Via Alvarez

Via Alvarez

👩🏻‍💻Digital Mompreneur
🔐Business builder
🔍Visionary
👫👭👬Helps employees in achieving their life goals. I help employees retire early from their 9-5 jobs...

08/12/2023

Energy ⚡️⚡️

03/09/2022

Akala ko dati that if you work harder, you will reach your dreams faster.
Na kapag nag grind ka at mas nagderederecho ka, mas madali kang makakarating.
Hindi pala.
Because the truth is...

The more you hustle and work harder, the more that you'll be forced to go slower.
Dahil habang mas nagmamadali ka, mas nadadapa ka.
Na habang mas nagiging perfectionists ka, mas nagkakamali ka.
Na habang mas nagpapakapagod ka, mas bumabagal ka.
This is why it's very important to know when to slow down.
So you can rest and have an absolute trust that you'll get there even if you decide to slow down today.
Aanhin mo ang pera kung may sakit ka na?
Aanhin mo ang pera kung wala ka namang oras at freedom to enjoy what you have?
Aanhin mo ang pera if you have no peace within?
It's not a sin to work hard for money.
We need to work hard. And SMART.😉
Because truth is, we need money so we can fulfill our life's purpose.
We need money to reach our dreams.
Pero para saan bakit ka nagpapakapagod?
Para saan bakit ka nagpapakayaman?
It's hard to hustle and grind everyday.
And it's lot harder if you are coming from the wrong place.
So try to pause.
Stop.
And reflect.
Is this really what I want?
Will it help me fulfill my life's purpose?
Will it give me happiness and peace within?..
Kasi kung hindi, e para saan?
Para saan bakit ka naghustle and grind para mapagpakayaman?

14/06/2022

"Rich people don't get rich by accident. And poor people don't stay poor by accident."
-Grant Cardone

13/06/2022

Alam naman nating lahat na nasa pagnenegosyo ang pagyaman pero bakit iilan lang ang nakakaintindi ng paraan paano magsimula ng negosyo? 🧐

12/06/2022

Today let me share to you a parable...

So in this parable, there's a man and he's walking through a circus.
And what he's noticed as he walks around, he sees these massive elephants.
They have a rope around one of their legs that is connected to something which is holding them in place.
Now, as the man look at them and he's thinking "how are these enormous creatures being held in place by these little ropes?"
They could have enough strength to just easily break free and run around. Yet they're not.
They are all staying right where they are.

So as he keeps on walking, he saw someone and he asked them, "How is it that these elephants are constrained like that?"

And the person explains, "Well when they were little, we do the same thing. We take a rope, tie it to one of their legs, connect it to something, and at that point they are too small. They can't go anywhere. And everyday, we do the same thing. And as they get older, they don't realize that they are big enough or strong enough to break free. They maintain the idea that they're shackled by that rope. That they are bound to the same place."

These elephants don't even realized that their constraints are self-imposed.

And if you take a step back, if you look at your own world I think what you will find is there are more of these ropes than we'd like to admit.
And changing that needs:
1. Awareness
2. Willingness

Like what types of parameters have you made for yourself?

Are you living just because that's what you've always done?

What is your invisible rope?
..Is it a job?..Is it a relationship? A routine?..Is it courage to start something?

What is holding you back?

What stories have you told yourself?
Are you living by that dictate of your actions and your days and ultimately your happiness that can change with a tug on rope?

See in reality, your life is nothing more than what you've conceded to, what you've allowed it to be.

It's a line in the sand and my message today is so incredibly simple.

It is to look around you and pinpoint where those lines can be redrawn, where that ropes need to be pulled.

What invisible walls have you created for yourself?

Because in life, there is only one truth.

Things only stop, when you do.
Life stops when you decide to stop and sometimes you realize it and sometimes you don't.

Sometimes you need the reminder to look around you and realize how courageous you are,
how much you are capable of if you see beyond the immediate.

Because reality was not destined to be..
it's what you have allowed,
it is what you've created,
it's what you've accepted.

