Sawakas.

Sawakas.

A collection of random thoughts.

Profile pictures 23/12/2022

"Downstage" is one of the terms used in theater to refer to the cast's positioning on stage. "To go downstage" means to go nearer the audience.

We at Project Downstage believe it is about high time we pedestal locally produced films to a higher standard and recognition. What's the best way to do that? Bring the goods of the land "downstage" or nearer to the masses!

Join us by engaging on this page as we embark on a journey of shedding more light on the talent and creativity that keep the Philippine Film Industry alive.

14/09/2020

Emotions are subjective. They are your own truth.
We have the right to feel; not to be controlled by our emotions, but to be heard by them.

;

#Ponder 12/08/2020

Even though unfortunate situations seem to last forever when we are experiencing them, they are just momentary so keep going for there's victory that lies not on the light you witness at the end of the tunnel but on the courage and strength it took you to endure the dark journey.

05/08/2020

Broken crayons still color?
Just like broken crayons, we tend to feel useless to God because of the mistakes we have made or the things that have been done to us. We think God would rather have someone else to do His work. Someone with less brokenness and baggage. Someone with lesser flaws, someone who has it all together.
However, the truth is, we all have brokenness in our lives. No one has a perfect story.

The enemy in our minds always put the spotlight on this brokenness eventually giving us that feeling of shame and guilt. It would often tell us we are worthless and could no longer be useful for God’s Kingdom. But God, being an Artist Himself, just like broken crayons will always be able to use our brokenness to create something beautiful – A MASTERPIECE.
Many times, what we see as our biggest mistakes and failures can become what God uses the most.

Broken crayons still color?
YES! BROKEN CRAYONS STILL COLOR.

18/05/2020

Balang araw kaibigan, matitikman mo rin ang tamis ng bagong umaga.
--
At sa pagusbong ng unang tangkay ng pag-asa,
Umaasa akong maririnig ulit kitang tumawa.

📷: Angellou

;

15/05/2020

Mapa talent man yan o hobby, o di kaya'y long term or short term goal, hangga't ikauunlad at ikabubuti mo huwag mong subukan kapatid!

13/04/2020
31/03/2020

"Hamon Ni Abril / Hamon Ko Kay Abril"

Ika-siyamnapu't dalawang araw ng taon,
'Di birong mga surpresa ang dala ng kahapon,
Ngunit Abril, ikaw ay isang pagkakataon.
Hindi upang malugmok at sumuko sa hamon,
Kundi upang mula rito'y, kami'y muling bumangon.

Abril, ikaw ay isang panibagong simula.
Batid kong hindi mawawala ang pangamba,
'Di rin madaling maibsan ang pagkabahala,
Kung anuman ang iyong dala, wala akong ideya,
Ngunit natitiyak kong ang lahat ay ayon sa plano Niya.

Bahagi na ng kahit anong istorya ang problema,
Ang higit na mahalaga ay ang aral na makukuha,
Ika-apat ka pa lang sa labindalawang kabanata,
Ngunit hindi mo maipipinta ang takot sa 'king mata,
Sapagkat ang tiwala ko'y inilagak ko na sa Kaniya.

Abril, huwag na tayong maglokohan pa,
Wala na ang dating nanlulupaypay at mahina,
Pinalakas na siya ng Dakilang Maylikha,
Tapos na ang kaniyang pagdududa,
Kaya Abril, ano? Kaya pa?

;

28/03/2020

TUGMA

Sumusubok akong sumulat ng tula,
'Di alam kung paano magsisimula,
Hinahanap ang mga tamang salita,
Pilit na ginigising ang tulog na mga tugma,
Nagbabakasakaling makabuo ng isang ideya.

Nababalot na ang mundo ng pangamba,
Ang mga tao ay di-magkandaugaga,
Takot na walang maihain sa lamesa.
Ang hirap sumulat ng isang tula
Sa mga panahong ang tanging paksa
Ng balita'y pagpanaw ng kapamilya.

Isang libo, dalawang libo, tatlong libo
Maraming namamatay sa bawat segundo,
Tila naubusan na ng inspirasyon ang puso,
Nagtatanong kung saan na ito patungo

Ito ang mga panahon na madaling makita ang negatibo,
Mga panahon na kapuna-puna ang mali ng mga nasa gobyerno,
Mga panahon na kapansin-pansin ang kapalpakan ng tao,
Mga panahon na maugong ang mga reklamo.

Ngunit sa kabila ng matinding krisis na ito,
Ito rin ay mga panahon na dapat nagkakaisa ang mga Pilipino.
Mga panahon hindi ng pagtatalo,
Kundi panahon ng pagdadasal para sa kagalingan ng buong mundo.

