Doc Willie Ong and Doc Liza Ong Supporting Page
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Doc Willie Ong and Doc Liza Ong Supporting Page, Public Figure, .
We are Glad to inform EveryOne that Our Online Consultation Will Now OPEN ❤️
Kindly Message Us ,We Give FREE MEDICINE for those who are completely done consult by me and doc liza
_ Doc Willie Ong
We offer Online Consultation
If you are Interested, Kindly message us Here
God Bless Us All
_Doc Willie Ong
Promo Sale‼️..Our BIRCH TREE ADVANCE is now SALE! Hurry Up to enjoy BUY 1 get 2 FREE ‼️
FOR AS LOW 2,000 PESOS ONLY ❤️
BUY 1 GET 2 FREE
WHAT ARE YOU WAITING FOR ??
ITS LIMITED STOCKS ONLY‼️
If You want to buy! Please Message us here ❤️
Patibayin,Palakasin ang Resistensya with BIRCH TREE ADVANCE ‼️
Unahin ang kalusugan bago ang lahat ☺️
If You Want to Buy This Milk, Kindly Dirrectly Chat Us ♥️
_DOC WILLIE ONG
If you Want to buy this wonderful anti-diabetic medicine kindly message us here on our page!!
We are on sale!
DIABEXTAN for only 1k pesos
Before price 2,289
Congratulations !!!
Sumali sa aming Daily Raffle Draw! Baka ikaw na ang maswerteng Mabunot para sa GRAND WINNER ng 10 cavan of rice,groceries worth 20k and also 20K CASH..!!!
50pesos per entry
THE MORE ENTRY,THE MORE CHANCES OF WINNING!!
MESSAGE US NOW!!
Para sa lahat ng Nagsupport sa aming Page 🥰
Magkakaroon po tayo ng PALARO at 50 katao ang mabibigyan ng ayuda,sa mapipiling mabunot Congratulations!
50 katao ang makakatanggap ng tig 20k pesos
Mag-submit lamang ng inyong entry:
100pesos per entry: i-message ang aming page sa mga gustong sumali
magandang gabi at god bless
Iba't-ibang Laruan mula sa nabili namin 😇😇😇 Pampasaya 👍
Ganda tingnan 🙏🙏
- Doc Willie Ong
Stress: May Benepisyo sa Iyo
Payo ni Doc Willie Ong
Lahat ng tao ay may problema at stress. Gawin natin ito para malampasan ang problema:
1. Gamitin ang stress hormones para lumakas – May taong mas gumagaling kapag may hamon sa buhay. Mas nakaka-concentrate, mas nagkakaroon ng lakas, mas nakaka-trabaho at nakaka-aral. Ang stress ay naglalabas ng isang hormone, ang epinephrine na kung paminsan-minsan lang ay nakatutulong sa konsentrasyon at lakas.
2. Gawing positibo ang negatibong pangyayari. Ibahin mo pananaw mo. Baka good stress yan at hindi bad stress. Ang mga atleta ay mayroong stress at tumataas ang lakas nila. May mga estudyante na kapag may deadline ay mas gumagaling sa eksamen. Walang sa kontrol natin ang stress. Ngunit magagawa mong harapin ito.
3. Gamitin ang stress para maging ligtas. Halimbawa: naglalakad ka mag-isa sa gabi o naglalakad sa matarik na lugar. May tulong ang stress dahil mas alerto ka, mas malakas at handang lumaban. Ang mata at pandinig mo ay mas matalas din.
4. Huwag papatalo sa stress. Maging positibo kahit anong hamon sa buhay. Huwag din matakot sa stress. Bawasan ito. Pero tuloy pa rin ang trabaho at buhay mo. Maraming mga bagay na pwede mo magawa para kontrolin ang sitwasyon. Kumuha ng malalim na paghinga, ikot-ikutin ang ulo para lumuwag ang pakiramdam sa bahagi ng leeg at balikat. Basain ang mukha sa pamamagitan ng malamig na tubig. Patulong ka sa pamilya at kaibigan mo. Mag-ehersisyo ng regular.
5. Tumulong sa kapwa para mabawasan ang iyong stress. Magandang sikreto iyan sa buhay. Kapag abala ka sa pagtulong, makakalimutan mo ang stress mo.
