TeachCare

TeachCare

TeachCare provides DepEd News Updates and Free Learning Resources/Materials. We share because we care.

01/12/2022

Hindi ako nakakatuwa.
Pero minsan nakakatawa.
Hindi ako yung tipo ng g**o na babatiin mo ng "good morning or good afternoon" wala kasing nakakatuwa sakin.
Madalas real talk ang inaabot nila sakin. Ayaw nila sakin kasi nagsasabi ako ng totoo. Ayaw nila kasi masakit yung totoo.
Today, 2 beses ako nabangga ng studyante. Isa galing sa BAP at isa galing sa ABM. Hindi dahil nakaharang ako kundi dahil wala silang pake kung sino ang tatamaan nila habang naglalakad sila. I never heard an apology. Ayos lang. Kasi teacher ako.. Matured adult na may training at may kakayahang umunawa.
Hindi ako nakakatuwa. Madalas late ako ng 10 to 15 minutes sa klase ko. Andami kasing late or overbreak pag recess. Nangangarap ako na pagdating ko sa klase handa na silang mag aral. Ang nakakaiyak pag pasok mo palang may nag papaalam na na iihi daw. Kahit yung 20 minute break ay ginawa ko ng 35 minutes. Consistent ito. Araw araw walang pumpalya... Pero pinapayagan ko. Bakit? Baka maiihi tlaga. Wag lang sana babalik na may itlog or turon na dala.
Kanina. Pasahan ng assignment. Nagpasa na lahat. After 2hrs and 20 mins may nagpapasa nakalimutan daw nya ipasa. Khit 1hr and 10 mins ako sa classroom nila at nakikita nya na nagpapasa na lahat. Tinanggap ko pa din. Kunwari naniniwala ako na talagang nakalimutan nya. Sa lagay na yun... Wala pa yung "thank you sir" na para bang kasalanan ko pa kaya ndi nya napasa. Ayos lang...
Kanina. Nagchecheck ako. 3 papel ang may pare parehas na content sa kabila ng pagkakaiba ng outline nila. Partida pati mali nila sa spelling at choice of words parehas. Tinanggap ko. Nilagyan ko ng grade. Pero pinagdikit dikit ko. Again. I never heard a single "SORRY". Ayos lang. Ang importante maalala nila na nagbabasa ako ng output. Kahit 250 papers pa iyan lalagyan ko ng comment iyan kasi nga binabasa ko.
Kaya ayaw nila sakin. Kasi ginagawa ko yung trabaho ko.
Nakakatawa ako. Kasi akala nila ok lang lahat yun. Nakakatawa ako sa paningin nila sa pag aakalang nakakalusot ang lahat. Na ayos lang ang lahat.
pag nasabihan mbilis pang sumama ang loob. Samantalang ako... Sa araw lang na ito quota na... Nakangiti pa. šŸ˜‚šŸ¤£
Hindi ako nakakatuwa.
Pero minsan nakakatawa
End of my TEDTALKšŸ¤£šŸ˜‚
Ā© Sir Roy Discutido

24/11/2022

Tigil tigilan neo ng mga g**o.šŸ˜…Hayaan neo sila magsituro..hindi na classroom teacher eh seminar teacher na.
ctto

22/11/2022

CLASSROOM OBSERVATION BE LIKE....

21/11/2022

You don't have to be a perfect teacher. You just have to care for your students and help them love learning and value education.

20/11/2022

Hmmm...Wake up!

18/11/2022

May sahod na:
40%- Bayarin
60%- Bayarin pa rin pinaghiwalay ko lang para hindi masyado malaki. ctto

14/11/2022

13TH MONTH PAY IS WAVING!!!

Use your 13th month pay wisely.. šŸ˜Š

13/11/2022

Ano ang balak mong gawin sa 13th month pay at cash gift mo?

06/11/2022

Lahat ba naka unfriend na sa mga estudyante nila? šŸ˜…
ctto

05/11/2022

Sana sinama sa DepEd Order No. 49 s2022 na wag mag text, mag call at mag chat ang mga school head na may ipapagawang report sa gabi, sa weekend at holiday.

