Ka Cedric Apacer
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ka Cedric Apacer, Video Creator, .
The rising over Metro Manila, the full moon partially obstructed by the shadow of the earth creating a reddish glow on our satellite.
[MGA GAWA 2:20]
“Ang ARAW ay MAGDIDILIM, Ang BUWAN AY PUPULANG PARANG DUGO, Bago Dumating ANG DAKILA AT ANG MALUWALHATING ARAW NG PANGINOON.”
Photo Credit: Raffy Tima
IGLESIA NI CRISTO Lingap sa Mamamayan 2021 (NCR+bubble)
Quezon City ✅
Caloocan City ✅
Pasay City ✅
Taguig City ✅
Manila City ✅
Makati City ✅
Pasig City ✅
Parañaque City ✅
Mandaluyong City ✅
Navotas City ✅
Malabon City ✅
Valenzuela City ✅
Las Piñas City ✅
San Juan City ✅
Muntinlupa City ✅
Rizal Province ✅
Cavite Province ✅
Laguna Province ✅
SALAMAT PO SA IGLESIA NI CRISTO..
KAPAPASOK NA BALITA..
Mga mamamayan ng Bulacan, buong pusong nagpasalamat sa Iglesia ni Cristo at sa Tagapamahalang Pangkalahatan Kapatid na Eduardo V Manalo..
Turn over of goody bags, received by Bulacan Vice Governor W***y Sy Alvarado and Congressman Jonathan Sy Alvarado with Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr..
Video Links: https://www.facebook.com/W***ySyAlvarado/videos/311016320387113
LINGAP ng IGLESIA NI CRISTO sa mga taga LAGUNA NA TURN OVER NA.. THANK YOU PO KAPATID NA EDUARDO V. MANALO TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG INC GOD ALL TO BE THE GLORY!!!
Ang Pagtulong ng Iglesia Ni Cristo ay walang pinipili kahit anong relihiyon ka pa!!!
LINGAP SA NCR PLUS.
MARCH 1 - Nagsimula ng magbakuna ang ating bansa laban sa COVID-19
Isa na dyan ang ating kapatid na si P/Lt.Col Raymond Ona, Deputy Chief ng PNPGH.
Kapansin pansin din ang kaniyang suot na INC pin.
Isa din po sya sa mga nag-conduct ng mga seminars ng SCAN International.
Source: One Love INC
Commonwealth Avenue 1985
ROMA 1:23-25
“At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng
"LARAWAN NG TAO NA NASISIRA, AT NG MGA IBON, AT NG MGA HAYOP NA MAY APAT NA PAA, AT NG MGA NAGSISIGAPANG.”
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.”
I JUAN 2:15
"Huwag ninyong ibigin ang SANGLIBUTAN, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama".
"ANG IGLESIA SA BIBLIA AY WALANG "POPE" O SANTO PAPA"
Ang terminong "POPE" sa latin ay "PAPA" mula sa griyego na πάππας (Pappas) na nangangahulugan na "Father" o "Ama". Ito ay malinaw na mula sa Biblia na ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo ay pinangunahan ng mga Apostol at katulong ang ibang mga ministro ng Evangelio. Ang mga Lokal na Iglesia ay pinangunahan ng mga obispo, diakono at diakonesa. Gayunman, wala saan man sa Biblia na maaari nating mabasa na ang buong Iglesia ay pinangunahan ng isang "Santo Papa" (Pope).
Sa katunayan, ang Panginoong Jesus ay hindi nagtatag ng isang katungkulan na tinatawag sa titulong "POPE" na ibigsabihin ay "FATHER" o "AMA". Hindi niya pinatawag na AMA ang mga apostol at ang ibang mga alagad, sapag"kat may ganitong pagtuturo ang Panginoong Jesus:
Mateo 23:8-9 "Datapuwa't kayo'y huwag patawag na Rabi: sapagka't iisa ang inyong g**o, at kayong lahat ay magkakapatid.
At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit."
