Netflix and Other Movies

Netflix and Other Movies

Ang mga reviews at opinyon po sa mga pelikula ay personal na pananaw ng nag-post nito. Nagbibigay l

07/06/2022

"Sully". -Based on true story.

Director: Clint Eastwood.

Cast:
Tom Hanks
Aaron Eckhart
Laura Linney.

-Isa na namang napaka-gandang pelikula ni Tom Hanks. At sa pelikulang ito, si Clint Eastwood pa ang direktor, kaya naman napakaganda ng mga eksena.
Kwento ito noong 2009 kung saan ligtas na nakapag-emergency landing sa New York's Hudson River si Capt.Chesley "Sully" Sullenberger (Tom Hanks) at kaniyang nailigtas ang buhay ng 155 na pasahero.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

04/06/2022

"Captain Phillips". -Based on true story.

Director: Paul Greengrass.

Cast:
Tom Hanks
Barkhad Abdi
Barkhad Abdirahman.

-Tambalang Tom Hanks at director Paul Greengrass ulit.
Kwento ni Capt.Richard Phillips (Tom Hanks), at ng apat na Somalian pirates na umakyat sa MV Maersk Alabama at ginawang hostage si Capt.Phillips.
Napaka-gandang pelikula. Magagaling ang mga artista, at magaganda ang scenes lalo na ang nakaka-nerbiyos na pagkakaligtas Capt.Phillips.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

04/06/2022

"Interceptor".

Director: Matthew Reilly.

Cast:
Elsa Pataky
Luke Bracey
Aaron Glenane.

-Bagong pelikula.
Maganda naman ang pelikula. Action at nakaka-nerbiyos din. Kaya lang, parang maraming kulang. Parang, lahat nakaasa na lang kay Elsa Pataky (Jj Collins).

At may nakakaaliw rin si Chris Hemsworth dito. Cameo dahil asawa niya si Elsa Pataky sa totoong buhay.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

03/06/2022

"News Of The World".

Director: Paul Greengrass.

Cast:
Tom Hanks
Helena Zengel
Michael Angelo Covino.

-Drama at may kaunting action. Maganda ang kwento at mapapaluha ang marami.
Napaka-galing ng mga artista lalo na siyempre si Tom Hanks.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

30/05/2022

"Paskal" -Based on true events.

Director: Adrian Teh.

Cast:
Hairul Azreen
Ammar Alfian
Jasmine Suraya.

-Well, maganda naman 'yung kwento. Maganda rin 'yung tinakbo ng pelikula. May mga eksena lang na mapapakamot ka sa ulo.
Pero, ok naman. Hindi naman nasayang oras ko.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

30/05/2022

"Beast Of No Nation".

Director: Cary Joji Fukunaga.

Cast:
Idris Elba
Abraham Attah
Kurt Egyiawan.

-Makabagbag damdaming pelikula. Action and drama.
Ganito siguro ginagawa ng mga NPA sa atin para makapag-recruit.
🀷🀷🀷
Magandang pelikula.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

29/05/2022

"Midway". -Based on true events.

Director: Roland Emmerich.

Cast:
Ed Skrein
Patrick Wilson
Woody Harrelson.

-Tungkol ito sa makasaysayang "Battle of Midway" sa pagitan ng Estados Unidos at Japan.
Napakagandang pelikula. Mas maganda pa kaysa sa "Pearl Harbor".

(The screenplay for Midway was written by Navy veteran Wes Took, and each scene was carefully monitored to ensure its historical accuracy. Retired Navy Rear Admiral Sam Cox commented: β€œDespite some of the 'Hollywood' aspects, this is still the most realistic movie about naval combat ever made.).

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

29/05/2022

"The Call".

Director: Lee Chung-hyun.

Cast:
Park Shin-hye
Jun Jong-seo
Kim Sung-ryoung.

-May pagkakahawig ang kwento sa Korean series na "Signal", kung saan nakakausap niya ang isang tao mula sa nakaraang panahon.
Suspense, may kaunting drama, at bakbakan.
Magandang kwento at swak sa mga mahihilig sa mga pelikulang may temang patayan.
Madugo ang mga eksena. Hindi pambata.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

29/05/2022

"Birdshot".