02/11/2022

Describe your SCHOOL PRINCIPAL using a song title.
šŸ„¹

01/11/2022

Paalala: Di po monday bukas!
ctto

31/10/2022

HEARTBREAKING
Since the first day I started teaching, I always see to it that I was able to effectively deliver the lessons to my students in the best way I can.
I even purchased my own projector set and an audio equipment to put forward the lectures more clearly, because students learn best visually coupled with the aid of sounds.
I also painstakingly prepare powerpoint lessons even if it takes me until midnight so that learners would swiftly grasp the topics.
In class, I explain the lessons repeatedly, till my voice is already hoarse, for everyone to understand it lucidly. I likewise upload every powerpoint presentation in our GC so they can be easily downloaded by my pupils.
But it seems all my efforts were all futile, because most students donā€™t even bother to study their lessons.
They would rather play online games, watch their k-pop idols or indulge in senseless chats instead of focusing on their studies.
Oftentimes I ask myself if learners really value their education?
Even prior to an important test, they are not even worried and donā€™t have the sense of urgency to open their notes and browse over their lectures. Getting low scores on tests and receiving low grades seem acceptable to them and Not a cause of concern.
Lack of class discipline and respect for their teachers is similarly very evident. Cheating and absence of values is also noticeable.
As I was checking the pre-tests and quarterly tests, I canā€™t help but feel heartbroken due to the low scores that some students got. Itā€™s as if I had done nothing to teach them. Itā€™s like they haven't learned a thing even though Iā€™ve exhausted all means to educate them.
Students' poor tests scores is Not a reflection of Teachers' performance but rather a manifestation of the former's irresponsibility, laziness and dearth in interest to learn.
Education is a two-way process, Teachers canā€™t do it alone. Students must also do their part for meaningful learning to take place.

CTTO

30/10/2022

Teachers are considered to be the Noblest Profession,
yet treated as the Most Neglected One!

26/10/2022

PTPA:

Bakit daw noong unang panahon, kahit wala pa ang RPMS-PPSTe na yan, magagaling at matatalino tapos marespeto pa ang mga bata? Pero simula nang pahirapan ang mga g**o sa mga assessment instruments na yan, mas nakatuon na lang ang mga g**o sa "pagpapaganda" ng ratings imbes na maturuan ang mga bata. Dagdag pa ang differentiated instruction na isang uri ng diskriminasyon sa mga kabataan. Ang diskriminasyon sa Social Science ang isa sa pinakamalalang patakarang panlipunan, direkta man o hindi, na kinasasadlakan ng sangkatauhan.
Sa mga g**o na nagnanais na alisin na ang RPMS-PPSTe, maaaring tumulong sa pagsasagawa ng Research patungkol sa mga sumusunod:
1. Epekto ng RPMS ratings sa grado ng mga bata (patunayan na walang kinalaman ang RPMS rating sa grado o test outcomes ng mga estudyante)
2. Epekto ng RPMS sa kalusugang mental at pisikal ng mga g**o (patunayan na nakadaragdag ng stress at depression o pagkakaroon ng mga sakit ang RPMS sa mga kaguruan)
3. Epekto ng RPMS sa kabuuang kalagayan ng edukasyon ng Pilipinas (patunayan na imbes na umangat ay patuloy pang bumaba ang kalagayan ng edukasyon sa Pilipinas.)
Maraming indicator ang pwedeng tingnan. Mas maganda kung may control variables at statistical techniques na gagamitin katulad ng ANOVA, ANCOVA at Regression analysis. Matutulungan ko kayo.
Sa huli, alalahanin natin si G*t Jose Rizal na mas pinahalagahan ang karunungan ng kabataan kaysa sa kaimbabawan ng mga awtoridad.

CTTO

25/10/2022

'WALA KANG BINABASTOS AT IPINAHIHIYA PERO ITO ANG SUKLIā€™
Viral ngayon ang Facebook post ng isang g**o na nananawagan sa mga magulang na makipagtulungan sa pagdisiplina sa kanilang mga anak, kasunod ng mistulang kawalang respeto at pambabalewala ng isang estudyante sa kanilang mga teachers.

25/10/2022

#1 Rule: Don't backstab your co-teacher in secret group chat kung ayaw mong ma-screenshot.

22/10/2022

Ang teacher, tutulungan ka sa abot ng kanyang makakaya para pumasa ka. Pero sana rin tulungan mo ang sarili mo. Mag-effort ka!

16/10/2022

Being called "anak" by your teacher is so sweet.
"Anak bagsak ka"

14/10/2022

Official Schedule of 1st Quarter Examination in all Public Schools (SY 2022-2023)
October 27 - 28, 2022 | First Quarter Examination
November 5, 2022 | End of First Quarter
November 7, 2022 | Start of Second Quarter

Source: DepEd Order No. 34, s. 2022

10/10/2022

Dear DepEd,

Pag-isipan po ninyo ang ganitong type ng upuan. This would greatly help our students to go to school w/ ease since they don't need to carry ALL of their stuff. In addition, it could maximize the space in a classroom. Thank you and mabuhay! ~Titser PJ

*credits po sa owner ng pic

Photos from TeachCare's post 05/10/2022

Pikas section: Among section:

