Rigmat

Rigmat

mga rawit-dawit na naisipan
kinutkot sa irarom kan daghan

20/10/2021

PAGOD NA PUSO

Napapagod din ang puso
At sukdulang ito ay sumuko
Sa pag iintindi at pag unawa
Ng pag-ibig na 'di maibigay ng kusa

Ahhh, ang lahat ay walang saysay
Kung ang pag ibig na walang humpay
'Di masuklian ng damdaming wagas at tunay
At ang pagmamahal, unti unting namamatay

Pagod na ang puso, kailangan nang magpahinga
Sa sakit na dulot, puso'y nahilam sa luha
Sa paghilom ng sugat, muling susubok at 'di magsasawa
Ang puso ay muling titibok para sa itinadhana...

15/09/2021

KUMOT AT UNAN

Alas nwebe na naman,
Nagyayaya na ang aking unan
At sa gitna ng gabi, kami ay magyayakapan
Yayapusin, hahagkan at panggigigilan
Ang pag ibig ko sa'yo, sa unan ipaparamdam

Ahhhh dama ko ang init na aking hinahanap
Noon pa man ito na ang pinapangarap
Sa iyong bisig, ramdam ang higpit ng yakap
Wag sanang matapos, ang aking pakiusap
Sa lambot ng kumot, init ng iyong pag ibig ang nalalasap

10/09/2021

AKO NAMAN πŸ₯Ί

Pinangarap ko din naman na sana ako ang piliin
Hindi yung nasanay na ako na mabalewala at 'di mapansin
Lagi na lang ba, mamamalimos na ika'y mapasaakin
Upang maipadama ko ang 'di masukat na damdamin

Ba't 'di mo magawang piliin, ano ang kulang sa akin?
Tapat sa pangako na ikaw lang ang mamahalin
Kung hindi pa sapat, ipaunawa at sabihin
Muli akong susugal dahil laman ng aking puso, nag iisang ikaw pa rin

Muling aasa at aking idadalangin
Sana ako naman ang iyong piliin...

10/09/2021

AS A FRIEND

Yung pagmamahal ko sa'yo, 'di mo ma-comprehend
At ang isinukli mo puro lang pagpi-pretend
Sobrang sakit nang marinig, mahal mo ako as a friend
Baka sa huli, pati friendship natin ay mag end

Nalunod ako sa maling akala
Yung mga sweet moments na iyong ipinakita
Buong akala ko, tinuring ako na tunay mong jowa
Tunay na mahal kita, at mahal mo ako, as a friend lang pala

Ang iyong paglalambing tuwing umaga
At sa bawat tanong "kumain ka na ba?"
Sa aking tenga, para bang malamyos na musika
Kahit walang almusal, ako'y nabubusog na

Lintik na pag-ibig, mali ang aking akala
Kaibigan lang pala, ang sabi sa kanta
Hahayaan ko na lang, yun ang ating tadhana
Mahal mo naman ako as a friend, yun lang, sapat na
🐸
πŸ™‹

10/09/2021

TULAK NG BIBIG,
HINDI MADAMA NG DIBDIB

Kay sarap damhin kapag ikaw ay itinatangi
At tunay ang sakit kung tahasan kang itinatanggi
Na sa bawat salitang lumalabas sa mga labi
Ang puso ay iba naman ang sinasabi

Kaysarap pakinggan ng mga tinuran
Tumatatak hanggang sa kaibuturan
Ngunit bakit may kulang, hindi maramdaman
Mga salitang mula sa bibig na iyong binitawan

Tulak ng bibig, iba ang laman ng dibdib
Yaong mga salitang pilit na ipinapabatid
Salat sa kahulugan ang ihinahatid
Tunay mong pag-ibig, pintuan ay nakapinid...

23/08/2021

MAGDALENA, ANO'NG PROBLEMA?

