EION

EION

An alter ego of a man who's chasing a dream. Determined, Fearless, and a Catalyst of Change

03/02/2023

𝑺𝒊 𝑻𝒐𝒕𝒐
__________

Si Toto, gising, mulat, at hindi aawat
Siya ay takot, pero ano ba ang takot sa mundong puno ng trapo
Sumigaw, nakibaka at tumindig
Si Toto ay isa ng bayani
Pero bakit walang nakakikilala kay Toto?

Si Toto, namatay at kinalimutan
Dinuraan ng bagong panahon
Inapak-apakan at binasura ang ginawa ni Toto
Sino kayo para ganitohin ang taong lumaban para sa inyo?
Pinuta at ipinamukha sa puntod ni Toto
Ang ka-walang hiya na pambabastos, kayo ba ang lumaban para maging malaya ngayon?
Hindi ba’t si Toto?

Si Toto, tulayang winasak
Ganito ba ang inakala ni Toto sa paglipas ng panahon?
Na magdidiwang ang sambayanan at lalong nanaisin ang kalayaan
Pero nagdudusa’t nalulunod tayo ngayon
Nangangarap na may maging katulad ni Toto
Na titindig para sa pagbabago

Si Toto, isa na lang alaala
Ang mga araw na tayo mulat pa
Buhayin na lang ba si Toto?
Minsan mahirap isipin, pero parang ang hirap akalain na naging totoo si Toto

04/01/2023

𝑨𝒎 𝑰 𝑩𝒊𝒑𝒐𝒍𝒂𝒓?
_________________

Whenever this voice speaks, it feels like another person is talking
Still, it is a part of me but the depressed one
He is the conscience of doubt
Forcing me to question everything
Giving no forethought, only regrets

I wonder when did he came
This sensation feels old but new
I feel smart but weak at the same time
Guess he's just fu***ng me up
Being held captive of an unseen thought
Giving me the nightmares of realities

I long to live, he longs to die
How opposite but same
I want to continue but he kept holding me back
What is it so bothering that he can't let me go?
I know he wants something to change but it's not easy to be different

He's my silent moments
He's my reality
He tells me that the world is fu**ed up as well
He forces me not to be happy as happiness is a mask to accept the wicked truth
I guess he's acceptance

But I can't understand myself anymore
As reminiscing the past, he makes it a mere dream
Am I willing to forsaken such memories?
More so, am I ready to change?
But as I accept him, I linger to be happy again
To be normal

But no, seeing reality is just as scary as to be happy without knowing
What the f**k is the feeling?
Like a guilty pleasure
Two personalities, eager to intertwine
Am I Bipolar?

03/01/2023

𝘗𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘩𝘢𝘱𝘰𝘯
_______________________

Isang taon na ang lumipas ng pumanaw si Nikko
‘Di man lang nila maalala ang mga panahon na siya’y nabubuhay pa
Tila panaginip na para bang bula lang sa kanilang mga isipan
Ang bawat pagdurusa, bawat luhang pumatak ay hindi man lang napunasan
Pilit kinalimutan, binura ang mga alaala
Kilala pa ba nila ako?

Nagising sa lansangan, mulat ang aking mga mata
Isang taon lamang nawala pero bakit ibang mundo na ang aking nadatnan
Hubad sa paningin ang bawat katotohanan
‘Di na nila ako kilala at hindi na aasa
Dahil iba na rin ang aking pananaw

Nababagot at litong lito
Papunta saan ang tatahakin
Tatayo na lamang ako sa gitna ng kalsada
Sana mahagip ng katiyakan
Na ito na ang mundong aking habang buhay na hahagkan

Litong lito
‘Di makasigurado
Ganito ba?
Ang Pag-alis ng Kahapon

29/10/2022

𝙉𝙖𝙜𝙠𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙞𝙞𝙨𝙞𝙥 𝙣𝙞 𝘽𝙚𝙧𝙣𝙞𝙚
(T.W. Domestic Violence, Su***de, Blood)
Note: This is a work of fiction only.
_______

Kauuwi lang ni Bernie mula sa eskwelahan at trabaho nang pagbuksan siya ng kaniyang ina na tila tinatakpan pa ang bakas ng palad na namumula sa kaniyang pisngi.

“Sinaktan ka na naman ba niya!?”

“Pabayaan mo na, Anak, gagaling din naman ito.”

Binaba niya ang kaniyang gamit at ginamot ang mahapding sugat ng kaniyang inang iniinda ang sakit.

“Bakit ayaw mo ba kasing humiwalay na tayo sa kaniya?”

“Bernie, alam mo naman na ang tatay mo ang nagpapakain sa atin dito. Hindi rin naman natin kakayanin ng wala rin siya.”

“E ’di ano pang saysay ng pagtratrabaho ko? Suma-sideline ako para may pangtustos din dito pero pinang-iinom niya lang.”

“Naiintindihin ko naman, nak. Sadyang mahirap lang sa kalooban ko ang iwanan siya pero sige, pag-iisipin ko para hindi ka na rin palaging nag-aalala sa’kin.”

“Sige po, magpahinga na rin po ikaw. ‘Wag mo na siyang hintayin at nagpapakalunod na naman ‘yon sa alak.”

Nagpatuloy na siya sa kaniyang kuwarto upang mamahinga at nagdasal na sana’y pumayag na ang kaniyang ina sa desisyon niya.
_______

Alas singko y medya ng umaga, kagigising lang ni Bernie at naririnig niya na naman ang boses ng kaniyang mala-demonyo na ama.

