Er_Sh*tloccah

Er_Shitloccah

Promoted storie's by Sh*tloccah/ER Petras

Go With The Flow 24/07/2023

Go With The Flow complete on TypeKita apps๐Ÿ˜Š

Support me po sa TypeKita๐Ÿทโค

Go With The Flow Isang actress si Anci Lopez, she wants to back the past to get love from her long time f

NoInk  Story - Strange Fears 21/07/2023

Strange Fears
Written by Sh*tloccah

โ†’ This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the authorโ€™s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. โ†’ All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the writer. Necessary actions will be taken once caught reproducing a soft copy/hard copy of this story.

30/06/2023

I have reached 200 followers! Thank you for your continued support. I could not have done it without each of you. ๐Ÿ™๐Ÿค—๐ŸŽ‰

24/03/2023

โœจ"ANO ANG KWENTONG NEX MO?"โœจ

Don't worry, tataas pa yan hehe. Support niyo story niya, guys!๐Ÿ˜Š

Philippines Story Book 15/03/2023

What is ?

Philippines Story Book Edmalyn Rose Petras, multi-talented person Author, Digital Illustration and Narrator, also Pet Lover. Sheโ€™s created this project for all the writers around the Philippines. The Philippines Stโ€ฆ

08/03/2023

Tip ko pag may isang bagay na hindi ko pa naranasan pero ia-apply ko sa aking kuwento.

1. Imagination mood on
2. Describe in my mind
3. Then write

Good morning๐ŸŒž

07/03/2023

Philippines Story Book is coming back soon....

Wait for my update!๐Ÿ˜‰๐Ÿท

15/02/2023
06/01/2023

Try to read my entry for the Round4๐Ÿคฆ๐Ÿคฃ

22/12/2022

Round3 entry

30/11/2022

Support my 2nd entry on RVD

11/11/2022

I'm back Piggy reader's!๐Ÿท

Sorry for being inactive this past few months. For not posting about my blurb, synopsis, clip scene and one shot story of my other stories. That time I'm busy doing my entry for HR(see my shared post here) and of course, with my family and relatives. And now, we can back to our work here? I mean, this page HAHAHA

Okay, next day... wait for my update. Thank you for your understanding!๐Ÿ˜‰๐Ÿท๐Ÿ’“

Mobile uploads 03/11/2022

Piggy readers, we won as a 3rd place on TNP's Writing Contest. The theme of Loudest Silent Battle.

26/10/2022

My stories Genre link:

SHORT STORY

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/569487601381962/?type=3&app=fbl

TEEN FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/569491681381554/?type=3&app=fbl

ROMANCE FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/569492341381488/?type=3&app=fbl

HORROR FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/569492708048118/?type=3&app=fbl

FANTASY FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/574980947499294/?type=3&app=fbl

MYSTERY FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/574981527499236/?type=3&app=fbl

COMEDY FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/574981857499203/?type=3&app=fbl

GENERAL/YA CONTEMPORARY FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/574982277499161/?type=3&app=fbl

SCIENCE FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/574982607499128/?type=3&app=fbl

VAMPIRE FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/592174115779977/?type=3&app=fbl

HISTORY FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/592174425779946/?type=3&app=fbl

ADVENTURE FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/592174809113241/?type=3&app=fbl

ACTION FICTION

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/592175112446544/?type=3&app=fbl

WEREWOLF

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/592175402446515/?type=3&app=fbl

CUTIE PIE & HONEY, FLASH NON-FICTION STORY

https://www.facebook.com/erpetras25/photos/a.569487251381997/592175722446483/?type=3&app=fbl

_____

Hi, Piggy readers, all my stories here po. Thank you!๐Ÿ’“๐Ÿท

14/10/2022

NaNoWriMo is coming... My pieces of my work is not already yet๐Ÿ˜๐Ÿ˜œ

14/10/2022

I have a new story, soon to finished... Tagalog Novelette but I decided to translate in English. But not now, someday I will do it!

14/10/2022

Sana all may reader๐Ÿท

28/09/2022

Salamat sa apat kong followers sa GN๐Ÿท๐Ÿ˜˜

27/09/2022

Calling to all my Piggy Reader's out there/not!

But before of all, thank you so much sa lahat ng bumubuo ng Chapters of Love Indie Publishing for the chance na maisalibro ang aking gawang kuwento na pinamagatan 'TRIST' the Genre is Horror. Hindi ko na po kayo isa-isahin banggitin but I sure na kilala niyo kung sino kayo. Again, thank you so much!๐Ÿ’“

For those who wants to avail my book. Just private message me Er Writes Petras or page of publishing๐Ÿ’Œ

PREORDERING start September25 until October15,2022. For only 320 pesos +SF and inclusions.

