KILOS
Isang organisasyon na nagsusulong ng mga demoktratikong karapatan ng mamamayang Pilipino at ang ating pambansang soberanya.
ALERT!
Naghain ng Warrant of Arrest ang Quezon City RTC Branch 220 laban kina Kara Taggaoa at Helari “Larry” Valbuena. Si Kara Taggaoa ay international officer ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at kasalukuyang mag-aaral ng UP College of Social Sciences and Philosophy (UP CSSP). Nagsilbi rin siya bilang tagapagsalita ng LFS National. Si Larry Valbuena naman ay tagapangulo ng Pasiklab Operators and Drivers Association (PASODA). Pareho silang sinampahan ng gawa-gawang kasong “robbery” mula kay Police Chief Master Sargeant Feliciano Evangelio na nakaugat sa mapayapang kilos-protesta na isinagawa noong July 2020.
Mariing kinokondena ng League of Filipino Students - UP Diliman ang gawa-gawang kasong isinampa. Manipestasyon ito na ang pasismo at diktadurya ni Duterte ay hindi nagtapos sa kanyang termino. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang administrasyon na pinamumunuan ni Marcos na ang tanging layunin ay sugpuin ang demokratikong kalayaan ng mga Pilipino. Ang atakeng ito ay atake rin sa mga mag-aaral ng UP na konektado sa lumalalang red tagging sa mga iskolar ng bayan. Kondenahin ang mga pekeng kaso at ipanawagan ang pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal gayundin ang panawagang Defend UP! Defend academic freedom!
Sa kagyat, kinakailangang makalikom ng Php 200,000 para sa pagbabasura ng kaso laban kina Kara at Larry. Nananawagan ang LFS-UPD sa anumang tulong pinansiyal na maaaring maipaabot. Maaaring magdonate sa mga sumusunod na bank accounts:
BDO
Acct. Name: Kilusang Mayo Uno (KMU)
Acct. Number: 001490187039
GCash
Joanne Cesario
09612067348
Note/Message: For Kara and Larry
On the 50th anniversary of Martial Law, we invite all youth to join the activities in honor of the struggle against the Marcos Dictatorship.
More than ever, there is a renewed need to preserve history and uphold the militant history of all Iskolar ng Bayan.
US TROOPS, ANTONY BLINKEN NOT WELCOME IN THE PHILIPPINES!
Today, US Secretary of State Antony Blinken visited Malacanang with the intention of reaffirming the committment of the United States in continuing and strengthening the Mutual Defense Treaty. This agreement is uniquely beneficial to the US, giving the States ample ground for their military bases in Philippine Territory, further solidifying political and economic control. It is quite the irony that the US uses Chinese occupation in the West Philippine Sea to justify its similarly abusive disregard of our national sovereignty. In similar fashion, the Marcos Jr. administration willingly supports the US imperialist agenda in the name of national integrity, but only endangers Filipinos, their livelihoods, and the future of the Filipino youth.
KILOS firmly stands with the call to do away with the Mutual Defense Treaty, and all treaties beneficial only to foreign powers. Stand for sovereignty! Stand with the Filipino people
Students along with other progressive groups march towards Mendiola in protest of US Secretary of State Anthony Blinken's visit to Malacañang in order to reestablish the United State's committment to the Mutual Defense Agreement and enhanced cooperation between the two states.
For the longest time, the Mutual Defense Treaty and similar agreements such as the Visiting Forces Agreement and the Enhanced Defense Cooperation Agreement have existed for the sole benefit of the United States, and have provided avenues for the US to exert further control over Philippine military and economy. These policies have only served as markers for imperialist aggression towards developing countries such as the Philippines.
Entering Marcos Jr.'s administration, a lot remains up in the air. Many concerned citizens have voiced out their needs and criticisms, be it regarding land reform, economic growth, education, or human rights. With such a daunting future ahead of us, it's easy to be overwhelmed. In the midst of crisis,
What now?
