)

Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo, sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.( Tugon)

Mabuting Balita
Juan 3:7-15

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus kay Nicodemo: "Huwag kayong magtaka sa sinabi ko sa inyo, 'Lahat ay kailangang ipanganak na muli.' Umiihip ang hangin kung saan ibig at naririnig ninyo ang ugong nito, ngunit hindi ninyo alam kung saan nanggagaling at kung saan naparoon. Gayun din ang bawat ipinanganak sa Espiritu." "Paano pong mangyayari ito?" tanong ni Nicodemo. Sumagot si Hesus, "G**o pa naman kayo sa Israel ay hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito? Tandaan ninyo: ang aming nalalaman ang sinasabi namin, at ang aming nasaksihan ang pinatotohanan namin, ngunit hindi ninyo tinatanggap ang aming mga patotoo. Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang sinasabi ko tungkol sa mga bagay sa sanlibutang ito, paano ninyo paniniwalaan kung ang sabihin ko'y tungkol sa mga bagay sa langit? Walang umakyat sa langit kundi ang bumaba mula sa langit - ang Anak ng Tao. "At kung paanong itinaas ni Moises ang ahas doon sa ilang, gayun din namin, kailangang itaas ang Anak ng Tao, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

01/03/2021

March 2,2021- Martes sa Ikalawang Linggo Ng Apatnapung Araw Ng Paghahanda

Unang Pagbasa
Isaias 1:10.16-20

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias

Mga pinuno ng Sodoma, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon; mga namamayan sa Gomora, pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos. Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin; talikdan na ninyo ang masasamang gawain. Tumigil na kayo ng paggawa ng masama. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti; pairalin ang katarungan; itigil ang pang-aapi; tulungan ang mga ulila; ipagtanggol ang mga balo. "Halikayo at magliwanagan tayo, gaano man karami ang inyong kasalanan, handa akong ipatawad ang lahat ng iyan, kahit na kayo'y maruming-marumi sa kasalanan, kayo'y magiging busilak sa kaputian. Kung kayo'y susunod at tatalima, pasasaganain ko ang ani ng inyong lupain. ngunit kung magpapatuloy kayo sa inyong pagsuway ay tiyak na kayo'y mamatay." Ito ang sabi ng Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n'yang lubos.

Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog, ni sa inyong mga haing sa dambana'y sinusunog, bagaman ang mga toro'y hindi ko na kailangan, maging iyang mga kambing at ang inyong mga kawan.

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n'yang lubos.

Bakit ninyo inuusal yaong aking mga utos? At bakit ang paksa ninyo ay sa tipan natutungod? Pag ako ay tinutuwid, agad kayong napop**t, at ni ayaw na tanggapin yaong aking mga utos .

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n'yang lubos.

Kahit ito ay ginawa hindi kayo alumana, kaya naman ang akala, kayo't ako'y magkaisa; ngunit ngayon, panahon nang kayo'y aking pagwikaan upang inyong maunawa ang ginawang kamalian. Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Tugon: Ang masunurin sa Diyos ay sasagipin n'yang lubos.

Mabuting Balita
Mateo 23:1-12

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, "Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng kautusan ni Moises. Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila'y ang mga upuang pandangal sa mga piging at ang mga tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila'y pagpugayan sila sa mga liwasang bayan, at tawaging g**o. Ngunit kayo- huwag kayong patawag na g**o, sapagkat iisa ang inyong G**o, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

22/02/2021

February 23,2021- Martes Sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw Na Paghahanda

Paggunita kay San Policarpio, obispo at martir

Unang Pagbasa
Isaias 55:10-11

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sinasabi ng Panginoon: "Ang ulan at niyebe paglagpak sa lupa'y di na nagbabalik, aagos na ito sa balat ng lupa't nagiging pandilig, kaya may pagkai't butil na panghasik. Ganyan din ang aking mga salita, magaganap nito ang lahat kong nasa. "

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Mat'wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Kadakilaan ng Diyos ay ihayag ang ngalan niya'y purihin ng lahat! Ang aking dalangi'y dininig ng Diyos, nawala sa akin ang lahat kong takot.

Tugon: Mat'wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Nagalak ang aping umasa sa kanya. Pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa.

Tugon: Mat'wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid at ang taghoy nila'y kanyang dinirinig. Nililipol niya yaong masasama hanggang sa mapawi sa isip ng madla.

Tugon: Mat'wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Agad dinirinig daing ng matuwid inililigtas sila sa mga panganib. Tumutulong siya sa nasisiphayo ang walang pag-asa'y hindi binibigo.

