Sto. Cristo Elementary School-105632 SDO Nueva Ecija
Sto. Cristo Elementary School is offering Basic Education Curriculum (Kinder to Grade 6) located at
Ang Sto.Cristo ES teaching force ay boung pusong nagpapasalamat kay Sir Antonio Bernardo Santos .Thank you so much po Sir sa inyong donation ito po ay malaking tulong para sa aming paaralan nawa'y mas maraming pang pagpapala ang dumating saiyo🙂
105632 Sto.Cristo ES
Minor damage
roof and ceiling
September 02, 2022
Republic Act No. 7596 - Isang batas na nagdedeklara sa ika-2 ng Setyembre bilang ARAW NG NUEBA ESIHA at tanging walang gawaing araw o special nonworking holiday sa Lalawigan ng Nueba Esiha.
Psychosocial Activities
Maraming Salamat po sa Kindergarten Parents sa pakikiisa at pagsuporta sa atin pong Brigada Eskwela.
Pinakinggan ni Gov Oyie ang sentimyento ng mga magulang at estudyante:
WALANG PASOK HANGGANG BUKAS!
Opisyal na idineklara ni Governor Aurelio Umali ang suspensyon ng klase sa lahat ng lebel maging pribado man o pampublikong paaralan sa buong lalawigan ng Nueva Ecija ngayong araw hanggang bukas August 24, 2022.
Ito ay dahil sa patuloy na nakakaranas ng pag-uulan ang lalawigan sanhi ng Bagyong kaya upang masig**o na ligtas ang mga mag-aaral ay maagang inanunsyo ngayon ni Governor Umali ang suspensyon ng klase bukas.
The Psychosocial Support Activity Pack: A Teacher's Guide (All Levels) provides guidance for teachers to conduct psychosocial support activities for learners, in line with the in-person learning modality during the new normal.
You may access the copy of the Psychosocial Support Activity Pack, and Evaluation Guide and Tool, as well as video recordings through this link: https://bit.ly/F2FMHPSSResources
✨️ To get the latest updates and announcements, please join: https://bit.ly/DepEd_MHPSSF2F
Muli tayong magsama-sama para sa ligtas na pagbabalik eskwela! 🏫
Maraming Salamat po sa PNP Quezon, 4P's Members - Purok 2 at KKDAT sa pagtulong at pagsuporta po sa atin pong Brigada Eskwela.
Muli na naman tayong magbabayanihan upang maitaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa lahat!
Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon ngayong darating na Agosto 15-26, 2022 para sa Oplan Balik Eskwela 2022, sa ilalim ng temang "Kapit-Bisig Para sa Mas Ligtas na Balik-Aral."
Nilalayon ng OBE na matiyak na ang mga mag-aaral mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay maayos na makapagpatala. Nilalayon din nitong tugunan ang mga katanungan at iba pang alalahanin na karaniwang nararanasan ng publiko sa pagsisimula ng taong-panuruan.
Alamin din ang mga ginagawang paghahanda para sa pasukan sa gaganaping OBE 2022 Launch and Command Conference ngayong Agosto 15, Lunes. Mapapanood ito sa ating DepEd Philippines page at YouTube channel.
Para sa iba pang detalye kaugnay sa OBE 2022, basahin ang DepEd Memorandum No. 63, s. 2022: bit.ly/DM63S2022
Maraming Salamat po sa 4P's Members - Purok 3 sa pagsuporta at paglaan ng oras sa atin pong Brigada Eskwela.
08/07/2022
Maraming Salamat po sa 4P's Members - Purok 4 sa pakikiisa at pagsuporta sa atin pong Brigada Eskwela.
08/06/2022
Maraming Salamat po sa 4P's Members - Purok 1 sa pagsuporta at pagtulong po sa atin pong Brigada Eskwela.
08/04/2022
Enrollment
Brigada Eskwela 2022
Ipakita na ang inyong suporta para sa 2022 Brigada Eskwela sa pamamagitan ng paggamit ng ating opisyal na profile frame!
Magpunta sa twb.nz/deped2022be para magamit ang profile frame. I-download ang iyong photo at i-upload ito sa iyong social media accounts.
Samahan ang Kagawaran ng Edukasyon ngayong Agosto 1-26, 2022 at makiisa sa pagbabayanihan para sa ligtas na balik-aral!
Para sa iba pang detalye kaugnay ang school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Memorandum No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022
Mga Ka-Brigada, halina't sama-sama muling magbayanihan!
Ngayong darating na Lunes, Agosto 1, lahat ay iniimbitahan ng Kagawaran ng Edukasyon na makiisa sa 2022 National Brigada Eskwela Kick-off sa pangunguna ng SDO Imus City sa Imus Pilot Elementary School.
Panoorin ang livestream ng programa sa opisyal na page, YouTube channel, at website ng DepEd Philippines, 8:30 AM.
Sa ilalim ng temang "Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral," ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela mula Agosto 1-26, 2022 ay bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase na nakatuon sa pagpapatibay ng partnerships sa pagitan ng DepEd at sa stakeholders nito upang kilalanin ang pangangailangan ng mga Pilipinong mag-aaral, na titiyak sa paghahatid ng dekalidad na edukasyon para sa lahat.
Para sa iba pang detalye kaugnay ang school calendar ngayong SY 2022-2023, basahin ang DepEd Memorandum No. 34, s. 2022: https://bit.ly/DO34S2022
STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL
ENROLMENT UPDATE❗️❗️❗️
Enrolment starts on July 25, 2022 up to August 22, 2022.
