Banyuhay

Ang Banyuhay ay isang pambansa demokratiko pang masang organisasyon para sa mga makabayan at militanteng LGBTQ+ sa Bulacan.

12/11/2021

LIVE NOW:
Nagsisimula na ang programa upang ipanawagan ang sa harap ng Commission on Human Rights kasama ang nagkakaisang pambansa-demokratikong organisasyon sa Gitnang Luzon at buong bansa.

https://www.facebook.com/SurfaceSteveAbuaNow/videos/4918557258163494/?sfnsn=mo

11/11/2021

SURFACE STEVE ABUA NOW!

Sumama sa pagkilos bukas sa Black Friday Protest at sama-sama nating igiit ang panawagan na ilitaw na ng estado
si Steve Abua! Gayundin ang panawagan na itigil na ang atake sa mga mamamayan at ang patuloy nitong panunupil sa gitna
ng krisis sa kalusugan, ekonomya at politika!

Press Conference | UP Diliman | 9 AM
Protest Action | CHR Grounds | 10:30 AM
Candle Lighting | CHR Grounds | 5 PM

09/11/2021

Iisang Tinig ng Pagkakaisa at Pag-asa para sa Malolenyong LGBTQIA+

Pahayag ng buklod ng mga organisasyong sumusuporta sa pantay na karapatan mula sa Pambansang Pamantasan sa Bulacan at mga organisasyong pang sibil hinggil sa pagpasa ng MALOLOS ANTI-DISCRIMINATION ORDINANCE.


Ang buhay bilang isang LGBTQIA+ sa Pilipinas ay hindi madali. Ang mabuhay nang may takot, pangamba, at hiya sa iyong dibdib ay hindi madaling magapi. Ang mamuhay na mapayapa, huminga na para bang walang pag-aalinlangan; na baka bukas makalawa ay ito na pala ang huli. Hindi batid sa ating lalawigan ng Bulacan at itong lungsod ng Malolos ang mga kabi-kabilang balita ng pambabastos, pantutuligsa, karahasan at sa sukdulan ay pagpaslang sa mga Bulakenyong LGBTQIA.

Ito ay ang repleksyon ng patriarkal na lipunan na ating ginagalawan. Ang lipunan kung saan na ang mga kababayan natin na LGBTQIA+ ay hindi tao ang pagturing; kung sabagay nga ay tinatawag pang mas masahol pa sa hayop. Kung kaya’t ganito ang sinasapit ng ating mga kapatid sa kamay ng masahol na sistema. Sistema ng kahayupan at kawalan ng pakikipag kapwa-tao. Tao po kaming mga LGBTQIA+ at dapat natatamasa ang pantay na karapatan bilang Pilipino at bilang nilikha ng may kapal.

Kung kaya’t kami ay sama-samang sumasamo upang dinggin ang aming tinig. Umaasang sa mga susunod na taon, termino, administrasyon, ay magkaroon ng gobyerno na mas inklusibo at may pantay na pagtingin sa lahat ng uri, kasarian, edad, at estado sa buhay. Isulong na ang MALOLOS ANTI-DISCRIMINATION ORDINANCE. Wakasan na natin ang kultura ng pang-aabuso at pasismo sa ating bansa. Dahil itong ordinansang ito ang magsisilbing unang hakbang ng ating mahal na lungsod upang siguraduhing ligtas, malay, at malaya ang kanyang mga nasasakupan.

Sa nanaig na patriarkal at baluktot na sistema ng lipunan, maging matapang at matatatag sana ang lungsod na ito; upang harapin ang higating hamong nasa harapan ang kawalang-hustisya at lumalalang isyu sa kasarian. Tulad kay David, maliit man kung tutuusin ay magtatagumpay din sa huli.

Akbayan Youth
BulSU Advertising Guild
Banyuhay
Bulakenyos for Equality and Solidarity - BEQS
BulSU CAL Local Student Council
BulSU COED Local Student Council
BULSU SG CSSP Local Student Council
INDIGO
Katipunan Student Movement - Kasama BULSU
LGBTQIA+ for Leni
PANTAY
Pioneer FTM
Sangguniang Kabataan ng Longos
Safe Spaces LHS Now

08/11/2021

Condemn state terror attacks!
Hands off peasants and IPs advocates!

We stand in solidarity with the call to surface Steve Abua. Abua was reported missing after two unknown assailants nabbed him in Lubao, Pampanga at 2 in the afternoon.

The worsening landlessness and poverty in the countryside pushed the likes of Abua to use his degree and education to serve the toiling masses, long abandoned by the state. It is with utter disgust that the murderous and fascist regime continuously targets human rights defenders while people are in dire need of socio-economic support and civil-political rights must remain upheld and protected

Each passing hour since Abua's disappearance has taken a toll not only on his family, but also on the entire peasantry and indigenous peoples of Central Luzon, as well as the country, which he had wholeheartedly served.We call on the CHR, the LGUs in Pampanga, and the state forces to ensure Abua's safety at all cost!