Tugon: Mat'wid ay tinutulungan sa lahat ng kagipitan.

Mabuting Balita
Mateo 6:7-15

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Sa pananalangin ninyo'y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila'y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin:
'Ama naming nasa langit, Sambahin nawa ang pangalan mo Ikaw nawa ang maghari sa amin, Sundin nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito; At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, Tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok, Kundi ilayo mo kami sa Masama! Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan, magpakailanman! Amen.
Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama. "

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

15/02/2021

February 16,2021- Martes Ng Ikaanim na Linggo Sa Karaniwang Panahon

Unang Pagbasa
Genesis 6:5-8---7:1-5.10

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Nakita ng Panginoon na labis na ang kasamaan ng tao, at wala na itong iniisip na mabuti. Kaya't ikinalungkot niya ang pagkalalang tao. Sinabi niya, "Lilipulin ko ang lahat ng taong aking nilalang. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon. Bakit ba nilalang ko pa ang mga ito?" Sa mga nilalang niya'y si Noe lamang ang naging kalugud-lugod sa kanya.
Sinabi ng Panginoon kay Noe: "Pumasok kayong mag-anak sa daong. Sa lahat ng tao'y ikaw lamang ang karapat-dapat sa akin. Magdala ka ng pitong pares sa bawat hayop na malinis, at isang pares naman sa di malinis. Pitong pares din sa bawat uri ng ibon ang iyong dadalhin. Gawin mo ito upang ang bawat uri ng ibon at hayop ay maligtas; sa gayo'y daraming muli ang mga ito. Pagkaraan ng isang linggo, pauulanin ko nang apatnapung araw at apatnapung gabi upang lipulin ang lahat ng aking nilikha sa daigdig." At ginawa nga ni Noe ang bawat iniutos ng Panginoon.
Pagkaraan ng isang
linggo, bumaha nga sa daigdig.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng P**ng mahal.

Purihin ang Panginoon ninyong banal na nilalang, pagkat siya ay dakila't marangal ang kanyang ngalan; ang P**n ay dakilain, purihin ang Diyos na Banal, yumuko ang bawat isa kapag siya ay dumatal.

Tugon: Basbas ng kapayapaa'y sa bayang ng P**ng mahal.

Sa gitna ng karagatan tinig niya'y naririnig. Sa laot ng karagata'y hindi ito nalilingid. Pag nangusap na ang P**n, tinig niya'y ubod-lakas, ngunit tinig-kamahalan, kapag siya'y nangungusap.

Tugon: Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng P**ng mahal.

Ang tinig ng dakilang Diyos, parang kulog na malakas, kaya't mga nasa templo'y sumisigaw, nagagalak, "Panginoo'y papurihan!" ganito ang binibigkas. Siya rin ang naghahari sa dagat na kalaliman, namumuno siya roon bilang hari, walang hanggan.

Tugon: Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng P**ng mahal.

Mabuting Balita
Marcos 8:14-21

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nalimutan ng mga alagad na magdala ng tinapay, at iisa lang ang kanilang tinapay sa bangka. "Kaiingat kayo! Ilagan ninyo ang lebadura ng mga Pariseo at ang lebadura ni Herodes," babala ni Hesus sa kanila. Nag-usap-usap ang mga alagad, "Wala kasi tayong dalang tinapay kaya niya sinabi iyon." Alam ni Hesus kaya't sila'y tinanong niya, "Bakit ninyo pinag-uusapan na kayo'y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nababatid o nakauunawa? Hindi pa ba ito abot ng inyong isip? Wala ba kayong mata? Wala ba kayong tainga? Nakalimutan na ba ninyo nang paghati-hatiin ko ang limang tinapay para sa limanlibo? Ilang bakol ang napuno ninyo sa mga lumabis na tinapay?" "Labindalawa po," tugon nila. 'At nang paghati-hatiin ko ang pitong tinapay para sa apatnalibo, ilang bakol na malalaki ang napuno ninyo?" tanong niya. "Pitong bakol po," tugon nila. "At hindi pa rin ninyo nauunawaan?" wika niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