Sa mundong mapanghusga, marami ang inaalispusta
Kahit 'di naman alam ang totoong istorya
Bakit nga ba ginagawa ni Magdalena?
Isang sakripisyo, hangad ay mapabuti ang pamilya

Sa bawat pagkalam ng sikmura
Sa gutom, halos dugo na ang idinudura
Di bale na, kung siya ay mapariwara
Minamahal na pamilya, 'di isasadlak sa dusa

Mapangahas na babae, kakapit sa patalim
Kahit anong hirap kakayaning indahin
Makikipaglaro sa halimaw sa dilim
Maitawid ang isang araw at sa hapag ay may maihain

Bayani sa maling pagkakataon
Sa sariling kahihiyan, ikaw ay ibinaon
Puri at dangal ay sapilitang itinapon
Magdalena, sa tamang panahon, ikaw ay muling aahon.

Rigmat Send a message to learn more

16/07/2021

Diptonggo: AY, AY, AY!!!

Ullobay-ubay
Sullosallangkay
Hapihap sa ikinabuhay
Pwerte an kullusay kusay...

Inano an hayahay
Duwa an kaubay ubay
Pag habo sa ukay
Duman sya sa dakulla an bonay

Herak man si Monay
Kinagat kagat na ni Papay
Pag-uli sa baray
Hahang-oton man ni Tatay

Ano baya an yaon sa buskay
Ta dai ka llamang magrikay
Ta kun dai madut-an, mahikay?
An iba, dai sana idamay

An nasabi ko na sana, hayyyyy
An gibo na bakong marahay
Dai nanggad iyan nagdadanay
Katapos taposi, baad masaw-od
mo "ay agoy tayyyy!!!"

Rigmat Send a message to learn more

16/07/2021

MISYU 'TAY❀️

Habang pinagdudugtong ko ang mga talata ng aking komposisyon
Ramdam ko ang pagdaloy ng samot saring emosyon
Sinasariwa, binabalikan, mga alaala ng kahapon
Naaalala ka, ngayong espesyal na okasyon.

Tanda ko ang bawat pag abang mo sa akin sa may pintuan
Tuwing hapon, galing sa opisina at oras ng uwian
Matapos magmano, ang sasabihin mo handa na ang hapunan
At ang malaking hiwa ng isda, sa akin sadya mong inilalaan.

Sa bawat seminars na aking dinadaluhan
Kung sa labas ng probinsya, sigurado ilang araw kitang maiiwan
Sa mga bibig mo, 'di ko man narinig ng tahasan
Ngunit sa bawat paghatid mo ng tanaw, mahinang "ingat ka" ay aking nararamdaman.

Ramdam at alam ko, that you have been proud of me
'Di ko man naibigay ang karangyaan, ngunit pilit mong inintindi
Hindi ka naghanap, kung ano ang meron, ang sabi mo sapat na at pwede
Salamat sa sakripisyo at pagmamahal, sa'yo wala akong masabi.

Ngayong wala ka na, ang aking panghihinayang at pagsisisi
Hindi man lang kita nadala sa McDo o sa Jollibee
At nang natikman mo sana ang chicken joy, hamburger at spaghetti
Pasensya ka na, sa lahat ng panahon na 'di kita naintindi.

Patawad sa aking mga pagpapasaway
Isinukli mo, pagmamahal na walang humpay
Buong buhay, sa amin ay inalay
Kasama si Mama, nawa'y patuloy ang inyong paggabay.

Isang tagay para sa'yo Tay...
πŸ₯Ί

Rigmat Send a message to learn more

16/07/2021

NANG MAPAGOD ANG SUKLAY AT GUNTING

Bukod sa minamahal na asawa at supling
Tangan sa tuwina ang kanyang suklay at gunting
At ang mga ito ang lagi n'yang kapiling
Hinahaplos, iniingatan at nilalambing

Sa mga kamay na di pasmado
Hinulma mo ang iba't ibang istilo
Iyong mga gawa, tunay na kakaiba at pulido
Suklay at gunting, salamat sa iyong serbisyo

Suklay at gunting, tuluyan nang magpapahinga
Kalawang sa gunting, hindi na maibsan ng mumurahing mantika
At ang suklay ay nanlilimahid sa itim na parang tinta
Suklay at gunting, napagod na, kailangan nang magpahinga.

