Brxzzz

Brxzzz

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brxzzz, School, .

21/04/2023

task #4

“NALILITO”

27/03/2023

(task #3: STORY, 500 words)

title: 'MASAYANG ALA-ALA'
author:

Isang babae ang nag send sa'kin ng voice record na siya namang nakapukaw sa atensyon ko. Napakaganda ng kanyang boses, na hindi ko mapigilan ang sarili kong iplay ng iplay ang voice record na iyon. Nakakatawa lang kasi para akong tanga nang mga panahon na iyon dahil hindi ko namamalayan na napapangiti na pala ako habang pinaparinggan ang mala anghel nyang boses at nang mga araw na iyon ay tuloy tuloy na rin ang pag uusap naming dalawa. hindi ko na sya papangalanan guys for her privacy namn, 17 years old sya nang mag kakilala kami, actually mabait namn sya kaso nga lng siya nga pala yung taga pag mana ni satanas djk. So ayun na nga, lumipas ang mga araw ng maramdaman kong masaya siyang kausap. Tinutukso kami noon ng mga tropa nyanya, hindi na lamang namin pinansin ang panunuksong kanilang ginawa sa amin. Nag patuloy ang mga araw na kami'y nag uusap, tbh ang saya ko sa tuwing nakakausap ko siya alam ko na yung mga araw na yon ay may feelings na ako for her, honestly madali lang ho ako ma-attached pake niyo ba? so ayun na nga lumipas ang mga araw unti unti na ngang nahuhulog ang loob ko sa kanya, nag ipon ako ng lakas ng loob para umamin sa kanya. Nag patuloy ang masasaya naming pag uusap hangga't sa aking napagpasiyahang umamin na, kinakabahan ako nang mga araw na iyon, ngunit ipinag paliban ko ang kabang aking nararamdaman 't pinagpatuloy ang planong umamin na sa kanya hindi ko na ilalagay dto kung ano man ang naging usapan namin, ang mahalaga ay importante jk., Lumipas ang oras at kanya'y tuluyan ng nalaman ang pag tingin ko sa kanya...

So, FAST FORWARD kasi ang hirap isipin pabalik ang nakaraan haha. Dumating pag kakataon na napapayag ko syang ligawan sya, hindi ko sinayang ang pag kakataon na binigay nya, mga oras, araw ay aking sinulit at ipinaramdam ko ang love na alam kong deserve nya. Kinausap kausap ko sya even tho. napakasungit nya, sa chat ay aakalain ko na lang na galit sya dahil sa pa dot dot dot nya sa reply's nya sa mga chat ko, even yung 'HAHA' nya nilalagyan nya ng dot dot kaya medjo natatakot din ako na kausapin sya noon. Btw same pala kami ng birth month that's why same din kaming topakin ksnskamsnss. ginawa ko lahat ng efforts for her even sa virtual lng.

*FAST FORWARD (nakakapagod ding mag type nu kayo jan)
Dumating ang araw na nov. 16, in that day nakuha ko na ang matamis nyang oo, thanks a lot cuz d ako nabigo. hindi maipinta sa aking mukha ang saya na ang nadama nang panahon na iyon.

*FAST FORWARD ulit, naging maayos ang aming relasyon, puno ng saya, kilig, at kulitan, maayos ang pakikitungo sa isa't isa (nakakapagod po mag type.) Minahal ko siya ng buong buo, ginawa ko ang lahat, nag efforts ako sa rs namin kaht na malayo kami sa isa't isa. Inintindi ang pagiging busy, and pagiging madalang nyang mag ol. Not until, dumating yung point na d ko inaasahan, i think nasa 4months na kami nung tila ba ikot ng mundo'y nag bago. Madalang na sya mag update and mag chat sa 'kin, madalang na kaming mag usap ng tuloy tuloy, but i spent my whole time to wait her. Chinachat ko sya for every mins. and i always asked her like "how's your day?" inintindi ko ang naging sitwasyon namin, syempre i love her, kaya handa akong mag antay para lang makausap sya (geez corny). Enought na sakin yung nakakarep. siya sa mga chats ko, and i accept her sorry's, and i listened to her side na 'sorry mahal now lng nakaol, busy kasi' like that oo, inintindi ko syempre siya na yun e, and if ever namn na inaantok na ako kakaantay, nag iiwan na lng ako ng mess just like "sleepy na po mahal, good night" haha, and syempre may pa iloveyou na un, ako to e, syempre ganun talaga. fast forward ko na ulit haha, ayo'ko umiyak because of this story.
Dumating na yung araw na lahat nag bago, wala na yung dating tayo na masaya, maayos ang relasyon, relasyong puno ng kulitan araw araw. Dumating yung araw na ika'y napabitaw, napabitaw na pinang hahawakan nating relasyon. I don't why, but i beg you to stay. pero wala akong nagawa, you said na 'ayaw kitang masaktan' pero sa ginawang mong pag bitaw? haha nvm. tinanggap ko na lng at pinilit ang sariling kumalimot, nilibang ang sarili't ginawa lahat ng paraan, mapagaan lang ang bigat na aking nararamdaman.
tinanggap na kahit nahirapan, akin paring pinang hawakan ng matagal na panahon ang pangako sa aking sarili na 'ako'y mag aantay sa'yo'.
*Fast forward (katamad na talaga)
ang ating masayang karanasan, napunta na lamang sa masayang alala. tahanang ating tinuring, atin ng tuluyang nilisan.

26/03/2023

poem #5


IKAW PA RIN

Mabilis lumipas ang panahon
Ngunit bakit hindi parin ako makaahon,
Sa mga alaala ng kahapon?

