Señor Rey Pacheco

Señor Rey Pacheco

Anchor, DWIZ 882
Broadcast Journalist/Influencer/Endorser
Balanced, fearless, and ethical views blen

06/04/2023

Maganda itong checklist na ito para sa inyong emergency kit lalung-lalo na kung mahaba ang inyong biyahe papunta sa mga probinsya.

Ingat kayo mga amigo at amiga namin ngayong Semana Santa.

Driving long-distance this Holy Week can lead you to all unexpected situations.

You can encounter roadworks, break down, get lost, you name it.

Of course, you don’t want any of these things to happen.

Nevertheless, it’s better to be prepared than be sorry.

An emergency car kit can mean the difference between getting back on the road quickly and being stranded for hours while you wait for help, oftentimes in dangerous conditions.

Here are 12 items you should not forget to include in your emergency car kit.

1. Car owner’s manual
2. Flashlight and batteries
3. Spare tire, jack, tire lever, pump, and tire gauge
4. Jumper cables
5. First-aid kit
6. Took kit (screwdrivers, pliers, vise grips, adjustable wrench, tire pressure gauge, etc.)
7. Bottled water
8. Phone charger
9. Blankets
10. Car escape tool (seatbelt cutter and window breaker)
11. Fire extinguisher
12. Lighter or matches

Drive safely. 😊

02/03/2023

Buenos tardes sa inyong lahat! Huwebes na mga ka-tropa pips namin! :)

Salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa amin dito sa Señor Balita at sa buong puwersa ng DWIZ 882 kasama ng Aliw TV Ch 23.

28/02/2023

Magandang hapon sa inyong lahat na nakatutuok ngayon sa iba't- ibang lugar dito sa atin sa Islas de Pilipinas at maging sa mga kababayan natin sa ibang bansa sa tulong ng Facebook at YouTube! :)

27/02/2023

Hola sa mga amigo at mga amiga namin ngayong Lunes ng hapon, ika-27 ng Pebrero!

Live na live tayo ngayon sa DWIZ 882 at Aliw Channel TV 23. :)

https://www.facebook.com/dwiz882/videos/100874226275365

24/02/2023

Hola sa ating mga page followers ngayong Biyernes ng hapon!

01/02/2023

Hola! Buenos Tardes mga Señora!

Kumusta kayo mga amigo at mga amiga namin ngayong unang araw ng Pebrero? :)

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang inyong lingkod ay napapakinggan at napapanood na sa tuwing sasapit ang alas-3 hanggang alas-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Samahan ninyo kami habang kayo ay nagme-merienda...
.. habang nagtatrabaho,..... habang bumabiyahe sa kalsada, o…
… habang nagpapahinga mula sa gawaing bahay.

Alamin ang mga rumerepekeng mga balita at isyu na pinaguuspan mula pa kaninang umaga.

Ihahatid namin sa inyo kasama ng buong puwersa ng DWIZ at Aliw 23 TV. 👌👌👌

30/12/2022
28/12/2022

Mahigit na P300 kada kilo na ang pulang sibuyas. 🥺

Sa mahal nito, napapaisip ka ba ng posibleng pamalit dito para sa pagluluto?

Ang isang paraan ay dagdagan ang iyong gamit na bawang para makabawas sa gamit ng sibuyas.

Kung dati ay isang buong sibuyas, puwedeng kalahati o 3/4 na lamang nito ang gamitin (depende siyempre sa laki nito).

Ang isa pa na puwedeng pamalit sa pulang sibuyas pero hindi masyado napapansin ay ang...

LEEKS.

Ang leeks ay kasama sa pamilya ng sibuyas na may scientific name na allium porrum. Makikita na ito ay tila ba malaking tangkay ng berdeng sibuyas.

Medyo kahawig din ito ng spring onion o Murang sibuyas sa Tagalog.

Naglalaro ang presyo nito sa P160 hanggang P200 kada kilo sa online market.

Kung pag-uusapan naman ang lasa, ito ay may tamis ng kaunti, may lasang sibuyas din pero hindi kasing tapang ng pulang sibuyas.

Ginagamit din ito para sa mas mayaman na lasa ng mga sabaw, pasta sauces at stews.

Sa susunod na pamimili mo sa palengke Señora, bakit hindi mo idagdag ang leeks sa iyong listahan? 😊

20/12/2022

Ikinasal ngayon, namatay kinabukasan.

24 oras lang ang pagitan.