KILOS presents WHAT NOW? An educational situationer on the current political climate, and why the youth's participation is essential to shaping society. Join our discussion on August 3, 5 PM, via Google Meet.
Sign up now: bit.ly/KILOSWhatNow
TINGNAN: Nagkaroon ng indignation rally ngayon sa CHR upang igiit ang paglaya ni Tes Pielago, coordinator ng Makabayan Bicol at dating Bayan Muna 4th nominee, na hinuli kaninang hatinggabi.
Mariing kinukundena ng KILOS ang paghuli sa mga organisador na pinaglalaban lamang ang mga panawagan ng mamamayan at kanilang pangunahing mga karapatan at ang pananakot na ginagawa ng ganitong mga operasyon sa mga komunidad.
PROVIDE CONCRETE PLANS FOR SAFE SCHOOLS REOPENING!
During President Ferdinand Marcos Jr.’s first State of the Nation Address earlier today, July 25, he once again mentioned the 100% resumption of face-to-face classes this incoming school year. KILOS welcomes any and all initiatives towards the safe reopening of schools, but maintains that this may only be fully achieved with a comprehensive approach towards education.
We call for the reallocation of budget towards retrofitting schools, providing for the materials and expenses of educational institutions and student services, and providing socioeconomic assistance to students! Alongside this, there must be clear and scientific guidelines throughout the implementation to ensure the health and safety of students, teachers, staff, and parents, and this must be well-consulted with the constituency. KILOS also condemns the attempts to reinstitute mandatory ROTC, given its history of propagating a culture of impunity and abuse–a stark contrast to the concept of safe schools reopening. In order to promote nationalism and encourage the youth to serve, we must first provide quality education focused on the accurate study of Philippine history.
KILOS calls for Congress to pass House Bill 251, otherwise known as the Safe Schools Reopening Bill, as well as House Bill 252 or the Emergency Student Aid and Relief Bill! In order to truly work towards achieving the right to education, we must first provide the prerequisites for the safe reopening of schools!
IN PHOTOS: The youth joins in on today's State of the Nation Address (SONA) protest to call for education, academic freedom, safe schools reopening, and other basic democratic rights.
There is no task more honorable than ours: to carve out a greater tomorrow and struggle for the democratic rights of the Filipino people. Simply put, the youth must take on the challenge of arousing, organizing, and mobilizing to achieve its goals for education, human rights, and justice.
Sumama sa SONA ng Bayan! Ipaglaban ang batayang karapatan ng mamamayan!
8AM Assembly @ University Avenue
TINGNAN: Kasalukuyang naglulunsad ng prodwork at mga diskusyon ang iba't ibang organisasyon sa Quezon Hall para sa gaganaping People's SONA bukas, July 25.
Naghahanda na ang buong bansa upang pakinggan ang unang SONA ni Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 25. Ngunit sa kabila ng paghahanda sa magiging pahayag ng bagong pangulo ay maraming tinig na naman ang hindi napakikinggan ang ipinahahayag na daing. Mula nang magsimula ang administrasyong Marcos-Duterte ay napakaraming isyung nagsilabasan na hindi pa rin nasosolusyunan, lalo na sa mga umiigting na krisis pangkalusugan at pang-ekonomiya. Bagkus ay ipinagpatuloy ng administrasyon ang mga militaritiko at nakasasamang pagtugon hindi sa mga isyu at suliranin, ngunit sa mga mamamayang sinusubukang ilantad at ipahayag ang pagkukulang ng pamahalaan sa mga ito.
Bilang mamamayang masusing nagmamatyag at pumupuna sa mga kilos ng pamahalaang nakakaapekto sa ating bayan ay oras nang dalhin ang ating mga daing sa pagpoprotesta sa araw ng SONA. Tara na't ipakita ang lakas ng mamamayan at ang tunay na pagkakaisa sa pagdalo mga idadaos na kilos-protesta!
