Emmylou Lala Taliño-Mendoza

Emmylou Lala Taliño-Mendoza

Official page of Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza in the Province of Cotabato

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 07/09/2024

𝑯𝒊𝒈𝒊𝒕 𝟕𝟎𝟎 𝑷𝑾𝑫𝒔 𝒔𝒂 𝑩𝒂𝒏𝒊𝒔𝒊𝒍𝒂𝒏, 𝒂𝒕 𝒊𝒃𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒊𝒚𝒆𝒎𝒃𝒓𝒐 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒍𝒏𝒆𝒓𝒂𝒃𝒍𝒆𝒏𝒈 𝒔𝒆𝒌𝒕𝒐𝒓 𝒃𝒊𝒏𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒂𝒚𝒖𝒅𝒂


Amas, Kidapawan City I Setyembre 7, 2024 – Isa sa mga pangunahing hangarin ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ay ang mabigyan ng atensyon ang mga bulnerableng sektor sa lalawigan upang matulungan silang makabangon mula sa kahirapan, at magkaroon ng sapat na kakayahang harapin ang mga hamon ng buhay.

Higit naman itong pinagtibay ng adhikain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na “walang Pilipinong mapag-iiwanan” lalo na sa larangan ng pag-unlad na naging katuwang ang tanggapan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa pagtaguyod ng nabanggit na layunin sa buong bansa, kasama si Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr., para naman sa Region XII sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyong panlipunan na ipinapatupad para sa taumbayan.

Kabilang sa mga programang ito ay ang pagbibigay ng tulong sa nasabing sektor tulad ng calamity assistance, financial o medical assistance, cash-for-work, sustainable livelihood program, food-for-work, at maraming iba pa.

Kaugnay nito, abot sa 703 na miyembro ng Persons with Disability (PWDs) sa bayan ng Banisilan ang ipinagkalooban ng ahensya ng family food packs para sa kanilang isang araw na “community service” na kinabibilangan ng “gardening, canal declogging, and barangay beautification.” Sa naturang aktibidad, magkaagapay ang DSWD, pamahalaang panlalawigan, at lokal na pamahalaan ng nabanggit na bayan.

Samantala, tumanggap din ng kaparehong tulong ang may 143 na mga indibidwal na kinabibilangan ng laborers at tricycle drivers na nakapagbigay ng serbisyo sa nagdaang selebrasyon ng Kalivungan Festival na idinaos sa Provinvial Capitol nitong nakaraang linggo, lalo na sa pagpapanatili ng kalinisan sa Capitol Grounds.

Nagpaabot naman ng labis na pasasalamat ang mga benepisyaryo dahil sa malaking tulong para sa kani-kanilang mga pamilya ang iniabot na family pack ng DSWD na kinabibilangan ng bigas, canned goods, at iba pa.

Magkatuwang na nangasiwa naman sa nasabing distribusyon ang DSWD XII at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO)./idcd-pgo-gonzales/photoby:pswdo/

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 07/09/2024

𝟑𝐫𝐝 𝐐𝐮𝐚𝐫𝐭𝐞𝐫 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐢𝐦𝐚𝐫𝐲 𝐄𝐲𝐞 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Amas, Kidapawan City | Setyembre 7, 2024 – Nagtipon nitong Biyernes ang Prevention of Blindness Program Coordinators sa lalawigan para sa 3rd Quarter Meeting on Primary Eye Health na ginanap sa FCG Catering Services, Brgy. Binoligan, Kidapawan City.

Kabilang sa tinalakay ay ang mga hakbang at pagpaplano para sa nalalapit na selebrasyon ng "World Sight Day" ngayong Oktubre sa lalawigan.

Tinalakay din ang estado ng pagbuo ng primary eye health team sa mga munisipyo, ang pagsasagawa ng vision screening sa elementary pupils sa bayan ng Arakan sa Setyembre 12, at ang distribusyon ng corrective eyeglasses sa nasabing benepisyaryo sa bayan naman ng President Roxas sa Setyembre 13, pati na rin ang iba pang mahahalagang usapin.

Ang hakbang na ito ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza ay isa lamang sa maraming programang pangkalusugan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na nakatuon sa pagpapalakas ng sektor ng kalusugan sa probinsya para sa mga Cotabateño.

