Implicit

Implicit

Trigger Warning :
Some of my poetries contains strong language and sensitive themes. You are warned.

17/03/2023

Nganu kayang imbes mag-alala kay malipy pa imong friends makitang naghilak ka noh without knowing unsa imong gihilakan. Why mock the person's vulnerability.

17/03/2023

kapoy man..

11/03/2023

Kung Hindi Tayo by me

I.(Girl)
Hindi ko na mabilang kung ilan ulit mo na akong iniwan
(Boy)
Hindi ko na mabilang kung ilang ulit mo na akong nasaktan

Bridge: (Girl)
Sumakay sa mga matatamis mong salita
Naniwalang pag- iwan ay di mo magagawa

Cho.
Na hindi ka mapapagod
Na hindi ka susuko
Na hindi ka titigil
Na hindi ka maghahanap ng iba
Yun pala ay siya nang sinisinta

II. (Boy)
Ewan ko ba kung ano ang kulang
Bakit hindi parin sapat para sayo
(Girl)
Teka hindi,
Sadyang ikay nagbago
Asan na ba ang katuparan ng iyong pangako

Bridge: (Boy)
Hindi ba pwedeng napagod sa kahi'ntay sayo
At kung walang problema'y bakit hindi mo masagot
Hanggang kailan ang nais o baka naman ay laro lamang sayo
Mahirap ang umasa, manatili, sa relasyong walang tayo

Cho.

Dahil hindi ka sa akin
Mahirap umasa sa wala
At kung ikay hindi para sa akin
Ay hahayaan ang sariling sumaya
At sa kanya ako'y hindi na
balewala

Instrumental

Cho. (Both)

At kung hindi para sa atin
Ay mas mabuting kapalaran nalang ay tanggapin
At kung hindi talaga tayo
Papalayain na ang puso para sayo

(Back to cho. solemn)

At kung hindi para sa atin
Ay mas mabuting kapalaran nalang ay tanggapin
At kung hindi talaga tayo
Papalayain na ang puso kong ito
Kung hindi tayo ohhhhhhh
Kung hindi tayoooooo

Kung hindi tayo
******

One of the songs nga akong nahimo. Anddddd my fave hihi so far.

Ps. Wa koy nabal-an instrument so kana lang sang pa drums drums sa kamot kunuhay hahahahahha

05/03/2023

For good times and bad times right?

18/02/2023

Ayaw nalang tawn mo paghisgut ug about depression nga murag maalamon sa tanan kung wa mo kasabot ug wa moy maayong ikasulti. Salamat.

09/02/2023

In the four corners of the room
I'm in the middle feeling numb
Accompanying the disappearance of darkness
Waiting until it turns into sun rays

I was afraid to close my eyes and wake up with anxiety
I was hopeless praying death to take over with me

Burdened by my thoughts and all the things that controls me
When I just wanted to be understood but why do they couldn't see

I was crying, I was helpless, I couldn't take it anymore
I'm dying, I died in the embrace of your sweet torture.

-onse🥀

29/12/2022

If I were to open myself, If I were to share something personal, something deeper, I would definitely share it but with the right people.

02/11/2022

So here's the thing,,

Dream and first choice ko talaga ang education. Pumasa ako sa gusto kong school pero i have to choose other course kasi hindi ako nagkaslot sa education dahil sa mababa ang stanine ko. Dahil gusto ko talaga ang educ.. naghanap ako ng ibang school..

Pero now, I realized siguro that's a sign na hindi para sa akin ang teaching. 2nd year college when I felt that.. and now I'm in my 4th year .. i found out its not what im passionate about.

Now i realized maybe i did felt that is my dream course because i make myself believe that it was. Or maybe because my parents want me to be and so that drives me to also want it? I dunno.

And it's really sad. To now realize na ang ang akala kong pangarap , which I pursued, na tinayaan ko, isn't really what I wanted.

Akala ko kasi eh.

Akala ko lang pala.

01/11/2022

The more i think about it the more i realize how sad that is...

Na we both know and aware na there's this 'something' between us,

Talagang wala lang sumubok. Ni isa sa atin walang nagbalak.

31/10/2022

Stay away from people who makes you feel bad of your self.

