Lingap Leads Foundation, Inc.

Lingap Leads Foundation, Inc.

Lingap Leads Foundation Incorporated is a non-profit organization. It brings together individuals with the common goal of giving back and acting on civic duty.

WHO WE ARE
Lingap Leads Foundation Incorporated is a non-profit organization that caters to key stakeholders of the Agriculture sector. It is confluence of years of steadfast service and devotion to civic duty by the LEADS Group of Companies. It expands its own capacity and unites all efforts towards extending a helping hand to the nation’s poor and marginalized rural communities. OUR GOALS
Our vi

21/08/2024

Ngayong araw ng paggunita kay Ninoy Aquino, ipinagdiriwang namin ang kanyang mga sakripisyo para sa bayan sa pamamagitan ng pagkilala sa mga sakripisyo ng ating mga magsasaka. Sa kanilang pagsusumikap at pagmamahal sa lupa, patuloy nilang binubuhay ang ating bansa.

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 21/08/2024

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Senior Citizens ng Pacita 1, San Pedro Laguna na dumalo sa Lakbay Kalusugan Medical Mission nitong Agosto 20, 2024!

Ang inyong presensya at pakikilahok ay nagbigay ng kahulugan at saya sa araw na iyon. Salamat sa bawat ngiti at sa inyong mainit na pagtanggap, kayo ang tunay na inspirasyon ng aming misyon.

Maraming salamat po sa inyong lahat! 🙏

12/08/2024

Malugod naming binabati ang mga iskolar ng Angat Pinoy Scholarship Program ng Lingap Leads Foundation Inc. na matagumpay na nagtapos ng kanilang Bachelor’s Degree!

Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbunga ng isang kahanga-hangang tagumpay. Hinihikayat namin kayong gamitin ang inyong natutunan upang makatulong sa pag-unlad ng ating lipunan.

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 08/08/2024

Ang mga resulta ng MIKALusugan medical mission buhat sa Lingap Leads Foundation Inc. ay maaari nang makuha sa inyong mga barangay hall o health center sa sumusunod na lugar: Brgy. Rosario, Brgy. Pacita 1, Brgy. Pacita 2, Brgy. Chrysanthemum, at Brgy. San Vicente.

Maraming salamat po sa lahat ng barangay workers at health workers na naging bahagi ng misyong ito. Ang inyong dedikasyon at serbisyo ay tunay na kahanga-hanga!

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 07/08/2024

Maraming salamat sa UP JMA sa inyong donasyon ng mga gamot na Amlodipine.

Malaking tulong ito sa ating komunidad at sa aming Lakbay Kalusugan mission, lalo na sa mga nangangailangan.

Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas malusog at mas masiglang bukas!

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 05/08/2024

Isang matagumpay na Lakbay Kalusugan Medical Mission ng Lingap Leads Foundation Inc. ang naisagawa noong Agosto 3, 2024 sa Brgy. Rosario Covered Court kasama ang MIKAlusugan Health Caravan sa pagbibigay ng libreng serbisyong medical sa limang barangay ng San Pedro, Laguna.

Nakapagbigay kami sa 116 na pasyente ng pagsusuri sa dugo (Complete Blood Count, Cholesterol, Random Blood Sugar) pati na rin ng Urine Analysis, Chest X-ray, at ECG.

Maramiang salamat sa lahat ng doktor, healthcare workers, volunteers, at sa mga pasyenteng nagbahagi ng kanilang ngiti sa aming mission.

12/06/2024

Maligayang Araw ng Kalayaan! 🇵🇭

Sa araw na ito, ating ipagbunyi ang kalayaan ng ating bayan. Nais ng Lingap Leads Foundation, Inc. na bigyang-pugay ang mga magsasakang Pilipino – ang tunay na bayani ng ating mga palayan.

Sa bawat butil ng bigas at sa bawat tanim na gulay, naroon ang kanilang sipag at tiyaga. Sila ang nagbibigay-buhay sa ating hapag-kainan, araw-araw.

Maraming salamat, mga magsasaka, sa inyong walang sawang pag-aaruga sa ating lupa. Ang inyong pagsisikap ang siyang tunay na kalayaan para sa ating bayan. Mabuhay kayo!

12/05/2024

Binabati natin ngayong Mother’s Day ang mga babaeng magsasaka na nagbibigay ng pagmamahal at lakas hindi lamang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa lupaing kanilang pinag-aalagaan.

Maligayang araw para sa mga inang magsasaka at sa lahat ng mga nanay na nag-sakripisyo at nag-alay ng walang hanggang pagmamahal sa kanilang pamilya!

10/04/2024

Sa pagtatapos ng Ramadan, nawa’y punuin ng biyaya, kapayapaan, at kasiyahan ang ating mga puso. Eid Mubarak sa inyong lahat!

09/04/2024

Sa bawat araw, ang ating mga magsasaka ay tunay na mga bayani ng ating bayan. Ang kanilang pagsisikap at dedikasyon sa pagsasaka ay nagbibigay buhay sa ating mga hapag-kainan.

Ngayong Araw ng Kagitingan, ipagdiwang natin ang tapang at sakripisyo ng ating mga bayani!

