DLRSMS
The school (DLRSMS) will continue in catering the needs of learners and the community. Don Luis Rabat, Sr. It is named after Don Luis Rabat, Sr. Leonida A. Mrs.
It will continue to produce pupils with intellectual capacity and with good moral standards. Memorial School commenced in 1950’s as a primary school. who donated a hectare of land for the school. During its first years there were only two teachers, Mrs. Cadena and Mr. Aquilino Plaza, and a few pupils. To accommodate the growing population of the school, the donor offered Mrs. Cadena, the teacher-i
D difference on a Child care
take note
Alin dito ang madalas na marinig mo sa iyong mama?????
Happy mothers day in advance
Be aware
DAKILANG INA.
Isang araw, umuwi si tatay na pagod na pagod galing sa trabaho. Derecho siya sa sofa. Agad-agad na humilata. Kinuha ang remote ng TV at inilipat ang palabas sa paborito niyang basketball game. Maya-maya ay enter frame na si nanay bitbit ang tsinelas ni tatay.
“Honey, kumusta ang trabaho?” tanong ni nanay. “Heto, pagod na pagod. Ang daming deadlines. Gusto ko munang mag-relax ng konti,” sagot ni tatay. Ayaw na ayaw ni tatay ang maingay kapag nagpapahinga siya. Pero nung gabing iyon ay pasaway ang mga kapatid ko. Nagkukulitan sila at nagtatakbuhan.
“Mahal, pakisaway mo naman ang mga bata. Sumasakit ang ulo ko sa ingay nila,” ang sabi ni tatay.
Sinubukan ni nanay na patahimikin ang mga kapatid ko pero hindi sila nakinig. Hindi sila maasikaso ni nanay dahil inihahanda niya ang hapunan namin. Ilang sandali pa, bigla na lamang nag-init ang ulo ni tatay.
“Ano ba kayo? Ang iingay niyo? Wala na ba talagang katahimikan sa bahay na to? Ikaw naman, hon, bakit hindi mo masaway yang mga anak mo,” pasigaw na sabi ni Tatay.
Ang hindi alam ni tatay, maghapun ding pagod si nanay dahil sa paglalaba. Nagsabay na ang galit nila. Nag-impake si nanay ng mga damit niya at sinabi,
“Duon muna ako sa lola niyo. Bahala na muna kayo dito. Sawang-sawa na ako sa ugali ng tatay niyo,”
Exit frame si nanay with matching kalabog ng pinto. Si tatay naman tuloy lang sa panonood ng TV.
Kinabukasan, si tatay ang nag-asikaso ng almusal namin. Siya ang naghanda ng babaunin namin at naghatid sa amin sa school. Napilitan siyang umabsent sa trabaho dahil walang mag-aalaga kay bunso. Matapos ang isang buong maghapon, napansin kong malalim ang iniisip ni tatay. Nang makatulog na ang mga kapatid ko ay saka na lang din siya nakapagpahinga. Sa sofa na naman siya dinatnan ng antok. Lalagyan ko siya ng unan nang makita ko ang isang liham sa mesa. Ang liham ay sulat-kamay ni itay at ganito ang sinasabi,
Mahal ko,
Pag-alis mo kagabi ay ako na ang nagpakain ng hapunan sa mga bata. Bago matulog ay nilinisan ko pa sila. Kinabukasan, nagpaalam na ako sa boss ko dahil walang mag-aasikaso sa mga bata. Napakahirap pala ng wala ka.
Naranasan kong magpaikot-ikot dito sa bahay kakahabol kay bunso. Dahil sa dami ng ginawa ko ay hindi ko na nakuha pang maligo. Matataranta ka pala talaga kung pagsasabay-sabayin mo ang paglilinis ng bahay, pag-aalaga ng bata at pagluluto.
Nakakabagot din palang matengga sa loob ng bahay na wala kang ibang kausap maliban sa anak mong sobrang kulit. Sa loob lamang ng isang araw ay naranasan kong mapagod ng todo-todo. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay matulog ng bente oras na walang patid. Pero kapag nagising si bunso, tiyak babangon na naman ako.
Hon, isang araw lang akong pumalit sa pwesto mo. Pero sa loob ng isang araw ay naunawaan ko na agad kung bakit sa tuwing uuwi ako, tila mas mukha ka pang pagod kaysa sa akin na galing sa trabaho. Ngayon, nauunawaan ko na ang mga sakripisyo mo bilang isang ina at asawa. Ngayon ay tanggap ko na na mas mahirap pa ang papel na ginagampanan mo kaysa sa mga nagtatrabaho na gaya ko.
Ang makulong sa loob ng bahay at mabuhay ng walang sariling kinikita ay talagang hindi madali. Hindi ka na makalabas kasama ng mga kaibigan mo, hindi ka na makapag-ehersisyo, hindi ka na makatulog ng matino sa dami ng ginagawa dito.