So let's tear down those walls and build something incredible.

Be FREE!

Happy independence day!

08/06/2022

Gusto mo din bang magtagumpay sa buhay katulad ng iba?

Ang tanong, ano ang ginagawa mo sa araw-araw para maging matagumpay?

📍Nag-uubos ng oras sa pag i-scroll sa social media?
📍Nakikipag-chismisan?
📍Natutulog maghapon?

Tingin mo, sa mga ginagawa mo ngayon, gaano mo katagal or kabilis makukuha ang mga pangarap mo?

Sabi nga ni Les Brown, "you must be willing to do things today others won't do, in order to have the things tomorrow others won't have."

Are you willing to sacrifice your "movie time" para gumawa ng mas productive na bagay?

Are you willing to learn how to make your dreams come true?

Willing ka ba na i-let go muna yung mga taong di makakatulong sa progress mo?

If yes ang sagot mo, then start acting NOW.

Organize schedule, allocate your time wisely..

And write down your goals and set a timeline.

Dikit mo sa walls ng kwarto mo,para araw-araw kang ma-remind na may mga pangarap ka nga palang gustong marating.

Do small things lang muna.

Once madevelop mo na ang habit ng pagpa-prioritize sa mga bagay na mas mahalaga, magugulat ka nalang...

Malapit ka na!

Kayang-kaya mo yan! Naniniwala ako sayo!

07/06/2022

Ganto din ba itsura mo officemate kapag nadidinig mo yung kasamahan mong lagi nagrereklamo sa trabaho?

Pag naiisip mo, ikaw nga, di nagrereklamo kasi kailangan mo yung trabaho mo...
Tapos todo OT ka pa...

But have you realized... na kahit anong sipag mo sa work, di ka pa din makaahon sa mga utang at monthly bills?

At this point, tingin mo ba, enough yung sipag mo para yumaman?

The honest ang sagot ay "HINDI".

Hindi ka yayaman kung sa sweldo ka lang umaasa.
Hindi ka yayaman kung nag iipon ka lang sa bangko.
At hindi ka yayaman kung forever kang magiging empleyado.

Sorry officemate ah, pero yan talaga ang katotohanan.

Walang masama sa pagiging empleyado ha, jan din ako galing...
And forever akong magiging thankful sa mga napasukan kong companies...

But right now, since I have decided to leave the corporate world for better opportunities, I realized na sobrang dami palang bagay na pwede kang magawa outside.

Tip ko lang sayo officemate, right now, pag-tyagaan mo muna yung kasamahan mong mareklamo. (hahaha. Joke lang) 😁

Humanap ka ng sideline na pwede mong bigyan ng 1-3hrs per day. Pwedeng after work mo or before ka pumasok sa trabaho.

Then kung may mga naitatabi kang funds, set aside some amount na pwede mong iinvest. (But know the risk din of investing) Sabi nga, i-invest mo lang yung amount na willing kang mawala sayo.

In short, build other streams of income. Para kapag mas malaki na ang kita mo at stable na ang earnings mo from your other side hustle, you can choose to leave your 9-5 job na.

Just make sure, you are mentally and financially ready.

06/06/2022

The thing that you want is not in your comfort zone.

Ano nga ba ang mali sa pag-stay mo sa iyong comfort zone?
Kapag masyado kang matagal nag-stay jan, it will make you complacent.
Kung hindi ka gumagawa ng mga bagay na kinatatakutan or nag chachallenge sayo, you will miss out on growth opportunities.

Bakit nga ba gustong-gusto natin sa ating comfort zone?
Kasi dito, you probably do not experience a lot of anxiety, because for you, this is a familiar ground. This is a predictable and safe place.

Kaya lang officemate, gusto mo bang maging successful?
Gusto mo ba ng financial freedom? Or time freedom?

GOOD NEWS!!

Hindi mo makikita sa comfort zone mo yan!✌️

Kaya if you want to witness success in your life, kailangan mong lumabas at mag explore outside your comfort zone.

