Defend NCR

DEFEND NATIONAL CAPITAL REGION

21/07/2024

BBM, SINGILIN! DUTERTE, PANAGUTIN!

Sa Bagong Pilipinas ni Marcos Jr., patuloy ang paglala ng buhay ng karaniwang mamamayan.

Luma at lumalalang problema lang ang legasiyang maipagmamalaki ng pasistang rehimeng US-Marcos II sa mamamayang Pilipino. Sa National Capital Region, nananatiling busabos ang ordinaryong mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo publiko. Insulto pa ang 35 pisong dagdag pasahod para sa mga manggagawang kumikita ng minimum wage, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tinutugunan sa kahilingan nilang nakabubuhay na sahod at katiyakan sa trabaho. Laganap pa rin ang kawalan ng trabaho at malawakang tanggalan sa mga pagawaan. Patuloy na sinisikil ang militante at makabayang unyonismo sa kabila ng pagsiklab na kampanya ng mga manggagawa para kilalanin ang kanilang karapatan.

Nandyan din ang kapabayaan ng rehimeng Marcos Jr. sa kapabayaan nito para matuluyan ang pagpapatupad sa huwad na jeepney modernization program na kung saan libu-libong mamamayang Pilipino ang nawalan ng hanap buhay ngunit wala naman alternatibong binigay ang rehimeng Marcos.

Sa Bagong Pilipinas ni Marcos Jr., Bagong Porma ng pasismo ang inihahasik sa mga inosenteng sibilyan.

Walang pakundangang inapakan ng rehimeng US-Marcos Jr. ang karapatang pantao ng ordinaryong mamamayan. Perwisyo at pangamba lang ang hinatid ng 11th at 12th Civil Military Operation ng Armed Forces of the Philippines sa mga komunidad sa Kamaynilaan. Laganap pa rin red-tagging ng NTF-ELCAC sa mga sosyo-sibikong organisasyon at pang-masang organisasyon sa kabila ng pagkilala ng Korte Suprema sa peligrong dulot ng red-tagging sa buhay ng isang indibidwal. Mailap pa rin ang hustisya para sa mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Hanggang ngayon hindi pa rin nakakalaya ang mga iligal na inarestong lider-manggagawa at mga organisador na sina Romina Astudillo, Mark Ryan Cruz, Joel Demate, Bob Reyes, Jaymie Gregorio, at Renante Gamara.

Sa Bagong Pilipinas ni Marcos Jr., Bulag na Pangangayupapa ang tugon ng rehimen sa tumitinding sigalot sa teritoryo ng Pilipinas.

Bahag ang buntot ng papet na si Marcos Jr kaugnay sa namumuong tensyon sa West Philippine Sea. Labis na pagpapakatutang sinusunod ng rehimen ang udyok ng hayok-sa-digmang imperyalistang US na banggain ang China kaugnay sa usapin ng pambansang soberanya. Mabulaklak man ang buladas ni Marcos Jr. sa media kaugnay sa pagpoprotekta sa soberanya sa bansa, walang kaabog-abog naman nitong ipinapatupad ang mga sikretong usapan sa mga bansang alyado ng utak-pulburang imperyalistang US tulad ng Japan. Dito, napagkasunduan ang pagkakaroon ng Reciprocal Access Agreement (RAA). Sa esensya, pinahihintulutan nito ang mga sundalo ng Japan na lumahok sa military exercises sa Pilipinas, walang pinagkaiba sa kasuklam-suklam na Visiting Forces Agreement (VFA). Bukod pa rito, mapang-upat pang ibinalandra ng rehimen ang 12,000 libong sundalong Amerikano at Pilipino sa pinakamalaking Balikatan Exercises at ang apat na panibagong base-militar para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Puros buladas at yabang, hindi nakapagtatakang ang rehimeng Marcos Jr na mismo ang isa sa magpapaliyab sa mitsa ng tumitinding tensyon sa pagitan ng imperyalismong US at China habang sinasangkalan ang buhay ng higit 110 milyong Pilipinong nagdarahop.

Sa Bagong Pilipinas ni Marcos Jr., Bulok na Politika pa rin namamayani sa bansa!

