Gospel Boy

Gospel Boy

Join us in the adventures of Gospel Boy

Photos from The Ministry of Altar Servers - San Roque Cathedral's post 10/12/2020
Timeline photos 14/11/2020

Abangan sa 11.14.20 | 7PM ang aming unang episode ng Bukas-Yon Vlogs with Fr. Angelo García and Fr. Paul Woo!
mapapanuod ito sa ating fb page : Roman Catholic Diocese of Kalookan at Vocation Ministry - Diocese of Kalookan

13/10/2020

The Roman Catholic Diocese of Kalookan and the San Roque Cathedral Parish will be hosting the 31st HEALING ROSARY FOR THE WORLD on October 14, 2020, 9:00pm, in the presence of the venerable image of our Mother and Queen, NUESTRA SEÑORA DE NIEVA, Secondary Patroness of our Cathedral Parish.

The Rosary will be led by the Most Rev. Pablo Virgilio S. David, D.D., Bishop of Kalookan to be followed by a blessing for the sick with the relic of San Roque.

The 31st Healing Rosary for the World will be aired live through the the official pages of the Diocese and of the Cathedral together with our official media partners: The Manila Cathedral, TV Maria, Radyo Veritas, CBCP News and participating archdioceses, dioceses and parish pages.

Sa iyo ang aming puso!
Sa iyo ang aming himig!
Aming Ina at Reyna,
Virgen de Nieva,
Kami'y dinggin!

_______________

Our sincerest gratitude to Mr. John Alberto Morales for preparing the layout for the official poster of the 31st Healing Rosary for the World.

08/10/2020

"Maawaing Birhen,
yamang Ika’y naging sa Nievang tanggulan,
kami nawa’y saklolohang tumatawag na tanan.
Kami nawa’y saklolohang tumatawag na mataman!"

Aming Ina at Reyna, Mahal na Birhen ng Nieva,
ipanalangin mo kami!

San Roque, aming patron,
ipanalangin mo kami!

02/09/2020

KAMI AY SUMISILONG SA ILALIM NG IYONG KALINGA, MAHAL NA INA NG DIYOS!

Ipagdiriwang ng parokya ng Katedral ng San Roque ng maringal na kapistahan ng Ina at Reyna ng Caloocan, NUESTRA SEÑORA DE NIEVA, sa darating na ika-8 ng Setyembre, Martes, kaalinsabay ng kaarawan ng Mahal na Ina.

Bilang panimula sa ating mga pagdiriwang, ang lahat ay inaanyayahan sa PAGLULUKLOK sa Birhen ng Nieva sa darating na Biyernes, ika-4 ng Setyembre, ika-5 ng hapon. Ito ay susundan ng Misa sa ika-6 ng gabi sa pangunguna ng Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David, D.D., Obispo ng Kalookan.

Ang TRIDUO ay isasagawa mula Setyembre 5 hanggang 7. Para sa Una at Ikalawang Araw, ang Rosaryo at Panalangin ng Triduo ay magsisimula sa ika-apat ng hapon at susundan ng Misa at Pag-aalay ng Kandila sa ika--5 ng hapon. Sa ikatlong araw nawa'y magsisimula ang pananalangin sa ika-5 ng hapon na susundan ng Misa sa ika-6 ng gabi.

Sa ARAW NG KAPISTAHAN sa ika-8 ng Setyembre, Martes, isasagawa ang MOTORCADE ng imahen ng Birhen ng Nieva ng ika-4 ng hapon. Ang MISA CONCELEBRADA ay magsisimula ng ika-6 ng gabi kasama ang Lub. Kgg. Pablo Virgilio S. David, D.D. at ang kaparian ng katedral.

Tayo'y magpasalamat sa Diyos, sapagkat pinayagan na ng IATF ang pagdaraos ng mga gawaing pansamba na may 10% CAPACITY sa loob ng simbahan. Kaya't ang ating mga pagdiriwang ay MULING BINUBUKSAN SA PUBLIKO.

Para sa mga Misa ng Setyembre 5, 6 at 8, makipagugnayan sa ating Parish Office para sa Reservation.

VIVA LA VIRGEN DE NIEVA!
VIVA LA SOTERRAÑA!

Timeline photos 31/07/2020

"Nagdamit kang Peregrino
Aquapendente'y tinungo,
doo'y ang natagpuan mo
namuksang salot sa tao.

Kusa kang nakipanggamot,
nag-alaga sa nasasalot..."