31/03/2024

Ipagdiwang natin ngayong Pasko ng Pagkabuhay ang tagumpay ng pag-ibig ng Diyos para sa ating lahat. Nawa'y magdala ito ng bagong simula ng pag-asa at pagbabago sa ating mga puso at komunidad.

Maligayang Pasko ng Pagkabuhay mula sa Lingap Leads Foundation, Inc.!

30/03/2024

Sa araw ng Sabado de Gloria, dama natin ang bigat ng pagpapako kay Hesus sa ating mga puso. Habang inaalala natin ang sakripisyo ni Hesus, nawa'y makahanap tayo ng ginhawa sa tahimik na pagmumuni-muni at ihanda natin ang ating mga puso para sa pagdiriwang ng magandang pangako na hatid ng Kanyang muling pagkabuhay.

Isang mapayapang Sabado de Gloria sa ating lahat.

29/03/2024

Alalahanin natin ang sakripisyo at pagmamahal ni Hesus para sa atin. Sa gitna ng hirap at pagsubok, huwag nating kalimutan ang kanyang mga aral ng pag-asa at kabutihan.

Isang banal na Biyernes Santo sa ating lahat.

28/03/2024

Ipagdasal natin ngayong araw ang kahalagahan ng pag-ibig at pagpapatawad. Hilingin natin na ang mga aral na ipinakita ni Hesus ay maging inspirasyon sa ating pagmamahal at pagsasakripisyo.

Isang banal at mapayapang Huwebes Santo sa ating lahat.

25/03/2024

Panginoong Diyos,
Aming tagapaglikha ng lupa at bunga,
Aming pinagmumulan ng buhay at kabuhayan,
Sa panahon ng Kuwaresma, nawa'y maalala namin ang sakripisyo na ibinigay mo para sa aming kaligtasan.

Pakinggan mo ang aming panalangin para sa aming mga magsasaka.
Bigyan mo sila ng lakas at tapang upang harapin ang mga hamon ng buhay sa bukid.
Palakasin mo ang kanilang loob sa gitna ng mga pagsubok at kahirapan.

Gabayan mo sila sa kanilang pang-araw-araw na gawain upang maging mabunga at masagana ang kanilang ani.
Itanim mo sa kanilang puso ang pagmamahal sa lupa at sa kapwa upang sila'y maging instrumento ng iyong kapayapaan at pag-asa.

Amen.

14/02/2024

Ngayong araw ng mga puso, ipinagdiriwang natin ang dedikasyon at pagmamahal ng ating mga magsasaka. Ang ganda ng buhay dahil sa inyong mga sakripisyo at pagmamahal sa lupa!

Ang inspirasyon ng aming larawan ay mula sa mga masisipag na magsasaka ng Flower Farm sa Atok, Benguet.

Happy Valentine’s Day! ❤️🌾

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 22/01/2024

Nag bigay ng serbisyong medical ang Lingap Leads Foundation Inc. Sa Pacita Complex 1 astrodome. Mahigit sa 94 indibidwal ang nabigyan ng libreng blood check up, xray, at ecg, bilang parte ng Lakbay kalusugan program na naganap noong January 21, 2023.

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 18/01/2024

Look: The Lingap Leads Foundation attends the Organics Fair 2024.

We would like to Thank the Mother Earth Foundation PH for inviting us, as one of their exhibitors for the 2 day event in Risen Garden Activity Area in Quezon City.

11/01/2024

Masaya naming ipinakikilala ang mga football scholars ng Lingap Leads Foundation, Inc. na nagtataglay ng galing at determinasyon sa larangan ng football: ang Lingap Leads Foundation Football Team.

Sa likod ng bawat magiting na miyembro ng aming soccer team ay mga magulang nila na puno ng pagmamahal at suporta. Ang video na ito ay naglalaman ng mga kwento ng mga magulang, na nagpapakita kung paano ang footbol ay nagbibigay inspirasyon at nagbubuklod sa kanilang komunidad.

Panoorin ang nakakainspire at makabuluhang panayam sa mga magulang ng Lingap Leads Foundation Football Team!

06/01/2024
06/01/2024
01/01/2024

Sa bagong pag-asa at simula na dala ng Bagong Taon para sa ating mga minamahal na magsasaka, ang bawat araw ay pagkakataon upang magsimula ng bagong yugto ng buhay, puno ng posibilidad at tagumpay sa sakahan.

Nawa'y maging masagana at maaliwalas ang bawat umaga. Umaasa tayo sa paglago ng ating sakahan at sa pag-unlad ng buhay ng ating mga magsasaka. Maligayang Bagong Taon! #2024

31/12/2023

Bago matapos ang taon, nagpapasalamat ang Lingap Leads Foundation sa ating mga minamahal na magsasaka! Sa bawat butil ng pag-asa na inyong itinatanim sa lupa, nagbubunga ito ng kasaganahan para sa ating lahat.

30/12/2023

Sa araw ng pag-alaala kay G*t Jose Rizal, iginugunita natin ang kahalagahan ng ating mga magsasaka. Si Rizal, isang bayani ng bayan, ay nagtaguyod ng katarungan at pagmamahal sa kapwa.

