DOH-Human Resource for Health Unisan
Kalusugan para sa lahat.
❗️Quezon Provincial DOH is Hiring! ❗️
📣 ANNOUNCEMENT 📣
❗️Vaccination/Bakunahan laban sa COVID19❗️
Kailan: February 10-11, 2022 (Thursday-Friday)
❕Unisan Health Center (RHU)❕
✅ Pfizer (12 years old pataas)
- 1st dose, 2nd dose at booster dose
- 12-17 years old: mga batang walang commorbidity o sakit
✅ Janssen
- priority para sa mga senior citizen
✅ Sinovac at Moderna (18 years old pataas)
- 2nd dose
❕Unisan Medicare Community Hospital❕
✅ Moderna (12 years old pataas)
- 12-17 na mga batang may comorbidity
- 1st dose, 2nd dose at booster dose
✅ Janssen
- priority para sa mga senior citizen
Maraming salamat po!
Schedule po ng COVID vaccination 💉💉
RHU UNISAN (8am hanggang 5pm), February 8, 2022. Makikibasa po sa pictures ang ibang detalye. Salamat po.
Tara na! 😀❤️
Makiki-share na rin po sa iba ninyong mga kakilala. Stay safe and God bless.
‼️ Pabatid ‼️
WALA po turok para sa 2nd dose ng Pfizer sa mga sumusunod na araw:
December 23 - Thursday (Huwebes)
December 24 - Friday (Biyernes)
December 27 - Monday (Lunes)
Mangyari po makipag-ugnayan sa mga Midwife at Nurse ng inyong barangay para sa mga katanungan.
Panatilihin po natin ang pagsunod sa mga health protocols. Maraming salamat po!
✅Announcement:
✅Ano at sino:
➡️1.Para po sa mga naturukan ng JANSSEN na naka 3 months na maari na po kayong magpabooster dose (all category)18 y/o and above
➡️2. Para sa mga naturukan po ng 2 dose ng SINOVAC at ASTRAZENECA na 6 na buwan na Ang nakalipas maari na po kayong magpabooster dose (all category) 18 y/o and above
✅Saan: UNISAN MEDICARE COMMUNITY HOSPITAL 🏥
✅Oras: 8a.m. to 3p.m. only
✅Ano Ang Bakuna na pangbooster: ‼️ASTRAZENECA‼️
➡️Ano Ang meron sa RHU UNISAN?
✅ 2ND dose ng PFIZER
✅ 1ST dose and 2nd dose ng ASTRAZENECA (18 y/o and above only)
➡️ KELAN: Dec. 16 and 17
➡️ Oras: 8a.m. to 3 p.m.
➡️ Paalala: Wala na po tayong vaccine para sa 1st dose ng PFIZER Kaya Hindi Tayo magbabakuna ng 12 to 17 y/o
Salamat po at pakishare💯👌
📣‼️PABATID‼️📣
‼️Basahing mabuti!‼️
Simula po bukas, November 24 - Wednesday (Miyerkules), ay magsisimula na rin ang pagtuturok ng Anti-COVID19 vaccine sa mga kabataang edad 12-17 o Rest of Pediatric Population (ROPP) na gagawin sa RHU Unisan Main Health Center. Ito ay ang mga kabataaang WALANG iniindang sakit tulad ng hika, sakit sa puso, epilepsy, obesity (mabigat ang timbang) at iba pa.
✅ Ano ang mga dapat dalhin sa araw ng pagpapaturok:
❕Birth certificate ng bata
❕Valid ID ng bata
❕Valid ID ng magulang
❗️Kung hindi man masasamahan ng magulang ang bata, dapat dalhin ng kasama o guardian ng babakunahan ang Barangay Certification na pirmado ng Barangay Captain. Mainam na nakalahad dito na ang guardian at ang bata ay personal na kilala ng Brgy. Captain at nagpapatunay ng kaugnayan o relasyon ng dalawa.
❗️Sa mga kabataang edad 12-17 na may karamdaman tulad ng nabanggit sa itaas, mangyaring maghintay lamang ng anunsyo sa schedule at lugar ng bakunahan. Sa ngayon ay hindi pa muna sila makakasama sa schedule simula bukas.