6. May biyaya sa dulo. Ang sarap ng pakiramdam kapag nakalampas ka sa problema. Kapag nag-graduate ka, nakatapos ng trabaho at nalutas ang isang mahirap na bagay. Good luck sa lahat
Wow, Laruan sa bata. Transformers at Barbie doctor set.
Siyempre si Mommy ay may puhunan din. 😄😄
Hindi pwede walang biyaya si Mommy 😂😂
Buong pamilya masaya 🙋🙋 Dasal lang 🙏🙏🙏🙏
- Doc Willie Ong
Lower Cholesterol Naturally - By Doctor Willie Ong (Cardiologist & Internist) #20 High Cholesterol: Natural RemediesVideo by Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist)1. Try a cup of oatmeal a day.2. Eat more oily fishes, like sardines, s...
Berdeng Mga Pagkain (Green Foods)
Payo ni Doc Willie Ong
Ang mga berdeng gulay at prutas ay kadalasang mainam sa ating tiyan, bituka at makatutulong sa pag-iwas sa kanser, tulad ng colon cancer. Ang mga berdeng gulay din ay nagpapababa ng cholesterol at timbang.
Ang gulay tulad ng repolyo, pechay, kangkong, broccoli, spinach at malunggay ay napakahalaga sa katawan. Sagana ito sa bitamina at minerals. Ang mga berdeng gulay ay may taglay na “chlorophyll”, at iba pang sangkap tulad ng fiber, lutein, potassium, calcium, folate, calcium at vitamins A, B at C. Dahil dito, ang gulay ay makatutulong sa sakit sa puso, diabetes, sakit sa tiyan at pag-iwas sa kanser.
Kung gusto ninyong pumayat, kumain ng maraming gulay. Madali itong makabusog at mababa lang sa calories. Para maging mas masustansya ang gulay, puwede itong dagdagan ng bawang, sibuyas at kamatis. Heto ang ilang halimbawa:
1. Broccoli at Cauliflower - Napakasustansya ng gulay na broccoli at cauliflower. Ayon sa US Department of Agriculture, ang broccoli ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa orange. Magkasing-dami ang calcium ng broccoli at isang basong gatas. Ang mga sanga ng broccoli ay may 3 doble ng fiber kumpara sa isang pirasong wheat bread. Ang broccoli ay may kemikal na sulforaphane na makatutulong sa pag-iwas sa breast cancer. Ayon sa World Cancer Research Fund, may 206 na pagsisiyasat ang nagsasabi na ang broccoli at cauliflower ay pangontra sa kanser sa bibig, lalamunan, suso, tiyan, baga, lapay (pancreas) at bituka.
May taglay na folic acid ang broccoli na kailangan ng bata sa sinapupunan. Mayroon din itong calcium na makatutulong sa pag-iwas sa osteoporosis. Ang isang tasa ng broccoli o cauliflower ay may taglay lamang na 46 calories. Kung gusto ninyong pumayat, kumain ng maraming gulay para mabusog agad.
2. Abokado - Ang abokado ay mayaman sa masustansyang “mono-unsaturated fats.” Ito ay makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso at stroke. Ang abokado ay may sangkap na potassium, vitamin B6 at vitamin E. May tulong ito sa pagpapakinis ng balat. At dahil madaling kainin at tunawin ang abokado, mainam itong ipakain sa mga maysakit at may edad.
Araw-Araw may mga masaya!
Dagdag puhunan sa kanyang Sari-sari store.
Tuloy lang ang pagsisikap.
God bless.
- Doc Willie Ong
Mga bata, may binili ako kahapon.