Hindi man natin matakpan ang tenga
Nang wala itong marinig na masamang balita,
Maniwala, magtiwala, kumapit sa pananampalataya,
Dahil walang sakit ang mas malakas sa nagkakaisang bansa
At tulad ng mga tugma, muling sisibol ang pag-asa.

28/03/2020

Good morning🥰😊💕

24/03/2020

kamusta ilang okasyon na ang lumipas 😦
ilang delubyo na ang dinanas😓
ilang pagsubok na ang kinakaharap😢

pero letche ikaw padin ang nasa isipan 😏

ngunit maari ba akong humiling..?🥺

sana'y iyong pagbigyan dahil
ngayon lang ulit ako dadaan😅

maari ba tayong maglaro.. 😇

kahit mga pambata lang 😔

ipapangako ko at ibaon ko pa sa bato hindi na ako mahuhulog sa iyo ☹️

teka pano ba ...
sig**o tagu taguan ?
ikaw ang magtatago
at ako yung taya 😯

hahanapin ko kayo habang kayo ay lumuluha at sa isa't isa ay tumataya 😢

at sasabihin ng luha ko

TAYA !!!!🤕

masyado bang pangbata ?😪

Teka dun tayo sa hindi masasaktan
truth or dare 😐

dare ? 😯
kakayanin ko bang maghintay ng napakatagal kailangan mo lang ng pansariling orasan

oo walang problema hanggang kailan ?🙂

hanggang sa mga oras na kayo na pala ?
mga oras na naghihintay ako sa tawag at pag online mo 😓

samantalang kayo nandoon? saan?😐

sa tila halos dikit na ang mukha ninyo ?
may rosas pa kamay mo 😓

ansarap mambato !
tara batuhan tao ... 🙃

laro pa ? tara dito ako sasaya dito kami nagkakasundo ng aking mga luha

na sa bawat mga akto mong hindi nakakatuwa😞

mga akto mong tila bakit ako lagi ang maysala 😞

bakit pa ba ako humahawak sa lubid na ating binuo inalay lahat pati ang pusong buong buo 🙁

sig**o sa larong ginusto ko sana hindi nlang ako ang naging taya

dahil sa pagkakaalala ko

ika'y aking minahal lalo na sa pagiging matapang mo 💪🏻

di ko namalayan yan din pala dahilan ng pagbasak ng aking mundo 🙂

salamat sa larong ito 🙂

10/03/2020

Stay safe everyone ❤💕

20/01/2020

Nahulog ako sa iyong bangin
Nabilog ako sa kasinungalingang ika’y pwedeng maging akin
Nabihag ako sa mga malagkit mong tingin
Ngunit lubos akong nasaktan nung saki’y iyong sambitin
Na lahat ng kilig ay wala naman palang ibig sabihin

;

01/21/20


-abangan

30/12/2019

[Reverse Piece]

Wala ng pag-asa
alisin ang paniniwala na
kailangan mong kumapit at
kailangan mong maging matatag
upang makamtan ang ginhawa

Mag-isip ka nang mabuti. Sapagkat
paulit-ulit lang na mabibigo
kapag pinagpatuloy ang gusto
Malaking kalokohan na
mayroon pang pagkakataon.

Huminto ka na lang. Dahil
hindi nararapat na
ipagpatuloy mo ang sinimulan
wag ka ng magdalawang-isip
wala ka ng matatakbuhan

Walang katotohanan na
totoo yung Diyos na sa lahat ay lumikha.
pakiusap maniwala ka, na
iniisahan lang tayo nitong mundo
nagkakamali ka na
kakayanin mo pang magpatuloy

(Ngayon, basahin mo paitaas)

***
Wala Ng Pag-asa
-Israel Marquez
;

12/30/19

29/12/2019

Bakit andaling mag bago kapag hindi muna gusto😢

Mag sisimula nanaman ako sa isang pusong gustong magwala

magsisimula nanaman ang damdaming hindi mapakali at gustong mawala

Ngunit ito may tatanong lang ako

kailan ba paulit ulit sinabi sainyo
na ang tingin nila siya ay para sayo ?

ilang ulit na bang tinanong kung kailan na ang kasalan nito ?

mga atat maging ninang at ninong
pero.. pagdating sa pasko bente ang regalo😅

ansaya saya ng mundo
ansaya saya 💕
tingin ko akoy sayong sayo

ansaya sig**o balikbalikan mga panahong
iisa ang ating mundo😊

pero teka pipigilan ko na
sasabihin ko
sandali at ito na

ito ay isang storya ng aking kadugo

naalala ko pa noon na tila kilo kilometro ang layo mo sinusundan ko pa ang bawat yapak at lakad mo 😇

at pagdating naten sa dulo hihinto ako
mag hihintay na yakapin at
salubungin sabay hawak sa kamay ko ng bawat palad mo 💓

kasabay ang walong bulaklak na dala dala
sapagkat
teka maghihiwalay nanaman tayo 😞