Bangayan at kampihan ang nangingibabaw sa pagkabuwag ng tambalang Marcos-Duterte. Kasabay ang rigodon ng mga kakampi at kaaway sa loob ng reaksyunaryong gubyerno, nananatiling bulok ang politikang umiiral sa bansa. Walang pagbabagong dulot ang dala ng sigalot ng dalawang sinungaling, pasista, at kawatang na sina Marcos at Duterte sa bansa. Hindi na maloloko ng kahit anong pakulo ng rehimen ang mamamayang Pilipinong dalawang taon nang nagtitiis sa inutil at pahirap na rehimen.

Sa ikatlong State of the Nation Address ni Marcos Jr., magmamartsa ang mamamayan ng Kamaynilaan upang singilin ang rehimen sa humahaba nitong kasalanan sa mamamayan! Walang Bagong Pilipinas na makakamtan sa loob ng nagnanaknak na reaksyunaryong rehimeng US-Marcos! Magmartsa laban sa pabaya, pahirap, at pasistang rehimeng US-Marcos Jr! Ipaglaban ang batayang karapatan! Makibaka para sa pambansang demokrasya!

20/07/2024

HAPPENING NOW:

Defend NCR is holding a press conference at U.P. Student Union Building to condemn the state-initiated attacks led by the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) on the people residing in the National Capital Region (NCR).

The president of the Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour Centre (UHMC), Francisco Manaog, exposed the Oath of Allegiance - Pledge of Commitment (OOA-PC) which is a program by the 11th and 12th Civil-Military Operations (CMO) Battalions to force the local citizens to fake surrender as members of the Communist Party of the Philippines (CPP) in exchange for little food and financial assistance.

He said, "Hindi ito [OOA-PC] pagtulong bagkus ito ay nakakalikha ng takot sa mamamayan. Hindi naman solusyon at makakaaahon ang mamamayan kapag sila ay nag-surrender. Hindi mababago ang buhay mo bagkus ay mapapahamak ang buhay mo."

Photos from Defend NCR's post 19/07/2024

HAPPENING NOW:

A protest was held with progressive organizations and human rights networks to condemn the harassment, intimidation and forced surrender of the 11th CMO and 12th CMO in neighboring cities, especially in Manila.

DEFEND NCR continues to call for the banishment of the military from the community and Junk the Anti-Terror Law!

03/10/2023

Surface Peter "Jimby" Del Monte Jr., Job Abednego David and Alia Encela!

Ayon sa Karapatan - Southern Tagalog tatlong kabataang Indigenous People’s Right Advocates na sina Peter "Jimby" Del Monte Jr., Job Abednego David and Alia Encela ang dinakip ng mga elemento ng 4th Infantry Battalion sa ilalim ng 203rd Infantry Brigade, Philippine Army sa Sitio Malaglag, Barangay Lisap, Bongabong, probinsya ng Oriental Mindoro.

Huling namataan ang tatlo noong September 19 sa Brgy. Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro habang nagiimbestiga sa mga insidente ng pambobobomba, panganganyon at paglabag sa karapatang pantao ng 203rd IBde laban sa mga magsasaka sa lugar.

Hindi na bago ang pagdukot ng mga kapulisan at militar sa mga aktibista at nagsusulong ng karapatang pantao. Nitong Setyembre lamang ay naging laman ng balita ang pagsisiwalat ng dalawang environmental defenders na sina Jonila Castro at Jhed Tamano na sila ay dinukot ng militar habang ipinalabas ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na sila ay mga surrenderees.

Panawagan ng Karapatan - National Capital Region ang agarang pagpapalitaw sa tatlo. Dapat kilalanin ng 4th Infantry Battalion ang mga batayang karapatan ng tatlong Indigenous People’s Right Advocates.

Photos from Karapatan National Capital Region's post 10/09/2023
06/09/2023

SINO SI JOEL DEMATE?

Isang mahusay na ama sa kanyang mga anak at organisador sa mga manggagawa si Joel Demate.