Bilang mga kabataang pag-asa ng bayan ay dapat nang kumilos para sa kapakanan ng ating bansa! Huwag tayong panghinaan ng loob at maging matapang, dahil sa kabila ng napakaraming pagkalugmok ay tuloy lang ang laban ng ating bayan!
PAINT A BRIGHTER FUTURE FOR OUR EDUCATION!
Join KILOS as we partner with Kariton ng Maralita Network in its Kariton Klasrum initiative! This classroom aims to be a mobile center for education in urban poor communities around UP DIiliman, bringing reading materials, basic supplies, and other necessities to those without access to such. KILOS will be painting the Kariton Klasrum together with other youth volunteers to prepare it for its journey across communities!
July 17
9 AM onwards
Pook Amorsolo
DM us for any inquiries or to volunteer in our initiative!
ICYMI: Iba't ibang mga progresibong grupo at indibidwal ang nagtipon sa Plaza Miranda ngayong araw ng panunumpa ni Marcos Jr sa pagkapangulo upang itakwil at labanan ang kanyang ilehitimong rehimen. Panawagan din ng mga mamamayan ang panagutin ang traydor, pahirap, korap at pasistang si Duterte sa kanyang palpak na pamumuno sa nakaraang 6 na taon.
TINGNAN: Nagtipon ngayong Araw ng Kalayaan ang iba't ibang mamamayan sa Batayog ng mga Bayani kung saan may mga nilulunsad na talakayan, mga booths, at iba pang mga aktibidad na pwedeng lahukan ng bawat indibidwal. Kaya tara na rito sa Batayog ng mga Bayani upang matuto, makipagkwentuhan, at gunitain nang sama-sama ang Araw ng Kalayaan!
PALAYAIN ANG TINANG 83!
Noong ika-9 ng Hunyo, mahigit 90 na magsasaka at mga nakikiisang estudyante, mamamahayag at iba pang mga sibilyan ang marahas na hinuli sa Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac. Mapayapa ang kanilang pagtitipon kung saan nagsasagawa lamang ang mga ito ng bungkalan upang maghanapbuhay at ipanawagan ang tunay na reporma sa lupa. Hanggang ngayon, hindi pa rin binibigay ng Department of Agrarian Reform ang lupa ng 236 na magsasaka, sa kabila ng pagkakaroon ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) kung ang 236 na magsasakang ito ang nakapangalan na co-owners ng lupa na iyon.
Sa kasalukuyan, 83 ang naka-detain at kinasuhan ang mga ito ng “Illegal Assembly” at “Malicious Mischief” na nagreresulta sa P39,000 na piyansa kada tao o mahigit P3 milyon para sa bail.
Mariing kinukundena ng KILOS ang marahas at walang basehang pag-aresto sa mga magsasaka, estudyante, mamamahayag, at mga sibilyan. Hindi krimen ang pagbubungkal, hindi krimen ang pagpanawagan para sa tunay na reporma sa lupa! Kabataan, makiisa tayo sa panawagan ng ating mga magsasaka!
Maaaring mag-donate sa mga sumusunod upang makatulong sa pagpapalaya sa Tinang 83:
GCash:
09081105098
Francesca Mariae D.
PayMaya:
09176182227
Hans Matthew A.
Tumitindig ang KILOS laban sa pandaraya at tiraniya! Kabataan, itakwil ang tambalang Marcos-Duterte!
Noong nakaraang eleksyon, hindi maitatago ang dayaan na nangyari na sumasang-ayon sa interes ng tambalang Marcos-Duterte. Halimbawa rito ang tampered machines, vote buying, illegal campaigning, iba’t ibang kaso ng ERV (election-related violence), at 1800 VCMs na nasira–pinakamarami sa nagdaang mga eleksyon.