For another innocent life endangered under this regime means thousands of people fighting back in rage.

Stop terror attacks!
Surface Steve Abua!

07/11/2021

ALERT!

Dinakip ng mga hindi kilalang elemento si Steve Abua, isang organisador sa Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP). Ang pagdakip ay naganap alas-dos ng hapon kahapon. Hanggang ngayon ay wala pa rin impormasyon sa kinaroroonan ni Abua.

Photos from Banyuhay's post 20/10/2021

Ang beki ng bayan, ngayon ay lumalaban!
Lupa, ayuda, at hustisya, ipaglaban!

Kahit anong panunupil ng estado sa magsasaka ay uusbong ang paglaban hangga't hinahayaan nitong maghari ang mapang-aping sistema. Patuloy na kawalan at panga-agaw ng lupa, pambobomba para makapagmina sa lupang ninuno, mga ganid sa palaisdaan. Ang militanteng kasaysayan ng masang anakpawis mula pa kay Andres Bonifacio hanggang kasalukuyan ay ipagpapatuloy kasama ang malawak na masang manggagawa, kabataan, kababaihan sangkabaklaan tungo sa araw na makakamit ang paglaya ng lipunan!

Naninindigan ang Banyuhay BulSU na ang diskriminasyon at abuso sa kasarian ay hindi magwawakas hanggang hindi nawawaksi ang ugat ng macho patriyarkal na kultura β€” ang malakolonyal at malapyudal na lipunan. Kaya naman, kaisa ang Banyuhay na lalahok sa pagpapalaya ng bansa mula sa kamay ng mapangapi!

Isulong ang tunay na reporma sa lupa!
Ipagtagumpay ang pambansa demokratikong pakikibaka!
Patalsikin si Duterte!

Sumali sa Banyuhay BulSU! Makibeki, wag mashokot!
π’œπ“ƒπ‘” π“π“Šπ‘”π’Άπ“‡ 𝓃𝑔 𝒷𝒢𝓀𝓁𝒢 𝒢𝓉 π“π‘’π“ˆπ’·π“Žπ’Άπ“ƒπ’Ά π’Άπ“Ž π“ˆπ’Ά 𝓅𝒢𝓀𝒾𝓀𝒾𝒷𝒢𝓀𝒢!
https://forms.gle/NXDsQR7qeQwUKVRw6

Sumama sa pagkilos! Oktubre 21, 2021, Huwebes


!

11/10/2021

HUSTISYA PARA SA KAWALANG HUSTISYA SA PAGPASLANG KAY JENNIFER LAUDE!

Nagngingitngit sa galit ang ating komunidad sa pag-alala sa araw na ito kung saan sinapit ng ating kapatid na si Jennifer Laude ang karumal-dumal na pagpatay at sekswal na pangaabuso ni Joseph Pemberton, isang US Marine. Noong 2020, pinatawan ng rehimeng Duterte ng absolute pardon si Pemberton.

Ang danas ni Laude ay hindi isang hiwalay na kaso kundi repleksyon ng macho-patriyarkal na lipunan na siyang dobleng nananamantala sa mga may piniling kasarian at kababaihan. Sa pagawaan, sakahan, coastal, eskwelahan, opisina, habang ginigipit sa kabuhayan ay nakakaranas pa ng diskriminasyon at abuso dahil sa kasarian. Tunay na ang ganitong klaseng maka-lalaking lipunan na nagbibigay sa kanila ng lamang na oportunidad sa kabuhayan, pulitika, at kultura ang siyang ugat ng pang-aabuso sa komunidad at kababaihan. Hangga't walang tunay na hustisyang panlipunan ay hindi makakamit ang kapantayan sa kasarian.

Mariing kinukundena ng Banyuhay BulSU ang rehimeng Duterte sa pangangayupapa nito sa US at pagtalikod sa kaso ni Laude. Higit sa lahat, ang patuloy na pagkabinbin at pagbibingi-bingihan ng rehimen sa danas ng komunidad na ipasa na ang Anti Discrimination Bill!

Isulong ang Anti Discrimination Bill!
Ipagtagumpay ang tunay na pagbabagong panlipunan!

04/10/2021

Bakit palpak ang flexible learning?

3. Lumala ang sexual exploitation sa pagratsada ng hindi makamasang moda sa gitna ng krisis panlipunan.

Sa malalang krisis sa kabuhayan at patuloy na kawalan ng suporta ng estado sa panlipunang serbisyo, desperado ang taumbayan pano itataguyod ang araw-araw, walang awang ipinapasan pa ang flexible learning. Nakakasulasok na sabihing may 'kinabukasan' sa moda at bulag sa dami ng kabataang pinagkaitan ng akses. Sa desperasyon ng kabataan, nililimos na ang para sa gadget at load, na siyang dapat responsibilidad ng gobyerno. Marami ang kinailangan din na magtrabaho, at sa kalunos-lunos na pag-abandona sa atin, marami ang napipilitang ibenta ang katawan para makaraos. Kung bago ang pandemya, batay sa pag aaral ng UNICEF nong 2016 ay Pilipinas ang sentro ng mundo sa online sexual abuse, mas nakakagalit ang inaabot ng kabataan sa ilalim ng flexible learning.