Para sa mabait na bata 😂😂
Excited na 🙋🙋
- Doc Willie Ong
Bad Habits Na Dapat Iwasan (Part 4)
Payo ni Doc Willie Ong
May mga habits na puwede nating baguhin para sa ating kalusugan:
1. Malakas kumain at may katabaan - Alam natin na masama ang pagiging mataba dahil puwede itong magdulot ng sakit sa puso, high blood at diabetes. Ayon sa mga pagsusuri, ang pagbabawas ng kinakain ay puwedeng makahaba ng buhay. Paniniwala ng ilang eksperto na ang pagbabawas ng 20% sa iyong kinakain ay puwedeng makabawas sa mga toxins (dumi) sa iyong katawan. Kahit sa Bibliya ay itinuturo ang fasting at pag-iwas sa ilang pagkain. Piliin ang pagkaing masustansya at hindi nakatataba. Bawasan ang karne at damihan ang gulay, prutas at isda. Ang mga masustansyang gulay ay ang broccoli, cauliflower, kangkong, pechay, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote. Sagana ito sa vitamins, minerals at iba pang healthy na sangkap.
2. Takaw aksidente ang bahay – Kaibigan, huwag maging pabaya sa inyong kaligtasan. Ayon sa mga datos, mas madalas ang aksidente sa loob ng bahay kaysa sa labas. Kadalasan ay nadulas sa banyo o kuwarto. Para makaiwas sa aksidente: (1) Maglagay ng hawakan sa banyo, (2) maglagay ng plastic mat para hindi madulas sa banyo, (3) ayusin ang sirang hadgan at sahig, (4) alisin ang harang o kalat na puwedeng makatisod, (5) ipasuri ang mga kuryente at doorbell, at (6) siguraduhing nakakandado ang mga pintuan sa gabi.
3. Hindi tumutulong sa komunidad – Minsan ay tinatamad tayong sumali sa mga proyekto ng ating komunidad. Pero ayon sa pagsusuri, ang pagtulong sa komunidad ay nakahahaba raw sa ating buhay. Ayon sa pagsusuri ng 3,617 katao ni Professor Peggy Thoits ng Vanderbilt University, ang mga taong matulungin ay mas masaya sa buhay, mas may kumpyansa sa sarili at mas malusog ang katawan. Kapag tayo’y tumutulong sa kapwa, gagawa ang ating katawan ng endorphins, isang kemikal na nagpapasaya sa atin. Ang pagtulong sa komunidad ay posibleng magbigay ng inspirasyon at sigla. Gusto nilang maging malusog dahil mayroon silang layunin sa buhay.
Pagkain Dapat Bawasan ng DIABETIC - Payo ni Doc Willie Ong #617b Pagkain Para sa DIABETICPayo ni Doc Willie Ong Puwede Kainin ng may Diabetes:1. Gulay tulad ng okra, kangkong, talong, malunggay, ampalaya at i...
KAMAY: Manhid at Masakit - ni Doc Willie Ong #251d KAMAY: Manhid at Masakit Video ni Doc Willie Ong . Alamin ang carpal tunnel syndrome. Ito’y nakukuha sa sobrang pagta-trabaho, paglalaba, pag-type at pa...
Home Remedy sa Trangkaso, Lagnat at Sakit - Payo ni Doc Willie Ong # Home Remedies sa Trangkaso at Iba Pang Sakit - Payo ni Doc Willie at Doc Liza Ramoso-Ong Alamin sa Video:https://youtu.be/c_ADNJoFFaI
Tamang Pag-inom ng Tubig
Payo ni Doc Willie Ong
Alam ba ninyo na may tama at maling pag-inom ng tubig? Oo. Sa katunayan, ang katawan natin ay gawa sa 80% ng tubig. Heto ang mga tips sa pag-inom ng tubig.
1. Uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw. Kung may edad o mahina ang puso, puwede na ang 4 o 5 basong tubig lamang. Huwag lalampas sa 16 basong tubig sa isang araw dahil baka masyadong lumabnaw ang ating dugo.
2. Konti-konti lang ang pag-inom ng tubig. Mga 3 o 4 na lagok lang. Huwag biglang uminom ng 2 basong tubig lalo na kung may edad dahil baka malunod ang inyong puso. Ang pag-inom ng pakonti-konti ay maganda ding panlaban sa pangangasim ng sikmura dahil nalilinis nito ang asido sa tiyan.
3. Pagka-gising sa umaga, uminom ng isang basong tubig. Ito’y dahil kulang tayo sa tubig o dehydrated na sa umaga. Nililinis din nito ang ating kidneys at pantog.