Hindi magiging madali...

Pero masasanay ka din.

Tulad lang din yan ng first day mo sa school.
Or nung first day mo sa work.

Mangangapa ka,
Mag aaral at
Matututunan mo din naman ang mga bagay.

Kailangan mo lang magpatuloy at magpursigi...

Kung sa trabaho nga nagawa mo eh.

'Di ba, nung pinasayaw ka sa office kahit hindi ka dancer, nagawa mo?

Or nung inaral mo yung excel kasi kailangan mo sa mga reports nyo?

Ganun lang din yun.

Dun nga nagawa mo eh.

Para sa PANGARAP mo pa kaya?

Officemates, lagi mong tandaan...

"A comfort zone is a beautiful place, but nothing ever grows there."

Timeline photos 05/06/2022

Pagod ka na ba sa pag gastos ng lahat ng hard-earned money mo pambayad ng mga utang while struggling with living paycheck to paycheck?

Kung masisimulan mong upuan at ilista lahat ng mga pinagkakautangan/pinagkakagastusan mo, alam mo, masakit talaga sa ulo.

Kahit ako, nung first time kong ginawa to, na-shock din ako. Kaya wag kang mag alala...

Ansakit din isipin na nabubuhay lang kami sa paycheck to paycheck, tapos wala din ipon ang pamilya namin kaya kapag biglang nagkaroon ng biglaang gastusin, utang talaga ang bagsak namin.

Relate ka din ba?

The good news is that you have the ability to stop the paycheck to paycheck cycle that you’re living in.

It all boils down to spending less than you make.

So if you’re sick of working long hours everyday and sending all your money to pay off loans, then it’s time to make a change.

Share ko sayo officemate yung strategies na pwede mong magamit para makaalis ka na sa mga utang mo kahit sa sweldo mo lang ikaw umaasa.

Ready ka na ba?

1. Gumawa ka ng budget.
Siguro gasgas na to sa pandinig mo, but the truth is..kapag nakapag gawa ka ng budget, mamomonitor mo san san napupunta ang pera mo.

2. Identify wants vs. needs
Minsan akala natin may mga bagay na mahalagang paglaanan ng budget,pero ang totoo, luho lang pala.
So ngayon, wala munang luho officemate ha.

3. Change your money habits
For instance, you want to buy coffee from Starbucks everyday, but you need to choose to brew on your own pot of coffee every morning instead. Small steps like this will go a long way.

4. Track your spending
Naranasan mo na ba yung kala mo may pera ka pa, tapos pagsilip mo ng wallet mo, sakto nalang pala hanggang dumating ang susunod na sweldo?
Nangyayari yan kasi di natin namomonitor ang mga gastusin natin.

5. Stop Comparing Yourself To Others
Hayaan mo na muna yung iba..kung tingin mo they are doing better than you,it's ok. Ang goal ngayon is makapagbayad ka muna sa utang mo. Once matapos mo ito, then you can allocate your excess money na sa ibang bagay.

6. Try to increase your income
One of the best ways to help you break free from the paycheck to paycheck cycle is to increase your income while keeping your standard of living the same.

It’s no secret that extra money will help you make significant progress on your debt free journey. Find a way to bring in extra money.
Pwede kang magbenta online ng mga di mo na ginagamit na mga damit/gamit. Or pwede ka ding mag hanap ng mga online tasks or pwede ka din maghanap ng business na may maliit lang na capital to start with.

And lastly, set a timeline.
Hanggang kelan mo ba plan matapos ang iyong loan?
5 months? 12 months?
Set timeline para alam mo magkano ang kailangan mo at hanggang kailan ka magbabayad.

Kapag nasunod mo ang mga tips na ito, sigurado, matatapos mo din yang utang mo na yan.

Naniniwala ako sayo.
Kaya mo yan officemate.

Timeline photos 04/06/2022

Sawa ka na ba sa araw-araw na paulit-ulit na gawain sa opisina?