19/01/2021

January 19,2021 - Martes
Ikalawang Linggo Sa Karaniwang Panahon

Unang Pagbasa
Hebreo 6:10-20

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, makatarungan ang Diyos. Hindi niya lilimutin ang inyong ginawa at ang pag- ibig na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinakikita sa paglilingkod ninyo sa inyong mga kapwa Kristiyano. At pinakananais ko na ang bawat isa sa inyo'y patuloy na mag-sumikap hanggang wakas upang kamtan ninyo ang inyong inaasahan. Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong nagtitiis at nananalig sa Diyos at sa gayo'y tumatanggap ng mga ipinangako niya.
Nang mangako kay Abraham ang Diyos, siya'y nanumpa sa kanyang sariling pangalan yamang wala nang hihigit pa rito na kanyang mapanunumpaan. Sinabi niya, "Ipinangangako ko na lubos kitang pagpapalain, at pararamihin ko ang iyong lipi." Matiyagang naghintay si Abraham, at kanya ngang nakamtan ang ipinangako sa kanya. Nanunumpa ang mga tao sa ngalan ng isang nakahihigit sa kanila, at sa pamamagitan ng panunumpang ito'y natatapos na ang usapan. Gayon din naman, pinatitibayan ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakilala sa kanyang mga pinangakuan na hindi nagbabago ang kanyang panukala. At hindi nagbabago ni nagsisinungaling man ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito- ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo sa kanya ng kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. Ang pag-asang ito ang siyang matibay at matatag angkla ng ating buhay. At ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing sa templong panlangit, sa dakong kabanal-banalan na pinasukan ni Hesus na nangunguna sa atin. Doon, siya'y isang dakilang saserdote magpakailanman, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Pangako ng P**n nati'y lagi nating gunitain.

Buong puso siyang pasasalamatan, aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang. Napakadakila ang gawa ng Diyos, pinanabikan ng lahat ng lingkod.

Tugon: Pangako ng P**n nati'y lagi nating gunitain.

Hindi inaalis sa ating gunita, na siya'y mabuti't mahabaging lubha. Sa may pagkatakot pagkai'y sagana; pangako ng P**n ay hindi nasisira.

Tugon: Pangako ng P**n nati'y lagi nating gunitain.

Kaligtasa'y dulot sa mga hinirang, may ipinangakong walang hanggang tipan; Banal at dakila ang kanyang pangalan; At pupurihin pa magpakailanman.

Tugon: Pangako ng P**n nati'y lagi nating gunitain.

Mabuting Balita
Marcos 2:23-28

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Isang Araw ng Pamamahinga, naparaan si Hesus at ang kanyang mga alagad sa tabi ng triguhan. Habang daa'y nangingitil ng uhay ang mga alagad, kaya't sinabi ng mga Pariseo kay Hesus, "Tingnan mo ang ginagawa ng iyong mga alagad. Bawal iyan kung Araw ng Pamamahinga!" Sinagot sila ni Hesus," Hindi pa ba ninyo nababasa ang ginawa ni David noong si Abiatar ang pinakapunong saserdote? Nang siya at ang kanyang mga kasama'y magutom at walang makain, pumasok siya sa bahay ng Diyos at kumain ng tinapay na handog sa Diyos. Ayon sa Kautusan, ang mga saserdote lamang ang may karapatang kumain niyon, ngunit kinain iyon ni David, at binigyan pa ang kanyang mga kasama." Sinabi pa ni Hesus, "Itinakda ang Araw ng Pamamahinga para sa kabutihan ng tao; hindi nilikha ang tao para sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't maging ang Araw ng Pamamahinga ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Anak ng Tao."

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

15/01/2021

January 15,2021- Biyernes
Unang Linggo Sa Karaniwang Panahon

Unang Pagbasa
Hebreo 4:1-5.11

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Mga kapatid, nananatili pa ang pangako ng Diyos na tayo'y makapapasok at makapamamahinga sa piling niya. Ngunit mag- ingat kayo, baka mayroon sa inyong hindi magkamit ng pangakong ito. Sapagkat tulad nila'y napakinggan din natin ang Mabuting Balita. Ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig sapagkat hindi nila ito pinaniniwalaan. Tayong naniniwala ang papasok at mamamahinga sa piling ng Diyos. Ito'y ayon sa kanyang sinabi, "Sa galit ko'y aking isinumpang 'Hinding-hindi sila makapapasok at makapamamahinga sa piling ko.' " Sinabi niya ito bagamat tapos na ang kanyang pagkalikha sa sanlibutan. Sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng Kasulatan ang tungkol sa ikapitong araw: "At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha." At muli pang sinabi, "Hinding-hindi sila makapapasok at makapamamahinga sa piling ko." Kaya't magsikap tayong makapasok at makapahinga sa piling ng Diyos. Huwag sumuway ang sinuman sa atin para hindi mabigong tulad nila.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D'yos.