Ang pagpupulong ay pinangunahan ng IPHO sa pamumuno ni Dr. Eva C. Rabaya katuwang ang Department of Health Center for Health and Development (DOH-CHD) XII sa pangunguna ni Regional Director Aristides C. Tan na pinangasiwaan nina Prevention of Blindness Program Medical Coordinator Dr. Patrick Julius Paccal at Prevention of Blindness Program Provincial Coordinator Rowena Villaoscarez.//idcd-pgo-bellosillo/Photoby:IPHO//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 07/09/2024

𝐒𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞 𝐀𝐠𝐫𝐨-𝐋𝐢𝐯𝐞𝐬𝐭𝐨𝐜𝐤 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 (𝐒𝐀𝐋𝐓 𝟐) 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐢𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐀𝐧𝐢𝐜𝐤 𝐔𝐩𝐥𝐚𝐧𝐝 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐚𝐫𝐦𝐞𝐫'𝐬 𝐀𝐬𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

Amas, Kidapawan City | Setyembre 7, 2024 - Mahigpit na sinusuportahan ni Cotabato Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza ang mga programa at proyektong nakatutok sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura, pagpapadali ng pamumuhay ng mga magsasaka at pagbibigay ng teknikal na tulong sa mga ito.

Kabilang sa mga programang ito ang Simple Agro-Livestock Technology (SALT 2) kung saan sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay tungkol dito ang mga miyembro ng Anick Upland Development Farmer's Association (AUDFA) mula sa Brgy. Anick bayan ng Pigcawayan kasama ang mga opisyales ng nabanggit na barangay.

Sa unang araw ng training, tinalakay ang proseso ng vermiculture o ang paggamit ng "earthworm o uod" bilang pataba sa mga taniman at ang paghahanda ng vermi compost na kabilang sa mga natural na hakbang upang masustina ang malusog na estado ng lupa at mapanatili ang malagong produksyon sa kanilang mga sakahan na hindi ginagamitan ng mga nakasisirang kemikal.

Napag-usapan din ang hinggil sa goat production and raising upang magabayan ang mga partisipante sa maayos na pamamahala at pangangalaga ng kanilang mga kambing na isa din sa mga maaaring mapagkunan ng magandang kalidad ng karne at gatas.

Sa ikalawang araw naman ng aktibidad, nagsagawa ng "praticum" ang mga partisipante kung paano gumawa ng vermi beds at goat barn.

Bilang mga kinatawan ni Gov. Mendoza, inilahad naman nina Boardmember Roland D. Jungco at former Boardmember at kasalukuyang Provincial Advisory Council member Rosalie H. Cabaya ang pagnanais ng kapitolyo na mabigyan ng sustinableng mapagkakakitaan ang mga Cotabateño na makakatulong sa pamumuhay ng mga ito.

Inaasahan din ng mga nabanggit na magiging hakbang ang naturang pagsasanay upang mas mapaunlad pa ang kaalaman ng mga partisipante lalo na sa pag-usbong ng teknolohiya at makabagong pamamaraan ng pagsasaka.

Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg)- Interim PENRO- Cotabato na pinamamahalaan ni Acting Interim Elvira Q. Mendoza.//idcd-pgo-mombay/PhotobyOPAg & PACCabaya//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 07/09/2024

Salamat ❤️💚
SPEAKER Martin ROMUALDEZ
Fellowship Dinner 🤗 with
GOVERNORS

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐋𝐢𝐛𝐫𝐞𝐧𝐠 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐝𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐧𝐢 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚

Amas, Kidapawan City | Setyembre 6, 2024 – Patuloy na isinusulong ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa ilalim ng pamumuno ni Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagdaos ng serye ng Medical-Dental Outreach Program sa iba’t ibang komunidad rito.

Ngayong araw, nagsagawa ng naturang aktibidad sa Barangay Poblacion, Makilala, kung saan daan-daang residente ang nakinabang sa mga libreng serbisyo. Ayon sa datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), kabuoang 207 na residente ang sumailalim sa medical check up habang pito (7) naman ang nabigyan ng serbisyong dental. Bukod dito, apat (4) na kabataan ang nabigyan ng Complimentary Food Package (CFP) pagkatapos ng masusing pagsusuri, habang 32 na mga buntis naman ang tumanggap ng libreng “Buntis Kit” na naglalaman ng mahahalagang kagamitan at mga suplay para sa mag-ina.

Sa kabilang banda, 120 na mga residente ang may bago nang antipara o salamin sa mata, na ibinigay sa ilalim ng programang "Antipara para kay Lolo at Lola" ng kapitolyo.

Kasama sa mga doktor na nagbigay ng serbisyo sa aktibidad ay sina Dr. Venancio Ang, Dr. Jose Kanda, Dr. Lilian Roldan, Dr. Gene Yuag, Dr. Agnes Abalos (Dentista), at Dr. Emelyn Ma.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga lokal na opisyal ng Barangay Poblacion, kabilang si Punong Barangay Eric Quibod at Barangay Konsehal Joel Anunciado.// idcd-pgo-delacruz// Photoby: IPHO//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗟𝗲𝗮𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸, 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗫𝗜𝗜

Amas, Kidapawan City | Setyembre 6, 2024 – Pinangunahan ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XII, sa ilalim ng Technical Advisory/Assistance and Other Related Services (TA/AORSS), ang isang Social Welfare Learning Network Meeting.