Nauunawaan ko na din na hindi madali para sa isang magulang ang pangunahan ng ibang tao sa pagpapalaki sa anak mo. Wala nang mas nakakaalam pa ng tamang pag-aalaga sa bata maliban sa isang ina.
Mahal ko, sinulat ko ang liham na ito hindi lang para sabihin sayo na miss na miss na kita. Sumulat ako para ipahayag ang aking labis na paghanga sa iyong pagiging dakilang ina at mapagmahal na asawa.”
Matapos kong basahin ang liham, hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si nanay. Niyakap niya kami ni tatay ng mahigpit habang lumuluha siya ng walang patid.
Kinabukasan ay bumalik na sa normal ang lahat. Masayang-masaya si tatay, wala nang disaster sa bahay dahil nakabalik na sa wakas ang aming pinakamamahal na nanay.
Worth Sharing
Happy mothers day in advance
Read and learn
True
PROPORTIONAL VACATION PAY
Lahat ng empleyado ng gobyerno ay may karapatan sa LEAVE PRIVILEGES. Ang Leave of absence ay isang karapatan na itinalaga sa atin na mga nanunungkulan sa gobyerno sakaling mangailangan tayong lumiban sa trabaho. Ayon sa Omnibus Rules on Leave ( Rule XVI of the Omnibus Civil Service Rules), ang bawat empleyado ay binibigyan ng 15 days na vacation leave at 15 sick leave na may buong bayad. Ang kabuuang 30 days leave na ito ay pwedeng magamit sa loob ng isang taon upang kahit nagkaroon ng absent, hindi mababawasan ang sweldo. Kung di man magamit, ito ay naiipon.
Tayong mga g**o ay hindi isinali sa ganitong usual vacation and sick leave credits. Sa halip, tinawag itong proportional vacation pay (PVP) na katumbas ng sweldo ng mga teaching personnel sa Christmas at summer vacation na kinukwenta base sa kung ilang araw sila pumasok sa loob ng school year (Rule XVI of the Omnibus Civil Service Rules, Sec 6). Kapag walang absent, buong natatanggap ang sweldo sa April at May. Pag may absent sa loob ng school year, ito ay may bawas proportionally. Bawat taon ay may standard na basehan ng factor kung ilan ang buong PVP. Kalimitang ginagamit halimbawa ang 3:1, sa bawat 3 araw na absent, may isang araw na kaltas sa PVP. Kung sa kalagitnaan ng taon ka lang nakapag serve, maaring kalahati lang din ang matatanggap na PVP.
May mga pagkakataon na tayo ay required na magbigay ng serbisyo beyond our official time. Nakasaad ito sa RA 4670 Art III Sec. 14. Sa halip na overtime payment in legal tender equivalent to 1.25% of daily rate ang ibayad, ang ibinibigay ay ang tinatawag na “SERVICE CREDIT” na katumbas ng isang araw na sweldo (nawala na ang 25%). Ang service credit ay hindi basta basta nakukuha (DepEd Order 53 s. 2003). May mga proseso para mabigyan tayo nito gaya ng Special Order. Ang mga service credit na ito ay maaaring ipangtapat sa mga absences na ang dahilan ay kung may sakit tayo o ang miyembro ng ating pamilya. Hindi nagagamit ang service credit kung ang type ng absent na inapply ay “vacation”.
Kung ang ibang empleyado ay may vacation leave na may buong bayad, tayong mga g**o ay wala dahil po sa PVP. Kung wala tayong service credits, may sakit man o wala ang naging dahilan ng pag absent, ang mga araw na absent tayo ay Leave Without Pay (LAWOP). May kalatas sa buwan na nag absent, mayroon ding kaltas sa PVP. Kaya nga po nagkaroon na tayo ng kasabihang bawal magkasakit kung walang service credits.
Ang ating tinatanggap na PVP ay isang benepisyo katumbas ng ibinibigay din ng gobyerno sa lahat ng government workers sa buong pilipinas. Ang kaibahan nga lang po, maraming government workers ang may confusion sa ating tinatanggap na PVP at itinuturing na mas nakalalamang tayo sa kanila. Kung tutuusin, sila yung pwedeng mag absent na may bayad, maaari pa silang mag monetize, sila rin ang may tinatawag na forced leave (max of 5 days) na pwedde nilang ienjoy. Samantalang tayo ay nakasalalay sa kung ilang service credits ang puhunan natin para magkaroon ng leave with pay na pwede lang iapply kung tayo ay may sakit. Bukod sa bawas sa monthly salary, bawat LAWOP natin ay may kaukulang epekto sa sweldo ng bakasyon, pati na rin sa terminal leave at IPCRF rating.