Wala itong pakialam kung ilan ang wala sa paaralan, o kung lalo maghirap ang sektor ng edukasyon para paramihin ang mura at maamong lakas paggawa. Ang kawalan ng plano ng rehimeng Duterte na tugunan ang problema sa pandemya at edukasyon ang lalong magsasamantala sa taumbayan Iraratsada ni Duterte ang personal na mga interes at makakuha ng ganansya sa dayuhan na patuloy na gagatasan ang bansa ng kapital, mura at maamong lakas pag-gawa, at hilaw na materyales.

Dapat na magkaisa ang kabataan para isulong ang karapatan na ligtas makapagbalik iskwela at lumahok sa sigaw ng mamamayan! Kung patuloy tayong binubusabos, pinapatay, pinagkakaitan ng ating mga karapatan, dapat lamang na tapusin na ang paghahari ng papet, kurap, at pahirap na si Duterte!

Ligtas na balik eskwela, ipaglaban!
Patalsikin si Duterte!

Isulong ang tunay na pagbabagong panlipunan!

28/09/2021

BAKIT PALPAK ANG FLEXIBLE LEARNING

Ikalawang rason: palpak at hindi maka-masang mode of learning.

Inilarga ng rehimeng Duterte ang "flexible" learning sa gitna ng sumasambulat na krisis pangkalusugan, ekonomya at pulitika habang naghihirap ang taumbayan. Sa kabila rin ng katotohanang isang atrasadong bansa ang Pilipinas, na malaking bahagi ay kanayunan, at kalakhan ay lubog sa kahirapan, inutil ang pamahalaan na angkinin na abot-kaya ito ng lahat habang wala namang sapat na budget.

Kung sa BulSU, ang tatlong pangakong moda ay malayo naman sa tunay na nangyari:

1) Linusaw ang modular o RPL.
Marami sa BulSUan ang sumugal dito dahil sa hirap ng buhay. Dahil sa kawalan ng pondo, halos hindi ito nagtagal ng isang semestre. Sa mga ulat, may mga kaso na estudyante na mismo ang nagpapaprint. Delay din ang module pays ng mga g**o na karamihan ay kontraktwal. Imbis na tugunan ng Gascon admin, unti unti itong linusaw. Ang iba ay lumipat sa online, o kaya ay nagdrop out.

2) Pahirap at hungkag na asynch/synch classes.
Ayon sa mga ulat, hindi na nasusunod ang dapat 2 beses isang buwan na meeting per subject sa asynch classes. Nagiging synchronous classes at miski ang grading system ay problematiko. Marami rin ang mandatory ang attendance. Samantala, mabigat ang academic at working loads ng kaguruan at estudyante ngunit hindi naman naging dekalidad ang edukasyon, at pawang robot na lang na sumusunod ang sektor.

Habang lugmok ang sektor, ang inaatupag naman ni Gascon ay grandyosong mga building at pagpapasarap sa kanyang opisina. Wala ring mapagpasiyang hakbang ang pamahalaan na wakasan ito at itulak ang ligtas na pagbabalik iskwela. Nananatiling bulag ito sa inaksesibilidad, at nagi-ilusyon na tagumpay ito.

Sa ikalawang taon ng moda, ano pa ba ang aasahang resulta kundi kapalpakan bilang tanging kayang gawin ng pamahalaan? Mula rito, nararapat lamang ang kabataan ay ipaglaban ang karapatan nito sa edukasyon. Ipaglaban ang ligtas na balik iskwela! Walang puknat dapat nito na gisingin ang lumalangoy sa perang rehimen. Samantala, natitiyak ng rehimen na hindi titigil ang taumbayan sa panawagan, kundi isusulong din nito ang pagpapatalsik kay Duterte na siyang numero unong nagpapahirap sa bayan! Maniningil ang lahat ng pinagkaitan ng edukasyon, lupa, trabaho at karapatan!

27/09/2021

BAKIT PALPAK ANG FLEXIBLE LEARNING?

1. Mababang budget sa edukasyon at panlipunang serbisyo.

Parang umulit na bangungot ang ikalawang taon na naman ng palpak na flexible learning. Noong unang taon ng implementasyon, walang suportang iginapang ng kabataan at g**o ang moda samantalang tila nananaginip na inangkin ng CHED ang tagumpay nito. Hindi pa nahihimasmasan mula sa kalampag ng sektor, muli na namang iniratsada sa ikalawang pagkakaton nang walang suporta, walang ayuda, higit sa lahat, walang plano sa ligtas na pagbalik iskwela. Imbis na dagdag na budget, kaltas ang isinampal sa sektor.