❗️PALAALA❗️
Tuloy pa rin po ang pagtuturok sa ating mga kababayan na edad 18 pataas, kaya mangyaring pumunta lamang sa RHU Unisan.
Makipag-ugnayan po sa inyong mga BHW, Midwife at Nurse kung mayroon pa kayong mga karagdagang katanungan.
Maraming salamat po!
Magandang umaga po!!
Para po sa mga nagtatanong kung tuloy po ang mga naka schedule ng 2nd dose ng Moderna at Sinovac bukas Nov. 5 (Friday), Opo tuloy po ang 2nd dose sa RESMA 8am to 4pm. Maraming Salamat po.
📣 PABATID 📣
SCHEDULE OF COVID-19 VACCINATION
Bakunahan laban sa COVID19
Date: November 8-12, 2021 (Monday-Friday)
Para po sa mga Unisanin na 18 years old pataas, pwede na po kayo magpabakuna. Available po ang Pfizer, Sinovac, AstraZeneca at Moderna vaccine.
‼️Para po sa 1st dose ng PFIZER ang VENUE po ay sa Rural Health Unit Brgy. Muliguin Unisan, Quezon
‼️Para po sa 1st at 2nd dose ng SINOVAC, ASTRAZENECA at MODERNA ang VENUE po ay sa RESMA.
Magdala lang po ng ID na meron Birthday o kaya po ay Birth Certificate para sa 18 at 19y/o.
Ipabatid po ito sa inyong mga kapitbahay at kakilala.
Maraming salamat po!
PTPA PO
PFIZER VACCINATION 😄
Natanggap pa po kami dito sa RHU
Sa mga hindi pa po nagpapaturok pwede pa po kayo pumunta ngayon
Salamat po ❤
📣 PABATID 📣
Bakunahan laban sa COVID19
Date: October 28 and 29, Huwebes at Biyernes
Para po sa mga Unisanin na 18 years old pataas, pwede na po kayo magpabakuna. Available po ang Pfizer, Sinovac at AstraZeneca vaccine.
‼️Para po sa 1st dose ng PFIZER ang VENUE po ay sa Rural Health Unit Brgy. Muliguin Unisan, Quezon
‼️Para po sa 1st at 2nd dose ng SINOVAC at ASTRAZENECA ang VENUE po ay sa RESMA.
Ipabatid po ito sa inyong mga kapitbahay at kakilala.
Maraming salamat po!
📣 PABATID 📣
Bakunahan laban sa COVID19
Venue: RHU Unisan, Subdivision Brgy. Muliguin
Date: October 26, Tuesday
Para po sa 18 years old pataas, pwede na po kayo magpabakuna. Available po ang Sinovac at AstraZeneca vaccine. Cut off po bago mag 2pm ngayon hapon.
Ipabatid po ito sa inyong mga kapitbahay at kakilala.
Maraming salamat po!
📣 ‼️PABATID ‼️📣
Sa lahat po ng nasa priority group A1-A5, maaari na po kayo mag walk-in ngayon sa RESMA para sa turok ng anti-COVID vaccine. Ang nasa priority A4 po ay magdala ng certification galing sa inyong barangay, photocopy ng driver’s license kung driver at photocopy ng 4Ps ID para sa category A5.
Ito po ay first come first served.
Maraming salamat po!
📣 PABATID 📣
Sa lahat po ng nasa priority group A1-A5, maaari na po kayo mag walk-in BUKAS (8am-4pm) sa RESMA para sa turok ng anti-COVID vaccine.
Ang nasa priority A4 po ay magdala ng certification galing sa inyong barangay, photocopy ng driver’s license kung driver.
Para sa member ng 4Ps, kanilang asawa at mga anak na 18 years old pataas, at mga kabilang sa pinakamahihirap na mamayan ng Unisan.
-magdala lang po ng ID ang mismong miyembro ng 4Ps.
-Ang kanilang asawa at anak at iba pang kabilang sa pinakamahihirap na mamamayan ay kukuha lang po ng Certificate of Indigency sa kanilang Barangay at 1 valid government ID.
Maraming salamat po!
📣 PABATID 📣
Sa lahat po ng nasa priority group A1-A5, maaari na po kayo mag walk-in ngayon sa RESMA para sa turok ng anti-COVID vaccine. Ang nasa priority A4 po ay magdala ng certification galing sa inyong barangay, photocopy ng driver’s license kung driver at photocopy ng 4Ps ID para sa category A5.