Ngayon pa lamang, nababahala ang mga kabataan sa baluktot na desisyon na ibinabalita, lalo na ang siyang may epekto sa pagtamasa sa karapatan sa edukasyon. Hindi kwalipikado si Sara Duterte para maging DepEd Secretary, lalo na at gusto niyang ipatupad ang Mandatory ROTC, na hindi lamang pag-atras sa pinaglaban noon ng mga estudyante, kundi nakakatakot sa konteksto ng parami nang paraming kaso ng pulis at militar na pagtapak sa karapatan. Sa gitna ng pandemya, maraming kabataan ang kailangan magtrabaho dahil sa problemang pinansyal at iba pang mga kahirapan. Nakasaksi rin tayo ng lumalalang pagtapak sa kalayaang pang-akademiko sa nagdaang mga taon, at siguradong lalala ang pag-atakeng mga ito kapag naproklama na ang tambalang Marcos-Duterte. Ito ang kailangang tugunan sa kasalukuyan, hindi mga polisiyang tiyak na ipapahamak lang ang mga kabataan.
Dahil sa pagbati nito sa pagkapanalo nila ngayong eleksyon, sigurado rin na magiging tuta ang tambalang Marcos-Duterte sa imperyalistang US at China. Hindi natin hahayaan na abusuhin tayo ng mga dayuhan na nakita na natin sa pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreement (VFA), Balikatan Exercises, malalaking arms deals, at pagtuluyang pag-angkin at panghihimasok sa West Philippine Sea. Bago pa man umupo sa pwesto si Marcos, pumirma na siya ng joint communique na diumano’y pagtaguyod ng “mutual respect” sa pagitan ng China at ng Pilipinas.
Buong-buo ang kaso kung bakit ang pag-upo ni Ferdinand Marcos Jr. at ni Sara Duterte ay hakbang patungo sa pagguho ng demokrasya at hustisya. Ngayon, higit kailan, hinihingi ng panahon ang aktibong pagkilos ng mga kabataan para ipagtanggol ang ating kinabukasan. Pag-asa ng bayan, makiisa at tumindig laban sa pagpoproklama kay Marcos at Sara Duterte!
ALERT: Hinuli ng kapulisan si Lloyd Manango, Vice Chairperson ng LFS at campus journalist ng Manila Collegian, habang nagtitipon para sa isang kilos-protesta sa US Embassy kanina. Walang binanggit na kaso o basehan ang mga pulis sa pang-aaresto. Kasalukuyang dinala ang mga biktima sa Station 5, Ermita Police Station.
Kinukundena ng KILOS ang iligal na pag-aresto ng kapulisan kay Lloyd. Walang mali sa pagprotesta at pamamahayag!
Release Lloyd Manango!
TINGNAN: Kasalukuyang naglulunsad ng pagkilos ang iba't ibang progresibong grupo sa tapat ng COMELEC North EDSA upang ipanawagan ang malinis na eleksyon, kundenahin ang pandaraya at palpak na tugon ng COMELEC sa Halalan 2022, at makiisa sa panawagan na i-extend ang voting hours.
Umaga pa lang ay kabi-kabila na ang pagpasok ng balita ng pagpalya ng makinarya, pagred-tag sa mga kabataan, at pagkakaroon ng karahasan at intimidasyon sa loob ng voting precincts.
Tumindig para sa patas na eleksyon at bantayan ang ating mga boto!
Batbat ng anomalya at pandaraya ang halalan ngayong araw pagbukas pa lamang ng mga presinto. Mula halalan ng 2016, ang halalang ito ang may pinakamaraming kaso ng pagma-malfunction ng mga vote counting machine (VCM), at halos doble kung ikukumpara noong 2019. Nariyan din ang mga kaso ng pandarahas mula sa mga pwersa mismo ng estado sa mga botante at pollwatchers.
Dahil sa mga isyung ito, humaba ang pila sa mga presinto at naantala ang pagboto. Bilang ang mga pagkakamaling ito ay hindi kasalanan ng masang Pilipino, hindi dapat masagkaan ang kanilang karapatang bumoto. Kung naantala ang pagboto, nararapat lamang na lawigan ang oras ng pagboto!