Rest in Peace Fernando "Antoy" Benavidez
πŸ₯ΊπŸ’™

16/07/2021

ARAW-GABI

Sumulat ako ng awitin para sa'yo
Tanging ikaw, laman ng titik at tono
At bawat pagtipa ko sa mga tiklado
Madarama, pagtatangi at pagmamahal ko

Araw-gabi, ikaw lang ang awit ko
Binigyan ng kulay, nakababagot na mundo
Sa paggising sa umaga ay puno ng silakbo
At pagtulog sa gabi, ikaw ang nasa panaginip ko

Sa isang iglap, ang awit ko sa'yo, biglang naging sintunado
'Di magtugma ang melodiya at liriko nito
Nawalan ng kumpas, 'di mahanap ang tamang tempo
Nag iisang awitin, nalaos at biglang naglaho

Gabi at araw, araw-gabi,
Mamahalin, ikaw ang itinatangi
Ang mga araw na wala ka sa aking tabi
Maghihintay sa'yong pagbabalik, araw man o gabi.
🌞🌜❀️

Rigmat Send a message to learn more

16/07/2021

ARTISTA, DRAMA, PELIKULA

Hindi naman, pero kung umasta animo isa kang artista
Walang kamera, ngunit kung kani-kanino ibinabandera
At sa bawat pag usal ng salita, mga mata mo'y maluha luha
May paghikbi pang nalalaman, umaamot ng kanilang awa

Sa iyong mga kwento na hinabi at ginawa
Lihis sa katotohanan, pilit mong ipinapaunawa
Inosenteng tao naging kontrabida at kaawa-awa
Lubhang makamandag, nakabibighani mong mga salita

At sa pagtatapos ng iyong gawang pelikula
Na may kakatwang iskrip at gawa-gawang linya
Ang inakalang drama, sa kalaunan ay naging komedya
Ahhhh tunay nga, isa kang batikang artista.
πŸ™„

Rigmat Send a message to learn more

15/09/2020

Ako Lang Yata

Ako lang yata, ang umibig ng sobra sobra
Ibinigay ang lahat, para lang sya'y mapasaya
At kahit sa sarili ay wala nang itinira
Pati ang imposible ay ginawa para sa kanya

Ako lang yata, ang nagmahal ng sagad
Tanging kasiyahan nya ang lagi kong hinahangad
Sinungaling nyang pag-ibig, isa palang huwad
Ako'y umiintindi, nakalaan ang pagpapatawad

Ako lang yata, ang may pusong sinaktan, iniwang luhaan
Wagas na pag-ibig ay di man lang nasuklian
Masayang pinagsamahan tuluyan nyang kinalimutan
Ako ay nagparaya, ibinigay ang kanyang kalayaan

Hangal sa pag-ibig, ako lang yata...

10/09/2020

Doble Kara

Ano nga ba ang angking talino
Kasi di ka naman anito o santo
Ngunit may nagagawa kang milagro
Nakabibigla, kamangha mangha sa tao

Tara kaibigan, usap tayo
Ibulong mo sa akin, yung totoong kwento
Wag nang itago, tunay mong pagkatao
Kalimutan at iwaksi ang pagbabalat kayo

Ubod ka naman talaga ng walastik
Nangangamoy na ang pagiging plastik
Kapag lagim ay iyong ihinahasik
Ang itim na kulay, nagkukubli sa pulang lipistik

Wag kang kumilos at umasta
Animo ikaw ay kamiseta na bagong kula
Kung anong puti ang iyong ipinapakita
Nanlilimahid ka sa libag, baka hindi mo nakikita

08/09/2020

Sampu, Kung Bakit Ikaw

Unang beses pa lang ika'y nasilayan
Tibok ng dibdib, iba na ang naramdaman
Ahh ikaw nga ang aking pinakaaasam
Na papawi ng pusong sinaktan at iniwang luhaan