Ito'y aming narinig na, kaya naman aming alam, nagbuhat sa aming nuno na sa ami'y isinaysay. Totoong kahanga-hanga ang tinutukoy na bagay mga ginawang dakila ng Panginoong Maykapal.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D'yos.

Sa lahat ng lahi nila ito'y dapat na iaral, at ang angkang susunod pa ay marapat na turuan. Sa ganito, masusunod nilang lagi yaong utos, ang matatag na pag- asa'y ilalagak nila sa Diyos, at ang dakila niyang gawa'y hindi nila malilimot.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D'yos.

Sa kanilang mga nuno, hindi dapat na pumaris, na matigas ang damdaming sa Diyos ay naghimagsik; isang lahing di marunong magtiwala at magtiis, ang pag-asa ay marupok at kulang ang pananalig.

Tugon: Hindi nila malilimot ang dakilang gawa ng D'yos.

Mabuting Balita
Marcos 2:1-12

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, bumalik si Hesus sa Capernaum, at kumalat ang balitang siya'y nasa kanyang tahanan. Kaya't nagkatipon ang napakaraming tao, anupat wala nang matayuan kahit sa labas ng pintuan. Samantalang nangangaral si Hesus, may idinating na isang paralitikong dala ng apat katao. Hindi nila ito mailapit kay Hesus dahil sa dami ng tao, kaya't binakbak nila ang bubong sa tapat niya, at inihugos ang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan. Nang makita ni Hesus kung gaano kalaki ang kanilang pananalig, sinabi niya sa paralitiko, "Anak, ipinatatawad na ang mga kasalanan mo". May nakaupo roong ilang eskriba na nagsaloob ng ganito: "Bakit nagsasalita ng ganito ang taong ito? Kalapastanganan sa Diyos iyan! Hindi ba't Diyos lamang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?" Talos ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi niya, "Bakit kayo nagsaloob ng ganyan? Alin ba ang lalong madali: ang sabihin sa paralitiko, 'Ipinatatawad na ang mga kasalanan mo,' o ang sabihing, 'Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka'? Patutunayan ko sa inyo na dito sa lupa, ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga kasalanan. "Sinabi niya sa paralitiko, "Tumindig ka, dalhin mo ang iyong higaan, at umuwi ka!" Tumindig naman ang paralitiko, binuhat ang kanyang higaan at umalis na nakikita ng lahat. Sila'y pawang nanggilalas at nagpuri sa Diyos. "Hindi pa kami nakakikita ng ganito!" sabi nila.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

14/01/2021

Magandang Gabi!
Ang ating pong Parokya ng Holy Family ay nag aanyaya sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng P**ng Sto. Nino ngayong darating na Linggo, ika-17 ng January 2021.
May pagdiriwang po tayo ng misa sa ganap na ika-8:00 ng umaga at susundan ng prosesyon sa ganap na ika-9:15AM
Naway makiisa po tayo sa pagdiriwang na ito bilang pasasalamat natin sa ating Panginoon.
Maraming Salamat po!
VIVA STO. NINO!

08/01/2021

January 8, 2021 - Biyernes kasunod ng Pagpapakita ng Panginoon

Unang Pagbasa
1 Juan 5 : 5 - 13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan

Minamahal kong mga kapatid, sino ang makapagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalatayang si Hesus ang Anak ng Diyos.
Si Hesukristo ang naparito sa sanlibutan, bininyagan sa tubig, at nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan - hindi lamang bininyagan sa tubig, kundi nagbubo pa ng kanyang dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan. Tatlo ang nagpapatotoo: ang Espiritu, ang tubig, at ang dugo, at nagkakaisa ang tatlong ito. Tinatanggap natin ang patotoo ng tao, ngunit lalong matibay ang patotoo ng Diyos, at iyon ang patotoo ng Diyos tungkol sa kanyang Anak. Ang sinumang nananalig sa Anak ng Diyos ay naniniwala sa patotoong ito. Ngunit ang ayaw maniwala sa Diyos ay ginagawang sinungaling ang Diyos, sapagkat hindi siya naniniwala sa patotoo nito tungkol sa kanyang Anak. At ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan at ito'y makakamtan natin sa pamamagitan ng kanyang Anak. Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan, ngunit wala nito ang hindi pinananahanan ng Anak ng Diyos. Isinulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.

Ang Salita ng Diyos.