Ginanap ito sa The Farm Carpenter Hill, Koronadal City, na may layuning magbigay ng kaukulang aksyon at napapanahong technical assistance sa external pool of experts ng DSWD upang agarang makapagbigay ng serbisyo, lalo na sa panahon ng pangangailangan. Tinalakay rin ang iba't ibang programa para sa nalalabing buwan ng 2024.

Naging kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza sa pulong si Boardmember Ivy Dalumpines-Ballitoc, na isa sa mga katuwang ng ahensya sa pagpapaabot ng tulong sa probinsya, lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Pasasalamat naman ang ipinarating ni BM Dalumpines sa DSWD sa iba’t ibang tulong na ipinapaabot nito sa lalawigan.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa lokal na mga pamahalaan sa SOCCSKSARGEN Region at academe.//idcd-pgo-sotto/PhotobyBMDalumpines/

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐲𝐨𝐝 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐠𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐚𝐤, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐢 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐌𝐞𝐧𝐝𝐨𝐳𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐆𝐀𝐘𝐌

Amas, Kidapawan City | Setyembre 06, 2024 - Sa pagpapatuloy ng adbokasiya ni Governor Emmylou "Lala" Taliño-Mendoza na magtaguyod ng magandang ugnayan at isulong ang kapakanan ng bawat pamilyang Cotabateño, kabilang ang mga kabataan, isinagawa sa Matalam National High School (MNHS) ang programang "Getting Along You and Me" (GAYM) orientation.

Ang aktibidad ay nakatuon sa pagpapalakas ng relasyon sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga anak, partikular na ang mga estudyanteng nasa ika-7 hanggang sa ika-10 baitang. Layunin ng programang ito na makatulong sa empowerment at promotion ng kabuoang kapakanan ng mga kabataan, kasabay ng pagtaguyod ng mas matibay na ugnayan sa kanilang mga magulang. Isinusulong din nito na ang mga magulang ay maging huwaran ng mabuting pag-uugali, at ipaunawa sa mga ito ang kanilang malaking papel o responsibilidad sa paghubog sa karakter ng kanilang mga anak upang maging responsable, matatag, at produktibong indibidwal sa hinaharap.

Kabilang sa mga paksang tinalakay sa nasabing programa ay “introduction to adolescence, rediscovering the journey to adolescence, communicating with my adolescent (parents), living effectively with my adolescent, threats confronting adolescent, how to live harmoniously with parents”, tinalakay din dito ang mga hamon na hinaharap ng mga kabataan, kabilang ang mga isyu sa teknolohiya at kalusugang pangkaisipan, “PROTECT” para sa mga magulang upang mas mapangalagaan at magagabayan ang kanilang mga anak sa gitna ng mga panganib dala ng modernong panahon, at iba pang topiko na may kinalaman sa relasyon ng magulang sa mga anak nitong nasa adolescent stage.

Bahagi din sa oryentasyon ang “Kita Kits” kung saan nagbigay ng pagkakataon sa mga magulang at kanilang mga anak na magkasamang lumahok sa mga aktibidad na nagpalalim pa ng kanilang ugnayan o relasyon.

Naroon naman sa naturang aktibidad bilang kinatawan ni Governor Mendoza sina 3rd District Boardmembers Joemar S. Cerebo, Ivy Martia Lei Dalumpines-Ballitoc at Sangguniang Kabataan Provincial Federation President / Ex-officio Boardmember Karen Michie T. De Guzman. // idcd-pgo-delacruz// Photoby: ARAriola //

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝗚𝗼𝘃. 𝗠𝗲𝗻𝗱𝗼𝘇𝗮, 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗧𝗿𝗮𝘃𝗲𝗹 𝗠𝗮𝗿𝘁

Amas, Kidapawan City| Setyembre 6, 2024- Bilang suporta sa sektor ng turismo sa rehiyon 12 lalo na sa lalawigan ng Cotabato, nakiisa ngayong araw sa pagbubukas ng 35th Philippine Travel Mart si Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza.

Ito ay ginanap sa SMX Convention Center, Pasay City, Manila na inorganisa ng Philippine Tour Operators Associations (PHILTOA) kung saan idinaos dito ang Business Meetings, Sale ng Bayan, and Exhibitors Competition na naglalayong maisulong ang industriya ng turismo sa bansa.