Mahirap makaahon lalo na,
Kung malaking bakas ang iniwan ng kahapon Mananatili ang nakaraan hanggat hindi natatabunan ng panibagong alon

Bakit nananatiling ikaw? Kahit pa ako'y iyong limutin na.
Ika'y nakaukit na sa puso't isipan at hindi na maalis
Dahil ikaw lang at wala ng pagpipilian pa.

Sa iyong tabi pa rin ang pinakamagaan na lugar,
Na aking palaging pupuntahan
Dahil ikaw ang nagmimistulang
aking tahanan.

26/03/2023

poem #4
.

PANGARAP

Mga katagang pilit pinapasa
Saya, luha at hirap ang nadarama
Sukong suko pero hindi magawa
Tinatanong sa sarili kaya ko pa ba?.

Walang naniniwala at maraming nakatanaw
Mga huradong ang mata'y malilinaw
Mali ang tanging nakikita sa bawat galaw
mga tinig na di kaaya-ayang marinig at ang kwento’y ikaw.

Mahirap pero para sa pangarap kakayanin
Saya ang dapat kapalit sa luhang pinuhunan
Maraming hadlang sa nais patunguhan
ngunit laging tandaan sa pangarap mo ikaw ang kaisa-isang tauhan.

12/03/2023

poem #3


PAPA ETONG(uncle)

Papa! Papa! Yan Ang aking sigaw

Naalala ko pa nung mga panahon ika'y aking nakakasama,
Mga panahong buhay na buhay ka,
Mga panahong nakapagsasalita ka
Mga panahong ika'y aking inaalagaan pa,

Ang sayang balikan ng mga alaalang kasama ka
Mga alaalang nakatatak na lamang sa aking isipan...
Alaalang dun na lamang mababalikan
Na tila Hindi na makakalimutan,
pero paano ba kita makakalimutan
Kung sa bawat pagpikit ng aking mga mata
Ikaw ang aking nakikita.

Mahirap tanggapin, pero kailangan,
Kailangan tanggapin na ito na ang iyong huling hantungan,
Kailangan tanggapin na ika'y nakahiga na sa iyong himlayan,
Mahirap pero tanging pagdadasal nalang Ang aking magagawa.

Salamat po sa saya
Sa ating mga alaala
Ito'y aking papahalagahan
Hinding-hindi lilimutan
Paalam po papa
Ika'y ngayon po'y magpahinga na
Sa langit po ikaw ay magpakasaya.
Sa langit na wala ka ng mararamdaman na pagod at lungkot.

12/03/2023

poem #2


KABATAAN PAG-ASA PA NGA BA NG BAYAN?

NAAALALA NYO PABA ANG MGA KATAGA NG ATING PAMBANSANG BAYANI NA SI GAT.JOSE RIZAL?

"ANG KABATAAN AY PAG ASA NG BAYAN"

NGUNIT SA MAKABAGONG PANAHON
NASASALAMIN PA BA ITO NGAYON?

SA MURANG EDAD NATUTUTONG
MAGYOSI'T UMINOM NG ALAK,
NALULULONG SA PAGGAMIT NG ILEGAL NA DROGA
AT DAHIL SA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
NATUTUTONG MANUOD NG P*RNOGRAPIYA

MGA KABATAANG NAG PAPATIWAKAL
DAHIL HINDI KINAKAYA ANG PASAN-PASAN NA PROBLEMA

MGA KABATAANG KABABAIHAN NA MENOR DE EDAD PA LAMANG AY MAAGANG NAHAHARAP NA SA MALAKING RESPONSIBILIDAD SA BUHAY

EDUKASYON PABA'Y IMPORTANTE
KUNG IMBES NA LIBRO AY
GADYET ANG HAWAK NG MGA ESTUDYANTE?
AT PARANG WALANG PAKE SA KINABUKASANG IMPORTANTE

ITO NGA BA ANG NAGHIHINTAY NA KINABUKASAN
PARA SA AMING MGA KABATAAN

MGA KAPWA KO MAG AARAL,
KAIBIGAN,
KAPWA KO KABATAAN
NAIS KONG IMULAT ANG INYONG KAISIPAN
NA MARAPAT NA ANG MODERNONG TEKNOLOHIYA AY GAMITIN SA TAMA.

"KABATAAN PAG ASA NG BAYAN"
YAN ANG AKING NALALAMAN
KAYA'T SANA NAMAN
BIGYANG PATUNAY ANG KASABIHAN
NANG MANIWALA NA ANG LAHAT NG ITOY MAKATOTOHANAN AT NG MABIGYAN DIN NG KATARUNGAN ANG PAGKAMATAY NG ATING PAMBANSANG BAYANI.

12/03/2023

(task #2: poem)

poem #1

"AMA"

Siya ang haligi ng tahanan,
Pagod at pawis ang laging nararanasan,
Handang isakripisyo ang kanyang buhay,
Mabigyan lang tayo ng magandang pamumuhay,

Minsan nagsisinungaling ang aking ama,
Sapagkat inililihim niya ang sakit na kaniyang iniinda,
Ayaw nya lang na kami'y sakanya'y mag-alala,
Pero sa totoo lang NAPAPAGOD din siya,

Tintiniis nya lahat ng pagod para sa aming pamilya,
Upang may perang maipadala ,
Gagawin ang lahat maibigay lang ang aming pangangailangan,
Kaya't ang sakit at pagod niya'y di na iniinda,

TATAY KO,
IKAW ANG AKING IDOLO,
DITO SA AKING PUSO,
IKAW ANG NAG-IISANG "SUPER HERO KO".

Photos from Brxzzz's post 11/03/2023

CREATIVE WRITING
task #1: 10 quotations.

Website