Nagsimula na maorganisa noong 1980s si Joel Demate noong siya ay isang sales clerk sa Shoe World, isang department store. Naorganisa at naging organisador ng Young Christian Workers (YCW), sinikap niyang maabot ang iba’t iba pang mga pagawaan at pabrika. Sa lubha ng pagsasamantala sa mga manggagawa na kanyang nasaksihan, nagpatuloy siya at nagpasyang magfulltime sa pagoorganisa ng kanyang kapwa mga manggagawa at kumilos ng ilang taon sa ilalim ng organisasyong Young Christian Workers (YCW).

Noong 2004, isa siya sa nagtatag ng Solidarity for Labor and Rights Welfare (SOLAR), samahan ng mga labor unions sa Muntinlupa, Taguig, Parañaque, Pasay, at marami pang iba. Nakatulong siya at ang SOLAR sa mga pakikibaka ng mga manggagawa ng FTI, Laws Garments, Triumph international at iba pa.

Pansamantalang tumigil sa pagkilos dahil sa sakit na emphysema ngunit nagpatuloy muli at paunti-unting tumulong sa mga kampanya ng mga manggagawa.

2016 ay naging bahagi sa muling pagkakatatag ng SOLAR at malaki ang kanyang naitulong sa mga laban ng mga manggagawa ng Advan Shoes at South Supermarket. Tumulong rin siya sa pagtatagumpay ng Collective Bargain Agreement (CBA) sa pagitan ng kampo ng manggagawa ng Pepsi at management ng kumpanya.

Iligal na inaresto si Joel Demate, kasama ng amin na unionista at isang mamamahayag noong December 10, 2020, Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao. Tinaniman ng mga pekeng edibensiya tulad ng baril at bomba, at pinatawan ng gawa-gawang kaso.

Sa mahabang rekord ng pagkilos ni Joel Demate, hindi maitatanggi ang kanyang ambag para sa pagsusulong ng karapatan at kagalingan ng mga manggagawa. Sa nakaraang administrasyon, niratsada ang pagpasa ng Anti-Terror Law at hanggang ngayong bagong administrasyon ginagamit ito sa mga manggagawang makabayan katulad ni Joel Demate. Patuloy nating ipanawagan ang pagpapalaya para kay Joel Demate at sa lahat ng bilanggong pulitikal!

05/09/2023

SINO SI JUAN ALEXANDER “BOB” REYES?

Si Bob Reyes ay hinuli ng limang nakasibilyan na kalalakihan noong ikalawa ng Hunyo, taong 2018, alas-tres ng hapon sa Barangay San Antonio, Quezon City. Isinakay siya sa SUV na may plakang ABB9926 at dinala sa Criminal Investigationn and Detention Group – NCR sa loob ng Camp Crame sa Quezon City. Sinampahan siya ng kasong Arson sa Agusan Del Sur at illegal possession of fi****ms. Pinakilala ng mga awtoridad si Reyes bilang miyembro ng New People's Army at pinaghihinalaang miyembro ng National Organization Division of the Communist Party of the Philippines.

Ang ginawa kay Reyes ay isang porma ng panunupil sa karapatang pantao ng mga unyonista at mga manggagawang pilipino, ang unyonismo ay hindi isang krimen o isang anyo ng terorismo. Ang pangyayaring ito ay isang pagpapakita ng paniniil at pasismo ng gobyerno.

Silang mga bilanggong politikal, mga tunay na naglilingkod sa bayan, tagapagtaguyod ng kapayapaan at karapatan ng maralita ay pilit na binubusalan ng pasistang estado. Ngunit, katawan lang nila ang nakapiit, hindi ang diwa nilang makabayan.

Wala pa mang Anti Terror Law, matindi na ang paglabag sa karapatang pantao. Ngayong may Anti Terror Law, walang ginawa ng estado kundi gamitin at supilin ang mga kritiko ng estado at mamamayang lumalaban para sa panlipunang pagbabago. Patuloy nating ipanagawan na palayain si Bob Reyes at lahat ng bilanggong pulitikal!