Kung bago ang pandemya ay abandonado na ang edukasyon at ipinagkakait sa kabataan, ano pa ngayong pinalala ang inaksesibilidad sa mukha ng pahirap at palpak na flexible learning. Sa katunayan, ang pondo makaangkop dito ay kakarampot na nga, hindi pa naipamahagi lahat ng CHED ang 1.3 billion.

Kagaya ng dekada nang pagabandona sa edukasyon, ganundin sa kalusugan. Kaya naman, nang dumating ang pandemya, hindi kinayang tugunan ito. Ang kainutilan ng pangulo sa tuloy na pagpapabaya ng panlipunang serbisyo sa panahon kung kailan pinakakailangan ito ng taumbayan ay nagpapalala ng krisis sa ekonomya, kalusugan, at edukasyon. Samantala, tuloy na ipinapasa ng rehimeng Duterte sa dayuhan ang panlipunang serbisyo na ginagawa naman nitong negosyo. Tuloy naman ang kurapsyon ng rehimen sa kakarampot na pondo.

Isinisiwalat lamang nito na hangga't ang rehimeng Duterte ay nasa poder, patuloy na lalala ang krisis. Milyon pa ang mamamatay, mawawala ng trabaho, pagkakaitan ng edukasyon dahil sa pangangayupapa nito sa dayuhan. Sa ganitong panahon tayo pinakakailangan ng taumbayan na kumilos, at iwaksi ang bulok na sistema. Tayong mga bading at kabataan ang pag-asa ng bayan. Ipaglaban ang karapatan sa lupa, sahod, trabaho, edukasyon!

Edukasyon ay karapatan!
Ligtas na balik iskwela!
Maglingkod sa bayan, hindi sa dayuhan!
Oust Duterte!

Photos from Bahaghari - UP Baguio Chapter's post 21/09/2021
Photos from Banyuhay's post 21/09/2021

ALERT: Kasabay ng masahol na dispersal sa pamamagitan ng pamboba ng tubig, ang mga pasistang pwersa ng estadong humambalang sa pagkilos kanina para sa paggunita ng Martial Law ay tahasan ding ninawak ang watawat ng STAND-BulSU at tatlo pang plakard nitong dala.

Kasalukuyan ding hinaharang at ginigitgit ng mga ito ang iba't-ibang mga grupo't indibidwal upang hindi makaalis sa kanilang mga kinaroroonan.

Bukod pa rito ay karumal-dumal din ang naging pag-iintimida nito sa mga kabataang pinaglalaban lamang ang kanilang mga karapatan matapos pilit na pinasagot kung taga-saan ang mga ito.

Mariing kinukundena ng Banyuhay ang tahasang pananakot at panunupil na ito ng estado sa mga mamamayang nagpapanawagan lamang ng pagbabago sa mamamatay-taong rehimeng Marcos-Duterte.

18/09/2021

Banyuhay BulSU is one with the call to end all the state-sponsored violence in the Philippines!

In the current socio-political crisis, human rights defenders and activists are victims of intimidation, killings, tortures and harassments by state forces. Duterte's fascist rule vilifies the legitimate calls and movement for the protection of people's rights and welfare -- tagging it as an act of terrorism.

Banyuhay BulSU extends prayers on the lives lost as a result of Duterte's criminal negligence and malicious redtagging. We are one in calling for justice and in condemnation against impunity perpetuated by Duterte's macho-fascist rule. In pushing for safe and inclusive society that is free from foreign and local ruling class control, we must continue our struggle to achieve a just and free society for all. # # #

17/09/2021

JUSTICE FOR OUR BULSU TEACHERS!

Global crisis paves the way for the Filipino people to experience the leashing effects of COVID-19 in the society.

The education system in a semi feudal and semi colonial society persist in different schools and universities. Colonized, commercialized and fascist type of education wreak havoc in BulSU. In the aspect of colonization, the subjects that are thought mostly is in pure english, not just in text but also in westernized mode of version. Commercialized β€” given the RA 10931 free educ law, laboratory fees and other miscellaneous fees are still picketing the BulSUans. Fascist because the BulSU admin suspends all the teachers in the union! They are all gearing up with the state forces to repress all the students that voice out their demands. They are also inviting state apparatus and NTF-ELCAC to give seminars that endangers every life of BulSUans, teachers and the whole community.

Banyuhay BulSU demands a statement of the Gascon admin to give explanation on all the repression they done to students, teachers and for the whole BulSU community!

EDUCATION IS A RIGHT!
LIGTAS NA BALIK ISKWELA, IPAGLABAN!