4. Sa mga may lahi ng kidney stones, o iyung bato sa bato, kailangan ninyo na uminom ng tubig bago matulog sa gabi. Ito’y para hindi magbuo ang kidney stones sa gabi.
5. Uminom ng mas maraming tubig habang nag-e-ehersisyo. Kapag malakas kayo magpawis, kailangang uminom ng 1 basong tubig bawat 30 minutos ng ehersisyo. Kumain na rin ng saging para hindi bumaba ang potassium sa dugo.
6. Kapag nanunuyo ang inyong lalamunan, may sipon o ubo, uminom din ng mas maraming tubig para lumabnaw at mailabas ang plema.
7. Sa mga nag-be-breastfeeding, damihan ang inom ng tubig para sa inyo at sa inyong sanggol. Ayon sa Mayo Clinic sa America, kailangan ng bagong panganak ng 12 o 13 basong tubig sa buong araw habang nag-be-breastfeeding.
8. Siguraduhing malinis at ligtas ang inyong tubig. Huwag makipagsapalaran dahil puwedeng magdulot ng typhoid fever at gastroenteritis ang maduming tubig.
9. Ang tubig ay nagpapaganda sa ating balat. Kapag kulang ka sa tubig, kukulubot ang iyong balat. Ngunit kung may sapat ka na tubig, magiging makinis at malambot ang iyong kutis.
10. Isang tip: Tingnan ang kulay ng ihi para malaman kung kulang tayo sa tubig o hindi. Kapag madilaw o kulay orange na ang iyong ihi, kailangan mo nang uminom ng tubig.
11. Kung hindi kayo mahilig sa tubig, puwede ding kumain ng maraming pakwan na punong-puno ng tubig at may bitamina pa
Suha: Puwede Sa May Diabetes At Matataba - Doc Willie Ong Pagkain ng suha: Kumain din ng kaunting balot nito (yung mapula at manipis na balat). Nasa balot ng suha ang kakaibang bioflavonoid na lumalaban sa sakit.
Which Food is Healthier? - by Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) Which Food is Healthier? - by Doc Willie Ong (Internist and Cardiologist) See if you can guess the healthier (or less fatty) food item among the pairs listed...
Sore Throat at Sipon: Paano Nahahawa
Payo ni Doc Willie Ong
Ang nakasasakal at makating pakiramdam sa iyong lalamunan ay isang pamilyar na palatandaan na ikaw ay magkakaroon ng sipon o trangkaso (influenza). Karamihan sa sore throat ay hindi naman nakapipinsala at kusa rin nawawala sa loob ng 5 hanggang 7 araw. Minsan maaaring bumili ng mga over-the-counter na gamot sa ubo para ito ay gumaling.
Karamihan sa sore throat ay dahil sa virus o bacteria na impeksyon. Ang mga virues at bacteria ay maaaring pumasok sa iyong bibig o ilong sa pamamagitan ng paglanghap ng particles mula sa pag-ubo o pag-bahing ng ibang tao. Pwede din na ikaw ay gumamit ng kutsara, tinidor, towel, laruan, doorknob, computer keyboard at telepono na gamit ng maysakit.
Ang sore throat ay maaaring sanhi ng allergy at dry air. Kapag ang sore throat ay mayroong kasamang pamamaga ng tonsil, ito ay tinatawag na tonsillitis.
Viral na Impeksyon:
Ang viruses ay kadalasan na pinanggagalingan ng sipon, trangkaso at sore throat. Ang sipon ay karaniwan na nawawala kapag ang iyong sistema ay nakabuo na ng antibodies laban sa virus na tumatagal ng 1 linggo.
Ang gamot na antibiotic ay hindi nakatutulong para gumaling ang viral infection. Ginagamit lang ang antibiotics sa bacterial infection, kung may lagnat, nana sa tonsils at maberdeng plema.
Kinakailangan lang ng panahon para tuluyan gumaling. Uminom ng maraming tubig, kumain ng prutas na mayaman sa vitamin C at magpahinga.
Ganda ng Photos gamit ang Realme6i na bigay natin.
Mula sa Grade 11 student - Arty Leorick. 👍👍
Maganda pala camera nito.
Akala ko pang gaming lang 🤣🤣 este Online class pala. 🙏🙏🙏
- Doc Willie Ong