Lagi ka bang naghahanap ng way paano mababago ang buhay mo?

Gusto mo bang mag-try naman ng bagong bagay para may iba ka namang pagkaabalahan?

Hi officemates! I am Via Alvarez, and like you, I was once an employee.

Naramdaman ko din yung magsawa sa paulit ulit na takbo ng buhay ko.

Naghanap din ako ng mga paraan para makapaghanap ng ways paano mababago ang buhay.

And nag-try din ako ng kung ano-ano like mag-bake at magbenta ng pastries, magbenta ng mga imported clothes, at marami pang iba.

But in 2020, yes during the pandemic, I discovered a business that allowed me to change my life.

Dati, lagi kong iniisip na hindi ako pwedeng magresign sa work kasi ako lang ang inaasahan sa bahay namin...

Iniisip ko, baka pwede ko naman pagtyagaan nalang yung life na meron ako kasi kahit papaano, nakakaraos naman kami...

But di ba sabi nga, hindi tayo pwedeng magserve sa 2 masters.

So last March, I decided to resign from work so I can focus on my business.

Sa awa at gabay ni Lord, mas maayos at mas masaya na ang life ko.

Yung dating mga iniisip kong gusto kong gawin, pwede ko nang magawa nang di kailangan isipin if maapprove ba ang leave ko or if may gagawa ba ng mga office task ko.

Right now, I can say that I am able to do the things that matter.

Nakaalis din ako sa dati kong sitwasyon.

And I am happy to share that.

(Don't get me wrong mga officemates ah. I am always thankful sa work ko dati,kasi kung wala yun, hindi ako makakapag provide sa pamilya ko.)

So ikaw officemate, if you want to change your life, I suggest you check first yourself.

Tignan mo ang savings mo if kayang masustain ang gastos mo/ng pamilya mo ng at least 1 year.

I assess mo din, if right now, kahit ilang taon ka nang nagwowork at wala ka pa ding ipon, baka kailangan mo na din talagang iconsider ang paghahanap ng ibang sources.

Madami jan especially ngayon na mas madali na ang mga bagay dahil sa technology.

Ube-pandesal nga, mabebenta online dba?

Make sure na maayos at legal ang papasukin mo ha.

Pwede kang magbenta, or maging virtual assistant. Pwede ka ding mag put up ng sarili mong business.

Lahat possible officemate.

Kailangan lang din talaga ng effort katulad ng effort na binibigay mo sa work mo.

Wala namang madali.. but as soon as masimulan mo and maaral mo nang mabuti yung magiging additional source of income mo, makakatulong talaga sayo yun.

Sabi nga di ba, ang mga mayayaman, meron silang more than 1 source of income. Para kapag nawala ang isa, may mapaghuhugutan pa din sila.

And they do not rely on employment. They hire people to work for them.

Kaya officemate, if you want to change your life, simulan mo nang magtanim ng seeds ngayon para once mas malaki na ang kita mo from your other source of income, you can quit your 9-5 job na.

Naniniwala ako sayo.

03/06/2022

I'm letting go of caring about what others would say so I'll have more time for improving myself.
Katulad din ba kita na laging iniisip kung ano ang sasabihin ng iba sa mga ginagawa ko?
Biktima ka din ba ng idea na baka husgahan ka kapag ginawa mo ang mga gusto mo?
Or na-stuck ka na ba sa kinalalagyan mo kasi lagi mong iniisip ang sasabihin ng ibang tao?
If ganito ang laging nasa isip mo, narealize ko, talaga palang hindi ka makakakilos ng malaya...
Never mong maisusuot ang damit na gusto mo...
Never mong masasabi ang mga bagay na gusto mo...
And never mong masisimulan gawin ang mga pangarap mo dahil nakakulong ka sa idea na ito.
Kung may gusto kang marating sa buhay, dapat matatag ka.
Dapat may paninindigan ka.
Dapat malakas ang at buo loob mo.
Alam mo kung bakit?
Kasi kahit anong gawin mo, madami pa din talagang masasabi ang mga taong nasa paligid mo...
Kaya ang payo ko sayo officemate, do what makes you happy (pero syempre dapat yung legal na mga bagay ah).
Kasi kung mabubuhay ka na laging iniisip ang sasabihin ng iba, wala na...
Hindi ka makakapag simula.
Kaya ngayon, if hindi ka pa obsessed sa buhay na meron ka, kumilos ka na..
Kahit ano pang sabihin ng iba.
Kayang-kaya mo yan. Naniniwala ako sayo.❤️