Kabilang sa ibinida ng lalawigan ng Cotabato sa naturang travel mart na nasa sentro ng isa sa mga booth ng SOX (SOCCSKSARGEN) ang Asik-asik Falls ng bayan ng Alamada, at ang katutubong mga damit ng tribung Manobo na isa sa mga grupo ng Indigenous People na naninirahan sa lalawigan. Kasama ring itinampok dito ang iba pang natatanging tourist destinations sa rehiyon na nasa mga probinsiya ng Sultan Kudarat, Saranggani, at South Cotabato, at sa mga siyudad ng Koranadal, Tacurong at General Santos City.

Naging panauhin sa naturang opening ceremony si Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, na nagpasalamat sa lahat ng mga rehiyon at probinsya sa bansa na nakikiisa sa nabanggit na aktibidad.

Bilang Chairperson ng Regional Development Council (RDC) XII ng SOCCSKSARGEN Region, sinig**o ni Gov. Mendoza na magiging katuwang ng DOT ang RDC XII sa pagsusulong ng isang sustainable and inclusive tourism.

Binigyang diin din nito na sa lalawigan ng Cotabato ay mahalaga ang pagkapantay-pantay at "peaceful coexistence" ng bawat mamamayan sa kabila ng pagkakaiba-iba ng tribu at paniniwala -- Muslim, Katutubo, o Kristiyano.

Nasa naturang aktibidad din si Public Affairs Assistance, Tourism and Sports Development Division (PAATSDD) OIC Head Russel Villorente, Tourism Operations Officer II Virginia Agpalo, mga representante mula sa lokal na pamahalaan ng M’lang, Magpet, Arakan, at Kidapawan City.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSAmillano//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤-𝐧𝐠𝐢𝐭𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐥𝐨𝐥𝐨 𝐚𝐭 𝐥𝐨𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐏𝐢𝐤𝐢𝐭

Amas, Kidapawan City/Setyembre 6, 2024 - Tunay ngang bumalik ang ngiti sa mga labi ng sampung (10) lolo at lola sa Barangay Poblacion, Pikit matapos silang mabigyan ng “complete denture” o pustiso na may katumbas na halagang P15,000.00 bawat isa mula sa “Serbisyong Totoo Balik-Ngiti Program para kay Lolo at Lola” ng pamahalaang panlalawigan na ginanap nitong ika-5 ng Setyembre 2024.

Isinakatuparan ng provincial dental team na pinangunahan ni Oral Health Program Coordinator Dr. Divinagracia Alimbuyao ang adhikain ni Governor Emmylou “Lala J. Taliño-Mendoza,at siya ring pangarap ng sampung (10) “deserving indigent senior citizens” na magkaroon sila ng bagong pustiso at maibalik ang kanilang kumpyansa sa sarili. Ito ay bahagi ng pangangalaga ng pamunuan nito sa kanilang kalusugan ng mga benepisyaryo, at upang ipakita sa kanila ang malasakit at pagmamahal ng pamahalaan.

Labis na pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga ito sa ina ng lalawigan sa programang ito na anila, ay isang pagpapakita ng pagkalinga sa kanilang sektor kahit pa man nasa “dapit-hapon” na yugto na sila ng kanilang buhay.

Ang Balik Ngiti Program ay pinangangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa pamumuno ni Dr. Eva C. Rabaya.//idcd-pgo j.abellana/photo by IPHO//.

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗣𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗙𝗿𝗮𝗺𝗲𝘄𝗼𝗿𝗸 𝗣𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝗯𝗶𝗻𝘀𝘆𝗮, 𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮𝗱𝗼 𝗻𝗮!

Amas, Kidapawan City| Setyembre 6, 2024- Pormal nang inaprubahan ngayong araw ang sampung taon na Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) ng lalawigan para sa taong 2024-2034 na ginanap sa 9th Floor Board Room, DHSUD Building, Quezon City.

Ito ay matapos na matagumpay na maipresinta ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang naturang plano sa harap ng Executive Board ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pangunguna ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar.

Sentro ng naging presentasyon ng gobernadora ang mahahalagang programa, proyekto, at polisiya ng probinsya na nakatuon sa pangangalaga sa kalikasan, pagtugon sa pangangailangan ng sektor ng agrikultura, imprastraktura, at paghahanda at pagresponde sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Ibinase din ito sa 2030 Sustainable Development Goals (SDGs) at Ambisyon Natin 2040 ng pamahalaan na naglalayong mabigyan ng matatag, maginhawa at panatag na buhay ang bawat pamilyang Pilipino. Ito ay nakaangkla din sa 8-Point Socio-Economic Agenda na isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang PDPFP ay isang napakahalagang plano para sa isang provincial local government unit dahil dito nakalatag ang mga layunin nito na nauugnay sa pananaw at prayoridad nito batay sa pangangailangan ng mamamayan, at makakatulong para sa pag-unlad ng komunidad.