Ngayong Rizal Day, tunay na nagpapasalamat tayo sa ating mga magsasaka, ang tunay na bayani ng ating lupa. Ang kanilang sipag, pagtitiyaga, at pagmamahal sa sakahan ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagmamalasakit sa ating sariling bayan.

Hindi lang ito isang araw ng pag-alala, kundi pagpapakita ng pagpapahalaga sa bawat magsasakang nag-aambag sa kaunlaran ng ating bansa. Mabuhay ang mga magsasaka! 🌾🇵🇭

25/12/2023

Maligayang Pasko sa inyo at sa ating mga mahal na magsasaka! Sa araw na ito ng pag-ibig at kasiyahan, nagpapasalamat tayo sa bawat magsasakang nagtatrabaho nang masigasig para sa ating pagkain. Ang inyong sakripisyo at husay ay nagbibigay buhay sa ating hapag-kainan.

Sa gitna ng kasiyahan ng Pasko, tandaan natin ang mga bayaning nagbubungkal ng lupa para sa ating lahat. Ang inyong pagmamahal sa sakahan ay nagdudulot ng kasaganahan sa bawat tahanan. Maligayang Pasko sa inyo, mga magsasaka! 🌾🎄

21/12/2023

Nais naming ibahagi ng buong puso ang Mano Po Ninong Pandoy: Bihisang Magsasaka Program na naglakbay mula sa La Union, Bacolod, Iloilo, Cebu, hanggang sa kahuli-hulihang destinasyon sa Nueva Ecija. Sa tulong ng Philippine Dynamic Deals at sa pagmamahal ng Lingap Leads Foundation, kasama ang Leads Agri, Leads Agriventures, at LeMMCAP, napabihis natin ang 1,200 na magsasaka.

Isang makulay na Christmas party para sa ating mga magsasaka ang naganap kung saan sila'y nag-enjoy hindi lamang sa libreng gupit at pagkain kundi pati na rin sa diwa ng pasko. Ang kanilang saya ang nagbibigay saysay sa ating misyon na itaguyod ang kanilang kapakanan.

Panuorin ang video highlight na handog namin at sumama sa pagdiriwang ng Pasko kasama ang ating mga magsasaka!

Merry Christmas sa ating lahat! 🎄✨

Send a message to learn more

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 19/12/2023

Ginanap ang kauna-unahang serbisyong medical ng Lingap Leads Foundation Inc. para sa Philippine Coconut Authority bilang parte ng Lakbay Kalusugan Program.
Mahigit sa 98 empleyado ang nabigyan ng libreng Blood Chemistry na nag mula pa sa Mimaropa at Calabarzon. Kaugnay sa mission na ito ay ang Leads Agri at Leads Agriventures. Ang kaganapan ay idinaos sa Whitewoods Hotel, Silang Cavite noong Disyembre 19, 2023.

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 15/12/2023

Sa pangalawang araw ng Mano Po Ninong Pandoy: Bihisang Magsasaka Pamasko Program na ginanap sa Purok Camingawan proper, Bago City, Negros Occidental, ibinahagi ng Lingap Leads Foundation Inc. ang mga bagong damit mula sa Philippine Dynamic Deals sa 100 na magsasaka ng Negros. Isinagawa din ang libreng pagupitan.

Abangan ang mga darating pang pamasko program ni Ninong Pandoy!

Photos from Lingap Leads Foundation, Inc.'s post 14/12/2023

Maraming magsasaka ang napasaya sa unang araw ng Mano Po Ninong Pandoy: Bihisang Magsasaka Pamasko Program na naganap sa San Gabriel La Union kahapon.

Nagpamigay ang Lingap Leads Foundation Inc. ng mga bagong damit mula sa Philippine Dynamic Deals para sa 300 na magsasaka ng La Union. Meroon ding libreng pagupitan at pakain.

Abangan ang mga susunod pa na pamasko program ni Ninong Pandoy!

What is LINGAP?

The LINGAP Program is a visualization of whole LEADS GROUP OF COMPANIES effort to serve various sectors of society with the hope of raising awareness among us that there are communities in need and that we have the capacity to help.

Videos (show all)

Masaya naming ipinakikilala ang mga football scholars ng Lingap Leads Foundation, Inc. na nagtataglay ng galing at deter...
Lingap Leads Foundation: Event Launch
Lingap Leads Foundation Event Launch: Harvest Reverence
Napakasaya ng kaganapan kahapon sa Mano Po, Ninong Pandoy: Bihisang Magsasaka Pamasko Program sa Sto. Domingo, Nueva Eci...
Hindi madali ang maging magsasaka – maaga palang, nasa bukid na, nagtatanim, nag-aalaga ng mga pananim, anuman ang panah...
Harvest Heroes: Resiliency In the face of Disaster
Ang Lingap Leads foundation ay nagsagawa ng libreng serbisyong medical sa ating mga tobacco farmers sa Vigan, Ilocos Sur...
Lingap Leads Foundation - Medical and Dental Mission Sta. Maria, Laguna

Telephone

Website