Nutrition Office - Naujan

Nutrition Office - Naujan
Photos from Naujan Public Information Office's post 20/07/2023

2023 NUTRITION MONTH CELEBRATION SA BAYAN NG NAUJAN
Isa sa mga hamon sa kalusugan ay ang paglaban sa malnutrisyon, lalo na sa mga lugar kung saan marami tayong mga kapatid na katutubong Mangyan na kasulukuyang mayroong mataas na antas ng malnutrisyon. Sa layunin na matugunan ito ng Pamahalaang Bayan ng Naujan sa pamumuno ni Mayor Henry Joel C. Teves katuwang ang Municipal Health Office (MHO) at Municipal Nutrition Council (MNC) sa pangunguna ni Municipal Health Officer Mary Jean I. Manalo, MD ay isinagawa ang 2023 Nutrition Month Celebration cm Family/Buntis and NCD (Noncommunicable Disease) Congress with Health Program Implementation Review and Recognition na may temang "Nutrisyon ng Pamilya at Pagbubuntis ay Pagyamanin sa Abot-kayang Pagkain Upang kanilang Kalusugan ay Mapangalagaan, Non-Communicable Disease ay Maiwasan".
Ang naturang programa ay ginanap noong Hulyo 19 sa Naujan Academy Gymnasium na dinaluhan ng nasa 20 buntis kasama ang kanilang pamilya at mga mayroong NCD ganoon din ang mga Barangay Nutrition Scholars (BNS). Kabilang sa mga handog na Serbisyong Pangkalusugan ay libreng consultation at dental/oral checkup para sa mga buntis, laboratory para sa cholesterol at blood sugar, blood typing at Hepatitis B at Syphilis screening.
Ibinahagi naman ni Nutrition Officer II at Municipal Nutrition Action Officer Bianca Louise Veronica M. Estrella, RND ang mga talking points ng 2023 Nutrition Month. Ipinaliwanag naman ni Assistant Municipal Health Officer Maria Isabel O. De Leon, MD, MPH ang paksang “First 1000 Days: Ensuring healthy pregnancy and optimum child nutrition” para sa mga buntis. Nagkaroon din ng symposium na may kaugnayan sa papel ng pamilya sa pamamahala at pag-iwas sa NCD tulad ng Hypertension na isinagawa ni Doctor to the Barrio at Rural Health Physician Kerrwin P. Cabaya, MD at sa Diabetes na pinangunahan naman ni Medical Officer III Ann Carisse A. Corro, PTRP, MD.
Isa rin sa mga naging highlight ng pagdiriwang at nagpatakam sa mga dumalo ay ang Affordable Healthy Diet Recipe Contest na tumuklas ng mga panibagong recipes na hindi lamang mura, healthy pa na nilahukan ng mga BNS mula sa walong distrito ng Bayan ng Naujan. Angat sa panlasa ng mga hurado ang Vegetable Sweet and Sour with Egg ni Jenyfe Zapata ng Barangay Montelago kaya naman wagi siya sa unang pwesto samantalang ang Saucy Okra with Malunggay ni Analyn Hernandez ng Barangay Buhangin sa ikalawang pwesto at ang Sayote Roll Overload with Kalabasa Sauce ni Monette Remulla ng Barangay Pinasabangan I naman sa ikatlong pwesto. Napaindak naman ang mga dumalo dahil sa isang Zumba session na pinangunahan ng mga myembro ng Momshie’s Angels.
Dahil nasa kasing halagang gawain ang Punumbayan, kaniyang ipinadala bilang kinatawan niya ang kaniyang may bahay at Momshie ng Bayan na si Momsy Malou G. Teves. Dumalo at nakiisa rin sa programang ito si Konsehal Elmar B. De Villa na siyang Chairperson ng Committee on Health sa Sangguniang Bayan. Isa rin si Momsy Teves sa mga nagsilbing hurado ng Affordable Healthy Diet Recipe Contest kasama ang mga kasapi ng MNC na sina MLGOO Sylvia N. Arago, Municipal Agriculturist Raquelita M. Umali at Gng. Buhay Yap.
Sa mensahe naman na ipinadala ni Provincial Nutrition Action Officer at Provincial Health Officer II Cielo Angela A. Ante, MD, FPAFP, MHA sa pamamagitan ni Nutrition Dietitian II Mercedita V. Anorico ay kaniyang binigyang diin ang apat na mahahalagang daan patungo sa pagsasaayos o pagpapabuti ng estado ng nutrisyon sa Lalawigan ng Oriental Mindoro. Ayon pa sa kaniya, mahaba pa ang ating pagdadaanan upang tuluyang mawala ang malnutrisyon sa lalawigan ngunit naniniwala siya na kayang-kaya basta't sama-sama.

10/01/2023

Alcohol consumption can cause death and disability relatively early in life. Harmful use of alcohol can also result in harm to family members and friends.

Less alcohol consumption is always better for your health and it is perfectly 🆗 not to drink.

10/01/2023

If you’re starting your journey to a healthy diet, find a way to eat nutritious foods that you actually enjoy and is a viable option to your personal situation. This will help make your healthy diet sustainable in the long run.

10/01/2023

Whole foods are foods that have been minimally processed. Whole foods are rich in nutrients and reduce risk of chronic diseases.

Website