Dali-dali siyang bumaba, nakahilata na pala sa sala ang ama niyang amoy alak at sinabihan na lang siya ng kaniyang ina na magmadali para pumasok sa eskwelahan.

Pagdating niya sa eskwelahan, late siya ng sampung minuto, ay binungangaan siya ng kaniyang g**o.

“Mr. Domingo, late ka na naman. Bagsak ka na nga sa exams mo, ‘di ka pa papasok sa tamang oras. Ano na namang dahilan mo ngayon?”

“Sorry po, Sir, late na po kasi ako nakauwi kagabi dahil sa trabaho po. Pagod lang po kaya late din nagising.”

“Alam naming working student ka pero lahat din ng mga kaklase mo napapagod. Ako bilang isang g**o, napapagod sa mga estudyanteng tulad mo…"

Walang nagawa si Bernie kung hindi tanggapin ang mga masasakit na salita ng kaniyang g**o at sa kaniyang isipan na lamang siya nagsalita.

“Napaka-insensitive naman nitong teacher na ito. Oo, lahat dito sa classroom na ito ay napapagod pero ano lamang ba ang gagawin nila? Mag-aral ng mag-aral, ‘di man lang sila kumakayod para sa pamilya nila. Itong teacher na ito naman, lagi naman niyang binabagsak ang kaniyang estudyante. Sana mamatay na lang siya…”

Biglang nahimasmasan si Bernie sa kaniyang pag-iisip nang sumigaw ang kaniyang mga kaklase. Tumalon ang kanilang g**o mula sa ikalawang palapag ng gusali, labas lamang ng kanilang silid-aralan.

Nagulat si Bernie sa pangyayari at hindi niya inakalang nangyari sa reyalidad ang kaniyang iniisip. Pinalabas sila ng eskwelahan at tinigil muna ang klase dahil sa pagkamatay ng kanilang g**o.
_______

Hindi mawala sa isip niya ang pagkamatay ng kaniyang g**o. Para bang nasa pagitan ng kaniyang isipan at katotohanan ang nangyari.

“Tama bang nag-iisip lamang ako sa oras na ‘yon o nakita ko talagang harap harapan ang pagtalon ni Sir Nico. ‘Di bale na, kailangan ko pang pumasok sa trabaho.”

Madaling araw na ng matapos siya sa kaniyang graveyard shift. Biyernes iyon kaya maraming customer sa kainan na kaniyang pinagtatrabahuan. Pagod at walang kain umuwi si Bernie pero sumalubong sa kaniyang pagbukas ng pintuan ang pagtatalo ng kaniyang magulang.

Kaunti na lang ang pagitan ng palad ng kaniyang ama na mapagilan ito ni Bernie.

“Walang hiya ka! Sasaktan mo na naman si Nanay!”

“Bernie, anak, nag-uusap lang kami ng tatay mo.”

“Pilit mo pa rin siyang prinoprotektahan. Kahit dumudugo na ang mukha mo, lagi ka na lang takot lumaban.”

“Makinig ka na lang sa nanay mo, Bernie. Nag-uusap lang naman kami e.” sabi ng kaniyang lasing na ama.

“Bernie, dali na. Pumasok ka na sa kwarto mo. Magpahinga ka na.” hiling ng kaniyang inang nagmamakaawa na huwag na palakihin ang gulo.

Padabog na naglakad si Bernie sa kaniyang kuwarto at nagsambit sa kaniyang isipan, “Sana mamatay na lang kayong mga hinayupak na magulang kayo!” Sabay sara ng pintuan.

Napansin ni Bernie ang katahimikan ng pumasok siya sa kaniyang kuwarto. Tila humupa ng mabilisan ang bangayan ng kaniyang magulang. Bumaba siya sa kanilang sala at hindi niya mapaniwalan ang kaniyang nakita. Patay na ang kaniyang magulang.

“Nay! Tay! Bakit!? Bakit nangyayari ang aking mga iniisip? ‘Di ko naman ginusto ‘yon!”

Pilit inisip ni Bernie ang muling pagkabuhay ng kaniyang magulang. Umaasa siya na maaaring maibalik sa dati ang kaniyang sinambit pero walang nangyari.

“Tanginang mundo ‘to! Hindi ko ginusto ang mga iniisip ko. Ibalik mo sila! Nagmamakaawa ako!”

Paulit-ulit si Bernie ngunit hindi niya maibalik sa dati. Inisip niya mula sa unang pagkakita niya sa mukha ng kaniyang magulang hanggang sa masasayang araw nila bilang isang buong pamilya pero nabigo siya.

Hindi mapagilan ni Bernie ang galit hanggang isigaw niya at ng kaniyang isipan, “Sana mawala na ako sa mundong ‘to...!”

At muli, nagkatotoo ang iniiisip ni Bernie.

Photos from EION's post 14/10/2022

a still on one of my favorite film.
_____________________________

The Seventh Seal (1957)
dir. Ingmar Bergman

25/09/2022

Proud to announce that I'm starting to write a full length indie film. Open to my colleagues if you want to help write the story and sequences of the film.

But hope you mind that this film concept is intended to be produce for a contest or after I graduate due to circumstances of my vision for the film.

(Picture was taken while raining due to Typhoon Karding. Stay safe everyone!)

Website