02/06/2022

What is your # 1 goal right now and what is that one step you are going to take to get closer to that goal?

Keep in mind that a small step towards your goal is still progress.

Wag mong madaliin ang mga bagay.

Wag mo ding pwersahin.

Basta gumawa ka ng mga hakbang para makarating ka sa gusto mong marating.

You know what?

Dati nasa isip ko lang is paano ba makakatapos ng trabaho sa office..

Paano ba makakahanap ng paraan para makapag relax kahit papaano kasi sobrang pagod ka na sa araw-araw mong gawain..

Paano ba makakatakas saglit sa "realidad" na kinalalagyan..

Ganyan ka din ba,officemate?

Wag kang mag alala, di ka naman nag iisa.

But right now, while you are reading this post...

Try mo nga i-check, ano-ano ba ang mga bagay na nakakapag pa excite sayo?

Ano-ano ba yung mga bagay na magpapamotivate sayo para gawin yung mga gusto mo?

Kung may sagot ka na jan...

Check mo ngayon, yung mga current na ginagawa mo ba ay ayon sa mga bagay na yan?

If yes, then good for you.

If not, the next question is....

Hanggang kelan mo titiisin ang ganyang sitwasyon?

Officemate, wag kang matakot na umalis sa "comfort zone" mo.

Wag kang matakot na sumubok ng mga bagong bagay sa buhay mo.

Wag ka lang mangarap, gawan mo na aksyon para makuha mo yung pangarap mo.

Naniniwala ako sayo..

Ikaw nalang ang kulang para maabot mo ang mga pangarap mo.❤️

Timeline photos 01/06/2022

Hi mga officemates!

June 1 na... half na ng 2022.

Now, here's my question, nung December 31 or January 1 ba, gumawa ka ba ng new year's resolution?
Or nagsulat ka ba ng mga goals mo for 2022?

Ngayong kalahati na ng taon... asan ka na sa mga goals mo?

Have you started anything na ba? Or it's just a thing on your list that you will do whenever you want to?

Alam mo, ganyan na ganyan din ako dati. But 2years ago, I started a business that changed everything...

Natutunan ko na hindi lang pala tayo dapat nagawa ng mga goals or plans.
Dapat nag eexecute tayo. Dapat may action tayong gagawin.

Katulad lang din yan for example, if you want to get in shape, kelangan mong simulan na mag exercise, or go to the gym.

Once you're there, you need to get a coach.

Why?

Kasi the coach will teach you the right way paano gawin ang mga exercise routine that will make you achieve your goal.

Without a coach, especially kung wala ka pang alam, you will do a trial and error sa mga bagay or even sa mga gym equipment na magpapatagal lalo sa process ng pag achieve mo ng iyong goal.

So ayun na nga, nasa gym ka na and may coach ka na.

What's next?

You need to do the workout routine....
Kasi, hindi pwedeng ang coach ang magbubuhat for you then ikaw ang gaganda ang katawan.

Tama ba?

Just like in life or in setting up a plan, kelangan natin umaksyon.
Kasi without it, hanggang papel nalang yung mga pangarap mo.

Gusto mo ba un?

Syempre hindi 'di ba?

So officemates, its never too late to start.

Try mong balikan yung new year's resolution mo or yung dreamboard mo...

Start with small steps and sure ako, hindi mo mamamalayan, malapit ka na pala sa goal mo.