Sa halip ay pinagbawalan ng Panginoong Jesus ang kaniyang mga alagad na magpatawag o tawagin ang sinomang tao sa lupa na AMA. Maaaring itanong ng iba na bawal din ba na tawagin ang ating mga tatay na AMA? Ito ang malinaw na paliwanag ng Biblia:
Hebreo 12:9 "Bukod dito, tayo'y nangagkaroon ng mga ama ng ating laman upang tayo'y parusahan, at sila'y ating iginagalang: hindi baga lalong tayo'y pasasakop sa Ama ng mga espiritu, at tayo'y mabubuhay?"
Hindi masama na tawagin natin ang ating mga AMA ng ating laman, ang pinagbabawalan lamang ng Panginoong Jesus na itawag sa sinumang tao sa lupa ay ang pagiging AMA ng mga espiritu at AMA NG KALULUWA, sapagkat ito ang katangian ng AMA nasa langit:
Ezekiel 18:4 "Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay."
Lahat ng kaluluwa ay sa Diyos, sapagkat ang Diyos ang AMA NG KALULUWA. Ito ang ipinagbabawal ng Panginoong Jesus na ipantawag o itawag sa sinumang tao dito sa lupa. Kaya, ang mga SANTO PAPA ba ay nagpatawag na AMA NG KALULUWA? Sasagutin tayo mismo ng isang aklat katoliko:
"AT ANG SANTO PAPA (AMA) AY ANG PINAKAMATAAS NA AMA NG ATING KALULUWA DITO SA LUPA, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ANG/ MGA SACERDOTE [O MGA PARI] ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento, SILA MAN AY TINATAWAG NA 'AMA NG KALULUWA'." (Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang Sektang Protestante, Page 26)
Ito ang katunayan na ang mga SANTO PAPA maging ang mga PARING KATOLIKO ay nagpapatawag na AMA NG KALULUWA na ito ang ipinagbabawal ng BIBLIA na ipantawag sa sinumang tao sa lupa sapagkat iisa lamang ang AMA NG ATING KALULUWA ang AMA NASA LANGIT.
KAHIT ANG IBANG MGA TUPA NI CRISTO NA BUMANGON SA HULING ARAW SA BANSANG PILIPINAS NA NAGING KAWAN AY
Juan 10:16
[16]At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at 👉magkakaroon ng isang pastor.👈
ISANG PASTOR ANG ITINALAGANG MANGUNA AT MAG ALAGA SA KAWAN
HINDI PARI
HINDI SANTO PAPA
🇮🇹
Source:Jomar "igsoon" S. Babac
Ayon sa pagtuturo ng ibang mga RELIHIYON,
Ang DIOS daw ay iisa, nguni't may TATLONG PERSONA.
Ayon naman sa ating PANGINOONG JESUS at sa Kaniyang mga APOSTOL,
Ang AMA lamang ang IISANG DIOS NA TUNAY, (Juan 17:1, 3 , I Corinto 8:6)
Ano kaya masasabi nila sa larawang nasa ibaba? Nasunod kaya ang lahat ng Safety Health Protocols o baka naman nawala na ang social distancing? Huwag nating isisi sa gobyerno kapag kumalat o magkaroon ng second wave ng virus dahil sa katigasan ng ulo ng mga tao. Hindi namin hinihiling na magkaroon ng 2nd wave sapagkat napakahirap mamuhay kapag nagka-lockdown ulit. Subalit ang kawalang disiplina upang ipagpilitan ang tradisyong nakasanayan ay maaaring pagmulan ng panganib na maglalagay sa bansa ng kapahamakan. Bakit? Sapagkat tayo ay humaharap sa isang pandemiyang hanggang ngayon patuloy paring lumalaganap sa iba't-ibang panig ng mga bansa at teritoryo.
Ayon nga sa biblia, ..."ang katigasan ng ulo ng mga tao ang papatay sa kanila"(Kaw. 1:32 ASND)... Kaya, ang kawalang disiplina at ipagpilitan ang isang bagay na maaaring magpahamak sa tao.
Subalit patuloy na ipinapanalangin namin ang kaligtasan ng tao at kapakanan ng bansa upang makapamuhay ng matiwasay sa gitna man ng pandemiyang ito.
