Balitang Tayabas
Balitang Tayabas
USEC SHEENA LIONG, BIGLANG YAMAN SA PUWESTO?
Office of the Special Assistant to the President Undersecratary Athalia Liong o mas kilalang Sheena B Liong ay sangkot ngayon sa pangongomisyon sa DPWH sa isang rehiyon sa mindanao.
Nako naman, kakaappoint lang sakanya ay nakabili agad ng magarang bahay sa exclusive village sa Makati City. Tinatayang hindi bababa sa P100-milyon ang datung mo upang makabili ka ng bahay dito.
Maaalala na 3rd place ito sa 2016 Bar Exam ang PULPOLitikong ito at isa siya rin ang tinutukoy ni dating Presidente PRRD sa isang conference na "Kung sakaling ma-biyuda ka, pwede mo ako isipin?".
Kasabay ng kanyang pagyaman ay nakabili ito ng mamahalin at magagarang sasakyan na tumpak ay sakto sa village na kanyang titirahan.
Tinatayang P189,999 kada buwan ang kanyang suweldo at aabot lang sa P2.2 milyon ang gross income kada taon pero katataka-takang nakabili ng bahay sa exclusive village.
Ang raket pala ni Atty. ay mangomisyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa isang rehiyon sa Mindanao.
Asawa pa nito ang haharap sa mga contractor at siyempre binibigyan din sila ng mamahaling regalo.
Ito pa,mukhang binubukulan ni Usec ang kanyang boss dahil ipinapalabas ni mister na siya ang handler ng mga opisyal ng DPWH.
Nakakakilabot isipin na isa sa tinitingalang top notcher ay isa rin palang dahilan ng 'di pag-unlad sa Pilipinas.
Gusto mo bang pumunta sa Canada at bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo? APPLY NOW! 3 Months Process only.
Join our Next Scheduled Departure this SEPTEMBER 2023!
BENEFITS:
🇨🇦 Unlimited Career Opportunities
🇨🇦 Live permanently
🇨🇦 Can bring your whole family
🇨🇦 Free education for your children
🇨🇦 School allowance benefits for your children
🇨🇦 Free healthcare
🇨🇦 Old-age security
🇨🇦 Canadian Citizenship
QUALIFICATIONS:
K to 12 Graduates
College Level with 72 units
College Graduates
With or without a job experience
ALL PROFESSIONALS CAN APPLY AS WELL!
ATTEND OUR FREE ORIENTATION & INTERVIEW:
MAY 18, 2023 | 6PM
VENUE: Club Candelaria Events Place
CLICK THIS LINK TO REGISTER
https://tinyurl.com/bddctjn5
MAY 19, 2023 | 1PM
VENUE: Mi Casa En Tayabas
CLICK THIS LINK TO REGISTER
https://tinyurl.com/3jyba9rs
If internet is unavailable Call or text Jam at 0910 645 0018 for seat reservation
Pinoy tayo na may karapatang magkaroon ng magandang buhay. Decide and fly in 3 months!🇵🇭🇵🇭🇵🇭
Manila Raffle House takes provinces to give away a brand-new car! - GoPhilippines Manila Raffle House is now taking the provinces to test your luck as they give away their biggest and most exciting prizes ever! More and more people are joining their raffle draws, giving them excitement for a chance to win. This year, they’re making the grandest raffle draw with a Montero Sport ...
IBOBOTO PA BA NATIN ANG NAPATUNAYANG KORAP?
Ilang araw na lamang at eleksyon na. Papayag ba kayong muling mamuno sa ating lalawigan ang isang napatunayang korap at may patung patung na kasong kinaharap dahil sa maaanomalyang proyekto?
Nakakahiyang isipin na kahit kabi-kabila ang mga kasong isinampa laban kay Ka Procy Alcala o tinaguriang "Bawang King", may lakas pa rin ito ng loob na tumakbo bilang Congressman ng ikalawang distrito sa lalawigan ng Quezon.
Matatandaang naharap sa kasong graft at napatunayang korap si Alcala matapos ang maaanomalyang proyekto tulad ng isyu ng iligal na importasyon ng bawang noong taong 2012 hanggang 2013 at ang 'misused' o maling paggamit ng mga pondong nakalaan para sa mga magsasaka - ginamit niya para sa pansariling interes ang pondong dapat sana'y para sa mga magsasaka.
