PAGSASANAYsay: Random Essay and Articles

PAGSASANAYsay: Random Essay and Articles

I write mainly to spread awareness, to create inspiration and start a movement. This page, is made t

23/06/2021

SIGNIFICANCE OF LEARNING HISTORY

History has always been dubbed as a repeating process. It is because, according to George Santayana, "Those that do not learn history are doomed to repeat it." Certainly enough, our history tells us stories of victory, defeat, coloniality, freedom and achievements. It tells us what our ancestors had made right or wrong through the consequences of their decisions. Thus, we can also utilize it for the improvement of ourselves.

Learning history is not just learning a jumble of long dead names of people and long gone dates of events. It can teach me a lot more things other than that. First, it helps me to understand things and concepts better. It contributed to how I look at things-in my own worldview. It teaches me how things became what they are today. Secondly, history serves as an inspiration. For instance, we appreciate the freedom that we are experiecing right now better because we knew how our heroes fought for it.

Third, it helps me to decide better. People always say that we must take a lesson from the mistakes that we have done. But it must be better to say that we must take a lesson from the mistakes of other people through our history. Lastly, it encourages me to become a better citizen of our country. It makes me aware of some of the important things to help our country to progress. For example, it made me understand how democracy is important in every nation. Consequently, it taught me how suffrage or election is crucial in our democracy. Good citizens are informed citizens indeed.

Our history is not just a collection of the legendary stories of our past. It changed a lot of things along the way. It became a part of our present. It made us who we are today. And it has the power to change everything in our future too. It can help us to improve everything that will just gonna happen. It can tell who we will gonna be.

04/09/2020

Ang ika-257 na taung pag-alaala sa kamatayan ng dakilang Filipina, Gabriela Silang

Nang ipapatay ang kanyang asawa na si Diego Silang, ang lider ng Rebelyon sa Ilocos laban sa mga Kastila. S’ya na ang namuno sa pulutong na naiwan ng kanyang asawa upang lumaban sa giyerang kanilang nasimulan, dala ang itak at kabayo sumugod ito sa Abra at pinagtataga ang mga kalaban.

Pauwi na mula sa Vigan, ng ma-ambush ang grupo ni Silang, bagamat nakatakas, agad din itong nadakip at binitay sa plaza ng syudad. Ang nagawang kabayanihan at pagmamahal nito sa bayan at kalayaan ang isa sa naging inspirasyon upang mag-alsa ang iba pang bayan sa Pilipinas. “ Hindi kaylan man dapat maghari ang dayuhan sa ating sariling inang-bayan, ‘wag tayong maging mang-mang habang-buhay“ Aniya, bago ito ibitin.

135 na taon na ang lumipas mula ng mamatay si Silang ng makamit ng bansa ang kalayaan mula sa mga espanyol noong taong 1898. Isang babae, Isang bayani, Isa sa pinakamayamang babae ng kanyang panahon ngunit mas piniling madungisan at mabahiran ng dugo alang-alang sa paglaban sa bayan at nasyonalismong nasimulan.

02/09/2020

OPINION

Let's take back the country from the corrupt, incompetent and morally-depraved. Maningil tayo!

29/08/2020

RANDOM

OLDEST LIVING/DECEASED PRESIDENTS OF THE PHILIPPINES

1. Emilio Aguinaldo†, 94
2. Fidel Ramos, 92
3. Diosdado Macapagal†, 86
4. Joseph Estrada, 83
5. Sergio Osmeña†, 83
6. Corazon Aquino†,76
7. Rodrigo Duterte, 75
8. Carlos Garcia†, 74
9. Gloria Arroyo, 73
10. Ferdinand Marcos†, 72
11. Jose Laurel†,68
12. Manuel Quezon†,65
13. Elpidio Quirino†,65
14. Benigno Aquino, 60
15. Manuel Roxas†, 56
16. Ramon Magsaysay†, 49

29/08/2020

Pirma Kapamilya Campaign nilunsad ngayon araw.

Ayon sa ABS-CBN ito ang kanilang hakbang o STEP upang muling magbukas at maibalik sa ere ang ABS-CBN.

1. Draft the Petition
2. Gather Signatures (7 million registered voter)
3. Filing a petition and the 7 million signatures to the COMELEC
4. COMELEC will verify all the signatures
5. COMELEC will conduct referendum
6. COMELEC will certify the results
7. The Law will be published
8. Then, will become effective

Sa sinasabing ito ng ABS-CBN, kinakailangan nila ng atleast 6.1 million na signatures o 10% sa kabuuang 61 million rehistradong botante na naitala noong 2019. Ginawa nila itong 7 million target lagpas sa kanilang ini-expect.

Ayon sa kanila, once na maging batas ito, may karapatan na daw ang ABS-CBN na umere, hindi na ito daw mapapakealaman pa ng kongreso o ng Presidente.

Ang ‘Pirma Kapamilya’ ay initiative ng isang attorney na nagngangalang Third Bargo. Ayon sa abugadong ito, panahon na para gamitin ang tinatawag nyang ‘Peoples Initiatives’ na binigay daw sa taumbayan na nasa konstitusyon natin na karapatan na makapagpasa ng isang batas.

Pipirma kaba dito?

29/08/2020

OPINYON:
Pilipino ka, pero parang hindi na?

Punta ka sa trending section ng YouTube, at pagmasdan itong mabuti. Malamang napansin mo na may isang laging nasa Top 10 nito, at napatawa ka na lang, dahil normal na ito ngayon. Naninirahan ka lang naman sa panahong K-pop ang hari ng music genre sa buong mundo. Pero naisip mo, Pilipino ka pala.

Bakit hindi? Hindi maikakailang nakaka-addict talaga ito! Sa walang kapintasang vocals ng mga singers nito, hanggang sa bonggang choreography na ginawan pa ng music video na talagang hindi kinulang sa production na naging sanhi ng magandang visuls, cinematography at effects. Not to add na napakapogi at napakaganda ng mga singer na nagsasama upang maging boy group at girl group, ano pang hihilingin mo, may nanalo na!

To think na dahil sa pagka-addict ng ating mga kababayan, naisipan na rin nating i-adapt sa sarili nating kultura, and here goes, the P-pop! Hindi ko alam kung Pilipino parin ba ang nasa mga P-pop na ang kinalabasan lang naman ay paggagaya natin sa K-pop ng Korea! Mula sa style ng kanta, ng mga suot nila, ng buhok nila, ng production at over-all na kinalabasan, wala kang mababahidan na pagka-Pilipino kundi ang mangilan-ngilang verse na tagalog ang ginamit sa pag-sulat ng kanta. Iba ka, Pilipinas!

Dito na pumapasok ang isyu ng pagkawala ng ating national identity. Ipapaalala't ipapaalala sa iyo ng lahat ng self-claimed na 'makabayang' Pilipino na Pilipino ka, at kailanman ay hindi ka magiging Koreano! Mahahahalungkat ang iyong pagkatao at mapapaisip ka sa iyong mga gawi at mapapaisip ka, "Tama pa ba to?" O baka hindi yan ang naisip mo na, "Sana ipinanganak nalang ako sa Korea!"

Ang sa akin lang, sa huli, ilang tanong lang iiwan ko sa iyo, sa panahon ng pangangailan at pagsubok ng ating Inang Bayan, gaano ka ka proud na ipagsigawan na Pilipino ka? Masasabi mo pa bang kaya mong mamamatay para sa kaniya (Pilipinas) ? Sa sariling pananaw at pag-iisip mo lang malalaman kung Pilipino ka pa ba.

Website