Kung Bakit Wala Kaming Pasko
Ang Iglesia Katolika at mga protestante ay may ipinagdiriwang na Pasko tuwing Disyembre 25 ng bawat taon, na ipinalalagay nila na ito ay ang kapanganakan ng Panginoong Jesucristo. Kaugnay nito, marami silang isinasagawang mga aktibidad at marami rin ang nakikibahagi sa mga iyon. Kaya may mga pumupuna sa hindi pakikipagkaisa ng Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang nila. Sinasabi ng iba na mabuti pa raw ang kaarawan ng kapanganakan ng mga kaanib sa Iglesia ay aming ipinagdiriwang. Inaakala tuloy ng ilan na napakaliit ng pagtingin ng Iglesia ni Cristo sa Panginoong Jesucristo. Kung alam lamang nila na hindi tunay na kaarawan ni Cristo ang ipinagdiriwang nila tuwing Disyembre 25, kundi iyon ay isang pistang pagano na “isina Cristiano,” marahil ay hindi sila papayag na magkaroon sila ng bahagi sa pagdiriwang na iyon.
Ganito ang mababasa sa isang aklat Katoliko tungkol sa Pasko na ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante:
“It has sometimes been said that the Nativity [Christmas] is only a Christianized pagan festival.” [Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61]
Sa Filipino:
“Nasabi na sa ilang pagkakataon na ang Natividad [Pasko] ay isa lamang isina-Cristianong kapistahang pagano.”
Pinatutunayan ng aklat na ito na ang Natividad o Pasko na ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante ay isa lamang “isina-Cristianong” kapistahang pagano.
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang PAGAN o “pagano”?
“PA'GAN, n. a Gentile; an idolater; one who worships false gods. This word was originally applied to the inhabitants of the country, who on the first propagation of the Christian religion adhered to the worship of false gods, or refused to receive Christianity, after it had been received by the inhabitants of the cities.” [Webster’s 1828 Dictionary]
Sa Filipino:
“PAGANO, n. isang Gentil; isang mapagsamba sa diosdiosan; sumasamba sa mga hindi tunay na diyos. Ang salitang ito ay unang ginamit sa mga unang mamayan ng isang nayon, na sa pasimula ng pagpapalaganap ng relihiyong Cristiano ay mga nahirati sa pagsamba sa mga hindi tunay na diyos, o yaong tumatanggi na tanggapin ang Cristianismo, pagkaraan na ito ay tinanggap na ng mga naninirahan sa mga lungsod.”
Maliwanag na sinasabi ng Dictionary na ang isang Pagano ay isang tao na hindi sumasamba sa tunay na Diyos dahil sa ang mga ito ay ang mga nahirati sa pagsamba sa mga diosdiosan, sa panahon natin sila iyong mga Hindu, Budhist, o alin mang relihiyon na lumuluhod at naglilingkod sa mga rebulto o larawan, na tumatanggi sa aral ng Cristianismo. Sa pagsasabi na ang Pasko ay isina-Cristiano lamang na Pistang Pagano, ibig sabihin noon ay kinopya lamang ito sa pagdiriwang ng mga taong hindi Cristiano na sumasamba sa mga diosdiosan.
Ang Pagkapili ng Disyembre 25
Ang pagkapili ng Disyembre 25, na diumano’y petsa ng kapanganakan ni Cristo, ay buhat lamang sa impluwensiya ng mga Romanong Pagano:
“…The choice of December 25 was influenced by the fact that the Romans, from the time of Emperor Aurelian (275), had celebrated the feat of the sun god (Sol Invictus: The Unconquered Sun) on that day. December 25 was called the ‘Birthday of the Sun.’ and great pagan religious celebrations of the Mithras cult were held all through the empire.” [Handbook of Christian Feasts and Customs, page 61]
Sa Filipino:
“…Ang pagkakapili sa ika-25 ng Disyembre ay naimpluwensiyahan ng pangyayaring ang mga Romano, mula sa panahon ni Emperador Aureliano (275), ay ipinagdiwang ang kapistahan ng diyos na araw (Sol Invictus: ang Hindi Mapananaigang Araw) sa araw na iyon. Ang ika-25 ng Disyembre ay tinatawag na ‘Araw ng Kapanganakan ng Araw’, at idinaos sa buong imperyo ang mga dakilang paganong pagdiriwang na panrelihiyon ng kultong Metraiko.”