Dalawang beses man akong tanungin
Tanging ikaw lang ang aking p**iliin
Sapagkat isinisigaw ng damdamin
Ikaw ang mamahalin, aking sasambahin

Tatlong mapupulang rosas, di yan ang aking gusto
Sa tamis ng 'yong ngiti, buhay ko ay kumpleto
Aking napagtanto, totoo at sigurado
Sa piling mo, ako ay sasaya ng husto

Sa apat na sulok kung ako ay nasaan
Buksan ang dibdib, himayin ang nilalaman
Nang iyong malaman at masumpungan
Nakaukit doon, bukod tangi mong pangalan

Limang dipa man ang iyong layo
Puso ko'y mananatiling tapat sa'yo
Wagas na pag-ibig ang s'yang magtatagpo
Ng mga pusong wagas at totoo

Anim o ilang taon man ang agwat
Lagi at lagi kong ipagtatapat
Na ikaw lang ay tama na at sapat
Pagtatangi ko sa'yo ay walang kasukat

Pitong beses, ako man ay iyong saktan
Pitong beses din, ikaw ay aking babalikan
At ang tangi kong panghahawakan
Ang mga sandaling inialay mo sa akin ay kasiyahan

Nanamnamin ko ang bawat pagkakataon
Na para bang wala nang bukas at kahapon
Tanging mahalaga ay ang kasalukuyan, ang ngayon
Susubukang abutin lampas sa walong taon

Pagnilayan ang ika-siyam na dahilan
Pangako na ikaw lang magpakailanman
Buong buhay ko ay ibibigay at ilalaan
Sa'yo lang, maging sino ka man

Sampu o libu-libo mang rason
Di sasapat pag ito ay tinipon
Dahil ikaw lang sa lahat ng pagkakataon
Iibigin ngayon, bukas at sa lahat ng panahon

Bakit nga ba ikaw?

23/08/2020

Nang-aano Kayo Eh

Kun maraot an pagtaram nin totoo
Ta dai magustuhan nin ibang tawo
Ika, kaarog man sana nin sarong preso
Na daing kasal-an, sa rikod nin rehas ikinandado.

Ano an halaga kan satuyang mga mata
Kun bubuhayon kita na garu mga buta
An maraot na bagay na nahihiling ta
Palampason, pabayaan na sana???

Ano an gamit kan satong mga kimot
Kun an mga ini pirmi sanang kipot
Ta an pagtaram nin totoo, ikinakatakot
Mabubuhay na sanang silensyo? Iyo an sakuyang hapot

Igwa kitang duwang taringa, gamit sa pagdangog
Pero boot kan iba na magbinongog bongog
Ata baya pag bakong tama an sakong nadadangog
Rereparohon, tanganing maklaro an bagay na malabog

Kun habo mo nanggad na mareparo
Pagtoltol kan saimong mga ginigibo
Ta an mga saltong gibo o akto
Kun dai i-reparo, baad pangarogan pa nin ibang tawo

Iyo ini an dapat na tongkosan
Mas marinas pa na makolgan sa tampal nin katotoohan
Kaysa masilaman sa hapihap nin kabubuwaan
Tapos mauluyam sana iyan... πŸ˜‚βœŒοΈ

17/08/2020

Dimensyon

Sa gitna ng gabi...
Napukaw ang aking diwa
Mga alaala ay sinasariwa
Nakakatuwa, naluluha
Buong pusong inuunawa

Mulat ang mga mata
Imahinasyon ang nagdidikta
Puso at isip ang may likha
Sa obra na may wika at tugma

Obra, isang komposisyon
Pinanday ng ibat-ibang emosyon
Sa kisap-matang pagkakataon
Nalikha, liriko sa kakaibang dimensyon

Nailapag na ang pluma
Oras na ng pagpapahinga
Napapagal din ang diwa
At ang pusong tigib ng luha.

Ang gabi ay payapa...

