Poets And Regrets

Poets And Regrets

Sa bawat lumang pahina
may nakatagong mga salita at mga tulang niluma ng panahon at napag-iwanan n

19/04/2023

Gusto ko rin na maging si Fidel
Maging sundalo na handang sumabak sa gera para maging totoo sa nararamdaman niya
Pero sa ngayon ako si Stella, Nagpupumilit lang na abutin ang pangarap niya
Kahit parang napupunta sa wala

Sana sa susunod hindi inggit ang makita ni Stella kay Fidel, kung hindi magandang tula ; na ang pangarap hindi minamadali

Huwag kang mag-alala kung madalas kang maging si Stella
Hindi naman masamang tumakas minsan at piliin kung saan ka sasaya

Pero huwag ka ring matakot maging si Fidel, kailangan mo lang matutong tanggapin na hindi lahat ng bagay na hinihintay mo ay para sa iyo

19/04/2023

At inaamin ko gusto ko ulit magsulat ng tula
Mga tulang malaya
Hindi pinagbigkis ng tali o inilatag ng patag sa kahon
Ang nais ko lang makapagsulat muli
Magkamali sa pag gamit ng bantas o di kaya masobrahan sa tayutay
Sabihing nakahihilo at nakakapagod na
Mas minimithi kong magsayang ng libo-libong pahina
Kaysa manahimik sa isang tabi sabay sabing "wala na talaga akong gana"

19/04/2023

We don't say "I love you" more often
Am I sad not hearing it more?
I miss you is now occasionally
Is it a bad thing to not also here it personally?

Loving and missing is not part of everyday anymore
But we are much stronger now
Independently and separate with each other
Since trust and respect is the best we had like a vow

19/04/2023

Para sa aking Lumang Maleta

Naalala ko noong una kong pagdaong sa Maynila
Sabi ko "Kakayanin ko ito ng mag isa"
Puno ako ng pangamba at pagdududa
Mga tanong na hindi ko mawari kung sino ba ang makasasagot

Sa pagkalipas ng panahon, ikaw pa rin ang kasama ko
Siguro'y magkapareho na tayo
Maraming sugat at gasgas
May sira at ramdam ko na rin ang pagod sa bawat hila ko sayo

Ilang taon ang nakalipas,
Wala pa ring nagbago
Pareho pa rin tayo na puno ng pagsisisi at pagluluksa

Kailan kaya ako makakapagpahinga?
Kailan ka kaya hihinto at darating sa tamang destinasyon mo?

Katulad namin ng lumang maleta ko.

19/04/2023

Sa larong hilaan, mahigpit ang kapit sa lubid,
naghihilaan kami ng sarili ko sa nakaraan
Malapit na kong bumitaw sapagkat ang aming pinag-aagawan kung kanino ka maiiwan
Hindi ako mahilig mag paubaya pero iiwan na kita
sa naka alpas kong sarili ; ako sa nakaraan

19/04/2023

Palaging ganito
Magkasama tayo, hindi natin alam ang daan
Pero walang tayong pakialam
Sabi natin ayos lang
Minsan lang naman
Kahit hindi dapat, pakiramdam ko ay tama

Ngayon nawawala kana
Mali, wala kana talaga
Nandito ako sa paborito nating lugar
Pero bakit ganito ang pakiramdam?
Para akong naliligaw

19/04/2023

Sabi ko tulong
Hindi torture

18/04/2023

To whom, I write this letter
For the first year that provides me butterflies
To the person at the back of the room
The guy who knows music of life

In this new kind of love
The love we didn't crave for
It is not a roller coaster ride
But a sinking boat in the middle of an ocean

I will sing this oath for you
A promise that expectation will not be an option
For I know it will ruin everything
Those five years I have longed for

- Poets And Regrets

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Valenzuela?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address

Valenzuela City
Valenzuela