BRGY Tungkong Mangga

BRGY Tungkong Mangga

Official Page of BRGY TUNGKONG MANGGA.

02/11/2024

Sa Araw ng mga Kaluluwa, tayo'y magtipon upang ipagdasal at gunitain ang mga mahal natin sa buhay na pumanaw. Ang araw na ito ay hindi lamang pagkakataon upang mag-alay ng kandila, kundi isang pagkakataon upang balikan ang mga alaala at pagmamahal na kanilang iniwan.

Sa bawat sindi ng kandila, muling bumabalik ang mga kwento ng aral at ligaya na ating pinagsaluhan. Nawa'y madama nila ang ating mga dasal at pagmamahal, kahit sa kabila ng kanilang pagkawala. Magsama-sama tayong ipagdasal ang kanilang mga kaluluwa at ipagpatuloy ang kanilang aral at alaala sa ating mga puso.

01/11/2024

Sa ating pagdiriwang ng All Saints' Day, ating alalahanin at ipanalangin ang mga santo at banal na pumanaw. Ito ang panahon upang ipakita ang ating pagmamahal at paggalang sa kanila. Panatilihin natin ang mga naiwan nilang aral upang magsilbing gabay sa ating buhay.

01/11/2024

Sulyapan ang mga HOLIDAY sa taong 2025 na inilabas ng Malacañang sa bisa ng Proclamation No. 727, s. 2024.

Maaaring ma-access ang nasabing proklamasyon sa link na ito: https://www.officialgazette.gov.ph/2024/10/30/proclamation-no-727-s-2024/

Tingnan: Listahan ng mga regular holidays at special non-working/working days para sa taong 2025 na idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., alinsunod sa Proclamation No. 727.

BASAHIN: https://pco.gov.ph/3Jt4LE

31/10/2024

Mahal naming Mayor Arthur Robes,

Nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ng inyong ina. Ang kanyang pagmamahal at gabay ay mananatiling buhay sa ating mga alaala.

Ang sakit ng pagkawala ay hindi matutumbasan ng anupaman, at kami ay nananalangin na makatagpo kayo at ang inyong pamilya ng lakas at kapanatagan sa mga panahong ito.

Taos-pusong Nakikiramay,
BRGY Tungkong Mangga

Malungkot po naming ibinabahagi ang pagpanaw ng aming mahal na ina, ang aking Mader, Natividad “Naty” Bardillon Robes, kagabi, October 30, 2024.

Ang kaniyang buhay ay naging makabuluhan at nagsilbing pagpapala sa aming mga mahal niya sa buhay.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa habang kami’y nagluluksa sa pagkawala ng aming minamahal na Ina.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa inyong mga dasal at pakikiramay sa Pamilya Robes sa mga oras na ito.

Mader, maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo at pagmamahal para sa akin, sa aking kabiyak na si Rida, at sa aking mga anak na si Jog at Via.

Rest In Peace, Mader Naty.

Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 30/10/2024

Congatulations BRGY Tungkong Mangga !!!

30/10/2024

BAKA PO MAY NAKAKAKILALA SA KANYA.

Tinurn over po sya sa aming barangay dahil hindi daw nya maalala saan siya umuuwi. Makakalimutin daw po siya. Ayon sa kanya, ang pangalan niya ay MARILOU GONZALES, 59yo.

Kung may nakakakilala po sa kanya, agad pong ipagbigay alam sa numerong 09633872275.
Maraming salamat po.

Photos from BRGY Tungkong Mangga's post 30/10/2024

Muli, CONGRATULATIONS BRGY Tungkong Mangga!

Naganap ngayong araw ang LTIA 2024 sa SM City Pampanga kung saan tinanggap ng ating butihing Barangay Chairman ang parangal sa ating barangay bilang 2nd Runner Up sa Region 3 Lupong Tagapamayapa Incentives and Awards 2024 under Component City kasama ang Vice Chairman at Secretary ng mga Lupon na sina Lupon Dionisio San Feilipe at Sec Mary Ann Abello, Mayor's Representative Miguel Perez at Director Benedict Pangan ng DILG CSJDM. Isang malaking karangalan ito at patunay ng ating pagsisikap at dedikasyon na mapabuti ang ating komunidad.

Ang Lupong Tagapamayapa Incentives and Awards (LTIA) 2024 ay isang programa na kinikilala ang mga natatanging barangay sa kanilang mga inisyatiba at kontribusyon sa pagpapalakas ng sistema ng kapayapaan at kaayusan. Ang mga barangay ay sinusuri batay sa kanilang mga proyekto, inobasyon, at epekto sa kanilang komunidad. Makikita dito ang pagsisikap ng mga lokal na lider at mga miyembro ng barangay na makamit ang mas magandang serbisyo para sa mga tao.