Bukod sa pagpapalawig ng oras, kailangang panagutin ang COMELEC sa lahat ng anomalyang naganap sa panahon ng halalan. Dumalo sa pagkilos upang protektahan ang ating boto!
7:30 ng gabi | 9 Mayo 2022 | COMELEC, North EDSA, Quezon City
KILOS KONTRA DAYA
Napakarami na ang pumapasok na balita hinggil sa iba-ibang anyo ng pandaraya, mula sa pagpupumilit na iiwan na lamang ang balota, sa makinang sira-sira, at sa intimidasyon ng pulis at iba pang pwersa ng estado sa mga botante. Kinukundena ng KILOS ang lahat ng paglabag sa mga patakaran at pagkitil sa karapatan ng mamamayang bumoto nang matiwasay. Sa napakahalagang araw na ito, hindi papayag ang mga kabataan na palampasin lang ang ganitong pambabastos sa demokrasya ng bansa!
Ang mga kabataan ay may kapangyarihang magpasya sa hubog ng eleksyon ngayon. Sa milyun-milyong boto, mga bagong botante man o hindi, malaki ang impluwensya ng desisyon ng mga kabataan at estudyante sa kalalabasan ng halalan. Mula rito, kailangang higitan pa ng mga kabataan ang kanyang pagkilos at maging mapagbantay sa mga presinto, komunidad, at kahit sa sariling mga tahanan. Nasa kamay ng mga pag-asa ng bayan ang kakayahang depensahan ang ating mga karapatan!
Sa lahat ng mga kabataan: bumoto, maging mapagbantay sa iba't ibang porma ng dayaan, at tumindig para sa ating kinabukasan!
Kung mayroong anomalyang nagaganap o dayaan sa ating mga lugar, maaaring i-report sa mga sumusunod:
SMS: 09776146193 (Globe)
09692913521 (Smart)
Email: [email protected]
Facebook: Kabataan, Tayo Ang Pag-asa
Twitter:
Makabayang Iskolar, alamin ang iyong karapatan! Maglingkod at manindigan para sa ating pangarap na bukas!
Nagsisimula na ba ang break ninyo?
‘Wag tayo mag-break sa pag-aaral! ‘Wag limitahan ang pagpapalawak ng kaalaman sa loob lamang ng apat na sulok ng silid-aralan! Pagsamantalahan natin ang panahon na ito kaya tayo na’t mag-PAKUM!
Ang PAKUM o Pangunahing Kursong Masa ay naghahangad na palalimin ang kaalaman natin hinggil sa lipunan, kasaysayan, at mga prinsipyo na dala-dala natin sa pagbuo ng makabuluhang pagbabago. Magagamit natin ang ating matututunan dito sa bawat araw na patuloy tayong sumusulong sa maliliit at malalaking paraan!
Iniimbitahan namin kayo dumalo sa unang paksa ang Maikling Kurso sa Rebolusyon at Lipunang Pilipino, bukas April 11! Kitakits tayo!
Magsign-up sa link na ito: https://tinyurl.com/KILOSPAKUMFest
Tomorrow marks the 40th day since state forces brutally tortured and massacred Teacher Chad Booc, Teacher Jurain Ngujo II, Community Healthworker Elegyn Balonga, and Drivers Tirso Añar and Robert Aragon. In honoring their militant spirits and the lives they lead in true service of the Filipino masses, our fight continues for justice.
Join us on the International Day of Remembrance for the victims of the New Bataan Massacre tomorrow as we continue to demand the swift and impartial investigation on the New Bataan Massacre. Let us celebrate the noble lives of Chad, Jurain, Elegyn, Tirso, and Robert in our continued fight for justice and for the rights and freedom of our indigenous people. Let us remember how state terrorism has robbed them and countless other organizers, indigenous people, and ordinary Filipinos of their dreams and their futures for the sake of protecting their selfish interests.