16/08/2020

Isa... Dalawa... Tatlo

Sana pagbilang ko ng tatlo
Mahanap ko na ang aking gusto
Isang taong bubuo at kukumpleto
Ng puso kong dinurog ng husto

Ang tangi kong idinadalangin
Sa muling pag usbong ng wagas na damdamin
Buong pagkatao ko ay gugustuhin
Walang pag-aalinlangan, ako ay iibigin

Isa... Dalawa... Tatlo
Buo ang aking pagsusumamo
Kung ikaw na ang inilaan, wag nang magtago
Ikaw ay magiging akin, at ako ay sa'yo.

Isa... Dalawa... Tatlo
Handa ka na ba maging tayo?

15/08/2020

Be My Superman...

An kolog nin daghan na sakong inagihan
Nakataram ako na dai ko na poporbahan
Inano an hapdos, pag sarong tawo ika binayaan
Awat mapila an pusong nilugadan

Alagad kun yaon man sana an sarong Superman
Na dai ka ikasopog ipamidbid maski kisay man
Saimong pagmate asin boot siguradong iingatan
An paglaog sa relasyon, ngata ta dai otro porbahan

Superman, kun ika nanggad an magiging rason
Kan pagngorot ko nin sobrang mahamison
Rehistro kan pandok na pirmi sanang maogmahon
Superman, sa puso mo, ako logod palaogon

An hapot, will you be my Superman?
Dai ka magamo, daing dapat kahandalan
Ta an pagkamoot ko, daing kaarog, daing hanggan
Totoong ika sana, an laog kan sakong daghan

Be my Superman ❀️
β€οΈπŸ’™

15/08/2020

You're Still My Man

Ngata daw ta dai ka nanggad kayang ringwan
Dawa pa awat mo na akong binayaan
Kinolgan, hinubon, pati an puso ko nilugadan
Ano an yaon saimo? Ika pa man syempre an namomot-an

An mga memorya na saimong hinubon
Maogmang pag ibahan, nagripas man ang panahon
Daing kaarog, iyan pirmi kong girumdom
Solamente sakong daghan, iyo an makapag-osipon

Nakatatak pa sa sakuyang memorya
Maski dakula, alagad iyo an pinakamagayon na mata
An saimong pandok na moreno alagad namula mula
Pati ang ngabil mo na mas mayumhok pa sa makupa

Pirmi kong hangop hangop an saimong amyo
Nababasog kan itinatao na kakaibang samyo
Ika an gayuma na nagsaluhot sa sakong pagkatawo
Dai ka sanΓ  mahiling, an puso ko minadayuyo

Daing kaarog an saimong epekto
Natanyog ang puso na dating silensyo
An pag abot mo, nabag-o an itok kan kainab-an ko
Sa ngonyan na dai ka na sa kataid ko
Pigkukurahaw kan puso, ika pa man syempre an namomot-an ko

Iba ka man...

15/08/2020

Putol Putol Na Linya
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
Ito ang linyahan mo noon, "mahal naman kita"
Mga linyang naririnig ko lang sa salita
Na hindi mo man lang naipadama, naipakita
Sa mga gawang natutunghayan ng madla
At makukuntento na lang ako sa mga salitang pang makata?
Oo tumatagos naman pero kulang sa sustansya
Na kung nanamnamin parang may kulang na timpla
Ahhh yun nga, wagas na pagkalinga hindi mo ipinadama.
Sa bawat pagbigkas mo ng matatamis na salita
Parang inuugoy sa duyan habang nakikinig sa malamyos na musika
Ang mga titik ng kanta nanunuot sa'king mga tenga
Pero bakit parang may kulang pa
Hindi ko madama, may hinahanap ang puso kong aba.
Ang daming salita, kulang naman sa gawa
Ang daming salita, minsan nakakatuwa
Ang daming salita, di makita sa gawa
Ang daming salita, puso ko'y lumuluha
Ang daming salita, ibang-iba sa gawa πŸ₯Ί