Kasama ni Governor Mendoza sa naturang presentasyon si Provincial Planning and Development (PPDO) Head Jonnah J. Balanag, EnP, at iba pang kawani ng PPDO.//idcd-pgo-sotto/PhotobyWMSamillano//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐚𝐠𝐚𝐧𝐚𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐑𝐢𝐯𝐞𝐫 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐧 𝐋𝐚𝐧𝐝𝐬𝐜𝐚𝐩𝐞 𝐑𝐢𝐬𝐤 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐋𝐑𝐀) 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐞𝐜𝐭 𝐖𝐚𝐥𝐤, 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐮𝐩𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠

Amas, Kidapawan City | Setyembre 6, 2024 – Katuwang ang mga lokal na pamahalaang saklaw nito, patuloy ang Mindanao River Basin Management Council sa pagsisikap na makabuo ng mga programang higit na makatutulong sa pagtiyak ng kaligtasan ng mamamayan sa buong bahagi ng Mindanao.

Kahapon, Setyembre 5, 2024, isang "zoom conference" ang ginawa ukol dito, na dinaluhan ni Boardmember Sittie Eljorie Antao-Balisi bilang kinatawan ni Cotabato Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza kasama ang mga miyembro ng MRBMC Sectoral Committee Members upang pag-usapan ang gaganaping Mindanao River Basin Landscape Risk Assessment (LRA) Transect Walk sa darating na Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, 2024.

Layunin ng naturang aktibidad na tahakin ang bahagi ng Mindanao River Basin mula sa Brgy. Dolorosa at Miaray, ng bayan ng Dangcagan sa Bukidnon, dadaan sa Brgy. Nangaan at Pedtad sa bayan ng Kabacan patungong Northern Kabuntalan, Buliok, at Pagalungan ng Maguindanao; hanggang sa Poblacion Mother at Tamontaka 4, Cotabato City. Ito ay upang masuri at matukoy ang “natural features” ng mga dadaanan sa “transect walk” na magiging basehan sa mga kinakailangang aksyon at interbensyon sa mga ito, para maiwasan ang sakuna at malaking kasiraan lalo na sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Ang gaganaping Transect Walk ay lalahukan ng Mindanao Development Authority (MinDA), Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), Regional Agencies, Provincial Governments, Barangay ang Municipal Local Government Units, at marami pang iba.

Nasa nasabing pagpupulong din si Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer (PDRRMO) Arnulfo Villaruz at ilang mga kinatawan mula MinDA, Mines and Geosciences Bureau (MGB) XII, Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Irrigation Administration (NIA), Office of Civil Defense (OCD) 12, at ilan pang mga ahensya.//PGO-Sopresencia Photoby

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐓𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥𝐲𝐨, 𝐭𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐎𝐟𝐟𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭𝐳 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐆𝐫𝐨𝐮𝐩 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐚𝐰

Amas, Kidapawan City | Personal nang natanggap ng Offlimitz Dance Group ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng abot sa P280,000.00 mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato na pinamumunuan ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 6, 2024 sa Provincial Governor's Office, Amas, Kidapawan City.

Ito ay bilang pagsuporta ng pamunuan ni Governor Mendoza sa naturang grupo sa paglahok ng mga ito sa gaganaping World Supremacy Battlegrounds (WSB) sa bansang Australia ngayong darating na Setyembre 13-15, 2024.

Ang prestihiyosong patimpalak na ito ay lalahukan ng mga magagaling na grupo mula sa iba't ibang panig ng bansa kung saan taong 2018 nang itinanghal na kampeon ang Offlimitz sa kaparehong patimpalak, kaya muling papatunayan ng mga ito ang kanilang husay at galing sa pagsayaw bitbit ang pangalan ng probinsya ng Cotabato at ng bansang Pilipinas.

Bilang kinatawan ni Governor Mendoza, taos pusong ipinaabot ni Provincial Advisory Council (PAC) member at former Boardmember Shirlyn Macasarte-Villanueva ang kanyang pagsuporta at panalangin para sa kaligtasan at tagumpay ng mga nabanggit na mga kalahok.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng grupo sa pamunuan ni Governor Mendoza at ipinangakong gagawin ng mga ito ang lahat ng kanilang makakaya para sa pangarap na makapagbigay ng karangalan sa probinsya ng Cotabato.//PGO-Sopresencia//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

“𝗟𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗿𝗺 𝘀𝘂𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀” 𝗻𝗴 𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗮𝘁 𝗕𝗜𝗡𝗛𝗜 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝘀𝗶𝗻𝗶𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗽𝗶𝘁𝗼𝗹𝘆𝗼

Amas, Kidapawan City I Setyembre 6, 2024 – Naging matiyaga si Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa paghahanap ng kaparaanan upang maihatid ang mga programa at proyekto ng pamahalaang pambansa sa mga kababayan nito sa lalawigan ng Cotabato.

