What’s Up Batangas

What’s Up Batangas

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from What’s Up Batangas, Media/News Company, .

Photos from Proud Caviteño's post 09/10/2023
22/09/2023

LOOK | Kasalukuyang nakakaranas ng volcanic smog (vog) mula sa Bulkang Taal ang ilang bayan sa lalawigan ng Batangas kabilang na ang San Nicolas, ngayong Biyernes, Setyembre 22.

Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat sa panganib na maaaring idulot nito.

Ang vog ay kombinasyon ng gas at maliit na particulate matter na resulta ng aktibidad ng bulkan at maaari itong magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan, lalo’t higit sa mga indibidwal na mayroong karamdaman sa baga at puso.

(📹 Bhaby De Castro, PIA BATANGAS)

Photos from What’s Up Batangas's post 22/09/2023

TINGNAN | Ilang mga estudyante, isinugod sa hospital matapos mahirapang huminga dulot ng volcanic smog

Isugod sa hospital ang ilang estudyante matapos mahirapang huminga dulot ng volcanic smog ng Taal Volcano sa Tuy, Batangas.

Alas-2 ng hapon nitong Huwebes nang maganap ang pagsugod sa mga estudyanteng nahirapang huminga.

Kaugnay nito, pinag-iingat naman ang publiko sa dulot na masamang epekto ng smog sa kalusugan kung kaya’t hinihikayat na hanggat maaari ay magsuot ng face mask.

Source/Photo: Tuy Mdrrmo/FACEBOOK

Photos from What’s Up Batangas's post 12/09/2023

MODERN JEEPNEY AT YOUR SERVICE 🚌

TINGNAN: May modern jeepney na rin na bumabiyahe pa-Bauan!
Ayon sa pagbabahagi ni Jedmar Garing, first time aniya na makasakay rito at air-conditioned pa.

Maaari ka pa rin namang sumakay sa ating lokal na jeepney, at wala rin namang mawawala kung susubukan ang makabagong ito lalo kung banasin ka rin at may mga lakad na ‘di ka maaaaring ma-haggard.

Source: Jedmar Garing; Simpleng Pitik/FACEBOOK

08/08/2023

BATANGAS CITY BIRD’S EYE VIEW 😍

📷 Elliot Andal (Facebook)

17/07/2023

SIMPLE YET MEANINGFUL CELEBRATION 🎓

TINGNAN: Nakakaantig na istorya ng isang pamilyang nagdiriwang ng pagtatapos ng kanilang anak sa pag-aaral.

Nakuhanan ni Jerome Estores ang litratong ito ng pamilyang umoorder sa isang lomian sa Batangas, habang hawak ng batang babae ang kanyang diploma kasama ang kanyang pamilya.

“Habang hinihigop ko ang mainit na noodles ng aking lomi ay napansin ko ang isang pamilyang ito na umoorder sa counter. May hawak na diploma ang batang babae at may nakasabit na ribbon sa kanyang uniform. Kita sa kanilang mukha na masayang masaya sila,” ayon kay Jerome.

Aniya, mula rito nahinuha niya na ‘di naman talaga daw kailangang gumastos nang malaki upang maipagdiwang ang espesyal na okasyon basta’t magkakasama at nare-recognize ng mga magulang ang masigasig na pag-aaral ng kanilang anak.

“Ang pagaaral parang lomi lang, nasa "regular" or "special" class man ang anak mo, private man o public school, importanteng nakikita mo ang achievements nila. You don't have to flex his/her awards on social media, the simple "anak proud ako sa'yo" malaking bagay na. Because the only person who really needs your approval is your child, not other people,” panapos niya.

Source/Photo: Jerome Estores/FACEBOOK

09/12/2022

REST IN PEACE JOVIT BALDIVINO. 🙏🏻

JUST IN: Pilipinas Got Talent Grand Champion Jovit Baldivino, pumanaw na ngayong madaling araw matapos ang ilang araw na pagkaconfine sa ICU ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City matapos magcollapsed sa isang party noong Linggo ng gabi.

Ito ang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Baldivino.

Base sa inisyal na impormasyon, aneurysm ang kinamatay ni Jovit.