Photos from Defend NCR's post 27/07/2023

TIGNAN: ACQUITTED o pinawalang sala ng RTC Manila ang kaso ng TONDO 3 na sina Ram Carlo Bautista, Alma Moran at Reina Mae Nasino sa mga gawa-gawang kaso kung saan ay nakulong ng tatlong taon mahigit ang mga ito sa ilalim ng EO70 ni Dating Pangulong Duterte.

📷NUPL

Photos from Defend NCR's post 24/07/2023

PEOPLE'S SONA 2023

Nagtipon-tipon ang iba't ibang mga progresibong organisasyon at samahan upang bitbitin ang mga panawagan para sa Ikalawang SONA ng administrasyong Marcos Jr.

Bitbit ng iba't ibang sektor ang kanilang mga panawagan tulad ng Sahod, Trabaho, Kabuhayan,Pabahay, Edukasyon, Karapatang Pantao, at Pambansang Soberanya upang igiit na bigyang prayoridad ang mga ito sa panahon na tumitindi ang krisis sa ekonomiya at paglala ng kahirapan at kagutuman

Sa ikalawang SONA nito ay makikitang kulang at mga panapal lamang ang mga nilatag na mga programa at plataporma, kaya naman ang hatol ng Sambayanan ay PALPAK ang unang taon ng Administrasyong Marcos Jr.

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

METRO
Manila
Other Non-Governmental Organizations (NGOs) in Manila (show all)
LARONG PINOY - LARO NG LAHI LARONG PINOY - LARO NG LAHI
Manila, 1500

Magna Kultura Foundation is an education-for-development advocating he revival of Larong Pinoy as a way to foster appreciation of Filipino culture among the new generation of Filip...

Manila Downtown YMCA Youth Club Manila Downtown YMCA Youth Club
945 Sabino Padilla Street
Manila

Empowering Chinoy student-leaders for service, excellence, and nation-building since 1995.

菲華文經總會 Filipino Chinese Cultural & Economic Association 菲華文經總會 Filipino Chinese Cultural & Economic Association
820 Benavidez Street
Manila, 1014

中國國民黨駐菲律濱總支部促進僑社團結,發揮僑胞力量,宏揚三民主義,?

Pilipinas Ngayon Emergency Rescue UnitSampaloc Manila Pilipinas Ngayon Emergency Rescue UnitSampaloc Manila
Manila

Emergency Medical Responder Group

Rotary Club of Amazing Manila Rotary Club of Amazing Manila
4D Palace Studios Condo. 301 Kapilya Street San Miguel Manila
Manila, 1005

We provide humanitarian service, promote integrity, goodwill & peace. A catalyst for positive change.

Small Town Luck Small Town Luck
571 Shaw Boulevard, Mandaluyong
Manila, 1550

Small Town Luck is the Official Online Authorized Agent Corporation (AAC) of PCSO-STL

BBM Tigers Qc Chapters BBM Tigers Qc Chapters
Quezon City Ph
Manila, 1119

Bagong Bansa Maharlikan Tigers layunin po ng aming grupo ang makatulong po sa ating pamahalaan

KAYA ng Tondo KAYA ng Tondo
Manila

Volunteer arm ng Kabataan Partylist sa Tondo, Maynila. Layunin ang katuwangin ang mga kabataan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga kampanya na tutugon sa mga pangangailangan ng ko...

CAMP SPARK CAMP SPARK
Manila

Creating Connections and Building Sparknerships towards finding a more sustainable and brighter futu

MMTF - Mata Ng Masa Task Force - Sampaloc Manila Chapter MMTF - Mata Ng Masa Task Force - Sampaloc Manila Chapter
Sampaloc
Manila, 1008

MMTF- Manila, Sampaloc MATA NG MASA TASK FORCE This organization is strongly committed towards human rights, sustainable development and consistent justice, it promotes transpare...

Christian Care Foundation Christian Care Foundation
Los Angeles
Manila

The Christian Care Foundation is Humanitarian Activities and we have so many Programs to all Childrens and Adult. Feeding Program,Paligo Project, Educational Program, Help Medicin...

AICR- Philippines AICR- Philippines
Manila, 4103

The 17th Section of AICR (Amicale Internationale des Sous Directeurs et Chefs de Réception des Grand Hôtels) -AICR-Philippines. International Association fo...