Sakaling muling mahalal si Bawang King, isa itong malaking kahihiyan para sating lalawigan. Hahayaan n'yo bang maghari ang mga kawatan at korap sa lalawigan ng Quezon? Mag-isip isip na kayo.
BAGONG GAWANG BARANGAY ROAD SA SAN FRANCISCO, QUEZON, PINASINAYAAN
Pinasinayaan na nitong nagdaang Huwebes ang Barangay Road sa Barangay Sto. Niño-Mabunga sa bayan ng San Francisco, Quezon matapos itong sumailalim sa renovation.
Pinangunahan ni Gob. Danilo E. Suarez ang isinagawang ribbon cutting at nagpaabot ito ng pasasalamat sa tanggapan ng kaniyang maybahay, 3rd District Congresswoman Aleta Suarez sa patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan upang maisaayos ang nasabing daan.
Nakiisa rin sa isinagawang aktibidad sina dating PCSO Director Betty Nantes, former San Francisco Mayor Roming “Erpat” Edaño ,at Nani Tan.
GROUNBREAKING CEREMONY NG BAGONG MULTI-PURPOSE BUILDING SA LUCENA, ISINAGAWA
Matagumpay na isinagawa ang groundbreaking ceremony ng bagong Multi-purpose Building sa Barangay Mayao Castillo, Lucena City nitong Abril 20, 2022 sa pangunguna ng butihing Ama ng Lalawigan, Gob. Danilo E. Suarez.
Kasabay ng isinagawang programa, nagpahayag ng pakikiisa at pagsuporta ang Sangguniang Barangay sa mga layunin ni Suarez na ipagpatuloy ang magagandang programang makakatulong para ika-uunlad ng bawat pamayanan sa lungsod.
Nakibahagi sa nasabing aktibidad si Barangay Captain Jun Garcia katuwang ang ilang miyembro ng Sangguniang Barangay.
Ito ang naging mensahe ni Quezon Province Gov. Danilo E. Suarez para sa magsasakang Quezonian hinggil sa usapin ng coco levy funds.
Ayon kay Suarez, naganap ang isang pagpupulong sa pagitan ng Philippine Coconut Authority (PCA) at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon nitong nagdaang Abril 7, 2022 upang talakayin ang kasalukuyang estado ng coco levy funds para sa lalawigan ng Quezon.
GROUNDBREAKING CEREMONY NG PAGSASAAYOS SA COVERED COURT NG ELIAS A. SALVADOR NHS, ISINAGAWA
Nagtungo sa Agdangan, Quezon ang butihing ama ng lalawigan, Gob. Danilo E. Suarez upang makiisa sa isinagawang groundbreaking ceremony ng pagsasaayos sa covered court ng Elias A. Salvador National High School nitong nagdaang Abril 9, 2022.
Nagpaabot ng buong suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng bawat paaralan bilang paghahanda sa muling pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina 3rd District Congresswoman Aleta Suarez, dating PCSO Director Betty Nantes, dating Board Member Dominic Reyes, at ang mga kaguruan ng Elias A. Salvador NHS sa pangunguna ng kanilang punongg**o na si Melba Gonzales (Principal III).
BAGONG PAMPAARALANG GUSALI NG SLSU-CATANAUAN, PINASINAYAAN
Pinangunahan ni Gob. Danilo E. Suarez, Congw. Aleta Suarez at BM Jet Suarez ang pagpapasinaya sa bagong gusali ng Southern Luzon State University-Catanauan Campus nitong nagdaang Marso 29, 2022.
Nakiisa sa isinagawang pagpapasinaya at pagbabasbas sina SLSU President Dr. Doracie Zoleta-Nantes at SLSU Campus Director Dr. Aileen Elarco.
LALAWIGAN NG QUEZON, KINILALA NG DOH SA GINANAP NA GOLDEN JAB AWARDS
Malugod na tinanggap ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon ang parangal mula sa sa Department of Health (DOH) dahil sa matagumpay nitong pagtataguyod sa kampanya ng ahensya na mas mapataas ang bilang ng mga mamamayang nababakunahan laban sa COVID-19
Ang nasabing parangal ay tinanggap ng ama ng lalawigan, Gov. Danilo E. Suarez nitong nagdaang Marso 22, 2022.