30/10/2022

Running circles,,

17/10/2022

Siguro nasabtan na nako tung mga taong giingnag 'nagbag-o na salig kay propesyonal na'.. 'nagbag-o na sukad nag college'.. 'karun di na kaayo makigclose nako kay hapit naman malampos'..

Kay isa sad ko sa mga nabag-o na..
But dili tungod kay nakatungtung ug college, hapit na makahuman, hapit na mapropesyonal.. but because nakita nako kung unsa mo sa akong kinabuhi.. kung unsa ang nadawat nako instead nga comfort.. instead encouragement.. instead nga pagsabot and consideration .. wa ninyo gi validate ang akong feelings.. ang akong kalisod...

Mabag-o man jud ang usa ka tao.. depende sad sa inyong pagtagad, depende sa inyong gipakita.. depende sa inyong gipabati.

Maong ou nabag-o ko.. kung di nako parehas kaclose sainyo sauna.. nga pirming muduol.. makigkatawa..

Pero nabag-o rasad ko tungod ninyo.

Ug para ingnon ninyo nga garbo ang nakapabag-o sako...

Dira nako mas nasabtang wa jud diay mo kaila sa tinuod nga ako.

Para asa pang mupundo sa usa katapok nga inig katalikod ginadaut ko..

Tama rasad oy.. tama rasad nga i-detach nako akong kaugalingon sa inyo.. ug unta mapanguta sad ninyo inyong kaugalingon ug nganu..

15/10/2022

Stress lang bigay netong acc nato hahaha bye oys balhin sa dummy dating gawi

07/10/2022

Protect your mental health at all cost🌻

30/09/2022

Hiii🤗 sharing you pipol my old tula kasi idunno how to write na now🥺

SPOKEN WORD POETRY//PASSION 30/09/2022

https://youtu.be/d9BFfwUfa-4

SPOKEN WORD POETRY//PASSION If you may feel like unimportant, unappreciated, and not enough because of the absence of people who believes in you.. it will never define your ability nor ...

17/09/2022

I loved myself best when you loved me least..

16/09/2022

Kayong naging dahilan kung ba't bumaba ang tingin ko sa sarili ko nang husto.

05/09/2022

Lisoda sad ipaglaban sa inner peace oy

05/09/2022

Ambot haha kapoy man

15/07/2022

11/07/2022

Nakakabinging katahimikan...
Tumatahol na mga a*o, kurtina ay nagliliparan
Teka— anong meron e maaga pa naman
Bakit tila abandonado, nanibagong nakatitig sa orasan.

Naririnig ko ang mga lantang dahong nag uunahan sa pagbaba
Ang mga mumuting tunog na di malaman sa kung saan nagmumula
O kung sino ang naglilikha kuting bang naglalaro sa halaman
Sa sahig ako'y nakaupo, mulat ang mata, nag-aabang.

Bakit ganon?
Bakit hindi pwede?
Bakit ang lahat ay sinabing ito'y pag-iinarte?
Paano ba makuha ang inyong simpatya?
Bakit ang hirap sa husga'y makalaya
Hindi ba akong pwedeng masaktan?
Hindi ba pwedeng lahat ng ito'y aking maramdaman?
Imbes na kalinga idinikdik niyo ko sa sukdulan
Sa pangungutya, sa mga matang puno ng pagkasuklam.

Napagod akong magsalita,
Magtipa ng mga letrang inyong binabalewala.

Tumitiklop ang bibig,
Imbis na salitay paghikbi ang aking naririnig.
Ni walang nakikinig,
Teka, hindi ba madinig ang aking mga himig?

Nais ko nalang pumikit,
Kung sa matang nakadilat ay puro lang pasakit.

Hanggang kailan ako mananatiling ganito?
Kailan ang panahong magiging mulat kayo.

-onseeeh🥀

11/07/2022

Kahit pa sa pag-alis ko ngayon ay parang tutol ang panahon.
Umuulan.
Malakas.
Paano ako makakalabas.
Paano makakarating nang di nababasa.