30/10/2024

Organizational Structure of Lupong Tagapamayapa of Brgy Tungkong Mangga.

29/10/2024

Long weekend ahead, San Joseños! 👀

Pagkakataon na ito para mabisita ang mga namayapa nating kaanak at syempre, makasama ang mga mahal natin sa buhay.

Gamitin din natin ang mga araw na ito para magkaroon ng family time o ‘me’ time.

Ikaw San Joseño, may plano ka na ba this weekend?

25/10/2024

Bagong Petsa ng "BARANGAY ASSEMBLY DAY"

📅 NOV. 9, 2024 | 8:00 AM
📍 Training Center / Barangay Hall

25/10/2024

MAHALAGANG ANUNSYO!

KANSELADO muna ang Barangay Assembly na gaganapin sana bukas ( October 26, 2024 ) dahil sa masamang panahon.

Ang Barangay Assembly Day ay isasagawa sa Nov.9, 2024 sa ganap na 8:00 ng umaga. (Training Center)

Manatiling nakaabang para sa mga anunsyo. Mag-ingat po ang lahat.

Timeline photos 25/10/2024

Congratulations again BRGY Tungkong Mangga!

Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 24/10/2024

Malacañang announced the suspension of work in government offices and classes at all levels in Luzon on 25 October 2024 due to Severe Tropical Storm .

​The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

- Office of the Executive Secretary

Source: https://www.facebook.com/share/p/hX1hoZGacBsqENHW/?mibextid=CTbP7E

Photos from Dost_pagasa's post 23/10/2024

Weather Update: SIGNAL NO. 2 pa rin ang Bulacan

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Buong Lalawigan ng Bulacan dulot ng Severe Tropical Storm .

Hindi pa man naglalandfall ang Bagyong , nararanasan na ang malakas na buhos ng ulan sa ibang bahagi ng Lungsod.

Inaasahan ang pag landfall ang Bagyo sa susunod na 12 oras at asahan ang epekto ng Bagyo sa susunod na 24 oras.

Manatiling nakaalerto, San Joseño!

Photos from BRGY Tungkong Mangga's post 23/10/2024

Congratulations Barangay Tungkong Mangga sa muling pagtanggap ng Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2023 ngayong araw!

Tinanggap ng ating butihing Barangay Chairman na si Kap Alexander "B**g" Medina ang Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2023 ngayong araw ng Oktubre 22, 2024 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan bilang isa sa mga SGLGB passers for the year 2023.

Ang Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) ay isang parangal na ibinibigay ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Pilipinas. Kinikilala nito ang mga barangay na nagpapamalas ng mabuting pamamahala sa mga larangan tulad ng transparency, accountability, at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo.

21 na Barangay mula sa Bulacan, 6 dito ay mula sa City of San Jose Del Monte at isa rito ang ating barangay sa nagawaran ng natatanging pagkilala. Isang malaking karangalan na magpapatibay pa sa magandang serbisyo para sa ating komunidad.

23/10/2024

WALA PA RING PASOK BUKAS SA BULACAN!

Dahil patuloy pa ring makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong gabi ng Miyerkules hanggang bukas ng buong araw ng Huwebes na maaaring magdulot ng pagbaha sa ibat-ibang bahagi ng Lalawigan bunsod ng Bagyong , SUSPENDIDO PA RIN ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN. SUSPENDIDO DIN ANG TRABAHO SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG TANGGAPAN sa lalawigan ng Bulacan bukas, ika-24 ng Oktubre 2024 maliban na lang sa mga tanggapan na nagbibigay ng emergency/health/social at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga mamamayan.

Manatiling updated sa CSJDM PIO page para sa kumpletong balita at impormasyon kaugnay ng Bagyong .

Ingat San Joseño!

WALA PA RING PASOK BUKAS SA BULACAN!

Dahil patuloy pa ring makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong gabi ng Miyerkules hanggang bukas ng buong araw ng Huwebes na maaaring magdulot ng pagbaha sa ibat-ibang bahagi ng Lalawigan bunsod ng Bagyong , SUSPENDIDO PA RIN ANG KLASE SA LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN. SUSPENDIDO DIN ANG TRABAHO SA PAMPUBLIKO AT PRIBADONG TANGGAPAN sa lalawigan ng Bulacan bukas, ika-24 ng Oktubre 2024 maliban na lang sa mga tanggapan na nagbibigay ng emergency/health/social at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga mamamayan.

Manatiling updated sa City of San Jose del Monte Public Information Office para sa kumpletong balita at impormasyon kaugnay ng Bagyong .

Ingat, San Joseño!

Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 22/10/2024

muna!