Don't be afraid to start... Be afraid of the regret that you will feel because you haven't started anything.

Your dreams are just waiting for you.🤩

19/05/2022

2 years ago, I saw an opportunity that changed my life...

Last year, sabi ko, magreresign na ako sa work and will focus on this business na. But I was not able to do it.

But this year, just 2 months ago.... I was able to resign from work.

I was so scared at first kasi, baka di ko kayanin ng walang trabaho kasi ako lang nagwowork sa amin... like san kami kukuha ng pangkain, pambayad ng bills, pang maintenance medicine,etc.

I was scared kasi may binabayaran akong bahay and baka mabalewala lahat ng nabayad ko na...

I was scared kasi baka ano sabihin ng mga magulang ko...

But I realized, that when you are scared to do something tapos nagawa mo sya...

Sobrang mapapaisip ka na, "bakit nga ba ako natakot na gawin yun?" "Kaya naman pala"

So right now, I am doing my online business fulltime.

I am also doing forex trading...

I am also handling social media accounts for some clients...

HUSTLE talaga...

But in this chapter of my life, I know I am helping people...

I believe I can help more people especially with all the services na kaya ko nang iprovide.

And I also realized that when you are in control of your time, you're in control of your life.😉
So ikaw, yes ikaw na nagbabasa ng post na ito...

Whatever it is that you want to do in your life...

Whether gusto mong magsulat ng sarili mong libro, gumawa ng kanta, mag start ng sariling business or you just want to travel the world...

I am here to tell you that YOU CAN DO IT!

It's now time to change your mindset...

Then take small steps towards your goal.

Isipin mo, yung mga pangarap mo, marami nang nakaabot nyan kaya kung nakaya nila, ibig sabihin HINDI imposible.

Kaya, kilos na!

KAYANG-KAYA MO YAN!

10/05/2022

Kapos ka ba sa budget bilang employee and naghahanap ka ng additional na source of income?

Or hirap ka na sa araw-araw na pagcocommute dahil balik-opisina na ulit kayo?

If yan ang sitwasyon mo ngayon, then para sayo ang post na ito....

Gusto mo bang magkaroon ng source of income kung saan magkakaroon ka ng unlimited income potential at hindi mo na poproblemahin ang sangkatutak mong bills?

Or gusto mo lang ng pagkakakitaan na pwede mong gawin kahit nasa bahay ka lang at maisasabay mo pang gawin ang mga hobbies mo....

Click on the send message button if you want to know more about this!

Limited lang ang slots kaya grab your slot na! See yah!😉

06/05/2022

PANGARAP KA NALANG BA? O magiging katotohanan pa...🎶🎵

After graduation I told myself, when I reach 30 I will have my own house, car, business, and savings.

So I worked as a purchasing officer in a well-known company at siguro masasabi kong ginalingan ko naman...
✅ Weekend work? Sure!
✅ OT? No problem!

Naalala ko pa dati ang dami ng hours ng OT ko in a month.

Grabe noh?

Pero wala akong reklamo. Go lang ng go! 😅

Then came 2, 3, 4, 5 years...hanggang nag 30 na ko!😱

Reality hit me!

Hindi pala ganun kadaling mag-ipon para sa bahay at kotse!
Savings ko pa nga lang nababawasan pa pag may emergency.🥺

So kinalimutan ko na yung goal ko, iniisip ko yung mga friends ko ganun din naman e.
Pantay-pantay lang kami. Hehe!😁

Then a business coach told me, if you want to be successful, don't adhere with the common norms of the society. 🧐
He explained to me about this financial goals...
He said successful people set their goal first and find ways to get it.

Unsuccessful people, don't set goals, they just wait for things to happen.😨

Or some set goals, but they're really not serious about it.
Sasabihin nila na "ok lang naman mangarap"
Sila yung kapag tinanong mo ng "kailan mo balak bumili ng bahay?"
Ang sagot nila most of the time is "eh di kapag may ipon na."
Ang masakit, most of the time wala ngang naiiipon.