Inaanyayahan ang mga magulang o guardians ng mga sumusunod na magpaenrol:
📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
📌Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2021-2022.
📌Transferees: Mga batang mula Grade 2-Grade 6 na nagnanais lumipat.
📌Balik-Aral: Mga batang nagnanais bumalik sa pag-aaral.
Mga Dokumento na Kailangang Isumite:
📌 Kindergarten
▪️ PSA Birth Certificate
▪️ No PSA Birth Certificate: Magpasa ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth Certificate
📌Grade One
▪️Batang Kindergarten completer.
▪️ PSA Birth Certificate
▪️No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod *NSO Birth Certificate/Local Live Birth/Barangay Certification/Late Registration Form
📌Transferees (Grade 1 to Grade 6)
▪️Basic Education Form (Ito'y maaaring makuha sa paaralan kung saan magpapalista)
▪️Original Report Card (SF9) na may pirma ng Adviser at Principal
▪️PSA Birth Certificate
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bisitahin ang page ng paaralan.
❤Mahalagang Paalala❤
☑️Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
☑️Palaging magsuot ng facemask.
☑️Magdala ng sariling ballpen.
Thank you and God bless po! 🥰❤️
2nd Quarter Nationwide
Simultaneous Earthquake Drill
Sto. Cristo Elementary School
"MAKAPAG-ARAL AY KARAPATAN MO!
MAGPALISTA NGAYONG MARSO"
ANNOUNCEMENT!
"Early Registration para sa panuruang taon 2022-2023"
March 25-April 30, 2022
📢 Bilang paghahanda sa pagbubukas ng SY 2022-2023, ang mga Paaralang kabilang na, ang STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL ay magsasagawa ng "Early Registration". Inaanyayahan ang mga magulang (guardian) na magpalista:
📌Kindergarten: Mga batang limang (5) taong gulang sa o bago mag Oktubre 31, 2022 (DepEd Order No. 47, s. 2016/DepEd Order No. 20, s. 2018)
📌Grade 1: Mga batang nakapagtapos ng Kindergarten sa S.Y. 2021-2022 (Mga Batang Kindergarten ngayon).
Mga Dokumento na Kailangang Isumite:
📌 Kindergarten
▪️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
▪️ No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod:Local Live Birth Certificate/Barangay Certification/Late Registration Form
📌Grade One
▪️Batang Kindergarten completer.
▪️Original Kinder Report Card
▪️ Photocopy ng PSA Birth Certificate
▪️No PSA Birth Certificate: Magpasa ng photocopy ng alinman sa sumusunod :Local Live Birth Certificate/Barangay Certification/Late Registration Form
Kung may katanungan at nais na linawin, maaaring bumisita sa ating paaralan o makipagugnayan sa mga g**o ng ating paaralan.
Maaaring kumuha/humingi ng enrolment form sa opisina ng ating Paaralan o sa mga g**o ng kindergarten o grade 1.
❤Mahalagang Paalala❤
☑️Siguraduhin lamang na sumusunod sa mga safety protocols na ipinapatupad sa ating paaralan.
☑️Palaging magsuot ng facemask.
☑️Magdala ng sariling ballpen.
Thank you and God bless!
𝗘𝗔𝗥𝗟𝗬 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝟮𝟬𝟮𝟮-𝟮𝟬𝟮𝟯
"Makapag-Aral ay Karapatan Mo. Magpalista!"
Sa Sto. Cristo Elementary School
Early Registration ay magbubukas na simula Marso 25 hanggang Abril 30, 2022
Mga Dapat Tandaan sa Pagpapalista:
Kindergarten:
📌5years old on or before October 31, 2022(DO no. 47 S. 2016 Omnibus Policy on Kindergarten Education & DO no. 20s. 2018)
Grade 1
📌Kinder completer in DepEd Accredited Schools
Mga Dapat Dalhin sa Pagpapalista:
Kindergarten
📌Original at Photocopy of PSA Birth Certificate o Local Live Birth Certificate
Grade 1
📌kinder completers
📌Original and Photocopy of PSA Birth Certificate or Local Live Birth Certificate
📌ECCD Checklist
Para sa iba pang katanungan tungkol sa pagpapalista, magmensahe lamang sa FB page na ito o magchat, call o txt sa mga adviser ng paaralan.
Announcement:📢
Implementation of Academic Ease in Public Schools from January 17 to 28, 2022
Ang STO. CRISTO ELEMENTARY SCHOOL po ay magkakaroon ng "Academic Health Break (Class Suspension)" mula JANUARY 17 TO 28, 2022.
📌Ang Academic Health Break ay ipinatupad upang bigyan ng panahon ang mga mag-aaral, magulang at mga g**o upang mapangalagaan ang kanilang mga sarili lalo na ngayong tumaas ang bilang ng mga nagkakasakit.
📌Inaasahan pong ipapatupad sa bawat tahanan ang mahigpit na pagbabantay ng mga magulang sa mga mag-aaral upang hindi sila magkaroon ng sakit.
📌Palakasin ang katawan at isipan, Nawa po ay gawing kapakipakinabang ang break na ito sa pamamagitan ng patuloy na pagninilay, panalangin, at mas paigtingin ang mabuting pagsasamahan ng bawat pamilya/bawat isa.
📌Mag antabay lamang po para sa mga karagdagang anunsiyo galing sa paaralan o mga g**o.
Maraming salamat at mag-iingat po tayong lahat.
Earthquake Drill
FOURTH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL
November 11, 2021
Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Eartquake Drill