SMU Freedom Wall
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SMU Freedom Wall, .
Shout out sa mga students na di pinapansin yung mga DM natin sa mga prof dahil d tayo popular haha. Everyone needs a feedback madam/sir, though familiar na yung mga reasons namin like may block out, connection loss and etc., nagiging honest lang po kami.
Submitted: Feb 14, 2021, 11:17 AM
Hi Miss JV Rivera ❤
Ako nga pala yung classmate mo nung first year haha. Sana maalala mo pa ako. Ako yung cutie na nasa sulok hehe. P simula ng name ko.
Never kita nakalimutan sana mapansin mo ako. Labyuuu.
-Acro
Pa-shawrawt po sana kay Paul Harvey Cadano Suarnaba ng BSED-3 crush ko po siya
2nd sem started as I was not expecting it to be.. Nahiwalay ako sa mga ka blockmates ko before and dahil doon medyo naging sad ako. But when classes started, there was this girl na kung saan inaasar asar ko sa friend ko then later on ako na yung nafall :)) I don't have the courage to tell her na I like her kase what if she rejects me?? I mean what if mawala Yung pagiging comfy and Yung closeness namin? I like her a lot and I need some tips king paano po umamin sa kanya :((
- Renz
I just want to vent out my feelings towards the response of SLU administration to it's students' pleas. 🥺
Huwag kayo mawalan ng pag-asa Louisians, your sisters and brothers from SMU are one with you. May we trend
-Anonymous
Sent: October 31, 2021, 10:39AM
Hello can I vent here? Ang grabe na ng online class. Sobrang nakakadrain pigang piga na ako. Instead na matutulog ka kailangan mong aralin yung lessons mo. Instead na kakain ka, ilalaan mo nalang yung oras para gumawa ng activities. Yung weekends parang weekdays narin. Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan kundi lahat ng mga students and teachers pero napakahirap nung holiday mo lang pero ipinagdamot pa. Holiday tapos may sunud-sunod na activity na ipapasa sa araw na yon? That's too much. Deserve din namin ng pahinga ,Deserve din namin makapagreview before exams. Deserve din namin makatulog ng maayos. We want rest pero bakit mukhang rest in peace makukuha namin.
-E & M
Sent: November 1, 2021, 10:15am
Na appreciate ko lahat ng virtual hugs at motivation messages niyo pero sa totoo lang, aminin na natin. PAGOD NA TAYO.
pagod na tayong mag cheer up ng iba, kasi kailangan din natin ng cheerleader (send jowa kemz). Hirap na tayong mag check ng ibang classmates/friends kasi pati tayo hirap na tayong ma motivate. HINDI TAYO MGA TAMAD. PAGOD LANG TAYO. AT DASERB NATIN NG PAHINGA. KUNG ANONG GAGAWIN MO NGAYONG WEEKEND.. DASERB MO YAN MARECAKE!
MATULOG KA! MANUOD KA! UMUWI KA! KUMAIN KA! MAG CHECK OUT KA NG NASA CART MO. CREATE YOUR OWN BREAK. MAGKANYA KANYA MUNA TAYO. PAHINGA MUNA MARIANS.
-Taylor Swift
Sent: October 31, 2021, 12:26 AM
"bobo lang yung magpapakamatay dahil sa acads"
"ang daming nagsisikap jan tapos magpapakamatay lang yung iba"
Yan ang narinig ko sa parents ko after ko i-open up yung nangyayari sa SLU ngayon...
Ang hirap pigilan yung luha, kasi jan palang, alam kong hindi na nila ako maiintindihan kapag umiyak na ako sa harap nila dahil sa acads 🙂
Hindi naman kasi tayo naiintindihan HAHAHAHAHAAH
Sino ba naman kasi tayo para intindihin?