Kinilala ng DOH ang lalawigan ng Quezon na nakapagtala ng pinakamataas (144%) na coverage ng mga nabakunahan sa unang araw ng National Vaccination Day noong taong 2021.
Kaugnay nito, binigyang parangal din ang bayan ng Candelaria matapos makapasok sa Top 5 municipalities with highest number of jabs noong ikalawang araw ng National Vaccination Day.
Nakatanggap din parangal ang mga bayan ng
Tayabas City (Umalohokan Award City); Polillo at Panukulan (Umalohokan Award Island); at San Antonio, Atimonan at Lucban (Umalohokan Award Municipality).
5 SUSPEK SA PAMAMARIL SA ALKALDE NG INFANTA, KINASUHAN NA
Sinampahan na ng kasong frustrated murder at attempted murder ang limang (5) suspek kabilang ang kasalukuyang bise alkalde ng Infanta sa naganap na pananambang kay Mayor Filipina Grace America noong nagdaang Pebrero 27, 2022.
Batay sa salaysay ng tatlong (3) saksi, natukoy ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Joraffin Fortunado Plantilla alyas Jorap, residente ng Infanta; Bobby Vargas alyas Ranny, residente ng General Nakar; Rodil De Guzman Nolledo mula sa General Nakar; Ereberto Escueta alyas Ebit; Gilbert Pacio; at si Incumbent Vice Mayor LA Ruanto.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulisya upang tukuyin ang mastermind sa nasabing pananambang.
Si LA Ruanto ay kilalang madikit na kaalyado ni Congw. Helen Tan at makakatunggali ni Mayor America ngayong darating na halalan 2022.
CONGW. HELEN TAN, NANUNUHOL SA MGA KABATAANG QUEZONIAN?
Usap-usapan ngayon ang pa-kunwaring 'educational assistance' na ipinamamahagi ni Congw. Helen Tan sa mga college students sa lalawigan ng Quezon.
Nagkalat ngayon sa social media ang mga post tungkol sa di umano'y educational assistance na ipinamamahagi ni gubernatorial candidate at kasalukuyang 4th district representative Congw. Helen Tan.
Ngunit ayon sa ilang mga kabataan na nagnanais na maging benepisyaryo ng nasabing programa, hindi umano sila 'qualified' na tumanggap ng educational assistance dahil hindi pa sila rehistradong botante.
Isa umano sa mga requirements upang mabigyan ng pa-kunwaring educational assistance ay ang pagpapakita ng voter's certification o voter's ID.
Ang tanong tuloy ng ilang kabataan, bakit kailangang magpakita ng voter's ID or certification gayong para sa kanilang pag-aaral naman ang ipapamahaging tulong?
Papayag ba ang mga kabataang Quezonian sa ganitong kalakaran?
LGU MAUBAN, NAGPAABOT NG AYUDA PARA SA MGA NASUNUGAN
Matapos ang naganap na sunog sa Barangay Daungan noong Sabado, ika-12 ng Marso, agad na ipinag-utos ng punong bayan ng Mauban na ilikas muna pansamantala sa isang evacuation center ang walong (😎 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa naganap na insidente.
Nagpaabot ng tulong pinansyal gayundin ng mga pagkain, tubig at ilang mga pangunahing pangangailangan ang pamahalaang lokal ng Mauban sa mga biktima ng sunog.
Personal na nagtungo sa evacuation center sina Vice Mayor Marivel Trinidad kasama sina Kapitan Lani Fortunado, Konsehal Abe Mandrique, at Konsehal Onek Manaog upang tiyakin na nasa maayos na kalagayan ang bawat pamilya.
Sa kasalukuyan, minamadali na ng pamahalaang lokal ang pagsasaayos ng mga nasunog na tirahan ng mga biktima.
MGA TSUPER AT OPERATOR NG PUVs, MAKAKATANGGAP NG FUEL SUBSIDY
Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Tina Cassion nitong nagdaang Huwebes, ika-10 ng Marso, na makakatanggap ng fuel subsidy na nagkakahalaga ng P6, 500 ang mga tsuper at operator ng public utility vehicles (PUV) ngayong linggo.
