Moon Kissed

Moon Kissed

Moon Kissed is a collection of unread poems, unsent letters, short stories, midnight meditations, an

06/11/2023

The blessing of letting go πŸ™ƒ

πŸŒ™

23/10/2023

The God of immeasurably more πŸ™Œ

πŸŒ™

20/10/2023

Translation: 'Wag mong ipagpalit ang gusto mo talaga sa gusto mo lang sa ngayon. πŸ™ƒ

πŸŒ™

05/10/2023

πŸ™ƒπŸ™ƒπŸ™ƒ

πŸŒ™

02/10/2023

/maghintay/

πŸŒ™

30/09/2023

This is the sign all you need! You deserve more than that.

πŸŒ™

28/09/2023

God is faithful. He answers in due time.

πŸŒ™

26/09/2023

Always remember that.

πŸŒ™

05/09/2023

To the girl who I was last September,

Hey, I am so glad you still rememberβ€”how lost you were last year of September. It was the season you thought was the darkest and couldn't find a way out. It was that time you were torn into pieces you never anticipated in your entire life. It was that month where you actually felt loved, yet ended up being betrayed and clueless.

They say time heals. Kind of, sure. But truth really does. Though slowly, the truth healed you and every scar of lies that fake love had brought. You thought you were never gonna make it; never gonna smile again; never gonna love life againβ€”but here you are againβ€”standing strong with faith and love to give much more than before. I am so, so proud of you. You thought your heart would only let rage drive you crazy, but you choose forgiveness everytime. You thought your mind would continue to be paralyzed with unanswered questions and unnecessary drama, but you firmly decided when to stay still and laugh. You never thought that you were actually patient and gentle as days had passed. You've come to realize that you're capable of handling things wisely. You are very strong. You are kindβ€”and it was not because they were to you nor the situation required you to beβ€”but because you have learned that kindness is real power.

It is true that anything can happen in a year. As in anything. And here you are, now living the dreams you once buried last year. I'm happy that you are happier now. Please know that I am always rooting for you.

Love,
The girl who is proud of you this year and the years after

-Eia Reyes

πŸŒ™

02/09/2023

πŸ’›πŸ’›πŸ’›

πŸŒ™

29/08/2023

Answered prayer x truest love naman pala πŸ₯²

πŸŒ™

26/08/2023

/ingatan/ 🍰

πŸŒ™

24/08/2023

/becoming/

πŸŒ™

22/08/2023

Aaminin ko, literal na pisikal na pagod minsan ang nararamdaman ko dahil sa dami ng pinagkakaabalahan. Pero habang lalo kong napagtatanto na 'di na ako bumabata, mas lalo kong pinupursige na galingan sa buhay. Napakarami kong pangarap para sa sarili ko, para sa pamilya ko, para sa mga taong nasa paligid ko, at para sa mga taong makikilala ko pa. Ewan, baka gano'n talaga ako bilang taoβ€”maliit pero napakalaki ng mga gustong abutin sa buhay. Ako 'yong tipong kapag may pagkakataon, hangga't kaya, hangga't pinahihintulutan ng panahon at sitwasyon, sinusunggaban ko ang bawat bukas na oportunidad. Ayokong may sinasayang. Minsan lang lumapit ang tsansa na pumapanig pati ang takbo ng mundo. Pili lang ang binibigyan ng pabor. Kaya 'pag lumapit sa 'yo, kunin mo...angkinin mo.

Sa tuwing maiisip o mararamdaman kong napapagod na ako sa ginagawa ko, babalik ako sa umpisaβ€”sa kung saan at bakit ako nagsimula. Kinukumbinse ko ang sarili kong "Ginusto ko 'to, kaya paninindigan ko (haha)." Kinakausap ko nang masinsinan ang sarili ko na ang mga bagay na mayroon ako ngayon ay mga bagay na idinalangin ko noon sa Diyos. At ngayon na unti-unti nang nagaganap ang mga ito, walang nararapat na panahon para umatras o sumuko. Naniniwala akong tinugon ng Diyos ang panalangin ko, kaya bakit ako bibitaw? Alam kong hindi Niya ako ilalagay sa sitwasyon na magiging alanganin ako at iiwanan lang nang basta sa dulo. Oo, napapagal, nakahihingal din maghabol sa pangarap minsan. Pero puwedeng magpahinga sandali, tapos laban ulit.