Director: Michail Red.

Cast:
John Arcilla
Arnold Reyes
Mary Joy Apostol.

-Napakabagal ng takbo ng kwento. Parang bitin na bitin din 'yung pelikula. Sobrang nakakainip kung ako ang tatanungin.
Si Michail Red din direktor ng "Arisaka", na may kabagalan din ang takbo ng kwento.

πŸ‘ŽπŸ‘ŽπŸ‘Ž

28/05/2022

"Time To Hunt".

Director: Yoon Sung-hyun.

Cast:
Lee Je-hoon
Ahn Jae-hong
Choi Woo-shik.

-Ok naman. Nakaka-nerbiyos din at mapapatutok ka.
Medyo nainip lang ako sa umpisa, pero ok naman.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

28/05/2022

"Edge Of Fear".

Director: Bobby Roth.

Cast:
Shen Lin
Robert Patrick
Zhu Zhu.

-Para sa akin, pito-pito ang kwento. Maaaring swak sa panlasa niyo, pero hindi sa akin.
Action film 'to e. Pero nainip ako nang sobra.

πŸ‘ŽπŸ‘ŽπŸ‘Ž

28/05/2022

"The Invisible Man".

Director: Leigh Whannell.

Cast:
Elisabeth Moss
Aldis Hodge
Storm Reid.

-Suspense. Nakakakaba ang ilang eksena.
Ok naman ang kwento, medyo nakakaantok lang.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

28/05/2022

"Parasite".

Director: B**g Joon Ho.

Cast:
Song Kang-ho
Lee Sun-kyun
Cho Yeo-jeong.

-Nakakainis na pelikula.
Hindi dahil sa pangit, pero dahil magagaling ang mga artista.
Magandang pelikula.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

28/05/2022

"Night In Paradise".

Director: Park Hoon-Jung.

Cast:
Um Tae-goo
Jeon Yeon-been
Cha Seoung-won.

-Action. Hindi pwede sa bata at sa mga hindi sanay sa brutal na mga eksena.
Magandang pelikula, magugustuhan niyo lalo na kung mahilig kayo sa mga action films.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

28/05/2022

"Arisaka".

Director: Mikhail Red.

Cast:
Maja Salvador
Mon Confiado
Art AcuΓ±a.

-Kung ikukumpara sa ibang local action films, maganda ito.
Pero para sa akim, may kabagalan ang takbo ng pelikula. Pero overall, ok naman.
Hindi naman sayang sa oras.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

28/05/2022

"Escape From Mogadishu". -Based on true story.

Director: Ryoo Seung-Wan.

Cast:
Kik Yun-seok
Jo In-Sung
Huh Joon-Ho.

-Worth it panuorin. Madadala ka sa kwento.
Action at drama. Nakakanerbiyos din.
Magandang pelikula.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

26/05/2022

"RV: Resurrected Victims".

Director: Kwak Kyung-taek.

Cast:
Kim Rae-won
Kim Hae-sook
Sung Dong-il.

-Kakaiba ang kwento nito. Magandang pelikula.
Mapapaisip ka at baka nerbiyusin ka pa.
Pero para sa akin, may mga "creepy" na scene din.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

25/05/2022

"The Founder".

Director: John Lee Hancock

Cast:
Michael Keaton
Nick Offerman
John Caroll Lynch.

-Kwento kung saan at paano nagsimula ang McDonalds.
Well, personally, hindi ako nainspired sa kwento. Para sa akin, kwento ito ng isang kasakiman.
Pero maaaring magustuhan niyo.
Ahmmm,,, hindi lang siguro ako business minded na tao.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

24/05/2022

"Unbroken" -Based on true events

Director: Angelina Jolie

Cast:
Jack O'Donell
Miyavi
Domhnall Gleeson

-Kwento ito ng Olympian at U.S. WW2 veteran na si Louis Zamperini.
Nakaka-inspired na pelikula. May kaunting action at drama.
Ipapaalala sa atin kung gaano kahalaga ang pagpapatawad.
Panuorin niyo po.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

24/05/2022

"Silverton Siege" - Based on true events.