Maliwanag na ang Disyembre 25 ay hindi siyang tiyak na petsa ng kapanganakan ni Cristo [Wala naman talaga tayong mababasa sa Biblia kung kailan siya ipinanganak]. Ito ay ang Petsa ng isang kapistahan ng mga pagano, na ang ipinagdiriwang ay ang kanilang Diyos na Araw na si Sol Invictus o ang Hindi Mapananaigang Araw.” Sa petsang ito ay idinaraos ang malaking panrelihiyong pagdiriwang na pagano. At maliwanag nilang inamin na ito ang kanilang pinagbatayan ng pagkapili nila ng Disyembre 25, na siyang kapanganakan daw ni Jesucristo.
Galing din sa Pagano
Hindi lamang ang petsa ang kinuha o kinopya sa mga pagano kundi pati ang mga gawain kung araw ng Pasko gaya ng mga pagsisindi ng mga kandila at paglalagay ng mga Christmas Tree.
“The candles, in some parts of England, lighted on Christmas eve, and used so long as the festive season lasts, were equally lighted by the pagans on the eve of the festival of the Babylonian god, to do honour to him; for it was one of the distinguishing peculiarities of his worship to have lighted wax candles on his altars. The Christmas Tree, now so common among us, was equally common in Pagan rome and Pagan Egypt.” [The Two Babylons Or the Papal Worship, p. 97]
Sa Filipino:
“Ang mga kandila, sa ilang bahagi ng Inglatera, na sinisindihan tuwing bisperas ng Pasko, at ginagamit sa buong panahon ng pagdiriwang, ay kaparehong sinisindihan ng mga pagano sa bisperas ng kapistahan ng diyos ng Babilonia, upang parangalan siya: sapagkat ang isa sa mga mapagkakakilanlang kaibahan ng pagsamba sa kaniya ay ang magkaroon ng mga sinindihang kandila sa kaniyang mga dambana. Ang Christmas Tree, na ngayon ay lubhang pangkaraniwan na sa atin, ay kaparehong pangkaraniwan din sa Paganong Romano at Paganong Ehipto.”
Nagsisindi ng kandila ang mga pagano sa bisperas ng kapistahan ng diyos ng Babilonia upang parangalan siya. Ang Cristmas Tree naman ay pangkaraniwan sa paganong Roma at paganong Ehipto.
Maging ang mga nagsipagsuri tungkol sa Christmas Tree ay nagsasabi na ito’y isang labi ng pagsamba ng mga pagano sa punong-kahoy:
“Some authorities consider the Christmas tree a survival of pagan tree worship and trace it to ancient Rome and Egypt…”[Collier’s Encyclopedia, vol 6, p.404]
Sa Filipino:
“Ang ilan sa mga awtoridad ay itinuturing ang Christmas tree na isang namamalaging umiiral na labi ng pagsamba sa puno ng mga pagano at matatalunton ito sa matandang Roma at Ehipto.”
Kaya hindi nakikiisa ang mga Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng Pasko dahil ito ay nagmula lamang sa mga pagano, hindi lamang ang petsa, kundi maging ang iba’t-ibang gawain na isinasagawa ng mga Katoliko at Protestante sa nasabing okasyon.
Magliligaw sa Katotohanan
Isang katotohanan na ang Paskong ipinagdiriwang ng mga Katoliko at mga Protestante ay inimbento o katha lamang. Hindi ito utos ng Diyos kundi utos lang ng tao. Ang kautusan ng tao, kapag pinagsaligan sa paglilingkod sa Diyos, ay nagliligaw sa katotohanan:
Tito 1:14 “At upang maalis ang hilig nila sa mga alamat ng mga Judio at mga kautusan ng mga tao, na nagliligaw lamang sa kanila sa katotohanan.” (Salita ng Buhay)
Hindi namamalayan ng mga nakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko na sila ay naililigaw na sa katotohanang ikaliligtas, sapagkat sa kanilang ginagawa ay sumusunod sila sa mga kautusan ng tao at mga gawaing pagano. Ang dapat maging saligan sa paglilingkod ng tao sa Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo ay hindi ang mga utos ng tao kundi ang mga kalooban ng Diyos na nakasulat sa mga Banal na Kasulatan.