Ayon kay Cassion, inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang badyet para sa nasabing programa na nagkakahalaga ng kabuuang P2.5 bilyon.
“We confirm that the funds have already been released by the DBM and the LTFRB will start distributing next week,” pahayag ni Cassion.
Tinatayang nasa mahigit 377,000 benepisyaryo ng nasabing programa ang makakatanggap ng P6, 500 na fuel vouchers sa ilalim ng 2022 budget.
Ilan sa mga benepisyaryong natukoy ay ang mga tsuper ng jeepney, UV express, taxi, tricycle at iba pang full time drive hailing at delivery services sa buong bansa.
Sa ngayon, wala pang eksaktong petsa kung kailan maipapamahagi ang nasabing subsidiya.
2,396 ISKOLARS MULA SA SLSU LUCBAN, TUMANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE
Labis ang galak ng 2,396 mag-aaral mula sa Southern Luzon State University (SLSU) - Lucban campus matapos matanggap ang kanilang educational assistance mula sa Serbisyong Suarez Sholarship Program ni Gob. Danilo E. Suarez nitong nagdaang Martes, Marso 12.
Nakilahok din sa nasabing aktibidad si dating Defense Secretary Gilbert 'Gibo' Teodero at nagapaabot din ng mensahe sa lahag ng dumalo sa payout.
Dumalo rin sina BM Yna Liwanag, BM Alona Obispo, BM Dhoray Tan, former PCSO Dir. Betty Nantes, mga dating bokal Atty. B**g Talabong, Raquel Mendoza at Dominic Reyes.
90 SAKO NG BIGAS, IPINAGKALOOB SA BISAYA MI GUMACA, INC.
Namahagi ng siyamnapung (90) sako ng bigas at weighing scales ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gob. Danilo E. Suarez nitong nagdaang Biyernes, ika-11 ng Marso, upang maisakatuparan ang proyektong bigasan ng Bisaya Mi Gumaca, Inc.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, Lokal na Pamahalaan ng Gumaca, Department of Agriculture IV-A at Department of Agrarian Reform sa ilalim ng proyektong Philippine Rural Development Project (PRDP), naging posible ang minimithing bigasan ng Bisaya Mi Gumaca, Inc.
Bukod sa mga bigas at timbangan, inilunsad din ng pamahalaang panlalawigan ang Basic Orientation Seminar on Bookkeeping na naglalayon mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga miyembro ng kooperatiba upang mapatakbo nila nang ayos ang kanilang kabuhayan.
Nakiisa sa isinagawang aktibidad nito sina Gumaca Mayor Webster Letargo at kanyang maybahay na si Mayora Justine Letargo.
ANO ANG MANGYAYARI SA BAYAN KAPAG HINAYAAN SA KAMAY NG MGA KAWA-TAN AT GANID SA KAPANGYARIHAN?
Tunay ngang malaki na ang iniunlad at iginanda ng ating lalawigan matapos ang ilang taon. Hindi ito maikakaila dahil kitang kita naman ang bunga ng pagsisikap ng ating kasalukuyang administrasyon.
Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, nagsilabasan na naman ang mga pulitikong nasusulyapan lamang ng taumbayan sa ganitong panahon.
Mga pulitikong lilitaw lamang sa panahon ng kampanyahan at kapag nakuha na ang minimithing posisyon, bigla na lamang maglalaho.
Asan nga ba kayo noong kasagsagan ng pandemya dito sa ating lalawigan? Sarap buhay? Nagpapayaman gamit ang kaban ng bayan? Ang ilan eh hinarang pa ang badyet na nakalaan para sa taumbayan... talaga naman!
Mayroon pa ngang pangyayari na nagpaulan ng milyun milyong pera ang asawa ng isang pulitiko -- oh, teka, saan galing ang perang ipinaagaw n'yo sa mga tao? Mukhang hindi n'yo pinaghirapan ang perang 'yan, kaya ganon na lang kung maisaboy n'yo. Huling huli na, itinatanggi pa!