Sa ating pagpasok sa Buwan ng Agosto, atin muling ipagdiriwang ang maringal na kapistahan sa karangalan ng Mahal na Patron, SAN ROQUE. Sa kabila ng pandemyang ating nararanasan, kapiling natin si San Roque bilang ehemplo ng pagsunod kay Kristo sa kabila ng banta ng sakit at salot.

Ang tema ng ating pagdiriwang sa taong ito ay "PAGSASABUHAY NG PANANAMPALATAYA SA PANAHON NG PANDEMYA". Aalalahanin natin ang mga tagpo sa buhay ni San Roque kung saan siya'y tumugon sa tawag ng Ebanghelyo upang maging si Kristo sa mga maysakit at mga naghihirap. Hamon sa ating tularan si San Roque ngayong panahon ng COVID-19. Sa tulong ni San Roque, manalangin tayong makatugon rin sa ating tawag ng ating Panginoong Hesukristo upang makiisa sa mga kapwa nating nagdurusa dahil sa epekto ng pandemya.

Abangan ang mga update para sa ating kapistahan dito sa ating San Roque Cathedral page.

Aba matibay na moog ng taong nangasasalot,
Ampunin mo kami'y kupkop, Roqueng kapalara'y puspos!

_____________
Lay-out: Bro. Charles Will Bauyon
Mga Larawan: Mr. Angelo Mangahas

25/07/2020

GOSPEL BOY KOMIKS #2 | Ang Kaharian ng Langit

GOSPEL REFLECTION | Matthew 13: 44-52

Sa ating Gospel para sa 17th Sunday in Ordinary time, pinakita sa atin ni Jesus sa pamamagitan ng mga talinghaga ang kaharian ng Diyos.

Ang mapabilang sa kaniyang kaharian ay magkakamit ng maraming pagpapala ngunit ang pagiging kabilang dito'y maraming hinihinging kapalit.

Kaya naman hindi ito magiging madali para kaninuman, ngunit mayroong paraan upang tayo'y mapabilang dito.

Kailangan na tayo'y magkaroon ng karunungan. Karunungan sa pagpili ng kung ano ang tama at nararapat. Tinutulungan tayo ng ating karunungan para mawari ang mga bagay na nangyayari sa atin, at kumilos nang nasasaayon.

Nitong nakaraang mga buwan tayo ay nagdaan sa isang mabigat na pandemya.
Dahil dito, marami satin ay nagdaan sa matinding hirap at pasakit. Marami ang nangailangan ng tulong.

Maraming tao ang nagtiis na mawalay sa kanilang mga pamilya samantalang ang iba naman ay nagawa pang magimbita't magdiwang.

Maraming tao ang nakararanas ng gutom samantalang ang iba naman ay nagagawa pang mangamkam ng donasyong para sana sa tunay na may kailangan.

Marami ang nawalan ng pagkakakitaan samantalang iba naman ay nagawa pang pagkakitaan ang paghihirap ng kanilang kapwa.

Sa kasagsagan nito ay nakita natin kung paano pinili ng ilang tao ang kanilang sarili higit sa pagpapakita ng malasakit sa kanilang kapwa.

Sa dami ng nangangailangan, mayroon paring nakuhang manglamang sa kanyang kapwa kaysa tulungan ito.

Kaya naman, sa mga ganitong pagkakataong tayo ay naghihirap, ay talagang susubukin ang ating pagnanais na mapabilang sa kaniyang kaharian.

Kung ang iyong mga mahal sa buhay ay kumakalam na ang mga sikmura

Kung ang iyong kabuhayan ay unti-unting nalulugi at maaari kang mawalan ng trabaho

Kung ikaw ay magisa at ang iyong sariling pamilya'y di mo man lang makipiling upang sumunod sa batas,

Gagayahin mo ba ang mga mapanglamang?
Sa panahon ng ating mga kahirapan, madalas ating mararamdaman na tila tayo'y, walang makita, walang maisip, walang magawa upang makaahon.

Tayo'y natutuksong talikuran ang ating diyos at sambahin ang makamundo upang makawala sa hirap na ating dinaranas.

Ngunit ang kailangan lamang natin ay magsalita. Kahit na tila walang nakakarinig sa atin. Ipagigi lang natin ang ating pagdarasal sapagkat narito lamang ang Diyos na naghihintay upang ating papasukin muli sa ating buhay.

Bilang nagnanais na makabilang sa
pinaghaharian ng Diyos, inaasahan niya na tayo ay magtiwala sa kaniya sa lahat ng oras.