Parang sa lahat nalang ng plano o ng aking gagawin ay may problema.
May sagabal.
Pero sige.
Aantayin ko nalang kung kailan hihinto ang pag-ulan.
Saka nalang ako lilisan kung kailan huhupa na't ambon nalamang ang ipapatak ng kalangitan.

Mag-aabang na lang ako sa isang tabi— sisilong, iinom ng kape.
Sige.
Aantayin ko na lamang tumila't lumiwanag muli ang araw.
Hindi ko nga lang alam kung kailan, pero sige. Mag aantay nalang ako ng ilan pang oras, baka mamaya o sa susunod na bukas.

Kung kailan wala na ang ulan, ang kulimlim sa kaibabawan.
Kung kailan tuyo na ang daan,
Tuloy na sa tatahakin at sa gawing pupuntahan.

Hindi ko alam kung mali o tama ba itong aking mga desisyon,
Kung kahit sa pag-alis ko ngayo'y tila tutol ang panahon,

pero sige,
sige lang,
sige pa.

-onseeeh🥀

11/07/2022

Sa mundong paraiso ng imahinasyon
Halika't samahan mo'kong mangarap, huminahon
Tumuklas at kahapo'y limutin
Gumawa ng bagong mundong mundo natin.

Sa istorya ng pag-iibigan nating dalawa
Sa istoryang tayo lang dal'wa
Sa istoryang tayo lang ang makakaramda't makakakita
Ay masamahan mo kahit isa lamang pantasya.

-🥀

"WALAY KITA" Bisaya Spoken Word Poetry| Enelve Joy Diaz 09/07/2022

Hello👋 from one of the light poetries I've made.. ang title po nito ay "WALAY KITA". A bisayan spoken poetry by yours truly ☺️

https://youtu.be/rL6fs4RXXI0

"WALAY KITA" Bisaya Spoken Word Poetry| Enelve Joy Diaz Background Music: Hiling by Mark Carpio ( Piano Backing Track )credits to the rightful owner.. link below❤️👇👇https://youtu.be/d0ac580uvJM

08/07/2022

Hindi ko alam kung paano sisimulan
Sa hawak kong pluma'y nakapikit sa kawalan
Nangangapa sa kahiwagaan, sa ilalim ng buwan
Ni pagsulat na noo'y buhay ay di na maumpisahan

Heto na naman tayo
Nandito na naman itong aking anino
Hinahapo na naman sa bilis ng tibok ng puso
Hindi mabitawan ang kanina pang hawak ng kamay ko

Maaari bang huminto?
Huminga saglit sa ibayong dako
Maaari bang mapigilan ang orasan?
Kahit minuto o isang oras lang
Nais ko lang sanang huminga
Sa takbo ng oras na tila lubid sa aking sumasakal
Nais ko lang pumikit
Sa mga matang dulot sa akin ay sakit
Sa mga dilang sumpa dahilan ng pagkakadapang paulit-ulit
Sa realidad na walang takas kahit pa sa panaginip

Namamanhid aking katawan
Kahit pa ang sariling damdamin ay nangangapat di na maramdaman
O ako pa ba itong nasa katauhan?
Kung sa bawat paghinga ay bigat na walang katapusan

Sa marahang paghikbi ako ay napamulat
Mula sa sari-saring tinig at boses na nagpanginig saking balat
Sa namamanhid na puso'y ang umaagos na dugo
Sa pagaakalang matutumbasan nito ang sugat sa loob na nakatago

Hindi ko na kaya
Kailan ba matatapos itong pagdurusa
Nakakapagod
Gustong ko nalang magpahinga

Lahat na lang ba'y mananatili sa ala-ala?
Ang noo'y buhay na masaya't payapa
Ang noo'y batang puno ng pangarap at sigla
Kung pwede lang sanang ibalik ang panaho'y ginawa ko na

Ipinikit ko na lamang aking mga mata
Hindi ko alam pero naririnig ko ang ambulansya
Nakikipagdebate sa pagitan ng dalawang destinasyon
Hawak ang tumutunog na telepono'y walang tigil nasasabik sa atensyon

Bakit ngayon? Bakit hindi pa noong ang mga mata'y kumakatok at ang dila'y humingi ng tulong

Bakit ngayon? Bakit hindi pa noon?
Patawarin nawa ang sarili kung mas piniling bumitaw at magpakalunod sa alon.

