Apec Homes - Trusted Developer

Apec Homes - Trusted Developer

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Apec Homes - Trusted Developer, Property developer, .

APEC HOMES in Partnership with LEAD BROKER - MAPILES REALTY
is Looking for Business Partners:
- Real Estate Broker
- Sales Director
- Sales Manager
- Real Estate Salesperson
- Referral partners

Photos from Organization of Socialized and Economic Housing Developers PH's post 29/03/2023
22/03/2023

Naghahanap ka ba ng Bahay sa TARLAC ? 😍🏠

Tara na at Magtripping. Sasamahan kita para sa iyong pinapangarap na bahay para sa pamilya. Abot kaya at Maganda.

22/03/2023
15/03/2023

OUR VISION

May Sariling Tahanan ang Bawat Pilipino.

Hangad ng APEC Homes na maisakatuparan ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino: ang magkaroon ng sariling tahanan. Sa abot-kayang pabahay na handog ng APEC Homes, darating ang bukas na may mauuwiang tahanan ang lahat ng Pilipino.

Gayunding hangad ng APEC Homes ang makapagtayo ng mga tahanang bubuo ng mga mapayapang komunidad. Mga komunidad na magsisilbing maunlad na Pilipinas.

Kapit-bisig, walang-tigil at buong determinasyong pagsusumikapan ng APEC Homes na maabot ang mithiing ito.

15/03/2023

We accommodate Online Reservation and Virtual Tripping para sa ating mga masisipag na OFW 😍🥰💕💞

Send us a message.

15/03/2023

TOP 2 BEST DEVELOPER AWARD NG PAG-IBIG FUND IGINAWAD SA APEC Apec Homes - Trusted Developer

Muling pinarangalan ng natatanging pagkilala ang APEC Homes at affiliates company nito sa idinaos na Stakeholders’ Accomplishment Report(StAR) ng Pag-IBIG Fund.

Sa ginanap na okasyon noong Agosto 27, 2019 sa Makati City, iginawad sa APEC Homes ang ikalawang pinakamataas na parangal sa mga best-performing developers sa Kalakhang Maynila (NCR) para sa unang anim na buwan ng 2019.

Ang naturang programa ay dinaluhan din ng mga top-performing employers sa NCR.

Binigyang papuri naman ni Mr. Acmad Rizaldy P. Moti, Chief Executive Officer ng Pag-IBIG Fund, ang kontribusyon ng mga developers sa NCR para makuha ang all-time high na P37.07 billion housing loans na syang makakatulong sa 41,797 members miyembro nito na magkaroon ng sariling tahanan.

“The Pag-IBIG StAR allows us to recognize the efforts of our stakeholders and also gives us the opportunity to update them of what we have accomplished during the first half of this year,” ayon pa kay Moti.

Marvs Libril
September 10, 2019

Photos from Apec Homes - Trusted Developer's post 15/03/2023

Ongoing Construction - Brentwood Capas

28/09/2022

FAKE! DO NOT CLICK THE LINK!

If you received this text message from APEC Homes SMS Account, DO NOT CLICK the link!

Today, the official SMS account of APEC Homes has been used by purported phishing scammers and hackers to victimize Unionbank clients. A prompt investigation is launched by the company to determine and unmask the perpetrators.

APEC Homes will never ask you to click on any links.

Photos from Apec Homes - Trusted Developer's post 04/09/2022

Lead Broker - Mapiles Realty

Photos from Apec Homes - Trusted Developer's post 01/09/2022

Lead Broker - Mapiles Realty

Sales Commitment 2022-2023

Photos from Apec Homes - Trusted Developer's post 01/09/2022

Lead Broker Mapiles Realty - Meeting

01/09/2022

APEC HOMES - CORE VALUES

ADVOCACY TO HELP
Malasakit sa kapwa

Naniniwala tayo na sa lahat ng ating ginagawa, kailangan na isaalang-alang natin ang kapakanan at ikabubuti ng ating kawpwa-tao. Dito nagsimula ang ating kompanya - pagmamalasakit sa kapwa, pagmamalasakit sa bayan.

PRUDENCE
Pagiging Masinop

Sa lahat ng pagkakataon, ninanais natin na maisapuso ang pagtitipid para patuloy nating maihatid ang mga dekalidad na bahay sa abot-kayang halaga. Nangangahulugan din ito ng pagiging marunong natin na humawak ng pera upang masiguro na tuluy-tuloy ang operasyon ng ating kompanya.

STRIVING FOR EXCELLENCE
Pagpupursigi na Maabot ang Tagumpay

Nakatanim sa isip at puso natin na ang sipag, tiyaga, dedikasyon at pagsisikap na maging mahusay ang susi upang magtagumpay. Kaya naman, naniniwala tayo sa “continuous improvement” kung saan patuloy tayong naghahanap ng paraan upang mahigitan ang ating mga narating.

CREDIBILITY
Mapagkakatiwalaan

Pinahahalagahan natin ang pagtupad sa kung ano ang napagkasunduan. Dahil higit sa anumang karangalan, binibigyang prayoridad natin na mapangalagaan ang tiwalang ibinibigay sa atin ng lahat – tiwalang hindi natutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay.

FAMILY SPIRIT
Pamilya ng Bawat Isa

Isinasabuhay natin sa kompanya ang konsepto ng pamilya, kung saan pinahahalagahan ang pagkakaintindihan at pagtutulungan na mai-angat ang isa’t-isa. Noon pa man, ang pagiging pamilya at tatak-APEC na: mayroong “teamwork”at “open communication”, nagdadamayan,nagkakaisa, at higit sa lahat, nagmamahalan.

OBJECTIVE / MISSION

Para maging daaan sa ikasisiya at ikauunlad ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapatatayo ng magandang kalidad at murang pabahay.
To be a key for the happiness and success of the Filipino people by constructing good quality and affordable houses.

VISION
May Sariling Tahanan ang Bawat Pilipino
Hangad ng APEC Homes na maisakatuparan ang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino: ang magkaroon ng sariling tahanan. Sa abot-kayang pabahay na handog ng APEC Homes, darating ang bukas na may mauuwiang tahanan ang lahat ng Pilipino.

Gayunding hangad ng APEC Homes ang makapagtayo ng mga tahanang bubuo ng mga mapayapang komunidad. Mga komunidad na magsisilbing maunlad na Pilipinas.

Kapit-bisig, walang-tigil at buong determinasyong pagsusumikapan ng APEC Homes na maabot ang mithiing ito.

s

01/09/2022

TAYO SA APEC HOMES

Patuloy na pinagsisikapan at pinahahalagan na makapaghandog ng tahanang makapagdudulot ng saya at positibong pagbabago sa bawat pamilya, pamayanan at lipunan.

01/09/2022

TAYO SA APEC HOMES

Isang simpleng kompanya na may isang simpleng pangarap.
Hangad namin sa APEC Homes na makapagtayo ng dekalidad at abot-kayang tahanan para sa bawat masisipag na Pilipino. Sa loob ng dalawang dekada, nakatuon ang aming atensyon sa pag-abot sa pangarapna ito. Mula ng itatag ang APEC Homes noong 1997 at makapagtayo kami ng mahigit 50,000 housing units, hindi kami tumitigil sa ang aming misyon bilang isang CREDIBLE at STABLE na subdivision developer sa Pilipinas – ang makapagbigay ng subok-sa-tibay na tahanan, sa abot-kayang halaga.


Ang makapaghatid ng abot-kayang bahay patungo sa mapayapang komunidad ang aming buong-pusong handog. Kaya naman, masigasig na nakasentro ang aming operasyon sa paggawa ng matitibay at matatatag na tahanan – tahanang pundasyon din ng matibay at matatag na pamilyang Pilipino.


Dahil alam namin na pangarap ng bawat-isa na tumira sa ligtas, maginhawa at komportableng tahanan, ipinagpapatuloy at sinisiguro ng APEC Homes na ang bawat hakbang namin ay naka-angkla sa pagtupad ng mga pangarap na ito.

TAYO SA APEC HOMES
Pinag-aaralang mabuti ang
lokasyon ng aming mga komunidad.
Sinisiguro natin na ang ating mga itinatayong subdivisions ay malapit sa mga pangunahing establisyemento kagaya ng mga paaralan, ospital, bangko, palengke, opisina ng gobyerno at mga sentro ng komersyo.

TAYO SA APEC HOMES
Matapat at mapagkakatiwalaan sa
ating mga katuwang sa hanap-buhay.
Mula sa ating mga empleyado, contractors at buyers, hanggang sa araw-araw nating mga ka-transaksyon sa gobyerno. Higit sa lahat, ang masigurong maitayo ang biniling bahay ng ating kliyente ay ating lubos na prayoridad.

Videos (show all)

Naghahanap ka ba ng Bahay sa TARLAC ? 😍🏠Tara na at Magtripping. Sasamahan kita para sa iyong pinapangarap na bahay para ...
We accommodate Online Reservation and Virtual Tripping para sa ating mga masisipag na OFW  😍🥰💕💞Send us a message.

Website