Director: Mandla Dube

Cast:
Thabo Remetsi
Arnold Vosloo
Noxolo Dlamini

-Magandang pelikula.
1980 ang setting at hango sa totoong pangyayari.
Kung mahilig ka sa action, pwedeng-pwede 'to sa'yo.
Kung mahilig ka sa drama, swak din 'to sa'yo.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

24/05/2022

"Gunjan Saxena:The Kargil Girl".

Director: Sharan Sharma

Cast:
Janhvi Kapoor
Pankaj Tripathi
Angad Bedo

-Base ito sa totoong tao at mga totoong events.
Pero ewan ko, umpisa pa lang ng pelikula, "pito-pito" na.
O.A. Walang dating, at hindi ko malaman kung paanong naging pelikula ito.

Kung gusto po ninyong panuorin, ok lang, pero para sa akin, sayang oras lang.

πŸ‘ŽπŸ‘ŽπŸ‘Ž

04/06/2020

"American Sniper" -Based on true events.

Director: Clint Eastwood.

Cast:
Bradley Cooper
Sienna Miller
Luke Grimes.

-Kwento ito ng isang sikat na SEAL sniper na si Chris Kyle.
Sari-saring emosyon mararamdaman mo.
Matutuwa ka, maiinis, malulungkot.
Magandang pelikula.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

28/05/2020

"6 Underground".

Director: Michael Bay

Cast:
Ryan Reynolds
MΓ©lanie Laurent
Corey Hawkins.

-Maganda 'tong pelikula na 'to.
Nakaka-aliw panuorin.
Tuturuan nila tayong magbilang.
πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

23/05/2020

"Salt".

Director: Phillip Noyce.

Cast:
Angelina Jolie
Liev Schreiber
Chiwetel Ejiofor.

-Spy Movie. Maganda 'to. Angelina Jolie e.
Action at medyo mapapaisip ka sa katauhan ni Salt.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

21/05/2020

Extraction.

Ito 'yung ilan sa mga eksena na mala-John Wick.
πŸ‘πŸ‘πŸ‘

20/05/2020

MIB: International.

'Yung feeling mo, ikaw pa rin si Thor, pero nasa ibang pelikula ka pala.

πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

20/05/2020

"Men In Black: International".

Director: F.Gary Gray.

Cast:
Chris Hemsworth
Tessa Thompson
Liam Neeson.

-Sa palagay ko, pwede niyo po itong panuorin kahit hindi niyo pa napanuod 'yung mga naunang "MIB" nina Tommy Lee Jones at Will Smith.
Magandang pelikula, medyo comedy.
Maraming scene na nakakaaliw. At nagkasama uli si Chris Hemsworth at Tessa Thompson.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

20/05/2020

"The Call".
(YouTube).

Director: Brad Anderson.

Cast:
Halle Berry
Abigail Breslin
Michael Eklund.

-Psychological thriller crime film.
Nakaka-kaba at nakaka-nerbiyos.
Magandang pelikula.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

20/05/2020

"London Has Fallen".

Director: Babak Najafi.

Cast:
Gerard Butler
Aaron Eckhart
Morgan Freeman.

-Bago niyo panuorin 'to, panuorin niyo muna 'yung "Olympus Has Fallen".
Same cast siyempre, pero mas matinding bakbakan 'to at mas "Superman" si Gerard Butler dito.

Para sa akin, mas maganda 'yung "Olympus Has Fallen", pero maganda rin naman 'to.

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

19/05/2020

"Olympus Has Fallen".

Director: Antoine Fuqua.

Cast:
Gerard Butler
Aaron Eckhart
Morgan Freeman.

-Superman si Gerard Butler dito. Action talaga.
U.S. President & Secret Service ang kwento.
Pagkatapos niyong mapanuod 'to, isunod niyo 'yung "London Has Fallen".

πŸ‘πŸ‘πŸ‘

Videos (show all)

Extraction.Ito 'yung ilan sa mga eksena na mala-John Wick.πŸ‘πŸ‘πŸ‘
MIB: International.'Yung feeling mo, ikaw pa rin si Thor, pero nasa ibang pelikula ka pala.πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Website