Source: Totoong Balita sa Southern Tagalog TBST

Photos from What’s Up Batangas's post 14/11/2022

‘HONESTY IS THE BEST POLICY’ ❤

Ito ang naging payo ni Sen. B**g Go sa limang kabataan na matapat na nagbalik ng P6, 000 halaga ng salapi na kanilang napulot sa Balayan, Batangas.

Kasabay ng pagbisita’t pamamahagi ng tulong sa bayan, kinilala ng senador at pinuri ang mga binatang ito sa kanilang ginawang pagre-report sa kinauukulan ukol sa napulot na pera.

“Nakakatuwa pong malaman na talagang marami sa ating mga kabataan ang tapat at may mabuting puso,” nabatid niya.

Aniya, bilang gantimpala, binigyan niya ang mga ito ng mga bola at P1, 000 cash reward bawat isa, kung saan nawa’y magsilbing magandang halimbawa aniya ang ginawa ng mga kabataang ito sa ibang tao.

📸: B**g Go

10/11/2022

'TOTAL LANG NAKUHANAN KO, NEXT TIME NA YUNG LUNAR ECLIPSE' 🤣

TINGNAN | Kung nagkalat ngayon sa social media ang larawan ng Total Lunar Eclipse, kakaiba ang nakuhanan ng netizen sa Batangas City kung saan parang may kulang?

TOTAL muna next year na yung Eclipse 🤣

📸: Rimuel Candava Casas

Photos from What’s Up Batangas's post 09/11/2022

TOTAL LUNAR ECLIPSE 😍🌕

Tanaw na tanaw ang total lunar eclipse sa Lungsod ng Batangas. sa kuha ni Elliot Andal makikita ang malinaw na imahe nito.

( 📸: Elliot Andal )

Photos from What’s Up Batangas's post 08/11/2022

[TRIGGER WARNING: Disturbing content, Animal Cruelty]

TINGNAN | Tumambad sa isang scuba diver at underwater photographer na si Penn De Los Santos ang ilang bahagi ng katawan ng hinihinalang dolphins sa Barangay Hugom, San Juan, Batangas.

“I was on a dive last week when I saw what appeared to be a huge dorsal fin of a sailfish (maybe a marlin), then its long pointed snout. I looked around and noticed that there were more fish parts scattered in the area. I almost cried when I saw a dolphin tail, a dorsal fin, and what looked like pectoral fins. They were all cleanly cut with a sharp knife,” pagbabahagi niya.

Dagdag niya, hindi siya sigurado kung paano nila nahuli at umano’y kinatay ang mga isdang ito, ngunit binigyang-diin niya na maraming angkop na alternatibong paraan upang kumita sa pangingisda basta’t hindi ito mapanira.

“During this dive I also heard a series of dynamite explosions. It sounded far but it got me scared so I decided to do my safety stop and proceeded to ascend. I brought the tail and the dorsal fin to the surface and took more photos of them. We noticed that some fresh blood still oozed from the dorsal fin when it was out of the water,” dagdag niya.

“I’m sharing these photos with a hope that they will reach the attention of people who can help spread the awareness that we need to protect and conserve our natural resources for the benefit of more people and not just a few,” wika niya.

📷: Penn De Los Santos/FACEBOOK

Photos from What’s Up Batangas's post 07/11/2022

GIANT CHRISTMAS TREE IN LIPA CITY BATANGAS! 🎄

Pinailawan na nitong Biyernes ng gabi ang Giant Christmas Tree sa Plaza Independencia, Lipa City Batangas.

Nakiisa sa naturang pagpapailaw sina Mayor Eric Africa, Sen. Cong. Ralph Recto, Vice Mayor Camille Lopez at Sangguniang Panlungsod, Department Heads at Brgy. Officials.

📸: Mayor Eric Africa

Photos from What’s Up Batangas's post 03/11/2022

TINGNAN | Dating PBB Housemate Madam Inutz, maghahandog ng tulong para sa mga apektado ng Bagyong Paeng sa lalawigan ng Batangas at Cavite.

“Ready na ang Team Ka-Freshness! Mamahagi kami ng konting tulong para sa mga kababayan natin nasalanta ng bagyo. 🤗 Somewhere in Batangas at Cavite hintayin niyo po kami ohhh jieevaaa mahal namin kayo 🤗,” ayon sa post ng dating housemate ni Kuya.