And then we computed my goals vs my savings per month and how long will it take me to get my goals.
My goal was 30million by the way.

I realized it will take me multiple lives to get my dreams! 😅

Meaning mamatay mabuhay, mamatay mabuhay man ako ng paulit-ulit mahihirapan akong makuha yun.😐😐😐

And he told me "kung aasa ka lang sa sweldo mo ngayon, matatagalan ka talagang makuha yan, do something else"💪

Yes mataas ang pangarap ko, so I started business with my 50k capital.
And fast forward after almost 2 years with all the struggles as first-time entrepreneur I was able to buy my own house (installment ha) and syempre savings. 😊

I believe that SIMPLE at KOMPORTABLENG buhay is hard to achieve.
Pano pa kaya kapag DREAM HOUSE or DREAM CAR na ang pinag usapan.
But if you can only save 5,000 a month, it will take you 500 years to get those goals.🥴🥴🥴

Life is short.
Way too short to just sit back and wait for something to happen to you.
You can remain to where you are or you can move to a higher level where there’s abundance and financial freedom.

It's all in your hands!

Allow me to teach you how I did a business on the side while working for 2 years, how I earned 10 times than my current salary, and how I was able to resign from my job..

That's for FREE 😊.
All you need to do is ask.

Send

https://calendly.com/v-thegamechanger/toyourdreamlife

Photos from Via Alvarez's post 29/04/2022

Life is filled with joy and hardship.💪

This is a great truth, so make sure every day you spend time doing one thing that brings you joy and a smile to your face.😀

Today choose to do one thing that will bring you laughter and peace in your heart.❤

Don't wait until everything in your life is sorted out, and then you will relax and enjoy your day, no, find moments of fun and happiness now.🥳

Don’t wait for tomorrow.

The reality and Truth is that “no one is guaranteed tomorrow”.

The way you live life is changed forever when you realize the ordinary moments of life are an extraordinary gift.💙

28/04/2022

As an employee, I thought I was taking charge of my life kasi may maganda akong trabaho.

May mababait akong mga officemates and bosses.

Nakakapag support ako sa family ko...

But what I wasn't aware of is that the TIME that I am giving to my work is so precious.

Sobrang halaga pala ng oras natin.

But it is something na as an employee, hindi natin napapansin.

Kala mo dahil malaki ang bayad sayo is ok na.

Kala mo, dahil may pa free coffee or de-aircon sa office nyo is worthy ipagpalit ang time mo.

Kala mo lang yun!

Kaya from this moment on, VALUE your time.

Kasi pag naubos na yan sa kakatrabaho mo, hindi mo na yan maibabalik.

You can actually use your time to earn more than what you are earning now...

You can use it to do the things that you love...

You can use it to spend more time with your family...

Takot ka lang....

BAKIT?

Because it is NOT the NORMAL thing to do.

Pero di ba, may bago nang "normal"?

Bakit di mo sabayan?

Step out of your COMFORT ZONE and TAKE CHARGE OF YOUR LIFE!

27/04/2022

Preparing to launch!!!!🚀 Gusto mo bang sumabay?

Isa ka bang empleyado?

Napapaisip ka ba minsan....kung nasan na ang mga pangarap mo?

Pagod ka na ba sa araw araw na pagiging mandirigma sa daan?

Or sa araw araw na ginagawa mo?

Sawa ka na din ba sa kinsenas/katapusan na pagbabudget ng sweldong alam mo namang kulang?

Isa ka din bang "immortal" na pumapasok sa trabaho kahit may bagyo?

Ikaw din ba yung tipong...pumapasok kahit masama ang pakiramdam?

Kung OO ang sagot mo sa mga tanong na yan.....

Listen to this!

IKAW lang ang solution sa mga problema mo!!

Ikaw lang ang pwedeng magsabi sa sarili mo na buhayin nang muli ang mga pangarap mo.

Ikaw lang ang makakapagsabi nang "tama na" sa pagcocommute.