05/10/2022

Si Titser man ay tao din

Ako

Ako ang may pinakamahalagang propesyon sa buong mundo
Ako ang isa sa huhubog sa mga bata na tinatalikuran ng mga tao
Isang bokasyon na pinipilit makilugar sa iba't - ibang aspeto
Sa lipunan na laging humihingi ng pagbabago

Ako ang magbubuhat sa mga tanong na "paano nga kaya?"
Ako ang hihila sa mga tinatamad na mga katawan ng bata
Ako ang isa sa magtuturo, at hindi magdidikta
Ako ay isang Titser, at hindi lang yan ang dapat kong ipakita

Husgahan man nang mabigat na paratang sa kasalanan ng iilan lamang
Hindi pa rin matitinag ang aking sinumpaan
Isa akong G**o dahil marami pa rin ang gumagalang
Isa akong G**o dahil mahal ko ang aking larangan

Kung makarinig ka man sa akin ng masakit na salita, sana ay maintindihan mo na lamang
Katulad nang panahon na inintindi kong wala ka pang kinain at ikaw ay matutulog na lamang
Mga panahon na sabi mo "hindi ko po maintindihan"
Pero inulit ko pa rin kahit sampung beses basta matuto ka lamang

Wala akong dapat isumbat sa lahat ng aking ibinigay
Kahit simple man o mabigat, kasama iyon sa aking buhay
Sa dami man nang aking gagawin, ayos lang, matagal na akong sanay
Ang gusto ko lamang ay maiayos ang lahat, maski na may matinding latay

Isa akong G**o at hindi iyon magbabago
Kahit saan man ako mapunta ay tutulong pa rin ako sa Estado
Kaya sa susunod na makita mo kahit sinumang G**o
Magbigay galang ka sana dahil isa sya sa nagbuo ng iyong pagkatao

Maraming papel, tinta ng ballpen at alikabok ng chalk ang mahahawakan
Kahit na ang sahod namin ay minsan lang namin mahawakan
Andito pa rin kami, sigawan man o palakpakan

Dahil isa lang ang aming kagustuhan

Ito ay ang iayos ang mga kabataan

Maligayang Araw ng mga G**o!

-A.

05/10/2022

G**o Ako, Hindi G**o Lang
Raihana K. Lucman
Zamboanga City Division
Sto. NiƱo ES

G**o ako sa puso't diwa,
Nahihirapan man, ngunit masaya
Masaya dahil natututo ka
Dahil g**o ako, hindi g**o lang.

G**o ako, isa ring taong ordinaryo
Hindi man ako yumayaman sa trabaho na ito,
Mayaman naman sa pagbibigay pangaral sa iyo
Dahil g**o ako, hindi g**o lang.

G**o ako, kinakaya ko ang lahat
Obligasyon ko ang matuto ka ng sapat
Obligasyon ko ang malaman mo ang dapat
Dahil g**o ako, hindi g**o lang.

G**o ako, kasama mong malampasanā€”
Malampasan ang hamon ng kahirapan
Upang sa gayon ay gumanda ang kinabukasan
Dahil g**o ako, hindi g**o lang.

Matatawag man ng iba na ordinaryo lamang
Ngunit sasamahan ka matuto ka lamang
Hindi ako isang g**o lamang,
Hangad ko ang magbahagi sa iyo ng kaalaman.

05/10/2022

Kanang TEACHERS' DAY pero dili ka ADVISER.

Pwede mangayo ug CAKE diha mga madie HAHAHAHA

(Yung TEACHERS' DAY pero hindi ka ADVISER,
PAHINGI naman ng cake mga madie! HAHAHA)

(Disclaimer: Just for Fun
From a comment= To all teachers: Your worth isn't measured by the amount of gifts you received. You still matter. Salute and Happy Teachers' Day mga sirs and maamsh. ā™„ļø)

CTTO

04/10/2022

Happy Teachersā€™ Day
CTTO: Maā€™am Rose Raziel Surbito Pia

03/10/2022

Buhay ni Ma'am
CTTO: Ma'am Princess Abrigo Austria-Venzon

02/10/2022

HAPPY WORLD TEACHERS' DAY sa lahat ng mga ulirang G**o
CTTO: Maam Diana Mae Jimenez Delabajan

Disclaimer: No copyright infringement intended.
For entertainment purposes only.

02/10/2022

ā¤ļøā¤ļøā¤ļø

30/09/2022

Public schools will not automatically accept applicants coming from private schools.
1. May item ba para sa kanila?
2. Rank 1 ba sila sa rqa?
3. Need ba sila sa school.
4. Many applicants that are still considered applicants for more than 3 years. Unitl now, hindi pa na hired. So why make it a reason that teachers coming from private schools will transfer to public since they will go through a process?

ctto

Videos (show all)

Happy Teachersā€™ DayCTTO: Maā€™am Rose Raziel Surbito Pia
Happy Teacher's Day