Source/Photos: Madam inutz/FACEBOOK

Photos from What’s Up Batangas's post 02/11/2022

DUNKIN’ DRIVE-THRU 🍩☕

TINGNAN | Bukas na ang pinakabagong Dunkin’ Donuts sa Tanauan, Batangas!
Spotted rin sa opening ng nasabing bagong branch ang aktor na si Derek Ramsay.

Bukod sa Dine-in service, maaari na ring mag-Drive-Thru rito. Matatagpuan ito sa J.P. Laurel Highway sa Caltex ng Tanauan.

Source/Photos: Tanauan City of Colors

Photos from What’s Up Batangas's post 31/10/2022

SAN JUAN-BANTILAN BRIDGE, GUMUHO

TINGNAN | Ito na ang ngayon ang San Juan-Bantilan Bridge, ang tulay na dating nag-uugnay sa mga bayan sa lalawigan ng Quezon at Batangas.

Sa kasalukuyan ay hindi na ito maaaring daanan ng anumang uri ng sasakyan matapos itong bumigay pasado alas-6:00 ng gabi nitong nagdaang Sabado, Oktubre 29, dahil sa rumaragasang tubig-baha sa ilog.

Sa pabatid na inilabas ng LGU San Juan, maaaring dumaan ang lahat ng motoristang patungo sa Quezon Province sa Marcial Punzalan Jr. Highway na nagkokonekta sa San Juan, Batangas at Tiaong, Quezon.

Source/Photo: Peewee Bacuño; LGU San Juan Batangas

26/10/2022

KALANSAY NG TAO, NATAGPUAN SA ISANG PIGGERY SA LIPA CITY, BATANGAS

Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang kalansay ng pinaniniwalaang lalaki na nahukay sa isang piggery sa Sitio Aromahan, Brgy. Sto. Toribio, Lipa City, Batangas.

Ayon sa Lipa City Police Station, nagpapatuloy ang ginagawang technical investigation at isasailalim sa DNA examination ng Batangas Provincial Forensic Unit ang naturang kalansay.

Base sa report, aksidenteng nadiskubre ng tauhan ng ML Piggery Farm ang kalansay matapos na naghukay para sa ililibing sana na mga patay na biik. Nasa 2 o 3 talampakan umano ang lalim ng hukay kung saan natagpuan ang kalansay.

Kasamang aarekober sa hukay ng kalansay ang isang pulang jacket, pulang boxer orange brief, kulay maroon na t-shirt, isang dog tag necklace at itim na relo.

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa may-ari ng piggery para sa sa posibleng pagkakakilanlan ng kalansay.

News source: Brigada Batangas

Photos from What’s Up Batangas's post 25/10/2022

TINGNAN | Kinagiliwan ng maraming netizens ang mga litratong ito ng mga estudyante sa Batangas State University.

Ang mga folder nila na gamit sa exam, may nakasulat na mga nakaka-aliw na quotations.

Kwento ng uploader na si Teacher Meg, ginawa niya ang pamamaraang ito upang mapilitang hindi tumingin sa papel ng kanilang mga katabi ang mga mag-aaral na nag-e-exam.

"Ito po ay Midterm Exam nila at ongoing pa din naman po . Nirequire ko po sila magsulat ng mga quote sa folder para di maencourage tumingin ang classmates nila sa paper nila . 🙂" ayon kay Teacher Meg.

📷 Meg Perea

24/10/2022

HAND FOOT AND MOUTH DISEASE SA BATANGAS, PATULOY ANG PAGTAAS

Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) sa Batangas matapos makapagtala ng 91 kumpirmadong kaso bukod pa sa mga pinagsususpetsahan, ayon sa Department of Health.

Sa opisyal na datos ng DOH, mayroong 49 kaso sa bayan ng San Pascual at 42 naman sa Batangas City.

Sinabi ni Dr. Voltaire Guadalupe, ng DOH-Calabarzon na ang mga kasong ito ay mga naisailalim na sa “clinical diagnosis” bagaman wala pang laboratory testing.

Ayon mana sa Municipal Health Office ng bayan ng San Pascual, umakyat na sa 149 ang pinagsususpetsahang kaso ng HFMD sa kanila.

“Suspected — ito po ‘yung pumapasok sa case definition po ng hand, foot, and mouth disease na may fever, rashes po sa katawan, and mouth sores,” paliwanag ni San Pascual municipal health officer Dr. Joan Stephanie Matira.