-Anonymous
Sent: October 30, 2021, 10:37 PM
Para sa Marian na patuloy lumalaban at inilalaban ang mga pangarap sa buhay, hindi sapat ang sanlibong palakpak para pagpugayan ang tapang at dedikasyon na iniaalay mo. Higit pa sa mga medalya, sertipiko, at matataas na grado ang halaga ng bawat sakripisyo na iniaaly mo. Batid ko ang hirap na patuloy kang nagsusulat at nagbabasa habang iniaalis mo sa isipan na ayaw na at gusto na lamang tumigil, batid ko ang hirap na gusto mo magpahinga pero alam mong pamilya ang sila'y sayo'y umaasa kaya kahit lugmok at pagod na, pilit paring tutuloy hindi lamang para sa sarili kundi para sakanila.
Pero nais ko lang rin sabihin sayo na higit pa sa kung ano mang bagay ang sa tingin mo ay importante, ikaw ang pinakaimportante. Ang magpahinga ay hindi kahit kailan man magiging mali. Ang pagpapahinga ay parte ng proseso. Hindi ka makinarya na kailangang gumagalaw 24/7. Tao ka, napapagod at nangangailangan ng pagpapahinga. Lahat ng pagod at emosyon na nararamdaman mo ay wasto. Huwag mong hayaang idikta sayo ng kung sino man na mali ang tumigil, huminga, at umiyak.
Yakap para sa lahat! Mahal ko kayo sagad pa sa pinakasagad.
-Niña
Sent: October 30, 2021, 9:54 AM
Problemado na nga ako kay crush dadagdag pa 'tong mga activities. Kilalanin niyo binabangga nyo ha. Pero okay lang wala tayong no choice eh.
-BMLS 1C
Sent: October 29, 2021, 8:45 PM
Mamiiii why naman ganyerrnn? Kung makapag bigay ng activities kala mo nagpapaulan lang ng confettiii?? Maawa kayo samin at senyo den, mga dati pangang activities di niyo pa nacheckan ihhh. Midterms na next week wala pa ako masyadong natutunan, kulang na kulang sa proper discussions. You think these links and hundred pages of pdfs will suffice? HAHAHAHAHA mami, both of us know the answer. I demand an Academic Break. Majority are having burnouts and breakdowns, sama mo nadin breakout ng pimples. ACADEMIC BREAK naman na sana. We deserve it. Both the faculty and students deserve it.
-MamiMongSTEHnaDemandingPeroDeserved
Sent: October 29, 2021, 1:32 PM
Bat pa kailangan ng letter? Di pa ba obvious na kailangan na ng pahinga? Pati ba naman semestral break ipag kakait niyo samin 😅
-Anonymous
Sent: October 28, 2021, 10:12 PM
I hate this feeling.
Pinagsisiksikan ko na naman sarili ko🙃 Nanlilimus na naman ako ng attention .
Minsan gusto ko nalang talaga maging HAKDOG😅😬
-Anonymous
Sent: October 28, 2021, 9:07 PM
Okay lang, sino ba naman kami para pag-bigyan ng Acad Break? Kahit isang buong week na break lang sana next week, pero okay lang, kahit di kami okay🙂
-STEH stud
Sent: October 27, 2021, 3:46 PM
Happy Birthdaaaay sa nagiisang prinsesa namin! Mahal na Mahal ka namin. Wag ka mamataaaay! Jaylord Verazon
-From quaranteam 😵💫
Sent: October 26, 2021, 9:11 PM
Hi! Mga ka-BSN3, specially sa section ng matatalino😁! Hanga ako sa mga talino, tyaga at confidence nyo. Kahit andaming requirements at sunod-sunod ung mga presentation natin, nakakaya nyo. Nagagawa nyo pa ring maging active during class( sa iba😄). Nagagawa nyo pa rin mag-pass on time. Sa sunod-sunod na activities na binibigay, you can still come up with a good output! Pano yon?
Ang hirap makisabay dahil you were always 10 steps ahead n the way(that is a compliment😊). Kaya minsan nakakainggit yung talino at perseverance nyo. Sana all😄!
