Pantawid Pamilya Santa Fe

Pantawid Pamilya Santa Fe

This page is created to share information about the Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

To share the activities and success stories by partner beneficiaries in the Municipality of Santa Fe, Romblon.

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 20/03/2024

1st semester Municipal Inter-Agency Committee Meeting
Naganap ang MIAC meeting sa pangunguna ng ating butihing Mayor Elsie D. Visca para sa Unang semester ng taon na dinaluhan NG mga agency heads at mga kapitan NG Barangay at iba pang sektor katulad ng CSO at Deped Kasama din ang mga taga KALAHI sa pangunguna NG kanilang AC Betchie Macatubal sa ilalaim ng DSWD. Tinalakay ang mga Accomplishment at mga darating na aktibidad Para Mas lalong mapabuti ang pagpapatupad NG programa.
Maraming Salamat po sa lahat..

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 04/03/2024

Nagsagawa NG youth development session ang ating mga partner sa programa PNP sa pangunguna ni mam Riosy Gallano Morales, upang Mas lalong mapaunlad at maging epektibo ang programa sa ating mga kabataan..
Ang nasabing aktibidad ay may topic na "Online Sexual Abuse Awareness Lecture".. Na talaga namang napapanahon, dahil sa tumataas na early marriage at early pregnancy.
Nagpapasalamat kami sa mga buong faculty NG Tranquilino Cawaling Sr. National High School na walang sawang sumusuporta sa mga ganitong gawain

Nagkaroon din NG focus group discussion sa mga non-compliant monitored children sa pangunguna ni ML Lowela Alday at Swa Medy Magcalayo upang Mas Malaman ang mga dahilan at mabigyan NG Tamang intervention ang mga kabataan..

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 24/02/2024

Nagsagawa ang pantawid staff sa Bayan ng Santa fe ng balidasyon Para sa ating mga non-compliant beneficiaries both health and education Para mabigyan NG sapat na intervention upang sila ay makatugon sa mga kondisyon NG programa

Nagkaroon din NG mga pagpupulong ang ating fds team/CSO upang mapag usapan ang mga aktibidad na kaakibat ng pagpapaunlad NG programa

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 30/01/2024

Nagsagawa ang mga Municipal Link ng pagbibigay NG CHED Pabatid letters Para sa mga benepisyaryo NG Pantawid sa iba't ibang barangay sa Bayan NG Santa fe na mayroong estudyante na.magtatapos ngaung school year. Ang layunin po NG gawaing eto ay upang maipaalam sa ating mga benepisyaryo ang mga programa NG ating gobterno na makakatulong upang mapalago ang edukasyon..

07/10/2023

Mga ka 4ps
Panuorin po natin eto

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 19/08/2023

Nakiisa ang mga benepisyaryo ng programa sa ginanap na brigada eskwela kung saan tulong tulong ang mga magulang at g**o upang maging handa at maayos ang ating paaralan sa pagbubukas ng klase para ngayong taon

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 28/07/2023

Nutrition Month
"Healthy diet gawing affordable for all" ito ang tema para ngayong taon sa ginaganap na nutrition month sa bayan ng Santa fe,
Nakiisa ang ating mga benepisyaryo kaagapay ang mga blgu,dala dala ang kanilang mga produktong gulay at iba pang farm products upang mabigyan ng mura at sariwang produkto ang mamamayan ng Santa fe..
Nagkaroon ng ibat ibang patimpalak na hindi naman sinukuan ng ating mga benepisyaryo..
Zumba Contest
Poster making
Salute po sa inyo!!

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 29/06/2023

"38 IP's received PHP 10,000.00 pesos each"

SANTA FE, ROMBLON- A total of 38 Indigenous Peoples (IPs) who are all beneficiaries of the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) from Barangay Pandan of the said Municipality had received PHP 10,000.00 pesos each under the Enhance Support Services Intervention (ESSI) program of the Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Targeted Beneficiaries are 39 IP's with the Total Fund of PHP390,000.00 and PHP380,000.00 was released through an over-the-counter payout last Tuesday, June 27, 2023.

The PHP 10,000.00 unreleased fund was temporarily on hold to one (1) household due to additional child for monitoring not reflected as of date of Payout.

The Capital Assistance Grant for Indigenous People Beneficiaries will be used for the Hog Raising Project, a Livelihood Assistance Generating Project of IPs in Barangay Pandan to give additional source of Income to their household.

Photos are taken from Covered Court of Barangay Pandan, Santa Fe, Romblon during the actual payout.

29/06/2023
10/06/2023

📣 PABATID SA PUBLIKO 📣

Nakarating sa aming atensyon na may ilang indibidwal na maling nagpapakilala bilang opisyal ng DSWD MIMAROPA at nakikitungo sa mga mapanlinlang na aktibidad sa mga supplier ng Kagawaran.