17/09/2021

CARDI BEAST IN THE HOUSE!

ISSA WAP WAP WAP WAP!
WALANG AWANG PASISTA!

Sa kasulukuyang lagay ng lipunan, patay na ang demokrasya sa Pilipinas. Ang lagay natin ngayon ay nasa pasismo.

Sa administrasyong Duterte, ginagamit nito ang mga militar at kapulisan upang tapakan ang mga karapatan ng kabaklaan, busalan ang mga boses ng lesbiyana at kitilin ang esensya ng buhay ng trans man at woman.

Ang mensahe natin sa LGBTQIA+ community ay magbalikwas! Ito na ang araw at oras upang gapiin ang rehimeng Duterte! Singilin na ang pasista, korap at pahirap na administrasyon! Sumali sa Banyuhay BulSU!

16/09/2021

SINO? SINO? SINO ANG TERORISTA?
ANG PULIS AT MILITAR ANG TERORISTA!

Nakaukit na sa kasaysayan kung paano umaklas ang sangkabaklaan sa tiranya ng estado. Gayunpaman, madaming nakaranas ng diskriminasyon, pinatay at tinanggalan ng karapatan magmahal.

Sa pagpapalawig ng krisis at sitwasyon ngayon sa Pilipinas, mismong militar at pulis pa ang nangunguna sa panghaharass sa mga dapat nitong prinoprotektahan. Kung maalala natin, ginawang katatawanan ang mga baklang quarantine violators ng mismong barangay chairman at ng mga pulis, imbes na pauwiin sana at bigyan ng pahinga, gumawa pa nang di kaiga-igaya ang mga ito.

Madami na ring kasong paglabag at pagalipusta ng mga karapatan ang pulis at militar noon pa man. Sa pagdeklara ng Martial Law, sa panahon ni Cory Aquino at ng iba pang mga tutang mga presidenteng dumaan. Imbes na sana'y pagsilbihan ang mamamayan, nakatutok ang gatilyo sa iyong ulo upang patahimikin ang mga hinaing ng isang naghihirap at naghihikahos na mamamayan.

Kaya, ang tanong natin, sino nga ba talaga ang terorista? Ang mga mamamayang nakikibaka at baklang pinaglalaban ang kanyang karapatan? O ang mga pulis at militar na walang alam kundi ikasa ang baril at patahimikin ang mga panaghoy at pagtangis ng sambayanang Pilipino?

16/09/2021

MARCOS, KAILANMAN HINDI NAGING BAYANI!

Sumisikat ngayon ang isang bidyo na kung saan may interbyu si Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos. 'Di na ito nakagugulat dahil pumapalawig ang political climate sa paparating na eleksyon.

Kung babalikan natin ang kasaysayan, madaming ginawang paglabag ng kaso si Ferdinand Marcos sa sambayanang Pilipino. Madaming pagpatay. Madaming nawala. Madaming nagutom. Madaming tinanggalan ng karapatang mabuhay.

Huwag tayong magpaloko sa mga retoriko ni Bongbong Marcos. Isa lamang syang salamin sa kanyang tatay na parehas ng hulma pagdating sa karakter at anyo. Parehas pasista, magnanakaw at mamamatay-tao.

Mga bading! Ibasura lahat ng maling impormasyon at iwaksi ang pagrerebisyon ng kasaysayan!

15/09/2021

DIBA ANG SAVEH KO MAY PASAVOGUE! ETO UN!

Follow niyo ang mga soc med accounts ng Banyuhay:

Facebook: Banyuhay
Instagram: banyuhay_bulsu
Tiktok: banyuhaybulacan
Youtube: https://youtube.com/channel/UC46q9q9Dw0Z8dUqJjk8ubdA
Telegram: banyuhaybulacan
Twitter: banyuhay_bulsu

15/09/2021

Ang Banyuhay BulSU ay isa sa pambansang demokratikong organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng LGBTQ+ community sa loob at labas ng BulSU. Naglalayon itong palayain ang sangkabaklaan sa opresyon mula sa imperyalistang dayuhan. Ibinabagsak rin nito ang Visiting Forces Agreement (VFA) na kung saan namatay ang ating trans woman sister na si Jennifer Laude.

Naglalayon rin itong isulong ang SOGIE Equality Bill na magiging proteksyon ng LGBTQ+ community sa mga pandarahas, diskriminasyon at opresyon. Sa lapat ng BulSU, nariyan ang Achib Dis Bill (ADB) na makasisig**ong naka-ayon ito sa kalagayan ng bawat bakla, lesbiyana, trans man at trans woman.

Mapapalaya lamang ang kasarian kung malaya ang ating bayan. Ang pagiging bakla ay dapat pagiging makabayan. Ang pagging lesbiyana ay dapat maging militante.

Gustong sumali sa aming organisyon? Pm lamang ang page!

15/09/2021

SHAGIDI SHAGIDI! SHAPOPO!