Naalala ko pa nung unang kita ko sayo nagka salisi pa tayo sa kitaan na ating tinuro😅

sa huli na tila napipi ka na ata ,bigla biglaang inabot ang kamay mo diko malaman kung ano ang iyong gusto😯

ngunit ito si loko binigay ko ang kamay ko
na tila ayaw ko ng bitawan ang kamay mo 😂

Dahil aalis ka nanaman mamimiss ka nanaman
😞
ngunit akoy nagulat
may dala kang baunan 😯

palaisipan
ngunit gusto mo'y baon na yakap at hawak sa kamay
akoy namangha at sinabing mahal,
mahal na mahal kita💕

san ka nanamn kasi pupunta habang pinupunas ang luha mo ayaw mong mawala

ang salitang TAYO 💕

Ansakit sakit pa nung tayo'y nagkatalikuran
sadyang pigil ko ang aking luha ayaw ko ng makita ang isang ikaw na ayaw mawala ang isang ako dahil mababaliw ako sa isang katulad mo 😕

san ka kasi pupunta mahal ang huli kong masasabi

mahal, uulit ulitin ko san ka manggagaling 😞

paggising sa umaga wala. ka na 😕💔
kita sa bawat boses na nakukuha ng isang makata😢

bigla ako nawalan ng saysay sa buhay mo gusto balikan ang lahat,
halina magsimula tayo 🙏

ngunit hindi ata kakayanin sa sakit na tagos sa puso💔

nag titiwala ako na hindi ka katulad ng ibang babae na pinagpapalit ang kung sino sino 😞

kahit na ansakit sa pusong taggapin ang ganto
ito'y pinilit
ko 💔

halina mahal maglakad tayo kilokilo metro
at sa dulo hihinto ako
maghihintay sa yapos mo
ngunit pagkakataong ito
pinatalikod mo ako
natagalan man ito
oo akoy naghintay😢 ngunit
sa pagharap ko

iba na ang kasama mo 💔😥

Bakit andali mag laho kapag hindi siya para sayo💔

27/12/2019

Kailan ba sasapat ang tama na
Hanggang kailan ka aasa
Hanggang kailan ka magmamakaawa
Kung alam mong masaya na siya sa iba...

Oo, hindi talo ang magseryoso
Ngunit hindi din lahat ng hinala ay totoo
Oo, hindi talo ang magseryoso
Ngunit hindi lahat ng tao marapat na ipaglaban mo

May mga bagay na talagang malabo,
Nagbibigay motibo kahit wala naman talagang kayo.
Oo, hindi talo ang magseryoso
Pero sino bang nagsabing mali ang sumuko?

Masakit mang isipin ngunit ito’y tunay at totoo
Na minsan kung sino pa iyong taong sati’y bumuo
Di kalauna’y magiging rason upang tayo’y sumuko
Sumuko, kalimutan ang dating “ikaw at ako”

“May hangganan ang paghihintay,
Hindi ka dapat umasa ng habang buhay...”

Isang paalalang hindi nakataga sa bato
Ngunit marapat lang na isaulo...

PAGSUKO
-Israel Marquez
;


12/28/19

26/12/2019

Keep going kapatid!

Our story may be tiring for some time but I know that if you were able to be where you are, you could also be able to go through it. And one day your story will also be a surviving guide for others who are struggling.

;

25/12/2019

Goodevening Everyone
Merry Christmas!! 💗

24/12/2019

Sending our thoughts to everyone!

Merry Christmas to every journalist and broadcasters who were busy with the left and rIght reports of Christmas countdowns, to every 7/11 crew who partied inside their stores, to the teachers who are still on their lesson plans, to the call center agents who welcomed Christmas on their cubicles, to the nurses and doctors who were celebrating at the emergency room, delivery room, operating room, and in every corners of our hospitals. To every Filipinos around the world working to have their families a noche buena, to every students who were still bombarded with school requirements, to every daddy and mommy , Lolo and Lola, Tito and Tita who brighten up this night, and to everyone who could read this, regardless of traditions, belief, or culture, we wish that the peace that transcends all understanding and the love that we all deserved be with you and your family.
Happy Holidays!