2 Timoteo 3:15-17 “Mula pa sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawain.” [Ang Bagong Magandang Balita, Biblia]
Anumang aral na hindi ayon sa Biblia at labag pa sa itinuturo ng Biblia ay hindi ikaliligtas kundi tiyak na ikapapahamak sa Araw ng Paghuhukom:
2 Tesalonica 2:11-12 “Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya sila ng Diyos na sila’y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan” (Magandang Balita, Biblia)
Ito ang isa sa dahilan kaya hindi ipinagdiriwang ng Iglesia ni Cristo ang “Pasko” ng mga Katoliko at mga Protestante. Ano ang mapapala sa isang araw ng masayang pagdiriwang, kung ito naman ay patungo sa pagkahamak ng ating mga kaluluwa magpakailan man?
Sanggunian
Collier’s Encyclopedia. New York: Macmillan Educational Company. 1964.
Handbook of Christian Feasts and Customs. Francis X. Weiser. New York: Hartcourt, Brace & World, Inc., n. d.
The Two Babylons Or the Papal Worship. Rev. Alexander Hislop. Neptune, New Jersey: Loizcaux Brothers, Inc., 1943.
NARITO ANG KATIBAYAN SA ISANG AKLAT NA MAY PAMAGAT NA "SIYA ANG INYONG PAKINGGAN: ANG ARAL NA KATOLIKO", MULA SA PANULAT NI ENRIQUE DEMOND, page 12,
“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo,…”
NARITO PA PO ANG ISA, AKLAT KATOLIKO NA MAY PAMAGAT NA "CATESISMO", TINAGALOG NI FR. LUIS DE AMEZQUITA, SA PAHINA 79-82.
“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito: Sinasamba kita,”
-------------------------------------------
ang sabi sa Biblia "Huwag kang GAGAWA ng IMAHE ng anumang NILALANG na nasa LANGIT at nasa LUPA, upang SAMBAHIN"
Isaias 45:20
Sinabi ni Yahweh, “Halikayong lahat na mga natitirang buháy mula sa lahat ng bansa; "KAYONG MGA MANGMANG NA NAGPAPASAN NG MGA IMAHENG KAHOY" at dumadalangin sa mga diyus-diyosan na hindi makakapagligtas. Ang mga taong ito'y walang nalalaman.
Isaias 46:7
Pinapasan nila ito para ilibot sa ibang lugar, pagkatapos ay ibabalik sa kanyang lalagyan. Mananatili ito roon at hindi makakakilos. Dalanginan man ito'y hindi makakasagot, at HINDI MAKATUTULONG SA PANAHON NG PAGSUBOK.
Isang debotong Katoliko at Ngayon ay na kaanib sa Iglesia ni Cristo....
On December 14, 2020, during a City Council meeting through videoconferencing, Daly City Mayor Glenn Sylvester presented a philanthropic award to the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ), a first of its kind in the city.
He declared, “This year I’m proud and honored to give the ‘Philanthropic Organization of the Year’ to Felix Y. Manalo (FYM) Foundation. This organization provides aid to humanity in a number of ways. For the Daly City, that meant bridging the digital divide within our community, especially stricken by this pandemic was our youth and our most vulnerable, our seniors. It was more than fitting to recognize the FYM Foundation as 2020’s Philanthropic Organization of the Year.”
That among other recent Aid to Humanity events amid the pandemic all the more prompted the mayor to present the award to the Church. He said in an interview, “What I found special about Iglesia Ni Cristo is the willingness of the entire congregation to reach out for any needs that our city has, whether be youth volunteerism, speaking with seniors, to do cleanup in the streets. Iglesia Ni Cristo has offered to do that for us. And I’m so proud I have that additional resource that I would use judiciously.”
