Municipal Transportation Management And Development Office 2022
To support the initiative and programs of the Local Government in the enforcement of National and Lo
Isang kahanga hanga at katapatan ang ginawa ni Ginoong Marlon Cruz na operator ng rotoda 746 na isang tricycle driver matapos nyang maibalik sa isang empleyado ng San Jose National HighSchool ang mga mahahalagang kagamitan na naiwan sa kanyang tricyle agad itong binigyang aksyon ng Chairman ng rotoda na si Mike Alvarez at MTMDO head Juan Mendoza sapagkat ito ay nag lalaman ng Laptop at cellphone at iba pang mahahalagang DEPED documents ng ginang, sobra naman ang pasasalamat ng ginang kay ginoong marlon cruz.
Patuloy ka nawa pagpalain ng ating Diyos dahil sa kabutihan mong ginawa sa iyong kapwa nawa tularan ka ng iyong mga kapwa tricyle driver sa ating bayan ng Montalban.
ABISO PUBLIKO
Pansamantalang hindi madaraanan ang San Rafael – San Isidro Spillway dahil sa pag-apaw ng tubig. Kaugnay nito, asahan ang pagbigat ng daloy ng trapiko ngayong araw sa bahagi ng Luvers.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa.
The Municipal Transportation Management and Development Office (MTMDO) held two batches of a 2-day Traffic Enforcement and Management Enhancement Seminar for Montalban Traffic Enforcers from June 20–23, 2023, in cooperation with the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), with the approval and support of our Honorable Mayor RONNIE S. EVANGELISTA. .
Maligayang kaarawan, Mr. Juan U. Mendoza - MTMDO Head!
Ipinapaabot ng Pamahalaang Lokal ng Bayan ng Montalban ang taos-pusong pagbati sa iyong kaarawan. Nawa'y manatili ang pagpapala ng Panginooong Maykapal sa iyo at sa iyong pamilya.
Maligayang kaarawan para sa aming butihing Punong Bayan General Ronnie S. Evangelista..
patuloy kaming nagpapasalamat sa walang humpay na paglilingkod para sa bayan ng Montalban.
Aming panalangin na patuloy kang pagkalooban ng kalakasan at karunungan upang paglingkuran ang mamayan at ang bayan ng montalban.
Pagbati mula sa tanggapan ng Municipal Transporation Management and Development Office (MTMDO)
God bless Mayor!
MTMDO TWO-DAY SEMINAR AND WORKSHOP 2023
Malaking tulong ang transportasyon para sa mga mamamayan ng bayan ng Montalban lalo na para sa mga manggagawa at mag-aaral, gayundin nakapagbibigay ito ng trabaho sa mga Montalbeño.
Kaugnay nito nagsagawa ang lokal na pamahalaang bayan ng Montalban, sa paglilingkod ni Punongbayan Ronnie S. Evangelista, at sa pangunguna ng Municipal Transportation Management and Develop Office (MTMDO), sa pamumuno ni Capt. Sandro Talon (Ret.) ng dalawang araw na Seminar at Workshop sa Hillside Resort, Brgy. San Rafael noong March 21 at 22, 2023.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga transport cooperative, associations, corporation, at iba’t ibang TODA mula sa bayan ng Montalban.
Naroon din bilang tagapagsalita sina Aaron Cedric S. Poquiz Transportation Development Officer II, Engr. Jenerwin C. Binoya Engineer II, Alex L. Capundan Transportation Development Officer I, Engr. Ivan Edward D. Francisco Project Development Officer V, Eddie Francis R. Rano Project Development Officer II, Mr. Joel J. Bolano Chief, Technical Division, Joanne D. Elmedolan Senior Transportation Development Officer mula Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga kawani ng LTO Montalban na sina Maria Joy C. Padua Chief/Officer in charge, Norman Lee B. Page Administrator, Kloyd B Remo Admin Aide VI at Alon M. Mabalay Head driving Instructor.
Layunin ng aktibidad na bigyan ng tamang training at kaalaman ang mga transport groups at associations na meron ang Montalban upang mas maging maayos at tama ang pamamalakad sa batas na may kinalaman sa transportasyon.
Nagbigay din ng pananalita si Punongbayan Ronnie S. Evangelista, nabanggit nito na on going na ang repair ng municipal roads, gayundin pinasalamatan niya ang mga dumalo sa nasabing seminar at workshop lalo na ang LTFRB at LTO Montalban.
LIBRENG SAKAY UPDATE
Bilang karagdagang tugon sa posibleng kakulangan ng masasakyan bukas, March 6, 2023, ay magkakaroon ng Libreng Sakay ang PNP Rodriguez. Tingnan ang larawan para sa mga detalye ng nasabing programa.
LIBRENG SAKAY (Montalban to Cubao Vice Versa)
Dahil sa ambang tigil pasada ng ilang Transport Group sa Metro Manila. Magkakaroon ng Libreng Sakay ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Montalban sa pangunguna ni Punongbayan Gen. Ronnie S. Evangelista.