SURPRISE ADDITIONAL FREEBIES(If may mag-avail):

AVAIL NOW! LIMITED SLOTS ONLY!

Thank you Piggy!๐Ÿทโค

25/09/2022

This is my new book. Pre-order now!
Start September25 until October15, 2022

Thank you so much, CLP!๐Ÿทโค

NEW COVER ALERT!
TRIST
by: Er Petras

It is now available for PREORDERING. For only 320 pesos plus shipping fee and inclusions. PREORDERING starts September 25- October 15, 2022, just message the page or the author to reserve your slots.

Maraming-maraming salamat po sa inyong suporta mga ka-CLP.๐Ÿ˜˜๐Ÿฅฐ

The Seven Killer Man 24/09/2022

You can check this link on eBookLingo. Thank you so much for promote!๐Ÿท๐Ÿ’“

The Seven Killer Man Seven stories of seven friends who kill innocent people. Whether there is a reason or not, their commitment to each other is still more dominant. But because...

15/09/2022

Good morning, Piggy reader's!

Happy 213 followers to this page. Kahit hindi niyo man basahin ang mga post ko, thank you!

10/09/2022

Someday I will be your favorite Author๐Ÿ’“

08/09/2022

Looks like I'm not excited to publish my story as a book. I don't know why, but I'm thankful because I have the second copy of my book. Not now but soon...

Samuel 07/09/2022

You can check my story on ebooklingo.com

Samuel There are six friends who are happily vacationing in a villa, where there is something special so they went there. But their vacation will only lead to dark...

06/09/2022

[Short Story Fiction]

'CAUSE OF DEPARTURE
Author: sh*tloccah/ER Petras

TAHIMIK nagbabasa si Tom Gu sa kanyang silid aklatan nang dumating ang kanyang kanang k**ay na si Hobi Yin. Nagpakawala ng buntong hininga si Tom bago ibinalik ang aklat sa mga istante ng libro. Umupo ito sa ibabaw ng desk at sumimsim ng tsaa.

"Anong balita?" Walang emosyong tanong ni Tom.

"Young Master, pasensya na hanggang ngayon wala pa ring balita." Bigong sagot ni Hobi. "Pero huwag kayo mawalan ng pag-asa Young Master, gagawin ko ang lahat para mahanap natin siya."

"Nagpapasalamat ako na riyan ka at tinutulungan mo 'ko," sinserong sambit ni Tom. "Nais kong bantayan mo ang ginagawa ng aking Ina. Batid kong may alam siya."

"Opo, Young Master."

Naiwan nagbuntong hininga si Tom pagkalabas ni Hobi sa kanyang silid aklatan. Muling sumimsim ng tsaa si Tom at tumayo. Hinugot ang katabing espada na kanina pa nakapatong sa ibabaw ng desk, nanliliit na mga matang lumingon ito sa bahaging bintana na ngayon ay nakabukas. Madilim ngunit kita sa labas ang nagliliwanag na bilugan buwan.

"Umalis kayo sa pinagtataguan niyo!" Matapang sambit ni Tom.

Inihanda ni Tom ang sarili. Walang anu-ano'y lumabas ang mga nakasuot ng kulay itim na damit maging ang mukha ng mga ito nakabalot din ng itim na tela, tanging sa mata lamang ang walang pantakip. Napatingin si Tom sa hawak na espada ng mga assassin. Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Tom nang humigit sa lima ang kanyang papaslangin ngayon.

Sumugod ang isang assassin sa kinaroonan ni Tom na agad naman sinanggang ng binata, saka nito tinadyakan ang unang assassin papalayo sa kanya. Nakakuha ng pagkakataon umatake ang ikalawang assassin dahilan ng pagbagsak nito nang hiniwa ni Tom ang tiyan. Sa kabilang banda sabay sumugod ang ikatlo't ika-apat na assassin, madaling inilagan ni Tom nang parehong tatama sa kanya ang espada ng dalawang assassin. Ikinurba nito ang sariling tiyan, kasabay ng pighiwa nito sa paa ng ikatlong assassin. Umikot pa ito upang tamaan ang puso ng ika-apat na assassin saka nito binalikan ang ikatlo para gilitan ito ng leeg.