Salmong Tugunan
Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Purihin mo, Jerusalem, purihin ang Panginoon, purihin mo ang iyong Diyos, kayong mga taga - Sion. Yaong mga pintuan mo ay siya ang nag - iingat, ang lahat ng iyong lingkod ay siya ang nagbabasbas.

Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Ginagawang matahimik yaong mga hangganan mo, bibigyan kang kasiyahan sa kaloob niyang trigo. Kung siya ay nag - uutos, agad itong natutupad, dumarating sa daigdig, na hindi na nagluluwat.

Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong butihin.

Kay Jacob n'ya ibinigay ang balita at pabilin, ang tuntuni't aral, ibinigay sa Israel. Ang ganitong karapatan ay wala ang ibang bansa, pagkat hindi nila batid ang utos na itinakda. Purihin ang Panginoon.

Tugon: Purihin mo, Jerusalem, ang Panginoong Butihin.

Mabuting Balita
Lucas 5 : 12 - 16

+ Ang Mabuting Balita ng panginoon ayon kay San Lucas

Noong si Hesus ay nasa isang bayan, isang lalaking ketongin ang lumapit sa kanya. Pagkakita ng ketongin sa kanya, ito'y nagpatirapa at namanhik sa kanya. "Ginoo, kung ibig po ninyo, ako'y inyong mapapagaling." Hinipo siya ni Hesus at ang sabi, "Ibig ko; gumaling ka!" Pagdaka'y nawala ang kanyang ketong. At pinagbilinan siya ni Hesus: "Huwag mong sasabihin ito kaninuman. Sa halip ay pumunta ka sa saserdote at pasuri. Pagkatapos, maghandog ka ng haing iniuutos ni Moises, bilang patotoo sa mga tao na magaling ka na." Ngunit lalo pang kumalat ang balita tungkol kay Hesus, kaya't dumagsa ang napakaraming tao upang makinig at magpagamot sa kanya. At si Hesus ay laging nagpupunta sa ilang na pook at nananalangin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Tanay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Outreach ProgramSitio Tuoy

Telephone

Website

Address

Tanay
1980

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Other Tanay places of worship (show all)
Pentecostals of Sampaloc Pentecostals of Sampaloc
Tanay, 1980

This is the official page of UPCPI Pentecostals of Sampaloc Tanay aiming to preach the Good News (Gospel of Christ) to the whole world.

SSPX- St. Philomena Chapel - Sampaloc,Tanay SSPX- St. Philomena Chapel - Sampaloc,Tanay
St. Michael Street, Townsite Subd. , Brgy. Sampaloc
Tanay, 1980

Roman Catholic // Latin Mass // Tradition

MT. ZION Baptist Ministry MT. ZION Baptist Ministry
Sta Ines
Tanay, 1980

Existed to bless and to serve the community for Christ. Envision to conquer its mission field by innovative effort of reaching the lost.

CFBC-Women Of Grace CFBC-Women Of Grace
Tanay, 1980

❤️

One in Christ Fellowship Tanay One in Christ Fellowship Tanay
Blk2 Lot 20 Little Tanay Ville Brgy. Tandang Kutyo
Tanay, 1980

Our mission is to restore lives, rebuild families, and reach communities for the glory of God.

Daraitan Seventh-Day Adventist Church Daraitan Seventh-Day Adventist Church
S. Dela Carzada Street
Tanay, 1980

The Seventh-day Adventist Church is a Protestant Christian denomination distinguished by its observan

Word of Hope Tanay House-Church Word of Hope Tanay House-Church
Bonifacio Street
Tanay, 1980

Tanay First Church of the Nazarene Tanay First Church of the Nazarene
21DC Street Brgy Tandang Kutyo Tanay Rizal
Tanay, 1980

Christ Disciples Church Rizal Philippines Christ Disciples Church Rizal Philippines
Blk 16 Lot 31 Southville 10, Brgy. Plaza Aldea, Rizal
Tanay, 1980

A church to know who God is? The savior, the way, and the life Jesus Christ.

Cornerstone Bible Baptist Church - Tanay Cornerstone Bible Baptist Church - Tanay
Lot 13 Block 16 Cavalier Street Brgy. Sampaloc
Tanay, 1980

Independent Biblicist Mission Minded

Sampaloc Mahal Presbyterian Church Sampaloc Mahal Presbyterian Church
Tanay, 1980

Creating a loving relationship with God!!!

CCF Tanay Women2Women CCF Tanay Women2Women
KM 54 Manila East Road Brgy Tandang, Kutyo Tanay, Rizal
Tanay, 1980

Women helping women grow in God's love