24 oras lang naging legal ang pagsasama bilang mag-asawa.

Pero mga 9 na taon na magkarelasyon.

Isang tunay na masakit na pangyayari sa buhay ni AJ Jallorina na kinasal sa kanyang kasintahan na si James Steven Chong noong December 15 nguni’t, pumanaw din kinabukasan, December 16.

Hindi naman ipinaliwanag kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang mister.

Pero ang tingin natin dito, tila alam na rin ni AJ na hindi na rin magtatagal ang buhay ng kaniyang kinakasama.

Maaaring may iniinda na rin itong karamdaman habang pinaplano ang kanilang kasal.

Magkaganoon pa man, ganyan talaga ang buhay, Señora.

Walang nakakaalam ng kinabukasan liban sa Nagbigay ng Buhay sa ating lahat.

Kaya patuloy na ipakita at ipadama ang pagmamahal sa iyong mahal sa buhay…

Habang kapiling mo pa sila.

Photos from Señor Rey Pacheco's post 16/12/2022

Kung lolo o tatay ninyo ang nasa larawan, papayagan ba ninyo siyang magtrabaho pa bilang service crew sa edad na 71? 🤔

Makikita sa mga larawan si Señor Willie Baricawa, isa sa mga kababayan natin na masipag na magserbisyo sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Candon, Ilocos Sur.

(Naimbag a rabii sa mga kababayan natin diyan sa Ilocos! 😊)

Si lolo ay may 13 apo na sa ngayon at dating empleyado ng Candon City Hall anim na taon ang nakalipas.

Ayon sa kanya, masaya naman siya sa kanyang ginagawa habang nakakasalamuha niya ang mga customers araw-araw.

Isang patunay lamang na hindi hadlang ang katandaan para patuloy na magsumikap at magtrabaho ng marangal…

Sa halip na umasa na lamang sa kaanak o manatili sa bahay ng hindi aktibo.

Ang mahalaga, masaya ka Señora sa ginagawa mo. :)

12/12/2022

Sino kaya ang may-ari ng mga bakang ito?

Na sa halip na damo ang kinakain, sa basura sila naghahanap ng makakain.

Ang larawan na ito ay ibinahagi ng netizen na si Natahan.

Ayon sa kanya, palagi umano niya nakikita ang baka na ito sa tapat ng tindahan at hindi lamang ito unang beses na nangyari.

“Di lang naman po ako witness at ’di lang naman po yan isang beses nangyari, at first sabi ko baka nakalimutan lang, umuuwi ako late na ng gabi at madalas ko sila makita dyan,”

Kung dati-rati ay mga tao lang ang nangangalakal sa basura, sa ngayon, pati ba naman ang mga baka Señora? 🥺

09/12/2022

"Ang hirap mag-asawa at magpakasal sa ngayon dahil sa bukod na sa hirap ng buhay, hindi pa ninyo sigurado kung gaano kayo magtatagal."

"Dito sa Pilipinas, walang divorce, magastos magpa-annul, kaya mas OK na lang na mag live-in.

"Mas praktikal kasi anytime, puwede kayo maghiwalay ng walang problemang legal."

Iyan ang mga ilan sa argumento ng mga kababayan natin na kontento na sa live-in.

Ikaw naman Señora, sang-ayon ka rin ba?

O mas ayos pa rin sa iyo na makasal ang dalawang taong nagmamahalan? 🤔

05/12/2022

Namimis na ba ninyo ang chico? :)

Bago pa sumapit ang trasidyunal na Pasko, makikita natin na dumarami ang suplay nito sa palengke.

Bukod dito sa Pilipinas, kilala rin ang prutas na ito sa Mexico at Carribean. Sapodilla ang isa pang tawag dito.

Bagama’t maliit na prutas lang ito kumpara sa pakwan at melon, ito naman ay siksik sa anti-oxidants.

Mayaman ito sa mga mineral tulad ng iron, copper, calcium, magnesium, potassium at phosphorus. May mga pag-aaral din na nag-ulat na ang prutas tropikal na ito ay siksik din sa vitamin A at C, at taglay ang micronutrients ng B vitamin complex.

Anong ibig sabihin nito para sa ating kalusugan?

Na maganda ang chico para sa puso at buto (dahil sa calcium, potassium at magnesium), balat (dahil sa nagpapataas ito ng collagen gawa ng Vitamin C), mata at buhok (dahil sa Vitamin A).