Nagpadala na sila ng mga samples para isailalim sa pagsusuri ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na kapag nagpositibo ay maaari nang sabihing kumpirmadong kaso ng HFMD.

Upang makaiwas pa sa dagdag na mga kaso, patuloy ang paglilinis ng lokal na pamahalaan sa mga pampublikong paaralan sa bayan lalo na ang may mararaming suspected cases.

Sa Batangas City, may 76 suspected cases at 117 kaso na under monitoring. Patuloy rin ang disinfection sa mga paaralan sa siyudad.

Photos from What’s Up Batangas's post 20/10/2022

LOOK | Ramdam na ramdam na ang kapaskuhan sa Murata Park na ito, Sa Tanauan, Batangas dahil sa nagliliwanag na christmas lights sa paligid.

Agaw-atensyon dito ang isang puno na binalot ng libu-libong mga ilaw.
📷 Louie Fajilan Fojas

18/10/2022

WHITE LADY.jpeg 👀🥶

TINGNAN | Kung may Manila Encounters, meron ring Batangas Encounter na naranasan ang estudyante na si Shanselle Alamag nang akalain na multo ang nakuhanan niya ng litrato.

“Gusto ko lang naman picturan yung sunset eh, ate kung sino ka man po or baka prof nga daw po ito, kinabahan po ako sa inyo pagkakita ko sa pic huhu sorry po 🥹” ayon sa post ni Shanselle.

Nakasuot ang babae ng puting bestida, kung saan nakumpirmang isa palang Law student at propesor na naglalakad sa eskwelahan.

“Juskooo. Hahaha ako talaga ‘yan! Law student po ako 🤣 Tamang nagbabasa habang naglalakad. Pasensya na sa mga natakot mag cr ngayong gabi 😆,” kumpirmasyon ni Ma’am Christel Geron, ang babae sa litrato.

Source/Photo: Shanselle Alamag/FACEBOOK

10/10/2022

FROM 7K TO 25K NA ELECTRIC BILL?

Ikinagulat ni Majorie Ordiales, residente ng Nasugbu, Batangas, ang kanilang singil sa kuryente noong Setyembre kung saan tumaas ito sa P25,000 mula sa P7,000 lamang noong nakaraang buwan.

Susuriin naman na ng Batangas Electric Cooperative 1 ang kaso ng kanilang customer na nag-ulat ng tatlong beses na pagtaas sa kanyang singil sa kuryente.
Ayon kay Ordiales na isang electrician mula sa branch ng power distributor sa Nasugbu ang nag-inspeksyon sa kanilang bahay matapos iulat ang insidente ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang kaso.

Ayon naman kay Alvin Velasco, general manager ng BATELEC 1, maaaring i-adjust ang mga electric meter sakaling magkaroon ng problema sa pagbasa; gayunpaman, kailangan itong dalhin sa kanilang opisina.

"Nai-a-adjust naman po 'yun pag may pagkakamali sa mismong reading, sa pagkakabit ng linya. [Pag] grounded nai-a-adjust naman po iyon," aniya
"Patitingnan ko po. Handa po kaming makinig diyan," dagdag nito.

📷 Majorie Ordiales

Photos from What’s Up Batangas's post 30/09/2022

LOOK | Tuloy-tuloy pa rin ang pagbubuga ng usok ng Taal Volcano kaninang umaga, Setyembre 30, 2022

Sa mga larawang na kinunan kaninang bandang alas 10:15 ng umaga ni Reynante Olitan De Villa, kintang-kita ang makapal na usok na nanggagaling mula sa crater ng bulkan

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) , as of 5:00 AM, nakapagtala ng 7 volcanic earthquake at 2 volcanic tremor (na tumagal ng 2 hanggang 3 minuto) ang Bulkan. Habang nasa 10,718 tonelada ang nailabas nitong Sulfur Dioxide Flux (SO2).

Namataan naman pagsingaw na umabot sa 2500 metrong taas bandang hilagang-silangan at timog-kanluran. May nakita ring pamamaga sa Taal Volcano Island (TVI) at kanlurang Taal Caldera at pag-impis ng Silangang Caldera.