CAN YOU GUESS THE GLIBBERY WORDS?

Tayong kabaklaan ang lunas sa masalimuot na lagay ng lipunan. Tayong mga lesbiyana ay may karapatan sa ating pagmamahalan. Tayo ang lunas sa pagpapalaya ng Pilipinas sa mga imperyalistang bayan. Tayo ang magiging sagot sa tunay na kalayaan!

Sa mga nais sumali sa organisasyon, dm lang po!

15/09/2021

MA WEEKEND BA? BAKIT ANG DAMING GANAP? IS IT BECAUSE IT'S VIRGO SEASON?

Oo sis! Madami talagang ganap ang Banyuhay BulSU! Papahuli ka ba?

Sasalain natin ang mga tarot cards. Abangan!

Photos from Banyuhay's post 15/09/2021

SIYEMPRE TEH! LAVARN!

Sa lahat ng mga social media platforms ay aabutin natin ang sangkabaklaan, lesbiyana, trans man at trans woman!

Ito nga pala ang telegram ng Banyuhay BulSU!

https://t.me/addstickers/Banyuhay

15/09/2021

OH TALAGA SHARMAINE? GOT U!

May chika daw mga sis! Baklaan? Drag scene? Politikal na mga usapin at bagay? Mga highschool crushes? LGBT sa larangan ng midya? LGBTng nakikibaka?

Oo! Posible yan!

ABANGAN.

14/09/2021

Think of all the negative adjectives you can think, you're basically describing our government. Think of all the positive adjectives you can think, that's Banyuhay.

Join Banyuhay! A militant LGBT organization in Bulacan that upholds national democracy through class struggle.

To register: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLScxJ4uswN5mODz1mc6xavVi006YW_po5zuebeyfiNKlfKLuyQ/viewform

Twitter. It's what's happening. 13/09/2021

DUTERTE VIRUS, WAKASAN NA!

Nang pumasok ang pandemya sa ating bansa, madaming nabahala, natakot at hindi alam ang kanilang gagawin. Dagdag nito, ang COVID-19 ay nanalasa na parang ipo-ipo, na bawat sirko o ikot nito ay nagpapalawig ng bagong kaso na naglalagay ng iba't-ibang tanong sa bawat Pilipino. Ano nga ba ang dapat gawin? Ano nga ba ang dapat unahin? Makakaligtas kaya kami?

Gayunpaman, nagbigay ng mga suhestiyon ang mga medical doctors na kailangang mag-sagawa ng mass testing upang macontain kagad ang naturang virus. Dagdag pa nito, nagsagawa pa ng mga donation drive ang sambayanang Pilipino upang bigyan ng mga face mask at relief goods para maibsan ang gutom at bigyan ng proteksyon ang mga maralita sa kalunsuran.

Ngunit hindi lang natatapos don ang paghihirap ng masang Pilipino, nagkaroon ng DUTERTE VIRUS na kung saan walang habas na pinabayaan ang bawat isang buhay ng kanyang nasasakupan. Inappoint niya ang mga pasistang militar at kapulisan sa krisis pangkalusugan. Isipin mo, anong gagawin ng pulis na wala namang ispesipikong sapat na kaalaman kung ano nga ba ang aksyon na gagawin sa COVID-19. Nagsagawa ng lockdown, pero nasaan ang ayuda? Ikukulong mo ang tao sa kanilang bahay tapos sasabihan mo ng pasaway kasi labas ng labas? Malamang kailangan ng manggagawang Pilipino na magtrabaho para sa kanyang pamilya upang may mapakain siya sa hapag ng mesa. Alinsabay dito, pinasara pa ang pinakamalaking media network na kung saan, nagbibigay ito nang mga balitang umaangkop sa reyalidad ng buhay ng sambayanang Pilipino. Maraming kasalanan na nagawa si Duterte, dapat niya itong pagbayaran!

Mga lesbiyana at sangkabaklaan, ito na ang panahon upang magbalikwas! Singilin si Duterte sa pagkakasala niya sa sambayanang Pilipino! Patalsikin ang pasista, korap, pahirap at pabayang rehimeng Duterte!

Makibeki! Wag mashokot!

Twitter. It's what's happening. From breaking news and entertainment to sports and politics, get the full story with all the live commentary.

10/09/2021

Kaninang umaga lamang ay sumulpot ang isang bidyo na kung saan galit na galit si Harry Roque sa suhestisyon ng mga medical workers na mag-sulong ng hard lockdown upang bumaba ang kaso ng COVID-19, makakuha ng sapat na pahinga ang ating mga frontliners at makuha ang kanilang tamang benepisyo at sahod na pinangako sa kanila ng administrasyong Duterte.