Hinihikayat ang publiko na maging mapagbantay sa pakikitungo sa mga indibidwal na nagsasabing sila ay kumakatawan sa DSWD MIMAROPA. Maaaring kabilang dito ang mga solicitations, donasyon at iba pang transaksyon.

Mangyaring i-report kaagad sa amin ang sinumang kahina-hinalang indibidwal sa pamamagitan ng email sa [email protected] o mag iwan ng mensahe dito sa aming opisyal na page.

Salamat sa iyong kooperasyon at suporta.

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 10/06/2023

Hindi naging hadlang ang malakas na ulan upang maturuan ang ating mga benepisyaryo sa barangay guinbirayan, sa ginanap na Family Development Session noong May 31,2023 sa pangunguna ni ML Doreen Oquendo..

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 25/05/2023

Sending our warmest congratulations to the following beneficiaries/former monitored children who passed the licensure examination for professional teachers!

Congratulations and Padayon 🎉

Your Pantawid Pamilyang Pilipino Program family is proud of you!

04/05/2023

Alexis Castillo Alegado, 22, bested 16,936 other examinees with a score of 92.10 percent and shared the top slot with Garret Wiklenson Ching Sia of the De La Salle University (DLSU)-Manila. https://bityl.co/IRTo

Photos from DSWD Field Office MIMAROPA's post 04/05/2023
Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 04/05/2023

March FDS on Mar. 13 & 14, 2023
in Brgy. Danao Norte, Danao Sur and Poblacion with speaker Ms.Ericka Bayole by Palawan Pawnshop

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 13/04/2023

Noong nakalipas na Marso Tatlumpu (30) sa kasalukuyang taon, isinagawa ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP), Kalahi CIDSS at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Municipal Operations Office Santa Fe, Romblon ang kauna-unahang pagpupulong ngayong taon na dinalohan ng lahat ng miyembro ng Municipal Inter-Agency Committee (MIAC) ng nasabing bayan.

Kabilang sa mga naging agenda ng pagpupulong ang pagbibigay ng updates tungkol sa mga aktibidad ng mga nabanggit na programa ng Departamento.

Ibinahagi ni PDO II Kennedy N. Salas ng SLP ang layunin, proseso ng implementasyon, Barangay Ranking Matrix, Estado ng implementasyon at Financial at Physical Target ngayong taong 2023, naibahagi din nya ang ibang concern ng programa katulad ng referrals ng mga posibleng maging benepesyaryo ng programa at Memorandum of Agreement ng SLP at ng Lokal na pamahalaan ng Santa Fe.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4ps) Staff naman sa Katauhan nina Mr. Mark Anthony M. Escarilla (ML) Ms. Doreen Kaye F. Oquendo (ML) Ms. Rensie Mae S. Magadia (MRB) at Ms. Medy G. Magcalayo (SWA) ay ibinahagi ang mga naging aktibidad ng programa sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon, kabilang dito ang mga na prosesong report ng tatlong (3) sistema ng programa, Status ng Not Attending School Children at mga ginawang intervention, Community Assembly ng mga Potential na Magiging bagong miyembro ng Programa at Validation para mga natukoy na Non-poor at hindi na assess ng LISTAHANAN noong 2019.

At Panghuli, sa patuloy na implementasyon ng programa ng KALAHI CIDSS sa nasabing bayan ibinahagi ni AC Betsie F. Macatubal ang patungkol sa Additional Financing, Regional Program Timeline, Program Implementation Management System and Geotagging Webapp, Update ng Phase II implementation, challenges and overcoming strategies katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Santa Fe sa iisang hangarin na maging mapanlahok, hayag at may pananagutan sa lahat ng mga gawain.

Lubos na nagpapasalamat ang mga kawani ng Tatlong Programa sa ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Hon. Elsie D. Visca sa patuloy na suportang binibigay sa mga aktibidad at implementasyon na ginawa at gagawin pa ng nasabing mga programa sa bayan ng Santa Fe.

Asahan po ninyo ang aming serbisyong may kalinga, pagmamahal at malasakit para matulongan ang mga kapos palad nating mga kababayan.

Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 14/11/2022

November 11, 2022- Dumalo si Municipal Link, Mark Anthony Escarilla ng DSWD-Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Barangay Assembly sa Barangay Pandan, Bayan ng Santa Fe. Ipinaabot nya dito ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga ginagawang pagtatasa ng Gobyerno kada apat na taon katulad ng Listahanan ng DSWD upang matukoy ang kalagayan sa buhay ng bawat sambahayan at upang magkaroon ng tiyansa na makapasok sa Pantawid Pamilya Pilipino Program ang mga karapat dapat na mahihirap na residente ng nasabing Barangay

Isa din sa pinaka layunin ng nasabing gawain ay upang maipaabot ng mga Opisyal ng Barangay at Kawani ng Local na Pamahalaan ang mga importanteng anunsyo at impormasyon na makakatulong sa bawat sambahayan, ito rin ay naging daan upang maipaabot ng mga Opisyal ng Barangay Pandan ang kanilang mga naging accomplishment at susunod na mga plano para sa ikaka-ayos at ikaka-unlad ng nasabing Barangay.

Ang tagumpay ng gawain ay sa tulong at pakikiisa ng mamamayan kasama ang mga aktibong miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa Barangay Pandan, Bayan ng Santa Fe.

📷 PL Leonor Bangalisan

Photos from Pantawid Pamilyang Pilipino Program's post 04/08/2022

Kamusta ang Baga Nyo?

Ating sama-samang basahin at Alamin ang mga bagay bagay tungkol sa ating mga Baga.

Photos from DSWD Eastern Visayas's post 03/08/2022

For your Information.

02/08/2022

Paalala po sa mga Benepisyaryo ng 4P's dito sa Bayan ng Santa Fe, Romblon.

PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG 4Ps

Para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ie-enroll ang mga anak sa paaralan, narito ang mga paalala bago at sa araw ng rehistrasyon sa eskwela.

Bago ang araw ng enrollment:
(1) Alamin sa paaralang papasukan ng anak kung kailan ang enrollment.
(2) Ihanda ang Pantawid Pamilya ID na kailangang dalhin sa araw ng enrollment.

Sa araw ng enrollment:
(3) Huwag kalilimutan na dalhin ang Pantawid Pamilya ID sa araw ng enrollment ng anak.
(4) Kapag nasa paaralan na, ipaalam sa g**o na namamahala sa enrollment na ang sambahayan ay benepisyaryo ng Pantawid Pamilya.
(5) Isulat sa enrollment form ang kombinasyon ng Household ID Number na makikita sa Pantawid Pamilya ID [tingnan ang larawan].

Dagdag na mga paalala:
* Kung nawala o wala pang Pantawid Pamilya ID, tanungin sa City o Municipal Link kung ano ang Household ID Number.
* Kung tapos nang mai-enroll ang anak, agad na ipaalam sa inyong City o Municipal Link.

Photos from DepEd ALS 2.0's post 01/08/2022
20/07/2022

Tara, silipin natin! 🧐

Anu-ano ang mga dokumentong kinakailangan para sa Persons with Disabilities ID❓

Kung nais kumuha ng Persons with Disabilities ID, siguraduhin na dala at kumpleto ang mga sumusunod:
📄Barangay Certificate;
📄Application Form (Philippine Registry Form for Persons with Disabilities);
📄Dalawang 1x1 picture ng taong may kapansanan (para sa booklet at ID); at
📄Lehitimong Certificate of Disability na may lagda ng sinumang lisensyadong kilinika o ospital.

Ang mga aplikante na may apparent disability o malinaw na may kapansanan ay hindi na kinakailangan ng Certificate of Disability (Halimbawa; bulag, putol ang kamay o paa, o may down syndrome).

Para malaman ang iba pang mga impormasyon tungkol sa programa ng DSWD, bisitahin ang opisyal na website sa https://www.dswd.gov.ph/ ℹ️

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo! ❤️

Photos from Department of Social Welfare and Development's post 04/07/2022
Photos from LGU - Santa Fe, Romblon's post 04/07/2022
Photos from Pantawid Pamilya Santa Fe's post 04/07/2022

Noong buwan ng Hunyo, ang Family Development Session ay matagumpay na natapos katuwang ang masisipag na Parent Leaders ng 68 cluster groups.
Iba't ibang pamamaraan ang isinagawa ng bawat parent leader sa kanilang grupo. Nagkaroon ng Small Group Neighboorhood Session (SGNS), Sharing of FDS materials at eFDS on Group Chats. Ang printed materials and IEC materials naman ay naibahagi sa bawat parent leaders ng ating Municipal Links.

02/05/2022

MAMAYA NA!!

Samahan nyo kami sa ganap na ika-2 ng hapon, para sa kauna-unahang episode ng 4Ps TV: Impormasyon at Kaalaman para sa Pamilyang Pantawid. Abangan kung sino nga ba ang ating magiging panauhing tagapagsalita at anong paksa nga ba ang tatalakayin natin ngayon. Kaya, tutok na mga ka-4Ps!

Videos (show all)

Mga ka 4psPanuorin po natin eto

Website