Pinanatili ng butihing gobernadora ang maayos na koordinasyon nito sa mga ahensya ng gobyerno, maging sa mga opisyales ng iba’t ibang departamento o tanggapan.

Naging daan ang nasabing estratehiya upang patuloy na maipatupad ang mga inisyatibong isinusulong ng DSWD o Department of Social Welfare and Development na naghahatid ng mga serbisyong panlipunan upang mabawasan ang kahirapan sa taumbayan at makamit ang pag-unlad.

Kabilang sa mga programa na itinataguyod ng pamunuan ni DSWD Rex Gatchalian, katuwang si Regional Director Loreto V. Cabaya, Jr. sa lalawigan at sa buong rehiyon dose ay ang Risk Resiliency Program-Cash for Training and Work o RRP-CFTW ng “Project LAWA & BINHI.” Ito ay nagbukas ng tsansa sa pamilya ng mga benepisyaryo na magkaroon ng kita, matapos itong maapektuhan ng matinding tagtuyot na nag dulot ng kawalan ng sapat na pagkain at kakulangan sa tubig dahil sa “climate change.”

Matapos na matanggap ng 313 na mga benepisyaryo mula sa bayan ng Pres. Roxas nitong Hunyo ang kanilang sahod na tig-P7,360 mula sa dalawampung (20) araw na “community service” sa gawaing may kinalaman sa “construction of water harvesting facilities” at “food security,” sinimulan na ng DSWD-12, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Department Head Arleen A. Timson, kaagapay si Program Coordinator Clarissel A. Cabaya ang pagsasagawa ng “Post-monitoring activity for the sustainability of 2024 Project LAWA at BINHI.”

Kamakailan lang inumpisahan na ang naturang aktibidad sa mga barangay ng Mabuhay at Poblacion sa bayan ng Pres. Roxas, kung saan, idinaos ang aktwal na ebalwasyon sa estado ng mga proyekto upang matiyak ang tagumpay nito na magbubunga ng pangmatagalang epekto o “long term success” sa mga benepisyaryo at sa kanilang pamilya.

Nagdaos rin ng “interview" sa nasabing aktibidad, kung saan ibinahagi ng mga benepisyaryo ang naging tulong ng Project LAWA at BINHI sa kanila na nagbigay ng bagong “income-generating opportunities.” Dahil dito, napabilang na sila ngayon sa “recognized suppliers” ng gulay sa mga palengke.//idcd-pgo-frigillana/photoby:pswdo

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥𝐲𝐨, 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬 (𝐋𝐂𝐄𝐬) 𝐒𝐲𝐦𝐩𝐨𝐬𝐢𝐮𝐦 𝐨𝐧 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐧𝐠 𝐃𝐎𝐇 𝟏𝟐

Amas, Kidapawan City | Nakiisa ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa ginanap na Local Chief Executives (LCEs) Symposium on National Immunization Program ng Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Region 12 katuwang ang United Nations Children's Emergency Fund (UNICEF) na ginanap sa Acacia Hotel, Davao City kahapon, Setyembre 5, 2024.

Layunin ng naturang aktibidad na mas mapaigting ang pagpapatupad ng mga programang pagbabakuna ng pamahalaan sa pangunguna ng mga Lokal na Punong Ehekutibo at matalakay ang umiiral na mga patakaran at bagong estratehiya para sa implementasyon nito.

Bilang pagsuporta sa naturang aktibidad, personal na dumalo sina Antipas Mayor Cristobal Cadungon, Kabacan Mayor Evangeline P. Guzman, Magpet Mayor Jay Lawrence Gonzaga, Pikit Mayor Sumulong K. Sultan, M'lang Mayor Russel Abonado, Libungan Vice Mayor Jims Fullecido at si Integrated Provincial Health Officer Dr. Eva C. Rabaya bilang kinatawan ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza.

Sa ginanap na symposium binigyang pagkilala ng ahensya ang mga bayan ng Carmen, Kabacan, at Tulunan sa maayos na pagganap at implementasyon ng Immunization Program sa kanilang munisipyo.

Nilagdaan din ng mga dumalong alkalde ang "pledge of commitment " bilang pagsuporta sa National Immunization Program ng DOH.

Bahagi rin ito ng pagsisikap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos, Jr. Katuwang sina DOH Secretary Teodoro J. Herbosa at DOH-CHD XII Regional Director Aristides C. Tan na maisulong ang isang malusog at ligtas na mamamayang Pilipino.