Ngayon, nararapat po bang ipatanaw sa atin na utang na loob ang ating tinatanggap na sweldo tuwing bakasyon? Nararapat din po ba na masabihan tayo na magpasalamat dahil binabayaran tayo habang nasa bakasyon? Nababawasan po ba ang ating dedikasyon sa ating propesyon kapag tayo ay magbakasyon ngayong April at May?
Alam po nating lahat na ang ating pagiging g**o ay hindi lang natatapos ng alas singko ng hapon sa loob ng isang academic year. Hindi tayo dapat magkaroon ng guilt feeling at isiping hindi tayo karapatdapat na magbakasyon. Kung kaya nga, sa akin pong pananaw, we should not spend summer break justifying why we deserve this time off, or telling people how much work we do.
Huwag po nating isipin na ang post na ito ay isang pagrereklamo. Napag uusapan po lamang. Happy vacation po sa ating lahat.
Repost.
(taken from Taga DepEd Ako page)
guys!!! breaking news :
(from GSIS)
Apr 16 at 5:23 PM
NEWS RELEASE
16 April 2018
Ref: VP Margie Jorillo,
Pres. Duterte witnesses signing of GSIS, DepEd pact to finance loan of teachers from private lenders
President Rodrigo Duterte today witnessed the signing of an unprecedented memorandum of agreement between the Government Service Insurance System (GSIS) and the Department of Education (DepEd) that will facilitate the payment of the loans of teachers and other personnel of DepEd from private lenders, through a loan facility from GSIS.
“We don’t want DepEd employees to sink deep into debt, so we have proposed a better way for them to manage their finances. The borrowers will pay back the loan to GSIS at easy and affordable terms,” GSIS President and General Manager Jesus Clint Aranas said.
He added that having several loans weakens the employees’ capability to settle their obligations, which include payment of their monthly GSIS premiums and contributions.
“Payment of their GSIS premiums and loans usually take a back seat. If the practice continues, their future GSIS benefits are bound to suffer,” Aranas added.
The project reinforces the issuance of DepEd Order (DO) No. 38 on 31 July 2017 reiterating the instruction to prioritize premium and loan payments for GSIS for other loans.
GFAL will be piloted for six months in 12 areas across the country, including Batangas, Bulacan, Dagupan, Naga, Cavite, Manila, Quezon City, Bohol, Ormoc, Koronadal, Butuan and Tagum.
Active GSIS regular members may apply for the loan if they are permanent; with paid premiums for the last three years; are not on leave of absence without pay; have an outstanding loan with DepEd-accredited PLIs; have no due and demandable GSIS loan; and have no pending administrative or criminal case.
If a private lender has filed a case against members for nonpayment of obligations after GSIS loan payments have been prioritized by virtue of DO No. 38, such members are still eligible to apply for GFAL.
Qualified members may borrow up to Php500,000, provided their take-home pay will not go lower than Php5,000 their monthly obligations have been deducted.
The loan is payable in monthly instalments for six years at 6 percent interest rate per annum computed in advance. Payments will be automatically deducted from the borrower’s salary. Credit to the owner
READ & SHARE:
1. K to 12 stands for kinder to grade 12.
2. ISANG KINDER LANG po ang REQUIRED PARA SILA po ay MAKAPAGGRADE 1 AND THAT IS AT THE AGE OF 5. (CUT OFF AUGUST 31).
3. ANG NURSERY 1, NURSERY 2, Kinder 2, Preschool or ano man po ang tawag ninyo ay hindi required. (optional lang po iyan kung gusto ng parents na maging advance ang kanilang anak.
4. A child can enroll po to kinder (others call this kinder 2, kasi may kinder 1 sila, pero again isa lang ang required) at age of 5 even without taking nursery or preschool.
NO SCHOOL SHOULD DENY ACCEPTANCE PRIVATE MAN OR PUBLIC.
5. LRN (learning reference number) is only given to students at 5yo. Pag wala siyang LRN may problema kayo, it means hindi accredited Ng DepEd ang pinasukan niya or di pa siya pasok sa age. Thus, baka paulitin pa siya ng kinder kahit 6yo na siya na pwede na sanang mga grade 1.
6. Parents should be responsible to get the proper and right information.
Hindi porket ang kapitbahay or ang anak ni kumare ay pumasok ng 3yo, papasukin na rin natin sila ng 3yo.
7. Kids will spend almost 20years in school to finish a degree, so why hurry them?
8. Kids develop differently. Don't force your child to become a super child, kasi iyon anak ng kapitbahay or kumare or ng isang celebrity ay ganito, ganyan.
9. Academic Readiness is not equal to emotional, physiological and physical readiness. Likewise, IQ is not always the same with EQ.
10. Whatever your decision is, always remember the long term effects of it. Our child will just be child once.So let them enjoy their childhood and always be there to guide them😊😍
58th graduation ceremony