Huwag magpadala sa takot ng kinabukasan at kumapit sa liwanag ng kanyang pagmamahal dahil walang mabuting maidudulot ang pansariling kagustuhan.
_________________________________________

Samahan muli si Gospel Boy sa pagtuklas sa hiwaga ng salita ng Diyos, dito lamang sa Gospel Boy Komiks, tuwing SABADO, 7:00pm.

Huwag kalimutang i-LIKE, SHARE, at FOLLOW ang ating Facebook, Twitter, at Instagram accounts para manatiling updated sa mga bagong issue ng GOSPEL BOY KOMIKS

Facebook: The Ministry of Altar Servers - San Roque Cathedral
Gospel Boy
Instagram:

Reflection by: Bro. Shaun Michael Lures
Illustrations by: Bro. Maui Jay Porciuncula

19/07/2020

GOSPEL BOY KOMIKS #1 | Ang Binhi ng Mustasa

GOSPEL | Matthew 13: 23-43

REFLECTION |

Sa simula ng pag-usbong ng isang mustasa, magsisimula ito bilang pinakamaliit sa lahat. Ngunit kapag ito ay tinanim, diniligan, at inalagaan, nagiging isa itong malaking punong higit pa sa iba.

Sa ating buhay, makararanas tayo ng mga pagkakataon na mararamdaman nating tayo ay tila nangliliit, nalulunod sa dami nang taong tila mas malaki't mas nakakaangat saatin

"Ito LANG ako"

Lang. Dahil minsan sa tingin natin, sa mundong ito, wala tayong biLANG. Isang maliit na binhi LANG na matatapaktapakan. At dahil sa LANG, maiisip nating kuLANG tayo. Manliliit hanggang sa maisip natin na hanggang dito lang tayo. Ngunit hanggang dito nga lang ba ang kaya nating gawin?

Tulad ng binhi ng mustasa, tayong lahat ay nabiyayaan ng kakayahan upang lumaki, lumago at magkaroon ng kakayahang makatulong, ngunit tulad din nito, tayo dapat ay maitanim at maalagaan bago makaranas ng pagsibol.

Ang pagtatanim ng mustasa ay isang prosesong nangangailangan ng matinding pasensya't pagsisikap. Mahabang panahon ang kakailanganin upang makita ang pagtubo nito, lalo't mahaba pang kailangan upang maabot nito ang kanyang tunay na taas.

Tulad nito, kailangan nating magsimula sa ibaba, nakabaon at tila walang kayang abutin kundi ang mga lupa sa kanyang paligid.
Mula doon, araw araw nating kailangang "diligan", at "paarawan" ang ating mga kakayanan, nang unti unti itong lumago at maipakita ang angkin nitong tarik.
Pagtitiisan natin ito hanggang sa pagdating ng panahon, mula sa isang maliit na binhi magmumula ang isang malaking punong nakakatulong at nakapagpapabago ng buhay.

_________________________________________________
_______

Samahan muli si Gospel Boy sa pagtuklas sa hiwaga ng salita ng Diyos, dito lamang sa Gospel Boy Komiks, tuwing SABADO, 7:00pm.

Huwag kalimutang i-LIKE, SHARE, at FOLLOW ang ating Facebook, Twitter, at Instagram accounts para manatiling updated sa mga bagong issue ng GOSPEL BOY KOMIKS

Facebook: The Ministry of Altar Servers - San Roque Cathedral
Gospel Boy
Instagram:
Reflection by: Shaun Michael Lures
Illustrations by: Maui Porciunculaa

11/07/2020
11/07/2020

TARA! Tuklasin natin ang hiwaga ng mabuting balita!

Sasamahan tayo ni GOSPEL BOY sa isang paglalakbay na punong-puno ng kaalaman, karunungan at kabanalan dito lamang sa GOSPEL BOY KOMIKS series!

Tuwing SABADO, kasama si Gospel Boy, sama-sama nating tunghayan ang pagmamahal ng ating ama na nakaukit sa Bibliya.

Huwag kalimutang i-LIKE, SHARE, at FOLLOW ang ating Facebook, Twitter, at Instagram accounts para manatiling updated sa mga bagong issue ng GOSPEL BOY KOMIKS

Facebook: The Ministry of Altar Servers - San Roque Cathedral
Gospel Boy
Instagram:

Kita-kits, brothers!

Animation by: Maui Porciuncula
Voice-over by: Shaun Michael Lures

18/05/2020

Hello!!!

I am Gospel Boy, the bible trivia enthusiast!

Join me in exploring the wonders of the bible and its stories depicting God's love for us.

Drop a message whenever you'd like to challenge yourself with a trivia or two!

Videos (show all)

ABANGAN | Gospel Boy Komiks parating na!

Website