Malamang babawiin nila ito sa taumbayan kung sakaling maluklok sila sa pwestong kanilang tinatakbuhan. Gigipitin nila ang bawat mamamayan sa ating lalawigan -- iyan ang totoo!
Kapag ganito ang naging kalakaran, siguradong babagsak ang ating lalawigan. Hahayaan n'yo bang mangyari ito? Hahayaan n'yo bang maghari ang kasakiman, korapsyon at mga kawa-TAN sa ating lalawigan?
Maging matalino sa pagboto. Huwag magpapa-uto sa mga korap at gahaman sa kapangyarihan. Huwag magpapaloko sa mga kawa-TAN!
TULONG PINANSYAL, IPINAMAHAGI SA MAMAMAYAN NG CANDELARIA
Tinatayang nasa 1,300 benepisyaryo ng programang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) sa Candelaria, Quezon ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon nitong nagdaang Marso 1, 2022.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Candelaria sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon.
Sa pamamagitan naman ng Zoom, nagpaabot ng mensahe si Gob. Danilo E. Suarez para sa lahat ng nakiisa sa nasabing programa.
CONGW. HELEN TAN AT KANIYANG ASAWA, KINASUHAN NA NG MAKATI RTC
Sinampahan na ni Lopez Coun. Arkie Yulde ng kasong serious illegal detention ang mag-asawang sina Congw. Helen Tan at asawa nitong si DPWH Region 1 Dir. Ronnel Tan pati na rin si Jaime Aquino, dating news correspondent ng The Manila Times.
Ito ay matapos ang ginawang paninira ni Aquino laban kay Kons. Yulde na siyang naging mitsa ng pagkakulong nito sa loob ng 5 buwan.
Ipinag-utos umano ng mag-asawang Tan na sirain ang reputasyon ni Yulde sa pamamagitan ng pagsasampa ng pekeng kaso sa kaniyang matinik na kritiko kapalit ang 3-milyong piso.
Matapang itong isiniwalat ng anak ni Aquino na si Jestine Aquino kung saan kaniyang inihayag na sina Tan ang mastermind sa pagpapakalat ng maling impormasyon at pekeng kasong isinampas kay Kons. Yulde
“Nakipagkita, nakipag-usap sa iba’t ibang lugar sa San Fernando, La Union, sa Makati, sa isang mall… Nakipag-usap po kami kay Region 1 DPWH Engr. Ronnel Tan at kay Congresswoman Angelita “Helen” Tan,” pagsisiwalat ni Jestine.
“Sinabi po ni Engr. Ronnel Tan kay Congresswoman Helen Tan ‘may P3 million ka ba dyan?’ sabi ni Congresswoman Helen Tan ‘mayroon’ at sumenyas sa kanyang mga body guard at maya-maya nandyan na ‘yung bag na may laman na mga bundle ng isang libo na halagang P3 milyon. Pinadala ito ng aking ama sa sasakyan,” dagdag pa nito.
Kamakailan lamang ay tuluyan nang nakalaya sa bilangguan si Kons. Yulde matapos mapatunayang wala itong kasalanan at dahil na rin sa kakulangan ng ebidensya.
Walang wala na sig**ong magawa ang mag-asawang ito bukod sa manira? Tyaka saan galing ang 3-Milyon n'yo?
AICS PAYOUT NG MGA LUCENAHIN, IPINAMAHAGI NA
Ipinamahagi na ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gov. Danilo E. Suarez ang tulong pinansyal mula sa programang AICS o Aid to Individual in Crisis Situation sa mahigit 2,000 residente ng Lucena City nitong nagdaang Marso 4, 2022.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Ama ng Lalawigan sa DSWD dahil sa patuloy nitong pagtugon at pagsuporta sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Nakiisa sa pamamahagi ng ayuda sina Bokal Yna Liwanag at dating PCSO director Betty Nantes.
KON. YULDE, HINDI DAPAT NAKULONG; BIKTIMA RIN NG PEKENG KASO
Ipinagdiinan ng kampo ni Arkie Yulde, isang konsehal sa lalawigan ng Quezon, na hindi dapat ito nakulong sa loob ng limang buwan dahil peke at pawang paninira lamang ang isinampang kaso laban sa konsehal.