May mga araw talaga na sagad sa buto ang pagod. Pero sa 'di malamang rason, masaya ang puso ko. Payapa ang isip. At gising na gising ang diwa ko.

Minsan, tinatanong ko na lang ang sarili ko kung paano nangyayaring ang lahat ay nagiging posible. Nakagugulat kung minsan dahil nagagawan ng paraan ang mga bagay-bagay; bigla-biglang may pabor sa bawat sitwasyon. Pero isa lang ang alam ko:

Minsan, hindi naman pala natin kailangang alamin kung "paano". Kung minsan, kailangan lang nating malaman kung "sino". (I don't know HOW, but I know WHO).

Alam ko kung sino palagi ang kasama ko.

Kaya kung nangingibabaw ang pagod o antok o hingal o katamaran o pagsuko minsan, lagi mo lang alalahanin kung sino'ng kasama mo. Tiyak, Siya, hindi napapagod, hindi natutulog, hindi sumusuko, hindi nanghihina, at hindi natatalo.

Kaya laban lang. May pabor palagi ang Diyos sa mga umaasa sa Kanya. Wala pang nabibigo na sinuman na nagtiwala sa Kanya.

(Photo and words by Eia :))

21/08/2023

/posible/

πŸŒ™

17/08/2023

/araw-araw/

πŸŒ™

14/08/2023

/puwede/

πŸŒ™

11/08/2023

πŸŒ™

07/08/2023

/used to/

πŸŒ™

03/08/2023

/paano/

πŸŒ™

28/07/2023

/pangako/

πŸŒ™

25/07/2023

πŸ₯ΉπŸ₯ΉπŸ₯Ή

πŸŒ™

21/07/2023

Now playing: Dear John

πŸŒ™

20/07/2023

Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you...

Happy Day πŸŒ™

17/07/2023

Don't we deserve closure too?

πŸŒ™

14/07/2023

Espesyal sa 'yo pero pamilyar lang pala sa kanya...

πŸŒ™

10/07/2023

...dahil hindi lahat ay nakatakdang manatili.

πŸŒ™

06/07/2023

/supposed/

πŸŒ™

Photos from Moon Kissed's post 30/06/2023

God's favor indeed comes in different forms.
June's been amazing! Thank You, God! πŸ’›

πŸŒ™

16/06/2023

Madaya ka. Ang layo mo pero hindi ka nakalilimot. Hindi mo man laging sinasabi, pero alam kong palagi mo akong iniisip. Kinukumusta mo ako sa paraang hindi halata. Naaalala mo ako kahit ilang milya ang layo natin sa isa't isa. Inaalala mo ako sa bawat dilaw na bagay. Kahit sa sinag ng araw o liwanag ng buwan, ang ngiti ko ang una mong nakikita.

Malayo ka sa inaasahan kong pag-ibig. Ikaw 'yong tipong dahan-dahan, tapos naging biglaan. Akala ko dati, malabo nang makaranas ng ganitong klaseng kilig. Nang ganito kasigurado. Nang ganito kalalim. Pero mali na naman ako ng akala. Malayong-malayo ka sa huling taong nanakit sa akin. Napakalayo mo sa kanya na gusto ko sana lagi tayong magkalapit. Magkadikit. Magkatabi. Dito ka na lang. Sabay nating titigan ang ganda ng buwan sa gabi. O sumayaw sa malalaking patak ng ulan.

Madaya ka. Dumating ka nang walang pasabi. Ikaw 'yong panaginip na hinding-hindi ko gugustuhing magising. Ikaw 'yong kuwento na wala akong balak tapusin. Malayo ka man o malapit, naaalala kita palagi. Sa pagtulog man o paggising. Sa liwanag man o dilim.