Full Details
Links:
https://iglesianicristo.net/inc-receives-philanthropic-recognition-from-daly-city-ca-govt/?fbclid=IwAR24Bz8hiz7XxVA0WfxkXqcjQNM27jpFrD-BGViG9iAVphXJmF3qqZU78Ho
Mga pinakaunang panelist ng pinakaunang programa ng Iglesia Ni Cristo sa telebisyon na "ANG IGLESIA NI CRISTO" (aired 1980's) ay sina Kapatid na Vivencio M. Pineda, Kapatid na Teofilo C. Ramos Sr., at ang Kapatid na Eduardo V. Manalo ang ating kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan
Brother Vivencio M. Pineda (1930-2007)
Minister of the Gospel
Brother Bening's eloquent and fiery way of preaching will always be etched in the memory of many ministers and brethren. Aside from this gift, he also had the distinct ability, like that a military drill sergeant to train ordinary young men of the Church and transform them into soldiers of Christ, valiant defenders of the faith.
Brother Bening was the school's first dean of evangelical studies (School For Ministry) and later became its Director after Brother Sandoval passed away in 1984. Admonition like, "Dapat sanay ang iyong damdamin ... huwag masyadong manipis (You should keep your emotion in check ... Don't be too sensitive)," were frequently heard from him.
Students during the heyday of Brother Bening would attest to his uncompromising and strict implementation of discipline to ministerial students. He did this so that the Church may gain loyal, trustworthy, and committed ministers.
Pasugo: God's Message
September 2015, page 38
:28
MMDA Spokesperson Celine Pialago nakatanggap ng Official Magazine ng Iglesia ni Cristo PASUGO Gods Message ♥️
️🇮🇹
Juan 9:1-3
Tinanong siya ng kanyang mga alagad, “Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?”
Sumagot si Jesus, “Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya."
2 Corinto 12:9
Kung pinanganak ka man na kakaiba at iba sa lahat na normal na tao, huwag kang panghinaan ng loob, dahil pinahintulot yan ng Dios para sa Kaniyang kaluwalhatian. Dahil sa pamamagitan mo lalong mahahayag ang Kanyang kapangyarihan at kagandahang loob.
Sa pamamagitan ng iyong mga kahinaan, lalong mahahayag ang lakas at kapangyarihan ng Dios sa buhay mo.
KALOOBAN ng Diyos ang PAGTAWAG sa magiging hinirang Niya sa pamamagitan ng Ebanghelyo o mga Salitang nakasulat sa Banal na Kasulatan.
Tinawag upang maging bahagi ng katawan (Col. 3:15, MBB)
samakatuwid baga'y ng Iglesia na ang pinaka-ulo o pangulo ay ang ating Panginoong Jesucristo at sa pamamagitan ng kaniyang dugo bilang mga tinubos sa loob ng Iglesia Ni Cristo (Col. 1:18, Efeso 5:23, Gawa 20:20 Lamsa Trans.)
with Anjo Yllana(Loobin nawa ng Diyos ang pagtawag)
(pctto)
"Mas marami parin ang Naglilingkod ng may respeto at pagmamahal sa serbisyo" ..
"Huwag ka ng UMIYAK ading ha, nandito na si KUYANG PULIS, dadalhin ka namin sa HOSPITAL, para magamot ka KAAGAD"
-PO1 Denief Vergara
Isang aksidente ang naganap sa Brgy. Gatiawin, Arayat, Pampanga. Habang tumatawid ang mga bata ay nasagi sila ng sasakyan at tumilapon sa gilid ng daan. Agad nag tungo ang mga pulis ng Arayat upang tumulong sa nasabing aksidente. Pagdating ng mga pulis, kinausap ng mahinahon ang mga biktima upang alamin ang kanilang kondisyon. Dahil hindi makapag lakad ang bata ay binuhat sya ng marahan at maingat ni PO1 Vergara habang sya ay kinakausap na wag ng umiyak at nandito ang kuyang pulis para tulungan ka. Agad na dinala sa pagamutan at sa Awa ng Dios ay nasa mabuti ng kalagayan ang batang Biktima.
Ang pulis na matulungin na si SPO1 Dennis R Benjamin ay tinulungan ang babae na may buhat buhat na batang babae na may kapansanan sa bayan ng GUAGUA PAMPANGA..