Isa lamang itong manipestasyon na wala talagang pakielam ang mga politiko tulad ni Roque sa kapakanan ng mamamayang Pilipino. Imbis na pakinggan ang daing ng medical frontliners, ang kapal pa ng mukang mag-ngalit, alang-alang upang protektahan ang imahe ng kanyang pinakamamahal na inutil na presidente.

Sangkabaklaan, lansagin ang pasistang pamamalakad ng mga militar na IATF na syang nagpapahirap sa mga kalusugan ng sambayanang Pilipino! Patalsikin si Duque! Wasakan na si Duterte!

08/09/2021

LIGTAS NA BALIK ESKWELA, TILA MAGIGING ABO NA LANG YATA?

Kamakailan lamang ay nabalitaang tinapyasan na naman ng administrasyong Duterte ang budget sa edukasyon sa susunod na taong 2022 - alinsunod dito kasama ang isa sa pinakamalaking state university sa Pilipinas na kakaltasan ng pondo alang-alang sa ganid at hungkag na paparating na eleksyon.

Matagal nang hikahos ang bawat mag-aaral sa flexible learning na sistemang kinakaharap nila ngayon. Alinsabay dito ang kawalan ng trabaho ng kanilang magulang, walang sapat na pondo para sa mga gadgets na kakailanganin para ipagpatuloy ang kanilang edukasyon at sumasadsad na ekonomya na lalong nagpapahirap sa bawat pamilyang pilipino. Hangga't hindi pinapakinggan ang daing at boses ng masang estudyante na isulong ang planong ligtas na balik eskwela, mas lalo lamang bubulusok ang numerong magdrodrop-out, magtratrabaho na lang o kaya naman huminto na lang sa pag-aaral.

Hamon sa'ting sangkabaklaan na makiisa sa panawagan ng mga estudyante! Ligtas na balik eskwela, ipaglaban! Edukasyon, edukasyon! Karapatan ng mamamayan!

07/09/2021

Ligtas ba tayo?

Isang nakakatakot at tumatak na sa isipan ng nakararami ang pagpatay sa ating trans sister na si Jennifer Laude. Matatandaan noong 2014 ay pumutok ang balitang pagpaslang ni Joseph Scott Pemberton sa ating kapatid na si Jennifer , makalipas ang isang taon ay nahatulan si Pemberton ng homicide.

Isang taon na ang nakalipas magmula nang muling bumalik ang bangungot at takot hindi lamang sa pamilya ni Jennifer kundi pati na rin sa komunidad ng LGBTQ+ , matapos bigyan ng absolute pardon ni Duterte si Pemberton noong Setyembre 7, 2020.

Ang pangyayaring ito ay hindi lamang isang malaking banta sa seguridad ng mga miyembro ng LGBTQ+, ito rin ay isang patunay na lalong paglala ng hate crime sa Pilipinas at kung paano nagpapakatuta si Duterte sa ilalim ng imperyalistang US. Ang hanay ng LGBTQ+ ay patuloy na sisigaw ng hustisya para kay Jennifer Laude.

Ang tunay na kalayan sa kasarian at sexualidad ay makakamit lamang sa pagputol sa sistemang patriarkal ng lipunan, pagpapatalsik sa mga gaya ni Duterte na nangungunang tagapamandila ng trans phobia, homophobia, heteroseksimo at iba pang patriyarkal na kaisipan.

Kalian man ay hindi magiging ligtas ang lgbt hangga’t namumuno ang pasista, bigot, at homophobic na administrasyong Duterte kung kaya’t marapat lamang na ipasa ang ilang taon nang nakabibin sa senado na SOGIE BILL na syang proprotekta at magbibigay ng hustisya sa mga biktima ng hate crime.

26/08/2021

Kaisa ang Banyuhay sa panawagan na ibasura ang disqualification case ng NTF-ELCAC laban sa Gabriela Partylist. Ito ang isang pagtatangka na tanggalin ang nag-iisang boses ng mga kababaihan at kabaklaan sa Kongreso upang mas mapadali ang kanilang pagpapasa ng mga anti-kababaihan, anti-LGBT at anti-mamamayan na mga polisiya.

Kagiyat nito ang panawagan na buwagin ang NTF-ELCAC pagka’t bilyon-bilyon na pondo ng bayan ang nasasayang at ginagamit para sa red-tagging at crackdown sa mga aktibista na tinatago sa maskara ng giyera kontra terorismo.

Hindi dapat natin hayaan na mawalan ng boses ang mga kababaihan at sangkabaklaan sa Kongreso. Tayo ay tumindig kasama ng Gabriela Partylist laban sa pang-aatake ng estado!




SIGN THE PETITION NOW: https://www.change.org/p/filipino-people-defend-filipino-women-statement-of-unity-to-defend-gabriela-women-s-party

04/08/2021

TW: Hate Crime, Violence

JUSTINE FOR CINDY JONES! PASS SOGIE BILL NOW!

BulSU Banyuhay strongly condemns the perpetuation of gender-based violence and discrimination against the transgender community.