Kakulangan nga lang ba ito ng aking pananampalataya gaya ng sinasabi ng iba?
Bakit hindi niyo kasi subukang makinig bago husgahan ang paghihirap ng kapwa.

—Onseeeh🥀

07/07/2022

❤️

Ito ang pinaka paborito kong tagpo sa maghapon — ang dapit-hapon.
Matapos ang magdamag kong pagsagupa sa mundo,
kapag papalubog na ang araw ramdam ko ang init ng pagyakap
sa akin ng mga nagkukulay kahel na ulap.
Wari pinapakalma ang pagal kong kaluluwa na naghahanap ng karampatang kalinga.

Kay sarap pagmasdan ng kalangitan habang payapa ang kapaligiran.
Hindi man umayon sa akin ang kapalaran sa nakalipas na magdamag —
may tanglaw na pabaon ang namamaalam na sinag.
Wagas ang pagkandili sa pusong may bigat na hindi maipaliwanag.

Sapagkat kasabay ng pagpanaw ng araw ay isang paanyaya ng panibagong pag-asa.
Kahit gaano man kasidhi ang maghapong nagdaan sa lilim ng hindi mabilang na kabiguan,
may dapit hapon na nakalaan upang aking masilayan ang kariktan nitong mundo.
Na kahit gaano na kagulo — may kagandahang nakatago sa dulo ng bawat tagpo


"Sa Lilim ng Dapit Hapon"
ni G. Hustino Golez
Mga kwento sa likod ng Notebook
Ikatlong Karangalan, MTAT Ikalawang Paligsahan sa Pagsulat ng Tula

07/07/2022

Nagising ako hapong tapat,
May yumayakap sa aking likod, hinahaplos aking balat.
Ang isang kamay ay nakapulupot sa bandang kalamnan ko,
Habang ang isang kamay naman niya ay sa aking leeg dumapo.

Namanhid aking katawan—hindi makagalaw.
Kung ito ba'y totoo, bakit di makasigaw?

Mulat ang aking mata, ramdam ko ang kamay nya
Ang init sa bandang likuran at sa haplos na tila kamatayan.

Segundo'y dumaan, ito nga ba'y totoo?
Bumubulong siya ng mga salitang di ko mapagtanto.
Isa, dalawa, tatlo... tinatapik niya'ng leeg ko
Dahan dahan, nakakapa*o— haplos ng impyerno.

At sa pang-apat na pagkakataon ay dalawang kamay na ang kanyang gamit,
Nakahigang paharap sa kanya sakal ang leeg ko'y ramdam ang sakit.

Hinahabol ang hininga kahit kadiliman na ang nakikita,
Pumikit at sa pangambang katapusa'y— nakahinga, nakawala.

Isang bangungot.

—onseeeh🥀

06/07/2022

Here in a moment drowning myself with all my fears
Facing a breathtaking sunset, alone, with flowing tears.

Reminiscing moments I know I couldn't have back
And now questioning myself,

Where is my luck?


Mula sa tulang "Alone"
Onseeeh🥀

06/07/2022

Lost

Looking up above
The skies clear like I always love
My eyes shut, filling my mind with profound thoughts
Until my precious li'l beast got me caught

Insensitive people making fun of me
Telling lies, faking history
Knowing nothing, lack of empathy
Failed to comprehend, mocking the unknown story

Wearing mask to conceal the pain
Does anyone tried to reach me out knowing the storm I'm facing?

Yes a few but nothing sincere
They'd just put a distance and feed their curious ears

Looking at them with teary eyes
Hiding there was their so called lies
This feeling I kept inside, to them was just a mere whisper
Blowing, humming but they chose not to hear

Clinging, embracing the noise of chaos
Hey, here me out! I am lost

—onseeeh🥀

06/07/2022

Hello. Bale dito ko ilalagay/compile mga tula, kanta, or anything na nagawa ko na at magagawa ko pa soon haha. Your likes and follows are much appreciated po lalo kapag binasa nyo ilan sa mga likha ko simula hanggang dulo. Thanks.

-onseeeh🥀

Website