Nasa aktibidad din sina Pigcawayan Municipal Administrator Vince Tejada, Arakan Municipal Administrator Josie Naciluan, Banisilan Municipal Administrator Jerry Alisasis at iba pang mga opisyal.//PGO-Sopresencia Photoby:IPHO//

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

"𝐁𝐞 𝐭𝐫𝐮𝐬𝐭𝐰𝐨𝐫𝐭𝐡𝐲 𝐬𝐭𝐞𝐰𝐚𝐫𝐝𝐬," 𝐦𝐞𝐧𝐬𝐚𝐡𝐞 𝐧𝐠 𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐅𝐫𝐢𝐝𝐚𝐲 𝐄𝐮𝐜𝐡𝐚𝐫𝐢𝐬𝐭𝐢𝐜 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥𝐲𝐨

Amas, Kidapawan City/Setyembre 6, 2024 - Idinaos ngayong araw ang banal na misa para sa unang Biyernes ng buwan ng Setyembre sa Provincial Capitol Gym, Amas, Kidapawan City para sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.

Pinangunahan ito ni Rev. Fr. Ronilo A. Villamor, DCK na nakatuon sa mensaheng "As servants it is required of us to be trustworthy," o ang pagiging tapat na tagapamahala sa gawain at misyon na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa.

Ayon kay Fr. Villamor, bilang mga mananampalataya at manggagawa, ang bawat isa ay tinawag na maging mabuting tagapamahala o “stewards” sa ano mang tungkuling ipinagkatiwala sa kanya. Tinukoy niya ang pagiging tapat sa bokasyon, sa mandato ng tanggapang kinabibilangan, at higit sa lahat, sa layunin at misyon ng bawat kawani o opisyal ng pamahalaan. Aniya, "a mission without a vision is bound to perish.”

Binigyang diin din nito ang mga katangian ng isang mahusay na tagapamahala: pagiging tapat (honest), may integridad (transparent), maaasahan (reliable), at mapagkakatiwalaan (faithful). Sa huli, hinikayat ni Fr. Villamor ang lahat na palaging ibigay ang pinakamahusay na kakayahan sa lahat ng ginagawa.

Dumalo sa nasabing misa ang mga department heads ng iba't ibang opisina ng kapitolyo, kasama ang mga kawani nito. Ang regular na pagdaos ng First Friday Eucharistic Celebration ay ipinapatupad ng pamunuan ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza upang palakasin ang espiritwal na aspeto ng mga kawani ng kapitolyo, tungo sa pagsulong ng propesyonalismo at pagkakaisa ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.//idcd-pgo-j.abellana/ photo by idcd HCB//.

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝐊𝐚𝐦𝐩𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐤𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚 𝐢𝐥𝐞𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐝𝐫𝐨𝐠𝐚, 𝐢𝐝𝐢𝐧𝐚𝐨𝐬 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐭𝐨𝐥𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐜𝐨 𝐍𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐇𝐢𝐠𝐡 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥, 𝐊𝐢𝐝𝐚𝐩𝐚𝐰𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲

Amas, Kidapawan City/ Setyembre 6, 2024 - Seryoso ang pamunuan ni Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoza sa pagsugpo ng ilegal na droga sa probinsya ng Cotabato, kaya puspusan ang pagsagawa ng serye ng anti-illegal drug campaign ng Provincial Anti-Drugs Abuse Council (PADAC) sa iba't ibang pampublikong paaralan sa lalawigan.

Nitong ika-5 ng Setyembre 2024, isinagawa sa Paco National High School ng Kidapawan City ng PADAC ang Drug Symposium na sinalihan ng 500 na mga estudyante at ang Drug-Free Workplace orientation na dinaluhan naman ng may 30 mga g**o. Katuwang sa naturang aktibidad ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Tinalakay ng PDEA sa symposium ang mahahalagang probisyon ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines upang lubos na maunawaan ng mga kabataan ang mga polisiya o batas na ipinaiiral ng gobyerno ukol sa nasabing usapin, at upang maprotektahan ang integridad, at ang kabuoang kapakanan ng pamayanan lalo na ang mga kabataan, laban sa epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot na lubhang mapanganib sa kanilang “physical and mental well-being” na maaring magdulot ng kasiraan sa kanilang “development” bilang indibidwal.

Samantala, ibinahagi rin sa mga g**o ang “Drug-Free Workplace” Policy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na sinusuportahan ng pamahalaang panlalawigan upang masig**o ang mahusay na pagbibigay serbisyo sa taumbayan, lalo na ng mga naglilingkod sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Ipinaabot naman ni School Principal Elizabeth T. Gloria ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa liderato ni Governor Mendoza sa pagtaguyod ng naturang programa na mahalaga upang mapanatili ang matiwasay at ligtas na lugar para sa mga mag-aaral at g**o ang kanilang paaralan, at maging ang kani-kanilang komunidad na kinabibilangan at ginagalawan.