- Eia

/Malayo/
Request mula kay Merylle :))

πŸŒ™

12/06/2023

/malayo/

πŸŒ™

06/06/2023

Patience is a love language. πŸ’›

πŸŒ™

31/05/2023

Kapag hindi kinaya ng ngiti o tawa ang saya na nararamdaman mo, iiyak mo. πŸ’›

πŸŒ™

See:
https://www.wattpad.com/user/EiaReyes

28/05/2023

πŸŒ™

See:
https://www.wattpad.com/user/EiaReyes

26/05/2023

Sa mga panahong gusto mo nang bumitaw, kumapit ka sa isang dahilan. Alalahanin mo 'yong nag-iisang rason kung bakit ka pa lumalaban. Subukan mo ring lumingon. Kahit tatlong segundo. Tapos pilitin mong kalkulahin na ang layo na rin pala ng narating mo. Dati ay wala ka pa sa kalahati.

Hindi lahat ng araw ay magaan, alam ko. May mga pagkakataong bumibigat ang bawat hakbang. Nakakatamad na minsang umusad. Dahil parang walang nangyayari. Parang ang bagal ng pag-usad. Pero hindi kailangang araw-araw ay umuusad. Kung minsan, ang pag-usad ay paghinga lang sandali. Kung minsan, ang pag-usad ay paghinto lang sandali para namnamin ang pagkakataon. Masyado ka kasing nakatuon sa pag-andar na nakalilimutan mong huminto sandali para damhin o maranasan ang mga bagayβ€”ang saya, ang katahimikan, ang maliliit na bagay, ang ngumiti, ang humalakhak, ang makinig, at ang magpasalamat.

Tandaan mo, umuusad ka araw-araw. At ang pag-usad ay hindi nangangahulugang dapat ay laging may paggalaw. Kadalasan, ang pag-usad ay pagpikit at paghinga nang malalim sandali; pagkatuto; pagtuklas sa iyong sarili; pagbuhos ng pagmamahal sa mga gusto mo pang gawin; pagngiti nang mas malaki; o pagtitiwala sa magagandang puwede pang mangyari; pagpiling maghilom; mag-isip nang mas malalim; o umibig nang walang takot o hindi alanganin.

Uulitin ko. Umuusad ka. Hindi man sa paraang gusto mo o sa tiyempo na nais mo, pero umuusad ka. Kung wala pang nagsasabi nito sa 'yo, ipinaaalala ko sa 'yo, umuusad ka.

- Eia Reyes

πŸŒ™

Timeline photos 19/05/2023

Lamona? πŸ‘€

Baka nga...

Join
facebook.com/groups/bwlabsrants
JOIN US LIVE EVERY WED & THURSDAY 9PM-11PM
FULL EP atπŸ‘‡πŸ½
www.spotify.com/BoilingWatersPH
Watch on Youtube πŸ‘‰πŸ½bit.ly/BWonYoutube

16/05/2023

Ikaw ang tulang mahirap isulat. Ang hirap mong ilagay sa iilang salita dahil napakaraming bagay ang maaaring maglarawan sa 'yo na hindi ko pa alam. Masyado kang malihim. Masyado kang tahimik. Isa kang sikretong iniisip ko kung paano tutuklasin. Ang hirap mong isulat. Ang hirap na hindi ko pa alam kung ano ang huling bagay na nakapagpangiti sa 'yo, o kung sino'ng huling taong nanakit sa 'yo. Gusto kong malaman. Para alam ko 'yong mga dapat kong iwasan o 'yong mga dapat kong matutunan. Pero ang hirap mong kilalanin. Masyado kang mahiyain. Ikaw 'yong tipong kailangan ko pang isipin kung ano'ng ibig mong sabihin sa mga salitang lagi mong sinasabi. Isa kang hiwaga. Pero nahihirapan akong mahuli ang iyong mahika. Ang dalangin ko, huwag akong mapagod na tuklasin ka o intindihin ka. Para kapag dumating ang pagkakataong handa ka na, makikinig ako. Tatandaan ko ang lahat ng paborito at ayaw mo. Kakabisaduhin ko ang mga nakagawian mo, pati ang detalye ng mukha mo. Para sa panahong muling naging tahimik ka, alam ko na. Kabisado na kita. At handa na akong isulat ka.

πŸŒ™