Demand for the swift and impartial investigation of the New Bataan Massacre! Justice for New Bataan 5!
Tumaas na naman ang presyo ng langis, pero hindi tayo magro-rollback sa pagkatuto!
Bumulaga sa mga mamamayan ang matinding pagtaas ng presyo ng langis matapos ang simula ng gyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, at dahil dito ay umaaray na ang bulsa ng mamamayan dahil maging ang ibang bilihin at serbisyo ay nagtataas na rin ng presyo. Ang mga tsuper ng ating pampublikong transportasyon ay lalong naghihirap sa kawalan ng kita sa kanilang pasada na mas pinalala pa ng mga kamakailang pagtaas.
Ngayon ay oras na upang tayo'y matuto pa sa mga kaganapang nagdulot ng napakalalang oil price hike, upang kasabay ng presyo ng langis ay tumaas din ang antas ng ating pagsuri sa suliraning ito. Ating alamin ang iba pang aspeto at epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa pagdalo sa isang educational discussion ngayong March 30, 6pm!
TINGNAN: Sa paggunita ng isang buwan mula noong pinaslang ang New Bataan 5, patuloy pa rin ang pagpanawagan ng mga nakikiisang sektor sa hustisya. Iginigiit din na maimbestigahan nang walang kinikilingan ang pagdakip at pagpaslang kina Chad, Jurain, Elegyn, Tirso, at Robert.
Patuloy tayong tumindig at lumaban para sa ating mga kasama na naglilingkod lamang para sa bayan!
JOIN OUR MURAL PAINTING!
This coming April 22 is the set deadline for consolidation of all jeepney drivers and franchises--meaning by this date, no more traditional jeepneys will be allowed to drive! Jeepney drivers and operators face anti-poor and anti-people policies every day, especially now with oil prices skyrocketing, leaving little behind for drivers to take home to their families. Join KILOS in crafting a colorful but militant mural to call for and !
March 19-20
10 AM - 4 PM
UP Diliman (TBA venue)
For those who are willing to support the cause but can't come in person, we are also accepting donations to fund the supplies used for the mural!
If you're interested in helping out, just fill out the form below!
https://tinyurl.com/KILOSMuralPainting2022
Justice for New Bataan 5!
It has been a little over two weeks since volunteer Lumad teachers Chad Booc and Jurain Ngujo, healthcare worker Elegyn Balonga, and drivers Robert Aragon and Tirso Añar wete brutally massacred by the 10th Infantry Division of the AFP.
Since then, the military has done nothing but spread lies and hinder the peaceful mourning of the bereaved families. The AFP continues to claim that the New Bataan 5 were armed rebels killed in an encounter, but overwhelming evidence shows that the five victims were unarmed civillians, dedicating their lives to marginalized communities of indigenous peoples.
We will not remain silent until justice is won for the New Bataan 5! Join our protest as we clamor for a immediate and impartial investigation for the incident!
Black Friday Mobilization and Candle Lighting Protest
March 11, 5 PM
Quezon Hall, UP Diliman
Kapag sinabing "Kababaihan", hindi mawawala sa isipan ang isyu ng hindi pantay na trato o tingin sa mga babae. Matagal nang isyu ito sa lipunan na kitang-kita pa rin sa kasalukuyan; bagaman, patuloy pa ring nagbibigay inspirasyon, lumalaban at tumitindig ang kababaihan mula noon hanggang ngayon.
Kaya ngayong National Women's Month, sama-sama natin ipagdiwang ang kababaihan at dumalo sa malayang talakayan tungkol sa Women in Revolution sa Marso 10 ng 4 PM!
Magsign-up dito: tinyurl.com/WIRAbanteBabae
KABABAIHAN, MAGKAISA!