Ito po ay first come first served.
Maraming salamat po!
Maging responsable po tayo.
Dumating na tayo sa point na we need to know how to take care of ourselves. Overwhelmed na ang healthcare system natin. Pagod na ang mga healthcare workers natin, aligaga na ang mga BHERT and the LGUs.
Dapat by this time, alam na natin ang mga simple home remedy if makaramdam tayo ng symptoms. Marami namang video na nagshe-share nyan. Mismong mga doctors pa.
AND HERE IS MY PERSONAL PLEA TO THOSE WHO ARE ALREADY “VACCINATED.”
May tinatawag na “breakthrough infection.” Ito ang nangyayari sa mga vaccinated na. Nagkakaron pa rin ng Covid19 kahit fully vaccinated na.
Ang kaibahan natin, we are less likely to go severe. Kaya kadalasan, homecare na lang.
Pero since asymptomatic to very mild symptoms lang, eto ang kadalasang nangyayari sa mga vaccinated people na may breakthrough infection:
1. Sasakit ang ulo.
2. Sisipunin.
3. Pagkalipas ng 3 days wala ng sipon.
So akala mo, wala lang. Akala mo nahamugan ka lang. Akala mo, normal na sipon lang.
So ang next mong gagawin, lalabas ka. Mamamalengke ka, pupunta ka sa public places, papasok ka sa trabaho. Hindi mo alam dala-dala mo pa din ang virus.
So ano ang result? Nakapanghawa ka ng hindi mo alam. Ang masaklap pa, yung nahawa mo “unvaccinated” na maaaring mamatay.
That 20,000 cases a day we have, ay dahil sa mindset na to.
Top 5 symptoms of Breakthrough Infection;
1. Headache
2. Sipon
3. Sneezing
4. Sore Throat
5. Loss of Smell
Reminder, this is not an “all or nothing” symptoms. Kahit isa lang dyan, candidate ka na for breakthrough infection.
So, to all who are vaccinated, please, kung nakaramdam kayo ng sakit ng ulo, sipon, lagnat, wag nyong balewalain. Treat it as breakthrough infection. Mag-isolate na kayo. Wag na muna kayong lumabas. Unless wala kayong hawak na document na negative kayo, wag muna kayong lumabas.
OA? Yes OA. Pero sa panahon ngayon, mas mabuti ng maging OA kesa isawalang-bahala.
Last year, ang concern natin is kung paano tayo hindi mahahawa.
Ngayong year na to na marami ng vaccinated, dapat isipin din natin kung paano tayo HINDI makakapanghawa.
Again, overwhelmed na ang ating healthcare and at a lost ang government system. Let’s do our part naman , para na rin sa pamilya natin. Keep safe everyone!
‼️PABATID‼️
Ang Rural Health Unit (RHU) Unisan po ay ipinababatid na ang Resbakuna o bakunahan para sa first dose ng Sinovac na nakatakdang ganapin sa ika-16 at ika-17 ng September (Huwebes at Biyernes) ay pansamantalang CANCELLED.
Mangyari po na maghintay ng kasunod na anunsyo para sa itatatakdang bagong schedule ng bakunahan.
Maraming salamat po sa inyong pasenysa at pang-unawa.
❕Isang Paalaala ❕
Mag-ingat po tayong lahat at panatilihing sumunod sa minimum health standards upang makaiwas sa COVID19 virus.
‼️ ANNOUNCEMENT ‼️
❕Ano: Cancellation ng Resbakuna para sa 2nd dose ng Sinovac
❕Kailan: September 8, 2021 Miyerkules (Wednesday)
❕Reschedule date: September 9, 2021 Huwebes (Thursday)
❕Saan: RESMA
Ang pag-cancel po ng pagbabakuna ng 2nd dose ay dahil sa nananalasang Bagyong Jolina na maaaring dumaan sa ating bayan. Ito po ay para sa kaligtasan ng lahat.
Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa. Maraming salamat po!
ANNOUNCEMENT!
Update sa schedule ng bakunahan para sa mga dapat na tatanggap ng 2nd dose simula August 18-27.
ANG NAKATAKDA PONG BAGONG SCHEDULE AY SA AUGUST 31, ARAW NG MARTES (TUESDAY).