-Anonymous
Sent: October 26, 2021, 5:33 PM
College life? As expected, this is going to be hard, really. New environment? New people? New teacher? everything is new. And it's okay with me dahil sabi ko noon panahon na para tulungan ko ang sarili ko nang mag isa. Pero ang hirap pala, unang araw ng klase, malala na agad ang naranasan ko. Di ko alam kung sino ang iaapproach kasi baka sabihin sa akin feeling close. Habang tumatagal, wala pa rin. I'm always alone. Walang may gustong maging kagrupo, pag by partner ang activity, parating nawawalan. Yes, may mga kaibigan na ako but who knows baka ayaw nila sa ugali ko. I always have that feeling na pinag-uusapan nila ako behind their back. And it's okay with me, kasi this is my choice. It's just that, ang hirap mag adjust sa ganitong sitwasyon. Ako nalang ang nagchi-cheer sa sarili ko, "kaya mo yan self, para sa pamilya, para sa pangarap". And those thoughts are my comforts.
Those students na kagaya ko, cheer yourselves guys!. Ayos lang minsan ang mag-isa kasi natuturuan mo ang sarili mo.
Blessed morning!
-CE student
Sent: October 26, 2021, 5:31 AM
Masarap sana kanin kung ang ulam everyday hindi quiz.
-nagsusulat pa ng 50 pages
Sent: October 25, 2021, 7:56 PM
Isang gabi na puno ng tawanan at landian,
Di alam sinasabi dahil nasilaw na sa 'yong kagandahan,
Nagpadala ng larawan, lantad ang malapad na noo,
Parang paliparan, pwede paglandingan ng halik ko.
Puno ng halakhak sa bawat banat na binabato,
Di takot pumusta pero takot na matalo,
Puro ka tawa halatang masaya ka sa aking piling,
Sa sobrang saya nakatulog ka ng mahimbing.
Sa bawat minuto at oras ramdam ko na parang tayo,
Pero mata na mataas ang grado, sobrang labo,
Lahat ng biruan nawala at naging seryosohan,
Gusto ko na umamin kaso alam ko na ang kahahantungan.
Hanggang kaibigan lang kaming lehitimong class S,
Hanggang kaibigan, tropa or di naman kaya'y mag-bes,
Nakakalungkot man isipin na kung sino pa nagpapahalaga,
Sila pa yung iniiwan at iniisip na walang kwenta.
-Anonymous
Sent: October 25, 2021, 7:32 PM
Hi Imer Cerina ang cute mo, sana di ka mamatay"
-Anonymous
Sent: October 25, 2021, 3:31 PM
Boss, i'm doing this things for you not in a mean na maitulay ka sakin one day, but in an individuality case na even if rejection happened in my part e atleast may nagawa akong tama para sayo kahit pa by means of cheating na. And accepted na yung rejection kaya wag ka magworry kung nagiging caring ako kasi pure friendship nalang iyon. May you find the healing you always wanna have, got you lagi 😉
-Sphere.
Sent: October 25, 2021, 1:18 PM
Let's be real here guys, Wala talagang natututunan tuwing reporting ang activities tapos after reporting 'di rin naman ipipinpoint ng profs kung ano yung mali at kung tama ba yung nirereport mo. Okay lang sana if once lang magpareport pero halos buong meeting naman na ata this term is reporting. Nagenroll pa ako kung ako rin pala magtuturo sa sarili ko jk. Dagdag pa yung kagrupo na bigla nalang mawawala. edi sana binikkil at tinilmon niyo nalang ako
-pagod na gumawa ng ppt pero ios lang premium naman canva jk
Sent: October 25, 2021, 10:15 AM
Bakit ganon? nakakapagtiktok pero pag group activity na biglang nawawala at hindi nag bibigay ng ambag sa outputs?
-Anonymous
Sent: October 24, 2021, 8:55 PM
Hindi ako nag online mag hapon kahit sobrang dami kong activities na dapat gawin. Pero I felt really good. Nagkaroon ako peace of mind kahit saglit lang! Laban mga KATUSOK💉💉💉♥️♥️♥️
-BMLS
Sent: October 24, 2021, 7:15 PM