Fact Check Bicolandia
Fact Check Bicolandia is a coalition of independent groups and individuals with one common goal---to
Pabaya ba ang Provincial Government ng Camarines Sur sa Covid-19 Response?
Kung pagbabasehan ang data ng Department of Health, makikita dito na may pinakamalaking kaso ng Covid-19 sa Camarines Sur kung ikukumpura sa iba pang mga lalawigan sa Bicol Region.
Habang ang mga Villafuerte gaya ni Gov. Migz Villafuerte ay umiikot na sa pangangampanya; labing-isa (11) na kaso ng Delta Variant ang nakapasok na sa Camarines Sur.
Dahilan rin ng paghigpit ng border ng Albay, Sorsogon at Camarines Norte ang walang tiwala ng mga lalawigan na ito sa pamumuno ni Gov. Migz Villafuerte upang malabanan ang Covid-19 na makapasok sa Bicol Region.
Kung mapapanood sa TV at mapapakinggan sa Radyo maging sa mga post sa social media ni Rep. Lray Villafuerte ay makikita ang pag-aakusa nito sa mga politiko sa Camarines Sur ng katiwalian.
Subalit ang lahat ng mga inaakusahan ni Cong. Lray ay hindi kailanman nakasuhan at hinatulan ng anumang korte o maging ang Ombudsman.
Sa katunayan, Si Cong. Lray Villafuerte ang may history ng katiwalian at pagnanakaw ng kaban ng bayan.
Ito ay ayon sa hatol ng Office of the Ombudsman na suspension kay Cong. Lray.
Basahin ang buong hatol kay Cong. Lray mula sa Official Website ng Office of the Ombudsman:https://www.ombudsman.gov.ph/docs/05%20SB%20Decisions/SB-18-CRM-0406-People-of-the-Phils-vs-Luis-Raymund-Villafuerte-Jr-et-al.pdf
Narito rin ang naisulat na balita ng kanyang suspension ng ibat-ibang sikat at kilalang news agencies sa bansa:
ABS-CBN:
https://news.abs-cbn.com/news/09/09/16/sandiganbayan-suspends-lray-villafuerte-over-graft
GMA 7:
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/684953/camarines-sur-rep-lray-villafuerte-to-serve-90-day-suspension/story/
Inquirer :
https://newsinfo.inquirer.net/814199/camsur-rep-villafuerte-suspended-for-90-days-over-graft-case
Manila Times :
https://www.manilatimes.net/2016/09/14/latest-stories/breakingnews/house-wont-suspend-2-members-facing-graft-raps/285761
Philippine News Agency:
https://www.pna.gov.ph/articles/1024860
Mayroon bang Seal of Good Local Governance ang Camarines Sur
sa pamumuno ni Gov. Migz Villafuerte?
FACT CHECK :
Taliwas sa mga tarpulin sa mga bayan-bayan sa lalawigan ng Camarines Sur at maging na rin sa makikita sa larawan sa isang pagpupulong na dinaluhan ni Gov. Migz Villafuerte, WALANG IBINIBIGAY NA Seal of Good Local Governance o SGLG Award kay Gov. Migz Villafuerte o sa Provincial Government ng Camarines Sur.
Ayon sa ating pagsisiyat na wala ni anumang parangal ang ibinigay ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa Provincial Government ng lalawigan at kay Gov. Migz Villafuerte.
Ang Seal of Good Local Governance Award ay isang parangal na ibinibigay sa isang local government mula sa DILG na nagpapatunay ng TAPAT na SERBISYO sa taong bayan na nasasakupan. Ito rin ang pinakamataas na parangal na maaring matanggap ng isang lokal na gobyerno.
Alamin ang totoo, magsiyasat, i-like at i-share ang Fact Check Bicolandia.
Totoo ba na walang naipatayong Public Hospital ang mga Alfelor sa Iriga City?
FALSE CLAIM :
“Explain mo (Madel) sa mga taga-Iriga Bakit Iriga City lang sa buong Bicol ang walang public hospital????” ani 2nd District Representative Lray Villafurte sa kanyang post sa Facebook.
FACT CHECK :
Ang Iriga City ay matagal nang merong Public Hospital na ipinatayo ni noon ay Congressman Ciriaco Alfelor ama ni Mayor Madel Alfelor ng Iriga.
Subalit ang pamamahala nito ay kinuha ni noon ay Governor Luis
Villafuerte . At sa panahon ni noon ay Governor Lray Villafuerte ay inalis ang budget dito hanggang sa magsara ang public hospital ng Iriga City sa San Ramon sa pamamahala ng mga Villafuerte.
Maging mapanuri, alamin ang totoo. I-Like at I-Share ang Fact Check Bicolandia.
Si VP Leni Robredo ba ay hindi pwede tumakbong Gobernador dahil siya ay taga-Naga?
Nailabas sa mga balita kahapon na ayon kay Rep. Lray Villafuerte ng 2nd District ng Camarines Sur na hindi maaaring tumakbo na Gobernador ng probinsya ng Camarines Sur dahil siya ay taga-Naga. Tama ba ang opinyon ng kongresista?
FACT CHECK :
Kung pagbabasehan ang Section 89 ng Republic Act 305 o Naga City Charter nakasaad dito na "Sec. 89. Participation of voters in provincial elections. – The qualified voters of the City shall not be entitled to vote in any election for the offices of Provincial Governor and Members of the Provincial Board of Camarines Sur: Provided, however, That any of such qualified voters can be a candidate for any provincial office."
Ibig sabihin ang sinoman na kwalipikadong botante ng lungsod ng Naga ay hindi maaaring bumoto sa anumang posisyon sa ilalim ng probinsya ng Camarines Sur gaya ng Governor, Vice Governor at Board Members; Subalit, datapwat, ang isang kwalipikadong botante ay maaaring kumandidato ng anumang posisyon sa probinsya.
Alamin ang totoo, magsiyasat, i-like at i-share ang ating page para sa mas marami pang FACT CHECK sa Bicolandia.
Covid-19 Distribution in Bicol Region as of June 22, 2021
Source : https://www.facebook.com/dohbicol/photos/pcb.4379125822110734/4379124618777521
ARAMON ANG TOTOO | Ini an social media page na malaban sa mga nagluluwas na fake news.
Kung gusto mong maisihan an matuod na bareta o istorya, mag-Like and Follow na.