Ikaw lang ang makakapagdikta na "ayaw mo na"

IKAW lang kapatid....

Wala nang iba!

Kaya kung nasa ganyang mga sitwasyon ka ngayon, halika!

Hayaan mong hawakan ko ang kamay mo at samahan ka.

Ipapakita ko sayo kung paano ka makakaalis sa sitwasyon na yan.

Pero una, kailangang GUSTO mo.

Kasi kapag ginusto mo, tandaan mong KAKAYANIN MO!

25/04/2022

Kamusta ka ngayon?
Feeling limited kasi nasa work tapos nakain na lahat ng oras mo ng byahe, trabaho at pahinga??
Feeling exhausted kasi natambakan na ng trabaho sa bahay at sa opisina?
Feeling incomplete kasi di mo magawan ng paraan na masimulan yung mga pangarap mo?
Feeling hopeless kasi iniisip mo na hanggang mag-60 yrs old ka, anjan ka pa din sa kinalalagyan mo?
What if I told you that you can do something...
What if I told you that you can still achieve the dreams you have..
What if I told you that there is still hope..
Are you willing to listen?
Would it be something na magiging interesado ka?
Would you give a little bit of your time para malaman kung paano?
If ikaw yung tipo na gusto mong mabago yung sitwasyon na meron ka ngayon?
If ikaw yung tipong sawa ka na sa araw-araw na ginagawa mo...
If ayaw mo nang mangarap kasi mahirap naman abutin...
I definitely know that feeling because I was once there.
I have been working for almost 12years kaya alam ko ang pinagdadaanan mo.
Di ka nag iisa.
Pero wag kang mag alala kasi kaya mo ding makaalis sa kung nasan ka man ngayon.
Don't limit yourself.
Because YOU CAN BE ANYONE THAT YOU WANT TO BE.👌

18/04/2022

Two months ago, I decided na gusto ko magpapayat.😅

Why?
Para maging healthy kasi iniisip ko, I want to live longer for my family and para sa mga tao na matutulungan ko pa in the future...
Paano?
I started to eat "healthier" food choices and went to the gym.
Pumayat/gumaan ba ako kaagad after eating one healthy meal and after going once sa gym?
Syempre hindi.😅
Mostly kasi, iniisip natin na pag nagawa natin ng isang beses ang isang bagay eh tapos na. Achieve na agad ang goals.
Walang ganun mars!!🤯
Kelangan may consistency and commitment. At higit sa lahat dapat may disiplina.
Gusto mo ng healthy life?
Simulan mo lang. Hindi kelangang bigla... little steps will do.
Make it rewarding. Para maulit mo.
Make it something na i-loo-look forward mong gawin.
Di mo mapapansin, nakadami ka na pala.
Apply mo to sa lahat ng gusto mong "simulan" or sa mga "goals" mo.
Pramis.. effective to.
Tsaka, wag mo tignan yung goal.
Tignan mo lang and maging concious ka sa mga "steps" or actitivities mo.
Katulad nito, naka 4.7kg na pala ako!!!🤩
Di ko na namalayan.
Kung nakafocus kasi ako sa goal (which is 24kg), tingin mo itutuloy ko pa?
Baka hindi na... kasi maiisip ko, parang wala namang nangyayari.
But since naka focus ako sa mga dapat kong gawin, ginagawa ko lang. Tinatapos ko lang.
Now, I'm proud na in 2months nakabawas na ko ng 4.7kg.
I'm not bragging ah. Rather, I'd like to inspire you.
Na kung anuman ang gusto mong makuha sa buhay....
Kayang-kaya mong makuha yan!💪
Ikaw pa ba?


Via

Videos (show all)

Are you heading towards POVERTY or SUCCESS?
Officemate, ano pang hinihintay mo?
What is your # 1 goal right now and what is that one step you are going to take to get closer to that goal?Keep in mind ...
Is it all worth your time and effort??  Yes it is!
High performance,

Telephone