“Hindi ko alam kung papaano ko makakamit ang katarungan. Ako po ay kumapit na lamang sa panalangin sa Diyos na sana po igiya niya ko papunta po sa kalayaan at makamtan ang hustisya,” pahayag ng konsehal.
Ayon din kay Yulde, hindi umano matatawaran ang kahihiyan at paninirang idinulot nito sa kaniyang buong pamilya.
“Ang kinamatay po ng tatay ko ay atake sa puso habang nag-iisip kung papaano po kami makakabuwelta sa paninira pong ginawa sa akin, sa pangalan po ng aking pamilya,” dagdag pa ni Yulde.
Kamakailan lamang ay nakalaya ang konsehal matapos magpakita ng mga karampatang ebidensya ang kaniyang abogado dahilan upang ma-dismiss ang tatlong 'pekeng' kasong isinampa laban sa kaniya.
Si Yulde ay kilalang kritiko ng isang pulitiko sa lalawigan ng Quezon - at iyon ay si Congw. Helen Tan.
Si Tan din ang itinuturong nagpakalat umano ng mga pekeng balita laban sa kaniyang kritiko kung saan binayaran umano nito ang isang news correspondent upang magsulat ng mga mapanirang balitang tungkol kay Yulde.
IKA-APAT NG ROUND NG BAYANIHAN, BAKUNAHAN, ISASAGAWA NGAYONG MARSO
Nakatakdang maglunsad muli ng malawakang bakunahan o National Vaccination Day ang Department of Health (DOH) ngayong darating na ika-7 ng Marso, 2022.
“Initial na proposal week ng March 7. Gusto kasi ng ating mga principal, lalong lalo na si (DILG) Secretary [Eduardo] Año, na mas mapaaga ang paggawa ng bakunahan para ma-reach ang ating mga senior at saka ang mga hindi pa nabakunahan,” saad ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Health Undersecretary Myrna Cabotaje.
Isa sa iniiwasan umano ng pamahalaan ang mapagaya ang ating bansa sa Hong Kong kung saan kasalukuyang nakakaranas ng outbreak ng COVID-19 kung kaya tuloy tuloy ang kanilang kampanya na mabakunahan ang nakakaraming Pilipino.
Ayon sa kalihim ng DOH na si Sec. Francisco Duque III, prayoridad nilang mabakunahan ang mga senior citizens at menor de edad ngayong Bayanihan, Bakunahan 4.
MAGSASAKA NG PALAY SA MAUBAN, TUMANGGAP NG AYUDA MULA SA DA
Tinatayang nasa 429 na magsasaka ng palay mula sa Mauban, Quezon ang nakatanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) Regional Field Office IV-A sa pamamagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon nitong nagdaang Pebrero 25, 2022.
Pinangunahan nina KALIPI-Quezon President Atty. Joanna Suarez, Cong. Mark Enverga, Mauban Mayor Marita Llamas, APCO Quezon Rep. Irish Hernandez at Jerome Puebla ng DA.
Ang nasabing ayuda ay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund Rice Farmers Financial Assistance ng Department of Agriculture na naglalayong magbigay ng tulong sa mga magsasaka ng palay sa lalawigan.
Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina Vice Mayor Maribel Trinidad, Mun. Agriculturist Werner Decena, USSC Rep. Jennifer Paleon, Yayin Villaseñor at Ferlou Llamas.
SERBISYONG SUAREZ SCHOLARS SA GUINAYANGAN, NABIYAYAAN NG EDUCATIONAL ASSISTANCE
Namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon ng education assistance para sa 47 mag-aaral ng Guinayangan College Foundation nitong nagdaang Pebrero 25, 2022.
Sa panamagitan ng online conference, nakiisa ang mahal na Gubernador ng lalawigan Gob. Danilo E. Suarez sa nasabing aktibidad kung saan masaya niyang binati ang mga mag-aaral at hinimok niyang mas lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Personal namang dumalo sa pamamahagi ng tulong pinansyal sina BM Dhoray Tan at dating PCSO dir. Betty Nantes.
