ANG LANIG-Onlayn
Serbisyo ng Pagsusulat
BALITA | Labingwalong mag-aaral ng Calanigan National High School ang lumahok sa iba't ibang Individual Events sa Division Schools Press Conference Elimination Round na ginanap sa Saint Paul Vocational and Industrial High School, San Pablo, Isabela, Marso 25.
Target ng mga kalahok na makuha sa Top 15 upang makaabante sa nalalapit na DSPC na idaraos sa Bayan ng Cordon sa Abril 27-30, 2023.
Matatandaang itinanghal na Fifth Topgrosser at Best Performing School in Individual Events sa buong SDO-Isabela ang CNHS noong 2022 Division Journalympics.
Balita | Dating mobile journalist at patnugot (Editor-in-Chief) ng pahayagang Ang Lanig na si Ysabelle May J. Viernes, kinoronahang Mutya ng Santo Tomas 2023.
Naiuwi din ni Viernes ang mga major award na Best in Talent, Casual Wear at Evening Gown at mga minor award na Best in Production Number at Darling of the Crowd.
Itinanghal namang First Runner-Up ang kinatawan ng Calanigan National High School na si Daphne M. Denosta na nagkamit din ng Best in Swimsuit, Best in Creative Festival Attire at People's Choice Award.
Mahalagang aral ang iniwan ni G*t. Andres Bonifacio sa kanyang akdang tula na "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" sapagkat dito ay ibinahagi niya na ang pagmamahal para sa bansa ay hindi pansarili, bagkus iniisip niya rin ang mga taong nakapaligid dahil isinasaalang-alang niya ang kapakanan at kabutihan para sa lahat.
Ngayong Nobyembre 30, ating gunitain ang ika-159 anibersaryo ng kapanganakan ng Ama ng Himagsikang Pilipino at Supremo ng Katipunan na si G*t. Andres Bonifacio.
Nararapat na tularan ang hangarin ng bayani sapagkat ito ang sumisimbolo ng
masidhing pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan.
TINGNAN | Ilang kuhang larawan sa Barangay Malapagay, Santo Tomas, Isabela kaugnay ng walang tigil na pag-ulan dulot ng Bagyong Paeng.
Mag-ingat Tomasinos!
Nakikiisa ang buong pamatnugutan ng Ang Lanig sa pagdiriwang natin ng Pambansang Buwan ng mga Katutubo!
Mabuhay ang mga Ibanag! Mabuhay ang lahat ng mga katutubo sa bansa!
Kita-kits muli tayo bukas!
MalacaƱang will declare Tuesday, May 3, 2022 a national holiday in honor of Eid'l Fitr, Executive Secretary Salvador Medialdea said Sunday.
Eid'l Fitr is the Muslim holiday that breaks the fast of the holy month of Ramadan. On Sunday, the Grand M***i of the Bangsamoro Darul Ifta announced that its commemoration will begin on Monday, May 2, 2022.
READ: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/830355/palace-to-declare-may-3-2022-a-national-holiday-in-honor-of-eid-l-fitr/story/
Pagpupugay!
Mabuhay ang Manggagawang Pilipino!
Isang taos pusong pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng manggagawang Pilipino na nagsisikap at patuloy na naglilingkod nang tapat sa kabila ng mga hamong kinahaharap.
Ang Kagawaran ng Edukasyon, bilang pinakamalaking ahensiya ng gobyerno sa Pilipinas, ay lubos na pinahahalagahan ang araw na ito at nagpapasalamat sa bawat kawani ng Kagawaran na naglalaan ng kanilang serbisyo para sa kapakanan ng bawat batang Pilipino.
Anuman ang sektor, propesyon o larangang kinabibilangan, saanman sulok ng mundo, saludo kami sa inyo!
Makiisa tayo mamayang gabi! Patayin muna natin ang ating mga ilaw pagsapit ng 8:30 PM!