Kami po ay maglalabas muli ng update para sa itatalagang oras ng pagpunta depende sa barangay na inyong kinabibilangan.
Maraming salamat po!
ANNOUNCEMENT!
CANCEL po muna ang bakunahan sa lahat ng naka-schedule para sa 2nd dose simula bukas, August 18, hangang sa August 27.
Ipinaaalam po na ang buong RHU staff ay sasailalim muna sa dalawang linggo o 2 weeks na quarantine.
Lubos po kami humihingi ng inyong pang-unawa. Maraming salamat po!
Keep safe!
Basahin at unawain! 'Wag mahihiyang magtanong. Lumapit po lamang sa mga staff ng Rhu Unisan upang masagot nang maayos ang inyong mga katanongan. Maraming salamat po!😊
Attention mga Unisanin!
Para po sa kaalaman ng lahat, mangyari pong basahin ang Advisory na ito ukol sa pagturok ng Janssen COVID-19 vaccine.
Kung may mga katanungan at concern ay maaari po kayong lumapit o mag-message sa nurse o midwife na nakakasakop sa inyong barangay.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa 😊
ISANG TULOG NA LANG MOMMY AT DADDY! 💁♀️
Makibahagi tayo sa malawakang pagbabakuna kontra rubella, polio at tigdas na gaganapin buong Pebrero!
Para ito sa mga batang wala pang limang taong gulang. Makipag-ugnayan sa inyong health center upang malaman ang iskedyul ng pagbibigay ng bakuna sa inyong lugar. 👨⚕️👩⚕️
Si sa dagdag bakuna kontra rubella, polio at tigdas! Pabakunahan si chikiting para sa isang ! 💚
Napurga na ba ang inyong mga chikiting? Sumama sa ✨Oplan Goodbye Bulate✨ ngayong Enero para sa isang ! 💚
BAK to BAK para si
Malapit na ang MR OPV Supplemental Immunization Activity sa buong Calabarzon. Kaya humanda na, mga magulang at tagapangalaga na pabakunahan ang inyong chikiting para sa garantisadong proteksyon laban sa tigdas, rubella, at polio!
Mga Dapat Gawin Bago, Habang at Pagkatapos ng Bagyo. 🙏🏻
Mamimili? Magpapadala? Magbabangko? Kung kailangang lumabas para sa mga importanteng gawain, tandaan na lahat tayo kayang maging BIDA!
Sundin lang ang B-I-D-A at ang mga paalalang ito to sa COVID-19!
Kaibigan, ikaw ba ay sumusunod sa mga sinasabi ng mga awtoridad upang makatulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19?
Kung oo, saludo kami sa iyo!
Salamat sa pagiging COVID-ient!
Sa pananatili natin sa bahay, nakatutulong tayo sa ating frontline workers. Dahil hindi lamang sila ang may papel sa laban na ito, kundi lahat tayo!
Ikaw ay magiting na , hindi mo hahayaang makapanakit at kumalat pa ang virus na ito.
Maging responsable sa lahat ng aksyon na ginagawa sa araw-araw. Huwag lumabas ng tahanan kung hindi kinakailangan, mapa-ECQ man, MECQ, o GCQ.
Kaya mga kababayan, STAY HOME, STAY SAFE 🧍🏠
PANOORIN: Ano nga ba ang ibig sabihin ng General Community Quarantine at ang mga panuntunang kaakibat nito? Paano nito matutulungan ang pamahalaan upang lubusang sugpuin ang COVID-19 sa bansa? Alamin sa video na ito.
Video link here : https://www.facebook.com/LagingHandaPHL/videos/572788450309158/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Website
Address
4305
Unisan, 4305
Provides information and services for community health. Informs about schedule of Rural Health Unit and Barangay Health Station activities and services.
Sitio PUP Ibabang Kalilayan
Unisan, 4305
This is the official page of Medical Services of PUP Unisan Branch
P. Montecer Street Malvar Batangas
Unisan, 4233
WE CARE ANIMAL BITE CLINIC Vaccination Services Offered: * Pre-exposure Anti-rabies Prophylaxis (PrEP) * Post-exposure Anti-rabies Prophylaxis (PEP * TT (Tetanus Toxoid) Administ...