Bagaman kasalukuyan pa rin pong nakataas sa Alert Level 1 at may katamtamang aktibidad ang Bulkang Taal, ipinagbabawal pa rin po ang pagpasok at pananatili sa lugar na nasasakupan nito partikular na sa Main Crater at Daang Kastila Fissures. Ibinagbabawal rin po ang paglipad malapit sa bunganga nito ng mga sasakyang pamhimpapawid.

📸 Reynante Olitan De Villa

Photos from What’s Up Batangas's post 29/09/2022

TINGNAN | Nananawagan ang Batangas Varsitarian Lian Council para sa mga nais tumulong kay Lola Victoria Delos Reyes matapos umanong matumba ang kaniyang munting kubo sa Sitio Kaloong, Brgy. Prenza, Lian, Batangas.

Nilalayon nito na maipaabot ang kahit na anong tulong na nais maipahatid kay Lola na 104-taong gulang na upang maipatayong muli ang kaniyang kubo higit lalo ngayong panahon ng tag-ulan.

📸: Mark Jerrico Balaquiot

28/09/2022

LOOK: Bulkang Taal nagbuga ng usok ngayong Miyerkules ng umaga.

📸: Ex-Talisay Mayor Zeny Mendoza

Photos from What’s Up Batangas's post 28/09/2022

TINGNAN | Storm ready ang bayan ng San Mateo Rizal hindi lamang sa paglikas ng mga residente ng lugar, kundi pati na rin sa mga alagang hayop na naisama rin sa nailigtas.

Makikita na nasa isang truck ang mga aso’t maging mga pusa na pansamantalang kinalinga habang kasagsagan ng Bagyong Karding.

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Mayor Omie Rivera sa grupo nina Juvs Funtaniel, Ms. Amanda Ramirez, Lingap Bayanihan at Kabataan, at Bayanihan Laban sa Kahirapan sa pagmamalasakit sa mga alagang hayop.

📷: Juvs; Mayor Omie Rivera

Photos from What’s Up Batangas's post 26/09/2022

TINGNAN | Pansamantalang nanatili ang mga apektadong residente ng Calaca sa itinalagang evacuation centers sa naturang bayan nitong Linggo.

Naghatid rin ng pangunahing pangangailangan ang mga ahensiya't awtoridad para sa mga residenteng nilikas bunsod ng naitalang sama ng panahon.

Kasalukuyan nang nasa ligtas na sitwasyon ang mga nagsilikas at unti-unti na ring bumabalik sa kanilang mga barangay.

📸: Galawang Calaca PIO

Photos from What’s Up Batangas's post 23/09/2022

TINGNAN | Nakuhanan ni Rhamcy Garcia Manguiat ang mga litratong ito ng Bulkang Taal, na may kakaibang hulma ng bahagyang pagsingaw nito kaninang alas-8 ng umaga, Setyembre 23.

Alas-8 ng umaga nang makuha ni Manguiat ang unang litrato habang 8:24 naman ng umaga ang sumunod na litrato ng bulkan.

Sa ulat ng Phivolcs, nananatili naman sa Alert Level 1 ang bulkan at nagkaroon ng bahagyang aktibidad ng katamtamang pagsingaw batay sa 24 oras na buod na pagmamanman ng ahensiya.

📷: Rhamcy Garcia Manguiat

22/09/2022

‘PSA REVEAL’ ⛹️👀

Upang suportahan ang kapatid na manlalaro ng basketball, ipina-tarpaulin umano ni Arvin Macalalad Bu**ta mula Taal, Batangas ang birth certificate ng kapatid na kaniyang binitbit sa liga.

Kwento niya, sinasabi raw kasi ng mga mula sa kabilang barangay na over-age na ang kaniyang kapatid upang lumahok sa liga kaya upang matigil ito, to the rescue si Kuya para suportahan pa rin ang kapatid.

“Nung may sumigaw pong over-aged daw [ang kapatid ko] after ng time out, nilabas ko talaga yung PSA tarp-papel na dala ko,” pagbabahagi ni Arvin, kung saan natawa naman ang mga manonood sa kaniyang ginawa.

Higit sa lahat, ikinatuwa rin ng kaniyang kapatid na manlalaro ang ginawang suporta at aliw na hatid ng kaniyang Kuya.

(📷: Arvin Macalalad )

Photos from What’s Up Batangas's post 21/09/2022

TINGNAN | Dahil sa malakas na pag - ulan, binaha ang kalsadang ito sa Barangay Latag sa Bayan ng Nasugbu, Batangas dahilan upang ma-stranded sa lugar ang mga mag - aaral at residenteng tumatawid dito.

