BSHS-Filipino Subjects
Ito ang opisyal na pahina ng mga asignaturang Filipino sa Senior High School. Tulad ng Komunikasyon
CTTO
Batid ko ang sidha nila sa pag-aaral.
Sa mga patuloy na nagsusumikap para sa ating magandang búkas, nagpupugay po kami sa inyo!
Dagdag-Kaalaman! 👌
Halina't gamitin ito sa pangungusap!
Narito po ang Salit-Salitaan natin ngayong linggo. Lagi po naming hangad ang inyong kaligtasan.
Mabuhay tayong lahat!
Ilang tulog na lang! 🤗
Magandang araw, Bangkulasians!
Sa aking mga mag-aaral sa Baitang 11, para sa asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, sikapin nating mapabilang sa GC natin. Na rito ang mga link ng Group Chat.
HUMSS- 11 ALMARIO:
https://m.me/j/AbZhjTq23PZR_mCs/
ABM- 11 INITIATIVE:
https://m.me/j/AbajAM1NUIe0QiDU/
ABM- 11 DILIGENCE:
https://m.me/j/Abb4o_6H38DqzjiM/
Bangkulasians, sali na!
Bumisita sa paaralan ngayon,
14 Sioson Street, Bangkulasi Navotas City.
Tumatanggap na tayo ngayon ng Senior High School, Grade 11- ABM and HUMSS
Ngayon ang unang araw ng pagpapatala para sa Taong-Pampaaralan 2022-2023 🥰
MAHALAGANG ANUNSYO!
(Lalo na sa mga magsisipagtapos)
Walang iskedyul ng ensayo bukas sa paaralan. Gawa ng wala namang klase bukas, ito ay dahilan sa pagbibigay-daan sa inagurasyon ng bagong administrasyon. Kaya naman, sa Hulyo 1, 2022, Biyernes, na tayo magkikita-kita para sa Bacc. Mass sa San Lorenzo Ruiz, alas 8 ng umaga. Maraming salamat at mag-iingat kayong lahat!
Maligayang ika-124 taon ng pagiging Malaya, kapwa ko Pilipino!
Webinar Alert!!!
Project E-SMELL - Webinar Series Year 2 (Enhancing Skills of Management and Entrepreneurship through Lifelong Learning
A webinar focusing on Career Employment Coaching with speakers from Government Agencies and LGUs
Join us and be updated on New Employment Trends in Labor Market. See you!
"Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at magiging utang pa ang aking kaligayahan."
Hatid ng Knowledge Channel at Cultural Center of the Philippines ang kwento ng katapangan at pagmamahal sa bayan. Noli Me Tangere! Simula April 18, Lunes hanggang Biyernes, 5:40PM sa Knowledge Channel!
Mapapanood din sa iWantTFC ang Knowledge Channel livestream: https://bit.ly/iWantKCh
MAHAHALAGANG ANUNSYO!
Hindi matatapos ang pasasalamat at pagbati ng binibini. 🥰
Kasalukuyang nagaganap ngayon.
Pagbati sa lahat ng mga kalahok!
MAHALAGANG ANUNSYO AT PAALALA!
BIGYANG-PANSIN ITO NANG MABUTI.
Suportahan natin ang mga mag-aaral mula sa Baitang 12. 🤗🤗
😊
We would like to invite all Parents/ Guardians and Grade 12 Students tomorrow March 23, 2022/10:00am for the conduct off Work Immersion Orientation in the Next Normal SY 2021-2022.
See you.Bangkulasians...
MAHALAGANG ANUNSYO para sa mga piling mag-aaral ng Baitang 12!!!
Bigyang-pansin at basahing mabuti ang mga nasa larawan, higit ang nakalaang iskedyul. Inaasahan ang inyong agarang pagtugon at kooperasyon. Maraming salamat! ☺
Halina't tunghayan ang "Homeroom Guidance" ng Grade 11- Diligence
Mahalaga ang kooperasyon at presensya ninyong lahat. 😁🤗☺
All Grade 10, 11 and 12 Learners and other students are invited to attend the Career Guidance Orientation 2022 with the Theme " Nurturing the Youth for a Promising Tomorrow" on February 18, 2022 at 10:00 in the morning via facebook.
See you Angelesians and Bangkulasians!