Sa mga sandaling nakikipagdigmaan si Tom sa mga assassin, galit at panggigil ang nangingibabaw sa kanyang pagkatao. Nag-aalab at tila hindi mapigilang kumitil. Bagama't kilala ni Tom ang taong gustong kumitil sa kanya ay di sapat ang kanyang nalalaman upang ihayag ito sa kanyang Ama. Kailangan niya pa ng maraming ebidensya para sa rebelasyon. Sa ikalima at ika-anim na assassin ay buong pwersang ginilitan ni Tom ang mga leeg nito at ngayon, susugurin na sana ni Tom ang dalawang assassin nang tumakas ito. Lumabas ang mga ito sa bintanang pinasukan kanina.

Bumukas ang pintuan ng kanyang silid iniluwal niyon ang mga bantay na kita sa mga mata ang pagkagulat nang madatnang nakabulagta sa sahig ang mga wala ng buhay na assassin.

"Iligpit ang mga kalat!" Awtoridad na utos ni Tom.

"Opo, Young Master!" Ani ng isang bantay at agad sinunod ng mga bantay ang pinag-uutos ng kanilang Young Master.

Lumabas ng silid aklatan si Tom, nagpunta ito sa kanyang silid higaan upang magpahinga. Pagtapak pa lamang sa silid ay luminga-linga muna si Tom sa paligid bago sinara ang pinto. Nagtungo ito sa k**a at seryosong umupo.

"Labas!" Taas noong sambit Tom.

Mula sa palikuran lumabas ang postura ng isang dalaga na ka-edaran lang ni Tom, nakasuot ito ng damit na panlalaki. Sapat na iyon upang hindi sila mahalataan ng kung sinuman. Lumapit ang dalaga sa kinaroroonan ni Tom, may hawak itong espada.

"Young Master, tama ang hinala niyo. Magkasabwat ang punong Ministro na si Felix Qui at si Madam Belinda." Seryosong sambit ng dalaga.

"Magaling, Yelun Mu. Anong nasagap mong balita sa dalawa?"

Walang salitang lumuhod si Yelun, ngunit nananatiling walang emosyon si Tom.

"Young Master, may ugnayan ang dalawa sa isa't isa. At sa palagay ko silang dalawa ang may pakana ng pagkawala--"

Hindi naituloy ni Yelun ang sasabihin nang tumayo si Tom at itinapat ang dulo ng espada sa leeg ng dalaga.

"Hindi ko gustong marinig ang susunod na salitang lalabas mula riyan sa'yong bibig!" Malalim at mariing bigkas ni Tom.

"Pasensya, Young Master!" Taas noo na paghingi ng paumanhin ni Yelun, kasabay ng paghigpit ng hawak nito sa espada. Hindi mababakasan ng pagkatakot sa mukha tila sanay na ito sa pagbabanta.

Ibinaba ni Tom ang espada kasabay ng pagbuntong hininga nito. "Itayo mo ang sarili mo!" Malamig na utos nito sa dalaga.

Sinunod ni Yelun ang pinapagawa sa kanya ni Tom. "Salamat, Young Master."

"Sa ikalawang araw bago magtanghalian magkita tayo sa Shimeng Pavillion. Magsasagawa tayo ng digmaang salita," umangat ang isang gilid ng labi ni Tom. Handa na ito sa rebelasyong magaganap. "Bumalik ka na sa'yong tahanan." Dugtong pa nito.

"Opo, Young Master." Lumabas ang dalaga sa bintana ng silid higaan ni Tom.

SUMAPIT ang ikalawang araw, nagkita sina Tom at Yelun sa nasabing tagpuan kasama si Hobi. Sa pribadong silid ng restawran ang napili ni Tom upang pag-usapan ang kanilang kaalamanan patungkol sa gawain nina Ministro Felix at Madam Belinda.

"Young Master, kompirmado," paunang pahayag ni Hobi. "Kagabi nakita ko may lumabas na assassin sa mansyon ng iyong Ina. Maingat kong sinundan ang assassin patungo sa bundok ng Alibabu at dahil doon ay nagkaroon ako ng pagkakataong sugurin siya't paslangin. Ngunit may nakita akong kasulatan sa kanyang kasuotan." Ipinatong nito ang sobreng naglalaman ng kasulatan sa ibabaw ng lamesa.

"Young Master, baka ang ebidensyang iyan ang nagpapatunay," Suhestiyon ni Yelun. "Sa palagay ko sa bundok Alibabu ang kanilang tagpuan." Hula nito.

Dinampot ni Tom ang sobre saka nito binuksan at binasa ang nakasaad sa papel. "Hobi, magpadala ka ng labing anim na kawal at Yelun sumunod ka kay Hobi, tiyakin mong hindi siya makakatakas sakaling hulihin niyo!" Makahulugang utos ni Tom.

"Opo, Young Master." Sagot ni Hobi at mabilis itong lumabas ng silid kasama si Yelun nang malaman ang pinapahiwatig ng kanilang Young Master.