Nangibabaw naman ang Bayanihan matapos magtulong tulong ang ilang residente upang protektahan ang mga tumatawid sa rumaragasang tubig.

( 📷: Jenifer Legaspi Valenzuela )

Photos from What’s Up Batangas's post 20/09/2022

TINGNAN | Spotted sa isang dessert shop sa Lipa City, Batangas si dating Manila Mayor Isko Moreno.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng nasabing dessert shop sa pagbisita at pagtingkilik ng dating alkalde sa kanilang produkto.

📷 Screenshot from Agatha Cakes and Pastries

Photos from What’s Up Batangas's post 19/09/2022

TINGNAN | Mula sa inisyatibo ng Center for Business and Innovation, ibahagi ng University of Batangas – Lipa na sila ang pinaka-unang unibersidad sa Pilipinas na nagsagawa ng pilot test ng artificial intelligence-driven services.

“KettyBot features promotional videos, perfect for ushering and reception for greetings and interactions with the students and even visitors,” ayon sa unibersidad.

📸: University of Batangas in Lipa

16/09/2022

THE CITY OF CALACA! 🧡

Ang City of Calaca ay ang pinakabago at panlimang lungsod sa Batangas. Ito rin ang kauna-unahang lungsod sa First District ng lalawigan.

( 📷: Sky via skycaptures )

Photos from What’s Up Batangas's post 14/09/2022

TINGNAN | Naaksidente ang isang Mobile Clinic sa Laurel, Batangas patungo sa Munisipyo upang magsagawa ng Free Xray sa mga TB contacts.

Ayon sa Laurel LGU, nasa anim (6) na katao na lulan ng naturang sasakyan ang nasaktan sa aksidente.

Napag-alaman rin na nawalan ito ng preno dahilan upang bumaligtad ang sasakyan.

Kaagad namang nilapatan ng paunang lunas ang mga nasaktan at dinala sa Dr. Ernesto H. Malabanan Hospital.

( 📸: Municipality of Laurel Batangas )

13/09/2022

DAMANG DAMA KO YUNG SAKIT 😭

TINGNAN | Nagpaabot ng pakikiramay ang netizens sa batang ito matapos umanong mawalan ng ina ilang araw bago ang kaniyang kaarawan nitong Linggo.

Birthday ni Ethan nitong Linggo, na siya namang nakatakdang araw ng libing ng kaniyang ina.

Hiniling umano ng bata na makita ang kaniyang ina kahit sa TV, isang araw bago ito mailibing.

“Gusto kong panoodin si Mommy, gusto ko sa tabi ni mommy, gusto ko sa TV, gusto ko Mommy ko,” hiling ng bata, na ibinahagi ng uploader na si Lacey Ann Bruce.

( 🎥: Lacey Ann Bruce )

09/09/2022

TINGNAN | Ulat ukol sa lagay ng Taal Volcano nitong madaling araw ng Biyernes, Setyembre 9.

Nakuha ang litratong ito dakong 12:06 nitong umaga kung saan makikita ang bahagyang pag-usok matapos ang naitalang sama ng panahon kagabi.

Source: Nasugbu, Batangas/FACEBOOK

06/09/2022

TINGNAN | Sunog sa isang residential house, kasalukuyang naitala sa J.P Laurel Highway malapit ng Walter Mart sa Brgy. Darasa, Tanauan City, Batangas.

Naroon na rin ang BFP Tanauan upang rumesponde sa sunog, kung saan idineklarang 'Fire Under Control' ang pasilidad at 'di pa tukoy ang sanhi ng sunog.

( 📸: City Government of Tanauan )

Photos from What’s Up Batangas's post 05/09/2022

KINDNESS IS EVERYWHERE ❤️

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang isang netizen na delivery rider sa Batangas City dahil sa mga mabubuting taong tumulong sa kaniya kahit hindi niya ito kakilala.

Biglaan na lamang kasing sumama ang pakiramdam nito sa may gasolinahan.

“Tumaas blood pressure ko dumilim paningin at nawalan ako ng pandinig, huminto ako at para tutumba na. Hmingi ako ng tulong at di nagdalawang isip ang mga taong ito,” ayon sa post ni Jay Javier.