Ang programang ito ay magkatuwang na ipinapatupad ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng PADAC na pinamumunuan din ni Gov. Mendoza, kasama ang iba't ibang ahensya kabilang na ang PDEA, Philippine National Police (PNP), at Department of Education (DepEd).

Samantala, bumisita naman si Provincial IP Mandatory Representative Arsenio M. Ampalid sa aktibidad bilang kinatawan ni Gobernador Mendoza, kasama si P/Major John Miradel Calinga, na siyang kumatawan kay Cotabato Police Provincial Director PCOL Gilberto Tuzon, na siya namang Vice Chairperson ng PADAC.//idcd-pgo j.abellana/photo by PADAC//.

Photos from Emmylou Lala Taliño-Mendoza's post 06/09/2024

𝙆𝙪𝙢𝙥𝙮𝙖𝙣𝙨𝙖 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙠𝙖𝙨𝙞𝙣 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙡𝙪𝙣𝙨𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙣𝙖𝙮 𝙪𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 “𝙈𝙖𝙣𝙜𝙤 𝙁𝙧𝙪𝙞𝙩 𝙋𝙧𝙤𝙙𝙪𝙘𝙩𝙞𝙤𝙣”

Amas, Kidapawan City I Setyembre 6, 2024 – Sa loob ng dalawang taon, naging matagumpay ang pagdaos ng “Mango Festival” sa buong probinsya, kung saan kamakailan lang ay ikinagalak ng pamunuan ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang “mango-terrific success” ng mga magsasaka sa isinagawang “2nd Cotabato Province Mango Harvest Festival.” Sa nakaraang pagdiriwang naitanghal ang matatamis at masasarap na produkto ng mangga na umabot sa 6,375 kilograms ang naibenta na may katumbas na P469,620.00 mula sa “fruit display” at “processed products.”

Upang lalong mapalakas pa ang kumpyansa ng mga magsasaka na makapagsuplay ng mas marami pang produkto, inilunsad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pamamahala ni Acting Department Head Elena E. Ragonton, kaagapay si Provincial Mango Coordinator Alexander C Paez ang mga pagsasanay ukol sa produksyon nito.

Bahagi nito ang “Season-Long Training on Mango Fruit Production” na sinimulang ganapin sa bayan ng Carmen at isasagawa sa loob ng halos siyam (9) na buwan. Dito, tatalakayin ang mga usapin na mas magpapalawak pa ng kaalaman ng mga magsasaka upang matiyak ang mas progresibong ani sa darating na “festival” sa susunod na taon.

Parte ng diskusyon ay ang paksang “application of paclobutrazol” na higit na makakatulong upang makontrola ang labis na paglaki ng isang puno na siyang magpapalago ng pamumulaklak at pagbubunga nito.

Nakilahok bilang “farmer cooperator” si OPVet-Managing Consultant Dr. Gary Dondonayos, habang binisita naman nina dating PCL Federation President at kasalukuyang Provincial Advisory Council (PAC) Member Albert Rivera, at Serbisyong Totoo Focal Person Lanie Babulon ang nabanggit na aktibidad.//idcd-pgo-frigillana/photoby:opag/

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Old Kidapawan?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Live❗Eucharistic Celebration at the Provincial Gymnasium, Amas, Kidapawan City today, September 6, 2024.
KALIVUNGANbrings out the skills and talents ofour YOUTH 👏our PRIDE💚❤️#LALAbanParaSaCotabato #SerbisyongTotoo
Live‼️Culmination program of the 110th Founding Anniversary of Cotabato Province and Kalivungan Festival Street Dancing ...
Live‼️Street dancing parade at the Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City today, September 1, 2024.
Live‼️Street dancing parade at the Capitol Grounds, Amas, Kidapawan City today, September 1, 2024.
Live‼️ Opening Ceremonies of the 110th Founding Anniversary of the Province of Cotabato and Kalivungan Festival 2024 Dru...
Live‼️ Opening Ceremonies of the 110th Founding Anniversary of the Province of Cotabato and Kalivungan Festival 2024 Dru...
Panoorin‼️Sa pagbubukas ng ika-110 Founding Anniversary ng probinsya, kasalukuyang ginaganap ang isang banal na misa sa ...
Live‼️ Opening Ceremonies of the 110th Founding Anniversary of the Province of Cotabato and Kalivungan Festival 2024 Dru...
Panoorin ang naging panayam ni Kabayan Noli De Castro ng Teleradyo Serbisyo kay Governor Emmylou "Lala" J. Taliño-Mendoz...
Live❗️Eucharistic Celebration and Blessing of the New Cotabato Provincial Hospital Building, Amas, Kidapawan City Today,...
Live❗️Eucharistic Celebration and Blessing of the New Cotabato Provincial Hospital Building, Amas, Kidapawan City Today,...

Category

Telephone

Website

Address


Old Kidapawan