Love,
Sawakas;

12/25/19

23/12/2019

Titration
A spoken poetry
-Israel Marquez-

I, haven’t known pain ‘til I’ve seen truthfully what’s dim
Dim, a colour to me when I am left all alone. Not black or blue.
It’s all because I am left with no clue. I, started to walk in dark
, trying to trace this arc. Making and trying to feel on ease
Even when I know I’m with no peace.

Discovering spotlights but they only give me fights.
Asking them to lead me on my goal, but it wasn’t my true call.
In search, I’ve tried all the lanes but they all give me pains.
Lost, I made myself found that I am so down.

Crying, anticipating mercy yet to them, I’m not worth carrying.
In pursuit to search what is not found, I decided to stop fighting.
Help, I became bold and ask for help.
Cold, I was frozen to soul even when I wasn’t told.

I dig deep just for that unknown to seek but I fold.
I wanted the best but can’t pass the test.
Then, I got to see the light, now I’m at ease.
I am such a mess but God is my rest.

The ONE was there for me all along.
All along, I was chased by HIM to be belong.
I’ve been in search for something that I’ve been with, all along.
Now, I understand that I was never actually alone.

I came to know that my history is a beautiful story
‘Coz I am bought with a price and the truth have come, there’ll be no more lies.
There’ll be no more beautiful love than the love that sheds blood,
An eyes that sees you because He is your Dad.

12/24/19

23/12/2019

Ang paaran kung paanong lapis
Ang naging daan sa mabatong angkan

“ANG LAPIS SA PANGARAP”
- Nathan Macato-

Maari bang bumalik sa ating nakaraan?
Oo, nakaraan na naman, paulit-ulit na gustong balikan

Ang wari ko na ang mga panahong tinatawag pa tayo ng ating g**o,
Upang ang lahat ay malaman ang iyong gustong pangarap,
Ang kulang nalang sig**o, kumuha ng speaker at humiyaw "pilot po!" sa bingi niyong g**o

Teka, pangarap?
Mga tipong lovelife lang ang nasa isip ng aking mga kaklase
Mga minutong nagkasabay lang sa pagpulot ng lapis sa tabi
Na ang kapalit ay isang mahabang ayiiiiiii
Sabay lingon, harap, likod, tabi,

Na parang naghahanap ng pwedeng tumulak upang siya ay masalo kapag bumagsak,
Upang maamoy na rin ang kaniyang buhok na amoy bulaklak
Sabay sabi, TRIPLE KILL!

Ngunit babalik tayo sa kasalukuyan,
Napakalayo na ng narating,
Mga tipong bagay na pinapagalaw
Kahit na pilot ang gustong marating

Natatawa na lang sig**o ang aking ama ,
Nung una gusto, niya akong maging katulad niya.
Pero bakit ba gan’to ?
Pangarap na ang pinag uusapan, crush parin ang gusto niyo!

Pangarap na nga ang kinabukasan
Pero bakit nakahawak paren sa naranasang madilim na nakaraan?
Pero teka, balik tayo sa nakaraan.
Ang saya kasing isipin nung tayo ay bata pa,nung tayo ay nasa eskwelahan

Pero teka, may naalala ang isang makata,
Ang lapis ang naging sandingan ng lahat
Pero kung ihahalintulad ngayon ,
Lapis ang marka sa dinding ng bawat aklat
Haynakoo! Sulat doon, sulat ditto, vandal doon, vandal dito
Mga bata naman talaga oh..

Pero mas naalala ko ang mga panahon na kahit man lang naka score ako gamit lapis
Hindi man sa test, pero kay crush na maganda ngunit ang nipis…
Teka, INIATE RETREAT!

Anubayan laging nauuwi sa lapis,
Tanging hiling lang naman ng isang makata ay simple lamang,

Hindi man lapis ang dahilan kay crush na pangarap magpakailan man,
Hindi parin mawawala ang aking tunay pangarap mag papalipad balang araw at sasabihin
sa kanyang crush na walang ginawa kundi mag bigay motibo

Eto namn si gago nagbibigay ng tsokolate kahit wala namang kayo
Tas makikita ko holding hands sabay kiss sa noo
Ang crush mong jowa na ni diego...
Balang araw pag ako nakatutong sa eroplano
Ako’y lilingon sa inyo sabay ang makata ay mag sasabing ng isang salita,

VICTORY!

12/24/19

22/12/2019

“...I came to know that my history is a beautiful story,
‘Coz I am bought with a price and the truth had come, there’ll be no more lies...”

-from gaining pain to rediscovering hope
-a glimpse
-publishing soon

22/12/2019

“...pangarap na nga ang kinabukasan
pero bakit nakahawak parin sa naranasang madilim na nakaraan...”

-a glimpse
-publishing soon

Website