“Traffic enforcer sa lawas petron salamat po kuya. At sa dalawang mababait na dlwang babae dyan sa office. Maraming slmat sa pag alalay at pati nadin sa aking ka rider sa toktok John Lovei Decomotan maraming salamat pare,” pasasalamat nito.

Nagpasalamat din ito sa isang babae na nag-abot sa kaniya ng sandwich at tubig.

“These people deserves to be promoted on their job, in my opinion lamang po. They can help other people po, what more pa ‘yung company na pinapasukan nila. Salute po sa inyo guys,” ani Javier.

“Sa kabutihan puso nyo nakikita yan ni God at may reward kayo pagdating ng araw. Pati narin kay kuyang rider ng gasul na naglipat ng motor ko sa tabi. Maraming salamat po,” dagdag nito.

Source/Photo: Jay Javier via Bantay Trapiko sa Batangas City FB Group.

02/09/2022

BASAHIN | Marami ang humanga sa katapatang ipinakita ng isang garbage collector mula sa Sto. Tomas City, Batangas matapos nitong isauli ang kaniyang napulot na isang bag.

Ayon kay Romel Solarez, natagpuan nila ang nasabing wallet isang box sa Barangay San Pablo kung saan nadiskubre nilang mayroon itong lamang pera.

Hindi naman nagdalawang-isip at agad rin nila itong ibinigay sa CENRO na silang nakipag-ugnayan sa may-ari nito.

Ayon kay Mayor Arth Jhun Marasigan, walong taon na umanong nagsisilbi ang mga bilang civilian volunteer na nangongolekta ng basura sa lungsod kung saan nakakakuha sila ng P150 honorarium araw-araw.

Dahil sa katapatang ipinakita, pinagkalooban sila ng kontrata bilang Job Order employee sa ilalim ng City Environment and Natural Resources Office.

Source/Photo: PIA Batangas

Photos from What’s Up Batangas's post 01/09/2022

LAHAT BA AY NAKAPUNTA NA SA DUBAI LEMERY? 🤣

TINGNAN | Naging concern kamakailan ng ilang residente ang magabok na bahaging kalsada na ito sa Lemery, Batangas.

Sa larawan, makikita na halos mabalot na ng alikabok ang mga sasakyang naka-park sa tabi ng kalsada.

Biro naman ng ilang netizen, mala-dubai umano ang experience na ito.

( 📸: When In Lemery (Facebook)

Photos from What’s Up Batangas's post 31/08/2022

TINGNAN | Isang anim na taong gulang na bata ang hinangaan at naging inspirasyon sa marami. Sa kabila kasi ng kaniyang kapansanan, patuloy itong nagpupursigi para sa kaniyang pag-aaral.

Bagama’t isinilang na walang kamay at imbalance ang mga paa ng batang si Jash Angel Rubio, nananatili siyang positibo sa buhay.

Tinitiyak din niya na ibibigay niya ang lahat sa paaralan para makapagtapos siya ng pag-aaral sa Hidalgo Elementary School.

"Kahanga-hanga po itong batang ito na talaga pong masasabi po namin na talaga pong magaling at determinado para matapos siya ng pag-aaral," ayon kay Christine Briones, ang head ng paaralan.

Ayon sa nanay ni Jash na si Janet Lopez, nagsimula ang kalagayan ng bata sa pagsilang, ngunit hindi ito naging hadlang upang makita niya ang magagandang bagay sa buhay.

"Isa lang ang meron akong paa pero masaya pa rin po ako dahil nakakalakad po ako,” ani Jash.

"Hindi 'yon nalulungkot sa kalagayan niya. Hindi siya naiinis. Lagi niyang sinasabi sa'kin, 'Okay lang ako, Ma. Masaya ako,' kaya 'di kami nagpapakita na kami'y nawawalan ng pag-asa," dagdag nito.

Bukod sa kanyang pamilya, suportado rin si Jash ng kanyang mga kaklase, na sinisigurado na palagi siyang ligtas at maayos.

Source/Photo: GMA News

Videos (show all)

DAMANG DAMA KO YUNG SAKIT 😭TINGNAN | Nagpaabot ng pakikiramay ang netizens sa batang ito matapos umanong mawalan ng ina ...
The main crater of Taal Volcano has filled up with water again after the Philippine Institute of Volcanology and Seismol...

Website