15/08/2020

Sogot-Sogot Man Sana

Nabag-o an itok kan sakong kinab-an
Kan ika sakuyang namidbidan
Namate ko an dakulang kaogmahan
Na minasagom sa irarom kan sakong daghan

An sabi ko, iyo naman ini
Ta an pagpadaba mo sako nanggad labi labi
An saimong pagreparo kun aldaw man o banggi
Maski sisay man, huhunaon pagkamoot, iyo an masasabi

Gahararom an sakong namamatean
Marinas an klaro, boot ko nin kasimbagan
Kan ika sakuyang hapoton kan saimong katuyohan
An gabos, sogot sogot man sana paran

Ong kolog sa daghan
Sakong puso nilugadan
Naoripon sa kabubuwaan
Pobreng namomoot, dai naherakan...
πŸ˜”πŸ₯Ί

15/08/2020

Bubuwit

May kwento ang alaga kong bubuwit
Tawagin natin sya sa pangalang Pipit
Kahit pa sya ay ubod nang kulit
Ang totoo naman, sya ay kaakit akit.

Itong aking bubuwit, sa akin ay nagkwento
Naulinigan nya sa kalye, doon sa may kanto
Mula daw sa mga tambay, macho at gwapito
Ang sabi ni bubuwit, di daw nila ako gusto.

Tanong ko kay bubuwit, ano ang aking ginawa
May mali bang nasabi na hindi ikinatuwa
Sabihin lang sa akin at lubos na ipaunawa
Nang di ko masabi "pag batong matigas ang tumama, ang tamaan ay kaawa awa".

Sa kwento ni bubuwit, ako ay napahagalpak
Sa naging tinuran, ako'y naging sigurado at tumpak
Na kapag ang kidlat ay tumama ng swak na swak
Puso mo'y mabibiyak o baka nga mawasak.

Nagwasawas, nagtumisak!!! πŸ˜‚

15/08/2020

Lirikong Paos

Bulag, p**i at bingi
Boses at emosyon, tuluyan nang ikukubli?
Isang munting tinig, katotohanan ang sinabi
May iilang hindi mapakali, hindi naikubli...
Pakinggan ang mga sinasabi
Repleksyon, reyalidad ng nakararami
Hindi man tukuyin, humihingi ng pasintabi
Nagpupuyos na damdamin, supilin at magtimpi...
Magmumukmok na lang sa isang tabi?
At maririnig ang mahinang paghikbi
Dahil hindi maisigaw ng mga labi
Laman ng puso at isipan, isang obra na hinabi...
Di man hinangad ang mga pagtatangi
Palimos ng respeto, yan lang ang tanging hinihingi
Sa bawat pagbusal ng mga mata at labi
Maririnig ang paghikbi ngunit patuloy ang pagdaloy ng liriko na magbibigay ng tuwa at ngiti...
πŸ™ŠπŸ™ˆ

15/08/2020

"I Crush You, Sir"

Ang pagsagitsit ng tisa sa iyong pisara
Hatid nito sa tenga ay parang musika
At bawat pagbigkas mo ng mga salita
Nakatitig sa'yo, pilit itong inuunawa

Sa recitation ako man ay iyong tawagin
Walang kaba, buong puso kitang sasagutin
Dahil bawat oras na ako'y iyong kakausapin
Kilig ang nadarama ng pusong humahanga ng lihim.

Natutunaw ako ng iyong mga ngiti
At ang nararamdaman ay di ko mawari
Ang makita ka, inaasam ng puso ko palagi
I crush you na Sir, sigaw ng damdamin na di masabi ng labi.

Kung ako ay malasin at di man tuluyang palarin
Ako'y mangulelat at bumagsak sa iyong mga aralin
Sa susunod na taon, muli magkikita pa rin
Wala ibang titser, ikaw pa rin ang gugustuhin

I crush you Sir... πŸ§‘β€πŸ«

15/08/2020

Subok 🀞

Ano itong nararamdaman
Para bang kinakabahan
Gusto ko mang subukan
Takot naman ang kalaban
Ayoko nang maranasan
Damdami'y muling masaktan
Sa pag usbong ng kapusukan
Kalaunan ay iiwan lang...