Kaya sa susunod mong pamamalengke Señora, bakit hindi mo siya isama sa basket mo bago pa ito mapuno? 😊

02/12/2022

Sa ngayon, tila dumarami ang mga tao na nagpapapa-tato. Nagiging uso na rin kahit sa mga ilang kabataan.

Kung dati-rati ay mga kalalakihan lang (kadalasan ay sa loob ng preso), ngayon ay samut-saring disenyo pa ang makikita kapwa sa babae at lalaki.

Ayon sa mga nagpapatato, ito ay isang uri ng pagpapakita ng sining (expression of art) na may malalim na emosyon.

Pero ang karamihan sa mga kumpanya, hindi gusto ang mga aplikante na may tato sa kanilang katawan.

Sa isang isinagawang pag-aaral ng McMaster University in Canada, natuklasan na ang may taglay nito ay may tendensya na maging pabigla-bigla sa kanilang mga desisyon (acting on impulse) o hindi maingat (reckless) kumpara sa mga wala nito.

Kumusta naman kayo? Ayos lang ba o hindi ang magpa-tato?

Kung hindi man ikaw mismo, papayagan ba ninyo ang inyong mahal sa buhay para sa ganitong uri ng pagpapakita ng sining?

Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa Comments.

01/12/2022

Kung talagang mahalaga, kailangan, at maganda ang ibubunga para sa iyo at sa iba, huwag ng ipagpaliban pa.

GAWIN mo na Señora.

26/11/2022

Mapapaisip ka tuloy Señora kung tama ba ang kurso at trabaho na napili mo. 😄

Talo pa nila ang mga naka polo at naka-kurbata na pumapasok sa opisina…

At mga frontliners na halos wala ng tulog sa ospital.

Patambol-tambol lang sa loob ng jeep, libre na sa pamasahe, koleksyon pa ng walang kahirap-hirap.

Saan ka pa? 😎

25/11/2022

Munting survey lang tayo Señora.

Anong cooking oil ang madalas ninyong gamit sa kusina?

A.) Vegetable Oil
B.) Palm Oil
C.) Canola Oil
D.) Coconut Oil
E.) Iba pa – i-type sa comment

Sa susunod, aalamin naman natin kung alin sa mga ito ang pinakamasarap sa panlasa at ang pinakamaganda sa kalusugan. 😊

24/11/2022

HIndi lang kung ikaw ay galit Señora.

Kasama na rin dyan ang iba pang "extreme emotions" tulad ng sobrang lungkot o saya.

Baka kasi may mga maipangako ka na dala ng matinding emosyon.

Yun pala, hindi mo naman kayang panindigan. Mapapahiya ka lang sa bandang huli.

23/11/2022

Manong Driver, hindi nagpatinag sa mataas na presyo ng mga bilihin at gasolina, nanlibre pa. 💪

Talaga namang mapapahanga ka sa van driver na ito.

Ito’y dahil sa hindi na niya pinagbabayad ang kanyang mga pasahero na estudyante, PWD, at senior citizen.

Ito ay ayon kay Camille, isa rin na regular commuter. Kuwento niya…

"Nagaabang po kasi ng masasakyan around 11:30PM sa may bandang IPI sa may Pasig, di ko alam kung anong exact na route ng biyahe niya basta ako kasi Antipolo simbahan sinasakyan ko, nagbayad ako nung una kasi hindi ko pa po napansin yung nakalagay and okay lang naman sakin kahit magbayad kasi nagwowork naman ako nagulat ako may isang senior na hindi na niya pinagbabayad, alam mo ba nakakatuwa don dumaan kami sa may gas station para magpa-gas and don ko lang napansin yung nakalagay kaya pala hindi niya pinagbabayad. Sobrang natuwa ako kasi bumaba siya sasakyan para nga magbayad sa GAS station nakita ko na isa din siyang PWD."

Dahil dito, hinangaan ni Camille ang driver dahil sa nagagawa nitong tulong sa mga pasahero.

"Natuwa ako kasi sobrang mahal ng gas at tapos gabing gabi pero hindi hadlang yun para makatulong especially sa mga matatanda, PWD at estudyante," dagdag pa ni Camille.

Nagpapatunay lamang na ang pagtulong sa kapwa ay magagawa anuman ang uri ng iyong hanapbuhay basta taglay ang espiritu ng pagkamatulungin. :)

Larawan: Camille at Plipino Star Digital

21/11/2022

Mag-ingat kayo sa pag-inom ng gamot.