More than twenty years, SOGIE bill has been forgotten and tiptoed by the congress, in line with this LGBTQIA+ Community is deprived of safe space in our society that enables killings, hate crimes and violence to our sector. Along with this, in the fascist regime of Duterte with the macho-feudal ruling, our rights is not on the priority list of our trans sisters and trans brothers.

However, Banyuhay BulSU heeds the outcry of thorough investigation in the case of Cindy Jones. Align with this, the cry for justice and heeds of the LGBTQIA+ community to pass the Anti Discrimination Bill and SOGIE Bill. In many years of deprivation of our rights, cases of killings and hate crimes will just rise and blew up. We need to emphasize that until absence of law that is not passed and present to protect our rights, oppression will just continue, forms of violence will just surge through, LGBTQIA+ community is not safe in our country. If the law of projection of the LGBTQ + community is just a paper to the congress and senate, the case of Cindy Jones will not just end through, the occurence of violence and oppression will remain in our society.

We call for the immediate passage of the SOGIE Bill that will serve as the shield of everyone against gender discrimination, violence, and abuse. We need a total protection now!

TRANS LIVES ARE HUMAN LIVES! PASS SOGIE BILL NOW!
JUSTICE FOR ALL TRANS WOMEN VICTIMS OF DISCRIMINATION, HATE, AND VIOLENCE!

29/07/2021

‼️Caption‼️

CALL FOR DONATIONS!

Mula July 20, siyam (9) na araw nang hindi makapaghanapbuhay at makapalaot ang mangingisda ng Pamarawan at ng Manila Bay. Nasabayan ng high tide levels ng habagat kaya ang malalaking palakaya lang ang may kakayanan sumasagasa sa malalaking alon. Gutom at pangamba ang inaabot ng mamamayan sa latian.

Bago pa man ito, matagal nang nananalanta ang pagtatayo ng Aerotropolis sa kanilang kabuhayan. Limitado na ang pangingisda sa ilang lugar na siyang San Miguel Corporation ang may pakana. Bilang panimula ng construction, sinisimulan na rin ang dregding o paghuhukay sa ilog na siyang sumisira sa yamang dagat at posibleng magpaguho sa kanilang mga isla.

Nananawagan ang Tulong Kabataan Bulacan at kasama nitong mga organisasyon ng tulong para maipaabot natin sa mga mamamayan sa latian.

PAANO MAKAKATULONG?
Magvolunteer! Magdonate!

GCASH:
Landriel Dane Torres
09365566223

Para sa mga katanungan, mag pm sa page o kaya ay kumontak kay Arcis Dela Cruz. Maaaring tumawag sa 09569626163.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Malolos?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

SHAGIDI SHAGIDI! SHAPOPO!CAN YOU GUESS THE GLIBBERY WORDS?Tayong kabaklaan ang lunas sa masalimuot na lagay ng lipunan. ...
International Women's Day
#JoinBanyuhay
Party
Roots of Gender Oppression

Telephone

Address


Malolos
Other Political Organizations in Malolos (show all)
BULSU-PDM (PARTIDO-PAGKAKAISA NG DEMOKRATIKONG MAG-AARAL) BULSU-PDM (PARTIDO-PAGKAKAISA NG DEMOKRATIKONG MAG-AARAL)
Malolos, 3000

PDM BULSU OFFICIAL PAGE

Real Friends of Inday Duterte RFID - San Juan City Real Friends of Inday Duterte RFID - San Juan City
Malolos, 1504

Supporting our Vice-President in a good governance for the filipino people.

Katipunan Student Movement CBEA Katipunan Student Movement CBEA
Malolos

Lumahok. Lumaban. Lumaya.

Siklab Kabataan, Cofradia Siklab Kabataan, Cofradia
Cofradia
Malolos, 3000

Serbisyong may puso, katulong sa pagbabago

Sandro Marcos Unofficial Sandro Marcos Unofficial
Malolos

This group firmly believes the Strongmans President Ferdinand Marcos' brand of governance.

Team HUSAY Team HUSAY
Long
Malolos

Team Ega 2023 Team Ega 2023
San Juan
Malolos, 3000

Sangguniang Kabataan ng Bulihan Sangguniang Kabataan ng Bulihan
Bulihan
Malolos, 3000

Sangguniang Kabataan ng Bulihan advocacy and projects done.

BulSU Students' Rights and Welfare BulSU Students' Rights and Welfare
Malolos

Manindigan para sa karapatan, paglingkuran ang sambayanan!

Mabago Naman Mabago Naman
Barangay Mabolo
Malolos, 3000

LMBMI LMBMI
Malolos
Malolos

STAND CS STAND CS
Federizo Hall, Bulacan State University
Malolos

Students for the Advancement of Democratic Rights in Bulacan State University. Pro-Student, Pro-People!