15/08/2020

KAPALARAN πŸ¦‹

Kawangis ng paru parong lumilipad
Sa dako pa roon ako ay napadpad
Na ang tanging hiling at hinahangad
Wagas na pag-ibig ang ilalahad
Yaong tunay at hindi huwad
Nag-iisa at walang katulad...

Ano ang sinasabi ng aking palad???

15/08/2020

BALANSE??? βš–οΈ

Sa paraisong parisukat
Kung saan ako ay namulat
Hindi man ito ihayag o isiwalat
Kusa namang sumasambulat
Ang katotohanang nagdudumilat
Na hindi talino at kakayahan ang sinusukat
Kundi katanyagan at pagiging sikat
Yaong mga dini-Diyos ng lahat
Kamukat mukat sya ang iniaangat
Karunungang walang hanggan ang sukat
Isinasantabi, walang halaga - animo basurang nakakalat.
πŸ™ˆ

15/08/2020

Diverseness

Napadpad ako sa isang lugar na ang tawag nila ay opisina
At sari saring mukha ang aking nakita't nakasalamuha
May empleyadong hindi magkandaugaga
At meron din namang nakatunganga.
May empleyadong ang daming ginagawa
At meron din namang nakahilata, sa kisame nakatingala
May empleyadong nakasanayan na ang pamumuna
Pero hindi makita ang dumi sa sariling mukha.
May empleyadong sumasahod ng batya batya
Pero walang makita sa kanyang mga gawa
Kung gaano kalaki ang kanyang sahod at kinikita
Ang kanyang ginagawa ay hindi naman umaalagwa.
May mga empleyado namang mas masahol pa sa isang alila
Na kung tratuhin ng iba ay parang dukha
Ang kababaan ng tao ay ipinapamukha
Nakahahabag, lubhang kaawa awa.
May mga empleyadong pabibo at pabida
Dahil kulang ang maipapakita,
Dadaanin sa paninipsip na parang linta
Kahit pwet ng iba, didilaan na parang tuta
Ayyy nakakaawang manggagawa.
May mga empleyadong ginawang pasyalan ang opisina
Sa lamig ng aircon, sa libreng internet connection, oo nga naman malaking ginhawa
Facebook at youtube, buong araw kaulayaw sa harap ng mesa
Pagsapit ng alas singko, sa biometrics sya pa ang nangunguna sa pila.

Hoy! Ikaw na isang manggagawa
Balikan mo ang mga talata sa iyong Panunumpa
Basahin, suriing mabuti, sa sarili ipaunawa
Baka nakalimutan ang mga responsibilidad na dapat mong ginagawa
Ang isang manggagawa, dapat tapat sa Diyos, sa sarili at sa bansa.

Ako ay isang manggagawa!!!

15/08/2020

β€οΈπŸ–€πŸ§‘πŸ€ŽπŸ’›πŸ’œπŸ’šπŸ’™
Siguro nga masarap ang pag-ibig na walang kasarian,
Pag aalay ng totoo at walang pag aalinlangan,
Tatanggapin ng buo, puno ng katapatan,
At ang lahat ay sasapat bunga ng taos pusong pagmamahalan.
Babae, lalaki at ako, walang pagkakaiba pag nagmamahal,
Hahamakin ang lahat at kahit ano ay handang isugal,
Ngunit sa mapanghusgang mundo, ang mga oras ay kay bagal,
Pag ibig na walang kasarian, kung tignan sa lipunan ay isang malaking sampal.
Ako ay ako, dahil yan ang ako
Nagmahal lang naman at nagpakatotoo
Bakit kay hirap nang pagtanggap ng tao
Pag ibig na walang kasarian, kulayan mo ako.
β€οΈπŸ–€πŸ§‘πŸ€ŽπŸ’›πŸ’œπŸ’šπŸ’™

Telephone

Website