Si SPO1 Dennis R. Benjamin ay isang kapatid at kasalukuyang nakatala sa
local ng ASCOMO Distrito ng Pampanga west
Tunay at likas na ang ating kapulisan ay magalang, matulungin at maasahan...
Happy Thanksgiving sa lahat ng mga Kapatid sa Iglesia Ni Cristo sa buong mundo. Maraming pagsubok pero mas Maraming dapat Ipagpasalamat.
“Filip. 4:6-7 at 13 GW”
Huwag kayong mag-alala tungkol sa anumang bagay. Kundi sa bawat sitwasyon ay ipakilala ninyo sa Diyos kung ano ang kailangan ninyo sa mga panalangin at mga kahilingan samantalang nagpapasalamat. Sa gayon ang kapayapaan ng Diyos, na humihigit pa sa anumang bagay na mahuhulaan natin, ang magbabantay sa inyong mga pag-iisip at mga damdamin sa pamamagitan ni Cristo Jesus... Magagawa ko ang lahat sa pamamagitan ni Cristo na nagpapalakas sa akin.
Kung Bakit Bawal ang Pagkain ng Dugo
1.)Sino ba ang nagbawal, at kailan ipinagbawal ang pagkain ng dugo?
Genesis 9:1-4
“At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. “NGUNI’T ANG LAMANG MAY BUHAY, NA SIYA NIYANG DUGO, AY HUWAG NINYONG KAKANIN.”
2.)Ano ang dahilan kung bakit ipinagbawal ng Diyos ang pagkain ng dugo?
SAGOT: Ang dugo ay siyang buhay ng laman, at Ang dugo ay ibinigay ng Diyos upang tumubos sa ating mga kaluluwa sa Diyos, at ito ay pantubos ng buhay.
Levitico 17:10-11
“At sinomang tao sa sangbahayan ni Israel o sa mga taga ibang bayan na nakikipamayan sa kanila, na kumain ng anomang dugo, ay aking itititig ang aking mukha laban sa taong yaon na kumain ng dugo, at ihihiwalay ko sa kaniyang bayan. Sapagka't ang buhay ng laman ay nasadugo; at aking ibinigay sa inyo sa ibabaw ng dambana upang itubos sa inyong mga kaluluwa: sapagka't ang dugo'y siyang tumutubos dahil sa buhay.”
Wala pong kapatawaran sa harap ng Diyos ang paglabag sa utos ng Espiritu Santo, kaya po kahit na ano ang mangyari, mula ngayon ay huwag na huwag na po tayong kakain ng dugo matapos na ating malaman ang katotohanang bawal pala ito ng Diyos. Dahil kaya pong patawarin ng Diyos ang lahat ng ating kasalanan, maliban po sa pagkain ng dugo.
Nagagawa po nating sumunod sa tao, hindi po ba? Kapag po sinabi sa atin ng isang Doktor na huwag tayong kumain ng bawal sa atin dahil makakasama sa ating kalusugan ay agad nating sinusunod sa takot nating mapasama ang ating katawan. Lalong dapat nating sundin ang pagbabawal na ito ng Diyos, dahil ang paglabag dito ay magdudulot sa atin ng lalong higit na kapahamakan, at ito’y ang kaparusahang walang hanggan sa apoy, pagdating ng Araw ng Paghuhukom…
Mateo 12:31
“Kaya't sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad.”
Dating Seminarian ng Katoliko mula sa St. Peter Ampayon Butuan City, Agusan del Norte. Ngayon ay kaanib na sa IGLESIA NI CRISTO matapos makapakinig ng TAMANG Aral ng Dios na nakasulat sa Biblia.
Gawa 2:47(KJV)
“Na nagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap, at IDINARAGDAG ng Panginoon sa IGLESIA araw-araw ang mga dapat maligtas.”
Welcome po sa IGLESIA NI CRISTO Kapatid! 😊
Sa mga nais po magsuri sa mga Aral na Sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo. Makipag-ugnayan lamang po kayo sa Pinakamalapit na Lokal ng Iglesia Ni Cristo sa inyong Lugar.
Pahayag 2:29
"Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga IGLESIA!”