SUSPENSYON NG FACE TO FACE CLASSES AT PAGSASAGAWA NG ONLINE CLASSES O MODULAR DISTANCE LEARNING SA LAHAT NG ANTAS NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN SA LALAWIGAN NG BULACAN SA OCTOBER 23, 2024

Sa bisa ng Memorandum: DRF - 10222024-624, ipinatutupad sa buong Lalawigan ng Bulacan ang suspensyon ng lahat ng face-to-face classes bukas, October 23, 2024 (Wednesday), itinatagubilin ng Pamahalaang Panlalawigan ang paglipat sa Online Classes o Modular Distance Learning ng lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa probinsya.

Ito ay dahil sa inaasahang mas patuloy na paglakas ng Tropical Storm at makaaapekto sa Lungsod ng San Jose del Monte.

(Source: https://www.facebook.com/share/17fHu1mdPE/?mibextid=WC7FNe)

22/10/2024

JUST IN:

sa Afternoon Class

Dahil itinaas na ng PAGASA ang Signal #1 sa Probinsya ng Bulacan at mga karatig lugar, AWTOMATIKONG SUSPENDIDO na ang mga klase ngayong hapon, October 22, 2024 sa lahat ng Kindergarten to Grade 12 Students sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng San Jose del Monte alinsunod sa DepEd Order No. 037, S. 2022.

Stay safe, San Joseños!

SOURCE: Tropical Cyclone Bulletin No. 6 (Posted as of 11:23 AM)

19/10/2024

EDIT:

BARANGAY ASSEMBLY DAY
"Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas."

📅 NOV. 9, 2024 | 8:00 AM
📍 Training Center / Barangay Hall

Photos from City of San Jose del Monte Public Information Office's post 17/10/2024

JUST IN:

1st Runner-Up ang Tanglawan Festival ng Lungsod ng San Jose del Monte sa 50th Kasanggayahan National Festival of Festivals sa Probinsya ng Sorsogon!

Nakuha rin ng Tanglawan Festival ang Best Festival Queen Award.

Congratulations, San Joseños!

10/10/2024

PABATID SA PUBLIKO

Para po sa lahat ng mga San Joseño na humihingi ng tulong para sa DOH-GUARANTEE LETTERS, ang lahat po ng transaksyon ay ililipat na po sa GROUND FLOOR, NEW GOVERNMENT CENTER, katabi ng City Social and Welfare Office (CSWDO) simula OKTUBRE 14, 2024.

Bukas po ang kanilang opisina mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Bilang paghahanda sa nasabing paglipat, pansamantalang magkakaroon ng tigil operasyon mula Oktubre 10-12, 2024.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

PABATID SA PUBLIKO

Para po sa lahat ng mga San Joseño na humihingi ng tulong para sa DOH-GUARANTEE LETTERS, ang lahat po ng transaksyon ay ililipat na po sa GROUND FLOOR, NEW GOVERNMENT CENTER, katabi ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) simula OKTUBRE 14, 2024.

Bukas po ang aming opisina mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Bilang paghahanda, kami po ay pansamantalang magkakaroon ng tigil operasyon mula Oktubre 10-12, 2024.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.

09/10/2024
Photos from BRGY Tungkong Mangga's post 09/10/2024

Pinaunlakan ng ating Barangay Chairman na si Kap Alexander "B**g" Medina ang hiling na panayam nina Gabriel Cruz at Francis Mendoza, mga Political Science Students mula sa De La Salle University para sa kanilang Thesis tungkol sa "Philippine Peasant Politics: A Case Study on Rural Elite Influence on Political Participation of Landless Filipino Peasants."

Ang panayam na ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante na makakuha ng mas malalim na kaalaman sa kanilang paksa at ang hakbang o proyekto na ginagawa ng barangay ukol dito.

Photos from BRGY Tungkong Mangga's post 30/09/2024

Halina't bisitahin natin ang Joe's Bougainvillea Farm by Rhose Garden. Syempre dito lang yan sa Barangay Tungkong Mangga!!

Panoorin sa link na ito ang video ng kaganapan sa kanilang Grand Opening kanina! https://fb.watch/uWpUk0eg81

Videos (show all)

Grand Opening of JOE'S BOUGAINVILLEA FARM BY RHOSE GARDEN!
Maligayang Kapistahan, Mahal na Patron SAN PEDRO APOSTOL!#iLoveTungko#OneTungko
HAPPY MOTHER'S DAY! 💚
MERRY CHRISTMAS BRGY TUNGKONG MANGGA!🎄
1 day to go before CHRISTMAS. 🎄
2 days to go before CHRISTMAS. 🎄
3 days to go before CHRISTMAS. 🎄
5 days to go before CHRISTMAS. 🎄
6 days to go before CHRISTMAS. 🎄
9 days to go before CHRISTMAS. 🎄
10 days to go before CHRISTMAS. 🎄
11 days to go before CHRISTMAS. 🎄

Website

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00