Sa pagdiriwang natin ng Women's Month, ating bigyang pansin ang tuloy-tuloy na paglaban, lakas at tapang ng kababaihan. Bukas, Marso 8, sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, sama-sama tayong kumilos at ipaglaban ang kabuhayan, kalusugan, at karapatan!
March 8
2-5 PM at Liwasang Bonifacio
TINGNAN: Ngayong umaga ay nagsagawa ng pagkilos ang mga jeepney driver at mga nakikiisang sektor upang ipanawagan ang pagtanggal sa 12% excise tax sa langis. Ngayong araw ay may gaganapin ding pagdinig kung saan mapagdedesisyunan ang pagbasura sa excise tax.
Ang pagtaas ng presyo ng langis ay pahirap sa lahat ng mamamayan kaya magkaisa tayong ipanawagan ang at !
TINGNAN: Nagkasa ng Candle Lighting Protest ang iba't ibang nakikiisang sektor para ipanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng New Bataan 5.
"At ilang beses man nila itong gawin,
Wala kaming ibang patutunguhan kundi ang pagdami at pagyabong
Hanggang ang kagubatan ay kami na rin."
Sa dagat ng kawalan ng katarungan sa Pilipinas ay tila mayroon na namang mga aktibista at makamasang mamamayan na nabiktima ng 'red-tagging' sa ating bansa. Nabiktima ng karahasan ang volunteer teacher para sa Lumad na si Chad Booc, ang kanyang kapwa g**o na si Gelejurain Ngujo II, at tatlong iba pa na tinaguriang New Bataan 5 sa isang masaker na ginawa ng mga pwersa ng estado noong Pebrero 24.
Nagsisilbing paalala ito kung sino nga ba talaga ang tunay na kalaban ng mamamayan. Hanggang may pasistang nakaupo at may mga trapo sa halalan, hindi tayo mabibigyan ng hustisya at kapayapaan.
Iniimbitahan namin kayong makibahagi sa gaganaping Candle Lighting Protest at parangal para sa New Bataan 5 mamayang 5 PM sa Quezon Hall, UP Diliman. Hustisya para sa New Bataan 5! Hustisya para sa mga kapwa mamamayan na nabiktima ng pasismo, karahasan, at kawalan ng katarungan!
JUSTICE FOR NEW BATAAN 5! JUSTICE FOR CHAD BOOC!
TW: Death, violence
On February 23, two Lumad volunteer teachers, Teacher Chad Booc and Teacher Gelejurain Ngujo II (Jurain), community health worker Elgyn Balonga, and two accompanying drivers were brutally slain by the 10th Infantry Division of the Armed Forces of the Philippines (AFP). The AFP attempted to justify their heinous crime by falsely claiming that the five were members of the New People’s Army (NPA), and that the killing was part of an encounter. The 10th Infantry Division went so far as to vaunt the murders online, even posting the bodies of the five civillians as proof of the supposed success of their counterinsurgency efforts.
KILOS condemns to the highest degree this massacre of Lumad community volunteers and unarmed civilians! This is an attack not only on the national minorities and their communities, but on all democratic forces who wish only to fight for the basic rights of the Filipino people for education, welfare, and development. Chad graduated from UP Diliman with a cm laude degree in Computer Science, and is one of many militant Iskolar ng Bayan who chose to commit his time and intelligence to immersing in and teaching young Lumad students. Over the course of his time as an activist and volunteer, he faced red-tagging, death threats, trumped-up charges and arrests, but had nevertheless maintained a kind and loving spirit.
Teacher Chad and Teacher Jurain dedicated their lives to service to the underserved, sacrificing comfort and convenience in order to fully give themselves to the communities that needed them most. They were brilliant young minds whose bravery and struggle will inspire thousands to take to the streets and demand justice for the New Bataan 5, and for the Lumad communities they served.
TINGNAN: Bilang paggunita sa ika-36 na anibersaryo ng People Power, naglunsad ng pagkilos ang iba’t ibang sektor ng mamamayan sa EDSA kaninang umaga.