🇮🇹
📖
: Ka Almie Bayno
Natimbog ng mga otoridad ang paring katoliko at ngayo’y pinuno ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army (CPP-NPA) sa Negros Island at SIerra Madre na si Father Frank Fernandez,
CCTO: Tolosa Police Station
Links:
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=704728629938752&id=664860353925580
Watch! Pari naging Lider ng NPA, Arestado! | Citizen Express Natimbog ng mga otoridad ang dating paring katoliko at ngayo’y pinuno ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army (CPP-NPA) sa Negros Island at SIerra Madre na si Father Frank Fernandez, 71-anyos. Kasama sa nahulog sa kamay ng tropa ng gobyerno ay ang asawa nito na si Cleofe Lagta...
ISAIAS 54:2-3
“IYONG PALALAKIHIN ANG DAKO NG IYONG TOLDA,” at malaladlad ang mga tabing ng iyong tahanan, Huwag kang mag**ong habaan mo ang iyong mga lubid, at Patibayn mo ang iyong mga tulos. “SAPAGKA’T IKAW YA LALAGO SA KANAN AT SA KALIWA, AT ANG IYONG LAHI AY MAGAARI NG MGA BANSA, AT PATATAHANAN NG MGA GIBANG BAYAN.”
May point naman talaga dito si Duterte ang logic lang dyan pano kong NAKUMPISALAN mong PARI ay TSISMOSO, DUROGISTA at MANYAKIS dahil tiwala kang sila mabuti at alagad ng Diyos, o kaya naman ay maubos na ang mga PARI lalo’t na ngayon nag kakaubusan na daw ng PARI, San na ngayon ang KUMPISALAN? Kaya may malaking mali talaga sa aral nila sana makahalata na kayo,
Malinaw ang sabi sa Biblia ay:
“Sa Diyos lamang natin maaaring ikumpisal o ipagtapat ang ating mga kasalanan” [1 Juan 1:9]
Hanggat ipinagbabawal ang pag aasawa sa mga Paring Katoliko ay dadami pa ang mga ganitong kaso sa mga Sexual Abuse, pero dahil lang ba sa ipinagbabawal ang pag aasawa sa mga Paring Kotoliko, o dahil maraming Paring Katoliko na nasa kasariang Homosexual, kaya hindi na mabilang bilang ang mga "Child Sexual Abuse" na higit sa lahat mga batang LALAKI ang mga biktima!
Napakalaking tulong sana sa mga taong naghihirap lalo na sa mga batang nasa lansangan, at mga taong namamalimos sa mga paligid ng mga Simbahan, pero para maiiwas sa kahihiyan ang mga sangkot sa Child Sexual Abuse ang simbahan ay naglabas ng P11 Bilyon bayad sa mga biktima...
-----------------------------------
1 TIMOTEO 4:1, 3
Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay iiwan ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo.
IPINAGBABAWAL nila ang PAG-AASAWA at ang ilang uri ng pagkain, mga pagkaing nilikha ng Diyos upang kaining may pasasalamat ng mga mananampalataya at nakakaunawa ng katotohanan."
1 TIMOTEO 4:2-3 … dahil sa panlilinlang ng mga sinungaling na ang mga budhi’y may tatak ng pagiging alipin ni Satanas. IPINAGBABAWAL nila ang PAG--AASAWA…
1 CORINTO 7:2 Ngunit para maiwasan ang pakikiapid, bawat LALAKI o babae’y DAPAT MAGKAROON ng KANYA-KANYANG ASAWA.
Levitico 20:13 | BMBB
"Ang LALAKING NAKIKIPAGTALIK SA KAPWA LALAKI ay gumagawa ng karumal-dumal na gawain at pareho silang dapat patayin."
1 Corinto 6:9-10 | BMBB
" Hindi ba ninyo alam na ang mga makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos? Huwag ninyong dayain ang inyong sarili! Ang mga nakikiapid, sumasamba sa diyus-diyosan, nangangalunya, NAKIKIPAGTALIK sa KAPWA LALAKI o kapwa babae, nagnanakaw, sakim, naglalasing, nanlalait ng kapwa, o nandaraya, ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos."