Kolektib: Martial Law Facts or Myths
EDUCATIONAL PAGE
Biglang lumakas at nakalakad e
On February 22, 1986, the People Power Revolution started which was a series of mass demonstrations all throughout the Philippines against the regime of Ferdinand Marcos.
Sadly, the lessons of martial law, the corrupt acts of the late dictator and his family, as well as all abuses in that regime are not being taught in schools.
Check this video to learn more about martial law from the people themselves. Share to a friend who believes that martial law is just an “incident” in Philippine history.
Kaming mga Political Science students mula sa Rizal Technological University, ay may malinaw na tindig sa pagtanaw ng pinakamadilim na kasaysayan ng Pilipinas. Bilang pangunahing hakbang sa pagkundena sa pagbabalik ng mga Marcos sa pamahalaan gamit ang malawakang pananamantala sa kahirapan, isolation, at desperasyon ng mga mamamayan tunay sa pagbabago, kaming mga Iskolar ng Bayan ay tumitindig patuloy na lumalaban gamit ang pamamahagi ng mga impormasyon na magiging sandata ng masang patuloy na sinasamantala.
Patuloy natin ibukas at itatak sa ating mga isipan na kailanman ay hindi maging maganda o ituring na Golden Era ang panahon ng martial law, dahil sa loob ng dalawang dekada ay mahigit 70,000 ang ikulong ng walang proseso at mahigit 3,257 ang mga pinatay na hanggang ngayon ay hindi pa nababawi ang mga labi nito.
Manatili tayong tumindig sa katotohanan upang patuloy na maipaglaban ang ating mga karapatan bilang mamamayan. 'Wag na natin ibalik ang madilim na panahon sa kasaysayan kung saan mahigit 2 milyong mga Pilipino na nagsanib pwersa upang makuha ang kalayaan na meron tayo ngayon.
Kaya naman, kaming mga mag-aaral ng kasaysayan at agaham pampulitika ay nagtulong tulong upang mabuo ang proyektong ito at maipahayag sa inyo ang mga bahagi sa kasaysayang unti-unting minamanipula ng mga uring nananamantala.
Ang layunin ng proyektong Martial Law Archives: Facts or Myths, ay ipahayag sa inyo ang mga katotohanan tungkol sa mga pangyayari sa Martial Law upang imulat ang karamihan lalo na sa mga kapwa nating mga kabataan na maging mapanuri sa mga balita na nakikita sa social media.
Mahalaga na maging mulat tayo sa katotohanan ng ating kasaysayan lalo na sa Martial Law na tinuturing nating pinakamadilim na kasaysayan ng Pilipinas sapagkat ito ang isa sa mga bumubuo sa atin ngayon bilang isang Pilipino.
Ang pagbabalik-tanaw nating mga Pilipino sa mga madidilim na parte ng ating kasaysayan ay magdudulot ng isang makabuluhang aral sa paghakbang natin tungo sa kasalukuyan.
President Ferdinand Marcos signed Proclamation No. 1081 on September 21, 1972, placing the Philippines under Martial Law. Some say that Marcos signed the proclamation on September 17 or on September 22 but, in either case, the document itself was dated September 21, 1972
Here are the facts about martial law during the Marcos regime.
Trolls in the Philippines
Sabi nila, Best President Ever daw ang diktador na si Ferdinand Marcos. Golden age din daw ang Martial Law. Pero gaano kaya katotoo ang mga ito? Sasang-ayon kaya ang data? 🤔