Ang nasabing libreng sakay ay may ruta na magmumula sa M.H. Del Pilar Brgy. San Rafael, dadaan ng Bayan ng San Mateo, Marikina hanggang Cubao (Vice Versa) simula 6:00 ng umaga. Ito rin ay inaasahang matatapos hanggang ang bumalik sa normal na operasyon ang mga apektadong ruta.
RUTA NG LIBRENG SAKAY
- GOING TO CUBAO
Starting Point. : San Rafael ( 7/11)
End Point : Aurora Blvd. , Cubao
Via M.H. DelPilar , J.P. Rizal , Gen. Luna ( San Mateo) , J.P. Rizal Ave. ( Marikina) , Bayan- bayanan Ave. , E. Rodriguez Ave. , G. Fernando Ave. , Marcos HWay , Aurora Blvd.
- GOING BACK TO MONTALBAN
EDSA , East Ave. , Commonwealth Ave. , Circ. Road ( Sandigan Bayan ) , Batasan Road to San Mateo , Gen Luna Ave. , J.P. Rizal ( Rodriguez) , E.Rod HWAY .
( End Point )
Narito naman ang mga ruta ng mga traditional jeeps na TULOY ANG PASADA.
- Wawa - Kasiglahan
- Burgos - San isidro
- Kasiglahan - Commonwealth
- Montalban - San Mateo
- Montalban - Marikina
HINDI PAPASADA (Traditional Jeep)
- Montalban - Cubao
PAALALA: Tuloy ang biyahe ng lahat ng modern jeepneys o mini bus.
LIBRENG SAKAY (Montalban to Cubao Vice Versa)
Dahil sa ambang tigil pasada ng ilang Transport Group sa Metro Manila. Magkakaroon ng Libreng Sakay ang lokal na pamahalaan ng Bayan ng Montalban sa pangunguna ni Punongbayan Gen. Ronnie S. Evangelista.
Ang nasabing libreng sakay ay may ruta na magmumula sa M.H. Del Pilar Brgy. San Rafael, dadaan ng Bayan ng San Mateo, Marikina hanggang Cubao (Vice Versa) simula 6:00 ng umaga. Ito rin ay inaasahang matatapos hanggang bumalik sa normal na operasyon ang mga apektadong ruta.
RUTA NG LIBRENG SAKAY
- GOING TO CUBAO
Starting Point. : San Rafael ( 7/11)
End Point : Aurora Blvd. , Cubao
Via M.H. DelPilar , J.P. Rizal , Gen. Luna ( San Mateo) , J.P. Rizal Ave. ( Marikina) , Bayan- bayanan Ave. , E. Rodriguez Ave. , G. Fernando Ave. , Marcos HWay , Aurora Blvd.
- GOING BACK TO MONTALBAN
EDSA , East Ave. , Commonwealth Ave. , Circ. Road ( Sandigan Bayan ) , Batasan Road to San Mateo , Gen Luna Ave. , J.P. Rizal ( Rodriguez) , E.Rod HWAY .
( End Point )
Narito naman ang mga ruta ng mga traditional jeeps na TULOY ANG PASADA.
- Wawa - Kasiglahan
- Burgos - San isidro
- Kasiglahan - Commonwealth
- Montalban - San Mateo
- Montalban - Marikina
HINDI PAPASADA (Traditional Jeep)
- Montalban - Cubao
PAALALA: Tuloy ang biyahe ng lahat ng modern jeepneys o mini bus.
ANUNSYO PUBLIKO
Ayon sa inilabas na Advisory ng DepEd Tayo Rizal Province, ay pinapayuhan ang lahat ng pampublikong paaralan na kung maapektuhan ang kanilang bayan o munisipalidad ng "Tigil Pasada" sa darating na March 6-10,2023 ay i-adopt ang Alternative Delivery Mode gaya ng Modular learning at Online learning hanggang sa pagbabalik ng normal na operasyon ng mga pampublikong transportasyon sa kanilang lugar.
Halintulad nito, ang mga pribadong paaralan ay hinihikayat na i-adopt ang kaparehong distance learning modalities kung kinakailangan.
Samakatuwid, MAARING MAY FACE TO FACE CLASS ANG MGA PAARALANG HINDI DIREKTANG MAAAPEKTUHAN NG NASABING TRANSPORT STRIKE. Makipag-ugnayan lamang sa mga g**o o principal ng inyong paaralan hinggil dito.
Manatiling nakatutok sa mga susunod pang update.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=545488211006628&id=100066363620850&mibextid=qC1gEa
Continuous conducting of tricycle inspections of various TODA and private tricycles within our Municipality.
Assisting requested event and activities concerning traffic management.
Conducting operations against illegally parked vehicles, truck ban, colorum and not wearing helmet and motorcycle with open muffler.
Assisting traffic situation during occurrence of vehicular accident.
Assisting traffic situation at Kasiglahan Village in connection to the celebration of Feast of Maria Ina ng Kapayapaan.