ALAS-DOS ng hapon nagtungo si Tom sa mansyon ng kanyang Ama at Ina. Nadatnang niyang naroon ang kanyang nakakabatang kapatid na si Loki Gu, kasama ang kanilang magulang. Nakaupo ang kanyang Ama't Ina sa trono habang si Loki naman ay nakaupo sa pang bisitang upuan.

"Brother, Young Master!" Nakangiting pagbati ni Loki sa nakakatandang kapatid.

"Second Young Master, hindi ko inaasahan ang iyong pagbabalik." Pilit na ngiting sambit ni Tom.

"Syempre, namiss ko kayo!" Aniya Loki.

"Tom, anong kailangan mo't naparito ka sa aming mansyon?" Tanong ng Ama ni Tom.

"Duke at Madam, may mahalaga akong nais tanungin sa inyo." Seryosong panimula ni Tom.

"Sige, iho. Magtanong ka na." Sambit ng Ina ni Tom.

Huminga ng malalim si Tom bago magsimulang magsalita. "Duke, Madam. Totoo bang patay na siya?"

Parehong natigilan ang Duke at Madam sa tanong ni Tom. Maging si Loki ay di makapaniwalang tumingin sa kanyang kuya.

"Hindi na kailangan pag-usapan ang bagay na 'yan, maaari ka ng umalis," malamig na tugon ng Ama ni Tom na si Sandro Gu. "Patay na siya nang makabalik siya sa kanilang syudad."

Humigpit ang hawak ni Tom sa espada sa sinambit ng kanyang Ama. "Duke, bakit niyo ginagawa sakin 'to? At talagang naniniwala kayo sa sinasabi ng babaeng 'yan!" Gigil na pagtaas ng boses ni Tom. Dinuro pa nito ang kanyang Ina.

"Tom Gu!" Pabalang ani Sandro. "Ayusin mo ang pananalita mo!" Pagbabanta nito.

"Sandro, maghunos-dili ka. Alam natin hanggang ngayon di niya pa rin nakakalimutan ang babaeng 'yon kaya nais niyang ungkatin ang nakaraan." Pagpapakalma ng Ina ni Tom kay Sandro.

"Brother, Young Master. Hindi pa ba sapat ang balitang matagal ng patay si Josie Wang?" Singit ni Loki.

"Hindi ako naniniwalang kaya niya kong iwan at namatay siya nang bumalik siya sa kanilang syudad!" Pagmamatigas ni Tom. May inilabas itong sobre mula sa kanyang kasuotan saka nito hinagis sa harapan ng kanyang magulang dahilan ng paglaglag ng sobre sa sahig. "Ang kasulatang iyan ang ebidensya. At hindi lang 'yon madalas nagpapadala siya ng mga assassin sa mansyon para patayin ako." Nagpapakatotoong dagdag nito.

"Ikaw.." Halos nagtitimping apila ng Ina ni Tom.

"Kunin mo!" Utos ni Sandro sa kanang k**ay nito sa gilid.

Agad dinampot ng kanang k**ay ni Sandro ang sobre sa sahig saka ibinigay iyon kay Sandro. Tinanggap naman iyon ni Sandro, nanliit ang mga mata ni Sandro matapos mabasa ang nakasaad sa papel kasabay ng pagyukom nito ng k**ao dahilan upang lumukot ang papel na hawak nito.

"Belinda, anong ibig sabihin nito?" Naguguluhan tanong ni Sandro. "Bakit mananatiling lihim ang tungkol kay Josie?" Kasabay ng pagtayo nito.

"Duke, isa lamang 'yon babala para di niya hanapin ang tunay niyang Ina!" Sagot ni Belinda. Tumayo na rin ito mula sa kinauupuan nito. "Gusto ko ituring niya akong tunay na Ina."

"Bata pa ko ng panahon na 'yon at nang magkaisip, bumalik ang aking alaala kung paano ako iniwan ng aking Ina." Mariing ani Tom. "Hobi!" Sigaw nito sa pangalan ng kanyang kanang k**ay.

Pumasok si Hobi sa loob ng mansyon kasama si Yelun, kasunod nito ang mga bantay na may hawak na isang tao. Tila nanggaling pa sa digmaan ang dalawa bago pumunta ng mansyon.

"Ministro Felix!" Kita sa gulat na ekspresyon ni Belinda ang pagdakip ng tauhan ni Tom kay Felix.

"Duke, Madam. Nagmamakaawa ako huwag niyo 'kong patayin!" Takot na sambit ni Felix. "Wala akong alam sa ipinagbibintang ni Young Master Tom."