Ganito ang mangyayari kapag binangga mo ang pamilya Tan
Naaalala niyo ba si Arkie Yulde? Ang hinuling councilor ng Quezon na nakasuhan ng pagdukot at panggagahasa o r**e sa isang 18-anyos na babae noong Sept. 2021?
Nakalaya na siya. Matapos ang limang buwang pagkakakulong, dahil wala namang naipakitang complainant ang korte. Walang ebidensya. Walang kahit ano.
Sa panahong ito, namatay ang mga magulang ni Yulde sa depresyon at sama ng loob. At nasayang ang kalahating taon ng buhay ng isang inosenteng tao.
Ano ang nangyari?
Nagsimula ang lahat noon pang Oktubre 2020, nang maghain ng reklamo si Yulde ukol sa pamumudmod ni Ronnel Tan ng milyones sa birthday nito.
Ayon sa ulat, higit kumulang dalawa hanggang tatlong milyong piso (2-3 million) ang pinamigay ni Tan para pag-agawan ng kanyang mga bisita sa naturang okasyon.
Bilang isang opisyal ng DPWH, ang asawa ng Kongresistang si Helen Tan (Ikaapat na Distrito) ay lumabag ng Republic Act No. 6713 o Code of Conduct ng mga pampublikong opisyal.
Matapos ang Pasko, ayun na, naglabasan na ang mga gawa-gawang kaso tungkol kay Yulde.
Dinampot si Yulde sa Pangasinan sa kaso ng kidnapping at r**e, at masasabing kinulong sa walang katuturang paratang.
At ayun nga, gumuho na ang buhay ni Yulde matapos nito. Nagkasakit dahil sa sama ng loob ang magulang nito, namatay, at nasira ang pamilya ni Yulde.
Kamakailan, nakalaya na rin si Yulde, matapos ang pagkatanggal sa puwesto sa dyaryo ng isang Jaime Aquino, na nagmistulang bayaran ng pamilya Tan.
Hindi lang pala si Yulde ang tinirador nito, marami pang iba sa iba’t-ibang probinsya, tulad nina Eastern Samar Governor Ben Evardone at Sec. Raul Lambino ng Cagayan Economic Zone Authority.
Yan ang mangyayari kapag binangga mo ang pamilya Tan.
Ang isang huwarang lingkod-bayan tulad ni Yulde, nasira ang buhay dahil ginawa niya ang tama. Dahil inaksyunan niya ang kaniyang paninindigan at prinsipyo.
Ganyan ang pamilya Tan. Gagawin nila lahat ng makakaya nila para manatili sa pwesto at pabagsakin ang sinumang humarang o pumigil sa mga gawain nila.
Kung nakaya nilang gawin yan sa isang konsehal, paano na lang ang mga katulad nating pangkaraniwang mamamayan?
BOND PAPER AT PRINTER, KALOOB NG SERBISYONG SUAREZ SA MGA G**O SA LUNGSOD NG LUCENA
Isinagawa nitong nagdaang Lunes, Pebrero 21, 2022, ang turn-over ng mga bond paper at printer sa mga g**o mula sa Lucena City National High School sa pangunguna ni Gov. Danilo E. Suarez.
Ayon kay Gov. Suarez, ang nasabing programang ay mula sa inisyatibo ni 2nd District Cong. David "Jayjay" Suarez.
Sa kaparehong araw, ipinagkaloob din ng gubernador ang tulong na kailangan ng mga g**o upang makapagpatayo ng hand washing station sa kanilang paaralan.
Nakiisa naman isinagawang turn-over ceremony sina LCNHS School Head Dr. Lorelie Jasul at GPTA President Sharon Abejo.
OSPITAL NG PAMILYA TAN SA GUMACA, DAPAT IMBESTIGAHAN
Umalma ang ilang netizen sa patuloy na pagmamay-ari ng pamilya ni Quezon 4th District Representative Congresswoman Helen Tan sa RAKKK Prophet Medical Center sa Gumaca. Walang delicadeza di umano ang patuloy na kumikitang kabuhayan ng kongresista sa panahon ng pandemya, dahil sa mga nagmamahalang swab test, gamot, at iba pang sinisingil ng ospital sa mga nadadapuan ng Covid-19 at iba pang pasyente.