January 30, 2023 Isang kapatiran nating muslim ang nahulugan ng kanyang pera sa Labas ng meralco bandang san jose sa dakong 10am ng umaga, Sya ay si Ginang Fatima Mabagumpara na mula sa Kasiglahan Village San Jose rodriguez Rizal. Ito ay dapat pambayad nya sa nasabing bill ng kuryente. maraming umangkin ng pera , at may isang tricycle driver ang nag mabuting loob sya ay si Ginoong Jay ar Morado na galing sa Brgy San rafael rodriguez rizal, miyembro ng Mangga Toda , na ibalik sa ginang ang pera. Noong una sinabi nyang kanya iyon para na din tumigil na ang pagaangkin ng ibang tao sa pera. agad naman pumunta ang ginang Sa tanggapan ng MTMDO at agarang binagyan ng aksyon . wala pa ilang minuto agad namang pumunta si manong Driver sa opisina ng MTMDO at naibalik ang nasabing pera.
Maraming salamat sa iyong kabutihan batid ng Ginang sa knya.
Mula sa tanggapan ng MTMDO , salute kami saiyo. Ginoong Morado. Nawa’y lahat ng tricycle driver dito sa ating lugar at katulad mo. .
Habang wala pang kahati sa twin pack, self-love muna. 😊❤️
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNAL NO. 1
Batay sa update ng PAGASA, napanatili ng bagyong ang lakas ng hangin na may kasamang pag-ulan kaya naman inangat na sa ilang bahagi ng Luzon, kasama na ang Rizal, ang Tropical Wind Cyclone Signal No.1
WALANG PASOK | OCTOBER 26, 2022
Alinsunod sa anunsyo ng ating butihing Gobernadora Nina Ynares, walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan mapapubliko o pribado sa buong lalawigan ng Rizal.
Pinapayuhan din ang mga estudyante na gamitin ang pagkakataong ito upang mas makapaghanda para sa kanilang periodical examination. ✌️✌️✌️
Via Dost_pagasa | Heavy Rainfall Warning No. 2
Iniulat ng alas 5:00 ng hapon,25 October 2022
Orange Warning: Quezon.
Associated Hazard: MATAAS NA PAGBAHA
Yellow Warning: Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal.
Associated Hazard: Posibleng PAGBAHA sa mga flood-prone areas
Maaari namang makaranas ng mahina hanggang katam-tamang na panakanakang malakas na buhos ng ulan sa mga lugar ng Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan.
Sa Pagkukusa ng mga kawani ng MTMDO sa paglilinis sa kahabaan ng short-cut patungong kasiglahan para maalis ang mga putik sa kahabaan ng kalsada. Sa Pangunguna ng knilang Traffic Supervisor Ronwaldo Pacatang at sa mandato ng kanilang MTMDO Deputy na si Ferdinand M. Ramirez at MTMDO Head Capt. Sandro C. Talon (Ret.Pnp)
Sa Pakikipagtulungan ng BFP nag sa gawa ng Reflushing sa shortcut area dahil sa nagkalat na mga putik gawa ng Bagyong karding at para na rin muling madaan ang shortcut.
Time-12 00 pm
09-26-2022
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS ARE NOW LIFTED IN CALABARZON
Base sa 8 am weather update ng PAGASA, napanatili ng bagyong ang lakas nito habang papaalis ng Luzon. Tuluyan na ring humina ang malakas na pagbuhos ng ulan at hangin sa CALABARZON dahil dito inalis na rin ang Tropical Cyclone Wind Signals sa buong rehiyon kabilang ang Montalban.
Inaasahan naman na mamayang gabi lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang Bagyong , base sa latest forecast track ng PAGASA.
EMERGENCY HOTLINES
Sa ganitong panahon, laging maging handa.
Nasa baba ang mga hotline na maaaring tawagan para sa mga hindi inaasahang sitwasyon o pangyayari sa kasagsagan ng bagyo.
Tumutok din sa official page ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Montalban: Bangon Bagong Montalban para sa mga update ukol sa bagyong .
School zone clearing operation of all illegal parking, in preparation to the upcoming face to face classes for the school year 2022-2023.
Public address and information dissemination regarding executive order no.011 series of 2022 or clearing operation of Task Force Disiplina.
Meeting With TODA federation Officers with regards to different concerned of tricycle drivers and operators.
Continues Apprehensions violators and Implementation of Local Traffic Ordinances along E Rodriguez Hi way.
" KATUWANG NG ATING BUTIHING MAYOR GENERAL RONNIE S. EVANGELISTA AT MTMDO HEAD CAPT. SANDRO C. TALON SA PAGPAPATUPAD AT PAG PAPA IGTING NG ORDINANSA AT BATAS TRAPIKO SA ATING LOKAL NA PAMAHALAAN NG BAYAN NG MONTALBAN ATIN PONG KILALANIN ANG "MTMDO DEPUTY" SIR "FERDINAND M. RAMIREZ".
" SA PAG PASOK NG BAGONG MONTALBAN ATIN PONG KILALANIN ANG ATING BAGONG PAMUNUAN NG "MTMDO" SA PAMUMUNO NI "RET.CAPTAIN SANDRO C. TALON".