"Young Master, hindi siya nagsasabi ng totoo!" Hayag ni Yelun.

"Sa oras na 'to huwag niyo ko sisisihin sa pagiging malupit!" Komento ni Tom. Sa isang kislap mata mabilis nito ginilitaan ng leeg si Felix, dahilan ng pagsirit ng dugo at pagbagsak nito.

Napaluhang bumalik sa kinauupuan si Belinda dahil sa kanyang nasaksihan. Hindi niya akalain na magagawa 'yon ng tinuring niyang tunay na anak.

"Belinda, ano ba talaga ang totoo?" Nagmamakaawang pakiusap ni Sandro.

Bumuntong hininga si Belinda bago ito tumayo at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Tom.

"Nais mo ba talaga malaman ang tunay na nangyari?" Seryosong sambit ni Belinda. "Simula ng dumating si Josie sa mansyon at naging concubine siya ni Sandro, naging malalim ang kanilang pagmamahalan habang ako naman naghahanap ng atensyon kay Sandro. Naunang nagbuntis si Josie kaysa sakin. Nagdaan ang ilan taon, na kay Josie pa rin ang atensyon, kay Sandro at sa anak nito. Isang araw pumunta ako sa mansyon ni Josie, nakita ko ang pag-ubo niya ng dugo. Ang takot ko sa nalaman nang sabihin niya ang tunay niyang kalagayan. Habang nilalason siya ng iniinom niyang tsaa ay siya naman ang palala ng palala ng kanyang kalagayan."

"Ikaw ba ang naglason sa kanya?" Galit na sumbat ni Tom.

"Hindi ko magagawa ang bagay na 'yon," bahagyang umiling si Belinda. "Si Felix ang lumason sa kanya. Hindi niya matanggap na may ibang mahal na si Josie. Pinagbantaan niya ito na papatayin niya ang anak ni Sandro kung kaya't walang nagawa si Josie kundi tanggapin ang tsaa na may lason." Madamdaming dagdag nito.

"Paano mo nalaman ang bagay na 'yon?" Tanong ni Sandro.

"Nahuli ko silang dalawa nang panahong 'yon pinagbantaan ko si Josie na umalis ng mansyon kundi ay sasabihin kong nakikipagkita siya kay Felix. Pumayag siya sa nais ko, ngunit ang kapalit niyon ay pagturing ko kay Tom na parang tunay na anak. Nakipagsabwatan ako kay Felix nang magpasyang aalis si Josie para hindi na ito lasunin ni Felix, pinalabas namin patay na siya kahit ang totoo ay buhay pa siya ng mga panahong 'yon. Ngunit makalipas ng isang taon nabalitaan na lamang namin patay na siya," tuluyan nang nanghina at nanlambot ang tuhod ni Belinda sa huling salitang binigkas kung kaya't napasalampak ito ng upo. "Ginawa ko pangako ko sa kaniya ngunit naging makasarili kami ni Felix." Buong pagsisising turan nito sa ginawang kasalanan.

"Mga bantay! Ikulong si Belinda sa kanyang silid ng isang buwan at walang sinuman maaaring bumisita sa kanya!" Maawtoridad na utos ni Sandro.

"Opo, Duke." Sambit ng isang kawal at sinunod ang utos ni Sandro, bitbit si Belinda patungo sa silid nito.

Bumuhos na lamang ang luha ni Tom, ngayon malinaw na sa kanya ang dahilan ng pag-alis ng kanyang tunay na Ina.

06/09/2022

[Blurb]
(MyCoupleKiligStory:)
Y+I=TOGETHER

[Half of Prologue]

DAHIL broken hearted si Boy naisipan niyang pumunta sa bar para maglasing kasama ang mga kaibigan niya. Habang nagkakasiyahan sila na magkuwentuhan at tumagay, isang tao ang nakakuha ng atensyon ni Boy na papunta sa comfort room. At base sa kilos nito ay mukhang lasing na dahil pagewang-gewang ito kung maglakad.

Wala sa sariling tumayo at sinundan iyon ni Boy patungo sa comfort room, dahil gentleman si Boy ay hinintay na lamang niya ito na makalabas at nang madaanan siya nito, hinawakan agad ni Boy ang wrist nito at dinala sa bahay. Sa bahay ni Boy pinagpatuloy ang pag-inom ng alak kasama ang hinatak nitong tao. Nagmabutihan ang dalawa sa isa't isa hanggang sa umabot iyon sa hindi inaasahan pangyayari.

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”
Panigurado aabangan niyo rin 'to HAHAHA basta malalaman niyo kapag nabasa niyo na.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

Valenzuela