At sa nalalapit na eleksiyon, hindi hahayaan ng masa na makabalik muli sa kapangyarihan ang mga pasistang diktador. Sama-sama nating tutulan ang tambalang Marcos-Duterte!
ANG PINATALSIK NG EDSA, HUWAG NANG IBALIK PA!
IBALIK ANG NINAKAW, HINDI ANG MAGNANAKAW!
36 na taon na ang nakaraan nang magtipon ang milyon-milyong mamamayan sa EDSA upang magkaisa sa pagpapatalsik sa diktadurang Marcos. Ang apat na araw na protesta mula Pebrero 22 hanggang 25 ay manipestasyon ng galit ng taumbayan sa pagkaganid sa kapangyarihan, pagiging korap, magnanakaw at mamamatay tao ng dating presidente. Utak ng pang-aabuso ng libu-libong magsasaka, manggagawa at iba pang inosenteng mamamayan, mahigit 100,000 na Pilipino ang pinatay, dinukot, tinortyur at ikinulong sa tulong ng Batas Militar. Dagdag pa, taliwas sa popular na pinaniniwalaan, bagsak ang ekonomiya sa panahon nito at baon sa utang ang Pilipinas dahil sa korapsyon sa ilalim ng kanyang pamumuno. Dahil dito, nagkaisa ang mga manggagawa, kabataan, estudyante, g**o, relihiyoso, at iba't ibang uri ng mamamayan at buong tapang na hinarap ang naglalakihang mga tangke ng militar sa EDSA upang tuldukan ang tiraniyang umabot ng 21 taon.
Ngayong papalapit na ang halalan, nagtatangka muling bumalik sa kapangyarihan ang mga Marcos sa pamamagitan ng pagtakbo ni Marcos Jr. Ngunit, hindi na natin hahayaang maulit pa ang kanilang mga sala at maluklok sa pwesto ang anak ng diktador!
Ating gunitain ang tagumpay ng taumbayan laban sa pasismo ng rehimeng US-Marcos. Ating tutulan ang tambalang Marcos-Duterte!
February 25, 2022
8 AM - Start of march towards EDSA monument
8:30AM - Start of march towards EDSA monument
Magsuot tayo ng itim at makiisa sa pagkilos para sa anibersaryo ng People Power sa EDSA! MAKIBAKA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN AT DEMOKRASYA!
TINGNAN: Kaninang umaga, naglunsad ng pagkilos ang mga jeepney driver at nakikiisang mga sektor laban sa patuloy na banta ng jeepney phaseout.
Kaakibat nito, pinapanawagan din ang pagtutol sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at bilihin.
The future is us but we must act now.
Join us this upcoming February 20, 4pm via Google Meet and be empowered on matters that affects everyone. “Laban Kabataan, iisang tinig, sama-samang aksyon”
“Now is the time that the light of truth must shine; now is the time for us to make it known that we have our own feelings, have honor, have self-respect and solidarity.”
Andres Bonifacio
The militant youth of our history struggled for genuine liberation and freedom for the Philippines. They are lauded for their sacrifices in the interest of the people of their nation. As we celebrate the victories of the past, we look forward to the continuing challenge that the youth of today must rise up to: the defense of our independence and sovereignty.
Every passing day, tensions continue to brew in the West Philippine Sea. Filipino fisherfolk continue to face threats to their communities and livelihoods as foreign vessels continue to enter Philippine territory, unwelcome. US military troops continue to stake their claim on land that is not theirs. Foreign companies continue to invade and exploit Philippine resources and labor. Every passing day, the concept of Philippine independence becomes more and more abstract, and thus raises the challenge of knowing and understanding the current situation, and continuing the unfinished struggle for liberation and sovereignty.
With this, we invite you to discuss the threats and compromises to national sovereignty that the youth must not let go uncontested.
February 16
4 PM via Google Meet.
Sign-up here! https://forms.gle/cWtH7VzpjB1Zk69W6