Lalo na kung umiinom kayo nito ng nagmamadali, inaantok, puyat, o kaya naman marami ang iniisip.

Bakit? Baka magkamali kayo sa dampot ng gamot na inyong iinumin. 🥺

Ganito ang nangyari sa isang estudyante ng kanyang mainom ang sleeping pills sa halip na vitamins bago ang kanilang klase.

Kwento ni Fred sa Facebook post nito…

"I usually take Vitamin B whenever alam kong kakailanganin ko ng lakas. As a scholar, student-journalist, student-leader, need ko ng extra boost bago ko harapin ang araw at ang long quiz namin. Na-realize ko na lang na sleeping pills yung nainom ko after kong nakita yung Vitamin B nasa mesa ko pa,"

"Sinubukan ko pa rin pumasok, kaso hindi talaga kinaya, nagmamanhid na katawan ko. Umuwi nalang ako and hoped for the best. ," sabi pa nito.

"Thankfully, kagising ko, may announcement na i-move naman sa asynchronous yung mga klase ko today. Bale, blessing in disguise talaga siya. Kasi it has been months since the last time nakatulog ako ng maayos. Pinagpahinga muna talaga siguro ako ng mundo," dagdag pa nito.

Isipin mo na lang Señora...

Kung nangyari iyan sa isang estudyante, papaano pa kaya ang mga senior citizens na kung minsan ay parang bumibili na ng isang botika sa dami ng gamot na iniinom araw-araw?

19/11/2022

Medyo nagsasawa na ba kayo sa sinigang sa sampalok palagi?

Kadalasan kasi, sampalok powedered mix kung hindi man tunay na sampalok ang gamit na pansigang ng karamihan.

Pero kung gusto ninyong maiba naman ang lasa, may 7 iba pa na magandang pangasim liban sa Sampaloc mix:

1. Kamias
2. Bayabas
3. Mangga – berde o hindi pa hinog
4. Kalamansi o Lemon
5. Santol
6. Balimbing
7. Batwan – mas kilala at nagagamit ito ng mga Illongo

Kung nasa Baguio kayo o malapit kayo sa strawberry farm, puwede rin haluan ng strawberries ang inyong sinigang.

Siguradong magdadagdag ito ng kakaibang lasa. 😊

Sa susunod na magsigang ka Señora, bakit hindi mo subukan ang alin man sa mga alternatibong ito? 👌

Larawan: angsarap.net

Videos (show all)

Tumataas ang mga kaso ng depresyon sa mga teenagers.  Ang isa sa may kasalanan?  Ang pagkain ng madalas o sobrang fast f...
Saan nga ba nagmula ang Arroz Caldo – isa sa mga paborito nating mga Pinoy?Dahil “Arroz” (Spanish name) ang tawag dito ,...
Sino ang hindi maaantig ang damdamin ng videong ito mula sa isa sa ating magsasaka?Kitang-kita ang magandang tanawin ng ...
Sino ang gusto maging teacher itong si Teacher Lyka, Señora?Malamang nasorpresa ang dalawang bata ng makatanggap sila ng...
Tuklasin:  Isang electric scooter na nagtataglay ng swappable batteries sa Taiwan, mabilis na nakapagpalit ng baterya.  ...
Nakakita na ba kayo ng organic spirulina?  Ito ay isang blue-green algae na tinaguriang superfood dahil sa mayamang nutr...
Kaya mo bang magpatakbo ng unibike (isang gulong)?Hindi biro na gumamit nito dahil kailangang mahusay ang kakayahan mong...
Bata pa lang, naturuan ng tumulong sa kapwa.  Bagama’t nakakaaliw panuorin ang videong ito at nakakakilig pa sa iba… 😊Ma...
Hindi kailangan na masyadong ma-stress paggising pa lang sa umaga dahil sa mga balita sa radyo, TV at internet.Kaya sa S...
Pagmasdan ang batang ito na kulang na lang ay unan para mas mapasarap ang tulog. 😄Ito ay kuha mismo ni Eyjey Reyboneria,...
Ganito ba kabait at kaamo ang alaga ninyo?  Humahabol kahit na nakasakay na kayo sa jeep? ️🥰Ayon sa Philippine Animal We...
Nakakaaliw panuorin itong si Señor SG natin habang bumabati sa mga papasok na customers sa coffee shop na ito.Buhay na b...

Website