Muli nating tunghayan, unawain, at gamitin ang ating talasalitaan at matalinhagang salita ngayong araw/linggo. 🤗
Maligayang Araw ng mga Puso, Angelesians at Bagkulasians!
Mahal namin kayo palagi.💗
Magkita-tayo bukas sa BIRTUWAL NA PALATUNTUNAN, alas 7 ng umaga.
Mapagpalang araw Angelesians at Bangkulasians!
Oras na upang muli mong ipamalas ang talento mo. Ipakita mo na 'yan sa pamamagitan ng paglahok sa sumusunod na mga patimpalak. Basahin lamang nang mabuti ang mga impormasyong nakasaad.
Online Diksiyonaryo ng Wikang Filipino, Ilulunsad ng KWF!
Ilulunsad ang Online Diksiyonaryo ng Wikang Filipino sa 16 Disyembre 2021, 9:00–11:00 nu sa Bulwagang Romualdez, Komisyon sa Wikang Filipino, 1610 Kalye J.P. Laurel, Malacañang Palace Complex, Lungsod Maynila.
Ang Online Diksiyonaryo ng Wikang Filipino ay hango sa database ng Diksiyonaryo ng Wikang Filipino na unang nalathala noong 1989. Ito ang kauna-unahang monolingguwal na diksiyonaryo ng wikang Filipino na binubuo ng 31,245 salitang pasok na inihanda ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (dáting Surian ng Wikang Pambansa). Ang ikalawang edisyon na may 34,798 salitang pasok ay ang lathala sa ika-100 taon ng pagdiriwang ng kalayaan ng Pilipinas o Sentinyal na Edisyon, gaya ng popular na tawag dito. Noong 2011, inilathala ang ikatlong edisyon na may kabuoang 33,834 salita. Gayumpaman, upang maisapanahon at maisaalang-alang ang mga puna at mungkahi ng maraming nagmamalasakit sa wikang Filipino, muli itong nirepaso, isinaayos, at pinalawak ang mga impormasyon tungkol sa mga salitang lahok, kabilang na ang anyo ng salita na umaayon sa mga tuntunin at pagbabago sa Ortograpiyang Pambansa, mga impormasyong panggramatika, varyant, pinagmulan ng salita, larang, kahulugan ng salita, at iba pa.
Ang Diksiyonaryo ng Wikang Filipino ay patuloy pang pinalalawak sa pamamagitan ng pagdaragdag ng lahok mula sa iba't ibang wika ng Pilipinas batay sa mga katangiang tulad ng walang katumbas sa Tagalog, isang salitang maaaring itumbas sa tambalang salita sa Tagalog, at mga salitang ginagamit nang higit sa tatlong wika na iba sa Tagalog. Ipinapasok din sa database ang mga salitang dayuhan na naasimila na sa wikang Filipino.
Sa hulí, nananawagan ang Komisyón sa Wíkang Filipíno sa lahat na magpadala ng mga puna at mungkahi upang higit na matugunan ang pangangailangan at maging kapaki-pakinabang ang diksiyonaryong ito para iba't ibang larangan ng pamumuhay sa lipunang Pilipino, kasabay ng di mapipigilang pagsulong ng wikang Filipino.
Ang proyektong ito ay bahagi ng mandato ng ahensiya na magsagawa, mag-ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. Ang Batas Republika Blg. 7104 ay ang batas na lumikha sa Komisyon sa Wikang Filipino na nagtatakda ng mga kapangyarihan nitó, mga tungkulin at mga gawain, naglalaan ng gugulin ukol ditto, at para sa iba pang mga layunin.
Maaaring bumisita sa https://kwfdiksiyonaryo.ph.
Ang paglulunsad ng Online Diksiyonaryo ng Wikang Filipino ay pangungunahan ng Sangay ng Literatura at Araling Kultural sa pangangasiwa ni Dr. Sheilee B. Vega. Ang paglulunsad ay mapapanood nang live sa opisyal FB page ng Radio Television Malacañang (RTVM) at Komisyon sa Wikang Filipino. # # #
Iba ang may alam!
ANNOUNCEMENT DASHBOARD
Date: November 26, 2021 (Friday)
Time: 9 am
Activity: "SABAY-SABAY NA PAGBASA" (Asynchronous)
Dagdag-Kaalaman!
Eto pala mga tagalog nito😊
Iba na ang may alam..
Magkita-kita tayo bukas!