Matagal ng nagtataka ang mga tao kung saan napunta ang 12 million pesos na inilaan ng PhilHealth sa RAKKK na pag-aari ng pamilya. Imbis na maramdaman ng taumbayan ang karagdagan tulong sa panahon ng pandemya, wala naman daw nagbago, at patuloy pa rin ang mahal na singil para sa mga gamot at serbisyo.
Matagal nang nasa posisyon itong si Helen Tan bilang congresswoman at ngayon tumatakbo pa ulit bilang governor, kaya nangangamba at natatakot na ang publiko pag ito ay nagpatuloy at mahalal sa mas mataas na pwesto, gawa ng imbis dumami ang PAMPUBLIKONG ospital ng Quezon ay sa halip baka dumami pa lalo ang mga pribadong pasilidad na pag-aari ng pamilya.
Kaya nagmistulang SCAMDEMIC, yan ang bansag ng ilan sa mga nangyayari ngayon. Dahil imbis na maging solusyon ang mga ospital na ito sa pandemya ay ginamit pa ng mayayamang politiko upang maging oportunidad para kumita.
Ano na, Quezon? Kaya pa?
PAMAMAHAGI NG 18 SENTINNEL PIGS, ISINAGAWA
Nitong nagdaang Pebrero 17, 2022, namahagi ng labingwalong (18) sentinnel pigs ang pamahalaang panlungsod ng Tayabas sa siyam (9) na benepisyaryo ng programang pang-agrikulturang kanilang inilunsad kamakailan.
Ang bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-iisang pares ng lalaki at babaeng biik upang kanilang maalagaan at maparami.
Naging posible ang nasabing programa sa pamamagitan ng inisyatibo ni City Agriculture's Office sa pamumuno ni Rommel Abuyan at ng punong bayan ng Tayabas na si Mayor Ernida Agpi-Reyroso.
1, 667 MAGSASAKA SA INFANTA, PINAGKALOOBAN NG TULONG PINANSYAL MULA SA DA
Namahagi ng tulong pinansyal ang Department of Agriculture sa 1,667 magsasaka mula sa bayan ng Infanta nitong nagdaang Lunes, ika-22 ng Pebrero, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina KALIPI Quezon Pres. Atty. Joanna C. Suarez, Cong. Mark Enverga at Agriculture Program Coordinating Officer (APCO) Rolando Cuasay.
Layunin ng Rice Farmers Financial Assistance program na DA na makapagbigay ng suporta sa mga magsasaka ng palay upang gawing mas produktibo ang kanilang pagtatrabaho at magkaroon ng mas masaganang mga ani.
PURO FAKE NEWS AT PANINIRA ANG ALAM; AQUINO, NILIGWAK NG NPC
Kawawang Aquino, tinanggal na ng mga kagrupo! Mga kababayan, kilala n'yo ba si Jaime Aquino? Siya nga po pala ang nasa likod ng mga pekeng survey kung saan "leading" kuno si Doktora Helen Tan sa karera ng pagka-gubernador ng lalawigan at ang pasimuno sa pagpapakalat ng maling balita tungkol kay Lopez Councilor Arkie Manuel Yulde nitong nakaraang taon.
Bukod sa pagpapakalat ng mga pekeng survey at maling balita tungkol sa mga pulitiko sa Quezon, hindi rin nakaligtas sa tinik ni Aquino si CEZA Admin Raul Lambino gayundin ang asawa nitong si Mangaldan Mayor Marnilyn Lambino.
Kung kaya naman tuluyan nang tinanggal ng National Press Club of Philippines (NPC) bilang kanilang miyembro si Aquino na dating provincial correspondent ng Manila Times sa probinsya ng Pangasinan dahil sa paglabag nito umano sa Journalist Code of Ethics.
Malinaw naman na nilabag ito ni Aquino! Lahat ng paninira ay gagawin mapa-bango lamang ang kaniyang sinusuportahang kandidato!
At mukhang may malaking tao sa likod ng lahat ng ito. Mukhang maganda ang bigayan kaya naman wagas kung makapanira at makapagpalaganap ng fake news laban sa kapwa.
Tunay at natural na may pagmamanahan. Kilala n'yo na ba kung sino ang "malaking" tao na ito? Bistado na ang mga baho n'yo!